You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

DIAGNOSTIC ASSESSMENT TOOL IN


EPP IV (ICT and Entrepreneurship)

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Ang serbisyo ay isang uri ng paglilingkod o pagsisilbi gamit ang mga kaalaman at kasanayan sa
lipunan. Alin sa mga sumusunod ang HINDI uri ng serbisyo?
A. durable goods C. propesyonal
B. kasanayan D. teknikal

2. Si Mang Anton ay isang magaling na karpintero. Siya ang palaging natatawag sa kanilang barangay
upang mag-ayos ng bahay. Anong uri ng serbisyo ang kaniyang ibinibigay?
A. kasanayan C. propesyonal
B. manwal D. teknikal

3. Pagmamaneho ng traysikel ang ikinabubuhay ng pamilya ni Mang Andres. Siya ay isang masipag
na drayber na kinagigiliwan ng lahat. Sa anong serbisyo nabibilang ang pagmamaneho?
A. kasanayan C. propesyonal
B. manwal D. teknikal

4. Magaling na abogado si Atty. Celeste Marcelo. Naipapanalo niya ang mga kasong kaniyang
hinahawakan. Sino ang mga taong nangangailangan ng angkop na serbisyo ni Atty. Marcelo?
A. may kapansanan C. taong nasasakdal
B. nasunugan D. mamimili

5. Upang hindi mainip o mahirapan ang mga kostumer, ikaw ay naglagay ng mga upuan, electric fan
at mga diyaryo o magasin na maaaring mabasa sa iyong itinayong negosyo. Anong
pangangailangan ng kostumer ang iyong naibigay?
A. ginhawa C. suporta
B. respeto D. tulong

6. Nagtayo si Aling Marina ng computer shop. Inayos niya ang lahat ng papeles upang maging
lehitimo at legal ang kaniyang negosyo. Anong kailangan niyang isabit o idikit sa lugar na makikita
bilang patunay na legal ang serbisyong iniaalok?
A. Business Permit C. Family Pictures
B. Certificate of Recognition D. Medals

7. Nais mong magtayo ng negosyo na nagbebenta ng mga kasangkapan na yari sa kahoy. Anong
ahensya ng pamahalaan ang kailangan mong kuhanan ng clearance upang matuloy ang iyong
negosyo?
A. National Food Authority
B. Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
C. Department of Environment and Natural Resources
D. Technical Education and Skills Development Authority
8. Si Rosa ay mahilig makipagchat sa kaniyang mga kaklase ngunit madalas ay gumagamit siya ng
ALL CAPS sa kaniyang mga mensahe. Anong ibig sabihin o ipabatid sa paggamit ng malalaking
letra sa discussion forum?
A. mahinahon C. mahalaga
B. naninigaw D. nararapat
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng responsableng pamamaraan sa pagsali sa mga
discussion forum at chat?
A. paglalagay ng lahat ng detalye tungkol sa sarili
B. paggamit ng mga tamang pananalita sa pakikipagchat
C. paggamit ng emoticons kung angkop ang pinag-uusapan
D. pinag-iisipang mabuti ang pagsali sa kahina-hinalang website

10. Hindi kaagad nakasali si Mika sa kanilang talakayan sa discussion forum. Hindi niya naintindihan
ang mga naunang usapan. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Mag log-out na lang sa forum.
B. Huwag nang sumali sa discussion forum .
C. Magtanong muli sa forum upang maging paulit-ulit.
D. Basahin ang mga naunang post sa forum upang hindi paulit-ulit.

11. Huwag magpapadala ng mga files na hindi nababasa at maaaring may nilalaman na
_____________ na pwedeng maging sanhi ng pagkasira ng mga files at computer units.
A. post C. computer virus
B. chat D. smiley-face

12. Nais mong magsaliksik ukol sa iyong takdang-aralin sa EPP. Ano ang tamang hakbang sa
paggamit ng search engine?

I. Siguraduhing updated ang mga datos o impormasyong gagamitin.


II. Piliin ang tamang wika sa nais hanapin sa napiling search engine.
III. Maaaring maglagay ng domain o site kung saan gustong hanapin ang iyong hinahanap.
IV. Siguraduhing tama at angkop ang mga terminong lumilitaw upang maiwasan ang pagkalap ng
mga maling impormasyon.

A. IV-III-II-I C. II-I-III-IV
B. II-III-I-IV D. IV-I-III-II

13. Isang mahalagang kasanayan ang pangangalap ng impormasyon gamit ang web browsers at mga
search engines. Anong search engine ang pinakasikat sa ngayon at madalas na ginagamit ng mga
tao sa buong mundo?
A. Ask.com C. Google
B. Bing D. Yahoo

14. Upang makatiyak ka na mapagkakatiwalaan at de-kalidad ang mga impormasyon, anong website
sa internet ang iyong hahanapin kung saan makukuha ang lahat ng mga datos at impormasyon
tungkol sa edukasyon sa buong Pilipinas?
A. www.bfar.gov.ph C. www.doh.gov.ph
B. www.deped.gov.ph D. www.dost.gov.ph

15. Isa sa iyong takdang-aralin ang pagkuha ng mga tamang datos ukol sa kalusugan. Anong website
ang iyong hahanapin upang malaman ang mahahalagang impormasyon tungkol sa COVID-19 sa
buong bansa?
A. www.bfar.gov.ph C. www.doh.gov.ph
B. www.deped.gov.ph C. www.dost.gov.ph

16. Anong maaari mong gawin upang mapagsama-sama ang dalawa o higit pang magkatabing cells
para maging isang cell?
A. delete C. merge cell
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

B. insert D. wrap text

17. Kadalasan ginagamit ng mga negosyante ang electronic spreadsheet sa pagkwenta ng kanilang
kita sa negosyo. Anong bahagi ng electronic spreadsheet ang inyong magiging guide sa
pagsasaayos ng mga text tulad ng pagpili ng font, pagpapalaki ng letra at iba pa?
A. Formatting Toolbar C. Menu Bar
B. Formula Bar D. Task Pane

18. Negosyo ninyo ang hardware. Gumagamit kayo ng electronic spreadsheet upang mapabilis ang
pagtutuos ng inyong kita. Anong basic function ang iyong gagawin upang makuha ang kabuuang
bilang ng mga numerical na datos ng mga piniling cells?
A. Average Function C. Max Function
B. Count Function D. Sum Function

19. Sa paggawa ng formula sa electronic spreadsheet, sa anong simbolo nagsisimula ito?


A. + C. x
B. - D. =

20. Paano mo maipapakita ang =A5+A6+A7 sa pinaikling paraan ng pagtutuos gamit ang electronic
spreadsheet?
A. =A5(A6+A7) C. =SUM(A5:A7)
B. =SUM(A5+A6+A7) D. =SUM(A5,A7)

21. Ang iyong pamilya ay may negosyo na pagtitinda ng lutong ulam. Nais mong malaman kung ano
ang inyong kabuuang kita sa tatlong araw. Anong formula ang iyong gagawin upang matuos ang
average na kita ng ginataang kalabasa?

A. =(C6+D6+E6)/3 C. =(C6-E6)/3
B. =(E6-C6)/3 D. =(B6-C6:E6)/3

22. Mayroon kang proyektong gagawin ukol sa paggawa ng diagram. Anong uri ng diagram ang iyong
gagamitin kung gusto mong maipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga gawain batay sa uri ng
programa?
A. Cycle Diagram C. Flowchart
B. Fishbone Diagram D. Venn Diagram
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

23. Anong command sa menu bar ang iyong pipindutin upang makita ang sukat ng papel, margin at
orientation na maaaring gamitin sa paggawa ng dokumento?
A. Home C. Page Layout
B. Insert D. References

24. Gumagawa ka ng takdang-aralin ukol sa sanhi at bunga. Nais mong ipakita ito sa pamamagitan ng
diagram. Anong angkop na diagram ang iyong gagamitin na makatutulong sa iyo sa pagsusuri ng
problema?
A. Cycle Diagram C. Flowchart
B. Fishbone Diagram D. Venn Diagram

25. Isang dokumento ang iyong gagawin na naglalaman ng chart para sa iyong report. Alin ang tamang
pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa paggawa ng dokumento na may chart?
I. I-save ang ginawang dokumento.
II. Hanapin ang Microsoft Word.
III. Piliin ang blank document at lagyan ng tamang sukat ng papel,
margin at orientation.
IV. I-click ang insert sa menu bar at piliin ang chart na nais gagamitin.

A. II-IV-III-I C. II-III-IV-I
B. III-IV-II-I D. II-IV-III-I
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

SUSI SA PAGWAWASTO (EPP5-ICT/IE):

1. A
2. A
3. A
4. C
5. A
6. A
7. C
8. B
9. A
10. D
11. C
12. B
13. C
14. B
15. C
16. C
17. A

You might also like