You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan (EPP) 5
Entrepreneurship / ICT
Natutukoy ang Angkop na Search Engine sa Pangangalap ng
Impormasyon
Ikalawang Markahan – Ika-anim na Linggo

Myrna R. Teope
Writer

Jessa B. Ables Ernah T. Diaz Elizabeth D. Limson


Validators

Virginia P. Cagampang
Dr. Jane May C. Valbuena at Dr. Antonio C. Gagala
Quality Assurance Team

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Sa tulong ng SLeM na ito, inaasahang:
1. natutukoy ang angkop na search engine sa pangangalap ng
impormasyon;
2. nagagamit ang advanced features ng isang search engine sa pangangalap
ng impormasyon; at
3. naipamamalas ang kawilihan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng
gawain sa pangangalap ng impormasyon gamit ang iba’t-ibang search
engine.

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot. Hanapin ang sagot sa Hanay B na
hinihihingi ng Hanay A.

Sagot Hanay A Hanay B


1. May kakayahan itong magsalin-wika at isa sa A. Search engine
pinakapopular na web browser.
2. Ang search engine na ito ay bunga ng B. Search button
kolaborasyon ng Microsoft at Yahoo
3. Aling search engine ang kilala bilang email C. I’m feeling
provider site at dating yellow page directory? happy
4. Sa pamamagitan nito nagkakaroon tayo ng D. Yahoo Search
malawakang ugnayan sa buong mundo.
5. Ito ay isang electronikang gamit upang mas E. Search Box
mapadali ang pagproseso o paghahanap ng mga
bagay tulad ng dokumento.
6. Dito tina-type ang keyword na gagamitin sa F. Bing
pagsasaliksik.
7. Ito ay isang software system na ginagamit sa G. Computer
paghahanap ng impormasyon sa internet.
8. Ito ay ginagamit pagkatapos i-type ang H. Advance
keyword, at pindutin ang enter key sa keyboard Features
upang masimulan ang pagsasaliksik.
9. Ito ay direktang pumupunta sa webpage I. Internet
matapos i-type ang keyword, na sa palagay ng
Google ay pinakaangkop sa kailangan at madalas
din ang unang search result.
10. Ito ang ginagamit upang mas maging tiyak J. Google chrome
ang pangangalap ng impomasyon gamit ang isang
key word.

2
Basahin ang usapan ng magkaklase na sina Jethro at Mae.
Mae: Jethro, handa ka na ba sa iuulat mo sa Lunes?
Jethro: Hindi pa Mae, dahil hindi ko pa tiyak kung tama ang nasaliksik ko
sa internet tungkol sa paksang ibinigay sa akin ng ating guro na si Gng.
Myrna.
Mae: Ganun ba? Anong web browser ba ang binuksan mo?
Jethro: Nalilito kasi ako dahil napakaraming site ang tumatalakay sa
paksang ibinigay sa akin.

A. Sagutin ang mga tanong:


1. Naranasan mo ba ang naranasan ni Jethro sa pananaliksik? Ano ang ginawa
mo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Nasubukan mo na ba ang magsaliksik gamit ang kompyuter at internet?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Paano kaya ang wastong pangangalap at pagsasaayos ng impormasyon
lalo na sa pamamagitan ng ICT?
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
4. Bakit kailangang matutuhan ang kasanayan sa pangangalap ng impormasyon
gamit ang computer at internet sa tulong ng mga search engines?
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Panuto: B. Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman at kasanayan?


Lagyan ng tsek ( ) ang hanay ng thumbs up icon kung taglay mo na o thumbs
down icon kung hindi pa.

Kaalaman / Kasanayan

1. Nakapagsasaliksik ako gamit ang computer at


internet.
2. Naipaliliwanag ko kung ano ang search engine.
3. Nakagagamit ng search engine sa pagkalap ng mga
datos.
4. Nakagagamit ako ng angkop na keywords sa
pagsasaliksik.
5. Nauunawaan ang kahalagahan ng mga search engine
upang mapadali ang pagsasaliksik

3
1. Ano ang search engine?
2. Paano i-access ang mga ito sa pagkalap ng mga impormasyon?
Ang Search Engine ay isang
programa o software system sa
computer na tumutulong upang
maghanap ng mga dokumento,
musika, video, imahe o larawan sa
pamamagitan ng paglalagay ng mga
salitang hahanapin o keyword sa
internet o sa World Wide Web (www).
Narito ang ilan sa mga kilalang
search engines na maaari mong
gamitin: Google, Yahoo, Bing, Search,
Ask, Aol Search, Wow, Web Crawler,
MyWebSearch, Infospace, Info,
DuckDuckGo, Blekko, Contenko,
Dogpile, Alhea, Alta Vista at Lycos, at iba pa.
Ayon sa pag-aaral, may tatlong nangungunang search engine, ito ay ang
Google, Yahoo Search at Bing. Narito ang ibat-ibang kakayahan at katangian ng
tatlong search engine na maaaring makatulong sa mas mabilis at mabisang
pangangalap ng impormasyon.

https://www.google.com https://www.yahoo.com https://www.bing.com


1. May kakayahan ito na 1. Ang Yahoo Search 1. Ang search engine
magsagawa ng advanced kilalang dating yellow na ito ay bunga ng
search. page directory kolaborasyon ng
2. Ito ay may espesyal na 2. Kilala ito bilang isang Microsoft at Yahoo.
feature para sa paghahanap email provider site. 2. Ang mga resultang
ng mga pang-akademiko at 3. Ang mga resultang inilalabas nito ay
mas siyentipikong akda inilalabas nito ay ayon sa nakabatay sa kalidad
gamit ang Google Scholars. kahalagahan ng nais ng artikulo o website.
3. Naglalabas ito ng mga hanapin. 3. Ang paghahanap ay
resultang nakabatay sa 4. Wala itong nakabatay sa titulo ng
pinakapopular o pinaka- kakayahang magsalin- artikulo.
madalas dalawin na wika ng mga pahina. 4. Nakapaghahanap
websites. 5. Ang mga ginamit na ito ng mga produkto,
4. Ito ay maaaring magsalin- salita bilang keywords sa balita, music, video at
wika ng mga pahina batay sa paghahanap ay makikita iba pa.
awtomatikong wika na sa titulo ng artikulo.
itinakda sa setting. 6. Ito ay may
5. May kakayahan din itong kakayahang maghanap
maghanap ng mga videos ng mga lokal na resulta
dahil isa rin sa kanilang dahil mayroong mga
produkto ang Youtube. lokalisadong bersyon.

4
Narito ang mga hakbang kung paano ma-access ang search engine:
1. Pumili ng search engine mula sa 2. Mamili ng mas angkop na keywords
mga nabanggit. I-type ang pangalan o phrases na inyong kailangan sa
ng napiling search engine at hinahanap na paksa.
pindutin ang (Enter) sa keyboard.

3. I-click ang (search) o pindutin ang 4. Lalabas ang iba’t ibang site na
(Enter) key sa inyong keyboard naglalaman ng paksang inyong
kapag may napili na. hinahanap. Aralin o tingnan ang
resulta.

Ang mga halimbawa ng search engine na ibinigay sa itaas ay nagtataglay din


ng tinatawag na advanced features. Nakatutulong ang mga ito sa paghahanap ng
tumpak na impormasyon upang maiwasan ang pangangalap sa libo-libong resulta
na hindi naman magagamit lahat.
Ang mga sumusunod ay ang mga hakbang na maaring gawin kapag
gagamitin ang susunod na bahagi ng Advanced Feature ng search
engine.
1. Subuking gamitin ang advanced 2. I-click lamang ang “Settings” at may
feature ng isang search engine lalabas na isang box kung saan makikita
tulad ng google sa pangangalap ng ang iba’t ibang pamimilian. Piliin ang
impormasyon. “Advanced search”.

5
3. Pagkatapos pindutin ang 4. Ilagay ang salitang nais hanapin sa
“Advanced search”, dadalhin kayo loob ng quotation marks (“”) sa
nito sa susunod na pahina. Sa paksang nais tukuyin na may higit sa
unang box dapat ilagay ang mga isang salita (tambalang salita).Hal.
salitang nais hanapin sa internet. “rubber boat”

5. Samantalang sa ikatlong kahon. 6. ginagamitan ito ng simbolo na gitling


Ilagay ang salitang nais hanapin. (–) sa unahan ng salita na hindi nais
Kailangang ilagay ang “OR” sa isama sa pangangalap.
pagitan ng mga paksa na nais Hal. –Boots, -ship, -gloves, -mats, -tape.
hanapin. Hal. Natural OR synthetic

7. Maglagay ng panukat kung 8. Pumili ng nais na wika. Hal.Filipino,


kailangan. Hal. 10.35kg French, English

9. Pumili ng nais na rehiyon o bansa 10. Pumili ng taon o oras kung kailan
Hal. Filipino , English, Afghanistan huling nabago o nalathala ang
impormasyon. Hal. Anytime, past week,
past 24 hrs, Past year

6
11. Maaaring ilagay ang piling 12. Pumili ng lugar sa pahina kung saan
website o domain. Hal. gov.ph – nais makita ang paksa. Hal. Anywhere in
kung website ng isang ahensiya ng page, In the title of the page, In links to
gobyerno ng Pilipinas. edu – kung the page
website ng isang educational
institution

13. Pumili ng filter kung ninanais 14. Pumili ng nais na format. Hal. .pdf
na hindi isama ang mga sanggunian (portable document format) .ppt
na may nilalamang seksuwal. Hal. (powerpoint) .doc (document)
Filter explicits results

Magsagawa ng matalinong pagsasaliksik tungkol sa mga sumusunod na


mga paksa. Ibigay ang keywords na ginamit at ang mga impormasyong nakuha sa
bawat paksa. Sasagutin ito sa pamamagitan ng paggamit ng isang search engine
gamit ang internet.
Mga Paksa Keyword Impormasyong nakuha
na ginamit
1. Ang Epekto ng Pandemyang COVID
-19 sa bansang Pilipinas
2. Mga dapat gawin ng mga kabataan
sa kanilang tahanan sa panahon ng
Coronavirus Pandemic
3. Mga alternatibong paraan ng pag-
aaral ang dapat kaharapin sa
panahon ng pandemya
4. Ang epekto ng sobrang paggamit ng
multimedia sa mga mag-aaral
5. Mga hanapbuhay na maaaring
gawin gamit ang internet

7
Ang Search Engine ay isang programang ginagamit upang
matukoy at mahanap ang dokumento gamit ang isang keyword o salita.
Sa pamamagitan ng computer at internet, maaari tayong
makapagsaliksik at mangalap ng makabuluhang impormasyon sa mabilis
na paraan gamit ang web browsers at search engines.
Bagaman may iba-ibang mga feature ang mga search engine,
makatutulong pa rin ang pagkuha ng impormasyon gamit ang isa o
dalawang search engine upang masala at mahusay na makapangalap ng
mga datos na kakailanganin.
Ang Advanced Features ng search engine ay nakatutulong sa
paghahanap ng tumpak na impormasyon. Bagaman may ganitong feature
ang search engine, marapat pa ring mag-ingat sa mga kukuning mga
impormasyon o datos mula sa internet upang ipakita ang pagiging
responsable sa paggamit nito

A. Panuto: Gamit ang iyong kasanayan sa pagsasaliksik o pangangalap ng


impormasyon gamit ang search engine, punan ang sumusunod na talaan:
Mga Paksa Sintomas Sanhi Lunas
1. Covid -19 Pandemic
2. Asthma
3. Diabetes
4. Malnutrisyon
5. Pneumonia

B. Magsagawa ka ng isang panayam sa iyong pamilya o kamag-anak na


propesyonal o kaya ay nagtatrabaho sa isang kumpanya na gumagamit ng internet.
Gamitin ang mga katanungan upang magawa nang maayos ang panayam.
1. Ano ang madalas mong gamiting search engine?
___________________________________________________________________________
2. Ano ang halimbawa ng paksa na karaniwan mong hinahanap?
___________________________________________________________________________
3. Bakit ang search engine na ito ang napili mo sa pangangalap ng impormasyon?
_____________________________________________________________________

4. Ano ang magandang naidudulot ng paggamit ng angkop na search engine?


_____________________________________________________________________

8
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon batay sa paglalarawan
gamit ang mga pangungusap.

Advance Mga Quotation Adobe Acrobat “OR”


Search Setting marks (“”) PDF (.pdf)

Gitling lenggwahe o deped.gov. Anytime Rehiyon


(–) wika ph

________1. I-click lamang ito at may lalabas na isang box kung saan makikita ang
iba’t ibang pamimilian.

________2. Ito ay isa sa mga halimbawa ng domain o site na nasa pang-apat na


kahon. Dito ay maaaring maglagay ng isang site or domain kung saan
mo gustong hanapin.

________3. Ito ay ang inilalagay sa pangalawang kahon, kung nais mong pumili ng
mga pahinang nai-publish sa isang particular na pagmumulan ng
impormasyon.

________4. Ito ay simbolo na ginagamit upang tukuyin kung alin sa mga salita ang
ayaw o hindi kasama sa mga hahanapin sa internet.

________5. Ito ang ginagamit upang mas maging tiyak ang pangangalap ng
impomasyon gamit ang isang key word.

________6. Ang unang kahon na makikita sa bahagi ng Advanced Feature ng search


engine, na dapat pumili ng ____ na nais mong hanapin.

________7. Ito ang ilalagay sa pagitan ng mga salita upang ipakita na alinman sa
mga salitang ito ay maaaring hanapin ng Google.

________8. Ito ay simbolo na nangangahulugan na ang salitang nakasulat sa loob


ng box na ito ay ang eksaktong salitang iyong hinahanap.

________9. Ito ang halimbawang nilalagay na nais na format kapag pipili ka ng uri
ng file na gustong makita o i-save.

______10. Ang kahon na nasa pangatlo, ay tinutukoy na hanapin ang mga pahina
na na-update sa loob ng oras o ang huling pag-update.

9
10. Anytime Advance Search 5.
9. Adobe Acrobat PDF (.pfd) (-) 4.
8. (“ “) Rehiyon 3.
7. OR deped.gov.ph 2.
6. Lengwahe o Wika Mga Setting 1.
Pangwakas na Pagsusulit

10.H 5. G
9. C 4. I
8. B 3. D
7. A 2. F
6. E 1. J
Unang Pagsubok
Susi ng Pagwawasto:

Sanggunian
1. Peralta, Gloria A. EdD, Mata, Marianne M. , De Guzman Jeffrey D.
Department of Education Bureau of Learning Resources ( DepEd-BLR)
Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5 ( Vibal Group 2016)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig
City, Philippines 1600. Pahina 22 – 23.
2. Nicdao, Ruth Merilyn N. (2013). Computer @ Work 6. Neo Asia
Publishing Inc.
Andes, Mhery-Ann S, Andes, Antonio Sr. S. (2012). My Computer
Book 6. National Book Store.
Http//:quipperschool.com (K-12 ICT - grade 5)
3. Leano, Marvin R., Garcia, Edison G., Neri, Alexander D. Ph.D.,
Samson, Ever M., Learning Material EPP 5 Enterpreneuship & ICT.
Pahina 45 - 55

10

You might also like