You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Araling
Panlipunan 5
Pagbubukas ng Daungan:
Bunga ng Pandaigdigang Kalakalan
Ikalawang Markahan – Ikapitong Linggo

Angelo Gamusa
Manunul at
Irene U. Destura
Tagasuri
Dr. Aurora S. Bartolaba
EDizer C. Laqueo
Mariel Eugene L. Luna
Katibayan ng Kal idad

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa Ci ty
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa inyo. Ito ay
naglalayong makatulong na mahasa sa konsepto katulad ng kahalagahang
pangkasaysayan (historical significance) tungo sa pagpanday ng maunlad na
kinabukasan para sa bansa. Ang saklaw ng modyul na ito ay naglalayong
gamitin para sa iba’t ibang sitwasyong matutunan. Ang araling ito ay inayos
para masundan ang pamantayan sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay tumatalakay sa mga pagbabagong pang-
ekonomiya ng kolonyalismong Espanyol sa pamamagitan ng mga
sumusunod:
 Pagbubukas ng Daunagan sa Maynila
 Pagtatag ng mga Bangko
 Sistema ng Transportasyon at Komunikasyon

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Matatalakay ang pagbabagong ekonomiko na ipinatupad ng Espanyol.
2. Masusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng
Espanya sa bansa.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang letra
ng tamang kasagutan sa iyong papel.
1. Ang ____ ay ang kauna-unahang institusyon ng pananalapi sa Pilipinas.
A. banko C. obra maestra
B. mercado D. obras pias
2. Noong 1834, ang lubos na pagbubukas sa daungan ng ______ para sa
pandaigdigang kalakalan.
A. Cagayan C. Davao
B. Cebu D. Maynila
3. Noong 1882 binuksan naman ang kauna-unahang savings bank sa
Pilipinas, ang ______________________.
A. Banco de la Nación Argentina C. Banco Finantia Sofinloc
B. Banco Europeo de Finanzas D. Monte de Piedad y Caja de Ahorros
4. Noong 1893, nagliwanag ang buong Maynila sa pagkakatatag ng
____________.
A. Ferrocaril de Manila C. Las Islas Filipinas
B. La Electricita de Manila D. La Hermana Major

2
5. Ang Quezon Bridge ay dinisenyo ni __________, ang kauna-unahang
suspension bridge sa Asya.
A. François Boucher C. Gustave Eiffel
B. Gustave Courbet D. Pierre Bonnard
6. Tinayo ang unang _____ sa Pilipinas sa bungad ng Pasig River upang
magbigay ng babala sa mga dumaraang malaking sasakyang pandagat sa
Look ng Maynila.
A. paliparan C. parola
B. pantalan D. pasyalan
7. Tuluyang natamasa ang serbisyo ng telepono ang mga taga-Maynila noong
___.
A. 1885 C. 1895
B. 1890 D. 1898
8. Naging bukas sa mga negosyanteng Espanyol at Filipino, ang El Banco
Español Filipino de Isabel II o maskilala ngayon sa pangalang
______________.
A. BDO (Banco de Oro)
B. BPI (Bank of the Philippine Islands)
C. RCBC (Rizal Commercial Banking Corporation)
D. UCPB (United Coconut Planters Bank)
9. Itinayo sa Pilipinas ang kauna-unahang suspension bridge sa Asya, ang
_______.
A. Puente Colgante C. Puente Osmeña
B. Puente Espanya D. Puente Tayuman
10. Binuksan ang serbisyo ng koreo noong ____ sa pagitan ng Maynila at
Hongkong.
A. 1854 C. 1856
B. 1855 D. 1857

Panuto: Punan ang tsart ng mga programang ipinatupad ni Gobernador


Heneral Jose Basco at ang positibong epekto nito sa ekonomiya.

Programa Positibong Epekto


1.
2.
3.

3
Isang malaking pagbabagong naganap sa ilalim ng pamamahala ng
mga Espanyol may kaugnayan sa ekonomikong kalagayan ng bansa bilang
kolonya ng Espanya. Nilalayon ng Espanya na maging makapangyarihan g
bansa sa daigdig. Batay sa merkantilismo, kung saan naging tagapamagitan
ang pamahalaan sa pagtataguyod ng kayamanan at kapangyarihan ng
estado. Nagpatupad ang Espanya ng mga patakarang pang-ekonomiya sa
Pilipinas.

Noong 1834, ang lubos na pagbubukas sa daungan ng M aynila para


sa pandaigdigang kalakalan. Nangunguna ang mga dayunhang Briton,
Pranses at Amerikano sa kalakalan. Nagtayo sila ng mga bahay-kalakal sa
iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at naging dahilan narin ng pagbubukas ng
daungan sa Sual, Pangasinan noong 1855; Iloilo at Zamboanga noong 1855;
Cebu noong 1860; at Tacloban at Legazpi noong 1873.

John T ew ell,"An early view of the Mouth of P asig River, Manila, P hilippines,
1800s",image,https://tinyurl.com/y57e6qnn on 9.11.20
Bukana ng Ilog Pasig c1800

Tumaas ang halaga ng mga produktong tulad ng asukal, tabako at


indigo. Sa paglago ng kalakalan, lumago din ang salapi at capital ng mga
tao. Itinayo ang mga bangko sa Pilipinas upang mahusay na
mapangasiwaan ang sitema ng pananalapi sa kolonya.

4
Ang kauna-unahang institusyon sa pananalapi na itinatag sa kapuluan
ay ang Obras Pias. Ito ay isang pang-kawanggawang pundasyon na itinayo
ng simbahan upang tumanggap ng donasyon.Lumaki ang nalikom na pondo
sa Obras Pias na kadalasang pinuhunan ng mga prayle sa kalakalang
galyon.Sa kalaunan ginamit ang Obras Pias bilang bangkong komersiyal na
nagpapahiram ng puhunan sa mga negosyante.

Noong 1882 binuksan naman ang kauna-unahang savings bank sa


Pilipinas, ang Monte de Piedad y Caja de Ahorros. Binuksan din ang
kaunahang bangkong Espanyol na naging bukas sa mga negosyanteng
Espanyol at Filipino, ang El Banco Español Filipino de Isabel II na sa
kasulukyang panahon ito na ngayon ang Bank of Philippine Islands (BPI).

El Banco Español Filipino


de Isabel II
NCCA Official,"Banco Español-
Filipino",image,https://tinyurl.com/y49w
boxo on 9.11.20

Nagbukas din ng banko ang mga mangangalakal mula Britanya sa


Pilipinas. Ito ang Chartered Bank of India, Australia and China noong 1872
at ang Hongkong Shanghai Banking Corporation noong 1875.

Upang mapabilis na makarating ang mga kalakal mula sa ibang’t ibang


lalawigan dito ipinakilala ang mga bagong sistema ng transportasyon at
komunikasyon.
 Tinayo ang unang parola sa Pilipinas sa bungad ng Pasig River upang
magbigay ng babala sa mga dumaraang malaking sasakyang pandagat sa
Look ng Maynila.

5
John T ew ell,"Manila and Dagupan Railw ay, Neilson & Co., Glasgow , P hilippines,
1890",https://tinyurl.com/y2yhvlq6 on 9.11.20
MANILA-DAGUPAN RAILWAY 1890

 Binuksan sa publiko noong 24 ng Nobyembre 1892 ang unang riles sa


bansa, ang Ferrocaril de M anila (Manila-DagupanRailway).
 Tumakbo noong 1892 ang tranvia sa ilalim ng Compania de Los vias De
Filipinas.

John T ew ell,"West end of Escolta Street looking east, Manila, P hilippines, early
1900s",https://tinyurl.com/y2rps6uz on 9.11.20
Tranvia sa may Kalye Escolta c1900

Itinayo sa Pilipinas ang kauna-unahang suspension bridge sa Asya, ang


Puente Colgante (Quezon Bridge). Ito ay dinisenyo ni Gustave Eiffel kilala
sa kanyang obrang Eiffel Tower sa Paris, France.

Noong 1893 nagliwanag ang buong Maynila sa pagkakatatag ng La


Electricita de Manila.Binuksan ang serbisyo ng koreo noong 1854 sa pagitan
ng Maynila at Hongkong. Makalipas na tao, sumunod naman ang telegrapo
noong 1873. naiugnay naman ang Pilipinas sa ibang bansa gamit ang kable
noong 1880. Tuluyang natamasa ang serbisyo ng telepono ang mga taga-
Maynila noong 1890.

6
Sa pagkakaroon ng maayos at matibay na daan, mabilis na
komunikasyon at ugnayan ng mga tao, nagsimula narin ang pag-unlad ng
kaisipan ng tao sa kanilang kapaligiran. Lumawak ang kanilang karungan at
lumaki narin ang pagnanasa ng mga Filipino na lumaya sa kamay ng mga
Espanyol.

John T ew ell,"P uente Colgante, Manila, P hilippine Islands ",


https://tinyurl.com/yxep4zsf on 9.11.20
Puente Colgante (Quezon Bridge)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang


TAM A kung ito ay nagsasaad ng katotohanan at M ALI kung hindi
nagsasaad ng katotohanan ang talata.

1. Lubos na binukasan ang daungan ng Maynila sa pandaigdigang


kalakalan noong 1934.
2. Sa kalaunan ginamit ang Obras Pias bilang bangkong komersiyal na
nagpapahiram ng puhunan sa mga negosyante.
3. Ang mga bagong sistema ng transportasyon at komunikasyon ay
ipinakilala sa ibat-ibang lalawigan upang mapabilis makarating nag mga
kalakal at produkto.

7
4. Tuluyang natamasa ang serbisyo ng telepono ng mga taga-Maynila noong
1590.
5. Binuksan ang kauna-unahang saving bank sa Pilipinas noong 1882.
6. Nangunguna ang mga dayunhang Briton, Pranses at Amerikano sa
kalakalan.
7. Tumakbo noong 1898 ang tranvia sa ilalim ng Compania de Los Tranvias
De Filipinas.
8. Tinayo ang unang parola sa Pilipinas sa bungad ng Pasig River upang
magbigay ng babala sa mga dumaraang malaking sasakyang
panghimpapawid.

Kunin mo ang iyong kuwaderno sa Araling Panlipunan. Isulat ang iyong


natutuhan at magsagawa ng pagninilay hinggil sa iyong pagkatuto mula sa
paksang tinalakay.

Sa araling ito ay nalaman mo ang mga sumusunod:

 Noong 1834, ang lubos na pagbubukas sa daungan ng Maynila para sa


pandaigdigang kalakalan.
 Ang kauna-unahang institusyon sa pananalapi na itinatag sa kapuluan
ay ang Obras Pias.
 Nagbukas din ng banko ang mga mangangalakal mula Britanya sa
Pilipinas.
 Upang mapabilis na makarating ang mga kalakal mula sa ibang’t ibang
lalawigan dito ipinakilala ang mga bagong sistema ng transportasyon at
komunikasyon.
 Noong 1893 nagliwanag ang buong Maynila sa pagkakatatag ng La
Electricita de Manila.
 Tuluyang natamasa ang serbisyo ng telepono ang mga taga-Maynila
noong 1890.

Malaki na ang ipinagbago ng Pilipinas sa larangan ng transportasyon


at komunikasyon makalipas ng maraming taon. Ang pag-usbong ng

8
makabagong teknolohiya ay nagdulot rin ng pagbabago sa pamumuhay ng
mga Pilipino.

Iguhit sa isang bond paper ang epekto ng makabagong teknolohiya sa


larangan ng komunikasyon sa buhay ng isang Pilipino.

Panuto: Buuin ang crossword puzzle gamit ang mga pahayag na ibinibigay
sa bawat bilang.

9
10
Pangwakas na Pagsususlit Gawain Unang
1. Eiffel 1. Mali Pagsubok
2. Ilog P asig 2. T ama 1. C
3. T ren 3. T ama 2. D
4. P arola 4. T ama 3. D
5. T elepono 5. T ama 4. B
6. Quezon Bridge 6. T ama 5. C
7. Koreo 7. Mali 6. C
8. Obras P ias 8. Mali 7. B
9. Bangko 8. B
10. Daungan 9. A
10. A
Susi sa Pagwawasto
Gabuat,M.A.et al.Pilipinas Bilang Isang Bansa.Vibal Group Inc,2016.
Balagtas, M.U. et al.Philippine’ Pride 5.Rex Bookstore Inc,2016.
Sanggunian

You might also like