KONTEKSTO NI RIZAL Aralin 1 : Sistemang Pang ekonomiya Aralin 2 : Sistemang Panlipunan ANG PILIPINAS SA IKA - 19 NA DANTAON SA KONTEKSTO NI RIZAL Pambungad na Salita :
Upang mas higit nating maunawaan ang
buhay ni Dr. Rizal kailangan nating balikan ang mga nakaraang kasaysayan ng ating bansa.Ito ay ang ika-19 na dantaon. ANG PILIPINAS SA IKA - 19 NA DANTAON SA KONTEKSTO NI RIZAL Pambungad na Salita :
Matutunghayan sa aralin na ito ang naging
kalagayan ng Pilipinas sa kamay ng mga dayuhang mananakop noong pagkasilang ni Dr. Rizal. Matatalakay din ang patakarang kolonyal na ipinatupad at kung paano isinulong ng mga kastila ang kanilang mga layunin sa Pilipinas. Sa panahon ng pananakop maraming pagbabago ang naganap sa ekonomiya, edukasyon , kabuhayan at pulitika ng bansa na nakapagpabago sa pamumuhay ng mga Pilipino. Ang mga suliraning kinaharap ng bayan tulad ng maling pamamalakad at sobrang pagmamalabis sa mga mamamayan ang dahilan ng pagkilos ng mga Pilipinong maykaya at nakapag–aral sa pagbuo ng kilusang Propaganda na naging daan upang umusbong ang damdaming nasyonalimo sa mga Pilipino. Mga Paksa :
Aralin 1 : Sistemang Pang ekonomiya
Aralin 2 : Sistemang Panlipunan
Aralin 3 : Sistemang Pampolitika
Aralin 4 : Pagsibol ng Diwang Nasyonalismo
Aralin 5 : Ang Pagkilos ng mga illustrados
at ang kilusang Propaganda Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
A. Natutunton ang mga pagbabagong naganap
sa Pilipinas sa ekonomiya, Panlipunan at pampolitika noong 19 dantaon
B. Nauunawaan si Jose Rizal sa konteksto ng
kaniyang panahon
C. Naipapaliwanag ang paraan ng pakikitungo at
pagtutol ng mga Pilipino sa mga mananakop na Kastila Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
D. Nasusuri ang epekto ng patakarang kolonyal
sa pagsibol ng Diwang Nasyonalismo
E. Nailalarawan ang pagkilos ng mga illustrados
at ang kilusang Propaganda batay sa nagawa at kinahinatnan.
F. Napaghahambing ang buhay ng mga Pilipino
bago dumating ang mga kastila at nang sinakop ng kastila ang bansa. Subukin : a. Magtala ng mga patakarang ipinatupad ng mga kastila na nakapagpabago sa buhay ng mga Pilipino. Ano ang mga naging bisa nito sa kaunlaran ng bayan. b. Ano ang kalakalang Maynila-Acapulco? c. Ilarawan ang edukasyon sa ilalim ng pamamahala ng mga kastila. d. Ano ang pang unawa mo sa salitang Nasyonalismo? e. Isa isahin ang mga salik sa pag usbong ng damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino. Aralin 1: Sistemang Pang Ekonomiya Si Jose Rizal ay naisilang noong ika-19 dantaon, isang panahon sa kasaysayan ng Pilipinas na nakasaksi ng malawakang pagbabagong pang- ekonomiya, panlipunan at pampolitika.
May mga pandaigdigang kaganapan at pangyayari
na hindi man direktang humubog kay Rizal, ngunit masasabi nating naging daan para maging posible ang pagsibol ng isang pagbabago sa buhay ng mga Pilipino at pagbuo sa pagkatao ni Rizal bilang isang dakilang tao. Aralin 1: Sistemang Pang Ekonomiya
Sa pagtatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang
mga sumusunod na kasanayan.
a. Nailalarawan ang sistemang Pang ekonomiya na
ipinatupad ng mga kastila.
b. Naisa-isa ang mga pagbabago sa buhay ng mga
Pilipino dulot ng pagbubukas ng Pilipinas sa kalakalang Pandaigdig.
c. Nasusuri ang naging bisa ng mga monopolyo sa
buhay ng mga Pilipino. A. Ekonomiya Ang Rebolusyong Industriyal na nagsimula sa Hilagang Europa ay nagdala ng malaking pagbabagong sosyo-ekonomiko sa buong mundo. Ito ang nagbunsod sa mga Kastila na buksan ang Pilipinas sa kalakalang pandaigdig. Naging resulta nito ang paglago ng ekonomiya dahil sa pagdagsa ng mga dayuhang negosyante sa ating bansa. Kalakalang Galyon . Ang monopolyong kalakalang ipinatupad ng pamahalaang Espanyol sa Maynila at sa Acapulco ay tinawag na Kálakaláng Galeón. Noong 1565, si Andres de Urdaneta ay naglayag mula Cebu papuntang Acapulco at dito niya natuklasan ang ruta mula sa Karagatang Pasipiko papuntang Mexico. Ipinangalan ang kalakalang ito sa malalaking barkong Galeón na karamihan ay ipinagagawa ng pamahalaang Espanyol sa lalawigan ng Cavite at sa iba pang bahagi ng Filipinas sa pamamagitan ng sapilitang pagtatrabaho ng libo-libong katutubong Filipino. Noong 1565 sinimulan ang Kalakalang Galyon sa Maynila pagkatapos matuklasan ni Andrés de Urdaneta, fraileng Agustino, ang tornaviaje o daanang pabalik mula sa Filipinas patungong Mexico. Nagtagal ang daanan hanggang 1815 noong nagsimula ang Pangkalayaang Digmaan ng Mexico. Nailuluwas ng Galyon sa Maynila ang mga mamahaling bagay tulad ng mga kasangkapan, porselana bulak at pilak .Nagbigay-daan din ang daanan sa pagbabago at pagbabahagi ng kultura na nakahubog sa pagkakakilanlan ng dalawang bansa. Kanal Suez. Ito ay isang artipisyal o likha ng tao na daanan ng mga barko at iba‟t iba pang uri ng sasakyang pangdagat. Makikita ito sa bansang Ehipto na nagkokonekta ng Pulang Dagat(Red Sea) at Dagat Mediterano (Mediterranean Sea).Binuksan ang kanal na ito upang maging daluyan ng pandaigdigang kalakalan at komersiyo, na maaaring gamitin nino man kahit sa panahon ng giyera o kapayapaan. Naging parte ang kanal na ito sa mga hidwaan sa Gitnang Silangan tulad ng digmaang Arab- Israeli. Pagbubukas ng Pilipinas sa kalakalang Pandaigdig Ang pagbubukas nito noong 1869 ay lalo pang nagpabilis sa pagpasok sa bansa ng mga kaisipang liberal tulad ng kalayaan, pagkakapantay- pantay, kapayapaan, at nagpamulat sa maraming Pilipino sa kanilang karapatan. Napadali ang paglabas-masok ng mga mangangalakal at ang sistema ng komunikasyon sa Pilipinas. Nagresulta rin ito ng madaling pagpasok ng mga babasahing aklat na nagsusulong sa kaisipang liberal at rebolusyonaryo. Bagamat ipinagbabawal ang pagbabasa nito, nagsimula namang mamulat ang ilan sa mga Pilipino sa mga kaisipang liberal na matagal nang lumalaganap sa Europa at sa iba pang bansa sa dakong kanluranin. Nagbukas ang Pilipinas sa Kalakalang Pandaigdig. Noong mga huling bahagi ng ikalabinsiyam na siglo ay binuksan ng mga Espanyol ang Maynila sa pandaigdigang kalakalan na nakapagdulot ng maraming pagbabago sa buhay ng mga Pilipino tulad ng mga sumusunod: a. Nakilala ang Pilipinas bilang top exporter ng ilang produkto tulad ng abaka, tabako, at tubo. b. Napabilis ang transportasyon para sa maayos na pagdadala ng mga produkto sa mga iba‟t ibang lugar ng bansa. c. Dumami ang mga bangkong nagpapautang sa mga negosyanteng Pilipino sa Maynila. d. Napabilis ang paglalakbay at palitan ng produkto sa ibang bansa . e. Nakatulong sa pag angat ng pamumuhay ng mga Pilipino. Sa ganitong sitwasyon maraming mga Pilipino ang yumaman dahil sa pagtatanim at pakikipagkalakalan. Sila ang bumuo ng gitnang uri sa lipunan na umusbong noong huling bahagi ng ika-19 na siglo.
Ang mga nabibilang sa gitnang uri ay ang mga nakapag
aral sa Europa at tinawag na Ilustrado o “Naliwanagan”. Sa Hanay nila nagmula sina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar at iba pang mga Pilipino na nagsulong ng reporma o pagbabago.
Paglakas ng Kalakalang Pagluluwas ng mga Ani at
Monopolyo. Sa pakikipagkalakan sa ibang bansa, kinokontrol ng mga Espanyol ang kalakalan. Pinamahalaan nila ang pagbebenta ng mga produktong nabili sa Europa tulad ng tabako. Sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol kumita sila ng malaki sa Kalakalang Galyon. Monopolyo- ay isang klase ng sistemang pangangalakal kung saan tanging nag-iisang korporasyon ang nagtitinda ng isang produkto. Sa pagsapit ng ika-19 dantaon nanaig ang monopolyo sa kalakalang Galyon bagaman pinakinabangan ng mga kastilang may karapatang mangalakal sa galyon, ay hindi nakabuti sa Pilipinas. Una, nasalanta ang kabuhayan ng mga Pilipino dahil sa pagiging pabaya ng mga pinunong kastila na walang inatupag kundi ang pagpapayaman sa galyon. Pangalawa, tanging mga kastila lamang ang nakinabang at kumita sa kalakalang galyon. Ikatlo, napabayaan ang pangangalaga sa mga lalawigan, kaya nang maputol ang kalakalan nagkaroon ng panahon ang mga kastila na asikasuhin ang kani- kaniyang lalawigan. Gawain I : Isulat sa patlang ang tamang sagot sa bawat bilang.
1. Isang monopoly sa kalakalan na ipinatupad ng
pamahalaang Espanya sa Maynila at Acapulco.
2. Ang tawag sa tulong pinansiyal ng Kastila sa
Pilipinas na dala-dala ng galyon.
3. Ang daanan na nagkokonekta sa Pulang Dagat at
Dagat Mediterano na likhang-artipisyal na dinadaanan ng mga barko.
4. Ang tawag sa mga Pilipinong nabibilang sa
gitnang uri at nakapag-aral sa Europa.
5. Isang klase ng sistemang pangangalakal kung
saan tanging nag-iisang korporasyon ang nagtitinda ng isang produkto. Aralin II : Sistemang Pang Lipunan Tatalakayin sa araling ito kung paano kinontrol ng mga prayle and edukasyon at ang pagdami ng mga mestisong tsino at Inquilino sa Pilipinas. Sa pagtatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga sumusunod na kasanayan 1. Naipapaliwanag ang sistema ng edukasyon sa panahon ng mga kastila. 2. Nasusuri ang mga dahilan ng pagdami ng mestisong Edukasyon ay kontrolado ng mga Prayle. Sa kasaysayan ng mga Pilipino bago pa dumating ang mga kastila ay may sariling kabihasnan na. Nang sakupin ng Espanya ang Pilipinas nakarating ang mga misyonerong prayle at pinalawig ang kristiyanismo kasabay na pinakialaman ang edukasyon, sinunog ng mga misyonerong prayle ang mga tala na nakasulat sa mga dahon, banakal at punong kahoy sa paniwalang ang mga ito ay likha ng masasamang espiritu. Bilang bansang mananakop ay naging patakaran ng Espanya ang magturo sa mga nasasakupang mamamayan ng doktrina Kristiyana at magtatag ng mga paaralang magtuturo nito. Hindi nilayon ng mga kastila na magturo ng naaayon sa mundong ito. Relihiyon ang namamayani sa kanilang isipan sapagkat nais nilang maging mabuting mamamayan sa kabilang buhay. Ayon kay Rafael Palma, naging Pangulo ng Universidad ng Pilipinas, sa aklat ni Teodoro Agoncillo, “Ang mga layunin at pakay ng buong paraan ng edukasyon ay maliwanag na itanim at ipilit sa isip ang kabutihan sa pamamagitan ng disiplinang panrelihiyon, at isalin ang karunungan at bagay bagay na nahihingil sa mundo at kalikasan, na ipinalalagay nilang lumilipas at di-palagian, sa mga bagay na nauukol sa buhay na walang hanggan at sa kahanga hangang bagay ng kabilang daigdig”. Ang mga unang paaralan ay mga paaralang parokya o pinamamahalaan ng kura.Tinuruan ang mga bata ng relihiyon, kastila, pagsulat, pagbasa, pagbilang, musika at paghahanap buhay. Nagtatag din sila ng mga paaralang sekundarya upang maihanda ang mga mag- aaral sa mataas na paralan. Ang mga paring Heswita at Dominikano ang nagtatag ng mga kolehiyo. Tulad ng kauna-unahang kolehiyo para sa mga babae, ang kolehiyo ng Santa Potenciana na naitatag noong1594. Naitatag din ang Paaralang Normal noong 1865 para sa babae‟t lalake. Dahil sa pagdami ng mga estudyante nagtayo rin ang mga prayle ng mga Paaralang –Bayan, sapilitan at walang bayad ang pagpasok sa mga paaralang iyan.Tinuturuan ang mga batang lalaki ng Kasaysayan ng Espanya, hiyograpiya, pagsasaka, aritmetika, doktrina kristiyana, pagsulat, pag awit at magandang asal. Ang mga babae naman ay nagbuburda, panggagantsilyo at pagluluto na siyang kapalit ng pagsasaka, hiyograpiya, at kasaysayan ng Espanya. Bukod sa pagtatag ng mga kolehiyo nagtayo rin ang mga prayle ng unibersidad upang makapagpatuloy sa pagkuha ng karera ang mga nagsipagtapos sa mga kolehiyo. Ang kauna unahang unibersidad sa Pilipinas na naitatag ay ang unibersidad ng San Ignacio na itinatag ng mga paring Heswita noong 1589 at ang mga prayleng Dominikano naman ay itinatag ang Colegio de Nuestra Señora del Santisimo Rosario noong 1611 nang lumaon ay naging Colegio de Santo Tomas sa alala ng Dominikanong si Thomas Aquainas noong 1645.Dahil sa atas ni Pope Innocent X naiangat ang antas ng Colegio at naging Universidad. Naging talamak na ang kalupitan ng mga prayle dahil naging bukas lamang ang mga paaralan, kolehiyo at unibersidad sa mga mestisong kastila at pinid ang pinto para sa mag Pilipino. May kautusan ang Hari ng Espanya na ituro sa mga Pilipino ang wikang kastila, ang nangyari‟y hindi sinunod ng mga namamahala sa Pilipinas ang nasabing mga kautusan sapagkat natatakot silang matututo ang mga Pilipino dahil ito ang magiging dahilan ng kanilang paglaban sa mga mananakop. Nabuksan na lamang ang mga paaralan, kolehiyo at unibersidad sa mga Pilipino noong ikalawang hati ng 19 dantaon. Sa likod ng pagiging madamot ng mga prayle sa mga Pilipino sa edukasyon nagkaroon ang Pilipinas ng mga Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. Del Pilar, Cayetano Arellano, Apolinario Mabini at marami pang iba. Mga Pilosopiya ni Rizal ukol sa Edukasyon Mga Pilosopiya ni Rizal ukol sa Edukasyon : Para kay Rizal, ang edukasyon ay isang karapatan Para kay Rizal,para sa lahat naaywalang ang edukasyon sinusukatpara isang karapatan na estado sa lahat nasa lipunan walang para lang sinusukat masabi na estado sakung sino lipunan para lamang lang masabiang kungmay sinooportunidad lamang ang para makapag- may oportunidad aral. para makapag-aral. Angedukasyon Ang edukasyon aysandata ay isang isang sandata para sa pag- para sa pag-usad ng usad ng nasyonalismo. nasyonalismo. AngEdukasyon Ang Edukasyon ang makakapagpalaya ang makakapagpalaya sa tao. sa tao. Makakapagpalaya Makakapagpalaya sa hindi sa hindi makataong makataong dominasyon ng dominasyon bansa. ng bansa. AngEdukasyon Ang Edukasyon ayTanglaw ay isang isang Tanglaw ng Lipunan. ng Lipunan. Angpaaralan Ang paaralan ang saligan ang saligan ng lipunan ng lipunan at angang at ang lipunan lipunan salamin ang salamin ng paaralan. ng paaralan. Pagdami ng mga Mestisong Tsino at mga Inquilino Mestiso .Ang salitang mestíso (mestizo) ay tumutukoy sa mga anak ng mag-asawang magkaiba ang lahi. Noong panahon ng Espanyol, ito ang naging taguri sa anak ng Espanyol o Tsino na ama at ng inang Filipina o Indio o ang kabaligtaran nito. Hindi ipinagbabawal ang pagsasama ng magkaibang lahi. Sa katunayan, kinilala ang mga mestiso bilang isang natatanging sektor ng lipunan simula pa noong 1750. Gayunman, higit na mababà pa rin ang tingin sa kanila kumpara sa mga anak ng parehong Espanyol o Tsino. Dahil dito, mas iniuugnay ang mga mestiso sa grupo ng mga Filipino o Indio kaysa mga lahing Espanyol o Tsino. Karamihan sa mga mestiso bago ang ika-19 na siglo ay mga “Mestizo de Sangley” o mga produkto ng ugnayang Tsino at Filipino. Di tulad ng mga mestisong Espanyol, karamihan sa mga mestisong Tsino ay madaling nakakahalubilo sa mga katutubong Filipino. Dumami lamang ang mga mestisong Espanyol pagsapit ng siglo 19 nang buksan ang Filipinas sa pandaigdigang kalakalan at napadali ang paglalakbay mula sa Espanya matapos buksan ang Kanal Suez. Maraming mga Filipino ang nakapag asawa ng dayuhan dahil sa kanilang pakikipagkalakalan sa Pilipinas. Noong kalagitnaang bahagi ng ika- 19 na siglo, marami na sa mga mestiso ang yumaman, nagmay-ari ng lupa, nakapag-aral at nagkaroon ng posisyon sa pamahalaan. Dahil sa hangaring tumaas ang pagkilala sa kanila sa lipunan, at bilang pakikiisa sa ibang inaaping sektor, naging aktibo ang mga mestiso sa usapin ng sekularisasyon ng mga parokya, sa Kilusang Propaganda, at sa Himagsikang 1896. Isang halimbawa si Dr. Jose Rizal na may lahing mestiso. Inquilino. Ang mga inquilino sa Pilipinas ang nagpapaupa o nagbebenta ng mga lupang ibinenta sa kanila ng mga prayle. Sila rin ang nagsisilbing tagapamahala ng mga lupaing pagmamay ari ng mga prayle at mayayaman.
Ang sistemang inquilino sa Pilipinas ay ang naging
batayan sa pagpapatakbo ng mga lupain. Ang sistemang ito ang naging dahilan upang mas malaki ang kita ng inquilino kesa sa mga magsasaka. At ito rin ang patakang pangkabuhayan na hindi makatarungan at mapang- api.
Ang mga inquilino sa Pilipinas ay naging halimbawa ng
pagsasamantala sa kapwa noong panahon ng mga Espanyol at Amerikano. Gawain I : Sagutin ang mga sumusunod na tanong 1. Basahin at pag aralan ang Sistema ng edukasyon noong panahon ng kastila. Ito ba ay nakatulong sa mga pangangailangan ng mga tao noon? Bakit?
2. Ipaliwanag ang dahilan ng pagdami ng mga
mestisong tsino at Inquilino sa Pilipinas? Sources :
Dejesus., et.,al, The Icon Revised ( His Life, Works,Writings )
Renato Constantino,Adoration Without Understanding
https://pdfcoffe.com MODULE II ANG PILIPINAS SA IKA -19
DANTAON SA KONSTEKSTO NI RIZAL
https://angtagapagmulat.wordpress.com JOSE RIZAL : Produkto