You are on page 1of 33

Session 2 / 3

ANG PILIPINAS SA IKA - 19 NA DANTON


SA KONTEKSTO NI RIZAL

Pambungad na Salita

Upang mas higit nating maunawaan ang buhay ni Dr. Rizal


kailangan nating balikan ang mga nakaraang kasaysayan ng
ating bansa.Ito ay ang ika-19 na dantaon.

Matutunghayan sa aralin na ito ang naging kalagayan ng


Pilipinas sa kamay ng mga dayuhang mananakop noong
pagkasilang ni Dr. Rizal. Matatalakay din ang patakarang
kolonyal na ipinatupad at kung paano isinulong ng mga kastila
ang kanilang mga layunin sa Pilipinas.

Sa panahon ng pananakop maraming pagbabago ang


naganap sa ekonomiya, edukasyon, kabuhayan at pulitika ng
bansa na nakapagpabago sa pamumuhay ng mga Pilipino.
Ang mga suliraning kinaharap ng bayan tulad ng maling
pamamalakad at sobrang pagmamalabis sa mga mamamayan
ang dahilan ng pagkilos ng mga Pilipinong maykaya at
nakapag –aral sa pagbuo ng kilusang Propaganda na naging
daan upang umusbong ang damdaming nasyonalimo sa mga
Pilipino.
Mga Paksa
a) Sistemang Pang ekonomiya
b) Sistemang Panlipunan
c) Sitemang Pampolitika
d) Pagsibol ng Diwang Nasyonalismo
e) Ang Pagkilos ng mga illustrados at ang Kilusang
Propaganda

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang


mga sumusunod:
a. Natutunton ang mga pagbabagong naganap sa
Pilipinas sa ekonomiya, Panlipunan at pampolitika noong
19 dantaton
b. Nauunawaan si Jose Rizal sa konteksto ng kaniyang
panahon
c. Naipapaliwanag ang paraan ng pakikitungo at pagtutol
ng mga Pilipino sa mga mananakop na Kastila
d. Nasusuri ang epekto ng patakarang kolonyal sa
pagsibol ng Diwang Nasyonalismo
e. Nailalarawan ang pagkilos ng mga illustrados at ang
kilusang Propaganda batay sa nagawa at kinahinatnan.
f. Napaghahambing ang buhay ng mga Pilipino bago
dumating ang mga kastila at nang sinakop ng kastila ang
bansa.
Aralin 1
Si Jose Rizal ay naisilang noong ika-19 dantaon (Hunyo 19,
1861), isang panahon sa kasaysayan ng Pilipinas na nakasaksi
ng malawakang pagbabagong pang-ekonomiya, panlipunan
at pampolitika.
May mga pandaigdigang kaganapan at pangyayari na
hindi man direktang humubog kay Rizal, ngunit masasabi
nating naging daan para maging posible ang pagsibol ng
isang pagbabago sa buhay ng mga Pilipino at pagbuo sa
pagkatao ni Rizal bilang isang dakilang tao.

Sa pagtatappos ng Aralin, inaasahang malinang ang


mga sumusunod na kasanayan.
 Nailalarawan ang sistemang Pang ekonomiya na
ipinatupad ng mga kastila.
 Naisa-isa ang mga pagbabago sa buhay ng mga Pilipino
dulot ng pagbubukas ng Pilipinas sa kalakalang
Pandaigdig.
 Nasusuri ang naging bisa ng mga monopluo sa buhay ng
mga
 Pilipino.
A. Ekonomiya

Ang Rebolusyong Industriyal na nagsimula sa Hilagang


Europa ay nagdala ng malaking pagbabagong sosyo-
ekonomiko sa buong mundo. Ito ang nagbunsod sa mga
Kastila na buksan ang Pilipinas sa kalakalang pandaigdig.
Naging resulta nito ang paglago ng ekonomiya dahil sa
pagdagsa ng mga dayuhang negosyante sa ating bansa.

Kalakalang Galyon .Ang monopolyong kalakalang


ipinatupad ng pamahalaang Espanyol sa Maynila at sa
Acapulco ay tinawag na Kálakaláng Galeón. Noong 1565, si
Andres de Urdaneta ay naglayag mula Cebu papuntang
Acapulco at dito niya natuklasan ang ruta mula sa Karagatang
Pasipiko papuntang Mexico. Ipinangalan ang kalakalang ito sa
malalaking barkong Galeón na karamihan ay ipinagagawa ng
pamahalaang Espanyol sa lalawigan ng Cavite at sa iba pang
bahagi ng Filipinas sa pamamagitan ng sapilitang
pagtatrabaho ng libo-libong katutubong Filipino. Noong 1565
sinimulan ang Kalakalang Galyon sa Maynila pagkatapos
matuklasan ni Andrés de Urdaneta, fraileng Agustino, ang
tornaviaje o daanang pabalik mula sa Filipinas patungong
Mexico. Nagtagal ang daanan hanggang 1815 noong
nagsimula ang Pangkalayaang Digmaan ng Mexico.
Nailuluwas ng Galyon sa Maynila ang mga mamahaling bagay
tulad ng mga kasangkapan, porselana bulak at pilak.
Nagbigay-daan din ang daanan sa pagbabago at
pagbabahagi ng kultura na nakahubog sa pagkakakilanlan ng
dalawang bansa.

Kanal Suez. Ito ay isang artipisyal o likha ng tao na


daanan ng mga barko at iba’t iba pang uri ng sasakyang
pangdagat. Makikita ito sa bansang Ehipto na nagkokonekta
ng Pulang Dagat (Red Sea) at Dagat Mediterano
(Mediterranean Sea). Binuksan ang kanal na ito upang maging
daluyan ng pandaigdigang kalakalan at komersiyo, na
maaaring gamitin nino man kahit sa panahon ng giyera o
kapayapaan. Naging parte ang kanal na ito sa mga hidwaan sa
Gitnang Silangan tulad ng digmaang Arab Israeli.

Pagbubukas ng Pilipinas sa Kalakalang Pandaigdig

Ang pagbubukas nito noong 1869 ay lalo pang


nagpabilis sa pagpasok sa bansa ng mga kaisipang liberal
tulad ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, kapayapaan, at
nagpamulat sa maraming Pilipino sa kanilang karapatan.
Napadali ang paglabas-masok ng mga mangangalakal at ang
sistema ng komunikasyon sa Pilipinas. Nagresulta rin ito ng
madaling pagpasok ng mga babasahing aklat na nagsusulong
sa kaisipang liberal at rebolusyonaryo. Bagamat ipinagbabawal
ang pagbabasa nito, nagsimula namang mamulat ang ilan sa
mga Pilipino sa mga kaisipang liberal na matagal nang
lumalaganap sa Europa at sa iba pang bansa sa dakong
kanluranin.

Nagbukas ang Pilipinas sa Kalakalang Pandaigdig .


Noong mga huling bahagi ng ikalabinsiyam na siglo ay
binuksan ng mga Espanyol ang Maynila sa pandaigdigang
kalakalan na nakapagdulot ng maraming pagbabago sa buhay
ng mga Pilipino tulad ng mga sumusunod:

a. Nakilala ang Pilipinas bilang top exporter ng ilang


produkto tulad ng abaka, tabako, at tubo.
b. Napabilis ang transportasyon para sa maayos na
pagdadala ng mga produkto sa mga iba’t ibang lugar ng
bansa.
c. Dumami ang mga bangkong nagpapautang sa mga
negosyanteng Pilipino sa Maynila.
d. Napabilis ang paglalakbay at palitan ng produkto sa
ibang bansa.
e. Nakatulong sa pag-angat ng pamumuhay ng mga
Pilipino.
Sa ganitong sitwasyon maraming mga Pilipino ang
yumaman dahil sa pagtatanim at pakikipagkalakalan. Sila ang
bumuo ng gitnang uri sa lipunan na umusbong noong huling
bahagi ng ika-19 na siglo.

Ang mga nabibilang sa gitnang uri ay ang mga nakapag


aral sa Europa at tinawag na Ilustrado o “Naliwanagan”. Sa
Hanay nila nagmula sina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar at iba
pang mga Pilipino na nagsulong ng reporma o pagbabago.

Paglakas ng Kalakalang Pagluluwas ng mga Ani at


Monopolyo. Sa pakikipagkalakan sa ibang bansa, kinokontrol
ng mga Espanyol ang kalakalan. Pinamahalaan nila ang
pagbebenta ng mga produktong nabili sa Europa tulad ng
tabako. Sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol kumita sila
ng malaki sa Kalakalang Galyon.

Monopolyo - ay isang klase ng sistemang pangangalakal


kung saan tanging nag-iisang korporasyon ang nagtitinda ng
isang produkto. Sa pagsapit ng ika-19 dantaon nanaig ang
monopolyo sa kalakalang Galyon bagaman pinakinabangan
ng mga kastilang may karapatang mangalakal sa galyon, ay
hindi nakabuti sa Pilipinas. Una, nasalanta ang kabuhayan ng
mga Pilipino dahil sa pagiging pabaya ng mga pinunong
kastila na walang inatupag kundi ang pagpapayaman sa
galyon. Pangalawa, tanging mga kastila lamang ang
nakinabang at kumita sa kalakalang galyon. Ikatlo, napabayaan
ang pangangalaga sa mga lalawigan, kaya nang maputol ang
kalakalan nagkaroon ng panahon ang mga kastila na
asikasuhin ang kani-kaniyang lalawigan.
Aralin 2

B. Panlipunan
Tatalakayin sa araling ito kung paano kinontrol ng mga
prayle and edukasyon at ang pagdami ng mga mestisong
tsino at Inquilino sa Pilipinas.

Sa pagtatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga


sumusunod na kasanayan
1. Naipapaliwanag ang sistema ng edukasyon sa
panahon ng mga kastila.
2. Nasusuri ang mga dahilan ng pagdami ng
mestisong Tsino at inquilino sa Pilipinas.
Edukasyon kontrolado ng mga Prayle. Sa kasaysayan
ng mga Pilipino bago pa dumating ang mga kastila ay may
sariling kabihasnan na. Nang sakupin ng Espanya ang Pilipinas
nakarating ang mga misyonerong prayle at pinalawig ang
kristiyanismo kasabay na pinakialaman ang edukasyon,
sinunog ng mga misyonerong prayle ang mga tala na
nakasulat sa mga dahon, bakal at punong kahoy sa
paniwalang ang mga ito ay likha ng masasamang espiritu.
Bilang bansang mananakop ay naging patakaran ng Espanya
ang magturo sa mga nasasakupang mamamayan ng doktrina
Kristiyana at magtatag ng mga paaralang magtuturo nito.
Hindi nilayon ng mga kastila na magturo ng naaayon sa
mundong ito. Relihiyon ang namamayani sa kanilang isipan
sapagkat nais nilang maging mabuting mamamayan sa
kabilang buhay. Ayon kay Rafael Palma, naging Pangulo ng
Universidad ng Pilipinas, sa aklat ni Teodoro Agoncillo, “Ang
mga layun at pakay ng buong paraan ng edukasyon ay
maliwanag na itanim at ipilit sa isip ang kabutihan sa
pamamagitan ng disiplinang panrelihiyon, at isalin ang
karunungan at bagay bagay na nahihingil sa mundo at
kalikasan, na ipinalalagay nilang lumilipas at di-palagian, sa
mga bagay na nauukol sa buhay na walang hanggan at sa
kahanga hangang bagay ng kabilang daigdig”.

Ang mga unang paaralan ay mga paaralang parokya o


pinamamahalaan ng kura. Tinuruan ang mga bata ng relihiyon,
kastila, pagsulat, pagbasa, pagbilang, musika at paghahanap
buhay.

Nagtatag din sila ng mga paaralang sekundarya upang


maihanda ang mga mag- aaral sa mataas na paralan. Ang
mga paring Heswita at Dominikano ang nagtatag ng mga
kolehiyo. Tulad ng kauna-unahang kolehiyo para sa mga
babae, ang kolehiyo ng Santa Potenciana na naitatag noong
1594.

Naitatag din ang Paaralang Normal noong 1865 para sa


babae’t lalake. Dahil sa pagdami ng mga estudyante nagtayo
rin ang mga prayle ng mga Paaralang –Bayan, sapilitan at
walang bayad ang pagpasok sa mga paaralang iyan.
Tinuturuan ang mga batang lalaki ng Kasaysayan ng Espanya,
hiyograpiya, pagsasaka, aritmetika, doktrina kristiyana,
pagsulat, pag awit at magandang asal. Ang mga babae naman
ay nagbuburda, panggagantsilyo at pagluluto na siyang
kapalit ng pagsasaka, hiyograpiya, at kasaysayan ng Espanya.
Bukod sa pagtatag ng mga kolehiyo nagtayo rin ang mga
prayle ng unibersidad upang makapagpatuloy sa pagkuha ng
karera ang mga nagsipagtapos sa mga kolehiyo. Ang kauna
unahang unibersidad sa Pilipinas na naitatag ay ang
unibersidad ng San Ignacio na itinatag ng mga paring Heswita
noong 1589 at ang mga prayleng Dominikano naman ay
itinatag ang Colegio de Nuestra Señora del Santisimo Rosario
noong 1611 nang lumaon ay naging Colegio de Santo Tomas
sa alala ng Dominikanong si Thomas Aquainas noong 1645.
Dahil sa atas ni Pope Innocent X naiangat ang antas ng
Colegio at naging Universidad.

Naging talamak na ang kalupitan ng mga prayle dahil


naging bukas lamang ang mga paaralan, kolehiyo at
unibersidad sa mga mestisong kastila at pinid ang pinto para
sa mag Pilipino. May kautusan ang Hari ng Espanya na ituro sa
mga Pilipino ang wikang kastila, ang nangyari’y hindi sinunod
ng mga namamahala sa Pilipinas ang nasabing mga kautusan
sapagkat natatakot silang matututo ang mga Pilipino dahil ito
ang magiging dahilan ng kanilang paglaban sa mga
mananakop.
Nabuksan na lamang ang mga paaralan, kolehiyo at
unibersidad sa mga Pilipino noong ikalawang hati ng 19
dantaon. Sa likod ng pagiging madamot ng mga prayle sa
mga Pilipino sa edukasyon nagkaroon ang Pilipinas ng mga
Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. Del Pilar,
Cayetano Arellano, Apolinario Mabini at marami pang iba.
Mga Pilosopiya ni Rizal ukol sa Edukasyon
 Para kay Rizal, ang edukasyon ay isang karapatan para
sa lahat na walang sinusukat na estado sa lipunan para
lang masabi kung sino lamang ang may oportunidad
para makapag-aral.
 Ang edukasyon ay isang sandata para sa pag-usad ng
nasyonalismo.
 Ang Edukasyon ang makakapagpalaya sa tao.
Makakapagpalaya sa hindi makataong dominasyon ng
bansa.
 Ang Edukasyon ay isang Tanglaw ng Lipunan.
 Ang paaralan ang saligan ng lipunan at ang lipunan ang
salamin ng paaralan.
Pagdami ng mga Mestisong Tsino at mga
Inquilino

Mestiso. Ang salitang mestíso (mestizo) ay tumutukoy sa


mga anak ng mag-asawang magkaiba ang lahi. Noong
panahon ng Espanyol, ito ang naging taguri sa anak ng
Espanyol o Tsino na ama at ng inang Filipina o Indio o ang
kabaligtaran nito.

Hindi ipinagbabawal ang pagsasama ng magkaibang lahi.


Sa katunayan, kinilala ang mga mestiso bilang isang
natatanging sektor ng lipunan simula pa noong 1750.
Gayunman, higit na mababà pa rin ang tingin sa kanila kumpara
sa mga anak ng parehong Espanyol o Tsino. Dahil dito, mas
iniuugnay ang mga mestiso sa grupo ng mga Filipino o Indio
kaysa mga lahing Espanyol o Tsino.

Karamihan sa mga mestiso bago ang ika-19 na siglo ay mga


“Mestizo de Sangley” o mga produkto ng ugnayang Tsino at
Filipino. Di tulad ng mga mestisong Espanyol, karamihan sa mga
mestisong Tsino ay madaling nakakahalubilo sa mga
katutubong Filipino. Dumami lamang ang mga mestisong
Espanyol pagsapit ng siglo 19 nang buksan ang Filipinas sa
pandaigdigang kalakalan at napadali ang paglalakbay mula sa
Espanya matapos buksan ang Kanal Suez. Maraming mga
Filipino ang nakapag asawa ng dayuhan dahil sa kanilang
pakikipagkalakalan sa Pilipinas.

Noong kalagitnaang bahagi ng ika- 19 na siglo, marami na


sa mga mestiso ang yumaman, nagmay-ari ng lupa, nakapag-
aral at nagkaroon ng posisyon sa pamahalaan. Dahil sa
hangaring tumaas ang pagkilala sa kanila sa lipunan, at bilang
pakikiisa sa ibang inaaping sektor, naging aktibo ang mga
mestiso sa usapin ng sekularisasyon ng mga parokya, sa
Kilusang Propaganda, at sa Himagsikang 1896. Isang
halimbawa si Dr. Jose Rizal na may lahing mestiso.

Inquilino. Ang mga inquilino sa Pilipinas ang nagpapaupa


o nagbebenta ng mga lupang ibinenta sa kanila ng mga
prayle. Sila rin ang nagsisilbing tagapamahala ng mga lupaing
pagmamay ari ng mga prayle at mayayaman. Ang sistemang
inquilino sa Pilipinas ay ang naging batayan sa pagpapatakbo
ng mga lupain. Ang sistemang ito ang naging dahilan upang
mas malaki ang kita ng inquilino kesa sa mga magsasaka. At
ito rin ang patakang pangkabuhayan na hindi makatarungan
at mapangapi.

Ang mga inquilino sa Pilipinas ay naging halimbawa ng


pagsasamantala sa kapwa noong panahon ng mga Espanyol
at Amerikano.
Aralin 3
Tatalakayin sa araling ito ang sistemang pampolitika sa
panahon ng mga kastila. Kung paano lumagap ang mga
kaisipang liberal sa Espanya na umabot hanggang sa Pilipinas.
Sa pagtatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga
sumusunod na kasanayan
1. Naipapaliwanag ang paglaganap ng ideyang
liberalismo sa Europa na umabot sa Pilipinas.
2. Nasusuri ang mga naging epekto sa Pilipinas ng
Konstitusyong Cadiz ng Espanya
3. Naisa-isa ang mga suliraning Pambayan na
naranasan ng mga Pilipino.
4. Natatalakay ang mga reaksyon ng mga Pilipino sa
mapanupil na pamamalakad ng mga kastila .

K. Pampolitika
Paglaganap ng Ideyang Liberalismo sa Europa

Liberalismo (Enlightenment). Isang malawak na uri ng


pilosopiyang politikal kung saan binibigyang-diin ang
kahalagahan ng kalayaan at pagkakapantay-pantay.
Liberal na ideya. Ito ay nagmula sa Europa at umusbong
dahil sa hindi pantay na katayuan ng mga tao sa lipunan.

Mabilis na lumaganap sa Espanya ang liberal na kaisipan.


Nakilala ang mga pampolitikong manunulat na tulad nina
Voltaire, Jean-Jacques Rousseau at John Locke na hindi sang-
ayon sa umiiral na sistemang monarkiyal.

Ayon sa kanila kung mapapatunayan ng mga mamamayan


na hindi na karapat-dapat ang pinuno sa kanilang pagtitiwala
ay kailangang alisin na ito at palitan.

Ang kaisipang liberal na ito ay umusbong sa naganap na


Himagsikang Pranses. Ang mga simulain ng mga Pranses na,
“Pagkakapantay-pantay, kalayaan, at pagkakapatiran ay
umabot at nakarating sa Pilipinas. Naging inspirasyon ng mga
Pilipino ang mga simulaing ito para sa kanilang mga
minimithing pagbabago o reporma.

Konstitusyon ng Cadiz sa Espanya


Ang Cadiz Constitution ng 1812 ay nilikha bunga ng
hangarin ng Espanya na wakasan ang mga pang-aabusong
dala ng sistemang konserbatibong umiiral sa kanilang bansa .
Binibigyang halaga sa nasabing konstitusyon ang mga ideyang
liberal gaya ng karapatan sa pagboto ng mga kalalakihan,
pambansang soberanya, monarkiyang konstitusyonal, kalayaan
sa pamamahayag, reporma sa lupa, at malayang kalakalan.
Ang sistemang ito ay direktang nakaapekto sa kalagayan ng
Pilipinas bilang kolonya at sa paggising sa hangarin ng mga
Filipino na maging Malaya.

Bago naipasa ito, nagkaroon ng halalan sa Maynila upang


piliin ang kinatawang Pilipinong ipapadala sa Cadiz. Si Ventura
Delos Reyes, isang mayamang Pilipino ang nahalal bilang
kinatawan.Hiniling niya ang mga sumusunod:
- Pag-alis ng sapilitang paggawa;
- Pagkakapantay-pantay ng mamamayan;
- Pagtanggal ng mga monopolyo kasama ang kalakalang
Galyon;
- Pagtatag ng malayang kalakalan; at
- Kalayaan sa pamamahayag, paglilimbag at relihiyon

Hindi man nagtagumpay ang tangkang ipatupad ito sa


Pilipinas, nagkaroon ito ng epekto sa pamamahala ng Espanya
sa Pilipinas:
1. Ipinatigil ang kalakalang galyon;
2. Napalitan ang merkantilismo ng malayang kalakalan;
3. Pagsiklab ng pag-aalsa sa Ilocos laban sa pagkansela sa
pagpapatupad ng konstitusyon sa Pilipinas noong 1815; at
4. Paglaganap ng mga bagong kamalayang bunga ng
kaliwanagan sa Europa lalo na sa hanay ng mga Pilipinong
kabilang sa panggitnang uri na nagkaroon ng
pagkakataong makapag-aral sa Europa pagsapit ng ika-19
siglo.

Mga Kaakibat na Suliraning Pambayan na


Naranasan ng mga Pilipino
Noong huling dalawampung taon ng ika 19 na dantaon ay
maraming napagdaanang suliranin ang mga Pilipino sa kamay
ng mga kastila. Ang suluiraning iya’y nauukol sa walang
katarungang pamamahala ng mga kastila sa mga Pilipino. Isa
isahin natin ang mga suliraning
ito:

1. Nagkaroon ng Kapangyarihan ang mga Prayle at


Pamahalaan
 Sumibol ang natatanging anyo ng Espanyol na
pamahalaan sa Pilipinas, ang “Pamahalaan ng mga prayle”
o frailocracia.
 Hawak ng mga prayle ang Buhay panrelihiyon at
edukasyon ng Pilipinas;
 Kontrolado din nila ang pulitika, impluwensiya, at
kayamanan;
 Pag usbong ng mga prayleng masasama (Sekularisasyon
ng mga parokya);
 Katiwalian ng mga Gobernador Heneral;
 Nalimitahan ang kalayaan ng mga Pilipino sa
pamamahayag, pagpili ng relihiyon at iba pa.

2. Diskriminasyon at Usaping Pang Agraryo


 Mga Indio
 Mga kababaihan
 Pag –aari ng mga Lupang pansakahan/Hacienda

3. Pagmamalupit ng mga Kastila sa mga Pilipino


 Guardia sibil (Konstabularyo)

4. Ang litigasyon
 Pandaraya sa hukuman
 Pagsasakdal ng mga inosente
 Pag ikot ng pera
 Mabagal na pagproseso
 Ang pagkakasangkot sa isang kaso ay isang Kalamidad

5. Ang pagbabawal sa pagtitipon ng mga Pilipino


 Ang lumalaban sa pamahalaan ay pinarurusahan
 Arsenal
Reaksiyon ng mga Pilipino sa Mapanupil na
Pamamalakad ng mga Kastila
Maganda ang hangarin ng Hari ng Espanya hinggil sa
pagsubaybay sa Pilipinas ngunit malayo ito sa Espanya kaya
nagkaroon ng pagkakataon ang mga opisyal ng pamahalaan,
at
mga prayle na mang abuso sa mga Pilipino. Kaliwa’t kanan
ang pandaraya, pang aalipusta, panggigipit, pandaraya ng
mga opisyal ng pamahalaan at kabuktutan ng mga prayle.
Ang mga ito ang naging dahilan ng paghihirap at pagtitiis
ng mga Pilipino.Ngunit noong kalahati ng ika 19 dantaon ay
natuto ang mga may pinag-aralang Pilipino na tumutol sa
palakad ng mga kastila at ang pagtutol na iyon ay lumakas
hanggang umabot sa himagsikan.

Sa kabuuan, ang ginawa ng mga Pilipino ay:


a) Pagtakas (Escape) . Napilitan ang ibang mga Pilipino na
iwan ang kanilang nakalakhang tahanan at magpakalayo
tungo sa lugar na hindi abot ng kapangyarihan ng mga
Espanyol. Sila
ang iilan na nagawang maipanatili ang tunay na kultura ng
mga Pilipino na naging
dahilan upang sila'y maging kakaiba sa paningin ng iba.
b) Pagtanggap (Acceptance). Napilitang tanggapin ng mga
katutubong Pilipino ang lahat ng mga batas at alituntunin na
ipinatutupad ng mga ito. Tinanggap rin nila ang sapilitang
paggawa, na kilala sa tawag na polo y servicio, kahit
nangangahulugan iyon ng pagkawalay sa kanilang pamilya.
Tinanggap rin nila ang kulturang dala ng mga Espanyol: ang
pagkakaroon ng mga piyesta at iba pang magagarbong
selebrasyon, ang pagbabago ng klase ng kanilang pananamit,
at pagpapalit ng kanilang mga katutubong pangalan sa mga
pangalang hango sa mga salitang
Espanyol.
c) Paglaban (Resistance). Noong mamulat ang mga
katutubong Pilipino sa masamang sistema ng pagpapalakad
ng mga Espanyol sa Pilipinas, nagkaroon sila ng lakas ng loob
na kalabanin ang mga ito. Nagsagawa sila ng mga rebolusyon,
walang takot nilang hinarap ang mga Espanyol kahit alam
nilang wala silang laban dito dahil sa mga makabagong
kagamitang pandigma na gamit nila.
Aralin 4

Pagsibol ng Diwang Nasyonalismo


Tatalakayin sa araling ito ang pakahulugan ng mga
Pilipino sa salitang Nasyonalismo at ang mga salik na
nagbunsod upang lumaban sila sa mga dayuhan.Gayun din,
ang mga bagay na nakapagbigay-lakas upang magkaisa ang
mga naaaping Pilipino sa panahon ng mga Kastila.

Sa pagtatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga


sumusunod na kasanayan
1. Natatalakay ang pagdating ng kaisipang liberal sa bansa.
2. Naipapaliwanag ang mga pangyayaring nagbigay daan sa
paglinang damdaming nasyonalismo.
3. Nasusuri ang mga epekto ng patakarang kolonyal sa pag
usbong ng nasyonalismo.

Nasyonalismo - ito ang katawagan sa maalab na


pagmamahal at pag-aalaga sa lupaing sinilangan at
pagkakaroon ng adhikain para sa Inang Bayan. Hinangad ng
mga Pilipino na makalaya sa kamay ng mapang abusong
Espanyol.
Mga Salik na nakapagpausbong ng damdaming
Nasyonalismo

1. Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan


Isang dikri noong 1789 ang bahagyang nagbukas sa
Maynila sa kalakalang Pandaigdig bilang pagbibigay
pahintulot sa Campania Real de Pilipinas. Bunga nito umunlad
ang mga produkto ng panluwas at lumaki ang kapital ng
bansa. Pinabuti ang teknolohiyang pansakahan at dumami ang
ani at mga produkto. Dahil sa pag unlad nagsimulang
makakilala ang mga tao at namulat sila sa sariling kalagayan.

2. Pagkakaroon ng Pang-Gitnang uri ng Lipunan


Tinatawag sila bilang “Class Media” yumaman sila dahil sa
pag unlad ng komersiyo at Agrikultura.
Sila ang bumubuo sa antas Principalia sa lipunan, na
siyang nagpasimula ng paghiling ng pagbabago at
nagtatanggol sa mga karapatan ng mga Pilipino.

3. Pagsibol ng kaisipang liberal sa Pilipinas


Dala ng Espanyol ang mga kaisipang liberal na ito buhat
sa Europa. Ito ay ipinamalas nila sa kanilang malayang pagkilos
at pananalita. Ang ganitong kaisipan, bagamat hindi tuwirang
ipinalaganap ay tumimo sa isipan ng mga katutubong Pilipino.
4. Kilusang Sekularisasyon:
Ang kilusang sekularisasyon ay itinatag upang ipagtanggol
ang karapatan ng mga paring sekular sa mga parokya.
Mayroon dalawang uri ng paring katoliko sa ating bansa noon.
Ang regular at ang sekular. Ang paring regular ay may
kinakaanibang orden tulad ng Dominikano, Heswita,
Pransiskano at iba pa. Ang paring sekular naman ay hindi
kabilang sa kahit anong orden.

5. Si Gobernador Carlos Maria Dela Torre:


Naniniwala siya sa liberalismo at ipinamalas niya ito sa
pamamagitan ng mga patakaran at mahusay na pakikitungo
sa mga Pilipino. Siya ay may pantay na pagtingin sa mga
Espanyol at mga Pilipino.

6. Ang Pag aalsa sa Cavite noong 1872


Noong panahon ng pamamahala ni Gobernador Rafael
Izquierdo naging mahigpit at nagdulot ng pahihirap sa mga
Pilipino ang kanyang mga kautusan. Ang lahat ng mga
manggawang Pilipino sa Cavite na hindi nagbababyad ng
taunang buwis ay inalisan niya ng karapatan at kabuhayan.
Nagprotesta ang mga mangagawa at ito ay ginawang isyu
ng Gobernador at sinabing iyon ay pag aalsa laban sa Inang
Espanya.
7. Pagbitay sa Tatlong Paring Martir
Ang pagbitay sa tatlong Pilipinong pari na sina Padre
Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora
sa pamamagitan ng garrote ay isa sa pinakamahalagang salik
sa pagbubuklod sa damdamin ng mga Pilipino.
Aralin 5
Ang Pagkilos ng mga Ilustrados at Ang Kilusang
Propaganda
Tatalakayin sa araling ito kung paano kumilos ng mga
illustrados at paano naitatag ang
Kilusang Propaganda.
Sa pagtatapos ng Aralin, inaasahang malinang ang mga
sumusunod na kasanayan
1. Nakapagtatalakay sa mga pagkilos na ginawa ng mga
illustrados upang ipagtanggol ang ating bayan.
2. Nakapagbibigay ng mga nagawa at ibinunga ng kilusang
propaganda
3. Naihahambing at makapagpapaliwanag ng mga layunin ng
kilusang Propaganda at La Liga Filipina.
Sa mga nasaksihan ng mga Pilipinong ilustrados sa klase
ng pamamahala na ipinatutupad ng mga kastila ay unti- unti
na silang nagsikilos at bumalangkas ng mga programa at
bumuo ng mga samahan na naglalayun ng pagbabago sa
ilalim ng pamamahala ng Espanya.
Ang Kilusang Propaganda
Isang kilusan na itinatag sa Espanya noong 1872 hanggang
1892 na naglalayon na humingi sa pamahalaang Espanya ng
reporma sa mapayapang pamamaraan. Nakilala sina Jose
Rizal, Graciano Lopez Jaena at Marcelo H. del Pilar bilang mga
pangunahing propagandista.

Mga Layunin ng Kilusang Propaganda


1. Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino
at Espanyol sa harap ng batas.
2. Gawing lalawigan o bahagi ng bansang Espanya ang
Pilipinas.
3. Magkaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Kortes ng
Espanya.
4. Sekularisasyon ng mga pari o parokya sa Pilipinas.
5. Pagkalooban ang mga Pilipino ng kalayaan sa pagsasalita,
pamamahayag, pagpupulong at paghaharap ng mga
karaingan laban sa mga pang-aabuso.
6. Bigyan ng pantay na karapatan ang mga Pilipino na
maipagtanggol ang sarili sa mga kasalanang ipinararatang sa
kanila.

La Solidaridad. Ito ang pahayagan ng Kilusang


Propaganda. Si Graciano Lopez Jaena ang hinirang na
patnugot ng nasabing pahayagan na naglabas ng unang isyu
noong ika-15 ng Pebrero, 1889. Sina Mariano Ponce, Antonio
Luna, Jose Ma. Panganiban, ay kasama sa pagpapalaganap ng
mithiing Pilipino at ilan pang hindi naging masigasig sa
bandang huli. Gumamit sila ng iba’t ibang sagisag upang hindi
makilala at mailigtas ang kanilang mga kaanak kung sakaling
paghigantihan sila ng mga Kastila.

Ang mga Layunin ng La Solidaridad


1. Tumulong sa mapayapang paraan upang makamtan
ang mga pagbabago sa politika at lipunan.
2. Ilantad ang nakalulunos na kalagayan ng mga Pilipino
sa bansa upang mabigyanglunas ng Espanya.
3. Hadlangan ang masasamang impluwesiya ng
nepotismo (paggamit ng impluwensiya upang
mapaunlakan ang isang kaanak) at konserbatismo
(pagiging makaluma) sa pamamalakad ng pamahalaan.
4. Itaguyod ang mga kaisipang liberal at kaunlaran ng
bansa.
5. Ipaglaban ang mga makatuwirang mithiin ng mga
Pilipino sa buhay, demokrasiya, at pamumuhay na
mapayapa at maligaya.
6. Ilantad ang mga di kanais-nais na gawi ng mga prayle
at mga tiwaling patakaran ng simbahan.
7. Sikaping himukin ang mga Pilipino tungo sa pagkakaisa.

Si Graciano Lopez Jaena ang unang patnugot at sumulat


ng Fray Botod na tumuligsa
sa mga pang-aabuso ng mga prayleng Espanyol. Ang
ikalawang patnugot ay si Marcelo H. del Pilar, na gunamit ng
sagisag na “Plaridel”. Itinatag at pinamatnugutan niya ang
Diariong Tagalong noong 1882 kung saan inilathala niya ang
karaingan at kahilingan para sa mga pagbabago ng mahihirap.
Si Dr Jose Rizal, ang sumalat naman ng nobelang Noli Me
Tangere kung saan tinalakay niya ang maling sistema ng
lipunan na nagpapahirap sa mga Pilipino noon. Sa kaniyang
akdang El Filibusterismo, tinalakay naman niya ang mga
gawain ng isang rebolusyonaryo. “Dimasalang” at “Laong-
Laan”nman ang ginamit niyang sagisag. Ang iba pang
manunulat at ang kanilang sagisag ay sina Mariano Ponce
(Tikbalang, Naning, at Kalipulako), Dominador Gomez (Romiro
Franco), Antonio Luna (Tagailog), at Jose Ma. Panganiban
(Jomapa).
Mahigit na pitong taon naging tinig ang La solidaridad sa
paghingi ng reporma. Mahalaga ang pahayagang ito dahil
matutunton dito ang pagyabong ng pampolitikang kaisipan
ng mga Filipino. Nung lumaun, nagsara ang La Solidaridad
bunga ng maraming balakid na kinaharap nito tulad nang:
kulang sa pondo, walang kalayaan ang operasyon, at walang
pagkakaisa ang mga Pilipino.
Dr. Jose Rizal
Naging pangunahing propagandista at tinaguriang
Pambansang Bayani ng mga Pilipino si Dr. Jose Rizal. Sa ibang
bansa, bagamat maraming sumusuporta sa Kilusang
Propaganda, nalimi ni Rizal na hindi lubusang magtatagumpay
ang kilusan kung hindi pag-iisahin ang mga Pilipino. Nilayun
rin niya na bumalik sa sariling bansa upang pag-isahin ang
mga Pilipino. Itinatag ni Dr. Jose Rizal ang samahang La Liga
Filipina noong July 3, 1892 sa Pilipinas bunga ng pagkabigo ng
Kilusang Propaganda sa Espanya na makamit ang mithiin nito.
Ang La Liga Filipina ay isang pansibikong organisasyong
sinimulan ni Rizal pagbalik niya sa Pilipinas na naglalayun ng
pagbabago sa ilalim ng pamamahala ng mga kastila.

Ang mga Layunin ng La Liga Filipina


1. Magkaroon ng pagkakaisa ang buong kapuluan para sa
kapakanan ng lahat.
2. Matugunan ang bawat kaanib sa panahon ng
pangangailangan.
3. Matugunan ang bawat kaanib sa panahon ng
pangangailangan.
4. Matugunan ang bawat kaanib sa panahon ng
pangangailangan.
5. Maisagawa ang mga pagbabago o reporma sa
pamahalaan.
Konsepto ni Rizal tungo sa Pagtatag ng Isang Bansa

Ang pagtatag ng isang bansang Pilipinas at ang kanyang


konsepto ng nasyonalismo ay nabuo at nag “mature: noong
mga taong 1882 at 1887. Buhat sa labas ng bansa ay
nagkaroon siya ng mas malawak, at mas maliwanag na
pananaw tungo sa kanyang bayang sinilangan at ang mga tao
rito. Buhat sa malayo, nakita niya at naintindihan ang mga
suliranin ng kanyang bayan. Kung paano at bakit inabuso at
inalipusta ng mga dayuhan at mga kakutyabang mga indio
ang kanyang bayan. Dito nag-ugat sa isip, puso at damdamin
ni Jose Rizal ang pagmamahal, pagmamalasakit at pag-ibig
para sa isang bayan. Sa mga panahong ito niya nakita kung
bakit sa loob ng ilang taon ang lumipas ay walang hanggan
ang pang-aabuso at pagsasamantala sa kanyang bayan. Ito ay
ang mga sumusunod. Una, ang kawalan ng pambansang
kamalayan o “National consciousness”, ang uri ng mga indios
at kawalan ng sapat na edukasyon at kasanayan ng mga tao o
mamamayan.

Tinuruan niya ang mga tao paano isasabuhay ang


nasyonalismo o pagmamahal sa bayan, sa isip, sa salita at sa
gawa. Kaya sa kanyang iginuhit na plano tungo sa pagtatag ng
bayang Pilipinas binigyan niya ng halaga at diin ang
edukasyon, pag-ibig at dangal sa bayan, pagpukaw at
paggising sa pamabangsang kamalayan, pagbabago ng mga
mali o likong pagpapahalaga (Values) at ang pagsasakripisyo
tungo sa kabutihan ng lahat ng mamamayan. Sa pamamagitan
ng edukasyon ay magsisismulang magkakaroon ng
pagkamulat ang mga indio upang sila ay makawala sa
kamangmangan. Sa pamamagitan rin ng edukasyon ay
malalaman ng mga tao na mayroon silang sariling bansa at sa
pamamagitan rin nito ay maitutuwid ang maling turo ng mga
dayuhan na ang mga Filipino ay may mababang uri at mga
mangmang at hindi isinilang upang maging alipin lamang, sa
pamamagitan ng pag-aaral ng tamang kasaysayan ay
malalaman ng mga Filipino (Indio) ang katotohanang sila ay
may maganda, masaya at may isang malayang kahapon. Sa
pamamagitan nito ay makikita ng mga Indio (Filipino) na may
isang bansa at hindi hiwa-hiwalay ang mga tao at bawat isa ay
gumagawa at nag-aambag tungo sa pagtatatag ng isang
bansa, Ang Filipinas.

Ipinaliwanang ni Jose Rizal na hindi madali ang magtatag


ng isang bansa dahil kalakip nito ang pagpapakasakit at mga
paghihirap upang makamit ang kalayaan. Sa kaisipan ni Jose
Rizal tayo ay mga pinuno o “Leader” at ito ay ginagawa natin,
maayos man o hindi, ang pagiging pinuno ay nagbubuhat sa
ating kalooban. Ang liderato ay larawan nang pagpapakita ng
pagkatao at patuloy na dumadaloy sa iyo habang ika’y
nabubuhay.

You might also like