You are on page 1of 44

Mga Salik sa Pag-usbong

ng Kamalayang
Nasyonalismo
1. Ang Pagbubukas ng mga
Daungan sa Bansa para sa
Pandaigdigang Kalakalan
Noong Nobyembre 17, 1869
nabuksan ang Suez Canal. Dahil
sa pagbubukas ng Pilipinas sa
kalakalang pandaigdig,
nagkaroon ng pag-unlad sa
ekonomiya ang bansa.
Ito ay ginawa ni Ferdinand
De Lesseps na nagdugtong
sa Mediterranian Sea at
Red Sea
Dahil sa pagsali ng Pilipinas
sa Pandaigdigang Kalakalan
pumasok at lumaganap ang
Kaisipang Liberalismo.
Ang malayang kalakalan sa
pagitan ng mga bansa sa
Kanluran at Silangan ay naging
daan din sa pagpasok sa
Pilipinas ng iba’t-ibang
paniniwala at ideya
mula sa Europa.
Isa rito si Gobernador-
Heneral Carlos Maria de la
Torre ay nakatulong sa pag-
unlad ng nasyonalismo sa
puso ng mga Pilipino.
Nakatulong nang malaki sa
pag-unlad ng nasyonalismo
sa puso ng mga Pilipino ang
panunungkulan ni
Gobernador Heneral
dela Torre.
Sa ilalim nang kanyang
panunungkulan
naramdaman ng mga
Pilipino na sila ay hindi mga
alipin bagkus bahagi
ng isang lipunan.
Naranasan nilang maging
malaya at makatamasa ng mga
karapatan bilang mamamayan.
Makikita si de la Torre na
nakikihalubilo sa mga
katutubo, nag-aanyaya sa
kanyang tahanan para
sa pagtitipon
Labis na ikinagalit ng mga
paring Kastila ang kanyang
pagsuporta sa kampanya ng
sekularisasyon.
Ang panunungkulan ni dela
Torre ay hindi nagtagal
dahil marami siyang
Espanyol na nakaaway
bunga ng pagiging mabuti
niya sa mga Pilipino.
2. Pag-usbong ng
Uring Mestizo
Dalawang Uri ng Pilipinang
nakitungo sa mga Espanyol
Teodoro Agoncillo dalubhasang
historyador
1.Mayamang Pilipinang siyang
hanap ng mga Espanyol
2. Mga Alilang may itsura na
pinagsamantalahan ng mga among
Espanyol
Peninsulares
Ang mga Espanyol na
nakatira sa Pilipinas
ngunit ipinanganak sa
Espanya.
(Pinakamataas na antas)
Insulares
Ang ipinanganak sa Pilipinas
na may dugong purong Kastila
ang mga magulang.
(pangalawang pinakamataas
na antas sa lipunan)
Meztizos
Ang mga Pilipinong may
ibang lahi. Sila ay mga anak
ng Pilipino at Kastila o
Pilipino at Tsino.
Indio
Ang tumutukoy sa mga
Pilipinong hindi
nakapag-aral.
Ilustrado
•mga nakapag-aral sa kolehiyo at
unibersidad at mga mangangalakal
•may kaya o nakaririwasa, nakapag-
aral sa Espanya at iba pang
bansa sa Europa
•mga Pilipinong nagkaroon ng
magandang katayuan sa lipunan
Clase Media
Ang tawag sa gitnang uri sa
antas ng lipunan
(sila ang mga insulares,
ilustrados, principalia)
3. Pagpapatibay ng
Dekretong
Edukasyon ng 1863
Ang batas na ito ay tungkol sa
pagbubukas ng mga paaralang
pampubliko para sa kalalakihan
at iba pang paaralang
pampubliko para sa
kababaihan.
Walang paaralang magkasama
ang lalaki at babae sa panahon ng
mga Espanyol
Ang edukasyon ay para sa lahat ng
uri ng tao maging Espanyol man o
Pilipino, mayaman man o mahirap
Nakatulong ang edukasyon sa
pagbubukas ng mga mata ng
mga Pilipino upang magising
ang diwang nasyonalismo
Ang mga katuruan ng
simbahang Katoliko gaya ng
kagandahang asal, pagsisimba,
at pananampalataya sa Diyos
ay higit na naging
katanggap-tanggap sa
buhay ng mga Pilipino
Hindi magandang
epekto ang edukasyong
kolonyal sa buhay ng
mga Pilipino
1. Natanim sa kanilang isipang
higit na maganda ang kulturang
kanluranin kaysa sa ating
sariling kultura.
2. Naging mababa ang
pagtingin ng marami sa sariling
kultura.
3. Pinilit pag-aralan ang wikang
Espanyol at mamuhay na
parang Espanyol at ikahiya ang
pagka- Pilipino
Sagutin ang mga sumusunod
na pagsasanay sa Bagong
Lakbay ng Lahing Pilipino 6
Sagutin Natin ABC sa
pahina 30 - 34

You might also like