You are on page 1of 28

ARALIN 1

ANG KINALALAGYAN
NG AKING BANSA
Pahulaan

a. Anong G ang maliit na modelo ng


daigdig?
b. Anong M ang patag na representasyon
ng daigdig?
c. Anong PM ang ang nasa sero digri
longhitud?
d. Anong E ang nasa sero digri latitud?
e. Anong M ang guhit mula hilagang polo
patungong hanggang timog polo?
Sagutin at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. May iba‟t ibang imahinaryang guhit sa globo
saang matatagpuan ang bansang Pilipinas?
A. sa itaas ba ng ekwador
B. sa ibabang bahagi ng ekawador
C. sa tagiliran ng ekwador
D. sa sa timog ng ekwador
2. Aling mga guhit patayo sa globo na
sumusukat sa layo ng lugar pakanluran at
pasilangan ng Prime Meridian. Ano ito?
A. International Date Line C. guhit longhitud
B. guhit latitude D. Ekwador
3. May mga guhit na pahalang sa globo na
sumusukat ng layo ang lugal na pahilaga at
patimog ng ekwador. Ano ito?
A. guhit latitude C. guhit tagpuan
B. guhit longhitud D. Prime Meridian
4. May guhit latitude at longhitud na
matatagpuan sa globo, ano ang sukat ng
kinalalagyan ng Pilipinas ayon sa guhit latitud?
Ito ay matatagpuan sa pagitan ng
A. 4°H at 21° H. latitud C. 6° H at 25° H latitud
B. 3°H at 12°H latitud D.14°H at 21°H latitud
5. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa ibaba
ng ekwador, ano ang sukat nito mula sa
ekwador patungo sa polong hilaga?
A. 90°
B. 180°
C. 120°
D. 80°
Ipakita ang globo at mapa ng mundo. Itanong :
Gaano kahalaga ang mapa at globo sa pagtukoy ng
mga lugar?
HEOGRAPIYA
- pag-aaral ng pisikal na daigdig at
atmospera nito pati na ang mga tao
rito at ang kanilang ugnayan sa
kapaligiran.
Dalawang uri ng representasyon ang maaring gamitin:

1. Mapa- isang patag ( flat) na representasyon ng


paglalarawan ng anyo ng daigdig o iba pang mga
lugar na kakikitaan ng mga hangganan, sukat o
dibisyon ng kalupaan.
2. Globo- ito naman ang bilog ( Round) na
representasyon ng paglalarawan ng anyo ng daigdig
na kakikitaan din ng mga lokasyong nakikita sa
mapa. Maituturing na ang globo ay replica ng
planetang daigdig.
ANG MGA GRID AT GUHIT
LATITUD AT LONGHITUD
Guhit Latitud- Mga guhit na nagmula sa kanluran
patungong silangan. ito ang mga pahalang na guhit
na nagpapatuloy pabilog. Magkakapareho ang
sukat ng agwat o distansya.

Guhit Longitud- Mga guhit na nagmula sa polong


hilaga patunongTimog .Ito ang mga linyang lumiliit
ang distansya sa hilaga at sa timog.

Grid- nabubuo sa pagsasalubong ng latitude at


longhitud. Nagpapadali sa tao na makita ang
eksaktong lokasyon ng isang lugar.
MERIDIAN
-patayong imahinasyong guhit sa globo.

2 uri ng Meridian
1. Prime Meridian
2. International Date line
Punong Meridyano( Prime Meridian)-
ay isang imahinasyong linyang
pangunahin sa mga meridian o
meridian of longhitude na nagmula sa
North Pole patungong South Pole.
- Dumaraan sa Greenwich England,
kaya’t tinatawag ding Greenwich
Meridian o 0 degrees meridian.
- Hinahati nito ang dalawang
direksyon ng daigdig, ang Kanlurang
Hemispero at Silangang Hemispero.
INTERNATIONAL DATE LINE
-guhit na naghahati sa mundo sa
magkaibang araw. Matatagpuan katapat
ng prime meridian sa kabilang panig ng
daigdig.
Absolute o Tiyak na Lokasyon ng Pilipinas
- ang Pilipinas ay nasa katimugang bahagi ng
Hilagang Hemispero sa pagitan ng tropiko ng
kanser ( Tropic of Cancer) at Ekwador.
- nasa lokasyong 4 digri at 21 digri sa hilagang
latitude at 116 digri at 127 digri sa Silangang
longhitud.
PANGKATANG
GAWAIN
PANGKAT I
Kagamitan: Manila paper, marker, pangguhit
Panuto: Gawin ang mga panutong isinasaad.
a. Gumuhit ng bilog na may pahalang na guhit sa
pinakagitnang bahagi nito. Sabihin na ito ang ekwador.
b. Ipahanap ang ekwador sa globo. Isalarawan ito.
c. Saan matatagpuan ang ekwador? Nasa anong digri
ang kinalalagyan nito? Sa ilang bahagi hinati ng
ekwadorang mundo? Ano ang tawag sa bawat bahagi?
Ano ang tawag sa pinakamalayong pook sa dakong
hilaga? dakong timog?
Pangkat II
a. Gumuhit sa pisara ng malaking bilog na may
patayong guhit sa pinakagitnang bahagi nito. Sabihin
na ito ay Prime Meridian.
b. Ipahanap sa globo ang prime meridian. Ipatalunton
ito sa daliri. Ilarawan.
c. Saan matatagpuan ang Prime Meridian? Saan ito
dumaraan? Nasa anong digri ang kinalalagyan nito?
Sa ilang bahagi nahahati ng Prime Meridian ng
mundo? Saan banda matatagpuan ang silangang
hatingglobo? kanlurang hatingglobo? Saan
matatagpuan ang Pilipinas?
Pangkat III
a. Hanapin ang Pilipinas sa globo.Sa pagitan ng
anong mga guhit latitud at guhit longhitud
matatagpuan ang PIlipinas? Saang bahagi ng
globo matatagpuan ang bansang Pilipinas. Alamin
ang tiyak na kinalalagyan ayon sa digri latitude at
digri longhitud.
Pagtataya
Panuto:Basahin ang mga sitwasyon at piliin
ang titik ng tamang sagot.
1. Ang ekwador ay imahinaryang guhit na
matatagpuan sa gitna ng globo. Saang bahagi
ngglobo matatagpuan ang bansang Pilipinas?
A. nasa silangan ng ekwador
B. nasa hilaga ng ekwador
C. sa kanlurang bahagi ng ekwador
D. nasa timog ng ekwador
2. Ang ekwador na matatagpuan sa globo
ay malapit sa bansang Pilipinas, ano ang
sukat nito?
A. 0°
B. 90°
C. 180°
D. 120°
3. Ipaghanap ng lokasyon , mahalagang tukuyin
ang mga guhit latitud at longhitud, ano ang tiyak na
kinalalagyan ng Pilipinas ayon sa guhit latitud?
A. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng 4°at 21°hilagang
latitud
B. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng 3° at 12°
hilagang latitud
C. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng 6° at 125°
hilagang latitude
D. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng 14° at 121°
hilagang latitude
4. Malaking tulong din ang paghanap
ng lokasyon ng isang bansa kung alam
ang kinalalagyan ayon sa guhit
longhitud. Ang Pilipinas ay makikita sa
pagitan ng :
A. 127° at 118° Silangang longhitud
B. 116° at 127° Silangang longhitud
C. 118° at 1128° Silangang longhitud
D. 115° at 126° Silangang longhitud
5. Hinahanap mo ang tiyak na kinalalagyan ng
Pilipinas bilang ikaw ay isang lider, madali mo
itong makikita sa pamamagitan mga
imahinaryang guhit na pinagsama-sama. Kapag
pinagsama-sama ang mga guhit latitud at guhit
longhitud, ano ang mabubuo?
A. Digri
B. grid
C. longhitud
D. latitud
Kasunduan
Gumuhit ng isang bilog at lagyan ng
mga guhit latitud at longhitud. Tukuyin
ang tiyak na kinalalagyan ng Pilipinas sa
pamamagitan ng paglalagay ng kulay sa
bahaging ito.

You might also like