You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V - Bicol
Schools Division Office of Albay
TUMPA ELEMENTARY SCHOOL
Camalig North District

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5

Pangalan: __________________________________Seksyon______________Petsa: ____________ Iskor: _________

I. Tukuyin ang tiyak na detalye. Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa
patlang bago ang bilang.

Jose Rizal ekwador Continental Drift H. Otley Beyer


Neolitiko Globo Paleolitiko Lagalag o Nomads
Longhitud Bulkanismo Alfred Wegener

_______________________1. Panahon kung saan gumagamit sila ng magagaspang na bata bilang kasangkapan.
_______________________2. Ito ang modelo ng mundo.
_______________________3. Mga guhit pahaba sa modelo ng mundo, mula hilaga patungong timog.
_______________________4. Ito ang latitude na humahati sa hilaga at timog na bahagi ng mundo.
_______________________5. Teorya na tumutukoy ito sa paggalaw ng kalupaan.
_______________________6. Teoryang nabuo ang bansa sa pagsabog ng bulkan sa ilalim ng dagat.
_______________________7. Sila ang mga sinaunang tao na palipat lipat ng tirahan.
_______________________8. Ito ang panahon na kung saan tumira sila malapit sa ilog at dagat.
_______________________9. Siya ang siyentista na naniwala sa Continental Drift Theory.
_______________________10. Niniwala siya na ang Pilipinas ay galing sa Tulay na Lupa.

II.. Lagyan ng bilang ang mga antas ng pamumuhay ng sinaunang Pilipino. 1 bilang pinakamataas at 5 bilang
pinakamababang antas.

______ 11. Timawa


______ 12. Alipin sa gigilid
______ 13. Datu
______ 14. Aliping namamahay
______ 15.Maharlika

III.Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

______16.Ano ang kahalagahan ng pagkakatuklas sa Kwebang tabon sa Palawan?


a. Pinatutunayan na maraming tao sa Pilipinas
b. Pinatutunayan na sila ay kabilang sa unang tao na nanirahan sa mundo
c. Pinatutunayan na sila ang kauna-unahang katutubong Pilipino
d. B at C
______17.Anong uri ng alipin ang nakatatamasa ng ilang karapatan tulad ng pagmamay-ari ng kanilang tirahan, at pumili
ng kanilang mapapangasawa. Hindi sila maaaring ipagbili.
a. Aliping maharlika b. aliping namamahay
b. Aliping timawa d. aliping saguiguilid
______18. Sino ang namumuno sa pamahalaang barangay noong unang panahon?
a. Datu b. pari
c. Ministro d. reyna
_______19.Kapag mayroong batas na napagtibay ay ipinaaalam niya ito sa mga tao. Tinitipon ng tagapagbalita ang mga
tao sa liwasan at ibinabalita ang bagong batas. Matapos ang pagbabalita, ipinaiiral na ito. Sino siya?
a. Datu b. ministro
c. Pari d. umalohokan
_______20.Siya ang namumuno sa pamahalaang sultanato.
a. Sultan b. datu
c. Timawa d. alipin

_______21.Ano ang pagkakaiba ng Negrito sa ibang unang taong nanirahan dito?


a. Sila ay maliliit, kulot, at maitim ang buhok
b. Sila ay matangkad at balingkinitan ang katawan
c. Sila ay lahing kayumanggi, katamtaman ang taas at matipuno ang katawan
d. May mataas na uri ng pamumuhay.

______22.Sa pangkat na ito nagmumula ang mga sultan, datu, raha, lakan at kanilang mga pamilya. Sila ay itinuturing na
mga pinuno ng pamayanan kaya may malaking pagpapahalaga kapag napabilang ka dito.
a. Alipin b. maharlika c. timawa d. Indones

______23. Ito ang teorya kung saan pinaniniwalaang ang kontinente ng daigdig ay nabuo sanhi ng diyastropismo o ang
paggalaw ng solidong bahagi ng mundo.
a. Teoryang Continental Shelf b. Teoryang Pandarayuhan
c. Teoryang Tulay na Lupa d. Teoryang Bulkanismo

______24.Bawat bansa sa mundo ay may kanya-kanyang uri ng panahon at klima. Ito ay nakasalalay sa lokasyon ng mga
ito. Ito ang pansamantalang kalagayan ng atmospera ng isang lugar na maaring mabago anumang oras.
a. Atmospera b. panahon
c. Klima d. lokasyon

_____25. Ito ang tawag sa maliit na modelo o replica ng mundo.


a. Mapa b. globo
c. Tubig d. lupa

III. Isulat ang B sa linya kung ang pahayag ay tumutukoy sa pamahalaang barangay at S kung pamahalaang
sultanato sa sagutang papel.

______26.Ang matatanda ay katu-katulong sa pagpapasya ng pinuno.


______27.Binubuo lamang ito ng 30 hanggang 100 pamilya.
______28.Binubuo itong 10 hanggang 12 nayon o higit pa.
______29.Hinango sa salitang Malayo ang pangalan ng sistemang ito.
______30.Isa sa mga tungkulin ng pinuno rito ang panalangin sa moske at pagbasa ng Koran.
IV. Lagyan ng mukhang nakangiti ( ) ang ginagawa o hanapbuhay ng mga katutubong Pilipino at malungkot na
mukha (😟) kung hindi.
______31.Paninisid ng perlas at kabibe
______32.Panghuhuli ng mga isda
______33.Pagtatanim o pagsasaka
______34.Pagpapatayo ng malalaking imprastraktura
______35.Pagpapanday
______36.Pagmimina ng ginto, pilak, at iba pang mineral
______37.Pagkukumpuni ng sirang kable ng kuryente
______38.Paghahabi ng tela
______39.Paggawa ng kagamitang pinatatakbo ng elektrisidad
______40.Pagbebenta ng mga kalakal at produkto.
Talaan ng Ispesipikasyon

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5

LAYUNIN BILANG NG AYTEM KINALALAGYAN NG


AYTEM

1. Natutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas sa 10 1-10


mundo batay sa absolute location nito

2. Natutukoy ang mga salik na may kinalaman 1 11


sa klima ng bansa tulad ng temperatura,
dami ng ulan, at humidity.

3. Natatalakay ang mga teorya tungkol sa 3 12-14


pinagmulan ng sinaunang tao sa Pilipinas.

4. Nalalaman ang ibig sabihin ng sanduguan. 1 15

5. Naipagmamalaki ang lipunan ng sinaunang 7 16-22


Pilipino.

6. Nasasabi ang iba pang teorya ng 3 23-25


pinagmulan ng sinaunang lipunan
7. Naihahambing ang pamahalaang barangay 5 26-30
sa pamahalaang sultanato.

8. Nasusuri ang kabuhayan ng sinaunag 10 31-40


panahon kaugnay sa kapaligiran, mga
kagamitan, sa ibat-ibang kabuhayan at mga
produktong pangkalakalan.

40 40
KABUUAN

You might also like