You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
LITTLE BAGUIO ELEMENTARY SCHOOL
PUROK 2, BANGANTALINGA, IBA, ZAMBALES 2201

SUMMATIVE ASSESSMENT TEST


ARALING PANLIPUNAN 4
QUARTER 1 – WEEK 3 & 4
OCTOBER 11, 2021

Grade 4 - RIZAL

_____________________________________
Name of Learner

Score:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong

___1. Matatagpuan ang Pilipinas sa ________.


A. Timog Asya C. Kanlurang Asya
B. Silangang Asya D. Timog-Silangang Asya
___2. Ito ay tumutukoy sa sukat ng lupaing sakop ng isang lugar?
A. gusali C. direksiyon
B. teritoryo D. populasyon
___3. Ang Pilipinas ay kapuluang napapaligiran ng _______.
A. tao C. tubig
B. lupa D. hayop
___4. Ang Estados Unidos ay masasabing________.
A. malapit sa Pilipinas C. napakalapit sa Pilipinas
B. malayo sa Pilipinas D. napakalayo sa Pilipinas
___5. Ang Pilipinas ay binubuo ng ______ na mga pulo.
A. 5,200 C. 7,107
B. 6,100 D. 8,300
___6. Ang lawak ng bansang Pilipinas ay umaabot sa ________.
A. 100 000 kilometro kuwadrado
B. 300 000 kilometro kuwadrado
C. 500 000 kilometro kuwadrado
D. 700 000 kilometro kuwadrado
___7. Ano ang ginagamit sa pagguhit ng mapa na maipapakita ang
katumbas o aktuwal na laki o distansiya sa pagitan ng dalawang lugar
sa daigdig?
A. Bato C. Iskala
B. Tsok D. Pisara
___8. Kung ihahambing sa kapuluan ng Indonesia, ang lawak ng teritoryo
ng Pilipinas ay masasabing_______.
A. kasinlaki C. mas malaki
B. mas maliit D. malaking-malaki
___9. Ang pinakamalapit na bansa sa Hilaga ng Pilipinas ay ang ______.
A. China C. Taiwan
B. Japan D. Hongkong
___10. Pinakamalayong bansa mula sa Kanluran ng Pilipinas ay ang ___.
A. Laos C. Myanmar
B. Thailand D. Cambodia
___11. Ano ang klimang nararanasan ng Pilipinas?
A. Tropikal C. Taglagas
B. Tagsibol D. Tag-ulan
___12. Saan nakabatay ang klima ng isang lugar o bansa?
A. Sa pagkakaiba-iba ng klima
B. Sa kinalalagyan nito sa mundo
C. Sa pag-ikot ng daigdaig sa araw.
D. Sa pag-ikot ng mundo sa sariling axis
___13. Ito ay tumutukoy sa kalagayan ng kapaligiran gaya ng taglamig
at tag-init.
A. Klima C. Panahon
B. Lokasyon D. Topograpiya
___14. Ano ang tawag sa pangkalahatang kalagayan ng panahon sa isang
lugar na may kinalaman sa atmospera, temperatura at iba pang
nakaaapekto sa pamumuhay ng mga nilalang dito?
A. Klima C. Tropikal
B. Panahon D. Taglamig
___15. Bakit nararanasan sa gitnang latitud ang panahon ng tagsibol, tag-
init, taglagas at taglamig?
A. Dahil pahilis ang sikat ng araw dito
B. Dahil direkta itong nasisikatan ng araw
C. Dahil hindi ito tinatamaan ng sikat ng araw
D. Dahil kaunting sikat ng araw ang nakararating dito
___16. Ano ang tawag sa rehiyong napapaligiran ng makakapal na yelo?
A. Rehiyong Polar C. Rehiyon ng Kanser
B. Rehiyong Tropikal D. Rehiyong Temperate
___17. Ano ang tawag sa bahagi ng Tropiko ng Kanser at Tropiko ng
Kaprikorn?
A. Polong Timog C. Rehiyong Polar
B. Gitnang Latitud D. Mababang Latitud
___18. Ano ang tawag sa bahaging nasa pagitan ng kabilugang Arktiko at
Tropiko ng Kanser at ang nasa pagitan ng kabilugang Antarktiko at
Tropiko ng Kaprikorn?
A. Rehiyong Polar C. Mababang Latitud
B. Gitnang Latitud D. Rehiyong Tropikal
___19. Ito ay may malaking kaugnayan sa uri ng klima sa mga lugar sa
daigdig.
A. Init C. Panahon
B. Ulan D. Guhit latitud
___20. Nakararanas ang mga naninirahan sa bahaging ito ng higit na init
at sikat ng araw.
A. Gitnang Latitud C. Rehiyong Tropikal
B. Rehiyong Polar D. Rehiyong Temperate

SUBJECT TEACHER

ISRAEL E. VENIEGAS
Teacher III, AP 4 Teacher

________________________
Name of Parent and Signature

You might also like