You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT ARALING PANLIPUNAN 6

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Sa globo makikita ang kabuuang larawan kung saan nakalagay o nakapuwesto ang
bawat bansa, mga karagatan, at mga kontinente. Saang bahagi ng imahinaryong guhit sa
globo matatagpuan ang bansang Pilipinas?

A. nasa timog ng ekwador C. nasa itaas na bahagi ng ekwador


B. nasa tagiliran ng ekwador D. nasa ibabang bahagi ng ekwador

2. Nakasaad sa kasungduang ito na Ang Turtle Islands at Mangsee ay kinikilala bilang bahagi
ngTeritoryo ng Pilipinas. Anong tawag sa kasunduang ito?
A. Kasunduan sa Paris C. Doktrinang Pangkapuluan
B. Kasunduang Washington D. Kasunduang United States at Great Britain

3. Ang Sulu Sea at Celebes Sea ay mga dagat na matatagpuan sa Pilipinas. Paano ito
nakasama sa teritoryo na pag-aari ng Pilipinas?
A. nasasaad ito sa Doktrinang Pangkapuluan ng Pilipinas
B. ang mga ito ay pag-aari ng Pilipinas batay sa Kasaysayan
C. kabilang ang mga ito sa teritoryong nasasaad sa Atas ng Pangulo Blg. 1596
D. itinatadhana ng Saligang Batas na lahat ng ilalim ng lupa at dagat na sakop ng
Pilipinas ay kasama sa teritoryo nito.

4. Upang malaman ang tiyak na kinaroroonan ng PIlipinas sag lobo ay mahalagang malaman
ang tiyak na sukat nito. Ang grid na makikita sa globo ay mabisang paraan upang matukoy
ito. Kung gagamit ka ng grid, ano ang tiyak na sukat o absolute na lokasyon ng Pilipinas?
A. 4ͦ at 21ͦ timog latitud at 106 ͦ at 130 ͦ kanlurang longhitud
B. 4 ͦ at 21 ͦ hilagang latitud at 116 ͦ at 127 ͦ silangang longhitud
C. 6 ͦ at 26 ͦ hilagang latitud at 116 ͦ at 130 ͦ kanlurang longhitud
D. 6 ͦ at 36 ͦ silangang latitud at 126 ͦ at 130 ͦ kanlurang longhitud
5. Maraming kasunduan ang nilagdaan na nagpapatunay na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas
ang Cagayan, Sulu at Sibutu. Ayon sa kasunduan sa Washington, kalian ito nilagdaan?
A. Setyembre 7, 1900 C. Nobyembre 17,1900
B. Nobyembre 7, 1900 D. Nobyembre 27,1900

6. Bakit mahalaga ang paggamit ng mapa at globo sa pagtukoy ng hangganan at lawak ng


teritoryong sakop ng bansa?
A. Dahil ito ay madaling gamitin
B. Dahil ito ang nagsasabina kaunti lamang ang sakop ng ating teritoryo.
C. Dahil ito ay paraan upang maibahagi natin sa karatig bansa ang ating teritoryo.
D. Dahil ito ang matibay na batayan upang tiyak na matukoy ang hangganan ng
teritoryo ng Pilipinas.

7. Si Vernon ay batang mag-aaral sa baitang anim.Tinalakay nila ang tungkol sa mga


kasunduang nilagdaan nagpapahayag ng hanganan ng teritoryo ng atingbansa ayon sa
kasaysayan. Alin sa ibaba ang nagpapahayag ng kahalagahan ng mga kasunduan?
A. Ito ay pawang mga kasulatan lamang at maaring baguhin.
B. Pinagtibay ng Saligang Batas ng Bansa at walang maaring bumago.
C. Ang layunin dito ay upang pakinabangan lamang ng iilang tao sa bansa
D. Maaring angkinin ng karatig bansa ang ilang teritoryo ng ating bansaalinsunod sa
kagustuhan ng mga pinuno.

8. Ang pagbubukas ng maraming bangko ay nagpapatunay na maunlad ang isang bansa. Alin
sa mga sumusunod na bangko ang nabuksan noong 1876?
A. Monte de Piedad C. Shanghai Banking Corporation
B. Chartered Bank of India D. Banco Español-Filipino de Isabel II

9. Nakikipagkalakalan na ang ating mga ninuno sa mga dayuhan bago pa tayo sakupin ng
mga dayuhan. Alin sa mga sumusunod ang nauna sa pakikipagkalakalan sa ating bansa?
A. Arabe B. Ingles C. Intsek D. Pranses

10. Ang Pilipinas ay matagal na kolonya ng Espanya. Paanonakarating ang mga


mangangalakal sa Pilipinas noong panahong iyon?
A. Sa pamamagitan ng paglalakad
B. Sa pamamagitan ng pagsakay sa kabayo
C. Sa pamamagitan ng pagsakay sa barko
D. Sa pamamagitan ng pagsakay sa eroplano

11. Ang Suez Canal na nasa bansang Egypt ay artipisyal na daluyan ng tubig na nagdurugtong
sa Mediterranean Sea at Red Sea at ito binuksan sa pandaigdigang kalakalan noong ika-17
ng Nobyembre 1869. Ano ang pangunahing dahilan sa pagbubukas nito?
A. Upang mapadali ang pag-angkat ng produkto sa mga kolonya ng Europa
B. Upang mapalawak ang ugnayan ng Europa sa ibang bansa
C. Upang mapaunlad ang bansa sa larangan ng politika
D. Upang turuang mag-alsa ang mga Pilipino

12. Alin sa mga sumusunod ang HINDI magandang epekto ng pagbubukas ng daungan sa
buhay ng mga Pilipino?
A. Naging mabilis ang komunikasyon.
B. Umunlad ang kamalayan sa kanilang kapaligiran.
C. Nagkaroon ng maraming hanapbuhay ang mga Pilipino.
D. Bumaba ang ani ng produkto tulad ng tabako, asukal at abaka sapagkat ang mga ito
ay hindi tinatangkilik sa pandaigdigang pamilihan

13. Sino ang mestisong paring espanol ang bumuo ng kilusang sekularisasyon ng mga parokya
ang nakipaglaban para sa kanilang mga karapatan?
A. Padre Jose Burgos C. Padre Pedro Pelaez
B. Padre Jacinto Gomez D. Padre Jacinto Zamora

14. May dalawang uri ng mga pari noong panahon ng Kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas
kagaya ng sekular at regular na mga pari. Alin sa mga uri ng pari ang may pangunahing
gawain na magpalaganap ng Kristiyanismo sa bansa?
A. Cardinal B. Popular C. Regular D. Sekular

15. Ang Asociacion Hispano-Filipina ay itinatag sa Madrid, Espanya para sa reporma ng Pilipinas.
Sino ang namuno sa mga aktibong kasapi nito?
A. Dr. Jose Rizal C. Don Miguel Morayta
B. Andres Bonifacio D. Graciano Lopez Jaena
16. Ano ang pangunahing dahilan ng kabiguan ng Kilusang Propaganda sa pagsulong ng
reporma?
A. Kakulangan ng mga lider. C. Kakapusan sa kahusayan sa pagsulat.
B. Katamaran ng mga Pilipino. D. Kakulangan ng pagkakaisa ng mga
Pilipino

17. Paano tumugon ang mga Pilipino sa kolonyal na edukasyon ng Espanya?


A. Hindi tinanggap ng nakararami ang mga patakarang pang edukasyon ng Espanya.
B. Dahil sa lubos na kamangmangan, ang lahat at sumunod na lamang
C. Dahil sa kakulangan ng kaalaman, marami ang sumunod na lamang
D. Marami ang tumutol samantalang ang iba ay napilitang sumunod

18. Maraming labanan ang matagumpay na naisakatuparan ng mga Pilipino laban sa mga
Espanyol subalit hindi ito nagtagal dahil nalaman ito ng mga Kastila. Bakit nabunyag ang lihim
ng kilusan?
A. dahil sa kwento ng mga nagtatag
B. dahil sa away ng dalawang kasapi
C. dahil sa artikulong nakasulat sa pahayagan
D. dahil sa liham na nakumpiska ng mga Kastila

19. Hindi gaanong nagtagumpay ang mga reporma sa mapayapang paraan ng Kilusang
Propaganda at La Liga Filipina. Dahil dito nagpasya si Andres Bonifacio na itatag ang isang
samahan o kilusan. Anong tawag sa kilusang ito?
A. HUKBALAHAP B. KKK C. La Liga Filipina D. Pugad Lawin
20. Nagkaroon ng pagpupulong ang pagkat Magdalo at Magdiwang upang pag -isahin at higit
na lumakas ang samahan laban sa mga Espanyol. Saan ginanap ang pagpupulong na ito?
A. Balintawak B. Pugadlawin C. San Juan D. Tejeros

21. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naging positibong kinalabasan tungkol sa
Kasunduan sa Biak-na-Bato?
A. Natigil ang labanan sa pagitan ng mga Pilipino at Español sa Zambales at Ilocos Sur.
B. Pinatawad nang lubusan ng mga Español ang mga rebolusyonaryong Pilipino.
C. Maraming kawal na Pilipino ang hindi nagsuko ng kanilang mga sandata.
D. Ang lahat ng repormang hiningi ng mga Pilipino ay natupad.
22. Alin sa mga sumusunod na probisyon ang HINDI nakasaad sa Kasunduan sa Biak-na-Bato?
A. Lubusang kapatawaran sa lahat ng rebolusyonaryo at pagsusuko ngkanilang mga
sandata.
B. Pagkakaloob ng Espanya sa mga rebolusyonaryong Pilipino ng halagang P800, 000.
C. Ititigil ng mga pinunong rebolusyonaryo ang labanan at maninirahan sila sa HongKong.
D. Pagkakaloob ng Espanya sa hinihinging kalayaan ng mga Pilipino.

23. Ang Kasunduan sa Biak-na-Bato ay ang kasunduan sa gitna ng mga magdiwang at mga
Magdalo upang matigil ang Himagsikang Pilipino noong 1896. Natupad ba ng mga Pilipino at
Español ang mga probisyon ng Kasunduan sa Biak-na-Bato?
A. Oo, dahil mga Pilipino lamang ang tumupad nito
B. Hindi, dahil natuloy ang labanan nila
C. OO, walang silang alam na nilabag.
D. Hindi, dahil pareho silang may nilabag na batas

24. Nagkaroon ng halalan para sa itatayong pamahalaang rebolusyunaryo ang dalawang


pangkat ang Magdiwang at Magdalo. Nahalal na pangulo si Emilio Aguinaldo at direktor na
panloob si Andres Bonifacio, subalit tinutulan ito ni Daniel Tirona kasapi ng pangkat Magdalo.
Bakil tinutulan ni Daniel Tirona na mahalal si Andres Bonifacio?
A. Dahil mahina siyang lider
B. Dahil lumaki siyang mahirap
C. Dahil hindi siya kabilang sa pangkat ng Magdalo
D. Dahil wala siyang kakayahan humawak ng tungkulin at kulang sa pinag-aralan

25. Maagang naulilia si Andres Bonifacio at kainakailangan niyang isakripisyo ang kanyang sarili
upang mapag-aral ang kanyang mga kapatid. Alin ang ambag ni Andres Bonifacio na
nagpatunay na hindi hadlang ang kahirapan upang maging pinuno?
A. pagiging supremo ng katipunan C. pagiging lumpong utak ng himagsikan
B. ang kanyang mga sinulat na akda D. ang pagiging pambansang bayani

26. Alin sa mga sumusunod ang layunin ng Kasunduan sa Biak-na-Bato?


A. Itago sa lahat ang mga anomalya sa pamahalaan
B. Itigil ang labanan para sa ikatatahimik ng bansa
C. Ibigay na ang kalayaang hinihingi ng Pilipinas
D. Ituloy ang labanan kahit may kasunduan
27. Noong Agosto 19, 1896 natuklasan ang Katipunan at inaresto ang mga hinihinalang kasapi
nito ngunit nakatakas sina Bonifacio at Jacinto. Saang lugar nagkita-kita ang iba pang kasapi
nito para maipagpatuloy ang kanilang paghihimagsik?
A. Batangas B. Bulacan C. Pampanga D. Pugad Lawin

28. Ayon sa kasaysayan, nahuli, ikinulong at hinatulan ng kamatayan si Dr. Jose Rizal sa Bagong
Bayon na ngayon ay tinatawag na Rizal Park. Marami pa ang nagpatuloy sa pakikipaglaban
sa mga Pilipino na ang layunin ay magkaroon ng kalayaan kagaya rin ni Andres Bonifacio.
Bakit mahalaga si Andres Bonifacio sa kasaysayan ng kalayaan ng bansa?
A. Itinatag niya ang Katipunan C. Naging mabuti siyang katipunero
B. Ipinanalo niya ang himagsikan D. Naging inspirasyon siya sa mga Pilipino

29. Ano ang kahanga-hangangserbisyo ni Trinidad Tecson na hindi ginawa ng ibang


kababaihang kasapi ng Kilusan?
A. Naging nars o tagapaggamot
B. Ginamit ang kanyang dugo sa paglagda
C. Sumama sa pagkuha ng armas sa loob ng Korte
D. Nakasama sina Hen. Francisco Makabulos sapakikipaglaban

30. Isa si Melchora Aquino sa mga kasapi ng katipunan. Ano ang ginawa ng mga Kastila kay
Aquino ng malaman nila ang partisipasyon niya sa mga Katipunero?
A. Hinuli at ipinatapon sa Pulo ng Marianas C. Inalila at ginawang busabos
B. Ipinapatay ng mga Kastila D. pinagsamantalahan

31. Siya ay isang babaeng matapang, may lakas ng loob na maghimagsik sa digmaan. Ipinakita
niya ito nang pumunta siya sa kampo noong sumiklab ang Digmaan sa pamumuno ni Heneral
Perfecto Poblador. Sino ang tinutukoy dito?
A. Gabriela Silang C. TrinidadTecson
B. Melchora Aquino D. TeresaMagbanua

32. Saang labanan nakasama si Trinidad Tecson nang siya ay tinamaan ng bala sa hita na naging
sanhi ng kanilang pag-atras?
A. Kalookan B. Navotas C. Nueva Ecija D. San Miguel
33. Mahalagang bahagi ang ginampanan ni Emilio Aguinaldo sa pagdedeklara ng kasarinlan ng
bansang Pilipinas. Saan at kailan isinagawa ang unang pagwagayway ng watawat ng
Pilipinas?
A. Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite C. Hulyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite
B. Hunyo 28, 1898 sa Kawit, Cavite D. Hulyo 4, 1898 sa Kawit, Cavite

34. Sa pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas, unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas


na sinaliwan ng tugtog. Sino ang sumulat at bumasa ng pagpapahayag ng kasarinlan ng
Pilipinas?
A. Ambrosio Rianzares Bautista C. Emilio Aguinaldo
B. Apolinario Mabini D. Jose Palma

35. Ang bansang Pilipinas ay isang malayang bansapagkatapos ang pagdeklara ng kasarinlan.
Paano masasabi na malayaang isang bansa?
A. pinamamahalaan ng mga dayuhan.
B. may kalayaang kinikilala ng ibang bansa
C. walang karapatang mamahala sa nasasakupan.
D. napapakialaman ng ibang bansa sa mga desisyon nito.

36. Maraming karapatan at kalayaan ang tinatamasa ng mamamayang Pilipino sa pagkakamit


ng kasarinlan. Ang bawat tao ay may karapatang tanggapin at ibigay ang respeto o
paggalang na nararapat sa kanya. Ano ang dapat mong gawin upang matamasa mo ito?
A. Mag-aaral akong mabuti.
B. Iiwasan kong makipag-away.
C. Susunod ako sa batas ng ating bansa.
D. Igagalang ko ang aking kapwa, matanda man o bata

37. Ang magkaroon ng kalayaan ay tanging ipinaglaban ng mga Pilipino sa mga mananakop.
Marami ang nasawi ngunit ipinagpatuloy ang paghihimagsik hanggang sa makamit ito. Bilang
isang mag-aaral, paano mo pinahahalagahan ang pagkilalasa ating kalayaan?
A. nakikilahok sa pagpupugay sa watawat ng Pilipinas na ginagawa ng paaralan
B. nakikiasali sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa plaza
C. nagtutungo sa mga pasyalang lugar ng Pilipinas
D. nanonood ng mga palabas sa telebisyon kagaya ng “Ang Probinsiyano”
38. Bakit marami sa ating mga bayani ay nagbuwis ng buhay sa ating bansa?
A. upang makilala sila ng mga kabataan.
B. upang mailathala ang kanilang pangalan sa mga aklat.
C. dahil tungkulin talaga nilang ipagtanggol ang ating bansa.
D. upang matamo ng ating bansa ang kalayaan laban sa mga mananakop

39. Matapos ang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga Kastila, nagpatuloy pa rin ang
paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano dahil gusto rin pala nila na sakupin
ang Pilipinas. Nagtago ang mga sundalong Pilipino ngunit sila ay nahuli rin. Paano nakita ng
mga Amerikano ang kinaroroonan ng mga sundalong Pilipino?
A. Isinuplong sila ng nagtaksil na sundalong Pilipino.
B. Itinuro ng isang katutubo ang kinaroroonan ng mga sundalong Pilipino.
C. Nasundan ang mga bakas ng mga nagtatagong sundalong Pilipino.
D. Nahuli ang mga sundalong Pilipino sa ginawang inspeksyon ng mga Amerikano.

40. Ano ang dahilan ngtagumpay ng mga Pilipino sa pakikipaglaban sa mga Amerikano na
nangyari sa Balangiga, Eastern Samar?
A. Ang pagiging dalubhasa sa pakikipaglaban
B. Ang kagitingan at katapangan sa pakikipaglaban
C. Ang lubos na pagmamahal sa ating kalayaan at bayan
D. Ang malakas na pwersa ng hukbo sa pakikipaglaban

41. Itinuring na isang magiting na pagkapanalo ng mga Pilipino ang labanan sa Balangiga,
Eastern Samar. Bakit sa paningin ng mga Amerikano ang paglusob ng mga Pilipino sa
kanilang garison ay isang masaker?
A. dahil nagapi ng mga Pilipino ang mga Amerikano
B. dahil napatay ng mga Pilipino ang 48 sundalong Amerikano
C. dahil walang alam ang mga Amerikano sa paglusob ng mga Pilipino
D. dahil walang takot na pinagsasaksak ng mga Pilipino ang mga Amerikano

42. Napag-aralan mo sa Araling Panlipunan ang mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa
bayan. Paano mo pahahalagahan ang kanilang nagawa sa ating bayan?
A. hayaan na lamang na ituro sa klase
B. ipagmamalaki ito saanman makarating
C. babalewalain ang mga pangyayaring bahagi ng kasaysayan
D. hindi papansinin dahil hindi mo naman naranasan ang mga pangyayari

43. Si Heneral Antonio Luna ay isa sa mga namuno sa labanan noong panahon ng mga
Amerikano. Paano niya pinamunuan ang hukbo ng mga sundalong Pilipino sa
pakikipaglaban?
A. may pagsisisi siya sapagkat natalo sila sa labanan
B. buong tapang na pinamunuan ang sundalong Pilipino
C. naduwag dahil mas marami ang sundalong Amerikano
D. natuwa dahil dumating ang mga sundalong Pilipino

44. Ang labanang Amerikano-Pilipino ay kumalat sa iba’t ibang pook ng Pilipinas. Nagtagumpay
ang mga Pilipino sa paglusob sa garrison ng mga Amerikano sa Balangiga na ikinamatay ng
48 na sundalong Amerikano at ito ay tinawag na Balangiga Massacre. Anong konklusyon ang
masasabi sa pakikipaglaban ng mga Pilipino?
A. Matatapang ang mga Pilipino
B. Mahuhusay ang mga Pilipino sa pakikidigma
C. Mahilig ang mga Pilipino sa pakikipaglaban sa mga dayuhan
D. Magigiting ang mga Pilipino at lubos ang pagmamahal sa kalayaan at bayan

45. Si Gregorio del Pilar ang binansagang “Bayani ng Pasong Tirad” at pinakabatàng heneral sa
Himagsikang Filipino. Bakit siya itinuturing na tunay na bayani?
A. dahil malapit siya sa pinuno at kaibigan niya ang pangulo ng bansa
B. dahil buong giting at tapang niyang pinamunuan ang pangkat sa labanan
C. dahil sumuko siya at nakipagkasundo sa mga Amerikano
D. dahil napatay siya ng mga Amerikano

46. Ipinakita ng mga Pilipino ang iba’t ibang paraan nang pakikipaglaban sa mga dayuhan
upang makamit ang kalayaan. Paano ipinagtanggol ni Hen. Gregorio Del Pilarang bansa
laban sa mga Amerikano?
A. Hinikayat niya ang mga sundalong Pilipino na sumuko
B. Inilunsad niya ang pag-aalsa sa Cavite
C. Ipinagpatuloy niya ang laban sa Pasong Tirad
D. Itinatag niya ang Kilusang Pangreporma
47. Maraming mga Pilipino ang nagbuwis ng buhay para makamit ang kalayaan ng ating bansa
kaya itinuring silang mga bayani. Paano mo mailalarawan ang isang bayaning Pilipino?
A. kung nagpakita siya ng kagitingan at katapangan sa digmaan
B. kung marami siyang napatay na kalaban
C. kung may nagawa siyang kahanga-hanga
D. kung napatay siya sa labanan

48. Si Dr. Jose Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga Kastila sa
pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong
panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa.Paano mo maipapakita ang iyong
pagpapahalaga sa mga bayaning Pilipino?
A. Mangulekta ng mga larawan nila C. Makipaglaban din sa mga dayuhan
B. Sambahin silang parang mga santo D. Isabuhay ang mabubuting katangian nila

49. Sa panahon ng mga Amerikano, muling binuhay ni Macario Sakay ang Katipunan at
nagdagdag siya ng mga bagong kasapi. Anong diwa o pagpapahalaga ang ipinakita rito ni
Macario Sakay?
A. Kalinisan B. Katapangan C. Kasakiman D. Kadamutan

50. Buhay ang itinaya ng ating mga bayani upang makamit ang kalayaang tinatamasa natin sa
kasalukuyan. Bakit nararapat nating ipagmalaki ang isang bayaning Pilipino?
A. Dahil namatay siya sa digmaan
B. Dahil siya ay aking kababayan
C. Dahil magaling siyang humawak ng sandata
D. Dahil Ipinamalas nila na ang pagmamahal sa tinubuang lupa
Susi ng Pagwawasto
1. C 26. B
2. D 27. D
3. D 28. A
4. B 29. B
5. B 30. A
6. D 31. D
7. B 32. D
8. C 33. A
9. C 34. A
10. B 35. B
11. A 36. D
12. D 37. A
13. C 38. D
14. C 39. B
15. C 40. C
16. D 41. B
17. C 42. B
18. B 43. B
19. B 44. D
20. D 45. B
21. B 46. C
22. D 47. C
23. D 48. D
24. D 49. B
25. B 50. D
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT ARALING PANLIPUNAN 6

Unang Markahan
TALAAN NG ISPISIPIKASYON

Cognitive Process Domains

Blg. Ng Aytems
Blg. Ng Araw

Understanding
Remembering

Evaluating
Analyzing
Layunin

Applying

Creating
%

1. Natutukoy ang kinalalagyan ng 1 2.5 1 1


Pilipinas sa mundo sa globo at 1
mapa batay sa ”absolute location”
nito (longitude at latitude)
2. Nagagamit ang grid sa globo at 2 5 3 1 1 1
mapang politikal sa
pagpapaliwanag ng pagbabago
ng hangganan at lawak ng 2 3 4
teritoryo ng Pilipinas batay sa
kasaysayan
3. Naipaliliwanag ang kahalagahan 2 5 3 1 1 1
ng lokasyon ng Pilipinas sa
ekonomiya at politika ng Asya at 5 6 7
mundo
4. Nasusuri ang konteksto ng pag- 4 10 5 2 2 1
usbong ng liberal na ideya tungo sa
pagbuo ng kamalayang
nasyonalismo 8-9 10- 12
4.1 Natatalakay ang epekto ng 11
pagbubukas ng mga
daungan ng bansa sa
pandaigdigang kalakalan
4.2 Naipaliliwanag ang ambag
ng pag-usbong ng uring
mestizo at ang pagpapatibay
ng dekretong edukasyon
5. Nasusuri ang mga ginawa ng 5 12.5 6 2 2 1 1
mgamakabayang Pilipino sa
pagkamit ng kalayaan
5.1 Natatalakay ang kilusan para 13- 15- 17 18
sa sekularisasyon ng mga 14 16
parokya at ang Cavity Mutiny
(1872)
5.2 Naipaliliwanag ang ambag
ng Kilusang Propaganda sa
pagpukaw ng damdaming
makabayan ng mga Pilipino
5.3 Natatalakay ang pagtatag at
paglaganap ng Katipunan
5.4 Nahihinuha ang implikasyon
ng kawalan ng pagkakaisa sa
himagsikan/ kilusan at
pagbubuo ng Pilipinas bilang
isang bansa
6. Nasusuri ang mga pangyayari sa 5 12.5 6 1 1 3 1
himagsikan laban sa
kolonyalismongEspanyol
6.1 Sigaw sa Pugad Lawin 19 20 21- 24
6.2 Tejeros Convention 22-
6.3 Kasunduan sa Biak-na-Bato 23

7. Natatalakay ang mga ambag 3 7.5 4 2 2


niAndres Bonifacio, ang Katipunan
atHimagsikan ng 1896 sa 25- 27-
pagbubuo ngPilipinas bilang isang 26 28
bansa
8. Natatalakay ang partisipasyon 3 7.5 4 2 2
ngmga kababaihan sa 29- 31-
rebolusyonPilipino 30 32
9. Napapahalagahan ang 5 12.5 6 1 1 4
pagkakatatag ng Kongreso ng 35
Malolos at ang deklarasyon ng to
kasarinlan ng mga Pilipino. 33 34 38
10. Nasusuri ang mga 5 12.5 6 2 1 2 1
mahahalagangpangyayari sa
pakikibaka ng mgaPilipino sa 39- 41 42-
panahon ng DigmaangPilipino- 40 43 44
Amerikano
10.1 Natutukoy ang mga
pangyayaring nagbigay daan
sa digmaan ng mga Pilipino
laban sa Estados Unidos
10.2 Napahahalagahan ang
pangyayari sa Digmaang
Pilipino-Amerikano
-Unang putok sa panulukan
ng Silencio at Sociego, Sta.
Mesa
-Labanan sa Tirad Pass
-Balanggiga Massacre
10.3 Natatalakay ang Kasunduang
Bates (1830-1901) at ang
motibo ng pananakop ng
Amerikano sa bansa sa
panahon ng paglawak ng
kanyang “political empire”
11. Nabibigyang halaga ang mga 5 12.5 6 2 2 2
kontribusyon ng mga natatanging
Pilipinong nakipaglaban para sa
kalayaan 45- 47- 49-
-Emilio Aguinaldo 46 48 50
-Gregorio del Pilar
-Miguel Malvar
-iba pang bayaning Pilipino
Kabuuan 40 100 50 17 13 10 5 2 3

Inihanda:

Mga Piling Guro sa Baitang 6


Mga Koordeneytors ng mga Purok

Pinansin:
Pinagtibay:

ROLANDO S. CASANOVA
Pansangay na Tagamasid – Araling Panlipunan MARIO B. MARAMOT
Tagapagpaganap, Hepe ng CID

You might also like