You are on page 1of 19

Nagagamit nang wasto ang Kard

na Pang-aklatan
Tuklasin Mo
• Saan ka ba pupunta kung nais mong
magsaliksik tungkol sa iyong
takdang-aralin? Sino ang iyong
kakausapin?
• Alam mo ba ang mga ito?
• May tatlong uri ng Kard Katalog.
• Tunay na mapadadali ang paghanap ng
aklat na iyong sasaliksihin sa silid-
aklatan sa tulong ng Kard Katalog.
Kard ng Kard ng Kard ng
Paksa Pamagat May-akda

• Ano ang maitutulong ng kaalaman sa


paggamit ng kard katalog?
Alamin Mo
• Basahin ang usapan ng mga mag-aaral
• Mag-aaral 1 : Maaari mo ba akong
matulungan kung paano ko makikita
ang aking sasaliksikin sa aking takdang-
aralin? Tunay na napakalaki ng silid-
aklatan na ito kung lahat ay titingnan ko
ang mga nakadisplay na mga aklat na
ito.
• Mag-aaral 2 : Aba! Oo. Katulad ng
ginawa ko. Pinag- aralan namin sa
asignaturang Filipino kung paano
gagamitin ang Kard Katalog. Isang
mabisang paraan ito upang mapabilis na
matukoy ang lugar ng aklat na
hahanapin mo.
• Mag-aaral 1 : Salamat. Mukhang ikaw
lamang ang makasasagot sa aking
problema. Hindi siguro ako gagabihin ng
pag-uwi kung magagamit ko ang tamang
paraan ng pananaliksik. Nasaan ba ang
Kabinet ng Kard Katalog.
• Mag-aaral 2 : Halika, sasamahan kita at
ituturo ko sa iyo ang paggamit ng Kard
Katalog.
• Narito ang mga hakbang sa wastong
paggamit ng Kard Katalog.
• 1. Pumili lamang ng isang uri ng kard sa Kard
Katalog.
• 2. Tiyaking mababasa agad ang mga
nakatalang impormasyon sa kard
• 3. Isulat sa papel ang nilalaman ng napiling
kard
• 4. Itala sa papel ang call number o bilang ng
aklat sa gawing itaas ng kaliwang bahagi ng
papel.
• 5. Isauli isa cabinet ang Katalog nang buong
ingat
• 6. Ibigay sa librarian ang call number ng aklat
na hihiramin
• Mag-aaral 1 : Salamat.Tunay na hulog
ka ng langit sa akin. Tatapatin kita na
hindi naming napag-aralan ang
paggamit ng Kard Katalog sa klase.
Pagbalik ko sa aming paaralan ituturo ko
ito sa kanila upang maging mainam ang
gagawin nilang pananaliksik. Maraming
salamat sa iyong pagtulong. Hindi kita
malilimutan
• Mag-aaral 2 : Walang anuman.
Lahat tayo ay dapat magtulungan
upang tayo ay magtagumpay sa
lahat ng ating gagawin.
• 1. Kard ng Pamagat. Sa kard na ito, unang
mababasa ang pamagat ng aklat, kasunod ang
pangalan ng may-akda at paksa ng babasahing
aklat.
• 372.4 Gintong Pamana, Pagbasa
• G93 Gugol, Ma. Victoria
• 1996 Gintong Pamana: Pagbasa. Ma
Victoria Gugol. Manila: Vival
Publishing House, Inc. c1996 IX,
264 p. ill.
• 2. Kard ng Paksa. Ang kard na ito ay
naglalaman muna ng paksa ng aklat bago ang
pamagat at may-akda ng aklat.
372.4 PAGBASa
G93 Gugol, Ma. Victoria
Gintong Pamana: Pagbasa. Ma. Victoria
Gugol. Manila: Vival Publishing House;
Inc. c1996
• Kard ng May-akda. Sa kard namang ito, ang
unang mababasa ay ang pangalan ng may-
akda ng aklat. Kasunod ang pamagat, at paksa
ng aklat
• 372.4 Gugol, Ma. Victoria Gintong
Pamana: Pagbasa. Ma. Victoria Gugol.
Manila: Vival Publishing House;
c1996 IX, 264p. ill
Gawin Ninyo
• Pumunta sa silid-aklatan. Hanapin sa kard
ang sumusunod na mga paksa. Kopyahin
ang call number ng aklat na nagtataglay ng
paksa.
• 1. Emilio Jacinto, Utak ng Katipunan
• 2. Kasaysayan ng Ilog Pasig
• 3. Global Warming
• 4. Talambuhay ni Pangulong Duterte
• 5. Mga Anyong Tubig sa Pilipinas
Gawin mo
• Ayusin ang sumusunod na datos para
makabuo ng kard ng may-akda, pamagat, at
paksa. Gawin sa nakalaang espasyo.
• 1. Garcia, F.G. 6. Goodwill Bookstore, Inc
• 2. Mga Alamat 7. c.199
• 3. Ang Alamat ng Bigas 8. 450
• 4.Maynila
9. Ga. 37
5. 100p. 10. 22 cm.
Isaisip Mo
Sa kasalukuyan, upang higit na mapadali
ang paghahanap ng mga impormasyon sa
silid-aklatan mayroon ng mga aklatan ang
gumagamit ng Online Public Access
Catalogue (OPAC). Sa isang pindot ay tiyak
na mahahanap mo na ang materyal na
iyong hinahanap. Paghambingin ang
tradisyonal at makabagong paraan ng
paghahanap ng impormasyon sa aklatan
Isapuso Mo
• Isaisip na ang pagtulong ay
nakakaginhawa ng kalooban.
Isulat mo
• Ibigay ang hinihingi ng mga form.
Gawin ito sa kuwaderno.
Petsa kung May-akda Pamagat ng Petsa kung
kailan hiniram aklat kailang isinuli

Paaralan _______________________________________
Address ng Paaralan__________________________ Taong
Panuruan _____________________________
Pangalan _____________________________________
Baitang/Seksyon___________Edad____ Kasarian_______
Guro( Class Adviser) ______________________________

You might also like