You are on page 1of 18

TUKLASIN MO

Saan ka ba pupunta
kung nais mong
magsaliksik tungkol sa
iyong takdang-aralin?
Sino ang iyong
kakausapin? Alam mo
ba ang mga ito?
May tatlong uri ng Kard
Katalog.
Tunay na mapadadali ang
paghanap ng aklat na
iyong sasaliksihin sa silid-
aklatan sa tulong ng Kard
Katalog.
Kard ng Paksa Kard ng May-akda

Kard ng Pamagat
Basahin ang usapan ng mga mag-aaral
Mag-aaral 1 : Maaari mo ba
akong matulungan kung
paano ko makikita ang aking
sasaliksikin sa aking
takdang-aralin? Tunay na
napakalaki ng silid-aklatan
na ito kung lahat ay
titingnan ko ang mga
nakadisplay na mga aklat na
ito.
Mag-aaral 2 : Aba! Oo.
Katulad ng ginawa ko.
Pinag- aralan namin sa
asignaturang Filipino
kung paano gagamitin
ang Kard Katalog. Isang
mabisang paraan ito
upang mapabilis na
matukoy ang lugar ng
aklat na hahanapin mo.
Mag-aaral 1 : Salamat.
Mukhang ikaw lamang ang
makasasagot sa aking
problema. Hindi siguro ako
gagabihin ng pag-uwi kung
magagamit ko ang tamang
paraan ng pananaliksik.
Nasaan ba ang Kabinet ng
Kard Katalog.
Mag-aaral 2 : Halika,
sasamahan kita at ituturo ko
sa iyo ang paggamit ng Kard
Katalog.
Mag-aaral 1 : Salamat.Tunay
na hulog ka ng langit sa
akin. Tatapatin kita na hindi
naming napag-aralan ang
paggamit ng Kard Katalog sa
klase. Pagbalik ko sa aming
paaralan ituturo ko ito sa
kanila upang maging mainam
ang gagawin nilang
pananaliksik. Maraming
salamat sa iyong pagtulong.
Hindi kita malilimutan.
Mag-aaral 2 : Walang
anuman. Lahat tayo
ay dapat
magtulungan upang
tayo ay
magtagumpay sa
lahat ng ating
gagawin.
Narito ang mga hakbang sa
wastong paggamit ng Kard
Katalog.
1. Pumili lamang ng isang
uri ng kard sa Kard
Katalog.
2. Tiyaking mababasa agad
ang mga nakatalang
impormasyon sa kard
3. Isulat sa papel ang
nilalaman ng napiling kard
4. Itala sa papel ang call
number o bilang ng aklat
sa gawing itaas ng
kaliwang bahagi ng
papel.
5. Isauli sa cabinet ang
Katalog nang buong
ingat
6. Ibigay sa librarian ang
call number ng aklat na
hihiramin.
Alamin Mo:
1. Kard ng Pamagat.
Sa kard na ito, unang
mababasa ang pamagat ng
aklat, kasunod ang pangalan
ng may-akda at paksa ng
babasahing aklat.
2. Kard ng Paksa.
Ang kard na ito ay naglalaman muna ng
paksa ng aklat bago ang pamagat at
may-akda ng aklat.
Kard ng May-akda.
Sa kard namang ito, ang unang
mababasa ay ang pangalan ng
may-akda ng aklat. Kasunod ang
pamagat, at paksa ng aklat.
Pumunta sa silid-aklatan.
Hanapin sa kard ang
sumusunod na mga paksa.
Kopyahin ang call number ng
aklat na nagtataglay ng paksa.
1. Emilio Jacinto, Utak ng
Katipunan
2. Kasaysayan ng Ilog Pasig
3. Global Warming
4. Talambuhay ni Pangulong
Duterte
5. Mga Anyong Tubig sa
Pilipinas
Ayusin ang sumusunod na datos para
makabuo ng kard ng may-akda, pamagat, at
paksa. Gawin sa nakalaang espasyo.
ISAISIP MO
Sa kasalukuyan, upang higit na
mapadali ang paghahanap ng mga
impormasyon sa silid-aklatan mayroon
ng mga aklatan ang gumagamit ng
Online Public Access Catalogue
(OPAC). Sa isang pindot ay tiyak na
mahahanap mo na ang materyal na
iyong hinahanap. Paghambingin ang
tradisyonal at makabagong paraan ng
paghahanap ng impormasyon sa
aklatan
ISAISIP MO
Isaisip na ang
pagtulong ay
nakakaginhawa ng
kalooban
PAGTATAYA

You might also like