You are on page 1of 11

SHS

FILIPINO
Ikaapat na Markahan-Modyul 5:
Pagsulat ng Maikling Pananaliksik

May-akda: Merle R. Dela Paz


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo ng isang aralin.
Aralin 1 – Pagsulat ng Maikling Pananaliksik

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang sumusunod:


A. napagbabalik-aralan ang mga hakbang at dapat tandaan sa pagbuo
ng pananaliksik; at
B. nakasusulat/nakabubuo ng isang maikling pananaliksik sa isang
napapanahong paksa

Subukin
Basahin at unawain ang pahayag o ideya. Suriin kung maiuugnay sa
pananaliksik. Isulat sa patlang ang tsek (/) kung maaring iugnay ang mga ito sa
pananaliksik `at ekis (X) kung hindi naman.

_______1. Pagtuklas ng suliranin.


_______2. Sistematikong pag-aaral.
_______3. Pagpapatunay sa hinuha.
_______4. Kritikal na pagsusuri at ebalwasyon ng suliranin.
_______5. Pagkuha ng datos.
_______6. Hindi kailangan ng maayos na dokumento.
_______7. Paghahanap ng impormasyon.
_______8. Maaring hindi sumunod sa proseso sa pagsulat.
_______9. May angkop na pamamaraan o metodolohiya.
______10. Pagsubok sa teorya.

Aralin Pagsulat ng Maikling


1 Pananaliksik

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagbibigay kahulugan sa mga


koseptong kaugnay ng pananaliksik at pagsulat ng isang maikling
pananaliksik batay sa isang napapanahong paksa. Upang ito ay malinang,
kailangan mong gawin nang matapat ang mga gawain.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
Balikan

Magbalik- aral tungkol sa mga hakbang at dapat tandaan sa pagbuo ng


pananaliksik. Pagsunod-sunurin ang mga sumusunod ayon sa hakbang ng
pananaliksik. Lagyan ng bilang 1- 9 ayon sa pagkakasunod-sunod.

______A. Pagtukoy ng tiyak na layunin


______B. Pagsulat ng detalyadong balangkas
______C. Pagpili ng paksa.
______D. Paggawa ng pansamantalang balangkas.
______E. Pangangalap at pagtatala ng datos.
______F. Pagsulat ng pinal na papel.
______G. Pagtukoy at paghahanap ng mapagkukunan ng datos.
______H. Paggawa ng pangwakas na bibliograpi.
______I. Pagsulat ng burador.

Tuklasin

A. Panimula
Alam kong alam mo na ang ilan sa mga hakbang sa pagsulat ng
pananaliksik. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsasaliksik? Paano
isinasagawa ang pananaliksik?

B. Pagbasa
Ngayon ay pag-usapan natin ang pagbuo at pagsusulat mo ng
pananaliksik. Handa ka na ba? Umpisahan ito sa pamamagitan ng
pagbabasa at pagsagot nang pasalita sa mga tanong.

KARUNUNGAN KO, IBABAHAGI KO


Merle R. Dela Paz

“Danica! Bakit malalim yata ang iniisip mo Neng?” Tanong ni Ann sa


kaniyang bunsong kapatid.
“Pinagagawa kasi kami ate ng maikling pananaliksik ng aming guro,
proyekto namin sa asignaturang Filipino.” wika ni Danica sa kanyang ate.
“Aah ganun ba, kaya pala malalim yung iniisip mo!” tugon ni Ann kay
Danica.
“Ate nung nag-aaral ka, pinag-aralan ninyo rin ba ang pananaliksik?
Pinagawa rin ba kayo ng titser mo ng ganito?” tanong ni Danica sa kanyang
Ate.
“Oo naman, napag-aralan namin ‘yan at gumawa kami sa Filipino
noong ako ay nasa kolehiyo.”
“Hindi ba mahirap ate ang gumawa ng pananaliksik?”
“Madali lang yan bunso,” wika ni Ann
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
“Puwede mo ba akong tulungan ate?” sabay yakap sa panganay na
kapatid, pagpapakita ng paglalambing at pagmamahal.
“Tutulungan kita, pero hindi ako ang gagawa, ipaliliwanag ko lang sa
iyo kung ano ang aking nalalaman at kung paano mo isasagawa,” sabi ni
Ann.
“Okey ate, kukuha muna ko ng notebook para isulat ko at matandaan
ko ang mga dapat gawin sa pananaliksik,” sabay pasok sa kaniyang silid,
paglabas ay dala-dala na ang kagamitang papel at panulat.
“Handang-handa na akong makinig sa’yo ate,” Pananabik na pahayag
ni Danica sa kaniyang ate.
“Sige sisimulan ko na! Sa pananaliksik kailangang mag-isip ka ng
napapanahong paksa at kailangang may kaalaman ka na sa paksang napili
mo para mas madalian ka sa paggawa. Huwag kang kokopya sa gawa ng iba.
Maaari kang kasuhan ng plagiarism. May limang bahagi ang pananaliksik.
Ang unang bahagi ay ang suliranin at kaligiran. Magsisimula ka sa suliranin.
Napapalooban ito ng tiyak na layunin at pangkalahatang layunin. Ikalawang
bahagi ang mga kaugnay na literatura kung saan nagpapakita ito ng lawak
na kaalaman ng may akda. Kailangang ito ay magkakaugnay,
makatotohanan, at makabuluhang pahayag. Kailangang magkaugnay ang
unang bahagi at ikalawang bahagi. Ang ikatlo ay metodolohiya o
pamamaraan. Naglalaman ang kabanatang ito ng mga datos at pagsusuri sa
piniling paksa. Maaaring gamiting pamamaraan sa pagkalap ng datos ay
ang internet, interbyu, library at iba pa. Siguraduhin ang pangangailangan
na gamit na gagawin sa pananaliksik. Pang-apat naman ay ang paglalahad
at pagpapakahulugan ng mga datos, paglalahad ng resulta at mga
pagtalakay. Maaring ihambing ang unang nakuhang resulta sa naunang
resulta upang makumpirma at magpatotoo sa huling nakalap na resulta.
Ang talahanayan at grap ay puwedeng gamitin. Para naman sa huling
kabanata, napapalooban ito ng lagom, kongklusyon, at rekomendasyon.
Kapag sinabing lagom, pagsasama-sama ng mga pangunahin at
mahahalagang natuklasan sa pag-aaral. Dapat na maging maingat ka dito.
‘Pag sinabing konklusyon, ito ay nagmula sa kabuuan na ayon sa
isinagawang pag-iimbestiga. Ang rekomendasyon naman inilalahad ang
mungkahing maaring makatulong sa mananaliksik upang maging kapaki-
pakinabang ang isinagawang pag-aaral. Nauunawaan mo ba?” tanong ni
Ann.
“Opo ate naiintindihan ko na,” tugon ni Danica.
“Ang mga hakbang alam mo na?” tanong muli ni Ann.
“Oo ate, naipaliwanag ng mabuti ng aming titser,” nakangiting sagot
sa kaniyang kapatid
“Sige nga isa-isahin mo nga sa akin.”
“Ayon sa aking natutuhan, ang mga hakbang ng pananliksik, una ay
ang pagpili at paglilimita ng paksa, hindi dapat malawak ang sakop nito na
maaring pagbasehan ay ang edad, panahon, kasarian, propesyong
kinabibilangang lugar, at anyo o uri. Ikalawa pagbubuo ng konsepto na
kung saan isang kabuoan ng ideya at kaisipan. Ikatlo paggamit ng iba’t
ibang sistema ng dokumentasyon. Kailangang maingat sa pagkakalap nito.
Ito ang pinagsamasamang pinaghanguan ng ideya mula sa iba’t ibang
pinagkunan ng impormasyon gaya ng datos. Kailangang ilagay ang
pinagkuhaan ng impormasyon. Upang maiwasan ang usaping plagiarism.
Pang-apat ay pagbubuo ng balangkas na tinaguriang skeleton ng
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
anomang sulatin. Makikita dito ang paghati-hati ng husay at tiyaga ng
mananaliksik. Napapaloob dito ang kapaki-pakinabangan na makukuha sa
pag-aaral. Ang susunod ay ang panglima na pagkuha, paggamit, at
pagsasaayos ng mga datos, Pang-anim ang pagsulat ng burador. Makikita
dito ang kahinaan at kalakasan ng isinagawang pag-aaral. Mairerebisa agad
kung maiwawasto sa burador. Ang sumunod ay ang pagsulat ng pinal na
sipi. Ito ang kabuoang isinagawang pananaliksik. Dito malalaman kung
nasunod ng mananaliksik ang isinagawang proseso ng pag-aaral. Ang ideya
o kaisipan na mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakapangunahing
kaisipan. At ang panghuli ay ang paggawa ng bibliograpi” paliwanag ni
Danica.
“Aba! Ang galing mo Neng!” paghangang nasambit ni Ann.
“Siguro naman makakasulat ka na at di ka na tulala”
“Opo naman!!!!! Ang husay ko, di ba ate?”
“May naisip na ko ate na gagawin kong paksa ng aking pananaliksik,
ito ay napapanahon. Tungkol kaya sa COV19, ayos ba ate?”
“Basta ang tandaan mo yung mga sinabi ko sayo, para madali kang
makagawa.”
“Maraming Salamat ate sa pagbahagi mo ng iyong karunungan,”
Kasabay ng pagyakap at halik sa pisngi.
“Anomang karunungan meron ako, ito’y aking ibabahagi saiyo.”
“Buti na lang at may ate akong mabait, mahusay at maganda.”
“Ay sus! Nambola ka pa,” ngiting tugon ni Ann
“Lubos akong nagpapasalamat sa iyo ate,” pag-uulit na salita ni
Danica
“Walang anoman, paghusayan mo bunso ang pag-aaral dahil iyan lang
ang puwedeng ipamana ng ating mga magulang.”
Hindi maiwasang di tumulo ang luha ni Ann habang mahigpit na
yakap ang bunsong kapatid.

C. Pag-unawa sa Binasa

1. Bakit malalim ang iniisip ni Danica?


2. Sino ang taong kaniyang pinagtanungan?
3. Paano nakatulong ang kaniyang ate sa kaniyang problema?
4. Ano-ano ang mga paliwanag na ibigay ni Ann sa kaniyang Kapatid?
5. Sapat ba ang ginawa ni Ann upang mabigyan ng linaw si Danica sa
kaniyang suliranin? Patunayan?
6. Ano ang plagiarism?
7. Ano ang naramdaman ni Danica pagkatapos magpaliwanag ang ate niya?
Bakit?
8. Kung may kapatid kang kagaya ni Danica, ganun din ba ang gagawin
mo? Bakit?
9. Nabigyan ba ng sulosyon ang suliranin ng ating pangunahing tauhan?
Patunayan.
10. Ano yung naramdaman mo pagkatapos mong basahin ang kuwento?
Ipaliwanag?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
Suriin
Ang Pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teorya, pagsubok ng
teorya, o paglutas ng isang suliranin. Ito ay isang sining kung saan maraming
paraan ang maaring gamitin sa pananaliksik. Pagtuklas sa sanhi ng suliranin,
pagtuklas ng suliranin, paghahanap ng impormasyon, pagpapatunay sa hinuha,
pagsusuri ng kritikal at ebalwasyon ng suliranin, pagtatanong, sagot sa tanong.
Ito ay sistematikong pag-aaral.
May katangian ang pananaliksik, ito ay obhetibo, mayaman sa ginagamit
na mga datos, may angkop na pamamaraan o metodolohiya, maayos ang
dokumentasyon, may sinusunod na tamang proseso sa pagsulat, at kritikal. Sa
pagsasagawa ng pananaliksik dapat na alam mo kung ano ang layunin ng
gawaing gagawin. Dapat makatuklas ka ng mga ideya, konsepto, at bagong
impormasyon, mabigyang linaw ang isang mahalagang isyu o paksa,
makapagbibigay ng mungkahing solusyon sa suliranin, makapagpatotoo o
makapangatuwiran sa tulong ng mga mapananaligang materyales o dokumento.
Tungkol sa paksa, at makapagbibigay ng mga ideya o mungkahi batay sa
pangkasaysayang perspektibo para sa isang pangyayari o senaryo.

Ang pananaliksik ay binubuo ng limang bahagi.

Kabanata I - Ang Suliranin at Kaligiran nito


Kabanata II - Mga kaugnayan sa Literatura
Kabanata III- Metodolohiya o Pamamaraan
Kabanata IV - Paglalahad at Pagpapakahulugan ng datos
Kabanata V- Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon

Ngayon naman ay palawakin mo ang iyong kaalaman.

A. Maghanda ng isang napapanahong paksa at ipaliwanag kung bakit mo


ito napili.

Pamantayan Puntos Puna ng Guro


Malinaw ang paksa 10
Napapanahon ang paksa 10
KABUOAN 20

B. Bago mo gawin ang pagbubuo at pagsulat ng pananaliksik ay gawin mo


muna ito.

Panuto: Tukuyin ang mga bahagi ng pananaliksik ayon sa inilalahad ng


pahayag. Isulat sa patlang ang tamang titik ayon sa pagpipilian sa loob ng
kahon.
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
A. Ang Suliranin at kaligiran C. Metodolohiya o Pamamaraan

B. Mga may kaugnayan na literature D. Paglalahad at Pagpapakahulugan


ng mga Datos

E. Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon

_____1. Naglalahad ng mga resulta at ma tinalakay.


_____2. Pagsasama sama ng mga pangunahin at mahahalagang natuklasan.
_____3. Ang bawa’t pananaliksik ay nagsisimula sa suliranin.
_____4. Ito ay nagpapakita ng antas at lawak ng kaalaman ng mananaliksik.
_____5. Naglalaman ito ng pamamaraan na gagamitin sa pagkuha ng datos

Isaisip

Tandaan na mahalaga ang mga hakbang sa pagsasagawa ng


pananaliksik. Maaari mo itong magamit at maging gabay sa pagbubuo ng
maikling pagsulat. Isulat sa kahon ang mga hakbang na dapat tandaan sa
pagbubuo ng pananaliksik ayon sa pagkakasunod-sunod.

MGA HAKBANG SA PAGBUBUO NG PAPEL PANANALIKSIK

Isagawa
Bumuo at sumulat ng maikling pananaliksik na batay sa napapanahong
paksa na iyong inihanda sa bahaging A ng “Pagyamanin.” Sundin ang mga
hakbang sa pananaliksik. Gamiting batayan ang pamantayan sa pagmamarka
sa susunod na pahina.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
Pamantayan sa Pagmamarka:

Pamantayan Puntos Puna ng Guro


Napapanahon ang paksa 20
Nilalaman ng pananaliksik 20
Pagkakaugnay-ugnay ng mga 10
talata
KABUOAN 50

Tayahin
Ngayong naunawaan mo na ang ating aralin, susukatin natin ang iyong
natutuhan.
PANUTO: Isulat ang (/) kung may kaugnayan ang pahayag sa pananaliksik at
(X) kung hindi kaugnay.
_____1. Nakatutuklas ng mga bagong impormasyon.
_____2. Nagbibigay ng bagong pagpapakahulugan o interpretasyon.
_____3. Magbigay linaw ang isang mahalagang isyu o paksa.
_____4. Makapagbigay ng mungkahing solusyon.
_____5. Makapagpatotoo o makapangangatuwiran sa tulong ng mga
nakalap na dukomentasyon.
_____6. Makapagbibigay ng ideya.
_____7. Nagkakalap ng malalim na ebidensya.
_____8. Makatutuklas ng isang kalagayan sa kasalukuyan.
_____9. Makapagsasagawa ng isang rekomendasyon at sulosyon sa
isinagawang pagsasaliksik.
____10. Makapag-uugnay sa nakaraan sa kasalukuyang panahon

Karagdagang Gawain
Gumawa ka ng isang video o vlog na may kinalaman sa lugar na
kinalakihan mo kasama ang iyong pamilya. Ipasa ang nasabing gawain sa group
chat na inilaan ng guro.

Pamantayan sa pagmamarka:

PAMANTAYAN PUNTOS MARKA


Masining ang paglalahad 20
Malaman ang nilalaman 20
Wastong gamit ng wika 10
KABUOAN 50

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
Susi ng Pagwawasto

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
Sanggunian

Bernales, R. (2016), Pagbasa, Pagsusuri at Pagsulat ng Iba’t Ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik. Valenzuela City: JO-ES Publishing House, Inc.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 9
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Merle R. Dela Paz (Guro, MHS)


Mga Editor: Gladys P. Rafols (Guro, FHS)
Christian Paul I. Camposano (Guro, CISSL)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)
Tagalapat:
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino
Ivy Coney A. Gamatero
Superbisor sa LRMS

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like