You are on page 1of 20

7

Filipino
Unang Markahan - Modyul 5
Mga Hakbang sa Pananaliksik
F7PN-Ij-6
Alamin

Ang Aralin 5 ay tatalakay ukol sa mga hakbang sa pananaliksik na dapat mong


tandaan upang masiguro mong wasto at tama ang mga detalyeng nababatid mo ukol sa
mga usaping naririnig, nababasa o napapanood mo. Masusing inihanay rito ang ilang
kaugnay na aralin para sa higit mo pang pagkatuto habang ang mga gawaing nakapaloob
ay binuo naman ayon sa iyong kakayahan at kasanayan.

Mababasa sa araling ito ang mga sumusunod:

 Ang Takdang Aralin ni Chandee ni Janette J. Policarpio

 Mga Hakbang sa Pananaliksik

Inaasahang sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang mga sumusunod:

1. Naiisa-isa ang mga hakbang na ginawa sa pananaliksik mula sa napkinggang paha-


yag. (F7PN-Ij-6)

1
Subukin

Paunang Pagtataya

Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Iguhit sa patlang bago


ang bilang ang kung TAMA ang pahayag at kung MALI.

_____ 1. Ang pananaliksik ay isang hindi sistematikong paghahanap ng mahahalagang


impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa.
_____ 2. Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng datos o impormasyon
upang malutas ang isang partikular na suliranin sa siyentipikong paraan.
_____ 3. Maaaring gumamit ng index card sa pangangalap ng tala upang mahati sa tat-
lo ang mga talang makukuha - lagom, tuwirang-sipi at hawig.
_____ 4. Sa paglalahad ng layunin, marapat na isa-isahin ang mga dahilan kung bakit
nais isagawa ang pananaliksik.
_____ 5. Hindi makatutulong ang talaan ng iba’t ibang sanggunian sa pananaliksik.
_____ 6. Kuhanin lahat sa internet ang mga talang magagamit sa pananaliksik nang
hindi nasisiguro kung tama ang mga ito dahil walang maling impormasyon sa
internet.
_____ 7. Makatutulong ang paghahanda ng tentatibong balangkas para sa mas mabilis
na panananliksik.
_____ 8. Huwag ng gumawa ng borador upang mas maging mabilis ang pananaliksik.
_____ 9. Iwasto at irebisa ang borador ngunit huwag ng bigyang-pansin ang nilalaman
at ang paraan ng pagsulat.
_____ 10. Marapat na planuhin at isiping mabuti ang pananaliksik na gagawin.
_____ 11. Siguruhing ang pipiliing paksa ay naaayon sa iyong interes, may mga mater-
yales na mapagkukunan at mayroon kang malawak na kaalaman ukol dito.
_____ 12. Sa pagsulat ng borador, tuloy-tuloy na isulat ang mga kaisipang dumadaloy
sa isipan.
_____ 13. Kapag nangangalap ng tala, maaari itong isulat ayon sa sariling salita nang
walang kahulugan o impormasyong nawawala.
_____ 14. Sa pagsulat ng pinal na pananaliksik, isulat ito ayon sa pormat na ibinigay ng
guro.
_____ 15. Mahalagang isaalang-alang ang mga hakbang sa pananaliksik upang masi-
guro na maayos ang gagawing pagsulat.

2
Aralin Mga Hakbang
5 sa Pananaliksik

Balikan

Sari-saring impormasyon ang natatanggap natin araw-araw mula sa iba’t ibang


midyum. Maaaring galing ito sa ating mga kaanak, kaibigan, sa mga libro, pahayagan, sa
radyo o telebisyon, o maging sa mga social media platform.
Matitimbang ang pagkamakatotohanan ng mga pahayag, kaisipan, o argumento
sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga ito. Upang matiyak na makatotohanan ang isang
pahayag, maaaring gawing batayan ang sariling karanasan o obserbasyon, o di kaya ay
mga ebidensya at datos na susuporta rito.
Bukod sa sariling karanasan at mga pampublikong kaalaman, may iba pang bata-
yang sanggunian na maaaring gawing basehan ng pagkamakatotohanan ng isang paha-
yag. Sa pagsusuri ng pagkamakatotohanan ng mga pahayag gamit ang mga batayang
sanggunian na ito, mahalagang hanapin ang mga susing salita tulad ng batay sa, ayon
sa, at alinsunod sa. Nagiging hudyat ang mga susing salita na ito na ang impormasyon sa
pahayag ay nagmula sa isang batayang sanggunian at maaaring timbangin bilang isang
katotohanan.
Kahit nanggaling sa isang batayang sanggunian ang isang pahayag, mahalaga pa
na rin na suriin ang pagkamakatotohanan nito. May mga pamantayan upang mabisang
matiyak kung makatotohanan at mapagkakatiwalaan ang isang pahayag na nakuha mula
sa isang batayang sanggunian.

Gawain 1 Pagtukoy sa Makatotohanan at Hindi Makatotohanang Pahayag

Basahing mabuti ang pahayag.Tukuyin kung ang mga pahayag ay makatotohanan o di-
makatotohanan. Bilugan ang kung makatotohanan at kung hindi makato-
tohanan.

1. Ang pagtangkilik sa ating sariling produkto ay makatutulong sa pag-


unlad at pagsulong ng ating ekonomiya.
2. Ang madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig ay
isang paraan upang makaiwas sa mikrobyo.
3. Maaaring ilahad sa social media ang iyong mga karanasan at mga na-
raramdaman sa araw-araw.
4. Sa pamamagitan ng bayanihan ay mababawasan ang suliraning kinaka-
harap ng ating bansa.
5. Sa pag-abot ng iyong mga pangarap, ipamalas ang ugaling ningas ku-
gon upang ito ay matupad.

3
Tuklasin

Atin namang tuklasin ang lawak ng iyong kaalaman sa


pamamagitan ng isang komiks iskrip. Halika, basahin at matuto
mula sa akdang “Ang Takdang Aralin ni Chandee sa panulat ni
Janette J. Policarpio at pagkaraan ay sagutin ang mga katanu-
ngan ukol dito.

Gawain 2 Basahin at unawain ang komiks iskrip.

4
5
*****
Nagustuhan mo ba ang binasang komiks iskrip? Ang mga
hakbang na ibinigay ni Ate Rose kay Chandee ay ang mga
hakbang na dapat isaalang-alang sa pagsasagawa ng pananaliksik.
Mas mauunawan mo ito sa mga susunod pa nating talakayan.
*****

Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan

Hanapin sa hanay B ang kahulugan ng mga salitang nasa hanay A. Isulat


ang sagot sa iyong sagutang papel.

HANAY A HANAY B
___1. bibliograpiya A. dahilan ng pananaliksik
___2. burador B. gabay sa pagpili ng isusulat
___3. paksa C. paghahanap ng mahahalang impor-
masyon ukol sa paksa
___4. pananaliksik
D. paglilista ng mahahalagang datos
___5. tala
E. panimulang isinulat ukol sa paksa
F. talaan ng iba’t ibang sanggunian

Gawain 4: Pag-unawa sa Binasa

Sagutin ang mga katanungan ayon sa antas ng iyong pagkaunawa.

1. Ano ang nais ipahiwatig ng guro sa kanyang sinabing, sa panahon ngayon na may
pandemya dapat maging mapanuri tayo sa ating mga naririnig o nababasa?
_________________________________________________________________
2. Batay sa nabasang komiks, ibigay ang kahulugan ng pananaliksik?
_________________________________________________________________
3. Ibigay ang mga hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik.
____________________ ____________________
____________________ ____________________
____________________ ____________________
____________________ ____________________
____________________
4. Sa iyong palagay, bakit nais ni Chandee na maging paksa ng kanyang panana-
liksik ang pandemyang COVID-19?

________________________________________________________________

6
Suriin

Ang iyong nabasa ay isang komiks iskrip na tumatalakay sa hakbang


na isinasagawa sa pananaliksik.
Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap ng maha-
halagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
Ayon naman, kina Mauel at Medel (1976), ang pananaliksik ay proseso ng pangan-
galap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang particular na suliranin sa
siyentipikong paraan.
Sa pagsasagawa ng isang pananaliksik, kailangang isaalang-alang ang sumusunod
na mga hakbang:
1. Pag-alam o Pagpili ng Paksa: Kung walang tiyak na paksang sasaliksikin, sigu-
raduhing ang pipiliing paksa ay naaayon sa iyong interes, may mga materyales na
mapagkukunan, at yaong mayroon kang malawak na kaalaman.
2. Paglalahad ng ayunin: Isa-isahin ang iyong dahilan o layunin kung bakit nais isagawa
ang pananaliksik.
3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliograpiya: Ang bibliograpiya ay talaan ng
iba’t ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin at iba
pang nalathalang materyal. Maaari ring gamitin ang internet. Maging maingat lamang at
suriin mabuti ang mga talang makukuha sa internet sapagkat maraming impormasyon
na makukuha rito na kaduda-duda o walang katotohanan.
4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas: Makatutulong ito para sa mas mabilis na
pananaliksik dahil ito ang magbibigay ng direksiyon at magsisilbing patnubay sa
pagbabasa at pangangalap ng mga tala.
5. Pangangalap ng mga Tala o Note Taking: Sa pangangalap ng mga tala, iminu-
mungkahing gumamit ng index card. Hatiin sa tatlo ang mga talang makukuha - lagom,
tuwirang-sipi at hawig. Kapag lagom, isulat ang tala sa sariling salita nang walang ka-
hulugan o impormasyong nawawala. Sa hawig naman, malayang ipahayag ang tala sa
pagbibigay-paliwanag sa sinabi sa orihinal. Sa tuwirang-sipi, kopyahin ang mga salita
sa aklat at ipaloob iyon sa panipi.
6. Paghahanda ng Iniwastong Balangkas o Final Outline: Sa bahaging ito, planuhin
at isiping mabuti ang kauuan ng pananaliksik na gagawin.
7. Pagsulat ng Borador o Rough Draft: Tuloy-tuloy na isulat ang mga kaisipang
dumadaloy sa isip. Huwag munang bigyang-din sa bahaging ito ang mga maling
pangungusap.

7
8. Pagwawasto at Pagrerebisa ng Burador: Sa bahaging to, bigyang-pansin ang ni-
lalaman at paraan ng pagsulat gayundin ang baybay, bantas at wastong gamit ng mga
salita.
9. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik: Isulat na ang pinal na pananaliksik batay sa
pormat na ibinigay ng guro.

Pagyamanin

Pang-isahang Gawain 1

Ibigay ang hinihinging impormasyon ng graphic organizer .

P
kahulugan
A
N
kahulugan
A
N
A kahulugan

L
I
K kahalagahan

S
I
K kahalagahan

8
Pang-isahang Pagsusulit 1
Lakbayin. Sa pamamasyal ng magkaibigan sila ay naligaw. Tulungan mo
silang makalabas sa pamamagitan ng pagkokonekta ng mga hakbang na dapat isaalang-

Pangangalap Pagsulat
ng Tala ng Borador

Pagpili
ng paksa

Paghahanda
Paglalahad
ng Iniwastong
ng layunin
Balangkas

Pagwawasto
at Pagrebisa

Paghahanda Paghahanda
Pagsulat ng Pinal
ng Bibliyograpiya ng tentatibong
na Pananaliksik
Balangkas

Pang-isahang Gawain 2
Timbangin. Piliin at kulayan angkop na kasagutan.

1. Pag-alam o Pagpili ng Paksa

naaayon sa interes, may materyales, at may malawak na kaalaman

kawalan ng inters sa paksa at kulang sa impormasyon

2. Paglalahad ng Layunin

isa-isahin ang dahilan o layunin sa pagsasagawa ng pananaliksik

isagawa ang pananaliksik ng walang tunguhin o layunin.

9
3. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas

magsisilbing patnubay sa pagbabasa at pangangalap ng tala

Mmagpapabagal sa gagawing pananaliksik

4. Pagsulat ng Borador o Rough Draft

bigyan-diin sa bahaging ito ang mga maling pangungusap

isulat ang mga kaisipang dumadaloy sa isip

5. Pagwawasto o Pagrebisa ng Borador

pagtuunan ng pansin ang paraan ng pagsulat at hindi ang nilalaman nito

bigyang-pansin ang nilalaman at paraan ng pagsulat gayundin ang


bantas at baybay

Pang-isahang Pagsusulit 2

Isa-isahin. Magbigay ng mga katangiang dapat taglayin ng isang manana-


liksik.

Katangian
ng Mananaliksik

10
Pang-isahang Gawain 3
Magsaliksik sa pamamagitan ng pag-iinterbyu sa kamag-anak o kamag-aral
kung ano ang mabuti at masamang dulot ng pagpataw ng lockdown sa ating bansa.
Maaaring isagawa ang pag-iinterbyu sa pamamagitan ng text, call o chat.

Mabuting Epekto Masamang Epekto

1 1

2 2

3 3

4 4

5 5

Isaisip

Gawain 1 Kumpletuhin Mo!


Isulat ang kaalamang iyong natutuhan sa aralin:

______________________________________
Ang natutuhan ko sa pag-aaral
ng pananaliksik ay... ______________________________________

Mahalagang nababatid natin ______________________________________


ang mga hakbang na isinasa- ______________________________________
gawa sa pananaliksik dahil...

Higit na magiging madali ang ______________________________________


pangangalap ng mga tala ______________________________________
kung...

11
Isagawa
Binabati kita sapagkat matagumpay mong natapos ang ilang
gawain sa araling ito.

Gawain 1
Sa bahaging ito, ay iaaplay mo na ang iyong mga natutuhan sa pagsasagawa ng
pananaliksik.
Manood o magbasa ng isang napapanahong pangyayari o isyu na kinahaharap
ng ating bansa sa kasalukuyan. Ilahad ang mahahalagang impormasyon, ideya, at pinag-
hanguan ng impormasyon. 10 puntos para sa gawaing ito.

Hal. Epekto ng Bagong Normal na sistema ng edukasyon sa Pilipinas

12
Tayahin
Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag at bilugan ang letra ng tamang
sagot.

1. Ito ay isang sistematikong paghahanap ng mahahalagang impormasyon hinggil


sa isang tiyak na paksa o suliranin.
a. panayam c. pananaliksik
b. pakikipag-usap d. pakikipaghuntahan
2. Ayon kina ______ at ______ (1976), ang pananaliksik ay proseso ng panga-
ngalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na
suliranin sa siyentipikong paraan.
a. Batman at Robin
b. Manuel at Medel
c. Bonifacio at Rizal
d. Dela Cruz at San Pedro
3. Alin sa mga sumusunod ang mahalagang isaalang-alang sa pagpili ng paksa sa
pananaliksik?
a. naaayon sa iyong interes
b. limitadong impormasyon sa paksa
c. kaunting kaalaman sa paksa
d. kawalan ng materyales na mapagkukunan
4. Ito ay talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report,
peryodiko, magasin at iba pang nalathalang materyal.
a. tentatibong balangkas c. bibliograpiya
b. pagsulat ng borador d. note taking
5. Ito ay makatutulong upang mas maging mabilis ang pananaliksik dahil ito ang
magiging pamatnubay sa pangangalap ng mga tala.
a. tentatibong balangkas c. bibliograpiya
b. pagsulat ng borador d. note taking
6. Ito ang ginagawa sa pangangalap ng mga tala.
a. tentatibong balangkas
b. pagsulat ng borador
c. bibliograpiya
d. note taking
13
7. Sa parang ito ng pagsulat, tuloy-tuloy lang ang pagsulat ng mga kaisipang
dumadaloy sa isip. Hindi muna binibigyang-diin ang mga maling pangungusap sa
bahaging ito.
a. tentatibong balangkas c. bibliograpiya
b. pagsulat ng borador d. note taking
8. Ito ay mga tala gamit ang mga sariling salita nang walang kahulugan o impor-
masyaong nawawala.
a. hawig c. tuwirang sipi
b. lagom d. tula
9. Ito ay mga tala kung saan malayang naipahahayag ang tala sa pagbibigay ng pali-
wanag sa sinabi sa orihinal.
a. hawig c. tuwirang sipi
b. lagom d. tula
10. Ito ay mga tala kung saan kinokopya ang mga salita sa aklat at ipinapaloob sa pani-
pi.
a. hawig c. tuwirang sipi
b. lagom d. tula
11. Sa bahaging ito, pinaplano at iniisip nang mabuti ang kabuuan ng gagawing
pananaliksik.
a. tentatibong balangkas c. pagrerebisa ng borador
b. iiniwastong balangkas d. pagsulat ng pinal na pananaliksik
12. Sa bahaging ito, isinusulat na ang pinal na pananaliksik batay sa pormat na ibingay
ng guro.
a. tentatibong balangkas c. pagrerebisa ng borador
b. iniwastong balangkas d. pagsulat ng pinal na pananaliksik
13. Sa bahaging ito, binibigyang-pansin ang nilalaman at paraan ng pagsulat gayundin
ang baybay, bantas at wastong gamit ng mga salita.
a. tentatibong balangkas c. pagrerebisa ng borador
b. iniwastong balangkas d. pagsulat ng pinal na pananaliksik
14. Ito ang iba pang tawag sa paghahanda ng iniwastong balangkas.
a. note taking c. rough draft
b. final outline d. revised rough draft
15. Ito ang iba pang tawag sa pagsulat ng borador.
a. note taking c. rough draft
b. final outline d. revised rough draft

14
Karagdagang Gawain

Gawain: Basahin at unawaing mabuti ang ulat sa ibaba at itala ang mahahalagang
impormasyon o detalye na makukuha mula rito.

Sa gitna ng nararanasang pandemyang COVID 19 ay ikinasa ng Kagawaran ng Ka-


lusugan ang “Sabayang Patak Kontra Polio” dahil sa pagtuloy na paglala ng kaso
nito kaya’t nagbahay-bahay ang mga barangay health worker upang maibigay ang
Monovalent Oral Polio Vaccine Type 2 (mOPV2) sa lahat ng batang may edad lima
pababa upang masiguro na mapipigilan ang pagkalat ng virus.

Sa loob ng 19 na taon ay idineklara ng World Health Organization (WHO) na polio-


free ang Pilipinas subalit noong Setyembre 2019 kinumpirma ng DOH ang biglang
pag-usbong ng kaso nito.

Ayon sa DOH, ang poliomyelitis o polio ay isang nakahahawang sakit na dulot ng


isang poliovirus. Ito ay maaaring maging sanhi ng pagkalumpo, hirap sa paghinga,
at pagkamatay.

Paalala ni Dr. Beverly Ho, ang director ng DOH Health Promotion and Communica-
tion Service, sa mga magulang na “Pabakunahan ang inyong anak kada round ng
Sabayang Patak Kontra Polio, nabakunahan man dati o hindi pa.”

1._________________________________________________________________

2._________________________________________________________________

3._________________________________________________________________

4._________________________________________________________________

5._________________________________________________________________

15
16
Pagyamanin
Pang-isahang Gawain 1: (maaaring magkakaiba ang sagot ng mag-aaral)
1. Sistematikong paghahanap ng mahahalagang impormasyon sa isang tiyak na paksa.
2. Proseso ng pangangalap ng datos upang malutas ang isang partikular na suliranin
3. Isa itong sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay na ang layunin ay mabigyan ng
sagot ang mga katanungan ng isang nagsusuri o nananaliksik.
4. Upang mabigyan ng solusyon ang isang particular na suliranin
5. Upang madagdagan ang kaalaman
Pang-isahang Pagsusulit 1: (Ikokonek lamang ang mga hakbang sa pananaliksik)
Pang-isahang Gawain 2:
1. Naaayon sa interes, may materyales, at may malawak na kaalaman
2. Isa-isahin ang dahilan o layunin sa pagsasagawa ng pananaliksik.
3. Magsisilbing patnubay sa pagbabasa at pangangalap ng tala.
4. Isulat ang mga kaisipang dumadaloy sa isip.
5. Bigyang-pansin ang nilalaman at paraan ng pagsulat gayundin ang bantas at baybay.
Pang-isahang Pagsusulit 2: (maaaring magkakaiba ang sagot ng mag-aaral)
1. Matiyaga 2. Mapamaraan 3. Sistematiko 4. Maingat 5. Mapagkakatiwalaan
Pang-isahang Gawain 3: (maaaring magkakaiba ang sagot ng mag-aaral)
Mabuting Epekto Masamang Epekto
1. Nagkakasama-sama ang pamilya
1. Mas tumindi ang kahirapan
2. Mas napalapit sa Diyos
2. Marami ang nagutom
3. Mas nabigyan ng panahon ang pamilya
3. Maraming nawalan ng hanapbuhay
at ang sarili
o trabaho
4. Napahinga ang kalikasan
4. Bumaba ang kita ng gobyerno
5. Mas pinahalagahan ang kalusugan 5. maraming negosyo ang nalugi at nagsara
Tuklasin
Gawain 3 1. F 2. E 3. B 4. C 5. D
Gawain 4 (maaaring magkakaiba ang sagot ng mag-aaral)
Balikan Subukin
1. 4. 1. 5. 9. 13.
2. 5. 2. 6. 10. 14.
3. 3. 7. 11. 15.
4. 8. 12.
Susi sa Pagwawasto
17
Sanggunian:

Internet

https://www.slideshare.net/christopheregetigan/mga-hakbang-sa-pananaliksik

https://www.scribd.com/doc/215417679/Kahulugan-ng-Pananaliksik-docx

https://www.doh.gov.ph/node/18018
https://philnews.ph/2019/07/15/depinisyon-ng-pananaliksik-ibat-ibang-awtor/
https://mb.com.ph/2020/07/20/doh-resumes-sabayang-patak-kontra-polio-program/
https://shershesmananaliksikkatangiandapattaglayin.wordpress.com/2017/09/03/
katangian-ng-mananaliksik/

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan

Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

You might also like