You are on page 1of 13

8

FILIPINO
KUWARTER 1- MODYUL 7
MELC’s:
 Naipaliliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik ayon
sa binasang datos.
 Nagagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang
awtentikong datos
na nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino.
 Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pag-aayos ng
datos (una, isa pa, iba pa).

K to 12 BEC CG (Competency Code F8PB-Ii-j-25, F8PU-Ii-j-23, F8WG-Ii-j-23)

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


(PAGBASA, PAGSULAT, WIKA AT GRAMATIKA)

Simulan natin

Nakamamanghang isipin na ang mga hinahangaan nating imbensyon ay nagmula lahat


sa isang ideya na kalaunan ay ginawang pananaliksik upang masubok ang pagiging matatag
ng ideya na dati ay haka-haka lamang. Hindi mapasusubalian ang halaga ng pananaliksik sa
sangkatauhan. Sa makabagong takbo ng panahon na ang mundo ay pinatatakbo ng
teknolohiyang bunga ng mga imbensyon sa larangan ng agham at teknolohiya, ang
pananaliksik o riserts ay may mahalagang gampanin sa iba’t-ibang larangan. Dito ay lubos na
kailangan ang pagtitiyaga at maingat na paghahanap ng mga kinakailangang datos upang
matiyak na matatanggap ang mga impormasyon o datos na nalikom upang mapatotohanan
ang teoryang kasangkot sa pananaliksik. Isang mahalagang aspeto ng pag-aaral ang kaalaman
ng mag–aaral sa pananaliksik.
Bilang panimula, gamit ang concept map magtala ng mga impormasyon o datos na
nakalap ng mga mananaliksik tungkol sa kumakalat na sakit na COVID 19.

COVID 19

Uri Sintomas Paano maiiwasan

Alam mo ba…

Isinilang ang gawaing pananaliksik ng magsimulang magtanong ang mga naunang


mga tao sa mundo hinggil sa mga bagay-bagay at nagsimula ring maghanap ng mga
kasagutan para sa mga katanungang ito. Binigyang kahulugan ni Kerlinger (1973) ang
pananaliksik bilang isang sistematiko, kontrolado, emperikal at kritikal na imbestigasyon ng
mga proposisyong haypotetikal. Ayon naman kay Villafuerte, “Ang pananaliksik ay
pagtuklas sa isang teorya, pagsubok sa teoryang iyon, at paglutas sa isang suliranin. Ito ay
isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, isyu, tao at iba pang 1
nais bigyang-linaw, patunayan at pasubalian. Para naman kina Calderon at Gonzales (na kay
Bernales, 2009), ang pananaliksik ay isang siyentipikong metodo ng pangangalap,
pagkaklasipika, pagsasaayos at presentasyon ng mga datos para sa pagtuklas ng katotohanan
at pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng tao. Napakahalaga sa isang pananaliksik ang tamang
proseso at sistema ng pangangalap ng mga datos. Samakatuwid, maipapalagay na ang
pananaliksik ay ang muling pagtuklas ng impormasyon o bagong kaalaman. Ang isang
pananaliksik ayon kina O’Hare at Funk (2000 sa Bernales et al., 2012) ay isang pangangalap
ng impormasyon mula sa iba’t ibang hanguan sa pamamaraang impormatibo at obhektibo. Ito
ay isang paraan o proseso ng pagtuklas o pagdiskubre sa pamamagitan ng makaagham na
paraan upang masagot ang mga katanungan, matugunan ang mga pangangailangan, at
mapagtibay ang mga dating kaalaman. Sistematiko ang pananaliksik kapag sumusunod ito sa
mga hakbang o yugto na nagsisimula sa pagtukoy sa suliranin sa mga umiiral na teorya,
pangangalap ng datos, pagbuo ng konklusyon, at pagsasanib ng mga konklusyon mula sa iba
pang pag-aaral na sinasaliksik. Hindi kailangang hulaan o gawin lamang ng imahinasyon ang
pag-aaral dahil nawawalang-bisa at kahulugan ang pag-aaral para sa isang mananaliksik.
Binibigyang linaw ang suliranin, ang mga baryabol ay tinutukoy, at ang mga instrumento ay
maingat na pinipili o nililinang. Ang mga konklusyon ay lubhang dapat na nababatay lamang
sa mga datos na nakalap at nang sa gayon ang mga rekomendasyon ay batay sa mga
natuklasan.
Isinasagawa ang pananaliksik upang bigyang kasagutan ang isang napapanahong
suliranin at makatulong sa ikabubuti ng pamumuhay ng sangkatauhan. Walang ibang layunin
ito kundi mabigyan ng kasagutan ang napapanahong suliranin na pwedeng magdala ng hirap
sa pamumuhay ng mga tao sa isang pamayanan o teritoryo.
(PPT) PANANALIKSIK | Christine Joy Aquino - Academia.edu

MGA HAKBANG SA PANANALIKSIK


((120) HAKBANG SA PANANALISIK |FILIPINO 8 LESSONS AND TUTORIALS |MELC-BASED -
YouTube)

May mga sinusunod na mabisang hakbang upang ang nagsasagawa ng


pananaliksik ay magkaroon ng isang maayos at masistemang paraan.
1. Pagpili ng tamang paksa. Ang paksa ay bahaging pinagtutuunan ng pansin o pinag-
uusapan sa pangungusap; tema o pinag-uusapan sa alinmang teksto o akda. Dito ay
isinasaalang-alang ang interes ng mananaliksik. Sinusuri kung ang paksang napili ay
napapanahon, makabuluhan, at kailangan ng mananaliksik nito o ng higit na malaking
2
kliyente- ang lipunan o ang bansa sa kabuuan. Gayundin, kailangan niyang mabatid kung
paano lilimitahin o gagawing tiyak ang isang napakalawak na paksa.
2. Paghahanda ng balangkas. Ang pagbabalangkas ay isinasagawa upang maisaayos ang
mga ideyang nakalap mula sa inisyal na paghahanap ng mga datos. Makatutulong ito upang
mabigyan ng gabay at direksiyon ang pananaliksik sa simula pa lamang. Sa pagbuo ng
balangkas kailangang isulat ang pangunahing ideya o pinakabuod ng pananaliksik na
isinasagawa. Isunod na ilista ang mga pantulong na ideya. Sunod na tiyakin kung paano
ilalahad nang maayos ang mga ideya: kung ito ba ay kronolohikal o ayon sa lugar at saka
isaayos ang pormat.
3. Paghahanda ng bibliyograpi o talasanggunian. Dito ay masusing hinahanap ng
mananaliksik ang pagpili at pangangalap ng aklat, magasin, journal, at iba pang mga
mapagkukunan ng datos para sa gagawing pananaliksik. Lahat ng nakalap ay gagawan ng
sanggunian, ito ay paalbabetong listahan ng mga aklat, artikulo at iba pang sanggunian na
ginamit upang mabuo ang pananaliksik.
Mga halimbawa ng Talasanggunian
Aklat
Lumbera, B. (2000). Writing the nation: Pag-akda ng bansa.
Quezon City: University of the Philippines Press.

Artikulo mula sa Aklat


Tiongson, N. (2016) Ang paghuli sa Adarna; Tungo sa isang pamantayang pangkultura. Na kay R.
ang Pilipinas (pp. 36-43). Quezon City: University of the Philippines Press

Artikulo mula sa Pahayagang Online


Jose,F.S. (2011, Sept.12).Why we are shallow. Philstar.com.
Kinuha mula sa why-we-are-shallow

4. Pangangalap ng mga kinakailangang datos at materyal. Dito ay binabasa ang


nilalaman ng mga aklat, magasin at journal na binanggit sa itaas. Pinagpapasyahan ng
mananaliksik kung aling mga datos dito ang mahalagang makuha at maisama sa gagawin
niyang ulat. Sa pangangalap ng datos ay maraming paraan ang ginagamit ng mananaliksik,
maliban sa aklat.
A. Sarbey
Ang sarbey ay isang palatanungan o kuwestiyonaryo na may mga pagpipiliang
sagot. Ito ay isang lipon ng katanungan na inisip, kabilang ang metodo ng pananaliksik upang
3
matamo ang mga kasagutan para sa mga tiyak na mga tanong. Ang mga sumusunod ang ilan
sa mga posibleng laman ng isang survey.
a. Multiple Choice- Ito ay mas mabilis na paraan ng pagpapasagot sa isang survey.
Mas madali itong sagutin kumpara sa iba dahil sa pipili lamang ang tinatanong ng sagot sa
iilang titik.
Halimbawa: a. Gulay c. Prutas
b. Junk Food d. Karne
b. Pagkilala sa sinasang-ayunan- Nilalagay ang listahan na nagpapahayag ng
kanilang mga sinasang-ayunan at di sinasang-ayunan.

Punan ng ekis (X) ang SA kung sang-ayon, W kung walang sagot, at DS kung hindi
sang-ayon sa tapat ng mga pahayag na nakasulat sa kaliwa.
SA W DS
Madali akong naiintindihan sa wikang ginagamit ko.
Ang wikang ginagamit ko ay mas madaling gamitin sa labas
ng klase.
Halimbawa:

c. Likert Scale- isa sa mga paraan kung paanong sinusukat ng isang tao ang sarili niya.
Halimbawa:
Bilugan ang bilang na tugma sa wikang ginagamit mo. 1 bilang mas malapit sa ingles at 5
bilang mas malapit sa Filipino.
Ingles-Filipino
1 2 3 4 5
B. Panayam

Mga dapat tandaan sa pakikipanayam:

1. Paghahanda para sa Panayam

a. Magpaalam sa taong gustong kapanayamin.

b. Kilalanin ang taong kakapanayamin.

2. Pakikipanayam

a. Maging magalang.

b. Magtanong nang maayos.

c. Itanong ang lahat ng ibig malaman kaugnay ng paksa.

d.Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam. Magpasalamat.


4
e. Iulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa panayam.
5. Pag-oorganisa ng nilalaman batay sa Balangkas. Aayusin ng mananaliksik ang mga
nakalap na datos ayon sa uri ng paglalahad o batayang gagamitin sa ulat.
6. Pagsulat ng Pananaliksik. Maayos na isinagawa ang pasulat na ulat batay sa naunang
ginawang preparasyon ng mananaliksik. Kadalasan, ito ay inaabot ng isa o higit pang linggo
depende sa uri ng pananaliksik na isinasagawa.
7. Pagrerebisa ng Papel. Makatutulong ang muling pagbasa sa sinulat para mamataan
ang mga kamaliang nagawa na kailangang maiwasto. Huwag gawing madalian ang
pagrerebisa upang maingat na maiwasto ang bawat pangungusap at walang makaalpas na
mali. Dito pag-ukulan ng pansin ang pagbaybay, kaangkupan ng pagkakagamit ng mga salita,
gamit ng mga bantas, at ang estruktura ng mga pangungusap.
8. Pagsulat ng pinal na Manuskrito. Manuskrito ang tawag sa pinal na sipi ng isang
sistematikong pananaliksik. Ito ay dapat na nakaayon sa pamantayan o istandard na ibinigay
ng guro. Tandaang bago ipasa ang pinal na gawa, repleksiyon ng sarili ang anumang
ginagawa kaya’t kailangang pagbutihin ang pagsulat bilang pagpapabuti rin sa sarili.
PANANDA NG PAGSASAAYOS NG DATOS
Sa Filipino, ang mga panandang ito ay kadalasang kinakatawan ng mga pang-
ugnay. Ipinapakilala nito ang mga pang-ugnay na namamagitan sa mga pangungusap o
bahagi ng teksto.
Mga tungkuling ginagampanan ng pananda:
1. Mga panandang naghuhudyat ng pagkasunod-sunod ng mga kilos/ pangyayari o
gawain:
a. Sa pagsisimula: Una, sa umpisa, noong una, unang-una
b. Sa gitna: Ikalawa, ikatlo, sumunod, pagkatapos, saka
c. Sa wakas: sa dakong huli, sa huli, wakas
2. Pagbabagong-lahad- sa ibang salita, sa kabilang dako, sa madaling salita
3. Pagbibigay-pokus- bigyang pansin, pansinin, tungkol sa
4. Pagdaragdag- saka, at, sa pagdaragdag, pagpapatuloy
5. Paglalahat- bilang paglalahat, sa kabuuan, samatuwid
6. Pagtitiyak o pagpapasidhi- siyang tunay, walang duda

Sanggunian: Dayag, et al., Pinagyamang Pluma 8, pp. 134-


140 https://www.academia.edu/33481735/PANANALIKSIK 5
https://pdfcoffee.com/pagbasa11q3mod7pv3konsepto-ng-pananaliksikdocx-pdf-free.html
GAWAIN I. GUHIT ICONek!
PANUTO: Gamit ang mga icons bilang gabay, muling ilahad ang mga hakbang sa
paggawa ng pananaliksik mula sa binasa sa “Alam mo ba…” batay sa iyong sariling pang-
unawa. Isulat ang iyong sagot sa loob ng lente.

GAWAIN II A. INFODATOS!
PANUTO: Suriing mabuti ang graph at sagutan ang mga katanungan. Isulat ang
iyong sagot sa patlang.

1. Ilan ang kabuuang bilang ng babae na gumagamit ng po at opo?


2. Aling kaugaliang Filipino ang may pinakamaraming bilang na
ginagawa ng mga lalaking Millenials?
3. Ilang lalaking Millenials ang nagmamano sa mga nakatatanda?
4. Sino ang mas marunong gumalang sa matatanda?
5. Ilan ang kabuuang bilang ng nagmamano sa mga nakatatanda at 6
nagdarasal muna bago kumain?
GAWAIN II B. ART GRAPH AND LEARN!
PANUTO: Basahin at unawain ang sitwasyon. Gumuhit ng graph na
nagpapakita ng datos na nakalap mula sa sarbey.

Pilipino na hanggang ngayo’y sinasanay pa rin. Ayon sa sarbey, 8 katao na may 26.67 na porsyento ang sumagot ng pagigin

GAWAIN III. AYOS TEKS ON LADDER!


PANUTO: Ayusin ang tamang pagkasunod-sunod ng mga nakalap na teksto
gamit ang mga pananda sa pagsasaayos ng datos. Salungguhitan ang
mga panandang ginamit. Isulat ang iyong sagot sa isang papel.
Iwasan ang mga matataong lugar at mga nasa loob ng espasyong hindi maganda ang bentilasyon.
Manatiling 6 na talampakan ang layo sa ibang taong hindi mo kasamang nakatira sa bahay.
Magpabakuna para sa COVID-19.

Palaging maghugas ng mga kamay gamit ang sabon at tubig. Gumamit ng hand sanitizer kung walang sabon at tubig.
Magsuot ng mask na natatakpan ang iyong ilong at bibig at ipirmi ito sa ilalim ng baba mo.

Binabati kita dahil matagumpay mong natapos ang pag-aaral ng


paksang pananaliksik! Ikaw ay handang- handa na para sukatin kung
gaano kalawak ang iyong naging pag-unawa sa paksang tinalakay. Ngayon 7
naman ay iyong sagutan ang pagtataya na inihanda sa susunod na pahina.
Pangalan Petsa:
Baitang at Seksiyon Guro:
PAGTATAYA. PANUTO: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
A. 1. Ano ang tawag sa isang lipon ng katanungan na inisip, kabilang ang metodo ng
pananaliksik upang matamo ang mga kasagutan para sa mga tiyak na mga tanong?
A. Likert scale B. Multiple choice C. Sarbey D. Panayam
2. Ano ang tawag sa isang sistematiko, kontrolado, emperikal at kritikal na
imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal?
A. datos B. pananaliksik C. talasanggunian D. pahayagang online
3. Sino ang nagbigay kahulugan na ang pananaliksik ay isang pangangalap ng
impormasyon mula sa iba’t ibang hanguan sa pamamaraang impormatibo at
obhektibo?
A. O’Hare at Funk B. Calderon at Gonzales C. Kerlinger D. Villafuerte
4. Anong hakbang sa pananaliksik ang isinasagawa upang maisaayos ang mga ideyang
nakalap mula sa inisyal na paghahanap ng mga datos?
A. Pagpili ng tamang paksa C. Pagsulat ng pananaliksik
B. Paghahanda ng balangkas D. Pagsulat ng pinal na manuskrito
5. Anong paraan ng pangangalap ng datos kung saan ipinapakita kung paanong sinusukat
ng isang tao ang sarili niya?
A. Likert scale B. Multiple choice C. Panayam D. Sarbey
6. Ano ang tawag sa bahaging pinagtutuunan ng pansin o pinag-uusapan sa pangungusap;
tema o pinag-uusapan sa alinmang teksto o akda?
A. aklat B. balangkas C. paksa D. pananaliksik
7. Aling hakbang sa pananaliksik ang tumutukoy sa pag-aayos ng mananaliksik sa mga
nakalap na datos ayon sa uri ng paglalahad o batayang gagamitin sa ulat?
A. Paghahanda ng Balangkas C. Pagsulat ng pinal na Manuskrito
B. Pagsulat ng Pananaliksik D. Pag-oorganisa ng nilalaman batay sa Balangkas
8. Sino ang nagbigay kahulugan na ang pananaliksik ay isang sistematiko, kontrolado,
emperikal at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal?
A. Kerlinger B. Calderon at Gonzales C. O’Hare at Funk D. Villafuerte
9. Ano ang tawag sa pinal na sipi ng isang sistematikong pananaliksik at dapat na nakaayon
sa pamantayan o istandard na ibinigay ng guro?
A. balangkas B. bibliyograpi C. Likert scale D. manuskrito 8
10. Ano ang isa sa mga tungkuling ginagampanan ng pananda?
A. Pagbibigay-pokus
B. Pagrerebisa ng papel
C. Pag-oorganisa ng nilalaman batay sa balangkas
D. Pangangalap ng mga kinakailangang datos at material
B. PANUTO: Basahin at unawain ang mga pahayag. Punan ng wastong pananda ang
bawat patlang. Pagkatapos, tukuyin ang tungkulin ng bawat pananda mula sa
pagpipilian na nasa ibaba. Titik lamang ng wastong sagot ang isulat sa patlang bago
ang bilang.
1. ay kailangan mo munang pumili ng paksa para sa isasagawang
pananaliksik.
2. Sa nakamit din ng Pilipinas ang unang medalya nang manalo
sa Tokyo Olympics Women’s Weightlifting si Hidilyn Diaz.
3. niyang mamalengke ay naghanda na siya ng kanyang
lulutuin sa pananghalian.
4. Marami ang humanga sa kanyang galing kaya na siya ang
nanalo sa kompetisyon.
5. Ang pokus ng pananaliksik ay epekto ng modular
learning sa akademik performans ng mga mag-aaral.
PAGPIPILIAN:
a. Mga panandang naghuhudyat ng pagkasunod-sunod ng mga
kilos/pangyayari o gawain
b. Pagbabagong-lahad
c. Pagbibigay-pokus
d. Pagdaragdag
e. Paglalahat
f. Pagtitiyak o pagpapasidhi

C. PANUTO: A. Sa pamamagitan ng pagbuo ng Fishbone Organizer ay magsaliksik


hinggil sa mga positibo at negatibong epekto ng pandemya sa buhay ng mag-aaral.
Gayundin ilahad ang iyong katwiran tungkol sa tanong na kaugnay nito. Ang
iyong sagot ay tatayain gamit ang rubrik.

9
Positibong epekto

Mag-aaral sa panahon ng pandemya

Negatibong epekto

1. Bilang isang mag-aaral paano mo hinarap ang mga pagsubok na


iyong naranasan hinggil sa iyong pag-aaral sa panahon ng
pandemya?

Rubrik sa Pagtataya:
a. Nakapagbigay ng mahahalagang detalye - 5 puntos

b. Kaangkupan ng paliwanag sa paksa - 5 puntos

Kabuuang puntos = 10 puntos

PERFORMANCE TASK:
Magsagawa ng isang pananaliksik tungkol sa mga kaugaliang Pilipino na
isinasagawa ng iyong pamilya hanggang ngayon. Maaari mong ipresenta ang iyong
nakalap na impormasyon sa pamamagitan ng mga sumusunod:
a. pagguhit ng isang graph
b. pagsulat ng isang sanaysay
c. pag-uulat o pagbabalita

Rubrik para sa gawain


Nilalaman - 10 puntos
Presentasyon - 10 puntos
Kaangkupan ng konsepto- 5 puntos
25 puntos

10
SUSI SA PAGWAWASTO (PARA SA MAG-AARAL)

GAWAIN I (Iba’t-iba ang kasagutan ng mga mag-aaral)


GAWAIN II.A
1. 21 na babae 3. 18 na lalaki 5. 90
2. Pagdarasal bago kumain 4. mga babae
GAWAIN II. B

GAWAIN III
Unang- una ay magpabakuna para sa COVID-19. Sumunod ay magsuot ng mask na
natatakpan ang iyong ilong at bibig at ipirmi ito sa ilalim ng baba mo. Pagkatapos ay
manatiling 6 na talampakan ang layo sa ibang taong hindi mo kasamang nakatira sa bahay.
Saka iwasan ang mga matataong lugar at mga nasa loob ng espasyong hindi maganda ang
bentilasyon. Sa huli, palaging maghugas ng mga kamay gamit ang sabon at tubig. Gumamit
ng hand sanitizer kung walang sabon at tubig

SANGGUNIAN:
Government Publications
Dayag, et al. 2015. Pinagyamang Pluma 8. Quezon City: Phoenix Publishing Company
Enrijo, et al. 2013. Panitikang Pilipino 8. Quezon City: Book Media Press, Inc.
Online and Other Sources
ACADEMIA EDU:
PDFCOFFEE::
-distance-learning-isang-pananaliksik-pdf-free.html
ZENROOMS: (zenrooms.com)
REDCROSS.ORG: TL_Protect_Yourself_Others_From_COVID- 19_03152021.pdf BROOKINGS.EDU: JMSINOY.BLOGSPOT:
YOUTUBE:
TUTORIALS |MELC-BASED - YouTube

11
SUSI SA PAGWAWASTO NG PAGTATAYA (PARA SA GURO)

A. 1. C C B. 1. a / Sa umpisa
B D a / wakas
A A a / Pagkatapos

B D f / walang duda
A A c / tungkol sa
D. (Sariling sagot)
C. (Sariling sagot)

Rubrik sa Pagtataya:
Nakapagbigay ng mahahalagang detalye 5 puntos
Kaangkupan ng paliwanag sa paksa 5 puntos

Kabuuang puntos = 10 puntos

12

You might also like