You are on page 1of 22

9

Filipino
Unang Markahan - Modyul 13
Pagbibigay Opinion

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Filipino - Grade 9
Alternative Delivery Mode
Kwarter 1 – Modyul 13: Pagbibigay Opinyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman. Kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa
aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Development Team of the Module

Author: Marjorie D. Sumangit


Evaluators/Editors: Edarline E. Quiapo, Elizabeth T. Galit
Illustrator and Layout Artist:

Management Team
Chairperson: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent
Co-Chairpersons: Nimfa R. Lago, PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent

Members
Henry B. Abueva OIC-CID Chief
Levi M. Coronel, EPS-Filipino
Sherlita L. Daguisonan, LRMS Manager
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

9
Filipino
Unang Markahan - Modyul 13
Pagbibigay Opinion

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by select teachers, school heads, Education Program Supervisor in Filipino of
the Department of Education - Division of Iligan City. We encourage teachers
and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education-Iligan City Division at
iligan.city@deped.gov.ph or Telefax:(063)221-6069.
We value your feedback and recommendations

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1


Nilalaman ng Modyul ……………………………… 1
Alamin ……………………………… 1
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 2
Subukin ……………………………… 3
Aralin 1 ……………………………… 6
Balikan ……………………………… 6
Tuklasin ……………………………… 6
Suriin ……………………………… 8
Pagyamanin ……………………………… 9
Isaisip ……………………………… 11
Isagawa ……………………………… 11
Buod ……………………………… 12
Tayahin ……………………………… 12
Karagdagang Gawain ……………………………… 16
Susi ng Pagwawasto ……………………………… 16
Sanggunian ……………………………… 17
Modyul 13
Paggamit ng mga Pahayag sa Pagbibigay
Opinyon
Pangkalahatang Ideya

Ang modyul na ito ay tungkol sa konseptong pangwika kung saan pag-


aaralan ang paggamit ng mga pahayag na ginagagamit sa pagbibigay-opinyon (sa
tingin / akala / pahayag / ko, iba pa).
Nilalayon ng modyul na ipakita ang iba’t ibang pahayag na maaaring gamitin
sa pagpapahayag ng sariling opinyon o pananaw. nang sa gayon ay magagamit ito
sa pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa kapwa. Sa pamamagitan ng mga
pahayag na ito ay nailalahad ng maayos ang sariling opinyon kahit na ito ay
maaaring salungat o taliwas sa pananaw ng ibang tao.
Sa pamamagitan ng modyul na ito ay gagabayan ka kung ano ang angkop na
salita ang maaaring gamitin sa pagbibigay ng sariling opinyon o pananaw.
Matutunan mo ring bumuo ng mga pangungusap gamit ang iba’t ibang
pahayag na nagbibigay ng sariling opinyon o pananaw.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay may isang aralin:

Aralin 1 - Nobela

ALAMIN

Ano ang Matutunan Mo?

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:

1. Nagagamit ang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay-opinyon (sa


tingin/ akala/ pahayag/ ko, iba pa). F9WG-Ic-d-42

1
Pangkalahatang Panuto

Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
 Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pangwika.
 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

Icons na Ginagamit sa Modyul


Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o
mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa
modyul na ito.
Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa
Subukin tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa


Balikan pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa


Tuklasin pamamagitan ng iba’t ibang gawain

Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.

Pagyamanin Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa


iyong natutunan at magbibigay pagkakataong
mahasa ang kasanayang nililinang.

Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.

Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

SUBUKIN
2
A. Pagpipilian
Panuto: Piliin ang ang tamang sagot. Isulat sa isang hiwalay na papel ang
iyong napiling sagot. Titik lamang ang isulat.

Isang babaeng mangangalakal ang nakipag-isang dibdib sa isang lalaking


mahilig maglakbay sa buong mundo. Malimit siyang iniiwan nang matagal ng kanyang
asawa kung kaya’t nakadama siya ng kalungkutan. Umibig siya sa isang lalaking mas
bata sa kanya.
Isang araw ang lalaki ay nakulong. Nang malaman ng babae ay agad siyang
nagbihis ng pinakamagandang damit at nagtungo sa hepe ng pulisya. Bumati siya at
sinabing, “Kapatid ko ang lalaking ipinakulong ninyo, inaway ng hindi namin nakilala,
subalit sa tingin ko nagsisinungaling ang lalaking tumestigo laban sa kanya.
Nagkakamali kayo sa pagpapabilanggo sa kanya.

nobelang “Isang Libo’t Isang Gabi” mula sa Panitikang Asyano

1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagbibigay ng sariling


opinyon?
A. Malimit siyang iniiwan nang matagal ng kanyang asawa kung kaya’t
nakadama siya ng kalungkutan.
B. Umibig siya sa isang lalaking mas bata sa kanya.
C. Subalit sa tingin ko nagsisinungaling ang lalaking tumestigo laban sa
kanya.
D. Nagkamali kayo sa pagpapabilanggo sa kanya.

2. Sa Saudi Arabia, kinikilala ang babae bilang mahina at sunud-sunuran sa mga


lalaki. ________, pinatunayan ng babae sa nobelang Isang Libo’t Isang Gabi na
siya ay malakas at kayang ipagtanggol ang sarili. Alin ang angkop na ekspresyon
ang bubuo sa diwa ng pahayag?
A. Ayon sa B. Batay sa
C. Alinsunod sa D. Sa aking pananaw

3. Alin sa mga pangungusap ang nagpapahiwatig ng sariling pananaw tungkol sa


nobela?
A. Sa aking palagay, tama lamang ang ginawa ng babae sa mga lalaking
mapagsamantala dahil pinoprotektahan lamang niya ang kanyang sarili.
B. Pinatutunayan lamang na ang tao ay madaling matukso kung minsan kapit
sa patalim.
C. Ang mapang-abuso sa kapangyarihan ay hindi nagtatagumpay sa lahat ng
panahon.
D. Sa dakong huli, napalaya ang mangingibig ng babae at napagpasyahan
nilang magpakalayo-layo.

3
4. Ano ang mabubuo mong hinuha sa pahayag na “Kapatid ko ang lalaking
ipinakulong ninyo, inaway ng hindi namin nakilala, subalit sa tingin ko
nagsisinungaling ang lalaking tumestigo laban sa kanya.
A. nagsasalaysay C. nagpapahayag ng opinyon
B. naglalahad D. nagpapaliwanag

5. Anong uri ng pagpapahayag ang naghuhudyat o nagpapakita sa kung ano iniisip


at pinaniniwalaan ng isang tao?
A. pagpapahayag ng pagbabago C. pagpapahayag ng pagmamay-ari
B. pagpapahayag ng sariling opinion D. pagpapahayag ng pagsang-ayon

Umalis ang babae at nanghanap ng karpintero at sinabi nitong, “Ipaggawa mo


ako ng isang cabinet na may apat na compartment, magkakapatong, may pinto ang
bawat isa at masasaraduhan. Malaman ko lang kung magkano at babayaran ko.”
Sumagot ang karpintero, “Apat na dinaryo ang halaga nito, subalit hindi ko na ito
pababayaran kung papayagan mo ako sa aking kahilingan.” Kung kinakailangan,”
sagot ng babae. “Papayag ako subalit gawin mo nang lima ang compartment ng
cabinet na ipinagagawa ko sa iyo.”

nobelang “Isang Libo’t Isang Gabi” mula sa Panitikang Asyano

6. Ano ang magiging opinyon mo sa nais ipahiwatig ng pahayag na ito, “Apat na


dinaryo ang halaga nito, subalit hindi ko na ito pababayaran kung papayagan mo
ako sa aking kahilingan.”?
A. Siguro, naawa ang karpintero sa babae
B. Sa palagay ko, may gusto ang karpintero sa babae
C. Maaring magkakilala sila
D. Sa tingin ko mayaman ang lalaki.

7. Alin sa mga sumusunod na pahayag sa ibaba ang nagsasaad ng opinyon na


pasalungat?
A. Ikinalulungkot ko sapagkat ako’y naniniwala na mali pa rin ang ginawa ng
babae,
sapagkat umibig siya sa ibang lalaki kahit na may asawa na.
B. Tunay na may kakaibang karesma ang mga kababaihan na
nakapagpapabago sa damdamin ng mga kalalakihan.
C. Sa kabilang banda hindi rin siya masisisi sa kanyang ginawa.
D. Iyan ang nararapat sa mga lalaking mapang-abuso sa kapangyarihan.

8. Ayon sa tauhan sa akda gusto niyang magpagawa ng cabinet na may limang


compartment. Alin sa mga sumusunod na salita ang nagpapahayag ng opinyon
o pananaw?
A. ayon sa C. gusto
B. akda D. magpagawa

9. Alin sa mga sumusunod na salita ang maaaring gamitin sa pagpapahayag ng


postibong opinyon?
A. Nauunawaan kita subalit C. Ganyan din ang palagay ko
B. Mabuti sana ngunit D. Ikinalulungkot ko

4
10. Para sa akin, maganda ang isinusulong na batas ng syudad tungkol sa
pagpapatupad ng curfew. Alin sa mga salitang may salungguhit ang
nagpapahayag ng opinyon?
A. para sa akin C. ng syudad
B. ang sinusulong D. pagpapatupad ng curfew

B. Pagpupuno.
Panuto: Lagyan ng nararapat na salita na nagpapahayag ng opinyon ang
bawat patlang upang mabuo ang pangungusap. Titik lamang ang
isulat sa sagutang papel.

11. Maraming gustong makarating sa Maynila, siguro dahil naniniwala silang mas
maraming opurtunidad ang naghihintay sa kanila roon. ___________ hindi
masama ang mangibang bayan ngunit siguraduhin lamang na may trabahong
mapapasukan upang hindi magiging dagdag na pabigat sa bayang pinuntahan.
A. Sa tingin ko C. Ganyan din ang palagay ko
B. Mabuti sana subalit D. Sa akala ko

12. Isinailalim ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Enhance Community Quarantine


ang bansa upang mapigilan ang paglaganap ng sakit na COVID 19. ________,
higit na kailangan ngayon ng Pangulo ang pakikiisa ng mamamayan upang
mapagtagumpayan ang krisis na ito na kinakaharap ng ating bansa.
A. Tunay na C. Sapalagay ko
B. Talagang D. Sa palagay ko totoong

13. _________, ang pagpapasailalim ng pangulo saEnhance Community Quarantine


o ECQ sa bansa ay nakatutulong hindi lamang upang mapigilan ang pagdami ng
bilang ng mga nahawaan ng sakit na COVID 19. kundi nakatutulong din upang
manumbalik ang ganda ng kalikasan.
A. Akala ko C. Batay sa
B. Inaakala ko D. Sa aking pananaw

14. Ninais ng gobyerno na bigyan ang mahihirap na mamamayan ng ayuda na


tinatawag na social amelioration program o SAP, ngunit hindi lahat ang
makatanggap nito. Kaya kinikilatis ng maigi ng DSWD kung sino ang maaaring
makatatanggap ng social amelioration program o SAP. ______________ na
mabuti ang hangarin at intensyon ng ating pangulo na tulungan ang mamamayan
sa panahon ng pandemya.
A. Sa aking pananaw C. Sang-ayon ako
B. Naniniwala ako D.Mabuti sana ngunit

15. Hindi lamang ekonomiya ng bansa at kalusugan ang nalagay sa alanganin sa


panahon ng pandemic kundi maging ang edukasyon ng mga kabataan.
_________ ang paglipat ng buwan sa pagbubukas ng klase ay nakatutulong
upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga kabataan.
A. Huwag kang C. Tunay na
B. Iyan ang nararapat D. Para sa akin

5
Aralin Pamagat ng Aralin

1 Paggamit ng mga Pahayag na Ginagagamit sa Pagbibigay


Opinyon (sa tingin / akala / pahayag / ko, iba pa)

BALIKAN

Sa bahaging ito ay aalamin kung ano ang natutunan mo sa nagdaang aralin


na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.

Panuto: Bigyang katuwiran ang ginawa ng mga tauhan sa nobelang “Isang Libo’t
Isang Gabi”. Gumamit ng mga pahayag na nagbibigay ng sariling
opinyon.

1. Tama ba ang ginawa ng pangunahing tauhan sa kwento? Ipaliwanag.


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Kung ikaw ang tauhang babae, gagawin mo rin ba ang ginawa niya para
mapalaya ang mahal mo sa buhay? Patunayan ang sagot.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

TUKLASIN

Handa ka na bang matuklasan ang mga bagong kaalaman? Sa bahaging ito


ay makatutuklas ka ng mga bagong kaalaman tungkol sa wika at habang natututo ka
ay masisiyahan ka pa. Simula pagkabata ay tinuturuan na tayo ng ating mga
magulang na magpaliwanag sa maayos na paraan lalo na kung ito ay kinakailangan.
Sa pangangatwiran ay maaari tayong gumamit ng mga salita upang ipahayag ang
ating sariling opinyon. Ngunit anu-ano nga ba ang mga salitang ating gagamitin ng
sa gayon ay mapaipaliwanag natin ng maayos sa mga tao ang ating sariling
opinyon. Ang susunod na gawain ay makatutulong upang masagot ang ating pokus
na tanong. Paano mabisang magagamit ang mga pahayag na nagsasaad ng sariling
opinyon o pananaw? Narito ang mga gawain na makatutulong upang masagot ang
pokus na tanong.

6
Gawain 1. Panuto: Batay sa larawan, Dugtungan ang pahayag ng iyong nabuong
opinyon.

A B C.

https://lrmds.deped.gov.ph/create/category/69

A. Sa tingin ko, _____________________________________________________


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

B. Sa palagay ko, ___________________________________________________


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

C. Ang masasabi ko ay, ______________________________________________


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Gawain 2. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Salungguhitan ang


mga ginamit na salitang nagpapakilala ng opinyon. Ilagay sa hiwalay na sagutang
papel ang iyong sagot.

1. Tama ang sinabi mo mahirap ang mag-isa.


2. Sa palagay mo, bakit pinamagatang Isang Libo’t Isang Gabi ang nobela?
3. Ang pagkakaalam ko ay narito ang kaisa-isa kong kapatid na ikinulong ng mga
pulis.
4. Nilapitan ng babae ang Vizier upang humingi ng tulong. Sinabi ng Vizier, kung
ako ang tatanungin mo papalayain ko ang iyong kapatid sa isang kondisyon.
5. Ninais ng pulis na isama ang babae sa kanyang bahay ngunit tumanggi ang
babae at sinabi nitong, “Maaari po bang sa aming tahanan ka na lamang
magpunta?

Gawain 3. Panuto: Ibigay ang sariling opinyon tungkol sa pagkakatulad at


pagkakaiba ng kultura ng mga Maranao at Kristyano sa ating bansa ayon sa
katayuan ng babae at lalaki sa lipunang kinabibilangan. Isulat ito sa kwaderno.

Kultura

Maranao (Katayuan ng Kristiyano (Katayuan


babae at lalaki sa ng babae at lalaki sa
lipunan) lipunan)

7
SURIIN

Alam mo Ba?

Ang pagbibigay ng opinyon sa isang mahalagang isyu na ating kinakaharap


sa kasalukuyan ay isang magandang palatandaan na may kamalayan ka sa
nangyayari sa paligid. Ang pagbibigay ng opinyon ay mahalaga bilang mamamayan
sapagkat malaki ang maitutulong nito upang malutas o mahanapan ng solusyon
ang isang problema. Ang pagbibigay ng opinyon ay maaaring salungat o sang-
ayon sa anumang suliranin, isyu at ideyang inilalahad. Mahalaga ang
pagpapahayag ng sariling opinyon o pananaw sa pang-araw-araw na
pakikipagkomunikasyon. Kung kaya’t mahalaga na matutunan mo kung paano ang
mabisang paraan sa pagpapahayag ng opinyon o pananaw.
Sa pagpapahayag ng sariling opinyon o pananaw tungkol sa isang isyu ay
maaring gumagamit ng pahayag kagaya ng mga sumusunod:

 sa tingin ko/ni/ng
 akala ko/ni/ng
 palagay ko
 paniniwala ko/ni/ng
 sa ganang akin
 sa pananaw ko/ni/ng
 para sa akin
 inaakala ko
 naisip ko
 ayon sa
 batay sa
 sang-ayon sa/kay
 akala ko/ni/ng
 ang masasabi ko

 ang pagkakaalam ko
 ayon sa nabasa ko
 mahusay ang sinabi mo at ako
man ay
 kung ako ang tatanungin
 maaari po bang magbigay ng
aking mungkahi
 maaari po bang magdagdag
 mabuti sana ngunit
 ikinalulungkot ko sapagkat
 hindi ako sang-ayon dahil
 hindi totoong
 mabuti sana ngunit
 nauunawaan kita subalit

8
Tunghayan ang mga halimbawa:

1. Mabuti sana ang panukala mo ngunit sa panahon ngayon ay malabong


mangyari ang sinasabi mo.
2. Sa palagay ko ay mas makabubuting tatapusin mo ang iyong pag-aaral kaysa
magtrabaho upang pagdating ng panahon ay makakahanap ka ng magandang
oportunidad.
3. Ang akala ko katapusan ko na ng lumindol ng napakalakas kahapon ng umaga.
4. Para sa akin higit na kailangan natin ang pagkakaisa kaysa pagtuturuan kung
sino ang dapat sisihin sa trahedyang nangyari.
5. Kung ako ang tatanungin, higit na mahalaga ang edukasyon sapagkat ito ay
instrumento sa pag-unlad.

Dapat isaalang-alang ang mga sumusunod sa pagpapahayag ng opinyon o


pananaw

1. Dapat maging malumanay at maayos sa paglalahad ng opinyon o pananaw.


2. Makinig muna sa nagsasalita. Hayaang patapusin ang nagsasalita bago
magbigay ng opinyon. Mahalaga ang pakikinig upang maging maayos ang pag-
uusap at iwasan ang pagiging mapanghusga.
3. Iwasang pilitin ang kausap na sumang-ayon sa iyong mga opinyon o pananaw.
4. Mas magiging makatotohanan ang iyong opinyon kung magdadagdag ng mga
katibayan mula sa mga pahayag ng kilalang tao, magasin, diyaryo, libro at iba pa.
5. Maging simple sa pagpapahayag.
6. Maging magalang.

PAGYAMANIN

Gawain 4: Panuto: Gamitin ang mga sumusunod na pahayag sa paglalahad ng


iyong opinyon tungkol sa mga isyung panlipunan.
ang masasabi ko paniniwala ko inaakala ko
sa ganang akin hindi totoong mabuti sana ngunit
ayon sa nabasa ko kung ako ang tatanungin

9
KAHIRAPAN KALIKASAN

Opinyon: Opinyon:
__________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________

DROGA MAAGANG PAG-AASAWA

Opinyon: Opinyon:
__________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________

Gawain 5: Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng tsek (/)
ang mga bilang na nagpapahayag ng opinyon. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong
sagot.
______1. Karamihan sa mga nalulong sa bisyo ay walang pinag-aralan.
______2. Ang pagpapahalaga sa karapatan ng mga kababaihan ay nakasaad sa
ating konstitusyon.
______3. Naniniwala akong malaki ang maitutulong ng mga kabataan sa pagbabago
at pagpapaunlad ng bayan.
______4. Ayaw kong mawalan ng tiwala ang aking mga kaibigan.
______5. Ang pagkakaalam ko ay malaki ang naiambag na tulong ni Angel Locsin
sa panahon ng kalamidad.
______6. Talagang kailangang makisama ako sa aking mga guro upang maging
maayos ang daloy ng pagkatuto.
______7. Sa tingin ko mapalad ang mga magulang na may mga anak na
mapagmahal at maalaga sa kanila.
______8. Para sa akin, susunod lang ako kung may mga tiyak na tuntuning
ipapalabas ang ating mga namumuno sa gobyerno.
______9. Sa palagay mo, paano mapapabuti ang kabuhayan at ekonomiya ng ating
bansa?
______10. Matalino ang batang iyan.

ISAISIP
10
Gawain 6. Panuto: Bumuo ng mahalagang konsepto na natutunan mo sa araling
ito. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Gamitin ang mga pahayag na
natutunan mo sa pagpapahayag ng sariling opinyon.

1. Paano mabisang magagamit ang mga pahayag na nagsasaad ng sariling opinyon


o pananaw?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Sa iyong sariling opinyon, paano nakatutulong ang paggamit ng mga pahayag na


nagsasaad ng sariling opinyon?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

ISAGAWA

Gawain 7. Pagsulat: Sumulat ng talatang naglalahad ng sariling opinion/ pananaw


tungkol sa napapanahong isyu o paksa. Ipahayag ang iyong opinion o pananaw sa
isang talatang hindi bababa sa limang pangungusap. Makikita sa ibaba ang rubriks
sa pagbibigay ng puntos.

Krayterya Puntos (10)


Kaangkupan sa paksa 5 puntos
Kawastuhang panggramatika 5 puntos
Kabuuan 10 puntos

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

__________________________________________________________________.

11
Buod

Ang pagbibigay ng opinyon sa isang isyu o kaisipan ay mahalaga sapagkat


nakatutulong ito upang maipahayag ang iyong saloobin, ideya o anumang iyong
iniisip. Sa pagbibigay ng opinyon, dapat gumamit ng mga angkop na mga salita na
nagpapahayag ng sariling opinyon upang maging maayos ang pagkakalahad nito.
Sa paglalahad ng sariling opinyon ay maaaring sumang-ayon ka o sumalungat sa
opinyon ng iba. Ngunit dapat tandaan na sa paglalahad ng opinyon ay iwasang
pilitin ang kausap na sumang-ayon sa iyong mga opinyon o pananaw ng sa gayon
ay maiwasan ang di-pagkakaunawaan.

TAYAHIN

A. Pagpipilian
Panuto: Piliin ang ang tamang sagot. Isulat sa isang hiwalay na papel ang
iyong napiling sagot. Titik lamang ang isulat.
Isang babaeng mangangalakal ang nakipag-isang dibdib sa isang lalaking
mahilig maglakbay sa buong mundo. Malimit siyang iniiwan nang matagal ng kanyang
asawa kung kaya’t nakadama siya ng kalungkutan. Umibig siya sa isang lalaking mas
bata sa kanya.
Isang araw ang lalaki ay nakulong. Nang malaman ng babae ay agad siyang
nagbihis ng pinakamagandang damit at nagtungo sa hepe ng pulisya. Bumati siya at
sinabing, “Kapatid ko ang lalaking ipinakulong ninyo, inaway ng hindi namin nakilala,
subalit sa tingin ko nagsisinungaling ang lalaking tumestigo laban sa kanya.
Nagkakamali kayo sa pagpapabilanggo sa kanya.

nobelang “Isang Libo’t Isang Gabi” mula sa Panitikang Asyano

1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagbibigay ng sariling


opinyon?
A. Malimit siyang iniiwan nang matagal ng kanyang asawa kung kaya’t
nakadama siya ng kalungkutan.
B. Umibig siya sa isang lalaking mas bata sa kanya.
C. Subalit sa tingin ko nagsisinungaling ang lalaking tumestigo laban sa kanya.
D. Nagkamali kayo sa pagpapabilanggo sa kanya.

12
2. Sa Saudi Arabia, kinikilala ang babae bilang mahina at sunud-sunuran sa mga
lalaki. ________, pinatunayan ng babae sa nobelang Isang Libo’t Isang Gabi na
siya ay malakas at kayang ipagtanggol ang sarili. Alin ang angkop na ekspresyon
ang bubuo sa diwa ng pahayag?
A. Ayon sa b. Batay sa c. Alinsunod sa d. Sa aking
pananaw

3. Alin sa mga pangungusap ang nagpapahiwatig ng sariling pananaw tungkol sa


nobela?
A. Sa aking palagay, tama lamang ang ginawa ng babae sa mga lalaking
mapagsamantala dahil pinoprotektahan lamang niya ang kanyang sarili.
B. Pinatutunayan lamang na ang tao ay madaling matukso kung minsan kapit sa
patalim.
C. Ang mapang-abuso sa kapangyarihan ay hindi nagtatagumpay sa lahat ng
panahon.
D. Sa dakong huli, napalaya ang mangingibig ng babae at napagpasyahan
nilang magpakalayo-layo.

4. Ano ang mabubuo mong hinuha sa pahayag na “Kapatid ko ang lalaking


ipinakulong ninyo, inaway ng hindi namin nakilala, subalit sa tingin ko
nagsisinungaling ang lalaking tumestigo laban sa kanya.
A. nagsasalaysay c. nagpapahayag ng opinyon
B. naglalahad D. nagpapaliwanag

5. Anong uri ng pagpapahayag ang naghuhudyat o nagpapakita sa kung ano ang


iniisip at pinaniniwalaan ng isang tao?
A. pagpapahayag ng pagbabago C. pagpapahayag ng pagmamay-ari
B. pagpapahayag ng sariling opinionD. pagpapahayag ng pagsang-ayon

Umalis ang babae at nanghanap ng karpintero at sinabi nitong, “Ipaggawa mo


ako ng isang cabinet na may apat na compartment, magkakapatong, may pinto ang
bawat isa at masasaraduhan. Malaman ko lang kung magkano at babayaran ko.”
Sumagot ang karpintero, “Apat na dinaryo ang halaga nito, subalit hindi ko na ito
pababayaran kung papayagan mo ako sa aking kahilingan.” Kung kinakailangan,”
sagot ng babae. “Papayag ako subalit gawin mo nang lima ang compartment ng
cabinet na ipinagagawa ko sa iyo.”

nobelang “Isang Libo’t Isang Gabi” mula sa Panitikang Asyano

6. Ano ang magiging opinyon mo sa nais ipahiwatig ng pahayag na ito, “Apat na


dinaryo ang halaga nito, subalit hindi ko na ito pababayaran kung papayagan mo
ako sa aking kahilingan.”?
A. Siguro, naawa ang karpintero sa babae
B. Sa palagay ko, may gusto ang karpintero sa babae
C. Maaring magkakilala sila
D. Sa tingin ko mayaman ang lalaki.

13
7. Alin sa mga sumusunod na pahayag sa ibaba ang nagsasaad ng opinyon na
pasalungat?
A. Ikinalunlungkot ko sapagkat ako’y naniniwala na mali pa rin ang ginawa ng
babae, sapagkat umibig siya sa ibang lalaki kahit na may asawa na.
B. Tunay na may kakaibang karesma ang mga kababaihan na
nakapagpapabago sa damdamin ng mga kalalakihan.
C. Sa kabilang banda hindi rin siya masisisi sa kanyang ginawa.
D. Iyan ang nararapat sa mga lalaking mapang-abuso sa kapangyarihan.

8. Ayon sa tauhan sa akda gusto niyang magpagawa ng cabinet na may limang


compartment. Alin sa mga sumusunod na salita ang nagpapahayag ng opinyon
o pananaw?
A. ayon sa C. gusto
B. akda D. magpagawa

9. Alin sa mga sumusunod na salita ang maaaring gamitin sa pagpapahayag ng


postibong opinyon?
A. Nauunawaan kita subalit C. Ganyan din ang palagay ko
B. Mabuti sana ngunit D. Ikinalulungkot ko

10. Para sa akin, maganda ang isinusulong na batas ng syudad tungkol sa


pagpapatupad ng curfew. Alin sa mga salitang may salungguhit ang
nagpapahayag ng opinyon?
A. para sa akin C. ng syudad
B. ang sinusulong D. pagpapatupad ng curfew

B. Pagpupuno.
Panuto: Lagyan ng nararapat na salita na nagpapahayag ng opinyon ang
bawat patlang upang mabuo ang pangungusap. Titik lamang ang
isulat sa sagutang papel.

11. Maraming gustong makarating sa Maynila, siguro dahil naniniwala silang mas
maraming opurtunidad ang naghihintay sa kanila roon. ____________ hindi
masama ang mangibang bayan ngunit siguraduhin lamang na may trabahong
mapapasukan upang hindi magiging dagdag na pabigat sa bayang pinuntahan.
A. Sa tingin ko C. Ganyan din ang palagay ko
B. Mabuti sana subalit D. Sa akala ko

12. Isinailalim ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Enhance Community Quarantine


ang bansa upang mapigilan ang paglaganap ng sakit na COVID 19. ________,
higit na kailangan ngayon ng Pangulo ang pakikiisa ng mamamayan upang
mapagtagumpayan ang krisis na ito na kinakaharap ng ating bansa.
A. Tunay na C. Sa palagay ko
B. Talagang D. Sa palagay ko totoong

14
13. _________, ang pagpapasailalim ng pangulo sa Enhance Community Quarantine
o ECQ sa bansa ay nakatutulong hindi lamang upang mapigilan ang pagdami ng
bilang ng mga nahawaan sa sakit na COVID 19. kundi nakatutulong din upang
manumbalik ang ganda ng kalikasan.
A. Akala ko C. Batay sa
B. Inaakala ko D. Sa aking pananaw

14. Ninais ng gobyerno na bigyan ang mahihirap na mamamayan ng ayuda na


tinatawag na Social Amelioration Program o SAP, ngunit hindi lahat ang
makakatanggap nito. Kaya kinikilatis ng maigi ng DSWD kung sino ang maaaring
makatatanggap ng Social Amelioration Program o SAP. ______________ na
mabuti ang hangarin at intensyon ng ating pangulo na tulungan ang mamamayan
sa panahon ng pandemya.
A. Sa aking pananaw C. Sang-ayon ako
B. Naniniwala ako D.Mabuti sana ngunit

15.. Hindi lamang ekonomiya ng bansa at kalusugan ang nalagay sa alanganin sa


panahon ng pandemya kundi maging ang edukasyon ng mga kabataan.
_________ ang paglipat ng buwan sa pagbubukas ng klase ay nakatutulong
upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga kabataan.
A. Huwag kang C. Tunay na
B. Iyan ang nararapat D. Para sa akin

15
KARAGDAGANG GAWAIN

Pagsulat
Ano ang iyong sariling pananaw o opinyon tungkol sa pandemyang
COVID-19? Bilang isang mamamayan, sa tingin mo ano ang iyong
maitutulong upang mapigilan ang paglaganap nito sa ating bansa? Isulat sa
kwaderno.

SUSI NG PAGWAWASTO

Tayahin Gawain 1 Gawain 3


Sagot: Nasa guro ang Sagot: Nasa guro ang
A. pagpapasya kung tama pagpapasya kung tama

1. C Gawain 2 Gawain 4
2. D 1. Tama ang sinabi mo Sagot: Nasa guro ang
3. A 2. Sa palagay mo pagpapasya kung tama
4. C 3. Ang pagkakaalam ko
5. B 4. Kung ako ang tatanungin mo
6. B 5. Maari po ba
7. A
8. A Gawain 5
9. C 1. / 6. /
10.A 2. 7. /
3. / 8. /
B. 4. / 9. /
11. A 5. / 10.
12. C
13. D
14. A Karagdagang Gawain:
15. D Nasa guro ang pagpapasya kung tama

16
Mga Sanggunian
DepEd-IMCS. Panitikang Asyano 9: Modyul ng Mag-aaral sa Filipino. Pasig City:
Vibal Group, Inc., 2014

Filipino 10: Panitikang Pandaigdig. Modyul para sa Mag-aaral. . Pasig City:


Vibal Group, Inc., 2015

Garcia, Florante C., Evelyn P. Naval, at Rosie R. Villaruel. Pintig ng Lahing


Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon City: SIBS Publishing House,
2016.

Marasigan, Emily at Mary Grace.Del RosarioPinagyamang Pluma. 927 Quezon


Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016.

Mosqueda, Cleotilde D.R., Glenda Romero at Dr. Concepcion U. san Antonio.


Hamaka II: Duyan ng Karunungan Manila: Innovative Educational Materials,
Inc., 2002

https://lrmds.deped.gov.ph/create/category/69

17
For inquiries and feedback, please write or call:

DepEd Division of Iligan City


Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

18

You might also like