You are on page 1of 10

1

Pangalan: ___________________________________ Guro: ______________

Baitang at Seksyon: __________________________ Petsa: _____________

Aralin
Pagsusuri ng Teleseryeng Asyano
4 Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Opinyon
Isinulat ni Ferdinand B. Jara

Mga Inaasahan

Sa araling ito, babasahin mo ang isang nobela/teleserye mula sa Korea.


Aalamin mo ang mga katangian ng isang nobela/teleserye bilang makabagong anyo ng
panitikan na nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sarili. Pag-aaralan mo rin ang gamit ng
mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang mga sumusunod


na kasanayan :

1. Nasusuri ang pinanood na teleseryeng Asyano batay sa itinakdang pamantayan


(F9PD-Ic-d-40)
2. Naisusulat ang isang pangyayari na nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sarili
(F9PU-Ic-d-42)
3. Nagagamit ang mga pahayag na ginagagamit sa pagbibigay-opinyon (sa tingin /
akala / palagay ko, at iba pa) (F9WG-Ic-d-42)

Alam kong gusto mo nang magsimula sa pagbabasa pero sagutin mo muna ang
unang gawain.

Paunang Pagsubok

Basahin ang nilalaman ng halaw ng buod ng isang nobela at sagutin ang


kasunod na mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.

Mani, Pag-ibig at Kapalaran

Halaw sa nobela ni Teofilo E. Sauco

Si Tentay (Vicenta Gomez) na mula sa alta sosyedad ay nabuntis ng kaniyang


kasintahang si Ventura Villaroman, ngunit napilitang ipaampon ang kaniyang sanggol
sa solterong si Ingkong Pinong na taga-Baliwag, Bulakan. Sisikaping palakihin ni
Ingkong Pinong ang bata, na sa paglipas ng panahon ay magiging marikit na dalagang
tatawaging si Ninay. Pagtatanim at pagtitinda ng mani ang ikinabubuhay ni Ingkong
Pinong at Ninay. Hahangaan naman si Ninay sa sipag nito’t bait, at pagnanasahan ng
mga binata hanggang makilala ni Ninay ang binatang si Luis na taga-Maynila.
Pinakyaw ni Luis ang tindang mani ni Ninay, hahabulin ang dalaga, at pagkaraan ay

Modyul sa Filipino 9
Unang Markahan: Ikaapat na Linggo
2

yayayaing pakasal. Subalit may isang balakid. May isang babaeng kinakasama si
Luis, at iyon ay si Tentay na dating mananayaw sa kabaret sa Santa Ana.
Matutuklasan ni Tentay ang retratong kuha ni Luis kay Ninay, at maghihinuha si
Tentay na anak niya ang dalaga dahil kahawig na kahawig niya ito. Hahanapin ni
Tentay ang kinababaliwan ni Luis, at nang matiyak kay Ingkong Pinong na si Ninay ay
anak nga niya, kukumbinsihin ni Tentay ang matanda na pumayag na sa
pagpapakasal ng magkasintahan. Lalayo si Tentay at papasok sa kumbento upang
mapalayo kay Luis. Samantala, hihimukin at paaaralin naman ni Luis si Ninay na
pumasok sa kolehiyo at nang makatapos makapag-aral. Makikilala ni Ninay si Tentay
sa loob ng kumbento, at magtuturingang mag-ina, subalit mananatili ang lihim
hangga’t hindi nakakasal si Ninay kay Luis.

Nobela ni Teofilo E. Sauco https://dakilapinoy.com/category/nobela/

_____1. “Sa paglipas ng panahon ay magiging marikit ang dalagang tatawaging si


Ninay.” Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
A. maamo C. maganda
B. masipag D. maayos
_____2. Ano ang ikinabubuhay nina Ingkong Pinong at Ninay?
A. pamamakyaw ng mga gulay C. pagtatanim at pagtitinda ng mani
B. pagsasayaw sa kabaret D. pag-aalaga ng mga hayop
_____3. Ano ang damdaming namayani sa huling pangungusap ng nobela?
A. pagseselos C. pagkabahala
B. kalungkutan D. pagkagalit
_____4. Ano ang natuklasan ni Tentay mula kay Luis?
A. retrato ni Ninay C. pinakyaw na mani kay Ninay
B. mga nagnanasa kay Ninay D. sayaw ni Ninay
_____5. Saan pumasok si Tentay upang mapalayo kay Luis?
A. sa kolehiyo C. sa tindahan
B. sa kumbento D. sa kabaret
_____6. Sino ang nagpalaki sa sanggol na ipinaampon?
A. Ventura Villaroman C. Luis
B. Tentay D. Ingkong Pinong
_____7. Anong katangian ang ipinakita ni Tentay nang malaman niya na si Ninay ang
kinababaliwan ng kaniyang kasintahan?
A. pagkasuklam C. pagiging mapagbigay
B. pagiging sakim D. pagkatuwa
_____8. Ano ang nais iparating ng nobela na natutulad sa tunay na buhay?
A. Hindi maiiwasan ang kahirapan sa buhay.
B. Ang kagandahan ay hanggang panlabas lamang.
C. Mas matimbang ang pagmamahal ng ina sa kanyang anak.
D. Ang kasipagan ay nagdudulot ng kaginhawahan.

_____9. Ano ang suliraning nagpabago ng pagdedesisyon ni Tentay?


A. Ang pagkatuklas na anak niya ang kinababaliwan ng kaniyang kasintahan
B. Ang pagsasayaw niya sa cabaret sa Sta. Ana
C. Ang pag-iibigan nila ni Luis
D. Ang pagpasok sa kumbento

_____10. Layon ng nobelang ito na ________.


A. ipakita ang mga pangyayaring maaaring maganap sa tunay na buhay
B. maikintal sa isip ang kahalagahan ng pag-aasawa
C. mapalawak ang imahinasyong dulot ng bawat talata
D. Iiabuhay ang mga pangyayari sa kuwento

Bago ka magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-aral sa


nakaraang aralin.

Modyul sa Filipino 9
Unang Markahan: Ikaapat na Linggo
3

Balik-tanaw
Tukuyin kung tama o mali ang pahayag sa bawat pangungusap
tungkol sa nobela.

_____1. Ang nobela ay isang mahabang tuluyan na nahahati sa mga kabanata,


nangangailangan ng panahong igugugol para matapos ang pagbabasa at
kinakapalooban ng maramig tauhan.
_____2. Ang nobela ay nagsimulang malinang sa panahon ng Hapon pagkatapos
sumipot ang Pasyon noong 1704.
_____3. Ang nobela ay tinatawag ding katha-buhay.
_____4. Ang BARLAAN at JOSAPHAT ay ipinalalagay na kauna-unahang nobelang
tagalog kahit isang salin lamang.
_____5. Ang nobela ay isang akdang pampanitikan na nagtataglay ng iisang kawil ng
tagpo.

Pagpapakilala ng Aralin

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang tungkol sa mga uri ng tunggaliang makikita


sa nobela bilang isang anyo ng kontemporaryong panitikan.

A. Iba’t-ibang uri ng Tunggalian sa Nobela


Ano ang Tunggalian?
Ang tunggalian ay isang elemento ng kwento. Tumutukoy ito sa problemang
kinakaharap ng pangunahing tauhan. Ito ang humuhubog sa katauhan ng
pangunahing tauhan.

Panloob na Tunggalian

● Tao laban sa Sarili - Ito ay isang uri ng tunggalian na panloob dahil


nangyayari ito sa loob ng tauhan. Sa tunggalian na ito ay kalaban ng
pangunahing tauhan ang kaniyang sarili. Nakikita o napapansin ito kapag
ang pangunahing tauhan ay nahihirapan sa pagdedesisyon, sa tama ba o
mali.

Panlabas na Tunggalian

● Tao laban sa Tao - Ito ang pinakaunang halimbawa ng panlabas na


tunggalian. Sa tunggalian na ito, ang kalaban ng pangunahing tauhan ay
isa pang tauhan. Ito ang klasikong bida laban sa kontrabida na eksena.
● Tao laban sa Kalikasan - Sa tunggalian naman na ito, ang pangunahing
tauhan ay naapektuhan ng mga pwersa ng kalikasan. Halimbawa, ang
biglaang pagputok ng bulkan na maaaring maglagay sa pangunahing
tauhan sa panganib.
● Tao laban sa Lipunan - Ang pangunahing tauhan sa tunggalian na ito ay
nakikipagbanggaan sa lipunan. Halimbawa nito ang pagsuway sa mga
alituntunin ng lipunan o di kaya ay ang pagtakwil sa kultura ng lipunan.

Ngayong naunawaan mo na ang mga uri ng tunggalian sa nobela, maaari mo


nang basahin ang halimbawa nito mula sa bansang Korea. Maaari mo ring panoorin
ang nobela sa pamamagitan ng mga link na nasa huling bahagi ng modyul na ito upang
ito ay iyong masuri batay sa itinakdang pamantayan.

Modyul sa Filipino 9
Unang Markahan: Ikaapat na Linggo
4

Goblin’s Bride

Buod - Isinalin ni Ferdinand B. Jara

Nagsimula ang buhay ni Kim Shin bilang isang heneral sa panahon ng


kaharian ng Goryeo na nagsisilbi sa ilalim ng pamumuno ni Haring Wang Yeo.
Naibaling kay Kim Shin ang galit ng hari dahil sa panibugho nito sa kaniya at sa
impluwensya ng kaniyang tagapayo na si Park Jong-heon. Ang kapatid ni Kim Shin na
si Kim Sun ay ikinasal sa hari. Mahal na mahal ni Kim Sun ang hari ngunit gayon din
ang pagmamahal sa kaniyang kapatid. Batid ni Kim Shin ang galit ng hari ngunit ang
huling hiling sa kaniya ng kapatid ay ituloy ang paglapit sa hari. Ito ang naging sanhi
ng kaniyang kamatayan. Namatay siya sa pamamagitan ng sariling espada na itinarak
sa kaniyang dibdib at iniwan siyang nakahandusay sa triguhan upang mabulok. Taon
ang lumipas, siya’y muling nabuhay bilang isang imortal na Goblin. Bilang isang
isinumpa, nalaman niyang ang sagot upang makawala sa sumpa ay ang mahanap ang
babaeng itinakdang ikasal para sa kaniya. Nadiskubre niyang marami pala siyang
angking kapangyarihan ngunit kaakibat nito ay ang masaksihang namamatay isa-isa
ang lahat ng malapit sa kaniya dahil sa pagiging imortal. Sa mga lumipas na taon,
nagpabalik-balik ang Goblin mula South Korea patungong Canada. Namamalagi siya
sa bawat lugar ng dalawampung taon. Taong 1997 ay bumalik siya sa South Korea.
Habang nakaupo sa tuktok ng isang gusali ay pinakikinggan niya ang mga daing ng
mga tao sa Seoul. Habang umiinom ng alak ay nakarinig siya ng nabanggang kotse at
kasunod nito ay ang isang babaeng nananalangin sa Diyos. Inubos niya muna ang
alak bago bumaba upang makita kung ano talaga ang nangyari. Natagpuan niya ang
babaeng nabangga ngunit tinakbuhan ng nakabangga. At binigyan niya ng
pangalawang buhay ang babae at ang sanggol nito sa sinapupunan.

Labing siyam na taon ang lumipas, nagpaplano siyang bumalik muli sa


Canada. Gamit ang isa sa kaniyang mga kapangyarihan ay bumalik siya sa triguhan.
Doon ay biglaang napapunta siya ng babaeng nakatakdang ikasal sa kanya ng hindi
namamalayan, si Ji Eun Tak. Ang pagpapapunta na ito ay bunga ng pag-ihip ng
babae sa apoy. Nagkagulatan ang dalawa at nagsisihan sa nangyari.

Sa kaniyang pag-uwi ay napagtanto ng Goblin na ang ninuno ng kaniyang


orihinal na pamangking tagapaglingkod na si Yoo Dek Hwa ay nagplano na paupahan
ang kaniyang bahay. Ang masaklap pa ay nalaman din niyang ibinebenta na pala ito
sa isang Tagasundo. Pinagalitan niya ang pamangkin at pilit pinaaalis ang Tagasundo.
Sumagot ang Tagasundo na napirmahan na niya ang mga dokumento. Agad sinunog
ng Goblin ang dokumento ngunit sinabi ng Tagasundo na marami pa siyang kopya
nito. Dito na nagsimula ang kanilang hidwaan nang magkasama sa bahay. Sa mga
lumipas na araw, unti-unti nang nahulog ang loob ng Goblin kay Eun Tak habang
nagiging kaibigan ang Tagasundo. Natuklasan niya ang muling pagkabuhay sa ibang
pagkatao ng kaniyang kapatid na si Kim Sun. Kasabay nito ang pagdadalawang-isip
kung nais ba talaga niyang tapusin na ang kaniyang buhay. Napag-alaman niya na
kapag hindi niya tinapos ang kanyang buhay ay si Eun Tak naman ang mamamatay.
Naging mas masalimuot pa ang mga pangyayari nang nagbalik ang kaluluwa ni Park
Joon -heon sa kanilang bayan. Nalaman niya rin na ang naging kaibigan niyang
Tagasundo ay walang iba kundi ang taong nagpapatay sa kaniya na si Wang Yeo. Sa
tindi ng galit ay umalis siya ng bahay kasama si Eun Tak. Napagdesisyunan niyang
kalabanin si Park Joon-heon upang sagipin sa kamay nito si Eun Tak sa
pamamagitan ng pagsakripisyo ng kaniyang buhay kasabay ng kay Park Joon-heon.

Sampung taon ang lumipas matapos mamatay ay naglalakbay na lamang ang


Goblin sa limbo. Sa muling kaarawan ni Eun Tak ay napapunta muli siya nito ngunit
hindi na siya nito naaalala. Natagpuan ng Goblin ang Tagasundo at kalihim ni Deok
Hwa na si Kim Do Young na ngayon ay pinakapinuno na ng kumpanya. Binawi niya
ang kanyang bahay at pera. Isinantabi na lamang ng Goblin at ng Tagasundo ang
kanilang hidwaan at naging malapit na magkaibigan. Pinuntahan niya sa huling
pagkakataon si Kim Sun na inaasahang hindi siya nito naaalala. Umalis siya bago pa
mabati ni Kim Sun. Unti -unti namang naalala ni Ji Eun Tak ang Goblin nang

Modyul sa Filipino 9
Unang Markahan: Ikaapat na Linggo
5

pumunta siya ng Canada. Sila ay nagpakasal ngunit ang kanilang kaligayahan ay


hindi rin nagtagal dahil sa pagkamatay ni Eun Tak dulot ng pagkabangga ng kanyang
sasakyan. Nagdalamhati ang Goblin dahil dito ngunit sa pamamagitan ng Tagasundo
na si Wang Yeo ay nagkaroon siya ng pagkakataong makita ang kaluluwa ni Eun Tak
bago niya lisanin ang mundo. Sinabi ni Eun Tak na hinding-hindi niya malilimutan
ang Goblin at tumangging inumin ang tsaang nagtatanggal ng alaala. Hiniling niya sa
Goblin na hintayin siya sa kaniyang muling pagkabuhay. Ilang taon pa ang lumipas at
muling nasaksihan ni Goblin ang pagpanaw ng kaniyang mga mahal sa buhay.
Matiyaga siyang naghintay sa paraang pagpapabalik-balik mula South Korea
patungong Canada. Makalipas ang animnapung taon ay muling natagpuan ni Eun
Tak ang Goblin na nakaupo sa liwasan sa Quebec na nagsilbi nilang dating tagpuan.
https://goblin-the-great-and-lonely-god.fandom.com/wiki/Kim_Shin

Ngayon naman ay pag-aralan mo ang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay-


opinyon.

B. Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon

Ang isang opinyon ay isang saloobin o damdamin lamang batay sa mga


makatotohanang pangyayari at hindi maaaring mapatunayan kung tama o mali. Sa
pagbibigay ng opinyon, makabubuti kung tayo ay may sapat na kaalaman sa paksang
pinag-uusapan upang masusing mapagtimbang-timbang ang mga bagay at maging
katanggap-tanggap ang ating mga opinyon.

Narito ang ilan sa mga pahayag na maaaring gamitin sa pagbibigay ng opinyon.

Pagbibigay ng Matatag na Opinyon

● Lubos kong pinaniniwalaan... ● Buong giting kong sinusoportahan ang...

● Kumbinsido akong... ● Labis akong naninindigan na...

Pagbibigay ng Neutral na Opinyon

● Kung hindi ako nagkakamali... ● Sa aking palagay...

● Kung ako ang tatanungin... ● Sa totoo lang...

● Sa aking pagsusuri... ● Sa ganang sarili...

● Sa aking pananaw... ● Sa tingin ko…

Inaasahan ko na naunawaan mo ang ating mga tinalakay. Kung may bahaging


hindi mo lubos na naunawaan ay huwag kang mag-atubiling magtanong sa iyong guro.
Maaari mo nang sagutin ang mga gawain sa kasunod na bahagi.

Mga Gawain

Gawain 1.1 Pagpapalawak ng Talasalitaan

Punan ng mga titik ang mga kahon upang mabuo ang salitang inilalarawan
ng mga pahayag mula sa binasang nobela.

1. Dito iniwang nakahandusay si Kim Shin upang mabulok.


r h

Modyul sa Filipino 9
Unang Markahan: Ikaapat na Linggo
6

2. Ito’y nangangahulugan ng walang kamatayan.

o a

3. Ito ang tawag sa mga umaalalay sa mga kaluluwa.

t s d

4. Dito namamalagi ang mga kaluluwang nilimot o napabayaan na.

l m

5. Sa bansang ito muling nagtagpo ang nag-iibingang Goblin at Eun Tak.

e e

Gawain 1.2 Pagsusuri ng Nobela

I. Introduksyon

A. Mahahalagang Pangyayari sa Lipunan sa Panahon ng Pagkakasulat ng Nobela

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

B. Mahahalagang Tauhan

Pangyayaring nagpapakita ng tunggaliang Tao vs. Sarili ayon sa


Tauhan
mga tauhan ng binasang nobela.

Kim Shin

Wang Yeo

Ji Eun Tak

II. Kabisaan ng Nobela sa Mambabasa

A. Bisa sa Isip (Mga bagong kaalaman o konseptong natutuhan. Ilahad kung bakit
mahalaga ang mga ito.)

__________________________________________________________________________________

B. Bisa sa Damdamin (Mga damdaming napukaw sa iyo at epekto nito sa sarili mong
pagkatao)

__________________________________________________________________________________

C. Bisa sa Kaasalan (Mga pag-uugali at pagpapahalaga/balyus na sa tingin mo ay


dapat na palakasin batay sa mga pangyayari sa nobela)

__________________________________________________________________________________

III. Tema ng Nobela

Ang tema ng nobela ay ___________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 9
Unang Markahan: Ikaapat na Linggo
7

IV. Pansariling Reaksyon

Bakit ito dapat basahin o hindi basahin? Ano ang mga natutuhan mo na gusto mong
isagawa o isapuso? Ano ang naging bago mong pagtingin sa lipunan at pangkat na
iyong ginagalawan?

__________________________________________________________________________________

Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:

Mga katangian ng sagot : 5 – taglay ang 3 pamantayan

 Kumpleto ang ibinigay na sagot. 3 – dalawang pamantayan


 Mahusay ang pagpapaliwanag lamang

 Maayos ang pagbuo ng pangungusap 1 – isang pamantayan lamang

Gawain 1.3 Pagsasanay Panggramatika

Magbigay ng opinyon tungkol sa mga paksang ibinigay. Gumamit ng mga


pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng opinyon.

Paksa 1: Ano ang mas mahalaga, Puso o Isip?

__________________________________________________________________________________

Paksa 2: Naniniwala ka ba sa Goblin o sa Tagasundo?

__________________________________________________________________________________

Paksa 3: Ano ang pagkakaunawa mo sa salitang “sakripisyo”?

__________________________________________________________________________________

Paksa 4: Mabisa ba ang ECQ sa pag-iwas ng COVID-19?

__________________________________________________________________________________

Paksa 5: Paano mo maililigtas sa COVID-19 o iba pang sakit ang iyong sarili at
pamilya?

__________________________________________________________________________________

Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na


puntos:
Mga katangian ng sagot :

● Naaangkop ang sagot sa paksang ibinigay.


5 – taglay ang 3 pamantayan
● Maayos ang pagbuo ng mga pangungusap.
3 – dalawang pamantayan lamang
● Gumamit ng iba’t ibang pahayag sa
pagpapahayag ng opinyon. 1 – isang pamantayan lamang

Mahusay! Natapos mo ang mga gawain ibinigay. Patuloy mo pang palawakin


ang iyong kaalaman.

Modyul sa Filipino 9
Unang Markahan: Ikaapat na Linggo
8

Tandaan
Matapos mong pag-aralan ang nobela at mga pahayag na ginagamit sa
pagbibigay ng opinyon, narito ang mga dapat mong tandaan.

1. Isang mahabang tuluyan ang nobela na nahahati sa mga kabanata,


nangangailangan ng panahong igugugol para matapos ang pagbabasa at
kinakapalooban ng maramig tauhan.
2. Ang nobela ay isang akdang pampanitikan na nagtataglay ng maraming kawil
na tagpo.
3. Tinatawag din itong katha-buhay. Katha sapagkat hinabi ang panulat. Likha ng
manunulat ayon sa kanyang pananaw na dapat na maging anyo sa paksang
tinatalakay. Buhay naman sapagkat ang isinasalaysay ay batay sa mga
pangyayaring tunay na nagaganap sa buhay o maaaring masaliksik,
masaksihan o kaya’y mula sa panayam.
4. Ang isang opinyon ay isang saloobin o damdamin lamang batay sa mga
makatotohanang pangyayari at hindi maaaring mapatunayan kung tama o
mali.
5. Gumagamit ng mga pahayag tulad ng (sa tingin / akala / palagay ko, at iba pa)
sa pagbibigay ng opinyon upang ito’y maging kapani-paniwala o kahika-
hikayat.

Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong mga
natutuhan.

Pag-alam sa mga Natutuhan


Sumulat ng isang maikling talata kung saan ilalahad mo ang
isang hindi makakalimutang pangyayari sa buhay mo na nagpapakita ng
tunggaliang Tao vs. Sarili. Gawin sa hiwalay na papel. Sundin ang sumusunod na
pamantayan:
1. Ang paglalahad ay binubuo ng isang talata lamang.
2. Inilalarawan ang pangyayaring nagpapakita ng tunggaliang Tao vs. Sarili
3. Sikaping gumamit ng mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng opinyon.
Ang bawat pamantayan ay may kalakip na puntos batay sa mga
sumusunod:
4 - Napakahusay 2 - Katamtaman
3 - Mahusay 1 - Dapat paunlarin

Basahin ang nilalaman ng isang bahagi ng nobela at sagutin ang


kasunod na mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.

Mabuhay Ka, Anak Ko

Halaw sa salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo

Noong una’y malaki ang tiwala ng taumbayan lalo ni Thay sa bagong pamamalakad ni
Lon Nol sa Cambodia. Ngunit, di kalaunan ay hindi niya nagampanan ang kaniyang tungkulin
bilang pinuno ng bayan. Naging paralisado ang kalahating katawan ni Lon Nol at dahil dito’y
nagkagulo na ang lahat maging ang administrasyon ay umalingasaw sa kabulukan. Dahil

Modyul sa Filipino 9
Unang Markahan: Ikaapat na Linggo
9

hindi naging maayos ang pamumuno ni Lon Nol, maraming tao kabilang na si Thay ang
sumapi sa oposisyon kay Nol. Naitatag ang Bees Club, isang organisasyon ng mga
oposisyonistang pulitiko na nilalayon na magkaroon ng kaayusan at pagkakaisa ang bansa.
Nagpasyang pumunta sina Thay sa bahay ni Oan na pinsan niya. Ngunit, sa di inaahasang
pagkakataon ay naabutan niya doon ang iba pa nilang mga kamag-anak na aabot sa tatlumpu.
Naroon si Vouch(isang babaeng inhinyera),Keng(nakatatandang kapatid ni Vouch),
Theng(kapatid na lalaki ni Thay na isang titser sa primary), Sarun(asawa ni Keng),Srey
Rath(limang-taong anak na babae nila Keng at Sarun), Sim(pinsan nila Thay, disiotso, hindi
matalino), Thoreon(isapang kapatid ni Thay, malayo ang loob sa kanila) at iba pa. Dito
umusbong ang usapan ukol sa mga Khmer Rogue, kung saan nagkaroon ng kakaunting mainit
na palitan ng mga salita si Thay at ang kaniyang ama dahil nga sa pagkakaiba ng pananaw. Sa
gitna ng pag-uusap ay natigil ang lahat sa tugtog-militar sa radyo. Narinig sa radio ang boses
ni Huot Tat, isang Patriarkong Budhista na kamag-anak nina Thay. Aniya, “Huwag kayong
mag-alala at itigil na ang labanan. Darating na ang kapayaan.” Sumuko na ang mga puwersa
ng gobyerno! Tapos na ang digmaan!”
Matapos ang digmaan ay kung ano-anong mga isyu ang kumalat tungkol sa Khmer
Rogue. Kesyo masama sila, sila ang may pakana ng nangyayaring ebakwasyon sa ilang
tahanan. Ngunit, ang lahat ng ito’y walang katotohanan matapos mapatunayan mismo ni Thay
mula sa kaniya ng pagpunta sa bahay ni Huot Tat. Sa huli’y hindi nabali ang paninindigan at
paniniwala ni Thay sa sarili at sa mga Khmer Rogue. Bagamat naliligiran siya ng mga taong
hindi naniniwala sa kabayanihan ng mga Khmer Rogue, lalong-lalo na ng kanyang ama ay
hindi pa rin ito nakaapekto sa kanyang mga desisyon.
https://www.scribd.com/doc/184871845/Mabuhay-Ka-Anak-Ko-Buod

_____1. Ano daw ang kumakalat na isyu patungkol sa Khmer Rogue?


A. Sila ang nagpanalo ng digmaan laban sa kaaway ng Cambodia.
B. Sila’y masama at may pakana ng ebakwasyon sa ilang tahanan.
C. Ang Khmer Rogue ay kalaban ng gobyerno.
D. Khmer Rogue ang pinuno ng sandatahang lakas ng Republikano.
_____2. Sino sa mga kapatid ni Thay ang titser sa primary?
A. Sarun B. Sim C. Vouch D. Theng
_____3. Ano ang dahilan kung bakit hindi nagampanan ni Lon Nol ang kanyang
tungkulin bilang pinuno ng bayan?
A. Naging paralisado ang kalahating katawan niya.
B. Nagkagulo ang administrasyon.
C. Hindi natalo ang pwersa ng North Vietnamese.
D. Naging sakim siya sa kapangyarihan.
_____4. Anong ninanais ni Thay sa kaniyang ama ukol sa mainit na usapan nila?
A. mapahiya C. matakot
B. makumbinsi D. mapatahimik
______5. Ano ang layunin ng Bees Club?
A. mapahusay ang sandatahang lakas.
B. matulungan ang mga mahihirap na kababayan.
C. mapabagsak ang kasalukuyang gobyerno.
D. magkaroon ng kaayusan at pagkakaisa ang bansa.
_____6. Anong damdamin ang tumutukoy sa huling pangungusap sa ikalawang
talata?
A. kapayapaan C. pag-ibig
B. galit D. kabiguan
_____7. Anong katangian ni Thay ang dahilan upang hindi maapektuhan ang kanyang
desisyon?
A. pagkamaingat sa mga salitang binibitawan
B. pagiging mahusay magpaliwanag
C. paninindigan at paniniwala sa sarili
D. pagiging prangka at mapagmasid

_____8. Paano napatunayan ni Thay na walang katotohanan ang mga kumakalat na


isyu tungkol sa Khmer Rogue?
A. sa pagsapi sa organisasyong oposisyon

Modyul sa Filipino 9
Unang Markahan: Ikaapat na Linggo
10

B. sa kaniyang pagpunta sa bahay ni Huot Tat


C. sa pagtitiwala niya sa adhikain nito
D. sa pagsasaliksik ng mga impormasyon ukol dito
_____9. Anong sitwasyon ni Thay ang nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sarili?
A. ang kanyang walang kakayahan upang kumbinsihin ang ama
B. ang paninindigan at paniniwala lamang sa sarili
C. ang pagiging malapit niya sa mga kapatid
D. ang kanyang pagdedesisyon
_____10. Ano ang katangian ng isang nobela?
A. Ang mga tauhan dito ay pawang mga hayop.
B. Naglalahad ito ng pinagmulan ng mga bagay-bagay.
C. Ito ay isang mahabang tuluyan na nahahati sa mga kabanata.
D. Inilalahad dito nang detalyado ang bawat kaganapan sa kuwento.

Pagninilay

Gumawa o gumuhit ng simbolong sumasagisag sa salitang ibinigay. Bigyan


ng maikling pagpapaliwanag.

SAKRIPISYO Paliwanag

_________________________________

_________________________________

_________________________________

_________________________________

_________________________________

_________________________________

Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:

Mga katangian ng sagot : 5 – taglay ang 3 pamantayan

 Naaangkop ang iginuhit sa ibinigay 3 – dalawang pamantayan


 Maayos at madaling maunawaan lamang

 Naipaliwanag nang mahusay 1 – isang pamantayan lamang

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung mayroong


bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan mangyaring makipag-ugnayan ka sa
iyong guro.

Modyul sa Filipino 9
Unang Markahan: Ikaapat na Linggo

You might also like