You are on page 1of 21

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF DASMARIÑAS CITY
CONGRESSIONAL INTEGRATED HIGH SCHOOL
VIA VERDE VILLAGE, SAN AGUSTIN II, CITY OF DASMARIÑAS, CAVITE

Filipino 9
Ikaapat na Markahan –
Noli Me Tangere

Unang bahagi: Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me


Tangere
Ikalawang bahagi: Buod ng Noli Me Tangere
Ikatlong bahagi: Mga Tauhan ng Noli Me Tangere

Inihanda ng mga guro sa Filipino 9

Address: Poinsettia St., Via Verde Village, San Agustin II, Dasmariñas City, Cavite
Email: congressional.ihs@depeddasma.edu.ph
Phone: (046) 472-9768 / (046) 541-7003
Sa araling ito ay inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman,
kakayahan at pag-unawa:
1. Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
● Pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat nito
● Pag-isa-isa sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito
● Pagpapatunay sa pag-iral pa ng mga kondisyong ito sa
kasalukuyang panahon sa lipunang Pilipino. (F9PN-IVa-b-56)
2. Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan bago at matapos isinulat
ang akda. (F9PB-IVa-b-56)
3. Natutukoy ang mga kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay-kahulugan.
(F9PT-IVa-b-56)
TALAMBUHAY NI DR. JOSE RIZAL
Don Francisco Mercado Rizal – isinilang sa Biñan, Laguna noong Abril 18, 1818. Nag-aral ng
Latin at Pilosopiya sa Dalubhasaan ng San Jose sa Maynila. Nang mamatay ang ina nito
nagpasyangmagsarili at harapin ang pagsasakang pag-aari ng mga Paring Dominiko sa Calamba.
Namatay siya noong Enero 5, 1898.
Donya Teodora Alonso y Quintos Realonda – isinilang sa Sibacon, Santa Cruz Maynila noong
Nobyembre 14, 1827. Siya ay nagtapos sa Dalubhasaan ng Santa Rosa, mahilig sa panitikan,
kalakal at may mataas na kalinangan (Culture). Binawian siya ng buhay noong Agosto 16, 1911.
Hunyo 28, 1848 – pag-iisang dibdib ng mga magulang ni Jose.
MGA KAPATID: DR. JOSE PROTACIO RIZAL MERCADO y ALONSO
REALONDA – Buong pangalan ni Pepe.
1.Saturnina
2. Paciano
3. Narcisa – Sisa
4. Olimpia – Ypia
5. Lucia -
6. Maria - Biang
7. Jose – Pepe
8. Concepcion – Concha
9. Josefa – Panggoy (naging matandang dalaga)
10. Trinidad – Trining (naging matandang dalaga)
11. Soledad - Choleng
DR. – dahil naipasa niya lahat ng asignatura sa pagkamanggagamot sa Unibersidad Central de
Madrid (Hunyo 21, 1884), ngunit hindi niya naibigay ang kinakailangang tesis at kabayaran kaya
wala siyang diploma. Ang pagiging manggagamot ay ikinabit sa kanyang pangalan bilang
paggalang at pagpaparangal.
JOSE – ibinigay sa kanya ng ina bilang pagbibigay-parangal kay San Jose.
PROTACIO – nagmula sa kalendaryo katumbas ng petsa at buwan ng kanyang kapanganakan.
RIZAL – napili ng kanyang ama bilang pagtupad sa utos ni Gob. Heneral Narciso Claveria
- Nagmula sa salitang Kastila na “Ricial” na ibigsabihin ay “Luntiang Kabukiran”
MERCADO – ginamit ng kanyang nuno na si Domingo Lam-ko na isang tindero. Ang Mercado
ay “Pamilihan”
ALONSO – apelyido ng kanyang ina
REALONDA – apelyido ng kanyang ina na mula naman sa ninang nito
Gulang na walo (8) – nakabuo ng tula si Pepe “Sa Aking mga Kabata” ito ay nauukol sa
kahalagahan at pag-ibig sa wika.
Si Dr. Jose Rizal ay pinatay sa Bagumbayan sa pamamagitan ng firing squad noong ika- 30 ng
Disyembre, 1896. Sya ay nahatulan ng kamatayan dahil sya ay pinaratangang nagtataksil sa
bayan.
ANG KABATAAN NG BAYANI
Ika-19 ng Hunyo, 1861 – araw ng Miyerkules sa pagitan ng ika-11:00 at 12:00 ng gabi.
(Nahirapan sa panganganak ang ina ni Pepe dahil malaki ang ulo nito kumpara sa karaniwan sa
tulong ng isang manghihilot na si Celedonia.)
Hunyo 22, 1861 – bininyagan si Pepe ni Padre Rufino Collantes kura paroko ng Calamba. Ninong
niya si Pedro Casañas.
Gulang na tatlo (3) – tinuruan na itong magbasa at magdasal
- Pabula ukol sa matandang gamugamo at batang gamugamo
- Sa tulong ng kanyang kapatid na si Saturnina natutuhan niya ang abakada
Gulang na apat (4) – namatay ang kanyang kapatid na babaing si Concha. “ iyon ang kauna-
unahang kong pagluha dahil sa pagmamahal at pagdaramdam.”
Gulang na walo (8) – nakabuo ng tula si Pepe “Sa Aking mga Kabata” ito ay nauukol sa
kahalagahan at pag-ibig sa wika.
MGA BAGAY NA LUMIKHA SA BAYANI
Mga namana ni Pepe sa magulang nito:
Ama – matayog na paggalang sa sarili, pagmamahal sa gawa, at malayang kaisipan
Ina – pag-ibig sa Diyos, kahandaan sa pagpapakasakit, matayog na pagtatangi sa sining at
panitikan.
Calamba – nakukuyom na damdamin ng mga magsasaka sa paghingi ng karapatan sa mga Paring
Dominiko.
Ateneo – nakatulong upang makita niya ang liwanag at katotohanan.

Maagang Ang kanyang naging unang guro ay Donya Teodora na nagturo ng pagbasa at
Edukasyon pagdadasal. Nagkaroon din siya ng pribadong tagaturo na sina Maestro
1864-1870 Celestino, Maestro Lucas Padua at Leon Monroy. Upang dumami pa ang
kanyang kaalaman ay pinag-aral siya sa Biñan, Laguna na kung saan ang
kanyang naging guro ay si Maestro Justiniano Aquino Cruz.
Pag-aaral sa Pumasok si Rizal sa Ateneo Municipal (Ateneo de Manila) at nagtamo ng mga
Ateneo karangalan. Tumanggap siya ng katibayang Bachiler en Artes. Ang kanyang
Municipal mga marka ay sobresaliente (napakahusay).
Enero 20,
1872-Marso
23, 1877
Pag-aaral ng Pagkatapos niyang mag-aral sa Ateneo ay pumasok siya sa Unibersidad ng
Medisina sa Santo Tomas at kumuha ng kursong Filosopia y Letras (1877-1878). Kasabay
Unibersidad de ng pag-aaral ng Filosopia y Letras ay kumuha rin siya ng kursong 'surveying'.
Santo Tomas Sa mga taong 1878 - 1879 ay nag-aral naman si Rizal ng medisina sa payo ng
1877-1882 Rector ng Ateneo. Isa sa dahilan ng kanyang pag-aaral nito ay ang lumalabong
paningin ng kanyang ina.
Paglalakbay sa Pagkatapos ng apat na taong pag-aaral ng medisina sa Santo Tomas ay
Europa napagdesisyonan ni Rizal na ipagpatuloy ang pag-aaral sa Europa. Noong
Mayo 5, 1882 Nobyembre 3, 1882 ay nagpatala siya sa Universidad Central de Madrid.
Pagsulat ni Ang pagsulat ni Rizal ng Noli Me Tangere ay may impluwensiya ng mga aklat
Rizal ng Noli na kanyang nabasa. Ito ay ang Uncle Tom's Cabin na isinulat ni Harriet
Me Tangere Beecher Stowe at ang The Wandering Jew ni Eugene Sue. Natapos ang unang
1884-1885 kalahati sa Madrid, Spain habang sa Paris, France naman ang kalahati ng
natirang kalahati at sa Germany naman ang natitirang isang-kapat.
Pagsubok na Sa panahon ng pagsasapinal ni Rizal sa Noli ay nalagay siya sa matinding
hinarap ni kagipitan kung kaya nawalan siya ng pag-asang maipalilimbag niya ang
Rizal sa kanyang nobela.
pagpapalimbag
ng Noli 1886
Pagtatapos ng Natapos noong Febrero 21, 1887 ang huling bahagi ng nobela sa Germany.
pagsulat ng
Noli
Pebrero 21,
1887
Pag-imprenta Ang kanyang kaibigang si Dr. Maximo Viola ang tumulong upang
ng Noli maipalimbag ang Noli sa pamamagitan ng pagpapahiram ng salapi sa halagang
Marso 21, 300 at maipalimbag ang 2,000 sipi.
1887
Ang El Ang El Filibusterismo ay ang kasunod na nobela na naipalimbag sa Ghent,
Filibusterismo Belgium.
1891
Pagbabalik sa Bumalik siya sa Pilipinas sa ikalawang pagkakataon.
Pilipinas
Hunyo 26,
1892
La Liga Ito ang kapisanang lihim na itinatag ni Rizal na may layuning magkaroon ng
Filipina pagbabago sa pamamalakad ng pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng
Hulyo 3, 1892 mapayapang pamamaraan.
Rizal sa Dumating si Rizal sa Dapitan sakay ng S.S. Cebu. Ang Dapitan ay nasa
Dapitan hilagang kanluran ng Mindanao. Nagtayo siya ng paaralan sa lupang kanyang
Hulyo 17, nabili. Sa Dapitan ginamit ni Rizal ang kanyang mga kaalaman at talento gaya
1892- Hulyo ng panggagamot, pagtuklas ng mga bagong uri ng halaman, hayop at lamang
31, 1896 dagat, pagsasaka, pag-aarkitektura, pagnenegosyo at marami pang iba. Sa
Dapitan rin nakilala niya si Josephine Bracken na isang Irish at nagkaroon sila
ng anak subalit ito’y namatay.
Pagboluntaryo Masaya si Rizal nang mabalitaan ang pagpayag ng pamahalaan ng kanyang
ni Rizal bilang pagboluntaryo bilang isang doktor ng mga sundalong Kastila sa Cuba.
isang military
doctor sa Cuba
Hulyo 31,
1896
Paghuli kay Hindi na nakarating si Rizal sa Cuba matapos hulihin habang naglalayag ang
Rizal barkong Isla de Panay patungong Barcelona. Ibinalik siya sa Manila.
1896
Pagkamatay ni Binaril si Rizal sa Bagumbayan (ngayon ay Luneta) sa oras na 7:03 ng umaga
Rizal habang nakatalikod.
Disyembre 30,
1896

Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere


Ang Noli Me Tangere ay ang kauna-unahang nobelang naisulat ni Rizal nang
magdadalawampu’t apat na taong gulang pa lamang siya at inialay sa Inang-bayan. Ito
ay naglalahad sa kanser ng lipunan sa pahanon ng mga Espanyol.
Ito ay isang pariralang Latin na hinango sa Ebanghelyo ni San Juan (20:13-17)
sa Bibliya na nangangahulugan “Huwag mo akong salingin” o mas kilala sa Ingles na
“Touch Me Not”. Ang buong berso ay tumutukoy kay Hesukristo na nagsabi kay
Maria habang tumatangis na: “Huwag mo akong hawakan sapagkat hindi pa ako
nakakaakyat sa aking Ama. Pumunta ka sa mga kapatid ko. Sabihin mo sa kanila na
ako ay papaitaas sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos at inyong Diyos.”
Bakit kaya pinamagatang Noli Me Tangere ang kanyang nobela? Narito ang
sinabi ni Rizal sa kanyang sulat sa isang niyang kaibigan: Ang aklat ay naglalaman ng
mga bagay na hanggang sa kasalukuyan ay walang sinumang makapangahas na
bumanggit. Ang mga bagay na iyon ay napakaselan kaya’t walang makasaling man
lamang. Pinangahasan kong gawin ang di mapangahasang gawin ng sinuman. Sinagot
ko ang mga paninirang-loob ng daan-daang taon ay ikinulapol sa amin at sa aming
bayan. Inilarawan ko ang kalagayan ng lipunan at ang ayos ng pamumuhay roon, ang
aming mga paniniwala, mga pag-asa, mga hangarin, mga karaingan, mga
pagdadalamhati. Itinambad ko ang mga pagpapaimbabaw na sa balat kayong relihiyon
ay siyang nagpahirap at nagmalupit sa amin. Ipinakilala ko ang kaibahan ng tunay sa
di-tunay na relihiyon sa relihiyong ang kinakalakal ay ang Banal na Kasulatan upang
mapagsalapi, upang kami’y papaniwalain sa mga kaululang sukat ikahiya ng
Katolismo kung kaya lamang malalaman. Inangat ko ang tabing upang ipakita kung
ano yaong nasa likod ng madaya at nakasisilaw na pangako ng aming pamahalaan.
Sinabi ko sa aming mga kababayan kung ano-ano ang aming mga kapintasan, ang
aming mga bisyo, ang aming pagwawalang-bahala sa mga pagdaralita roon na
nagpapakilala ng karuwagan at tunay na masisisi sa atin. Saan man ako makakita ng
kabaitan, ito’y naging ipinagbabansag at pinag-uukulan ng karampatang paggalang.
Ang mga pangyayaring aking isinaysay ay pawang katotohan at tunay na nangyari;
ang mga iyon ay maaari kong patunayan. Maaaring ang aklat ko ay may mga
kapintasan kung sining at ganda ang pag-uusapan; iyan ay di ko itatanggi; datapwa’t
ang hindi matutulan ay ang kawalan ng “pagkiling ng aking pagsasalaysay.”
Sa kanyang kabataan ay nasaksihan na niya ang kalunos-lunos na kondisyon ng
Pilipinas dahil sa pang-aalipin at pang-aabuso ng mga Espanyol. Ilan sa mga
kondisyong ito ay ang panghahagupit ng mga guardia civil sa mga Pilipinong hindi
tama ang pagsaludo at hindi nag-aalis ng sombrero kapag dumaraan sa harapan nila,
pati na rin ang pagmamalupit sa mga kabataan at kababaihan. Habang nag-aaral si
Rizal sa Ateneo ay nasangkot ang kanilang pamilya sa isang eskandalo.
Nagpagbintangan ang kanyang ina na kasabwat sa panlalason sa asawa ng kanyang
kapatid na si Jose Alberto. Inaresto at pinalakad ito mula Calamba hanggang Sta.
Cruz, ang kabisera ng Laguna. Ang pangyayaring ito ay nagpapakita ng kalupitan at
kawalang-katarungan sa mga Pilipino sa panahong Espanyol. Nang labing-isang taong
gulang si Rizal ay nagkaroon ng pag-aalsa sa Cavite sa pamumuno ni Sarhento. La
Madrid na kung saan ang tatlong pari na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose
Burgos at Padre Jacinto Zamora (GOMBURZA) ay idinawit sa pag-aalsang
nabanggit. Ang tatlong paring martir ay binitay noong Pebrero 17, 1872 sa paraang
garrote sa Bagumbayan (Luneta o Rizal Park sa kasalukuyan). Si Rizal ay nakaranas
rin ng kalupitan ng mga Espanyol noong taong 1878 habang naglalakad siya sa isang
madilim na daan ay nadaanan niya ang tenyente ng guardia civil at hindi siya
nakasaludo o kaya’y nagsabi ng magandang gabi sa kadahilanan hindi niya ito
nakilala. Pinalo ang kanyang bibig at likuran. Ang mga kaganapang ito ay tumatak sa
isipan ni Rizal. Kaya sa murang isipan niya ay napukaw ang malayang isipan na
maghanggad ng pagbabago sa kanyang Inang-bayan sa pamamagitan ng edukasyon.
Ang nakaimpluwensiya kay Rizal na sumulat ng isang nobela ay ang aklat na
The Wondering Jew (Ang Hudyong Lagalag) at ang aklat ni Harriet Beecher Stowe na
pinamagatang Uncle Tom’s Cabin. Ang naunang aklat ay tungkol sa isang lalaking
kumutya kay Hesus habang siya ay patungo sa Golgota. Ang lalaking ito ay
pinarusahan na maglakad sa buong mundo nang walang tigil samantalang ang
kasunod na aklat ay naglalarawan sa mga aliping Negro na pinagmamalupitan sa
kamay ng mga puti. Sa pamamagitan ng nobelang Noli Me Tangere ay maipapakita
niya ang kalagayan ng mga Pilipino sa pamumuno ng mga Kastila sa Pilipinas.
Plano ni Rizal na gawin ang nobela sa pagtutulungan ng mga kapwa niya
manunulat na Pilipino na nasa Madrid. Pinanukala niya ito sa isang pagtitipon ng mga
Pilipino sa tahanan ng mga Paterno noong Enero 2, 1884. Ang lahat ng naroon ay
halos sumang-ayon sa ideya gaya nina Pedro, Maximo, at Antonio Paterno; Graciano
Lopez - Jaena, Evaristo Aguirre, Eduardo de Lete, Julio Lorente at Valentin Ventura.
Sa kasamaang palad ay hindi natupad ang plano ni Rizal sa kadahilanang ang kanyang
mga kababayan ay hindi sumulat patungkol dito bagkus sumulat lamang sila
patungkol sa kababaihan. Dahil sa nangyari, napagdesisyunan niya na isulat mag-isa
ang nasabing nobela.
Sinimulang isulat ni Rizal ang nobela sa Madrid bago matapos ang 1884.
Pagkatapos ng kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid ay nagpunta si
Rizal sa Paris noong 1885 at doon ipinagpatuloy niya ang pagsulat at natapos ang
sangkapat. Natapos naman niyang sulatin ang huling ikaapat na bahagi ng nobela sa
Alemanya (Germany) na kung saan ang mga huling kabanata nito ay isinulat niya sa
Wilhelmsfeld sa pagitan ng Abril-Hunyo, 1886. Ginawa ni Rizal ang rebisyon nito sa
Birlin at natapos noong Pebrero 21, 1887.
Maraming pinagdaanang hirap si Rizal sa panahong isinulat niya ang kanyang
nobela. May pagkakataong hindi siya kaagad napadadalhan ng pera ng kanyang
kapatid na si Paciano kung kaya’t nagtitiis sa gutom. Minsan dalawang beses lang
siyang kumain upang makatipid sa gastusin. Ito rin ay ginawa niya sa paglalayong
makaipon ng salaping magugugol para sa pagpapalimbag ng nasabing nobela. Upang
mabawasan ang gastos sa pagpapalimbag ay binura niya ang isang kabanata ng nobela
na pinamagatang “Elias at Salome”. Natapos niya ang Noli Me Tangere ngunit wala
siyang sapat na halaga upang maipalimbag ito kung kaya’t muntikang niya itong
itapon sa apoy mabuti na lamang ay dumating ang kanyang kaibigan na si Dr.
Maximo Viola na nagpapahiram sa kanya ng salapi sa halagang 300 upang
maipalimbag ang 2,000 sipi nito sa Berliner Buchdruckrei-Action-Gesselschaft sa
Berlin, Alemanya. Ang Noli Me Tangere ay lumabas sa palimbagan noong Marso 21,
1887.
Marami ang humanga sa kanyang nobela nang mabasa nila ito gaya ng kanyang
matalik na kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt na nagsabi na ang Noli Me Tangere
ay isinulat sa dugo ng puso. Nariyan din si Dr. Antonio Ma. Regidor na ikinumpara
ang Noli Me Tangere sa Don Quixote De La Mancha ni Miguel de Cervantes. Subalit
marami rin ang nagalit sa kanya lalong lalo na ang mga Prayle. Dahil dito ay
nangamba ang kamag-anak at kaibigan para sa buhay ni Rizal. Nang mabalitaan nila
ang balak na pag-uwi ni Rizal sa Pilipinas ay lalo silang nangamba na baka siya ay
mapahamak. Ngunit dahil sa kanyang matitibay at mahahalagang dahilan ay inibig
niyang makabalik sa Pilipinas. Una, nais niyang bumalik sa Pilipinas dahil sa hangarin
niyang maoperahan ang kanyang ina dahil sa lumalalang panlalabo ng kanyang mata;
pangalawa upang mabatid niya ang dahilan kung bakit hindi tinugon ni Leonor Rivera
ang kanyang mga sulat mula taong 1884 hanggang 1887; at panghuli, ibig niyang
malaman kung ano ang naging bisa ng kanyang nobela sa kanyang bayan at mga
kababayan.
Ang pagbabalik ni Rizal sa Pilipinas ay nagdulot ng saya sa kanyang pamilya
ngunit may halong takot at pangamba, samakatuwid hindi iniwanan ni Paciano si
Rizal sa unang araw upang maprotekhan ito sa kanyang mga kaaway. Nagtuloy si
Rizal sa Calamba upang maoperahan ang kanyang ina na nanglalabo ang mga mata
dahil sa katarata. Makalipas ang ilang linggo ay ipinatawag si Rizal sa Malacañang ni
Gov. Hen. Emilio Terrero upang usisain sa sabi-sabing ang kanyang nobela ay
naglalaman ng mga surbisibong ideya. Nang tanungin si Rizal tungkol dito ay
pinabulaanan niya ito sa pagsasabing inilahad lamang niya ang katotohanan at hindi
siya nagdadala ng surbisibong ideya. Habang siya ay nasa Pilipinas, ang kanyang Noli
Me Tangere ay isinailalim sa masusing pagsusuri ng kanyang mga kaaway sa
pangunguna ni Padre Salvador Font, isang Augustinian na kura ng Tondo, at matapos
masuri noong Disyembre 29 ay nagpasyang dapat ipagbawal ang pag-aangkat,
pagpapalimbag, at pagpapakalat ng mapanganib na aklat na iyon sa Pilipinas. Bilang
hakbang sa pag-iingat, si Rizal ay pinabantayan ng gobernador heneral kay Tenyente
Jose Taviel de Andrade upang maligtas siya sa tangka ng kanyang kaaway. Hindi
nagtagal ay pinayuhan siya ng nasabi ring gobernador na umalis na ng Pilipinas alang-
alang sa kanyang pamilya at buong bayan. Umalis siya sa Maynila noong ika-3 ng
Pebrero, 1888.
Umalis si Rizal sa Pilipinas dahil sa dalawang dahilan: Una, ang kanyang
pananatili sa Calamba ay magdadala lamang ng kapahamakan sa kanyang pamilya at
kaibigan; at ikalawa, naniniwala siya na makakalaban siya nang maigi sa kanyang
mga kaaway kapag nasa ibang bansa siyang sumusulat. Habang siya ay nasa ibang
bansa ay sumulat siya ng mga tuligsa laban sa mga umatake sa kanyang nobela.
Isinulat niya ang La Vision Del Fray Rodriguez at Por Telefono na tumuligsa kina
Padre Jose Rodriguez at Padre Salvador Font, ang mga kritiko ng Noli Me Tangere.
Talagang maraming unos ang pinagdaanan si Rizal subalit ang kapalit naman
nito ay ang pananatili sa puso ng mga Pilipino ng kanyang kabayanihang nagawa para
sa bayan. Nagsisilbing liwanag sa dilim ang kanyang nobela na naging daan sa
pagkagising sa natutulog na damdaming makabayang ng mga Pilipino.

GAWAIN BLG. 1: Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Ito ay DYAD Activity
(dalawahan). Isulat sa isang buong papel.
1. Bakit pinamagatang Noli Me Tangere ang nobela? Naaangkop kaya ang pamagat na ito sa
nilalaman ng nobela? Ipaliwanag.
2. Sa iyong palagay, paano nakahubog ang mga kondisyong panlipunan sa panahon ni Rizal
upang sumulat siya ng isang nobela?
3. Ano-ano ang mga pagtitiis at paghihirap ang naranasan ni Rizal habang isinusulat niya ang
Noli Me Tangere? Paano niya ito nalagpasan?
4. Paano hinadlangan ng mga Espanyol ang pagpapakalat ng Noli Me Tangere matapos itong
maipalimbag?
5. Bakit kaya sa “Inang-bayan” inihahandog ni Rizal ang kanyang nobelang Noli Me
Tangere?
GAWAIN BLG. 2: Panuto: Ngayon ay susukatin ang iyong kaalaman sa mga kondisyong
panlipunan bago at matapos maisulat ang Noli Me Tangere sa pamamagitan ng pagsagot sa
graphic organizer sa ibaba.

Kondisyong panlipunan Mga balakid habang Kondisyong panlipunan


bago isulat ang Noli Me isinusulat ang Noli Me matapos isulat ang Noli
Tangere Tangere Me Tangere
RUBRIK SA PAGMAMARKA
Nakuha
Pamantay Punto ng
an s Puntos
Nilalaman 4
Maayos na organisasyon ng mga 4
ideya
Kalinisan 2
Kabuoang Puntos

GAWAIN BLG. 3: PANUTO: Tukuyin kung ano ang kontekstwal na pahiwatig


ng mga salitang sinalungguhitan sa bawat aytem. Piliin ang sagot sa kahon na
nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

kasamaan isiniwalat naglakas-loob


paghihirap kamalian

1. Pinangahasan kong gawin ang di mapangahasang gawin ng sinuman.


2. Ang mga kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol ang nagtulak
sa kanyang lumikha ng pagbabago para sa bayan.
3. Itinambad niya ang totoong larawan ng relihiyong itinuro ng mga
Espanyol sa mga Pilipino.
4. Maaaring ang aklat ko ay may mga kapintasan kung sining at ganda
ang pag- uusapan.
5. Talagang maraming unos ang pinagdaanan si Rizal.

Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-


unawa:
1. Nabibigay-patunay na may pagkakatulad/pagkakaiba ang binasang akda sa ilang napanood
na telenobela. (F9PD-Iva-b-55);
2. Nagagamit ang mga angkop na salita/ekspresyon sa: Paglalarawan, Paglalahad ng sariling
pananaw Pag-iisa-isa, Pagpapatunay (F9WG-Iva-b-57);
3. Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon, at bisa ng akda sa sarili at sa nakararami
(F9PS-Iva-b-58);
4. Naitatala ang nalikom na datos sa pananaliksik. (F9PU-IVa-b-58).

GAWAIN BLG. 4: PANUTO: Punahin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Noli Me Tangere at


ng FPJ’s Ang Probinsyano kung ano ang uri at sistema ng pamamalakad ng pamahalaan ang
pag-uusapan. Gawin lamang ang Graphic Organizer sa ibaba.
Noli Me Tangere FPJ’s Ang
Probinsyano

NOLI ME TANGERE
Ang Buod

Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na nag-aaral sa Europa. Pitong


taon siyang namalagi doon bago umuwi sa Pilipinas. Isang salo-salo ang idinaos sa
bahay ni Kapitan Tiyago na dinaluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente
Guevarra, Donya Victorina at ilang matataas na tao sa lipunang Kastila. Sa
pagtitipong yaon ay hiniya ni Padre Damaso ang binatang si Ibarra sa harap ng hapag
ngunit di ito pinansin ng binata at magalang na nagpaalam at sinabing siya ay may
mahalagang gawain.
Si Ibarra ay may kasintahan na nagngangalang Maria Clara na anak ni Kapitan
Tiyago na kilalang mayaman sa Binondo. Kinabukasan, dumalaw ang binata sa
dalaga sa tahanan nito. Sa asotea nag-ulayaw ang dalawa at ginunita ang simula
ng kanilang pag-iibigan na nagsimula sa kanilang pagkabata. Binasa ng dalaga sa
harap ng binata ang liham ng binate na binigay niya bago siya nagpunta ng Europa.
Ipinakita naman ng binata ang dahon ng sambong na handog ni Maria Clara sa
kanya. Bago nagtungo si Ibarra sa San Diego ay ipinagtapat sa kanya ni Tinyente
Guevarra ng Gwardiya Sibil ang tungkol sa pagkamatay ng kanyang amang si Don
Rafael Ibarra, ang mayamang tao sa bayang iyon. Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay
pinaratangan na erehe at pilibustero ni Padre Damaso gawa ng di pagsisimba at
pangungumpisal. May isang pangyayari na nakadagdag pa sa paratang na kung saan
may isang maniningil ng buwis ng nakaaway ng isang bata na nakita ni Don Rafael at
ito ay kanyang tinulungan. Nagalit ang kubrador at sila ang nagpanlaban. Sa
kasamaang palad ang ulo ng kubrador ay tumama sa bato na ikinamatay nito.
Ibinintang ang pagkamatay ng Kastila kay Don Rafael, pinag-uusig siya, nagsulputan
ang kanyang mga lihim na kaaway at nagharap ng iba’t ibang sakdal. Siya ay
nabilanggo. Napawalang-sala siya sa pagkamatay ng Kastila sa kadahilanang ang huli
ay namatay sa altapresyon ngunit si Don Rafael ay nagkasakit at namatay sa
bilangguan. Inilibing si Don Rafael sa libingan ng mga Katoliko ngunit ito ay
ipinahukay ni Padre Damaso sa tagapaglibing at inutusan na ibaon sa libingan ng
mga Intsik. Umuulan noon at sa kabigatan ng bangkay ay ipinasya ng tagapaglibing
na itapon na lamang sa lawa.
Walang balak na maghiganti si Ibarra sa ginawa ni Padre Damaso at sa halip ay
ipinagpatuloy niya ang pagpapatayo ng paaralan. Sa pagdiriwang ng paghugos ng
unang bato sa ginawang paaralan ay kamuntik ng mapahamak si Ibarra kung hindi
siya nailigtas ni Elias. Sa paglagapak ng bato habang ito’y inihuhugos ay hindi si
Ibarra ang nasawi kundi ang taong binayaran ng lihim na kaaway ng binata. Muling
pinasaringan ni Padre Damaso si Ibarra. Hindi na lamang sana ito papansinin ng
binata subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay hindi na siya
nakapagpigil at tinangkang saksakin ang pari ngunit siya’y napigilan ni Maria Clara.
Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag o ineskomonyon si Ibarra ng Arsobispo ng
simbahang Katoliko Romano. Ikinasaya ito ni Padre Damaso at sinamantala ang
pagkakataon upang utusan si Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa
pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara. Nais ng pari na ang mapangasawa ng
dalaga ay si Linares na isang binatang Kastila na bagong dating sa Pilipinas.
Takot na takot si Maria Clara sa gumuhong bato noong araw ng pagdiriwang at
nagkasakit siya at naglubha. Dahil sa gamot na ipinadala ni Ibarra na siyang
ipinainom ni Sinang, gumaling agad ang sakit ng dalaga.
Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa ang pagkakaeskomulgado ni
Ibarra at ipinasya ng arsobispo na muli siyang tanggapin sa simbahang Katoliko.
Ngunit nagkataon na sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang kwartel ng sibil at ito’y
ibinintang kay Ibarra kaya siya muling hinuli at binilanggo. Walang kinalaman si
Ibarra sa pangyayaring iyon dahil noong siya’y kausapin ni Elias napamunuan ang
mga pinag-uusig ay tahasan niya itong tinanggihan at sinabing kailanman ay hindi
siya maaaring mamuno sa mga taong kumakatawan sa bayan. Napawalang-bisa ang
bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis na ginawa walang ni isa man sa mga pinag-
uusig ang nagsasabing kasabwat ang binata sa kaguluhan. Subalit, ang liham ni Ibarra
para kay Maria Clara ay napasakamay ng hukuman ang siyang ginawang
kasangkapan upang siya ay idiin kaya siya ay nakulong.
Nagkaroon ng handaan sa bahay ni Kapitan Tiyago upang ihayag ang kasunduan
na pagpapakasal ni Maria Clara at Linares. Sa kabilang dako ay nagkaroon ng
pagkakataon si Ibarra na makatakas sa bilangguan sa tulong ni Elias. Bago tuluyang
lumayo ay nagkaroon ng pagkakataon si Ibarra na makausap si Maria Clara nang
lingid sa kaalaman ng iba. Sinabi niya kay Maria Clara na ipinagkaloob na niya ang
kalayaan nito at sana’y lumigaya siya at matahimik ang kalooban. Ipinaliwanag ni
Maria Clara na ang liham na kanyang iniingatan at siyang ginamit na ebidensiya sa
hukuman ay nakuha sa kanya sa pamamagitan ng pagbabanta’t pananakot. Ang liham
ay ipinalit sa dalawang liham na isinulat ng kanyang ina bago siya ipinanganak na
nakuha ni Padre Salvi sa kumbento. Nakasaad sa liham na iyon na ang tunay na ama
ni Maria Clara ay si Padre Damaso. Ayon sa kanya ang pagpapakasal niya kay
Linares ay upang ipagtanggol ang karangalan ng kanyang ina subalit sa kanyang puso
mananatili si Ibarra.
Tumakas si Ibarra sa tulong ni Elias. Lulan ng bangka, pinahiga si Ibarra at
tinabunan ng damo at pagkatapos ay tinahak ang Ilog Pasig hanggang makarating sa
Lawa ng Bay ngunit sila ay naabutan ng tumutugis sa kanila. Inisip ni Elias na iligaw
ang mga ito kaya naisipan niyang lumundag sa tubig kung saan inakalang si Ibarra
ang tumalon kaya hinabol at pinaputukan siya ng mga sibil hanggang mahawi ang
bakas ng pagkakalangoy at magkulay-dugo ang tubig.
Napag-alaman ni Maria Clara na si Ibarra ay napatay ng mga sibil sa kanyang
pagtakas. Ang dalaga ay nalungkot at nawalan ng pag-asa kaya’t hiniling niya kay
Padre Damaso na siya’y ipasok sa kumbento ng Santa Clara upang magmadre.
Napilitang pumayag ang pari sapagkat sinabi ng dalaga na siya’y magpapakamatay
kapag di pinayagan.
Noche Buena noon nang makarating si Elias sa maalamat na gubat ng mga
Ibarra, sugatan at nanghihina, doon niya nakatagpo si Basilio at ina nitong wala ng
buhay. Ibinilin ni Elias kay Basilio na hukayin ang kayamanan na kanyang ibinaon.
Inutusan din niya na sunugin ang bangkay niya at ng ina nito. Humarap si Elias sa
Silangan at nagwikang “Mamatay akong hindi ko man lamang masilayan ang
ningning ng bukang-liwayway ng aking Inang Bayan. Kayong mapapalad na
makakakita, batiin ninyo siya at huwag kalimutan ang mga nalugmok at nasawi sa
dilim ng gabi”.
Sa pagwawakas ng nobela, si Maria Clara ay pumasok sa kumbento. Si Padre
Damaso ay nakatanggap ng liham na siya ay inilipat sa isang malayong lalawigan na
siya niyang dinamdam at kinabukasan natagpuan siyang patay at si Padre Salvi ay
naghihintay na maging Obispo. Si Kapitan Tiyago ay dumanas ng pahihirap ng
damdamin, nangangayayat, mapag-isip, madalas manlumo at nalulong sa baraha,
sabong at paghitit ng opyum. Si Linares ay namatay dahil sa disenterya. Walang
makapagsabi sa naging kapalaran ni Maria Clara sa loob ng kumbento.
GAWAIN BLG.5: Panuto: Alalahanin ang mga mahahalagang kaganapan sa buod ng mga
kabanata ng Noli Me Tangere. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang kasagutan sa
isang buong papel.

1. Binanggit ni Don Rafael sa kanyang huling ipinadalang liham sa kanyang anak na nag-
aaral noon sa Europa na huwag itong mag-alala at magtaka kung hindi na raw ito
makakasulat sa kanya dahil magiging abala ito sa mga gawain. Ano ang tunay na dahilan
kung bakit hindi na nakasusulat pa ang Don kay Ibarra? Ipaliwanag.
2. Nag-iibigan sina Ibarra at Maria Clara ngunit dumating ang panahon na ipapadala si Ibarra
sa ibang bansa para doon na mag-aaral. Bakit sa halip na malulungkot ang dalawa nang
dahil sila ay magkahihiwalay ay nagiging masaya pa sila sa balita na kanilang narining
mula sa kanilang mga magulang? Anong balita ito? Ipaliwanag.
3. Bagamat nagpapansinan ang kura at ang alperes kapag nagkakasalubong ang dalawa,
paano ipinapakita ng dalawa ang kanilang pag-aagawan sa kapangyarihan? Gaano ba
kahalaga ang kapangyarihan sa dalawang ito? Bakit? Ipaliwanag.
4. Paano ipinapakita at ipinadama sa mga mambabasa ang pagmamahal ni Basilio sa kanyang
nakababatang kapatid na si Crispin na sinasaktan ng sakristan mayor dahil sa
pinagbintangan itong nagnakaw ng dalawang onsa? Ipaliwanag.
5. Paano mo mapatutunayan ang pagkapagiging ulirang ina at asawa ni Sisa?
6. Ilahad at ipaliwanag ang paniniwala nila na kinakailangang makinig sa sermon ni Padre
Damaso.
GAWAIN BLG.6: Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang salitang “Totoo” kung ang pangyayari
mula sa akdang tinalakay ay nagaganap hanggang sa kasalukuyan at isulat ang “Hindi Totoo”
kung ang pangyayari ay hindi nagaganap sa kasalukuyan. Ipaliwanag din ang patunay mula sa
mga pangyayari sa nobela.

1. Gaano man kabuti at kabait ang isang tao ay may lihim pa rin itong kaaway na
hindi nasisiyahan at nainggit sa kanyang kabaitan at kabutihang ipinapakita sa
kapwa.
Patunay:
______________________________________________________________________________

2.Dahil sa sariling ambisyon at interes, may mga taong handang itakwil ang
magagandang gawi tingalain lamang at magkakaroon ng kapangyarihan sa lipunan.
Patunay:_______________________________________________________________________

3.Uunlad lamang ang isang bayan kung ang mga namumuno nito ay nagkakaisa at
hindi nag-aagawan at naglalamangan ng kapangyarihan.
Patunay:_______________________________________________________________________
4. Parte ng lipunan ang pang-aapi at pagpaparatang ng kasalanan ng iilan sa mga
taong dukha at mangmang.
Patunay:
______________________________________________________________________________

5. Likas sa isang ina ang handang magtiis para lamang sa ikabubuti ng kanyang mga
anak.
Patunay:
______________________________________________________________________________

6. Dapat mayroong pagkakasundo sa pagitan ng simbahan at pamahalaan para sa


ikauunlad ng bayan at ang bawat isa ay may matatag na paniniwala sa Diyos.
Patunay:
______________________________________________________________________________

ANGKOP NA EKSPRESYON SA PAGLALARAWAN, PAG-IISA-ISA AT


PAGPAPATUNAY
Sa komunikasyon, ang pagpapahayag ng iniisip at nadarama ay mahalaga.
Maipapahayag ito gamit ang mga salita o ekspresyon sa paglalarawan,pag-iisa-isa, at
pagpapatunay.
1. Paglalarawan - sa pagpapahayag na ito ay gumagamit ng mga piling salita na
naglalarawan o nagpapahiwatig ng paglalarawan katulad ng kung titingnan, kung
pagmamasdan, moobserbahan at iba pa.
Halimbawa:
Kung titingnan, malinaw na malikhain ang mga Pilipino.
Maoobserbahan na mas malinis na ang Boracay ngayon kung ikukumpara noon.
2. Pag-iisa-isa - sa pagpapahayag na ito ay pinakamainam ang enumerasyon at paggamit
ng mga salitang gaya ng una, ikalawa, at ikatlo upang maging organisado at maayos
ang paglalahad.
Halimbawa:
Unang napagdesisyunan na isulong ang batas para sa mga kababaihan.
Ikalawang pagkakataon na babasahin ang orihinal na kopya ng tula.
3. Pagpapatunay - sa pagpapahayag na ito ay maaaring gamitin ang mga pahayag gaya
ng kung pakasusuriin, dahil dito, samakatuwid, sa kabuon at iba pa.
Halimbawa:
Ang mga Pilipino ay kilala bilang masisipag na tao. Dahil dito, lubos na hinahangaan
ng buong mundo ang katangiang ito.
Kung pakasusuriin, ang mga katutubong Pilipino ay labis na nagbibigay halaga sa
kanilang kultura.
GAWAIN BLG.7: Panuto: Ilahad ang iyong natutuhan mula sa akdang Noli Me Tangere
gamit ang angkop na ekspresyon sa paglalarawan, pag-iisa-isa at pagpapatunay.

Kung titingnan

Maoobserbahan

Una

Sa huli

Kung pakasusuriin

Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,


kakayahan at pag-unawa:
1. Nahihinuha ang katangian ng mga tauhan at natutukoy ang
kahalagahan ng bawat isa sa nobela. (F9PB-IVc-57)
2. Nakabubuo ng isang makahulugan at masining na iskrip ng isang
monologo tungkol sa isang piling tauhan. (F9PU-IVc-59)
3. Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay-katangian. (F9WG-IVc-59)
MGA TAUHAN NG NOLI ME TANGERE: Kapitan-Heneral – Pinakamakapangyarihan sa
Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-
Crisostomo Ibarra - Binatang nag-aral sa Europa at
ekskomunyon si Ibarra.
pangarap niya ay magtayo ng isang paaralan para sa
Don Rafael Ibarra – Ama ni Crisostomo;
kinabukasan ng mga kabataan sa San Diego.
nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan
Kapitan Tiyago - Ama-amahan ni Maria Clara.
sa yaman kung kaya nataguriang erehe. Ang
Mayroong siyang malaking bahay at inimbitihan niya si
kanyang bangkay ay inihagis lamang sa tabing-ilog
Ibarra sa isang salo-salo.
dahil sa awa ng sopultorero na dapat dinala sa
Padre Damaso - isang kurang Pransiskano na napalipat
libingan ng mga Tsino.
ng ibang parokya pagkatapos maglingkod sa simbahan
Tinyente Guevarra – Isang matapat na tinyente ng
ng Bayang San Diego.
mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng
Maria Clara - Ang sinasabing pinakamagandang babae
tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.
sa buong bayan. Noong bata pa sina Maria at Ibarra may
Padre Sibyla – Paring Dominikano na lihim na
kasunduan na inihatid si Don Rafael kay Kapitan Tiago
sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
na sa hinaharap ay magpapakasal ang dalawang anak
nila. Siya rin ang mahal ni Ibarra hanggang ngayon. Iba pang tauhan:
Padre Salvi - Kurang pumalit kay Padre Damaso at
nagkaroon ng pagnanasa kay Maria Clara. Isa rin siyang - Don Saturnino – Lolo ni Crisostomo. Naging
tagabantay ng mga gawain ni Ibarra. dahilan ng kasawian ng nuno ng Elias.
Elias - Isang Piloto at magsasaka na tumulong kay Ibarra - Guro (lalaki) – masipag na guro ngunit walang
para lamang tulungan siyang alamin ang problema ng kalayaan sa pagtuturo
bayan. - Kapitan Basilio – Kapitan ng San Diego.
Pilosopo Tasyo - Maalam na matandang tagapayo ng - Kapitan Pablo - Kapitan ng mga tulisan; tinuturing
marurunong na mamamayan ng San Diego. Isa rin siya na ama ni Elias
sa mga tao na hindi naniniwala sa Purgatoryo dahil sa - Don Filipo Lino - Ama ni Sinang; Bise-Alkalde
pagbigay ng abuso ng indulhensya sa pamamagitan ng - Pedro - Iresponsableng asawa ni Sisa; mahilig sa
pagdasal sa mga santo o patay. sugal at lasenggo.
- Nol Juan - Namahala sa pagpapagawa ng paaralan
Sisa - Isang masintahing ina nina Crispin at Basilio. Ang
- Lucas - Taong madilaw; nagtangkang pumatay kay
kanyang tanging kasalanan bilang isang ina ay Crisostomo Ibarra
magpakasal sa isang asawang pabaya at malupit. - Albino - Dating seminarista; kasintahan ni Victoria
Crispin - Isa sa dalawang anak ni Sisa at sakristan na - Andong - Napagkamalang pilibustero
pinagbintang nagnakaw ng kwalta. - Balat - Tiyuhin ni Elias na naging tulisan
Basilio - Ang panganay na anak ni Sisa at sakristan din - Tarsilo at Bruno Alasigan - Mga anak ng lalaking
siya katulad ni Crispin. Gusto rin niya maging isang pinatay ng mga Kastila
trabahador at estudyante ni Ibarra. - Andeng - Kinakapatid ni Maria Clara; mahusay sa
Alperes - Matalik na kaagay ng kura sa kapangyarihan pagluluto
sa bayan ng San Diego. - Iday - Magandang kaibigan ni Maria Clara;
Donya Consolacion – Napangasawa ng alperes; dating tumutugtog ng alpa
labandera na may malaswang bibig at pag-uugali. - Sinang - Masayahing kaibigan ni Maria Clara; anak
Donya Victorina – Babaing nagpapanggap na mestisang ni Kapitan Basilio
- Neneng - Mahinhin at palaisip na kaibigan ni Maria
Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at
Clara
maling pangangastila. - Victoria - Tahimik na kaibigan ni Maria Clara;
Don Tiburcio de Espadaña – Isang pilay na Kastilang kasintahan ni Albino
napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang - Leon - Kasintahan ni Iday
kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina. - Hermana Rufa - Kampi kay Padre Damaso
Linares – Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at - Kapitana Tinchang - Matatakuting asawa ni
pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para Kapitan Tinong
mapangasawa ni Maria Clara. - Kapitan Tinong - Naparusahan dahil sa
Don Filipo – Tinyente mayor na mahilig magbasa ng pakikipagkaibigan kay Crisostomo Ibarra
Latin; ama ni Sinang. - Sepulturero – ang humukay sa bangkay ni Don
Tiya Isabel – Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa Rafael at itinapon sa lawa.
pagpapalaki kay Maria Clara.
Donya Pia – Masimbahing ina ni Maria Clara na
GAWAIN BLG.8: Pnuto: Maghinuha sa mga katangian ng mga
pangunahing tauhan batay sa mga nakatalang paglalarawan ng bawat isa
sa unahang bahagi ng araling ito upang matukoy ang kahalagahan ng
papel na gagampanan ng bawat isa sa nobela.
KAHALAGAHAN
TAUHAN MGA NG PAPEL
KATANGIAN NA GAGAMPANAN
1. Maria Clara Larawan ng isang Mahalaga ang papel
dalagang Pilipina na na kanyang
may magandang pag- gagampanan
uugali. sapagkat siya ay
magsisilbing imahe ng
ating Inang Bayan sa
nobela.
2. Crisostomo Ibarra
3. Sisa
4. Elias
5. Kapitan Tiyago
6. Don Rafael Ibarra
7. Basilio
8. Pilosopo Tasyo

Ang monologo ay (mula sa salitang Griyego


na monos na nangangahulugang isa at lego na
sinsabi ko) isang uri ng pagsasalita kung saan ang isang tauhan ay
sinasabi ang kanyang isinasaisp sa isa pang tauhan o kaya sa
kapulungan ng nakikinig. Pangkaraniwang isinasagawa sa mga
panooring pandrama tulad ng teatro, pelikula, animasyon, palabas sa
paaralan at iba pa.
Maaaring ito’y pagsasalita ukol sa kaisipan na ipinararating sa
mga manonood o sa tauhan na kanyang ginagampanan.
Mga Hakbang sa Pagsulat
1. Pumili ng paksang kaaya-aya para sa manonood.
2. Maghanap ng tauhan na naaayon sa iyong personalidad upang
mas kapani paniwala.
3. Gumawa ng storyline sa kuwento sa kuwentong iyong naisip.
4. Gawing maikli ngunit kasiya-siya ang kuwento.
5. Maging maabilidad sa paggawa ng mga senaryo na
nakapagsorpresa at nakaaaliw.
6. Iwasan ang paggamit ng mga salitang hindi kaaya-aya sa pandinig.
7. Tapusin ang monologo sa isang kahanga-hangang pananalita o iskrip.
8. Iwasan ang pagkopya ng mga salitang nakatatak sa mga sikat na pelikula.

GRAMATIKA
Ang pang-uri ay salitang nagsasaad ng katangian o uri ng tao,
hayop, bagay, lunan at iba pa na tinutukoy ng pangngalan o panghalip
na kasama nito sa loob ng pangungusap.
Ang mga pang-uri ay may iba’t ibang kayarian:
Kayarian ng Pang-uri
1. Payak – ito ay binubuo ng salitang-ugat
lamang. Halimbawa: luma, pangit,
payat
 Luma na ang kanyang mga gamit panskwela
bagkus pinapahalagahan at iniingatan pa rin niya
ang mga ito.

2. Maylapi – binubuo ng salitang-ugat na may


panlapi. Mga panlaping mapanuring na madalas na
ginagamit:
kayganda, kaylinis, malabo, magaling, makatao
 Kayganda ng mga tanawin sa Pilipinas.

3. Inuulit – ay binubuo ng salitang-ugat o salitang maylapi na


may pag- uulit.
Halimbawa: maputing-maputi, maliliit, payat na payat
 Si Bemar ay hindi kumakain sa tamang oras dahil
sa paglalaro ng online games kaya payat na payat
na siya.

4. Tambalan – binubuo ng dalawang salitang-ugat


a. Karaniwang kahulugan
Halimbawa: balikbayan, biglang-yaman, taos-puso
 Taos-puso pagbibigay niya ng tulong sa mga
taong naghihirap ngayon dulot ng pandemiya.

b. Matalinghagang Kahulugan
Halimbawa: bukas-palad, kapit-tuko, ngising-aso
 Siya ay bukas-palad lalo na sa mga mahihirap.
GAWAIN BLG. 9: PANUTO: Mula sa natutunan mong mga hakbang sa pagsulat ng monologo,
pumili ng isang tauhan sa nobela na iyong
bibigyang buhay.

SANGGUNIAN:
- Caermare, Philip D., Yorong, Jephone P., Filipino – Ikasiyam na Baitang Alternative
Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Unang Edisyon 2020
- Escudero, Jr. Ruben D., Woo, Rhodora L., Filipino– Ikasiyam na Baitang Alternative
Delivery Mode
Ikaapat na Markahan– Modyul 2: Noli Me Tangere – Ang Buod Unang Edisyon, 2020
- Chona R. Baradillo, Chona R., Etal., Filipino– Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery
Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Katangian at Kahalagahan ng mga Tauhan sa
Noli MeTangere Unang Edisyon, 2020

You might also like