You are on page 1of 13

9

Filipino 9
Ikatlong Markahan – Modyul 2

ELEMENTO NG ELEHIYA

NegOr_Q3_Filipino9_Module2_v2
Filipino – Ikasiyam Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: ELEMENTO NG ELEHIYA
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Joselyn E. Elviña


Editor: Venicar P. Eltanal, Rico C. Tañesa, Crispina P. David
Tagasuri: Roshelle G. Abella, Lucille T. Folio, Janeth A. Celin,
Vincent Gee R. Abrasaldo, Crispina P. David
Tagalapat: Wendell Calingacion
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis JD, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, EdD
Renante A. Juanillo, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay
sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng
mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya
ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto
upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit.
Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi
ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila
ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa
kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

i
ALAMIN

Ang buhay ay hindi isang patag na kalsadang madaling daanan kundi ito ay
isang daanang baku-bako na mahirap lagpasan ngunit kakayanin pa rin. Tulad
lamang ito kapag may pumanaw na mahal natin sa buhay. Sa simula’y hindi mo
matanggap ang pagkawala nila, pero sa kalaunan untiunti mong maiintindihan na
walang permanente sa mundong ito. Hanggang sa makikita mo na lang ang sarili
na ginugunita ang mga panahong kasama sila. Maaari mo ring ipahayag ang iyong
pangungulila at pagdadalamhati sa pamamagitan ng pagsulat ng elehiya, isang
tulang liriko na nagpapahayag ng damdamin, paggunita at pagpaparangal sa isang
nilalang na sumakabilang buhay.
Sa araling ito, makikilala mo ang elehiya pati na ang mga element nito.

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:

1. Nakasusuri ang mga elemento ng elehiya batay sa: tema, mga tauhan,
tagpuan, mga mahihiwatigang kaugalian o tradisyon, wikang ginamit,
pahiwatig o simbolo, at damdamin. (F9PB-IIIb-c-51)
2. Nabibigyang-puna ang nakitang paraan ng pagbigkas ng elehiya o awit.
(F9PD-IIIb-c-50)

MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa araling ito, inaasahan na ikaw ay:

1. Nakasusuri ng elehiya batay sa elemento nito;


2. Nakasusulat ng sariling gawang elehiya; at
3. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa kabila ng
masasamang karanasan sa buhay.

1 NegOr_Q3_Filipino9_Module2_v2
SUBUKIN

A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
kwaderno.

1. Uri ng tula kung saan nabibilang ang elehiya.


A. Pandamdamin C. tulang dula
B. Pasalaysay D. patnigan

2. Malungkot na lumisan ang tag-araw kasama ang pagmamahal na inialay. Ang


linya ng tula ay nagpapahiwatig ng____________.
A. pag-iisa C. pagpanaw ng isang tao
B. paglubog ng araw D. panibagong araw na darating

3. “Ang masaklap na pangyayari ay nagwakas na.” Ang salitang masaklap ay


nangangahulugang ________.
A. hindi malilimutan C. hindi maganda
B. masama D. kawalang pag-asa

4. Malungkot na lumisan ang tag-araw sa kanyang buhay. Ang ibig sabihin ng


lumisan ay _____________.
A. Lumayo C. humiwalay
B. Lumikas D. umalis

5. Ito ay elemento ng elehiya na naglalahad ng kabuuang kaisipan.


A. A. simbolismo C. tema
B. B. tauhan D. tagpuan

B. Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi.

________1. Ang elehiya ay isang tula na ipinapatungkol sa mga dakilang tao.

________2. Literal na kahulugan lamang ang kailangan para sa simbolismong


ginamit sa akda.
________3. Madalas ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap ang mga
impormal na salita.
________4. Ang tauhan ay tumutukoy sa taong sangkot sa akda.

________5. Ang tagpuan ay damdaming nangingibabaw sa tula.

2 NegOr_Q3_Filipino9_Module2_v2
TUKLASIN

Sumulat ng maikling paglalarawan sa isang taong labis mong pinahahalagahan sa


iyong buhay. Sino ang taong ito? Isulat ang kanyang pangalan sa loob ng hugis puso
at ang kanyang mga nagawa na hinahangaan mo sa kanya sa espasyong inilaan para
rito.

SURIIN

Ngayon, matutunghayan mo ang isang halimbawa ng tulang naglalahad ng paggunita


sa isang taong lumisan na.

Basahin sa aklat na Panitikang Asyano 9, p. 202 ang akdang:

ELEHIYA SA KAMATAYAN NI KUYA


(BHUTAN)
Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte

Pamprosesong Tanong:

1. Tungkol saan ang binasang tula?


2. Paano ipinadama ng may-akda ang labis niyang pagdadalamhati sa
pagkawala ng taong mahal sa buhay?

Ang iyong binasang tula ay isang halimbawa ng elehiya. Ano ba ang ibig sabihin
ng elehiya?
3 NegOr_Q3_Filipino9_Module2_v2
ELEHIYA - ay isang tulang liriko na ipinapatungkol sa isang taong pumanaw o
namatay. Ito ay naglalarawan ng pagbubulay-bulay sa kamatayan ng
isang tao. Karaniwan nang malungkot ang nilalaman nito. Nilalaman
din nito ang pag-alaala o pagpupuri sa namatay.

Mga Elemento ng Elehiya

1. TEMA - tumutukoy ito sa pangkabuuang kaisipan ng elehiya. Ito ang


konkretong kaisipan na pwedeng pagbasihan ang karanasan.
2. TAUHAN - tumutukoy sa taong sangkot sa tula.
3. TAGPUAN - ito ang lugar o panahon na pinangyarihan ng tula.
4. KAUGALIAN o TRADISYON - nakikita rito kung anong kaugalian o tradisyon
ang masasalamin sa tula.
5. WIKANG GINAMIT- nariyan ang impormal at pormal na salita.
• Impormal na salita ay iyong madalas gamitin na salita sa pang-
arawaraw.
• Pormal na salita naman ay ang mga standard na salita.
6. SIMBOLISMO - tumutukoy sa mga simbolo para maipahiwatig ang kaisipan at
ideya.
7. DAMDAMIN - tumutukoy ito sa kung ano ang naging saloobin ng may-akda.

PAGYAMANIN

Basahing muli ang akdang “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya” at suriin ito batay sa mga
elemento ng elehiya gamit ang pormat sa ibaba.

Elehiya sa Kamatayan ni Kuya


Elemento Pagsusuri/ Sagot
Tema

Tauhan

Tagpuan

Kaugalian

Wikang Ginamit

Simbolismo

Damdamin

4 NegOr_Q3_Filipino9_Module2_v2
ISAISIP

Naiiba sa ibang uri ng tula ang elehiya dahil ito ay


isang tulang liriko na naglalarawan sa pagbulay-bulay o
guni-guni na nagpapakita ng masidhing damdamin
patungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay.
Nagtataglay ito ng mga element o gaya ng tema, tauhan,
tagpuan, kaugalian o tradisyon, wikang ginamit,
simbolismo at damdamin.

ISAGAWA

Panuto: Sumulat ng sariling halimbawa ng elehiya na binubuo ng tatlong (3)


saknong na quintet o may tiglilimang taludtod sa bawat saknong at sukat
na lalabindalawahin.

Narito ang pamantayan sa pagbigay ng puntos:

Mabisa at angkop ang mga salitang ginamit -10 pts


Dama ang tunay na damdamin -10 pts
Angkop ang pagkakabuo -10 pts
Kabuuan ---------------- 30 pts

TAYAHIN

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Anong uri ng tula nabibilang ang elehiya?


A. Tulang Liriko C. Tulang Pasalaysay
B. Tulang Patnigan D. Tulang Pantanghalan

5 NegOr_Q3_Filipino9_Module2_v2
2. Sa akdang “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya”, anong elemento ng elehiya
napabilang ang salitang kuya?
A. Tagpuan B. Tauhan C. Kaugalian D. Wikang Ginamit

3. Anong tula ang pumapaksa sa paggunita sa isang taong sumakabilang-


buhay na?
A. Oda B. Balagtasan C. Epiko D. Elehiya

4. “Ang masaklap na pangyayari ay nagwakas na.” Ano ang ibig ipakahulugan


ng salitang may salungguhit?
A. hindi malilimutan C. hindi maganda
B. masama D. kawalang pag-asa

5. Malungkot na lumisan ang tag-araw kasama ang pagmamahal na inialay.


Ano ang ipinapahiwatig ng linyang ito ng tula?
A. pag-iisa C. pagpanaw ng isang tao
B. pagdaramdam D. lahat ng nabanggit

6. Alin sa sumusunod ang HINDI maituturing na elemento ng elehiya?


A. Tema B. Tauhan C. Iskrip D. Wikang Ginamit

7. Anong elemento ng elehiya ang naglalahad ng kabuuang kaisipan?


A. Tema B. Simbolismo C. Tagpuan D. Tauhan

8. “Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay.”
Anong damdamin ang ipinahiwatig dito?
A. pagkadismaya C. pagkasaya
B. pagkalungkot D. hindi pagtanggap

9. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na simbolismo?


A. pagsisisi B. kasiyahan C. luha D. problema

10. Anong elemento ng elehiya mapabilang ang pariralang pagpapahalaga sa


taong lumisan na?
A. Simbolismo C. Damdamin
B. Wikang ginamit D. Kaugalian

11. Ano ang kabuuang damdaming nangibabaw sa akdang “Elehiya sa


Kamatayan ni Kuya”?
A. Panghihinayang C. pagkainip
B. Pagkalungkot D. pagkatuwa

12. Ano ang sinisimbolo ng luha, lungkot, at pighati?


A. Pagdaramdam C. pagkatuwa
B. Isipan D. paghihirap

6 NegOr_Q3_Filipino9_Module2_v2
Para sa bilang 13-15.

Siyam na araw ika’y nakalagak


Sa labas ng ating tahanan,
Araw ang lumipas nang ika’y iburol,
Labi mo’y di ko kayang pagmasdan.

- Hango sa “Elehiya Para Kay Tatay”

13. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa saknong?


A. Lumipas B. Iburol C. pagmasdan D. labi

14. Anong elemento ng elehiya ang makikita sa unang taludtod?


A. Tagpuan B. Tauhan C. Kaugalian D. Tema

15. Anong klaseng mga salita ang ginamit sa saknong?


A. Pormal B. Impormal C. Balbal D. Lalawiganin

REFLEKSIYON

Dugtungan ang nasa ibaba ayon sa natutuhan mong mga konsepto sa modyul
na ito. Ito ay makatutulong din sa’yo upang matasa mo ang sarili mong kaalaman at
mabalikan ang mga konseptong di pa masyadong naunawaan.

Aking natutuhan na
____________________________________________________
____________________________________________________
_________________________________________________.
Aking napagtanto na
____________________________________________________
____________________________________________________
_________________________________________________.
Gagamitin ko ito sa
_________________________________________________________
_________________________________________________________
______________________________________________________.

7 NegOr_Q3_Filipino9_Module2_v2
NegOr_Q3_Filipino9_Module2_v2 8
SUBUKIN
A. 1. A B. 1. Mali
2. C 2. Mali
3. B 3. Tama
4. C 4. Tama
5. C 5. Mali
TAYAHIN
1. A 6. C 11. B
2. B 7. A 12. D
3. D 8. D 13. B
4. B 9. C 14. C
5. C 10. D 15. B
SUSI SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

Ambat, Vilma C. et.al. 2014. Panitikang Asyano: Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9.


Quezon City: Vibal Group, Inc.

Peedbrbsaii. “Elehiya Para Kay Tatay.” Last Modified February 13, 2020.
https://w.tt/3pfMDvc

9 NegOr_Q3_Filipino9_Module2_v2

You might also like