You are on page 1of 37

THIRD QUARTER MODULE

MAIKLING PANIMULA

Maligayang pagbabalik minamahal naming mag-aaral!

Marami-rami na rin ang bansang tila iyong nilakbay mula pa sa unang markahan hanggang sa
ikalawang markahan. Sa markahang ito ay iyo namang matatalakay ang mga panitikang nagmula sa
dalawa pang rehiyon sa Asya- ang Kanluran at Timog Asya. Ang mga akdang ito ay kapupulutan ng
mahahalagang aral na magagamit sa pang-araw-araw na buhay. Sa pamamagitan ng akdang ito,
inaasahang maipamamalas mo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng
Kanluran at Timog Asya. Bukod dito, tampok din sa kabanatang ito ang ilang araling pangwika na
makatutulong sa iyo sa mabisang pagpapahayag ng inyong pagkaunawa sa babasahing akda. Inaasahan
na pagkatapos pag-aralan ang buong kabanata, makapagtatanghal ka ng kulturang Asyano batay sa
napiling mga akdang pampanitikang Asyano.

Mga Akdang Pampanitikan sa Kanluran at Timog Asya

Ang Kanlurang Asya ay binubuo ng mga bansang Armenia,


Azerbaijan, Bahrain, Cyprus, Georgia, Iraq, Iran, Jordan,
Kuwait, Lebanon, Oman, Palestine, Qatar, Saudi Arabia,
Syria, Turkey, United Arab Emrates at Yemen
Ang Iraq na ang dating pangalan ay Mesapotamia
ay kilala sa taguring Fertile Crescent dahil sa mayamang
lupain nitong kahugis ng kabiyak na buwan dulot ng
dalawang ilog na matatagpuan sa lugar- Ang Tigris at
ang Euphrates. Ang mga gawaing panrelihiyon tulad ng
dalit, slamo at alamat. Mga pinagmulan at kasaysayan ng
bayani ang bumubuo sa panitikang Babylonia (Iraq).
Mga Bansa sa Kanlurang Asya Isang kasaysayan na tumutukoy sa mga gawa ng
Gilgamesh, isang bayaning
naniniwalang siya’y kamatayan o mayroong walang hanggang
buhay. Ang kasaysayan ng pagkakalikha ng mundo at ang
malaking bahang nagwasak dito ay may kaugnayan sa epiko.
Sa Timog Asya naman kabilang ang mga bansang
Afghanistan, Bangladesh, Bhutan, Maldives, Nepal,
Pakistan, Sri Lanka at India. Sa rehiyong ito masasabing
kilala ang mga panitikang, mula sa India. Pinakilala rito ang
epikong Sanskrit na “Ramayana at Mahabharata.” Dito rin
nagmula si Rabinranath Tagore, isang Nobel Prize Winner
sa Panitikan noong 1913.
Mula rin sa India ay hiniram naman ng mga Arabe
ang mga bilang na magpahanggang ngayon ay atin pa ring
ginagamit-ang tinatawag na “Arabic” na mga bilang.
Nakasalig ang kanilang mga panitikan at panulat sa Koran
na nasusulat din sa wikang Arabic na siyang wika ni
Mohammed, ang kanilang propeta. Sa mga kuwento sa
“Mga Gabi sa Arabia” (Arabian Hights) ay nakakabihag
Mga Bansa sa Timog Asya ang kagandahan ng Kulturang Muslim.
Narito ang mga babasahin mong panitikan sa markahang ito:

 Parabula ng Alibughang Anak (Israel)


 Mahatma Gandhi (India)
 Sino ang Nagkaloob? (Pakistan)
 Ang Pangit na Prinsesa (India)
 Mahahanap ba ang Pasko sa Kanlurang Asya

Handa ka na bang mabasa ang mga naggagandahang akda mula sa Kanluran at Timog Asya? Tara!
Sabay-sabay nating tunghayan ang mga aral na hatid ng mga akdang ito.

Linggo 1

Panitikan: Parabula ng Alibughang Anak (Parabula)


Gramatika/Retorika: Kayarian ng Salita
Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa
Pangnilalaman mga akdang pampanitikang ng Kanlurang Asya.
Ang mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng kulturang
Pamantayang Pagganap
Asyano batay sa napiling mga akdang pampanitikang Asyano.
Most Essential Learning Napatutunayan ang mga pangyayari sa binasang parabula ay
Competencies (MELCs) maaaring maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan.
21st Century Learning Skills Critical Thinking

Core Values Knowledgeable, Mannered, Responsible

Mga Sanggunian:

A. Printed: Baisa J. et.al. (2018), Pinagyamang Pluma 9. Quezon Ave., Quezon City. Phoenix
Publishing House, Inc.
Amog M. et.al. (2019), Kalinangan 9 “Batayan at Sanayang Aklat sa Wika at
Panitikan”. Sampaloc, Manila. Rex Bookstore, Inc.
Malirong M.O. et.al. (2016), Hiyang Lahi 9 “Panitikan.Gramatika, at Retorika”.
Quezon City, Philippines. Vibal group, Inc.

B. Online:

C. Offline: (Downloaded materials: soft copy pdf form, youtube, video, etc…)
D. Online links: https://www.youtube.com/watch?v=sEg3dET3dpg

ARALIN

1 PAKSA: Panitikan: Parabula ng Alibughang Anak

PANIMULA

Sa araling ito ay mababasa mo ang isang parabulang mula sa Banal na Kasulatan ng Israel, ang
Bibliya. Ito ay tungkol sa isang anak na nanghingi ng mana sa kanyang amang buhay pa at piniling
magpakalayo upang magpakasaya at ubusin na ang perang minana. Alamin sa kuwento ang kanyang
sinapit at kung ano ang naging reaksiyon ng kanyang ama at kapatid nang siya’y bumalik.

Mga Layunin
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
 Natutukoy ang kayarian ng salitang ginamit sa pangungusap .
 Napatutunayan na ang mga pangyayari sa pabula ay maaaring mangyari sa tunay na buhay.

Pagtuklas ng Naunang Kaalaman

Punan ang K-W-H-L Tsart sa ibaba upang matukoy ang iyong naunang kaalaman
at pag-unawa sa paksang tatalakayin, ang “Parabula ng Alibughang Anak.”

Ano ang Alam Ko Ano ang Gusto kong Paano pa Ako Ano ang aking
Malaman Matututo Natutuhan

Mga kasanayan na inaasahan kong aking magagamit:

Mga Mahahalagang Tanong

Narito ang mga mahahalagang tanong na kailangan mong tandaan hanggang matapos nating
basahin ang parabula.

1. Bakit dapat igalang ang iyong ama at ina?


2. Paano nasasalamin ang kultura ng isang bansa gamit ang salaysay na nagmula rito?
3. Ano-ano ang mga kayarian ng salita?
4. Paano mo malalaman ang kayarian ng isang salita?

Maikling Pagsasanay

Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung ikaw ay isang mabuting anak? o kaya kapatid? Ano-ano ang
iyong mga katangian o ginagawang makapagpapatunay na ikaw ay isang mabuting kapatid at anak?
Isulat ang mga ito sa kahon. Maaaring magdagdag ng kahon kung kinakailangan.

Mga patunay sa iyong


pagiging mabuting
anak at kapatid

PAGTALAKAY:
BASAHIN NATIN

Ating tunghayan ang isang parabula na kakapulutan ng aral.

Parabula ng Alibughang Anak


Mula sa Lukas 15:11-32

May isang mayamang ama na may dalawang anak na lalaki.

Ang wika ng bunso, “Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko.” At ibinahagi sa
kanila ng ama ang kanyang ari-arian.

Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang kanyang ari-arian at nagtungo sa malayong
lupain, taglay ang buo niyang kayamanan, at doo’y nilustay na lahat sa di wastong pamumuhay. Nang
malustay na niya ang kanyang kayamanan, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing yaon, at
nagdalita siya. Kaya’t namasukan siya sa isang mamamayan ng lupaing yaon. Siya’y pinapunta sa bukid
upang mag-alaga ng baboy. Ibig sana niyang punan ang kanyang pagkain kahit ng mga bungang-kahoy
na ipinkakain sa mga babaoy ngunit walang magbigay sa kanya. Nang mapag-isip-isip niya ang kanyang
ginawa nasabi niya, sa kanyang sarili, “Ang mga alila ng aking ama ay may sapat na pagkain at
lamalabis pa, samantalang ako’y namamatay sa gutom dito. Babalik ako sa kanya at sa sasabihin ko
‘Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak;
ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila.” At tumindig siya at pumaroon sa kanyang ama.

Malayo pa’y natanawan na siya ng ama at itoy labis na nahabag sa kanya, kaya’t patakbo siyang
sinalubong, niyakap, at hinagkan.

Sinabi ng anak, “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapatdapat na
tawagin ninyong anak.” Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila, “Madali! Dalhin ninyo rito ang
pinakamahusay na damit at isuot sa kanya. Suotan siya ng singisng at panyapak. Kunin ang pinatabang
guya at ihanda; kumain tayo at magsaya! Sapagkat namatay na ang anak kong ito, ngunit muling
nabuhay; nawala, ngunit nasumpungan.” At sila’y nagsaya.

Nasa bukid noon ang anak na panganay. Nang umuwi siya at malapit na sa bahay ay narinig niya
ang tugtugan at sayawan. Tinawag niya ang isa sa mga alila at tinanong. “Bakit? May ano sa atin?”
“Dumating po ang inyong kapatid” tugon ng alila. “Ipinahanda ng inyong ama ang pinatabang guya,
sapagkat nagbalik siyang buhay at walang sakit.” Nagalit ang panganay at ayaw nitong pumasok sa
bahay. Kayat lumabas ang kanyang ama at sinuyo siya. Ngunit sinabi niya, “Pinaglingkuran ko po kayo
sa loob ng maraming taon, at kailanmanma’y hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni minsan ay hindi ninyo
ako binigyan ng kahit isang bisirong kambing para magkatuwaan kami ng aking mga kaibigan. Subalit
nang dumating ang anak ninyong lumustay ng inyong kabuhayan sa masasamang babae, ipinaghanda pa
niyo ng pinatabang guya!” Sumagot ang ama, “Anak, lagi kitang kapiling. Ang lahat ng ari-arian ko ay
sa iyo. Ngunit dapat tayong magsaya at magalak sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit muling
nabuhay; nawala ngunit muling nasumpungan.”
Mula sa Lukas 15:11-32

ARALIN

2 PAKSA: Wika: Kayarian ng Salita


PANIMULA

Sa pagpapatuloy mo ay malalaman at mapag-aaralan mo rin ang mga iba’t ibang kayarian ng


salita na siyang magpapalawak pa sa iyong mga kasanayan sa wika. Maligayang pag-aaral!

PAGTALAKAY:

Narito ang iba’t ibang kayarian ng salita.

Kayarian ng
Salita Kahulugan Mga Halimbawa
Payak ang salita ay walang panlapi, walang anak, kapatid, bahay
katambal at hindi inuulit. Binubuo ito
ng salitang-ugat lamang.
Maylapi ang kayarian ng salita kung binubuo ito
ng salitang-ugat na may kasamang
panlapi.
Ang sumusunod ay mga panlaping
ikinakabit sa salita.

- panlaping kinakabit sa unahan ng


a. Unlapi maginhawa, umasa, nagsisi
salita

- panlaping nasa gitna ng salita tumawa, tinapos


b. Gitlapi
- panlaping ikinakabit sa hulihan ng usapan, mithiin
c. Hulapi
salita

d. Kabilaan -panlaping ikinakabit sa unahan at kabaitan, patawarin


hulihan ng salita

e. Laguhan -panlaping ikinakabit sa unahan, pinagsumikapan, magdinuguan


gitna, at hulihan ng salita

Inuulit ang kayarian ng salita kapag ang


kabuoan o isa o higit pang pantig sa
dakong unahan ay inuulit. May iba’t
ibang uri ng pag-uulit.
a. Inuulit na -buong salitang-ugat ang inuulit gabi-gabi
ganap

b. Inuulit na - isang pantig o bahagi lamang ng lilima, pupunta


parsiyal salita ang inuulit

c.
Magkahalong - buong salita at isang bahagi ng iilan-ilan, tutulog-tulog
ganap at pantig ang inuulit
parsiyal

Tandaan- ang inuulit ay bahagi o


buong salitang-ugat, may mga salitang
parang inulit ngunit hindi ito kabilang
sa inuulit.

Halimbawa nito ang salitang guniguni-


ang salitang ito ay nasa payak na
kayarian sapagkat walang ibig sabihin
ang salitang guni.
Tambalan ang kayarian ng salita kung ito ay
binubuo ng dalawang salitang
pinagsasama para makabuo ng isang
salita lamang.

a. Tambalang - kapag ang kahulugan ng salitang tulay-bitin, bahay-kubo, kuwentong-


di ganap pinagtambal ay nananatili bayan

b. Tambalang -kapag nakabubuo ng ibang kahulugan dalagambukid (isda)


ganap kaysa sa kahulugan ng dalawang bahaghari (rainbow)
salitang pinagsama.

PAGSAGOT SA MAHALAGANG TANONG

1. Bakit dapat igalang ang iyong ama at ina?


Ang paggalang sa mga magulang ay isang dapat tandaan ng mga anak. Bukod sa isa ito sa utos
na nakasaad sa Bibliya, ang paggalang ay isang kaugaliang dapat taglayin ng kahit na sinuman.

2. Paano nasasalamin ang kultura ng isang bansa gamit ang salaysay na nagmula rito?
Nasasalamin ang kultura sa salaysay na nabasa sa pamamagitan ng mga ipinakitang kaugalian,
paniniwala, pagkilos at pananalita ng mga tauhan.

3. Ano-ano ang mga kayarian ng salita?


-Ang kayarian ng salita ay ang mga sumusunod: Payak (binubuo ng salitang-ugat), Maylapi
(binubuo ng salitang-ugat at panlapi), Inuulit (inuulit ang salitang-ugat o bahagi ng salitang-ugat) at
Tambalan (binubuo ng dalawang salita upang maging isang salita na lamang).

4. Paano mo malalaman ang kayarian ng isang salita?


-Mahalagang may sapat na kaalaman sa linggwistika upang mahusay at tumpak na matukoy ang
kayarian ng salita sapagkat kinalailangang matukoy ang pinagmulan o orihinalidad ng isang salita upang
masusing matukoy ang kayarian nito.

BUOD NG TALAKAYAN

Ang parabula ng Alibughang Anak ay hango sa Bibliya mula sa ebanghelyo ni Lukas


15:11-32. Masasalamin sa parabulang ito ang labis na pagmamahal ng ama sa kaniyang anak sa
kabila ng pagkakasala nito. Makikita rin dito na dapat mahalin at respetuhin ang mga magulang.
Pinapakita ng akda na walang papantay sa pagmamahal ng isang magulang.
Sa araling ito ay natutuhan mo rin ang iba’t ibang kayarian ng salita; ang payak, maylapi,
inuulit at tambalan. Naunawaan mo rin ang pagkakaiba ng mga kayariang ito. Ang payak ay ang
mga salitang-ugat lamang, ang Maylapi ay ang mga salitang-ugat na nilapian, ang inuulit ay ang
mga salitang-ugat o bahagi ng salita ang inuulit at ang tambalan ay ang dalawang magkaibang
salita na kapag pinagtambal ay Department
makabubuo ng of Education
isang makabagong salitang may kaakibat na
kahulugan.
Division of Nueva Vizcaya
Diocese of Bayombong Educational System (DBES)
Saint Louis School, Solano, Nueva Vizcaya

Saint Louis School


---o0o---

DBES LEARNING ACTIVITY SHEET/GAWAING PAGKATUTO

Asignatura: Filipino 9
Guro: _______________________________________

Pangalan : ___________________________________________________________________
Baitang at Seksiyon : _________________________________Mga Sakop na Petsa : _______________
Linggo Blng.: 1 Puntos : _______________

Written Works:

Gawain 1

Sumulat ng naiisip mong kaparehong pangyayaring naganap o nagaganap sa kasalukuyan


kaugnay ng bawat sitwasyon. Maaaring ito ay personal mong nasaksihan o isang pangyayaring iyong
nabalitaan, nabasa o napanood.

1. Hiningi ng anak ang kanyang mamanahin kahit buhay pa ang magulang niya.
Kaparehas na Pangyayari:
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

2. Nilustay ng anak ang kanyang minana sa hindi wastong pamumuhay.


Kaparehas na Pangyayari:
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Pamantayan 4 3 2 1
Nilalaman Ang mensahe ay di-gaanong Medyo magulo Walang
mabisang naipakita ang ang mensahe mensaheng
naipakita mensahe naipakita
Organisasyon Napakaganda at Maganda at Maganda ngunit Di maganda at
napakalinaw ang malinaw ang di gaanong Malabo ang
pagkasulat pagkasulat malinaw ang pagkasulat
pagkasulat
Kaangkupan May malaking Di gaanong may Kaunti lang ang Walang
kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan sa
paksa paksa paksa paksa
Kalinisan Malinis na Malinis ang Marami ang bura Marumi ang
malinis ang pagkabuo pagkabuo
pagkabuo

Gawain 2
Natutukoy ang kayarian ng salitang ginamit sa pangungusap. Isulat sa patlang ang kayarian ng
salitang may salungguhit sa bawat pangungusap.

__________________1. Ang ama ay nagulat sa mungkahi ng bunsong anak.


__________________2. Ipinagkaloob ng ama ang kanyang hinihingi.
__________________3. Dali-daling umalis ang bunsong anak upang lustayin ang nakuha niyang
yaman.
__________________4. Para sa nakatatandang kapatid, walang kapatawaran ang ginawa ng kanyang
kapatid.
__________________5. Nakalulungkot mang sabihin ay hindi maitatangging asal-hayop ang
kanyang kapatid.
Linggo 2:
Pantikan: Mahatma Gandhi (Tula),
Wika: Mga Kataga/Pahayag sa Pagpapasidhi ng Damdamin

Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa


Pangnilalaman mga akdang pampanitikang ng Kanlurang Asya.
Ang mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng kulturang
Pamantayang Pagganap
Asyano batay sa napiling mga akdang pampanitikang Asyano.
1. Nasusuri ang mga elemento ng elehiya batay sa: - Tema - Mga
Most Essential Learning tauhan - Tagpuan - Mga mahihiwatigang kaugalian o tradisyon -
Competencies (MELCs) Wikang ginamit - Pahiwatig o simbolo – Damdamin

21st Century Learning Skills Critikal Thinking

Core Values Knowledgeable, Mannered, Responsible

Mga Sanggunian:

A. Printed: Baisa J. et.al. (2018), Pinagyamang Pluma 9. Quezon Ave., Quezon City. Phoenix
Publishing House, Inc.
Amog M. et.al. (2019), Kalinangan 9 “Batayan at Sanayang Aklat sa Wika at
Panitikan”. Sampaloc, Manila. Rex Bookstore, Inc.
Malirong M.O. et.al. (2016), Hiyang Lahi 9 “Panitikan.Gramatika, at Retorika”.
Quezon City, Philippines. Vibal group, Inc.

B. Online:

C. Offline: (Downloaded materials: soft copy pdf form, youtube, video, etc…)
D. Online links: https://www.youtube.com/watch?v=kghdB7q-QE4

ARALIN

1 PAKSA: Pantikan: Mahatma Gandhi (Tula)

PANIMULA

Mga dakilang Asyano, modelong totoo;


Katapangan, kabayanihan, at damdaming
Nasyonalismo, sa kanila’y nakatatak, iyong mapipiho

Ipinagmamalaki mo ba na ikaw ay isang Asyano? Maliban kina Dr. Jose Rzal, Andres Bonifacio, may
kilala ka rin bang iba pang Asyano na ipinaglaban ang kaniyang sariling bayan mula sa pananakop? May
kakilala ka rin bang Asyano na nagbigay ng aral at kaisipan na nagagamit pa rin sa kasalukuyan? Iyong
tutunghayan ngayon ang isang tula ukol sa bayani ng India na naging isang dakilang Asyanao dahil
ipinakita niya ang labis na pagmamahal sa kanyang bayan.

Mga Layunin

Sa pagtatapos ng araling ito, ako ay inaasahang:

 Nakasusuri ng isang akdang elehiya.


 Nakapagpupuno ng akmang anyo ng pinasidhing anyo ng salitang bubuo sa diwa ng
pangungusap

Pagtuklas sa Naunang Kaalaman

Punan ang K-W-H-L Tsart sa ibaba upang matukoy ang iyong naunang kaalaman
at pag-unawa sa paksang tatalakayin, ang “Mahatma Gandhi.”

Ano ang Alam Ko Ano ang Gusto kong Paano pa Ako Ano ang aking
Malaman Matututo Natutuhan

Mga kasanayan na inaasahan kong aking magagamit:

Mahahalagang Tanong

Narito ang gabay na tanong na kailangan mong tandaan hanggang matapos nating basahin ang
tula. Sasagutin mo ito pagkatapos ng pagbabasa.

1. Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng taong namumuno sa Pilipinas upang ang ating
bansa ay makaahon sa kahirapan at korupsiyon?
2. Bakit kailangang gumamit ng wastong mga kataga/pahayag sa pagpapasidhi ng damdamin?

Maikling Pagsasanay

Sino-sino ang mga kilala mong magigiting o bayaning Asyano? Isulat ang kanilang pangalan sa
kahon gayundin ang pinakamahalagang bagay na kanilang nagawa sa buhay.

Mga Bayani o kilalang


Asyanong kilala ko at ang
pinakamahalagang bagay
na kanilang nagawa sa
buhay.

PAGTALAKAY:
Alam mo ba?

Si Mohandas K. Gandhi ay isang dakilang guro, isang idealista,


at praktikal na tao. Siya ay higit na kilala sa pangalang “Mahatma” na
hango sa wikang Sanskrit na ang ibig sabihin ay “Dakilang Kaluluwa”
o “Dakilang Nilalang.” Binigyang-diin niya ang pagmamahal sa
sandaigdigan at paggamit ng mapayapang paraan sa paglutas ng mga
suliraning pambansa at pandaigdig man.
Siya ay ipinanganak noong Oktubre 2, 1862 sa Porbandar,
India. Ang kanyang ama ay si Karamchand Gandhi at ang kanyang ina
ay si Putlibai. Ang kanyang ina ay nagkaroon ng malaking
impluwensiya sa kanya. Si Putlibai ay isang mapagmahal na ina.
Itinuro niya sa kanyang mga anak ang malaking kahalagahan ng
pagdidisiplina sa sarili, ang di-karahasan, at ng pagiging tapat.
Si Mohandas K. Gandhi ay nagsumikap na sundin ang landas ng katotohanan kahit noong siya’y
bata pa. Minsan, bumisita ang Education Inspector sa kanilang paaralan at nang napansin ng kanyang
guro na mali ang pagkabaybay niya ng salitang kettle ay tila sinenyasan siyang kumopya sa kanyang
katabi upang maging perpekto ang record ng klase. Hindi niya ito ginawa.
Noong siya’y labintatlong taong gulang pa lamang, ikinasal siya kay Kasturbai na labintatlong
gulang din, ayon sa kaugaliang Hindu. Nanirahan sila sa bahay nina Gandhi. Nagpatuloy pa rin si
Mohandas ng pag-aaral at hinangad niyang maturuan ang kanyang asawa.

BASAHIN NATIN

Mahatma Gandhi
Amado V. Hernandez

Ang paglilider mo’y namumukod-tangi


Pulos halimbawa’t walang talumpati;
Iyong inaakay ang buo mong lahi
Sa paghihimagsik na may ibang uri.

Wala kayong armas na gamit sa laban


Kundi boykoteo ng dayong kalakal;
Kung wala nang damo’y lilipad ang balang,
Kung wala nang ginto’y lalayas ang dayuhan!

Ika’y pasimuno sa ulirang gawa,


Unang tinupad sa sinasalita;
Naghubad ng telang sa Londres nalikha,
Naghabi ng kanya at nagbuhay-dukha.

Walang automobile, walang sulat hiyas,


Wala kang palasyo’t salaping inimbak,
Walang katungkulan ang sahog ay limpak
Pagkamakabaya’y sakripisyong lahat.

Namulat ang India… daling iwinaksi


ang diwang alipin…nais magsarili…
Ang Britanya’y tila di makatanggi…
Tiyak na lalaya ang bayang may Gandhi!

Mapalad ang India’t may Mahatma…


Ikaw, Pilipinas, saan ka pupunta?
Dito ang banyaga’y siyang sinasamba
At ang katutubo’y kuskusan ng paa!

ARALIN

2 PAKSA: MGA KATAGA/PAHAYAG SA PAGPAPASIDHI NG DAMDAMIN

PANIMULA

Maaaring ang bawat damdamin ay pinapasidhi na


ng ayon kung paano ito gagamitin. May mga kataga o pahayag na maaaring gamitin sa pagpapasidhi
ngunit kailangang angkop sa nilalaman ng bawat pahayag o taludturan kaugnay ng paksa o tema ng
akda.
Sa puntong ito ay mapag-aaralan mo ang tamang kataga o pahayag na gagamitin sa pagpapahayag ng
masidhing damdamin.

PAGTALAKAY:

Mga Kataga/Pahayag sa Pagpapasidhi ng Damdamin

Sa pagpapahayag ay mahalagang maipakita ang damdaming nais bigyang-diin o pangibabawin upang


higit na maipahayag ang kaisipan o bagay na nais maiparating. Sa ganitong sitwasyon ay mahalagang
matutuhan kung paano mapasisidhi ang pagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng mga kataga o
pahayag.

Narito ang ilang paraan kung paano maipahahayag ang masidhing damdamin.

1. Sa papamagitan ng pag-uulit ng pang-uri

 Magandang-maganda ang tinig ng mga Pilipino kapag binibigkas ang sariling wika.
 Mainit na mainit ang damdamin ng dalawang nagtatalo kanina.

2. Sa pamamagitan ng paggamit ng panlaping napaka-, nag-an, pagka-at kay-, pinaka, ka-an upang
mapasidhi o maipakita ang pasukdol na katangian ng pang-uri.

 Napakaganda ang wika nating mga Pilipino.


 Nagtatangkaran ang mga dayuhan sa pagtitipon.
 Pagkasaya-saya ng mga dayuhang bumisita sa bansa.
 Pinakanagustuhan ng tao ang balagtasan s palatuntuna.
 Kapita-pitagan ang mga Pilipinong gumagamit ng sariling wika.

3. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang gaya ng ubod, hari, sakdal, tunay, lubhang, at ng
pinagsamang walang at kasing upang mapasidhi o maipakita ang pasukdol na katangian ng pang-uri.

 Walang kasinsarap sa pandinig ang wikang Filipino.


 Sakdal husay ang galing ng mga Pilipino sa pagbigkas ng tula.
 Ubod ng lakas ang plakpak na natanggap niya mula sa manonood.
4. Sa pamamagitan ng pagpapasidhi ng anyo ng pandiwa

 Paggamit ng panlaping magpaka-


Pandiwang Pinaghanguan Pinasidhing Anyo
magsipag magpakasipag
magsanay magpakasanay
 Paggamit ng panlaping mag-at pag-uulit ng unang pantig ng salitang –ugat

Pandiwang Pinaghanguan Pinasidhing Anyo


magsalita magsasalita
magtanong magtatanong
 Pagpapalit ng panlaping-um sa panlaping mag- at nagkakaroon ng pag-uulit sa unang pantig
Pandiwang Pinaghanguan Pinasidhing Anyo
bumili magbibilihan
gumawa magagawaan
 Pagpapalit ng panlaping –u sa panlaping magpaka-
Pandiwang Pinaghanguan Pinasidhing Anyo
tumalino magpakatalino
humusay magpakahusay

5. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga pangungusap na walang paksa gaya ng…

 Padamdam- Nagpapahayag ng matinding damdamin ang mga ito.


Halimbawa:
Sugod!
Kay hirap ng buhay!
Laban!
Ang tapang!
 Maikling Sambitla- ang mga sambitlang tinutukoy ay mga iisahin o dadalawahing pantig na
nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa:
Naku!
Ara!
Grabe!
Ay!

PAGSAGOT SA MGA MAHAHALAGANG TANONG

1. Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng taong namumuno sa Pilipinas upang ang ating bansa
ay makaahon sa kahirapan at korupsiyon?
-Ang mga taong namumuno sa ating bansa ay nararapat na nagtataglay ng mga katangiang di lamang
upang maiahon ang bansa sa kahirapan at korupsiyon, kundi tumatayong modelo na maaaring maging
inspirasyon ng mamamayan. Ang mga katangiang ito ay tulad ng mga sumusunod: may malakas na
pananalig sa Diyos at may paninindigan, tapat na maglingkod sa bayan, malalapitan sa lahat ng oras,
iniisip ang kapakanan ng bansa hindi ng pansarili lamang, ipaglalaban ang tama, hindi sumusuko at
laging humahanap ng maganda at mabuting solusyon sa mga problema.

2. Bakit kailangang gumamit ng wastong mga kataga/pahayag sa pagpapasidhi ng damdamin?


-Mahalagang gumamit ng wastong mga kataga/pahayag sa pagpapasidhi ng damdamin upang higit na
maipahayag ang ating damdamin.

BUOD NG TALAKAYAN
Sa araling ito ay nakilala mo si Mohandas K. Gandhi na isang dakilang guro, isang
idealista, at praktikal na tao mula sa bansang India. Nabasa mo rin ang tulang elehiya patungkol sa
kanyang kagitingan na isinalin ng Pilipinong manunulat na si Amado V. Hernandez.
Natalakay rin sa araling ito ang kaibahan ng awit, elehiya at iba’t ibang uri ng tulang
pandamdamin. Kung saan ang awit o dalitsuyo ay nauukol sa matimyas na pagmamahal,
pagmamalasakit, at pamimighati ng isang mangingibig, ang elehiya (dalitlumbay) naman ay
tulang may dalawang katangiang pagkakakinlanlan, una, ito ay isang tula ng pananangis, lalo na
sa pag-alala sa isang yumao; ikalawa, ang himig nito ay matimpi at mapagmuni-muni, at iba pang
mga tulang pandamdamin.
Napayabong din ang iyong kasanayan sa wika sa pamamagitan ng mga kataga/pahayag sa
pagpapasidhi ng damdamin upang higit na maipahayag ang kaisipan o bagay na nais maiparating.
Department of Education
Division of Nueva Vizcaya
Diocese of Bayombong Educational System (DBES)
Saint Louis School, Solano, Nueva Vizcaya

Saint Mark School


---o0o---

DBES LEARNING ACTIVITY SHEET/GAWAING PAGKATUTO

Asignatura: Filipino 9
Guro: _______________________________________

Pangalan : ___________________________________________________________________
Baitang at Seksiyon : _________________________________Mga Sakop na Petsa : _______________
Linggo Blng.: 2 Puntos : _______________

Gawaing 1. Pagsusuri ng Akda


Basahin ang isang halimbawa ng tulang elehiya na mula sa bansang Bhutan na isinalin sa
Wikang Filipino. Mararamdaman sa tulang ito ang lungkot at panghihinayang ng may-akda. Ito ay
bunsod ng epektibong pagkakahabi ng iba’t ibang elemento ng tula katulad ng tema, mga tauhan,
tagpuan, mga mahihitigang kaugalian o tradisyon, wikang ginamit, pahiwatig o simbolo, at damdamin.
(Tatlong puntos bawat bilang)

Elehiya sa Kamatayan ni Kuya


Bhutan
Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte

Hindi napapanahon! At ligaya di-malilimutan


Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay
Ang kanyang malungkot na paglalakbay na Walang katapusang pagdarasal
hindi matanaw Kasama ng lungkot, luha at pighati
Bilang paggalang sa kanyang kahihinatnan
Una sa dami ng nakilala taglay ang di-mabigkas Mula sa maraming taon ng paghihirap
na pangarap Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral
Di maipakitang pagmamahal Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay
At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok Nawala
Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga O ano ang naganap,
Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak! Ang buhay ay saglit na Nawala

Ano ang naiwan! Pema, ang immortal na pangalan


Mga naikuwadrong larawang guhit, poster, at Mula sa nilisang tahanan
larawan, walang imahe, walang anino at walang katawan
Aklat, talaarawan, at iba pa. Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba,
Wala nang dapat ipagbunyi ang bukod ay nadaanan ng unos
Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na Malungkot na lumisan ang tag-araw
Sa pamamagitan ng luha naglandas ng Kasama ang pagmamahal na inialay
hangganan, Ang isang anak ng aking ina ay hindi nna
gaya ng paggunita makikita
Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, Ang masayang panahon ng pangarap.
ang halakhak
Tukuyin at suriin ang mga elemento ng elehiya binasa. Punan ang graphic organizer sa ibaba.
Elehiya: Para Kay Kuya
Epektibo o Hindi
Elemento Paliwanag
Epektibo
Naging epektibo dahil
nauunawaan ito ng lahat
Wikang ginamit Filipino Epektibo ng Pilipino na siyang
inaasahang babasa ng
tulang ito.

Tema

Tauhan

Tagpuan

Mga
mahihiwatigang
kaugalian o
tradisyon

Pahiwatig o
Simbolo

Damdamin

Gawian 2: Aplikasyon (10 points)

Nakapagpupuno ng Akmang Anyo ng Pinasidhing Anyo ng Salitang Bubuo sa Diwa ng


Pangungusap. Punan ng akmang anyo ng pinasidhing anyo ng salita o pahayag ang patlang upang
mabuo ang diwa ng pangungusap.

Halimbawa: (hanga) Kahanga-hanga ang taong nagmamalaki at nagmamahal sa kanyang bayan.


1. (marami) ___________________ ang magagandang dahilan upang ating mahalin ang
sariling bayan.
2. Ang mga Pilipino ay dapat (tumapang) ________________ upang magawa ang mga bagay
na nagawa nina Rizal at Gandhi.
3. Bukod sa pag-aaral ay ugaliin mo ring (magtanong) ___________________ upang mas
marami kang matutuhan at maibigay para sa iyong bayan.
4. (mainit) ______________ ang panahon ngayon.
5. Ang luto ni nanay ay _____________ (sarap)
Linggo 3

Panitikan: Sino ang Nagkaloob? (Maikling Kuwento)


Uri ng Maikling Kuwento
Panandang Pandiskurso

Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa


Pangnilalaman mga akdang pampanitikang ng Kanlurang Asya.
Ang mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng kulturang
Pamantayang Pagganap
Asyano batay sa napiling mga akdang pampanitikang Asyano.

Most Essential Learning Napatutunayang ang mga pangyayari at/o transpormasyong


Competencies (MELCs) nagaganap sa tauhan ay maaaring mangyari sa tunay na buhay

21st Century Learning Skills Maayos na pagbasa

Core Values Knowledgeable, Mannered, Responsible

Mga Sanggunian:
Mga Sanggunian:

A. Printed: Baisa J. et.al. (2018), Pinagyamang Pluma 9. Quezon Ave., Quezon City. Phoenix
Publishing House, Inc.
Amog M. et.al. (2019), Kalinangan 9 “Batayan at Sanayang Aklat sa Wika at
Panitikan”. Sampaloc, Manila. Rex Bookstore, Inc.
Malirong M.O. et.al. (2016), Hiyang Lahi 9 “Panitikan.Gramatika, at Retorika”.
Quezon City, Philippines. Vibal group, Inc.

B. Online:

C. Offline: (Downloaded materials: soft copy pdf form, youtube, video, etc…)
D. Online links:

ARALIN

1 PAKSA: Panitikan: Sino ang Nagkaloob? (Maikling Kuwento)

PANIMULA

“Ang Diyos ay hindi nagsasawang magkaloob ng biyaya.


Huwag lang tayong makalimot
Magpasalamat at manampalataya”

Hindi naging madali para sa Islamic Republic of Pakistan na makamtan ang kasarinlan, ngunit
ito’y kanilang natamasa noong ika-14 ng Agosto 1947, matapos mahati sa dalawa ang British Indian
empire- ang India at Pakistan.
Islamabad ang kabisera ng Pakistan at Urdu naman ang pambansang wika nila. Pak at Urdu ang
tawag sa kanilang pera.
Kapansin-pansin ang kanilang watawat na matingkad na luntian ang kulay at may patayong
puting guhit. Makikita mo rin dito ang disensyo ng crescent at talang may limang sulok. Ipinapahiwatig
ng dibuho ng kanilang watawat ang kanilang matibay na pananalig sa Islam. Sa kasalukuyan, 95% ng
kanilang populasyon ay Muslim at 5% lamang ang nabibilang sa iba’t ibang relihiyon.
Sa araling ito ay babasahin mo ang kuwento mula sa Pakistan kung saan makikita mo ang
matinding pananalig ng isang anak sa Diyos na siyang nagkaloob ng lahat.

Mga Layunin

Sa pagtatapos ng araling ito, ako ay inaasahang:

 Napatutunayan na ang mga pangyayari sa akda ay nangyayari rin sa totoong buhay


 Naisusulat muli ang alamat na mayroong pagbabago gamit ang mga panandang
pandiskurso
Pagtuklas sa Naunang Kaalaman

Punan ang K-W-H-L Tsart sa ibaba upang matukoy ang iyong naunang kaalaman at pag-unawa
sa paksang tatalakayin, ang “Sino ang Nagkaloob? (Maikling Kuwento).

Ano ang Alam Ko Ano ang Gusto kong Paano pa Ako Ano ang aking
Malaman Matututo Natutuhan

Mga kasanayan na inaasahan kong aking magagamit:

Mga Mahahalagang Tanong

Narito ang mga gabay na tanong na kailangan mong tandaan hanggang matapos nating basahin
ang maikling kuwento. Sasagutin mo ito pagkatapos ng pagbabasa.

1. Ano ang pinatunayan ng anak na bunso sa kanyang ama?


2. Bakit kailangang gumamit ng panandang pandiskurso pasalita man o pasulat
PAGTALAKAY:

Alam mo ba?
Hindi naging madali para sa Islamic Republic of Pakistan na
makamtan ang kasarinlan, ngunit lumaya rin ito noong ika-14 ng
Agosto, 1947, matapos mahati sa dalawa ang British Indian Empire-
ang India at ang Pakistan.
Islamabad ang kabisera ng Pakistan at Urdu naman ang
pambansang wika nila. Pak at Urdu ang tawag sa kanilang pera.
Kapansin-pansin ang kanilang watawat na matingkad na
luntian ang kulay at may patayong puting guhit. Makikita mo rin dito
ang disenyo ng crescent at talang may limang sulok. Ipinahihiwatig ng
disenyo ng kanilang watawat ang kanilang matibay na pananalig sa
Islam. Sa kasalukuyan, 95% ang kanilang populasyon na Muslim at
Watawat ng Pakis 5% lamang ang nabibilang sa iba’t ibang relihiyon.
Sa araling ito, babasahin mo ang isang kuwento mula sa
Pakistan at makikita mo ang matinding pananalig ng isang anak sa
BASAHIN NATIN

Sino ang Nagkaloob?


Mula sa salin sa Ingles ni Iqbal Jatoi ng muling-salaysay ni Ahmed Basheer
Isinalin sa Filipino ni Rogelio Mangahas

Isang mayabang na hari at may pitong anak na dalagang may nakasisilaw na kagandahan at
busilak na kawalang-malay. Mahal na mahal niya ang kanyang mga anak, lalo na ang pinakabata. Hindi
lamang iyon ang pinakamaganda sa lahat kundi siya ring pinakamahusay magluto sa buong kaharian.
Tuwing umaga, bago pulungin ang korte, tinatawag at tinatanong niya ang kanyang mga anak, “Sabihin
ninyo, mahal kong mga anak, sino ang nagkakaloob ng lahat ng inyong kinakain?” Anim sa kanila ang
dagling sumasagot, “Amang hari, kayo po ang nagkakaloob ng aming pagkain.” Ngunit ang ikapitong
prinsesa ay laging tahimik lamang.

Isang araw, pinilit ng hari na sumagot din ang ikapitong prinsesa. Sabi nito, “Ama, Diyos po ang
nagkakaloob ng lahat. Lahat ng nasa atin, lahat ng ating kinakain, kinukuha natin sa Kanya.”

Ang sagot na ito’y ikinagalit pa lalo ng hari. “Lumayas ka!” sigaw niyon, at inutusan nito ang
isang alila para ilabas ang prinsesa at iwan ito sa gitna ng gubat.

Habang ang dalaga’y nakaupo sa gubat, at malungkot na pinag-iisipan ang kanyang kasawian,
siya’y nakatulog. Kinaumagahan ay nagising siya sa malamig at malamyos na himig ng isang plawta.
Dumilat siya at nakita ang isang binatang tumutugtog ng plawta.

Nang tanungin ng prinsesa ang lalaki kung paano itong napunta sa gubat, sumagot ang lalaki,
“Pinapastulan ko po ang mga kalabaw ng aking amo, at kahapo’y nawalan ako ng isa. Kaya natatakot
akong umuwi, at lagi kong tinutugtog ang aking plawta para maakit bumalik ang nawawalang kalabaw.
Pero kayo, magandang prinsesa, paano kayong napunta rito sa gubat?”

Ang sagot ng prinsesa, “Hindi rin ako makauwi. Bakit di ka maging katulong ko, at magkasama
tayong hahanap ng matitirhan.”

Pumayag ang binata at sila’y naglakbay patungo sa silangan. Maghapon silang naglakbay nang
gutom at uhaw. Nang humahaba na ang mga anino at lumalamig na ang hangin, sila’y dumating sa mga
pader ng isang siyudad.

Ang sabi ng prinsesa, “Pumasok ka sa siyudad at hanapin doon ang pinakamayamang mag-
aalahas. Sabihin sa kanyang isang prinsesa ang naghihintay sa kanya sa labas ng pader.”

Madaling nakabalik ang lalaki, kasama ng pinakamayamang mag-aalahas ng siyudad. Bilang


kapalit ng kaakit-akit na kuwintas na may pambihira at napakamamahaling mga bato, ibinigay ng mag-
aalahas ang lahat ng hiniling ng prinsesa-isang kabayong may montura (saddle) para sa kanya, salapi, at
para sa binata ay isang barong angkop sa isang katulong ng maharlika.

Nagpatuloy sa paglalakbay ang prinsesa at ang binata. Sa wakas, dumating sila sa isang lugar na
nagustuhan nila, at ang prinsesa’y nagpasiyang magpatayo roon ng sarili niyang munting palasyo.
Tinuruan din niya ang hamak na pastol ng kalabaw ng tungkol sa mga sining ng pakikipaglaban at ng
kapayapaan.

Isang araw, habang sila’y namamasyal, sinabi ng prinsesa sa binata, “Pakikuha mo ako ng
kaunting inumin at ako’y mamamatay na sa uhaw.”

Ang binata’y agad naghanap ng tubig. At dahil Diyos ang nagkakaloob, ay madaling nakakita
ang binata ng isang batis ng malamig na tubig. Pinuno niya ang isang tasa at paalis na siya nang
makakita ng magaganda’t nagkikislapang mga rubi na nasa ilalim ng tubig. Pumulot siya ng ilan at inipit
ang mga iyon sa mga lupi ng kanyang turban.
Pagkaraan ng isang buwan at kalahati, ang palasyo’y yari na, at ang prinsesa at ang kanyang
katulong ay lumipat na roon. Madalas kunin ng lalaki sa kanyang turban ang mga rubi at pinaglalaruan
niya ang mga ito. Isang araw, naisip niya kung susundan niya ang batis, maaaring makita niya ang
pinagmumulan ng gayong kagagandang hiyas.

Inihatid siyang palayo nang palayo ng batis sa silangan, hanggang matagpuan niya ang sariling
nakatayo sa tapat ng pader ng isang malaking palasyo. Ang batis ay umaagos sa ilalim ng pader.
Gumapang siyang papasok at naglibot-libot doon. Tila walang tao sa palasyo. Sa wakas, nabuksan niya
ang isang tarangkahan patungo sa isang patyo sa loob na inaagusan ng batis ding iyon. At doon sa tabi
ng batis ay nakalagay ang ulo ng isang magandang babae, may dugong pumapatak mula roon. Ang mga
patak ng dugo ay nagiging mga rubing kumikislap pagbagsak sa tubig. Sa di-kalayuan, nakabuwal ang
walang ulong katawan ng babae.

Tumakbo siyang palayo ngunit natalisod siya sa isang makapal na tablang nakabuwal sa lupa.
Biglang-bigla, lumipad ang putol na ulo at muling umugnay sa katawan, at ang babae ay muling
nabuhay.

Naaawang tinignan ng babae ang natakot na binata at sinabi, “Binata, anong kapalaran ang
nagdala sa iyo rito? Tumakbo ka para makaligtas, kundi’y aabutan ka rito ng genie at lulurayin ka niya.”

Naglakas-loob ang binata at nagtanong ito, “Sino ka?”

“Ako’y anak ng Hari ng mga Diwata,” sagot ng babae. “Ang pangalan ko’y Lai Pari, o Pulang
Diwata. Ibig akong mapangasawa ng genie na may-ari ng palasyong ito, pero galit ako sa kanya. Kaya
ikinulong niya ako rito. Tuwing umaga, bago siya umalis para maghanap ng makakain, inilalagay niya
ako sa mahiwagang tablang ito at ang ulo ko’y natatanggal. At pagbalik niya sa gabi, binubuhay niya
akong muli. Nadidinig kong dumarating na siya. Dali, ibalik mo sa dati ang tabla para mamatay akong
muli, at magtago ka’t galit iyon.”

Sinunod ng binata ang utos ng Pulang Diwata, at katatago pa lamang niya nang mabilis na
pumasok ang umungol na genie, “Nakakaamoy ako ng tao! Nakakaamoy ako ng tao!”

Mabilis na binuhay ng genie ang babae at winika, “Nakaaamoy ako ng tao at ako’y gutom na
gutom. Sabihin mo sa akin kung nasaan ang tao para makain ko siya.” Ngunit nagmaang-maangan ang
Pulang Diwata. Kaya muli siyang pinatay ng genie at ito’y nagpatuloy sa pangangaso.

Pagkaalis ng genie, pagapang na lumabas mula sa pinagtataguan ang binata at muli niyang
binuhay ang babae sa pamamagitan ng mahiwagang tabla. Nagplano sila ng pagtakas. Sinabi sa kanya
ng Pulang Diwata na pumanaog siya sa isang munting kuwartong madilim, na katatagpuan niya ng isang
loro sa isang gintong hawla. “Pag nangangaso ang genie, iniiwan niya ang kanyang kaluluwa sa lorong
iyon, at kung wala siyang kaluluwa, mamamatay siya,” paliwanag niya. “Dali, dalhin mo sa akin ang
loro.”

Kadadala pa lang ng binata ng loro nang biglang ang mundo’y waring niyaning ng kulog at
bagyo. Sa pagsumbat ng usok ay lumitaw ang genei, na halos mabaliw sa galit.Tiyak na papatayin niya
ang dalawa. Ngunit mabilis na kinuha ng Pulang Diwata ang loro mula sa hawla at sinakal ang ibon.
Pagdaka’y bumagsak sa lupa ang genei, at namatay na parang bato.

Nakatakas ang dalawa mula sa palasyo ng genie, dala-dala ang mahiwagang tabla. Isinama ng
binata sa pag-uwi ang Pulang Diwata. Masiglang tinanggap ng prinsesa ang diwata, at madaling naging
parang magkapatid ang dalawang babae. Tuwing gabi, nahihiga sa mahiwagang tabla ang Pulang
Diwata, ang kanyang ulo’y natatanggal sa kanyang katawan, at ang dugo’y nabubuong bunton ng
kumikinang na mga rubing walang kapantay sa kaagandahan. Tuwing umaga, ginagalaw ng prinsesa at
ng binata ang tabla, at ang Pulang Diwata ay muling nabubuhay.

Pagkaraan ng ilang panahon, nagpasiya ang Pulang Diwata na umalis para sa isang mahabang
paglalakbay. Gayunman, bago umalis, nagtayo siya ng isang bagong palasyo para sa prinsesa sa tulong
ng mahiwagang tabla, at inanyayahan nila ang maraming panauhin sa malaking handaan sa bagong
palasyo. Kabilang sa mga panauhin ay ang amang hari ng prinsesa. Ang prinsesa mismo ang nagluto ng
mga paboritong pagkain ng hari para sa handaang iyon.

Nang makaupo na ang mga panauhin para sa handaan, ang hari’y napaiyak, ang mga luha’y
gumugulong sa kanyang balbas. Ang lasa ng masarap na pagkain ay nagpagunita sa kanya ng anak na
dalagang noong nagdaang panahon ay nagluluto ng gayong pagkain para sa kanya. Kaydalas niyang
pagsisihan ang pagpapalayas sa anak, at kaydalas niyang hanapin iyon sa kagubatan ngunit hindi siya
nagtagumpay.

Tinanong ng Pulang Diwata ang hari kung ano ang dahilan ng kalungkutan nito. Sinabi ng hari
kung ano ang nangyari. Nagtanong ang diwata, “Pero mahal pa po ba ninyo ang inyong anak?”

Ang sabi ng hari, “Oo, ang tanging hiling ko lamang ay makita siya bago ako mamatay.”

Bilang sagot, pumalakpak ang Pulang Diwata, at hayun! Sa harap ng hari ay nakatayo ang
prinsesa, ang nawalang anak na dalagang ngayo’y nasa hustong gulang na, hindi ikapito o pinakabata sa
katalinuhan.

Nagyakap at napaiyak ang dalawa. Sa wakas, lumuhod ang prinsesa at nagwika, “O, Ama kong
Hari, hindi po ba ang Diyos na mabait, ang Diyos na mahabagin, ang siyang nagkakaloob ng lahat ng
bagay? Tingnan ninyo kung paanong ibinigay Niya sa akin ang palasyong ito at ang malaking
kayamanang mga rubi, samantalang hindi man lamang ninyo matagpuan ang isang nawawalang anak.”

Napagtanto ng hari ang kanyang pagkakamali. “Oo,” sabi niya, “Ang Diyos ang tunay na
nagkakaloob ng lahat.” At ang hari at ang kanyang anak ay nabuhay na maligaya mula noon.

Karagdagang Kaalaman…
IBA PANG URI NG MAIKLING KUWENTO
Marami pang iba’t ibang uri ng kuwento ang kinaiibigang basahin ng marami tulad ng sumusunod:
1. Kuwento ng Pakikipagsapalaran- Ang pagkawili ay nasa balangkas o pangyayari sa halip na
sa mga tauhan.
2. Kuwentong Kababalaghan- Ang ganitong uri ng kuwento ay pumapaksa sa mga paniniwala ng
mga tao sa kababalaghan at kataka-taka.
3. Kuwentong Sikolohiko- Ito ang pinakamahirap sulatin sapagkat sinisikap nitong pasukin ang
kasulok-sulukang pag-iisip ng tauhan at ilahad ito sa mga mambabasa.
4. Apologo- Ang layunin nito ay hindi lumibang sa mga mambabasa kundi ang mangaral sa kanila.
5. Kuwentong Pangkatauhan- Ang nangingibabaw sa kuwentong ito ay ang katauhan ng
pangunahing tauhan.
PANANDANG PANDISKURSO
Nakatutulong sa pagbibigay-linaw at ayos ng pahayag ang paggamit ng panandang
pandiskurso. Maaaring ang pananda ay manghudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o
di kaya ay manghimaton tungkol sa pagkabuo ng diskuros. Ginagamit din ang mga ito upang ipakita
ang pagbabago ng paksa, pagtitiyak, pagbibigay halimbawa, opinyon at paglalahat.
Ang sumusunod ay halimbawa ng mga panandang pandiskurso.
1. Panadang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa bandang huli.

Nang sumunod na araw Pagkatapos


Sa dakong huli

2. Panandang naghuhudyat ng pagkabuo ng diskurso


Ang sumusunod ay uri ng panandang naghuhudyat ng pagkabuo ng diskurso:

a. Pagbabagong-lahad
Kung tutuosin Sa ganang akin
Sa ibang salita Kung iisipin

b. Pagtitiyak
Kagaya ng Tulad ng

c. Paghahalimbawa
Halimbawa Sa pamamagitan
Isang magandang halimbawa ay

d. Paglalahat
Sa madaling sabi Bilang pagtatapos
Bilang Paglalahat

e. Pagbibigay-pokus
Pansinin na Tungkol sa
Bigyang pansin ang

f. Pagkakasunod-sunod ng Pangyayari
Ang sumunod una
Ang Katapusan Susunod
3. Panandang naghuhudyat ng pananaw ng may-akda
Kung ako ang tatanungin Sa aking palagay
Sa tingin ko Kaya lamang
Bagaman

PAGSAGOT SA MGA MAHAHALAGANG TANONG

1. Ano ang pinatunayan ng anak na bunso sa kanyang ama?


-Pinatunayan ng anak na anumang biyaya na ating tinatamasa ay nagmumula lamang sa ating Panginoon
at wala ng iba.
2. Bakit kailangang gumamit ng panandang pandiskurso pasalita man o pasulat?
-Kinakailangang gumamit ng panandang diskurso upang mabigyang-linaw at maayos ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga kaisipang inilalahad pasalita man o pasulat.

BUOD NG TALAKAYAN
Department
Sa araling ito ay nabasa mo ang isangofmaikling
Education
kuwentong pinamagatang, “Sino ang
Nagkaloob” mula sa bansang Pakistan. Nalaman mo na ang lahat ng bagay at biyayang natatamasa
Division of Nueva Vizcaya
ay mula sa Panginoong Diyos at di nanggaling sa kung kanino. Matuto tayong tumanaw ng utang
Diocese of Bayombong Educational System (DBES)
na loob at magpasalamat sa mga natatanggap natin, maliit man ito o malaki.
Saint Louis School, Solano, Nueva Vizcaya
Maliban sa mga uri ng maikling kuwentong tinalakay sa nakaraang markahan, sa araling
Saint
ito ay tinalakay rin ang iba pang uri ng Mark Schoolkuwento. Ang mga kuwentong ito ay
mga maikling
---o0o--- Ang tungkulin ng mga kuwentong ito ay
natatangi at kapwa may kanya-kanyang gampanin.
magkakaiba ngunit isa lamang ang hangarin, ang makapanghikayat, magbigay-aral at makapag-
engganyo saDBES
mga mambabasa
LEARNING at mahasa rin ang
ACTIVITY angking talento ng manunulat.
SHEET/GAWAING PAGKATUTO
Napag-aralan ang mga kataga
Asignatura: o 9pahayag na maaari nating gamitn sa pagpapahayag ng
Filipino
masidhing damdamin na makatutulong sa pagbibigay-linaw at ayos ng ating mga pahayag.
Guro: _______________________________________

Pangalan : ___________________________________________________________________
Baitang at Seksiyon : _________________________________Mga Sakop na Petsa : _______________
Linggo Blng.: 3 Puntos : _______________

Gawain 1.

Pagsasanay 1

Basahin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang panandang pandiskursong ginamit bago ang
numero.

1. Sa tingin ko, ang mga Pilipino ay may matibay na pananampalataya sa


Diyos.
2. Kung tutuosin, napakarami na nating pinagdaanan bilang
mamamayang Pilipino.
3. Ngunit nananatili pa rin tayong matatag, kagaya ng punong kawayan
na yumuyukod kapag may bagyo ngunit tumatayong muli at hindi
nababali.
4. Bagaman mahirap ay sinisikap nating pagaanin ang buhay.

5. Sa aking palagay, hinuhugot natin ang lakas na ito sa paniniwala


nating hindi tayo bibigyan ng isang problemang hindi natin kakayanin.

Gawain 11.

A. Basahin at suriin ang pahayag ng mga tauhan sa kuwento. Isulat ang uri ng tunggaliang
nangingibabaw sa pahayag at ipaliwanag kung bakit ito ang uring iyong napili.

“Sabihin ninyo, mahal kong mga anak, sino ang nagkakaloob ng lahat ng inyong
kinakain?” Anim sa kanila ang dagling sumasagot, “Amang hari, kayo po ang nagkakaloob
ng aming pagkain.” Ngunit ang ikapitong prinsesa ay laging tahimik lamang.
Isang araw, pinilit ng hari na sumagot din ang ikapitong prinsesa. Sabi nito, “Ama,
Diyos po ang nagkakaloob ng lahat. Lahat ng nasa atin, lahat ng ating kinakain, kinukuha
natin sa Kanya.”
Ang sagot na ito’y ikinagalit pa lalo ng hari. “Lumayas ka!” sigaw niyon, at inutusan
nito ang isang alila para ilabas ang prinsesa at iwan ito sa gitna ng gubat.
Paliwanag:
Uri ng Tunggalian

B. Ang mga pangyayari at transpormasyong naganap sa tauhan na natunghayan natin sa kuwentong


binasa ay sadyang nangyayari sa tunay na buhay. Pumili ng isang pangyayari sa isang kuwento na
naranasan mo o ng isa pang kakilala at isulat ito sa kahon sa ibaba. Sa sumunod na kahon anaman
ay isulat ang transpormasyong naganap sa tauhan na naranasan mo o ng iyong kakilaa.

Pangyayari sa Kuwento:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Karanasan ko o Karanasan ng Isang Kakilala: ________________________________________
______________________________________________________________________________
Transpormasyong Naganap sa Tauhan:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_
Transpormasyong Naganap sa Akin o sa Kakilala:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Linggo 4
Panitikan: Ang Pinagmulan ng Tatlumpu’t Dalawang Kuwento ng Trono (Alamat)

Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa


Pangnilalaman mga akdang pampanitikang ng Kanlurang Asya.
Ang mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng kulturang
Pamantayang Pagganap
Asyano batay sa napiling mga akdang pampanitikang Asyano.
1. Napatutunayan ang pagiging makatotohanan/di makatotohan ng
Most Essential Learning
may-akda.
Competencies (MELCs)

21st Century Learning Skills Maayos na pagbasa

Core Values Knowledgeable, Mannered, Responsible

Mga Sanggunian:

A. Printed: Baisa J. et.al. (2018), Pinagyamang Pluma 9. Quezon Ave., Quezon City. Phoenix
Publishing House, Inc.
Amog M. et.al. (2019), Kalinangan 9 “Batayan at Sanayang Aklat sa Wika at
Panitikan”. Sampaloc, Manila. Rex Bookstore, Inc.
Malirong M.O. et.al. (2016), Hiyang Lahi 9 “Panitikan.Gramatika, at Retorika”.
Quezon City, Philippines. Vibal group, Inc.

B. Online:

C. Offline: (Downloaded materials: soft copy pdf form, youtube, video, etc…)
D. Online links: https://www.youtube.com/watch?v=u8ZaSJeQsv4

ARALIN

1 PAKSA: Panitikan: Ang Pinagmulan ng Tatlumpu’t Dalawang Kuwento ng


Trono (Alamat)

PANIMULA

Magandang araw! Sa araling ito ay mababasa mo ang isang panitikan na pinamagatang “Ang
Pinagmulan ng Tatlumpu’t Dalawang Kuwento ng Trono.” Ito ay tumatalakay sa kahalaghan ng
pamilya, mahusay na pamumuno at pagsisiwalat sa katotohanan.

Mga Layunin

Sa pagtatapos ng araling ito, ako ay inaasahang:

 Nasusuri kung makatotohanan o hindi makatotohanan ang mga pangyayari sa alamat.


 Nabibigyang-kahulugan ang kilos, gawi, at karakter ng mga tauhan batay sa akda

Mga Mahahalagang Tanong


Narito ang mga gabay na tanong na kailangan mong tandaan hanggang matapos nating basahin ang
alamat. Sasagutin mo ito pagkatapos ng pagbabasa.

1. Paano napatunayan sa akda na ang katotohanan ay hindi maitatago at lalabas din sa bandang huli?
2. Paano ba maging mabuting pinuno? Ano-ano ang magiging pamantayan mo kapag ikaw na ang
pipili o boboto ng magiging pinuno sa bayan mo?
Maikling Pagsasanay

Nakikilala ang salitang may magkatulad/ magkasalungat na kahulugan. Tukuyin kung ang pares ng
salitang nakalahad sa ibaba ay may magkatulad o magkasalungat na kahulugan. Isulat ang sagot sa
patlang.

__________________1. mayaman- maralita


__________________2. naulinigan- narinig
__________________3. nagpapanggap- nagkukunwari
__________________4. dampa-palasyo
__________________5. kakatwa-pangkaraniwan

PAGTALAKAY:

BASAHIN NATIN

Ang Pinagmulan ng Tatlumpu’t Dalawang Kuwento ng Trono (BUOD)

May isang binatang kasama ang kanyang ina na may-ari ng maliit na dampa at kapirasong lupang
tinatamnan ng gulay. Dahil sa pagnanais ng binatang Brahman, na magkaroon ng asawa, nangutang siya
sa kanilang kamag-anak at kaibigan. Natuloy ang kasal dahil sa limpak-limpak na pera na ibinigay sa
kanila. Ang kanyang asawa ay nangangalang Mela. Laging pinag-iingat si Mela ng ina ng binata dahil sa
mga shakchunni o mga espiritung na may hangad na magpanggap bilang asawa. Naubusan na ng salapi
ang mag-asawa at umalis ang binata sa kanilang tirahan para magtrabaho. Narinig ito ng isang espiritu
na narinig ang pag-uusap ng mag-asawa ang nagpalit-anyo para maging asawa ni Mela pagkatapos
umalis ang kanyang asawa. Ang totoong Brahman ay nagsipag sa kanyang trabaho sa lungsod. Noong
pag-uwi niya sa kanilang tirahan, nagulat siya dahil may lalaking kamukhang-kamukha niya. Sobrang
litong-lito si Mela at ang ina ng Brahman kung sino ang totoong Brahman. Sumangguni sila sa raha para
mairesolba ang kaso ngunit hindi din nairesolba ang kaso. Habang papauwi na siya mula sa korte ng
raha, nakita siya ng isang bata at tinanong kung bakit siya malungkot. Pagkatapos niya ito sagutin,
sinamahan siya sa isang batang nakaupo sa bunton ng lupa. Kwinento ng totoong Brahman ang
pangyayari at sinabi ng bata na papuntahin ang nagbabalat-kayong espiritu sa kanya. Pumunta rin ang
raha para makita kung paano maireresolba ang kaso. May isang pagsubok ang pinagawa ang Bata sa
kanilang dalawa. Ang unang makapasok sa garapon ang siyang panalo. Katwiran ng totoong Brahman
na paano siya magkakasiya diyan habang ang impostor ng Brahman ay nagpalit-anyo bilang hangin at
pumasok sa garapon, dali- dali na tinakpan ng bata ang garapon at nakulong na ang espiritu. Namangha
ang raha sa kanyang nakita at tinanong ang batang nakaupo sa bunton ng lupa, kung paano niya ito
nagawa. Sabi ng bata na ang bunton ng lupa ay kanilang nadiskubre habang sila ay nagpapastol at
nalaman nila ang lupa ay nagbibigay ng pambihirang katalinuhan sa sinumang umupo rito. Pinautos ng
raha ang pagbungkal ng lupa para makita kung ano ang laman ng bunton ng lupa. Nakita ng raha ang
isang trono na may tatlumput- dalawang anghel sa paligid nito. Sabi ng mga anghel na ang trono ay
pagmamay-ari ng dakilang Raha Vikramaditya. Sa huli ay binuhat ng mga anghel ang trono papalayo
nang papalayo sa raha hanggang napaisip nalang ang raha na hindi niya taglay ang mga katangian tulad
ng kabutihan, lubos na katapatan, pagiging patas, at walang kinikilingan.
Kinuha sa: https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-9-ang-pinagmulan-ng-tatlumput-dalawang-kuwento-ng-
trono ( Sept. 15, 2021)

PAGSAGOT SA MGA MAHAHALAGANG TANONG

.
1. Paano napatunayan sa akda na ang katotohanan ay hindi maitatago at lalabas din sa bandang huli?
-Sa bandang huli, nalaman ng lahat kung sino ang totoong brahman at nahuli ang nagpapanggap at
nagsisinungaling. Nakita rito na hindi maitatago nang matagal na panahon ang pangkukunwari at
kasinungalingan dahil ito ay pansamantala lamang kaya mas maigi na mula simula ay magiging
totoo ka sa iyong sarili at sa iyong kapwa.

2. Paano ba maging mabuting pinuno? Ano-ano ang magiging pamantayan mo kapag ikaw na ang
pipili o boboto ng magiging pinuno sa bayan mo?
-Ang isang mabuting pinuno ay laging iniisip ang kapakanan ng kanyang nasasakupan. Siya ay
may lubos na kabutihan, katapatan, pagiging patas at walang kinikilingan at pagiging
makatarungan nang sa gayon kanyang maisasakatuparan nang buong husay ang paglilingkod sa
bayan.

BUOD NG TALAKAYAN

Ang binasa ay isang alamat na nagmula sa India at naging popular binabasa ng lahat sa
nabanggit na lugar kung saan pinapakita rito ang kahalagahan ng pamilya at pagiging mabuting
pinuno. Pinakita rin sa akda ang hindi magandang ugali ng tao, ang pagpapanggap ay may
kaugnayan sa pagsisinungaling.
Binibigyang-diin sa kuwento ang kahalagahan ng pamilya dahil kailanman ay walang
pwedeng pumalit dito. Sa bandang huli ng kuwento ipinapakita na walang lihim ang hindi
nabubunyag at walang katotohanan ang hindi nalalaman. Pinakita rin dito ang kahusayan ng isang
pinuno.
Department of Education
Division of Nueva Vizcaya
Diocese of Bayombong Educational System (DBES)
Saint Louis School, Solano, Nueva Vizcaya

Saint Mark School


---o0o---

DBES LEARNING ACTIVITY SHEET/GAWAING PAGKATUTO

Asignatura: Filipino 9
Guro: _______________________________________

Pangalan : ___________________________________________________________________
Baitang at Seksiyon : _________________________________Mga Sakop na Petsa : _______________
Linggo Blng.: 4 Puntos : _______________

Gawain 1

A. Ano-anong pangyayari sa alamat ang maituturing na makatotohanan at alin-alin ang hindi


makatotohanan? Isulat ang mga ito sa sumusunod na tsart. Bumuo rin ng kongklusyon tungkol sa
pagiging makatotohanan o hindi ng mga alamat.

Makatotohanan Hindi Makatotohanan

Isulat dito ang iyong kongklusyon:

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

B. Nabibigyang-Kahulugan ang Kilos, Gawi, at Karakter ng mga Tauhan Batay sa Akda.


Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. (5 points)

________1. “Asawa ko, bakit kailangan mo pang umalis. Masaya ako kahit mahirap ang ating
buhay basta’t magkakasama tayo.” Ipinakikilala niyong ang asawa ng
Brahman ay…
a. Matatakutin at nerbiyosa c. mapagmahal na asawa
b. Selosa at walang tiwala
________2. “Kailangan kong umalis, Mela. Tingnan mo nga ang buhay natin, napakahirap.
Gusto kong magkaroon ng malaking bahay at maraming salapi.” Ipinakikilala nitong ang
Brahman ay …
a. May mataas na ambisyon at labis na mapaghangad
b. Gustong makaranas ng naiibang buhay sa lungsod
c. Nagnanais makipagsapalaran at tuloy makaiwas sa mga gawain sa bukid
________3. “Hindi na ako tumuloy. Hindi ko pala kayo kayang iwan”, ang masayang sabi nito
sabay yakap sa dalawang babaeng naiiyak sa tuwa dahil sa pagbabalik ng
inaakala nilang Brahman. Ipinakikilala nitong ang espirito ay …
a. Mapanlinlang at mapagsamantala
b. Mapagpanggap pero mabait
c. Nananabik talaga sa pagmamahal ng isang pamilya
________4. “Hindi na po uli ito mangyayari. Ang tunay ko po palang kayamanan ay ang aking
minamahal na ina at asawa”, ang sabi ng Brahman habang mahigpit na
niyayakap ang kanyang asawa at ina. Ipinakikilala nitong ang Brahman ay …
a. Natatakot sa naging pasya ng raha para sa kanya
b. Nagsisi at natuto mula sa kanyang naging karanasan
c. Naghihirap ang kalooban dahil sa pangyayari
________5. “Ang tronong ito’y pag-aari ng dakilang Raha Vikramaditya. Bago ka maupo rito,
ipakita mo munang kapantay mo siya sa tapang at dunong. Makinig ka at
sasabihin naming sa iyo kung gaano siya kadakila.” Ipinakikilala ng pahayag
na ito na ang kanilang Raha Vikramaditya ay …
a. Isang tanyag at kilalang pinuno
b. Isang mahusay at iginagalang na pinuno
c. Isang mayaman at hindi malilimutang pinuno
Linggo 5

Wika: Uri ng Pang-abay

Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa


Pangnilalaman mga akdang pampanitikang ng Kanlurang Asya.
Ang mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng kulturang
Pamantayang Pagganap
Asyano batay sa napiling mga akdang pampanitikang Asyano.
Nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon , panlunan at
Most Essential Learning
pamaraan sa pagbuo ng alamat
Competencies (MELCs)

21st Century Learning Skills Maayos na pagbasa

Core Values Knowledgeable, Mannered, Responsible

Mga Sanggunian:

A. Printed: Baisa J. et.al. (2018), Pinagyamang Pluma 9. Quezon Ave., Quezon City. Phoenix
Publishing House, Inc.
Amog M. et.al. (2019), Kalinangan 9 “Batayan at Sanayang Aklat sa Wika at
Panitikan”. Sampaloc, Manila. Rex Bookstore, Inc.
Malirong M.O. et.al. (2016), Hiyang Lahi 9 “Panitikan.Gramatika, at Retorika”.
Quezon City, Philippines. Vibal group, Inc.

B. Online:

C. Offline: (Downloaded materials: soft copy pdf form, youtube, video, etc…)
D. Online links: https://www.youtube.com/watch?v=9TCL3JhlOT8

ARALIN

1 PAKSA: Uri ng Pang-abay

PANIMULA

Matapos mong mabasa ang alamat na, “Ang Pinagmulan ng tatlumpu’t Dalawang Kuwento ng
Trono,” mapag-aaralan mo na sa araling ito ang kaibahan ng pang-uri at pang-abay, ganoon din ang iba’t
ibang uri at gamit ng pang-abay.

Mga Layunin

Sa pagtatapos ng araling ito, ako ay inaasahang:

 Natutukoy ang mga pang-abay.


 Nakabubuo ng alamat gamit ang mga pang-abay na pamaraan, pamanahon at panlunan.

Pagtuklas sa Naunang Kaalaman


Punan ang K-W-H-L Tsart sa ibaba upang matukoy ang iyong naunang kaalaman at pag-unawa
sa paksang tatalakayin, ang Uri ng mga Pang-abay.

Ano ang Alam Ko Ano ang Gusto kong Paano pa Ako Ano ang aking
Malaman Matututo Natutuhan

Mga kasanayan na inaasahan kong aking magagamit:

Mga Mahahalagang Tanong

Narito ang mga gabay na tanong na kailangan mong tandaan hanggang matapos nating basahin ang
aralin. Sasagutin mo ito pagkatapos ng pagbabasa.

1. Ano ang pagkakaiba ng mga pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan?

PAGTALAKAY:

ISAISIP NATIN

Balikan muna natin kung ano ang pang-abay at pang-uri.

Pang-abay Pang-uri Pandiwa

Ito ay mga salitang Naglalarawan sa


nagbibigay-turing sa pangngalan, ngalan ng tao, Salitang kilos o galaw.
pandiwa, pang-uri at kapwa bagay, pook o pangyayari at
pang-abay. panghalip Hal.
Hal. 1. Tumakbo ang bata sa
1. Malinis ang bakuran lansangan.
ng pamilya Cruz. 2. Nanonood ng
2. Matamis ang prutas pelikula ang
na dala ng aking magkapatid sa sala.
pamangkin. 3. Nagbabasa ng
3. Mabilis ang itim na alamat ang buong
kabayo. klase.

Ating alamin ngayon ang iba’t ibang uri ng pang-abay.

Uri ng Pang-abay Kahulugan Mga halimbawa


1. Pamanahon Nagsasaad kung kailan ginanap,  Tuwing Pasko nagtitipon ang aming
ginaganap o gaganapin ang pamilya
pandiwa ng pangungusap. -Kailan kami nagtitipon?
Sumasagot ito sa tanong na Sagot: Tuwing Pasko
kailan. May dalawang uri ito,  Manonood kami bukas ng Tawag sa
ang may panandang yaong Tanghalan.
(nang, sa, noong, kung, tuwing, -Kailan kami manonood?
buhat, mula, umpisa) at walang Sagot: Bukas
pananda (kahapon, kanina,  Ayon sa nakakatanda ay nagaganap
ngayon, mamaya, bukas, sandali, ang pangyayaring ito noong unang
atbp.) panahon.
-Kailan naganap ang pangyayari?
Sagot: Noong unang panahon
 Aawit ako kung aawit ka rin.
-Kailan siya aawit?
Sagot: Kung aawit ka rin
 Sumayaw kami kahapon sa
palatuntunan
-Kailan kami sumayaw?
Sagot: Kahapon
2. Panlunan Ginagamit ang pariralang sa na  Buksan mo ang pinto sa kusina.
kumakatawan sa lugar kung saan -Saan mo bubuksan ang pinto?
ginawa ang kilos. Sumasagot sa Sagot: Sa Kusina
tanong na saan.  Pumunta sa bayan ang mag-asawa.
-Saan pumunta ang mag-asawa?
Sagot: Sa bayan
 Sa silid-aklatan siya gumuguhit.
-Saan siya gumuguhit? Sagot: Sa
silid-aklatan
 Ang pagluluto ay sa bahay
gaganapin.
-Saan magaganap ang pagluluto?
Sagot:Sa bahay
 Sa tanghalan sila nagsasayawan.
-Saan sila nagsasayaw? Sagot: Sa
Tanghalan
3. Pamaraan Sumasagot sa tanong na paano  Masayang nagbabasa ang mga mag-
ginanap, ginaganap at gaganapin aaral.
ang pandiwa. -Paano magbasa ang mag-aaral?
Sagot: Masaya
 Sinuntok ko siya nang malakas.
-Paano ko siya sinuntok?
Sagot: Malakas
 Kumain ako nang mabilis para
makanood agad sa telebisyon.
-Paano ako kumain? Sagot: Mabilis
 Sumigaw nang malakas ang pulis.
-Paano sumigaw ang pulis?
Sagot: Malakas
 Tumakbo nang mabagal ang aso.
-Paano tumakbo ang aso?
Sagot: Mabagal
4. Panggaano Nagsasaad ng sukat o timbang.  Ang mga taong nakabasa ng alamat ay
Sumasagot sa tanong na gaano. dumami nang isang daang porsiyento
-Gaano karami ang nagbabasa ng
alamat?
Sagot: Isang daang porsiyento
 Tumakbo ako nang limang kilometro
kanina.
-Gaano kalayo ang tinakbo ko?
Sagot: limang kilometro

Tumaba ako nang isang kilo.
-Gaano ako tumaba?
Sagot: Isang kilo
 Naglakad kami nang isang kilometro
papunta sa bahay.
-Gaano kalayo ang nilakad namin?
Sagot: isang kilometro
 Bumili nang tatlong kilong karneng
baboy si tatay.
-Gaano karami ang binili nit tatay?
Sagot: Tatlong kilo
5. Kataga o Ingklitik Katagang karaniwang Ang mga pang-abay na ingklitik ay ang
sumusunod sa unang salita ng mga sumusunod:
pangungusap. man kasi sana nang
kaya yata tuloy Lamang,
lang
Din/ ba pa muna
rin
pala na nama Daw/raw
n

Halimbawa:

 Makikita rin ang paniniwala at
kultura ng isang pamayanan sa
pamamagitan ng alamat.

 Aalis sana siya kanina.

 Pumunta pa siya sa bahay.

 Ikaw ba ang dumating?

 Naglalaba raw siya hanggang


ngayon.

 Kung papansinin mo ang mga


kataga ay makikita pagkatapos ng
unang salita ng pangungusap.
6. Pang-agam walang katiyakan o pag--  Baka gumagawa siya ng proyekto niya
aalinlangan sa taas.
 Marahil naging mahirap humanap ng
trabaho ngayon
 Tila masaya ang sumayaw sa harap ng
maraming tao.
 Baka kumain siya ng marami kaya
nagkasakit ang kaniyang tiyan.
 Tila hindi maayos ang pagkakagawa ng
aming mesa
7. Benepaktibo Benepisyo para sa isang tao.  Ang sampung milyong pisong
Ito ay karaniwang binubuo ng nakokolekta araw-araw ay ginagamit
pariralang pinangungunahan para sa mga pangangailangan ng
ng para sa. mga nasalanta ng bagyo.
 Ang pagtratrabaho ng magulang ay
para sa kanilang mga anak.
 Ang pagluluto niya ng ulam ay para
sa kanyang asawa.
 Ang pagsusumikap niya sa buhay ay
para sa kanyang mga magulang.
8. Kawsatibo Dahilan ng pagganap sa kilos.  Dahil sa bagong gusali ay nagbigyan
Ito’y makikilala sa parirala o ng trabaho ang mga maraming tao.
sugnay na pinagungunahan ng  Sumayaw ang mga mag-aaral dahil
dahil sa. sa kondisyon ng guro.
 Dahil sa kaingayan kaya nagalit ang
aking ina.
 Dahil sa iyo ay pinalabas din ako ng
ating guro.
 Naglinis siya ng buong kwarto dahil
sa pagkalat ng papel.
9. Kondisyonal -kondisyon para maganap ang  Bibilis kang magbasa kung
kilos. Ito ay may mga sugnay o magsasanay ka palagi.
pariralang pinangungunahan  Lalaki kang marunong kung
ng kung, kapag, o pag at makikinig ka sa sinasabi ko.
pagka.  Aalis lang tayo kapag naubos mo
ang iyong kinakain.
 Ako ay magluluto kung hindi ka
aalis.
 Magiging maunlad ang isang
bayan kung susuporta ang mga
taumbayan
10. Panang-ayon -pagsang-ayon. Ang mga  Oo, sasama ako sa inyo.
halimbawa nito ay oo, opo,  Tunay na malaki ang kontribusyon
yunay, talaga, totoo, sadya, at ng India sa sibilisasyon ng mundo.
iba pa.  Talaga palang pinag-ipunan niya ang
kanyang pinag-aaral.
 Tunay na maganda siya
 Talagang maayos siya sa sarili.
 Totoong gumagawa siya ng mga
porselas.
11. Pananggi -nagsasaad ng pagtanggi, tulad  Hindi kailanman sumakop ng kahot
ng hindi/di at ayaw. na anong bansa ang India sa kanyang
100,000 kasaysayan.
 Hindi pa lubusang napag-aaralan ang
Covid19.
 Ayoko ng sumama sa palaruan bukas.

Ang paggamit ng mga pang-abay ay nakatutulong upang maging buhay ang daloy ng mga
pangyayari sa isang kuwento tulad ng alamat.

PAGSAGOT SA MGA MAHAHALAGANG TANONG

1. Ano ang pagkakaiba ng mga pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan?


- Ang pang-abay na pamaraan ay nagsasaad kung paano naganap ang kilos ng pandiwa. Ito ay
sumasagot sa tanong na PAANO. Ang pang-abay na panlunan ay nagsasaad kung saan naganap ang
kilos ng pandiwa at ito’y sumasagot sa tanong na SAAN, at ang pamanahon ay nagsasaad kung kailan
nagaganap o magaganap ang kilos at ito ay sumasagot ito sa tanong na KAILAN.

BUOD NG TALAKAYAN

Dito ay natutuhan mo rin kung kailan gagamitin ang pang-uri at pang-abay sa


paglalarawan at pagbibigay-turing. Nakita mo rin ang pagkakaiba ng mga iba’t ibang uri ng pang-
abay kung saan magagamit mo sa pagsulat at pagsalaysay.
Department of Education
Division of Nueva Vizcaya
Diocese of Bayombong Educational System (DBES)
Saint Louis School, Solano, Nueva Vizcaya

Saint Mark School


---o0o---
DBES LEARNING ACTIVITY SHEET/GAWAING PAGKATUTO

Asignatura: Filipino 9
Guro: _______________________________________

Pangalan : ___________________________________________________________________
Baitang at Seksiyon : _________________________________Mga Sakop na Petsa : _______________
Linggo Blng.: 5 Puntos : _______________

Gawain 1: Basahin at suriin ang mga pangungusap. Bilugan ang pang-abay na ginamit sa pangungusap
at Isulat sa patlang ang uri nito. (10 points)

Halimbawa: Pamaraan 1. Mabilis tumakbo ang kabayo.

___________1. Sa India nagsimula ang larong chess.


___________2. Naimbento ito noong bago pa mang-iikaanim na siglo.
___________3. Masayang nilalaro ng mga tao ang larong ito.
___________4. Hindi ako marunong maglaro nito.
___________5. Matututo ka kung maglalaan ka ng oras.
___________6. Ang bata ay naligo nang mabagal.
___________7. Naglakad yata siya papunta rito.
___________8. Dahil sa pagbabasa ko ng modyul kaya ako nakapasa sa pagsusulit.
___________9. Araw-araw kaming naliligo ng aking kapatid.
___________10. Gumaan siya nang dalawang kilos.

Pangwakas na Gawain: Bubuo ka ng sariling alamat tungkol sa isang pangkaraniwang bagay na


makikita sa iyong kapaligiran. Gumamit ng hindi bababa sa limang iba’t ibang uri ng pang-abay.
Isulat ito sa kahong nakalaan. Gawing gabay ang rubrics sa ibaba.

Pamantayan 3 2 1
Nilalaman Ang paksa o tema ay Ang paksa o tema ay Ang ginawa ay hindi
hitik at kinapupulutan taliwas sa pagiging alamat at hindi
ng aral ang alamat alamat ngunit may aral kapupulutan ng aral
Sistematiko Ang pagkakasunod- Hindi gaanong maayos Hindi maintindihan ang
sunod ng mga ang pagkakasunod- mga pangyayari
pangyayari ay maayos sunod ng mga
at sistematiko pangyayari.
Kabuoan ng Alamat Napupukaw ang interes Hindi gaanong Hindi napupukaw ang
ng mga mambabasa at napupukaw ang interes interes ng mga
mayroong orihinalidad ng mga mambabasa at mambabasa at walang
mayroong orihinalidad orihinalidad
Paggamit ng Pang- Nakagamit ng lima o Nakagamit ng hindi Hindi gumamit ng
abay higit pang uri ng pang- tatas na limang pang- pang-abay.
abay abay
Kalinisan Naiintindihan ang sulat Hindi gaanong Hindi naiintindihan ang
at malinis ang papel naiintindihan ang sulat sulat at hindi malinis
at hindi gaanong ang papel.
malinis ang papel
____________________________

Pamagat
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

You might also like