You are on page 1of 64

FIRST QUARTER MODULE

BRIEF INTRODUCTION:

Magandang araw mga minamahal kong mag-aaral! Isang maalab na pagtanggap sa inyong lahat sa
ikasiyam na baitang. Sana ay punung-puno kayo ng kagalakan na matutunan ang mga bagay-bagay sa
taong ito para sa asignaturang Ekonomiks sa kabila ng hamon ng bagong pamamaraan ng edukasyon
sa ilalim ng pandemya. Sa ating asignatura na “Ekonomiks” tayo ay nakapokus sa mga sumusunod na
aralin para sa Unang Kuwarter: Ang Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks; Mga Sistemang
Pangekonomiya; Mga Salik ng Produksiyon at ang mga Implikasyon nito; Pagkonsumo; Mga
Karapatan at Tungkulin ng Mamimili. Sa asignaturang ito, ang mga dating kaalaman sa Araling
Panlipunan ay kapakipakinabang para sa mga ibat ibang aktibiti. Sana ay inyong mapagtagumpayan
ang taong ito at malinang ang inyong mga kakayahan na ipinataw ayon sa pamantayan ng DepEd na
naka linya sa MELCs na ipinapakita ng talahanayan sa ibaba.

Pagpalain nawa kayo ng ating Poong Maykapal!

WEEK I: KAHULUGAN NG EKONOMIKS SA PANG-ARAW-ARAW NA


PAMUMUHAY

Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng


Content Standard Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na
pamumuhay.
Ang mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing
Performance Standard konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na
pangaraw-araw na pamumuhay.
Most Essential Learning Nailalapat ang kahulugan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na
Competencies (MELCs) pamumuhay bilang isang mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan.
st
21 Century Learning Skills Critical thinking, Communication, Creativity
Community building, Academic Excellence, Social Responsibility,
Core Values
Christian Winessing

REFERENCES: (Please be guided with the given references to help you perform the given activities.
Click the given links and hyperlinks to access the suggested learning resources.)

A. Printed:
Imperial, C.M., Kayaman (Ekonomiks) 2017 Edisyon, Rex Bookstore, Inc.

Bon, C.B., Ekonomiks sa Makabagong Panahon K12 Series, JO-ES Publishing House, Inc.
B. Online:
www.rexinternet.com

PAKSA: Ang Kahulugan ng Ekonomiks sa Pang-araw -araw na Pamumuhay

INTRODUCTION:
Ang kaunlaran ang siyang pinapangarap ng bawat mamamayan, pamayanan, at higit na ng isang
bansa. Ito ang itinuturing na bunga ng mga pagsisikap at sa paggamit ng yamang ito ay binigyan tayo
ng pagkakataong malinang. Magiging mas malinaw ang mga pamamaraang ito kung mauunawaan at
magkakaroon tayo ng makatuturang pagganap sa mga pangunahing konseptong nakapaloob sa
paglinang na ito.
1
Sa buhay na ito, dumarating ang kagipitan sa pananalapi. Hindi maiiwasan ang kakulangan sa
mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, damit, at tirahan. Subalit may mga pagkakataon
namang sobra-sobra ang kakapusang nangyayari, kaya kung minsan nawawalan na ng pag-asa ang
bawat tao. Paano ba natin maiiwasan ang mga ito?
Sa umaga, sa iyong paggising, nagsisimula na ang pagkonsumo mo sa pagkain ng almusal,
paggamit ng tubig at sabon sa iyong paliligo, pagbibihis, pagsakay mo sa dyip o kotse na gumagamit
ng gasolina, paggamit mo ng elektrisidad sa iyong pag-aaral, at marami pang iba. Ang mga nabanggit
ba ay bahagi ng Ekonomiks? Naging hamon na sa mga manunulat at mga guro na maipaliwanag nang
husto ang diwa ng Ekonomiks.

Good luck sa araling ito!

Below are the Learning Targets/ Specific Objectives:

1. Naibibigay ang kahulugan ng Ekonomiks.


2. Napaghahambing ang dalawang sangay ng Ekonomiks.
3. Nakabubuo ng sariling pakahulugan ng Ekonomiks.

Exploration of Prior Knowledge

Directions: Punan ang K-W-H-L Chart sa ibaba upang malaman ang iyong dating
kaalaman at pag-unawa sa paksa; Ang Kahulugan ng Ekonomiks.
What I Want to How I Can Learn
What I Know What I Have Learned
Find Out More

Skills I expect to use:

PROCESS QUESTIONS/ FOCUS QUESTIONS:

Makikita ang mga gabay na tanong sa ibaba na dapat ninyong maunawaan habang isinasagawa
ninyo ang mga aktibiti sa paksang ito. Dapat ay masagutan ang mga katanungang ito sa pagtatapos
ng linggong ito.

1. Ano ang kahulugan ng Ekonomiks?


2. Ano ang pagkakaiba ng maykroekonomiksor makroekonomiks?
3. Bakit ito itinuturing na agham panlipunan?
SHORT EXERCISES/DRILLS:

PANIMULANG GAWAIN: PICK YOUR CHOICE:

2
1. Alin sa mga salita ang araw-araw mong ginagawa?
___________________________________________________________________________________
2. Sa mga ito, alin ang mas pinagtutuunan mo ng pansin?
___________________________________________________________________________________
3. Mahalaga ba sa iyong buhay na piliin ang mga gawain dapat gawin? Bakit?
___________________________________________________________________________________

CONTENT DISCUSSION:

Bilang isang disiplinang pang-akademiko, ipinakikilala ang Ekonomiks sa pamamagitan ng


pagtalakay sa mahalaga ang konseptong bumubuo sa kahulugan nito: agham panlipunan;
pinagkukunang-yaman; hilig ng tao; at kakapusan at alokasyon.

Maraming tao ang naghahangad na malaman kung ano ang Ekonomiks. Sa araling ito
mabibigyang kahulugan ang Ekonomiks sa iskolarling paraan Ang pagbibigay ng halimbawang may
katuturan sa buhay ng mag-aaral ang magpapaigting upang lalo nilang hangarin na pag-aralan ang
Ekonomiks sa iskolarling pamamaraan.

Kahulugan ng Ekonomiks

Ang Ekonomiks ay ang pag-aaral kung paano tinutugunan ang walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman. Ito ay hango sa salitang Griyego na “oikos”
(sambahayan) at “nomos’’ (pamamahala).
Mula sa kahulugan ng Ekonomiks, nabatid natin na ang bawat tao ay gumagawa ng paraan upang
makabahagi sa limitadong yaman ng bansa. Ito ay ipinakikita sa pagpipili at pagdedesisyon ng tao sa buhay,
gayundin sa pagsasagawa ng mga gawain ng mga tao araw-araw sa lipunan at sa bansa upang matugunan ang
kanilang pangangailangan.
Pinag-aaralan dito sa Ekonomiks ang paglutas sa suliranin ng kakapusan. Ang Kakapusan ay isang
kondisyon kung saan ang mga pinagkukunang-yaman ay limitado upang matugunan ang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao. Hinahangad ng ating bansa na masolusyonan ang suliranin ng kakapusan
sa sistematikong pamamaraan.
Ang pag-aaral ng Ekonomiks ay napakadali sapagkat ang mga inaaral dito ay praktikal na nararanasan ng tao
sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay, mula sa paggising sa umaga hanggang sa pagtulog, mula sa
pagpasok sa eskwela hanggang sa pag-uwi sa bahay.

Mula sa Graphic organizer, ay mabubuo ang kahulugan ng salitang Ekonomiks

Pagpili Pagdedesisyon

EKONOMIKS
Walang Limitadong
Katapusang Yaman ng bansa
pangangailangan

MGA EKONOMISTANG NAGBIGAY KAISIPAN SA EKONOMIKS

Paglaganap ng Kaisipan ng Ekonomiks

Ang salitang Ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia na ang ibig sabihin ay
“Pamamahala ng Sambahayan” (household management). Ang pagkakaroon ng magkakasalungat na
ideya at prinsipyo ng mga naunang pilosopo at mga grupo ng mga ekonomista ang nag bigay-daan sa
kaisipan ng iba pang ekonomista ukol sa Ekonomiks. Ang ekonomista (economist) ay isang tao na nag

3
aaral ukol sa galaw ng ekonomiya, ginagawang pagpili at pagdedesisyon ng mga tao at lipunan, at ang
epekto nito sa buong ekonomiya.

Ang Ekonomiks ay higit na nakilala bunga ng kaisipan ng sumusunod na ekonomista at pilosopo.


1. Adam Smith
- Ama ng Makabagong Ekonomiks
- Doktrinang Laissez-faire or Let Alone Policy
-Sinulat niya ang aklat na An Inquiry into Nature and Cause of the Wealth of Nations.
2. Thomas Robert Malthus
-Sinulat niya ang aklat na Malthusian Theory
3. David Ricardo
-Nakilala siya sa kaniyang dalawang ideya: Law of Diminishing Marginal Returns at Law of
Comparative Advantage
4. John Maynard Keynes
-Father of Modern Theory of Employment
-Sumulat ng aklat na General Theory of Employement, Interest, and Money
5. Karl Marx
-Ama ng Komunismo
-Sinulat niya ang aklat na Das Capital at Communist Manifesto.

DALAWANG SANGAY NG EKONOMIKS

Binubuo ng dalawang sangay ang pag-aaral ng Ekonomiks: ang maykroekonomiksat ang


makroekonomiks.

Uri Kahulugan Halimbawa


MaykroEkonomi Ito ay tumutukoy sa  Gawi o kilos ng konsyumer at
ks pag-aaral ng maliliit na prodyuser
unit sa ekonomiya.  Demand
Nagpapaliwanag ito sa  Suplay
galaw at desisyon ng  Pamilihan
bawat bahay-kalakal at  Presyo
sambahayan  Organisasyon ng negosyo
Makroekonomiks Ito ay tumutukoy sa Pambansang kita (National Income)
malaking yunit o Kabuuang Pambansang Produkto (Gross
bahagi ng ekonomiya. National Product)
Nakapokus ito sa Kabuuang Domestikong Produkto (Gross
pagtalakay sa buong domestic Product)
ekonomiya ng bansa Kabuuang demand at Suplay (Aggregate
Demand and Supply)Utang panloob at
panlabas, Palitan ng piso sa dolyar at iba pang
uri ng salapi, Kawalan ng Trabaho,
Kalakalang panloob at panlabas, Implasyon

EKONOMIKS BILANG ISANG AGHAM

Ang Ekonomiks ay isang agham (science) sapagkat gumagamit ito ng siyentipikong pamamaraan
para maipaliwanag ang isang phenomena o pangyayari sa bansa. Ang maraming bagay na may epekto
sa ekonomiya ng bansa at maging sa buhay ng tao ay pinag-aaralan sa Ekonomiks gamit ang
siyentipikong pamamaraan. Katulad na lamang ng polusyon, trapiko, presyo ng langis, korupsyon,
climate change at iba pa.

4
Hakbang ng Ekonomiks sa Siyentipikong pamamaraan ng paglutas sa isang suliranin

Pag-alam sa
suliranin

Paglalapat ng
konklusyon at Pagbibigay ng
pagbibigay ng Haypotesis
rekomendasyon

Pangangalap ng
mga datos o
Pagbuo ng impormasyon na
konklusyon magpapatotoo sa
iyong haypotesis

KAUGNAYAN NG EKONOMIKS AT IBANG ASIGNATURA


Ang Ekonomiks ay Agham Panlipunan dahil masusing sinusuri nito ang kalagayan ng tao at lipunan.
Pinag-aaralan dito ang mga kilos at pagsisikap na ginagawa ng tao upang matugunan ang mga
pangangailangan at mapaunlad ang ekonomiya.

Ekonomiks at Agham Pampolitika


Ang pag-aaral ng mga balangkas o estruktura ng pamahalaan, mga tungkulin, responsibilidad,
at mga batas na itinakda ng pamahalaan ay mahalaga sapagkat ang lahat ng ito ay may epekto at
impluwensiya sa ating pamumuhay at kabuhayan ng bansa. Ang mga panukalang batas at desisyon ng
mga tao sa pamahalaan tulad ng pangulo ng bansa, senador, mga kongresista, at mga lokal na opisyal
ay makaapekto sa pamumuhay ng tao at ekonomiya.

Ekonomiks at Kasaysayan
Ang kasaysayan ay ang mga nagawang pagpupunyagi na ginagawa ng mga tao sa iba’t ibang panahon,
Ang Ekonomiks at kasaysayan ay magkaugnay sapagkat ang gagawing desisyon ngayon sa pamumuhay
ay ibabatay sa nagyari sa nakaraan. Ang nagiging takbo ng ekonomiya noong panahon ng pananakop
ay may kinalaman sa uri ng pamumuhay natin ngayon. Gayundin, lahat ng nangyayari ngayon sa ating
bansa ay may epekto sa nagiging ekonomiya sa darating na panahon.

Ekonomiks at Sosyolohiya
Ang sosyolohiya ay pag-aaral ng pinagmulan at estruktura ng ating lipunan. Ang mga kilos ng
tao bunga ng mga batas, gawi, paniniwala, at kultura na umiiral sa lipunan ay nakaaapekto sa uri ng
hanapbuhay at Gawain ng tao. Batay sa nakagisnang kultura ng mga Pilipino, ang ama ang siyang
naghahanapbuhay at pag- aasikaso naman sa gawaing-bahay ay sa ina. Dahil sa hirap ng buhay
kinakailangang maghanapbuhay na rin ang babae. Kaya kapansin-pansin sa ngayon na ang lalaki at
babae ay pareho na ang antas sa lipunan.

Ekonomiks at Etika
Ang etika (ethics) ay may kinalaman sa moralidad at paggawa ng tama o mali sa buhay. Ang
kaalaman sa mga tama at maling ginagawa ng tao, disiplina at wastong moralidad ng tao ay mahalagang
element na kailangang taglayin ng bawat mamamayan upang maging kabalikat ng pamahalaan sa
pagsasagawa ng mga wastong hakbang upang mapaunlad ang ekonomiya.

Ekonomiks at Heograpiya
Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaraal ng mga katangiang pisikal ng bansa, ang klima,
pinagkukunang yaman, at iba pang aspektong pisikal ng mga tao. Ang heograpiya at Ekonomiks ay
magkaugnay sapagkat anumang pangayayari ang magaganap sa kapaligiran ay nakakaapekto sa
pamumuhay ng tao.

5
Ekonomiks at Natural Sciences
Ang pag-unawa sa mga kaganapan sa ating kapaligiran ay sakop sa iba’t ibang sangay ng
pagaaral ng natural sciences. Ang mga nagaganap na pagbabago sa ating kapaligiran at maging sa
kalikasan ay nakaapekto sa kabuhayan ng mamayan at ng bansa na pinagtutuunan ng ekonomiya.

Ekonomiks at Biyolohiya
Ang biyolohiya ay pag-aaral sa mga bagay na may buhay tulad ng tao, halaman, hayop, at iba
pa. Inaalam sa biyolohiya kung paano magiging malusog ang tao, hayop, at halaman upang maging
kapakipakinabang sa lipunan at ekonomiya. Pinag aaralan din dito kung paano magiging ligtas ang
bawat isa sa mga bakterya at virus na pumipinsala sa kanilang kalagayan.

Ekonomiks at Kemistri
Ang kemistri ay may kinalaman sa pag-aaral ng iba’t ibang kemikal na kailangan sa paglikha
ng isang bagay. Ang uri ng kemikal na gagamitin sa mga pananim bilang pataba at pamatay-peste ay
bahagi ng gastusin sa produksiyon.

Ekonomiks at Pisika
Ang pisika ay ukol sa pag-aaral ng mga bagay at enerhiya. Ang Ekonomiks ay may kaugnayan
sa pisikal dahil lahat ng pagbabago at pagpapaunlad sa mga bagay at enerhiya ay nakaaapekto sa
paggawa at supply ng mga produkto na kailangan ng mga tao.

Ekonomiks at Matematika
Saklaw ng pag-aaral ng matematika ang ukol sa numero, tsart, graph, at pagbuo ng
mathematical formula o mathematical equations. Sa tulong ng graphs, tsart, at equations ay madaling
maunawaan ang mga ekonomikong kaganapan tulad ng presyo, paglaki ng produksiyon, at tamang
pagbabayad ng kita, at iba pa.

Gawain: Panuto: Ang sumusunod ay mga pokus ng bawat sangay ng Ekonomiks. Isulat ang A kung
Maykroekonomiks at B kung Makroekonomiks.
___1. Presyo ng bawat produkto ___4. Pagkagusto sa isang produkto
___2. Pag-unlad ng bayan ___5. Pandaigdigang ekonomiya
___3. Pambansang kita
REVISED KNOWLEDGE: Actual answer to the process questions/ focus questions
1. Ano ang kahulugan ng Ekonomiks?
 Ang Ekonomiks ay galing sa mga salitang Griyego “oikos” na nangangahulugang
“sambahayan” o”pamilya” at nomos na nangangahulugang “pamamahala” o “pamamahagi”,
Ang Ekonomiks ay isang pag-aaral kung paano nagpapasya ang lipunan kaugnay ng pagbabaha-
bahagi sa mga kapos na pinagkukunang-yaman sa ibat ibang alternatibong gamit nito sa paglalayong
tugunan ang mga kagustuhan ng tao
2. Ano ang pagkakaiba ng maykroekonomiksor makroekonomiks?

 Ang maykroekonomiksay ang pag-aaral ng maliit na bahagi ng ekonomiya. Pinag-aaralan


dito kung paano gumagalaw at magdedesisyon ang sambahayan at bahay-kalakal. Ang pag-
aaral sa kalagayan ng isang kompanya, sa pagtaas ng presyo ng isang particular na produkto,
at sa ugali ng mga tao sa pamimili at pag-iimpok ay mga halimbawa ng maykroEkonomiks.
 Ang makroekonomiks naman ay tumutukoy sa pag-aaral sa kabuuang pangyayari o gawaing
pang-ekonomiya. Ito ay tumutukoy sa mga salik ng ekonomiya na nakaaapekto sa mga
pangyayari sa loob at labas ng bansa. Halimbawa ng makroekonomiks ang pag-aaral ng
pambansang kita, kabuuang produksyon, pagbabago ng presyo ng lahat ng produkto sa bansa,
kawalan ng trabaho, at kabuuang pag-unlad ng bansa.
3. Bakit ito itinututring na agham panlipunan?
 Isa itong Agham Panlipunan dahil ginagamit dito ang siyentipikong pamamaraan ng
sistematikong pag-aaral sa ugnayan ng ibat ibang yunit ng lipunan.

6
FINAL KNOWLEDGE Generalization/ Synthesis/ Summary:

Natural sa isang tao ang magkaroon ng pangangailangan lalo na ang mga pangangailangan na
ng sistematikong pag-aaral sa ugnayan ng ibat ibang yunit ng lipunan.
sumusuporta sa kanyang buhay. Maliban sa mga pangangailangan, may mga kagustuhan din ang
mga tao na bihira o kailanman ay hindi matugunan. Ito ay dahil limitado ang kakayahan ng tao na
matugunan ang lahat ng kanyang kailangan at kagustuhan sapagkat ang pinagkukunan nito ay
limitado. Limitado ang mga produktibong yamang pang-ekonomiya tulad ng likas-yaman at
yamang tao.
Ang Ekonomiks ay may mahalagang papel sa buhay ng tao. Pinag-aaralan nito ang kilos,
gawi, at kaugalian ng isang tao kaugnay sa kanyang pakikipagsapalaran sa kapaligiran at lipunang
kanyang ginagalawan. Sinasaklaw nito ang pag-aaral kung ano ang pinakamagandang pamamaraan
upang maibahagi ang limitadong likas-yaman upang matugunan ang walang hanggang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
May dalawang sangay ang Ekonomiks na makapagpapaliwanag kung paano gumagalaw ang
tao at lipunan sa kanyang paligid, ito ay ang maykroekonomiks atmakroekonomiks. Binibigyang
tuon ng maykroekonomiks ang indibidwal o maliit na sector ng ekonomiya tulad ng isang kompanya
o mamimili. Samantala, binibigyang pansin ngmakroekonomiks ang pangkalahatang aktibidades ng
ekonomiya tulad ng pambansang pangangalakal, sektor ng agrikultura at iba pa.

7
Department of Education
Division of Nueva Vizcaya
Diocese of Bayombong Educational System (DBES)
Saint Louis School, Solano, Nueva Vizcaya

Saint Louis School


Name of School
---o0o---

DBES LEARNING ACTIVITY SHEET/GAWAING PAGKATUTO

Subject: Aralin Panlipunan IX (Ekonomiks)


Teacher: ______________________________

Name of Learner : __________________________


Grade Level & Section : __________________________ Inclusive Dates : _______________
Week No.: _____1_____ Score : _______________

A. Written Work/s:

Activity 1: Kilalanin ang asignatura o disiplinang may kaugnayan sa Ekonomiks batay sa mga sumusunod na
pangangailangan. Isulat ang tamang sagot sa patlang.
_____________________ 1. Kailangan ng estadistika upang magkaroon ng basehan ang mga pag-aaral at
mapatunayan ang mga teorya sa Ekonomiks.
_____________________ 2. Ang pag-unlad ng teknolohiya at kaalaman sa mga bagay-bagay sa mundo ay
nakaaapekto sa kabuhayan ng tao pati na rin sa pag-aaral ng ekonomiya.
_____________________ 3. Ang mga samahang tulad ng mga non-governmental organizations, Rotary Club,
Lions Club, at mga kooperatiba ay may malaking ambag sa pagpapatakbo ng ekonomiya ng isang bansa.
_____________________ 4. May mga pangyayari sa nakaraan na may direktang kaugnayan sa mga suliraning
kinakaharap ng ekonomiya sa kasalukuyan at nagbibigay ng mga kaalaman upang mahinuha ang maaaring
mangyari pa sa kinabukasan.
_____________________ 5. Ang pag-aaral sa mga likas na yaman at katangian ng yamang-tao ay kailangan ng
Ekonomiks upang mas maging kumpleto ang pag-aaral at paggawa ng mga panukala.

Activity 2: Panuto: Ang sumusunod ay mga pokus ng bawat sangay ng Ekonomiks. Isulat ang A kung Maykroekonomiks at
B kung Makroekonomiks.
___1. Desisyon ng sambahayan ___4. Pag-iimpok ng bawat mag-aaral
___2. Kabuuang kita ___5. trabaho sa bansa
___3. Kalagayan ng isang kompanya

Mini Task. Pagbibigay ng Konkretong Halimbawa


Sa iyong buhay bilang isang mag-aaral, marami ka ng naging suliranin o problema sa buhay. Magbigay ng
isang suliranin na posibleng maranasan at gamitin ang proseso ng ekonomiks upang mabigyan ng tamang
solusyon ito. Gamiting gabay at pormat sa ibaba upang matapos ang gawain.

HALIMBAWA
Suliranin: Nagkukulang sa budget ang aking mga magulang
1.Pag-alam sa suliranin: Problema sa pera 4.Konklusyon: May mga bagay na kailangang tipirin at ingatan
2.Haypotesis: Hihiram o magtitipid 5. Rekomendasyon: Magtipid kapag sobra ang perang hawak.
3.Pangangalap: Paghahanap ng mapagkakakitaan

Suliranin: ___________________________________________________________________
Pag-alam sa suliranin:

Haypotesis:

Pangangalap:

Konklusyon:

Rekomendasyon:

8
WEEK 2: KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS

Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng


Content Standard Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw
na pamumuhay
Ang mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing
Performance Standard konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na
pangaraw-araw na pamumuhay.
Most Essential Learning Natataya ang kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na
Competencies (MELCs) pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan
st
21 Century Learning Critical Thinking, Communication, Creativity
Skills
Community Building, Academic Excellence, Social Responsibility,
Core Values
Christian Witnessing

REFERENCES: (Please be guided with the given references to help you perform the given activities.
Click the given links and hyperlinks to access the suggested learning resources.)

A. Printed:
Imperial, C.M., Kayaman (Ekonomiks) 2017 Edisyon, Rex Bookstore, Inc.

Bon, C.B., Ekonomiks sa Makabagong Panahon K12 Series, JO-ES Publishing House, Inc.
B.Online: https://www.google.com.ph/search?q=PINAGKUKUNANG+YAMAN&rlz=1C1
ASUC_enPH751PH751&oq=PINAGKUKUNANG+YAMAN&aqs=chrome..69i
57.5306j0j9&sourceid=chrome&ie=UTF-8

PAKSA: Kahalagahan ng Ekonomiks

INTRODUCTION:
Ang Ekonomiks ay bahagi ng ating pang-araw-araw na gawain sa buhay. Malawak ang sakop nito
sa ating buhay at sa ekonomiya. Bawat galaw ng mga ito ay maiuugnay sa Ekonomiks.
Bilang mag-aaral naitatanong mo ba kung bakit mahalagang pag-aralan ang Ekonomiks? Ano ang
kaugnayan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay mo? Ano ba ang natututuhan mo sa Ekonomiks? Sa
pag-aaral ng Ekonomiks matututuhan ng bawat indibidwal ang mga kaisipan, pananaw, kasanayan at
konsepto na nagpapaliwanag kung bakit ang mga tao sa lipunan ay patuloy na kumikilos upang
maghanapbuhay at magkaroon ng ikabubuhay, maging ang mga galaw ng pamahalaan ukol sa
pamamalakad ng ekonomiya.

Below are the Learning Targets/Specific Objectives:

1. Naiisa-isa at naipaliliwanag ang kahalagahan ng pag-aaral ng Ekonomiks sa


pangaraw-araw na pamumuhay ng tao.
2. Nakabubuo ng isang sanaysay tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ekonomiks.

Exploration of Prior Knowledge

Directions: Punan ang K-W-H-L Chart sa ibaba upang malaman ang iyong dating kaalaman at pag-
unawa sa paksa; Ang Kahalagahan ng Ekonomiks.

9
What I Want to How I Can Learn
What I Know Find Out More What I Have Learned

Skills I expect to use:

PROCESS QUESTIONS/ FOCUS QUESTIONS:

Makikita ang mga gabay na tanong sa ibaba na dapat ninyong maunawaan habang isinasagawa
ninyo ang mga aktibiti sa paksang ito. Dapat ay masagutan ang mga katanungang ito sa pagtatapos ng
linggong ito.
1. Bakit mahalagang pag-aralan ang Ekonomiks?
2. Paano nakaaapekto ang Ekonomiks sa pang-araw-araw na buhay ng tao?

SHORT EXERCISES/DRILLS:

Panuto: PANIMULANG GAWAIN: Lagyan ng tsek (/) kung ito ay mahalagang gawain sa pang araw-
araw na pamumuhay na may kinalaman sa Ekonomiks at ekis (X) kung hindi.

____1.Paglalaro ng basketball. ____4.Pag-iimpok ng hindi nagamit na yaman


____2.Tamang pagbabudyet ng oras ____5.Pagpili sa pagitan ng mura at mamahaling gamit
____3 Pagbili ng Junkfoods

CONTENT DISCUSSION:

Mahalaga ang Ekonomiks sa buong lipunan at sa atin bilang mga indibidwal. Ginagamit ng
mga pinuno ng bansa ang datos-ekonomiko upang bumalangkas ng mga programa at batas na
magsusulong sa pag-unlad ng bansa.
Ang mga ulat ng ibat ibang ahensiya ng pamahalaan gayundin ang mga pagsusuri ng mga may
alam sa Ekonomiks ang nagbibigay-linaw sa mahahalagang usaping ekonomiko sa isip ng mga
mamamayan.

Kahalagahan ng Ekonomiks

Ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa Ekonomiks ay katumbas ng pag-unawa sa


pinakamahalagang bahagi ng buhay ng tao. Ang paghahangad ng mabuting pamumuhay, kumita ng
sapat na salapi, at matamo ang kaginhawahan ng buhay, gayundin ang pagtugon sa mga ito ay
maituturing na iskolarling pag-aaral ng Ekonomiks.
Magiging mahusay sa pagsusuri ng ekonomiya ang mga mag-aaral at mamamayan kung sila ay may
ganap na kaalaman sa Ekonomiks. Madali nilang mauunawaan ang mga isyung lumalabas sa mga
pahayagan hinggil sa negosyo, lipunan at pamahalaan.
Ilan sa mga isyung ekonomiko na kinakaharap natin ngayon ay ang kahirapan, utang na panloob at
panlabas ng Pilipinas, globalisasyon, kawalan ng trabaho at resesyon sa sa ilang panig ng mundo na
maaaring makaapekto sa ating bansa. Ang mga suliraning ito ang dapat na matugunan ng isang

10
dinamikong ekonomiya ng Pilipinas upang ang kasaganaan at kaginhawahan ng buhay ay makamit ng
sambayanang Pilipino.

Sa larangang personal ay magagamit natin ang kaalaman sa Ekonomiks sa ibat ibang paraan.
Magagamit natin ito upang maunawaan ang mga pangyayari sa ating pamayanan at bansa at
makapagbigay ng makabuluhang kuru-kuro tungkol dito. Sa antas personal ay mauunawaan natin ang
mga pasiya ng mga kasapi ng ating pamilya kaugnay ng pagpili ng trabaho, paggasta ng kita, at
pagtugon sa mga kagustuhan. Magagamit din natin ito sa pagpapasiya tungkol sa kung gaano kahaba
ang oras na ilalaaan sa paglilibang at sa pag-aaral.

Tamang paggamit sa oras sa pag-aaral, ang desisyong bigyan ng prayoridad sa pamimili ng


pangunahing pangangailangan, at matalinong paggasta sa kinikita-lahat ng ito ay may kinalaman sa
Ekonomiks.

Araw-araw ay nakararanas tayo ng mga problemang pang-ekonomiya, kung kaya’t mabuti na


mayroon tayong malawak na kaalaman ukol sa Ekonomiks. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing
kahalagahan ng pag-aaral ng Ekonomiks:

1. Natututo tayong maging responsableng mamimili o mabuting prodyuser.


2. Napag-iisipan natin kung paano gagamitin nang maayos ang salapi at napahahalagahan ang
pagbabadyet.
3. Nauunawaan natin ang mga pangyayaring naganap at nagaganap na nakaiimpluwensiya sa ating
pamumuhay at sa buong bansa.
4. Nakapagbibigay tayo ng matalinong opinion at panukala upang masolusyunan ang mga suliraning
pangkabuhayan na kinakaharap ng ating pamayanan at bansa.
5. Nakagagawa tayo ng matalinong desisyon upang matugunan ang ating mga pansariling suliranin na
may kinalaman sa kabuhayan.
6. Nagiging mahusay tayong botante sapagkat mas naiintindihan nating ang mga responsibilidad ng
ating mga lider sa pagpapalago ng ating ekonomiya

Pag-aaral ng Ekonomiks
Isa sa mahahalagang katangian na matututunan ng mga tao,lalo na ng mga kabataan ay ang paggawa ng
rasyonal na pagdedesisyon sa buhay. Kailangang malinang sa mag-aaral ang paggawa ng matalinong desisyon
sapagkat hindi sa lahat ng oras ay umaasa sila sa kanilang magulang ukol sa pagdedesisyon sa isang bagay.
Maraming bagay ang dapat pagdesisyunan ng mga mag-aaral sa kanilang buhay, tulad ng sumusunod:

1. Pagpili ng kurso sa kolehiyo 5. Pagbili ng mga damit at pagkain


2. Paggastos ng allowance 6. Pagpili ng magiging kaibigan
3. Pagsapi sa mga organisasyon 7. Pagpili ng papasuking trabaho
4. Pagsama sa pamamasyal ng barkada

Sa tulong ng Ekonomiks, mauunawaan na ang bawat desisyon mo ay maaari ding makaapekto sa ekonomiya
ng bansa.
Bukod dito, mapapahalagahan mo rin ang pagtupad at pagganap mo sa iyong tungkulin bilang mamamayan.
Ang pagbabayad ng tamang buwis, pagtangkilik sa sariling produkto, pagsunod sa mga batas na itinatakda ng
pamahalaan, at pagsuporta sa mga programa at proyektong pangkalikasan, pangkabuhayan at panlipunan ng
pamahalaan at mga non-governmental organizations (NGO’s) pagboto kapag may eleksiyon, at pagiging
mapagmatyag at alerto sa maling gawain ng mga namumuno sa ating bansa ay ilang halimbawa ng nabanggit.
Bilang miyembro ng pamilya, mahalaga rin ang mga desisyon na iyong gagawin sa ikauunlad at ikagaganda ng
samahan ng buong pamilya tulad ng pagbili ng mga bagay na mas kailangan ng pamilya, makapaghanapbuhay
upang makatulong sa pamilya, pagtitipid sa paggamit ng kuryente at iba pa.

Ang pamahalaaan ay gumagawa rin ng desisyon na mahalaga sa paglutas ng mga suliraning


pangekonomiya, tulad ng pagtaas ng suplay ng bigas, pagkontrol sa presyo ng langis, pagkakaloob ng tulong
pinansiyal sa mahihirap, pagpataw ng parusa sa mga tiwaling opisyal at kawani ng pamahalaan, paghuli sa mga
taong sangkot sa mga illegal na gawain, at iba pa.
Higit sa lahat, ang pag-aaral ng Ekonomiks ang lilinang sa kaisipan ng mga kabataan upang maging mapanuri,
mapagmasid, at kritikal sa mga kaganapan sa ating lipunan upang higit na maunawaan kung paanong ang mga
pangyayari sa ekonomiya, tulad ng pagtaas ng buwis at presyo ng langis, pagdaragdag ng sahod sa mga
manggagawa, pagtatrabaho ng mga manggagawa sa ibang bansa, paghina ng piso laban sa dolyar, at iba pang
isyu ay nakaaapekto sa ating buhay.

11
Ang mga kaisipang pangpolitika, pangkabuhayan, at pangmoralidad ay nalilinang din sa pag-aaral ng
Ekonomiks, Nagkakaroon ng lubos na pag-unawa ng mga mag-aaral sa kaganapan ng lipunan. Isang halimbawa
ay ang pagsasagawa ng mga kilos protesta bunga ng ibat ibang isyu. Nagiging mulat ang mga mag-aaral kung
bakit nagaganap ang isang bagay. Ang paglinang ng mga nasabing kaisipan ay makatutulong sa paghubog sa
wastong asal, gawi, at kilos ng tao sa lipunan. Ang Ekonomiks ay hindi lang sumasalamin sa kilos ng tao sa
lipunan kundi sinusuri din nito ang ibinubunga ng mga kilos na iyon sa buong ekonomiya sa napakaraming
suliranin na pinag-uusapan at nararanasan ng bansa. Bawat tao, mahirap man o mayaman ay may kanyakanyang
reaksiyon, opinyon, at saloobin ukol sa isang suliranin sapagkat bawat isa ay apektado ng anumang suliranin sa
ekonomiya.

Higit na magiging matalino ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng mga desisyon sa kanilang buhay bunga
ng mga bagay na kanilang natutuhan sa pag-aaral ng Ekonomiks.
Nabatid natin kung gaano kahalaga at kalawak ang epekto ng Ekonomiks sa ating buhay. Kaya, lubhang
kailangan ituro sa mga mag-aaral ang Ekonomiks upang ang mga kabataan ay maging aktibo sa pakikilahok sa
mga programang pang-ekonomiya ng pamahalaan.
GAWAIN 2: Sagutin nang buong husay ang tanong sa ibaba.

1. Paano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin ng ating ekonomiya?


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
__________________

2. Bilang isang mag-aaral bakit mahalaga para sa iyo ang pagaaral ng Ekonomiks?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

REVISED KNOWLEDGE: Actual answer to the process questions/ focus questions

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang Ekonomiks?


Mahalagang pag-aralan ang Ekonomiks upang higit na makagawa ng sariling desisyon ang mga
mag-aaral at upang makibahagi sa paglutas ng mga suliranin ng ating ekonomiya.

2. Paano nakakaapekto ang Ekonomiks sa pang-araw-araw na buhay ng tao?


Ang agham ng Ekonomiks ay nakatutulong sa paggawa ng tama at makabuluhang desisyon na may
kaugnayan sa pagpili at wastong paggamit ng limitadong yaman.

FINAL KNOWLEDGE: Generalization/ Synthesis/ Summary

Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Araling Panlipunan na tumutukoy sa alokasyon pagkonsumo,


at pagpaparami ng mga produkto na maaaring makuha galing sa mga nauubos na pinagkukunang-
yaman upang matugunan ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao upang siya
ay maging masaya.
Mahalaga ang Ekonomiks upang lubos na maunawaan ng mga tao ang kanilang mga kagustuhan at
pangangailangan sa buhay at kung paano nila gagamitin nang wasto ang mga biyaya ng kalikasan at
ng Poong Maykapal.
Natural sa isang tao ang magkaroon ng pangangailangan lalo na ang mga pangangailangan na
sumusuporta sa kanyang buhay. Maliban sa mga pangangailangan, may mga kagustuhan din ang
mga tao na bihira o kailanman ay hindi matutugunan. Ito ay dahil limitado ang kakayahan ng tao na
matugunan ang lahat ng kanyang kailangan at kagustuhan sapagkat ang pinagkukunang-yaman nito
ay limitado. Limitado ang mga produktibong yaman pang-ekonomiko tulad ng likas-yaman at
yamangtao.

12
Department of Education
Division of Nueva Vizcaya
Diocese of Bayombong Educational System (DBES)
Saint Louis School, Solano, Nueva Vizcaya

Saint Louis School


Name of School
---o0o---

DBES LEARNING ACTIVITY SHEET/GAWAING PAGKATUTO

Subject: Aralin Panlipunan IX (Ekonomiks)


Teacher: ______________________________

Name of Learner : ________________________________


Grade Level & Section : ______________________ Inclusive Dates : _______________
Week No.: _____2_____ Score : _______________

A. Written Work/s:
Activity 1: Basahing mabuti ang mga pahayag. Tukuyin kung ito ay kahalagahan ng pag-aaral ng
Ekonomiks. Isulat sa patlang ang letrang K kung ito ay nagsasaad ng kahalagahan at DK kung hindi
kahalagahan ng Ekonomiks.
_____ 1. Natututo tayong maging responsableng mamimili o mabuting prodyuser.
_____ 2. Napag-iisipan natin kung paano gagamitin nang maayos ang salapi at napahahalagahan ang
pagbabadyet.
_____ 3. Nauunawaan natin ang mga pangyayaring naganap o nagaganap na nakaiimpluwensiya sa ating
pamumuhay at sa buong bansa.
_____ 4. Nakapagbibigay tayo ng matalinong opinion at panukala upang masolusyunan ang mga
suliraning pangkabuhayan na kinakaharap ng ating pamayanan at bansa.
_____ 5. Nakagagawa tayo ng maling desisyon upang matugunan ang ating mga pansariling suliranin na
may kinalaman sa kabuhayan.

B. REACTION PAPER: Pangatwiranan kung bakit ang mga sumusunod na suliranin ay may
kinalaman sa Ekonomiks.

Kraytirya 5 3 1
Nilalaman Malikhain, tiyak, detalyado at maayos ang lahat Malikhain, tiyak, detalyado at maayos Maraming mali sa impormasyon
ng impormasyon ang ilan sa impormasyon
Detalye Maliwanag at malinang nang mabuti ang mga Hindi naging maayos ang Maraming mali sa mga detalye
detalye pagkakasunod-sunod ng mga detalye
Paglalahad Kawili-wili at maliwanag ang pagkakalahad May kaayusan ang paglalahad Walang kaayusan; hindi naging
maliwanag ang pagkakalahad

1.Pangingibang bansa mga Pilipinong propesyunal at Skilled workers Iupang magtrabaho.

2. Desisyong mag-asawa at magkaroon ng anak sa murang edad.

13
Activity 2: Mini Task: Bumuo ng isang islogan na tumatalakay sa pagpapahalaga sa pag-aaral ng
Ekonomiks.
Kraytirya 3 2 1
Nilalaman Malikhain, tiyak, detalyado at maayos ang Malikhain, tiyak, detalyado at Maraming mali sa impormasyon
lahat ng impormasyon maayos ang ilan sa impormasyon
Detalye Maliwanag at malinang nang mabuti ang Hindi naging maayos ang Maraming mali sa mga detalye
mga detalye pagkakasunod-sunod ng mga
detalye
Paglalahad Kawili-wili at maliwanag ang May kaayusan ang paglalahad Walang kaayusan; hindi naging
pagkakalahad maliwanag ang pagkakalahad

14
WEEK 3: KAKAPUSAN

Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng


Content Standard Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na
pamumuhay.
Ang mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing
Performance Standard konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na
pangaraw-araw na pamumuhay.
Most Essential Learning Natataya ang kahalagahan ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na
Competencies (MELCs) pamumuhay ng bawat pamilya at lipunan.
st
21 Century Learning Skills Critical Thinking, Communication, Creativity, Career Learning
Community Building, Academic Excellence, Social Responsibility,
Core Values
Christian Witnessing

Sanggunian:
A. Printed
Imperial, C.M., Kayaman (Ekonomiks) 2017 Edisyon, Rex Bookstore, Inc. Bon,
C.B., Ekonomiks sa Makabagong Panahon K12 Series, JO-ES Publishing House, Inc.
B. Online
https://www.google.com.ph/search?q=PINAGKUKUNANG+YAMAN&rlz=1C1ASU
C_
enPH751PH751&oq=PINAGKUKUNANG+YAMAN&aqs=chrome..69i57.5306j0j9&
so urceid=chrome&ie=UTF-8

3
TOPIC: KAKAPUSAN

INTRODUCTION:
Ang lipunan ay nahaharap sa kakapusan sanhi ng ating walang hanggang kagustuhan at limitadong
pinagkukunan ng produktibong yaman. Ang yamang tao ay biyaya ng kalikasan, lakas paggawa, at mga
kagamitan na gawa ng tao tulad ng makinarya. Ang kakapusan ay tumutukoy sa limitasyon o hangganan sa mga
produktong pang-ekonomiya. Dahil nahaharap ang lipunan sa kakapusan, kinakailangang gumawa ng desisyon
kung paanong magagamit nang lubusan ang mga produktibong yaman, at kung paano ito ipinamamahagi sa
madla.
Ang kakapusan ang batayang katotohanan o kondisyon na pinagtutuunang-pansin ng Ekonomiks.
Bakit nga ba sinasabing may kakapusan ang mga pinagkukunang-yaman?
Batay sa kahulugan ng Ekonomiks, matutugunan ang pangangailangan ng tao sa pamamagitan ng mga
pinagkukunang-yaman. Ang pinagkukunang-yaman ay kayamanan at mga biyaya mula sa kalikasan at mga
bagay na gawa ng tao na ginagamit sa produksyon ng mga bagay-bagay na siyang tutugon sa mga
pangangailangan ng tao para sa kanyang kabuhayan, kasiyahan, at kagalingan.

Below are the Learning Targets/Specific Objectives:

1. Naipakikita ang ugnayan ng kakapusan sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao.


2. Natutukoy ang mga palatandaan ng kakapusan sa pang-araw-araw na buhay.
3. Nakabubuo ng konklusyon na ang kakapusan ay isang pangunahing suliraning
panlipunan.
4. Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang malabanan ang kakapusan.

15
Exploration of Prior Knowledge

Directions: Punan ang K-W-H-L Chart sa ibaba upang malaman ang iyong dating
kaalaman at pag-unawa sa paksa; KAKAPUSAN
What I Want to How I Can Learn
What I Know What I Have Learned
Find Out More

Skills I expect to use:

PROCESS QUESTIONS/ FOCUS QUESTIONS:

Makikita ang mga gabay na tanong sa ibaba na dapat ninyong maunawaan habang isinasagawa
ninyo ang mga aktibiti sa paksang ito. Dapat ay masagutan ang mga katanungang ito sa pagtatapos
ng linggong ito.
1. Ano ang pagkakaiba ng kakulangan at kakapusan?
2. Bakit nagkakaroon ng kakapusan sa mga pinagkukunang-yaman?
3. Paano malulutas ang suliranin sa kakapusan at kakulangan?

SHORT EXERCISES/DRILLS:

PANIMULANG GAWAIN:Panuto: Sagutin ang tanong sa ibaba nang buong puso.

Ang mga Pinagkukunang-Yaman ng Bansa


Mapalad ang Pilipinas sapagkat biniyayaan tayo ng masagana at mayamang mga
pinagkukunang yaman. Ang mga pinagkukunang yaman ay mga bagay na ginagamit upang makalikha
ng mga produkto at serbisyo na makatutugon sa pangangailangan ng mga tao. Kaya masasabi natin na
tunay nga na mapalad ang bansang ito dahil sa kasaganaan natin sa mga bagay na ito.
Pagnilayan.Paano mo ilalarawan ang mga yaman ng bansang Pilipinas sa kasalukuyang panahon?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

CONTENT DISCUSSION:

Mapalad ang Pilipinas sapagkat biniyayaan tayo ng masagana at mayamang mga pinagkukunang
yaman. Ang mga pinagkukunang yaman ay mga bagay na ginagamit upang makalikha ng mga
produkto at serbisyo na makatutugon sa pangangailangan ng mga tao. Kaya masasabi natin na tunay
nga na mapalad ang bansang ito dahil sa kasaganahan natin sa mga bagay na ito.

16
MGA URI NG PINAGKUKUNANG YAMAN

LIKAS NA YAMAN

YAMANG TAO

YAMANG KAPITAL

A. LIKAS NA YAMAN
Nagiging pinagkukunang yaman ang anumang bagay, may buhay man ito o wala. Napagtatanto ng
mga tao ang halaga ng anumang bagay o ang kapakinabangan nito upang mapunan ang kanilang
pangangailangang ekonomiko. Ang mga tao ay nagiging maparaan upang magamit ang mga bagay sa
paligid para sa ikabubutti ng kanyang kalagayan.

B. YAMANG TAO
Ang yamang tao ang lumilinang ng kanyang likas na yaman ng bansa upang matamo ang ganap
na kapakinabangan nito. Mawawalan ng saysay ang masaganang likas na yaman kung hindi magagamit
ang mga ito ayon sa pangangailangan ng tao at ekonomiya. Sa isang bansa na salat sa likas na yaman
tulad ng Japan, ginagamit ang yamang tao upang makamit ang pag-unlad. Nililinang ang kakayahan,
talino, at kasanayan ng mga tao ayon sa pangangailangan ng ekonomiya. Lubos na pinakikinabangan ang
yamang tao at sa tulong ng teknolohiya ay nakalilikha sila ng mga produkto na kailangang-kailangan at
mahalaga sa bansa at sa pandaigdigang pamilihan. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang yamang tao din
ang nagbibigay ng kaganapan sa paghahangad ng bansa na makagamit ng mga makabagong makinarya
at teknolohiya na ginagamit sa paglinang ng likas na yaman at pag-unlad ng ekonomiya. Ang yamang
tao ay lubhang mahalaga sa bansa. Kapag binanggit ang yamang tao, lagi itong inuugnay sa populasyon
at lakas paggawa.

C. YAMANG KAPITAL

Sa ika-21 siglo, napakarami ng pagbabago sa ating buhay at nariyan na ang mga bagay na ating ginagamit
upang mas mapadali ang ating pamumuhay. Ganunpaman, ang mga pagbabagong ito ay labis na nakaapekto sa
ating pamumuhay positibo man o negatibo. Ang yamang kapital ang konsentrasyon ng karamihan sa mga bansa at
mga tao sa kasalukuyan. Ito ang mga bagay na nililikha ng tao upang makatulong sa paglikha ng mga produkto.
Ang mga makinarya, gusali, bahay, kasangkapang pamproduksiyon, pangtransportasyon at komunikasyon ay ilan
sa mga yamang kapital/ pisikal ng bansa. Ang paggamit ng talino at abilidad ng tao ay nakatutulong upang
tumuklas at lumikha ng mga yamang pisikal/kapital.

Ang Bahaging Ginagampanan ng Kakapusan (Scarcity) sa buhay ng Tao

Ang kakapusan ay isang katotohanan na naglilimita sa pagtugon sa ating pangangailangan sa


buhay. Ito ang nagtutulak sa tao na gumawa ng matalinong pagpili at pagdedesisyon ukol sa mga bagay-
bagay na nais makamit.
Ito ang pangunahing suliranin sa Ekonomiks, sapagkat likas sa tao na magkaroon ng napakarami
at tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa buhay. May limitadong oras, kita at yaman
upang maisagawa ang nais gawin o bilhin. Ang kagustuhan ng tao ay walang hangganan ngunit ang kita,
oras, yaman at iba pa ay limitado kaya masasabi na ang kakapusan ay nagaganap kahit saan at anumang
oras.
Kaya, patuloy na mararanasan ng tao ang epekto ng kakapusan, at ang bunga nito ay matutuhan ng tao
ang paggawa ng matalinong pagpili at pagdedesisyon.

17
Halimbawa:
• Pinagkakasya ng tao ang anumang bagay na mayroon sila, imbis na uminom ng iced tea kapag
kumakain sa restaurant, humihingi na lang ng service water upang hindi na makadagdag sa
gastusin ang iced tea.
• White rice ang kinokonsumo ng karamihan sa pamilyang Pilipino kaysa brown rice o black rice
na may kakapusan sa paglikha nito.
• Ang palatandaan ng kakapusan ay hirap ang bansa na matugunan ang pangangailangan ng tao.
Ang pagharap sa suliranin ng kakapusan ay nasa kamay ng pamahalaan at mga mamamayan.

Kakapusan o Kakulangan

Pagkakatulad
KAKULANGAN
KAKAPUSAN Isang kalagayan na
Suliraning panandalian lamang. Sinasabi
kailangang
na ang kalagayang ito ay
Pagkakaroon ng limitasyon sa maaaring gawa o likha ng tao.
malutas
mga pinagkukunang yaman na
ginagamit sa paglikha ng mga hoarding ay pagtatago ng mga
produkto. supply ng isang produkto na
ginagawa na nagiging dahilan
ng pagkukulang ng supply ng
isang produkto

Panoorin ang mga sumusunod na video sa mga link para sa karagdagang impormasyon:

a. https://www.youtube.com/watch?v=jNNZXIUb9EM
b. https://www.youtube.com/watch?v=THIn4vSo-B0
c. https://www.youtube.com/watch?v=dqFkGlWAdSc
d. https://www.youtube.com/watch?v=xbqe7-q6GV4

PALATANDAAN AT DAHILAN NG KAKAPUSAN AT KAKULANGAN

Ang mga sumusunod ang mga ilan sa mga DAHILAN ng pagtindi ng suliranin sa kakapusan:

1. PAGLAKI NG POPULASYON NG BANSA


- Ayon kay Thomas Robert Malthus sa kaniyang “Malthusian Theory” napakabilis
ng pagdami ng tao ngunit ang suplay ng pagkain ay mabagal. Dahil dito, ang
lumalaking pangangailangan at kagustuhan ng tao ay hindi kayang tugunan ng
resorses o pinagkukunang-yaman.

18
2. PAGKASIRA NG MGA PINAGKUKUNANG-YAMAN DAHIL SA NATURAL NA
KALAMIDAD
- Ang mga natural na kalamidad ay hindi kontrolado ng mga tao dahil ito ay mga
natural na penomena sa mundo katulad ng lindol, pagputok ng bulkan, landslide at
pagbaha.
3. PANG-AABUSO AT PAG-AAKSAYA NG MGA TAO SA MGA PINAGKUKUNANG-
YAMAN
- . Ang epekto ng mga kalamidad ay nagiging matindi at mapaminsala dahil ang mga
likas na yaman ay paubos na at tuluyan nang nasira ang ganda at yaman dahil sa
walang habas na pang-aabuso ng mga tao. Tulad ng illegal na pagputol ng puno,
quarrying, pagpapatag ng kabundukan at pagpapatapon sa dumi at usok na
nagmumula sa mga pabrika at sasakyan.
4. MALING PRAYORIDAD AT PATAKARAN SA PAGGAMIT NG
MGA PINAGKUKUNANG-YAMAN
- Ang mga batas tungkol sa pangangalaga ng mga likas na yaman ay hindi nabibigyan
ng sapat na aksiyon at implementasyon ng pamahalaan at binabalewala ng mga tao
noong mga panahong hindi pa pinatitikim ni Inang Kalikasan ang kaniyang
paghagupit.

Ang mga sumusunod ang mga PALATANDAAN ng KAKAPUSAN:

1. Mataas ang presyo ng bilihin partikular ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng bigas,
asukal, kape at langis.

2. Mahaba ang pila sa mga pamilihan ngunit walang mabili na mga produkto at serbisyo.
3. Dumarami ang nagugutom, nagkakasakit at naghihirap sa bansa.
4. Tumataas ang kriminalidad sa bansa. Dumarami ang mga kumakapit sa patalim upang mabuhay
lamang ang pamilya at ang sarili.

5. Nangingibang- bansa ang mga mangagawa.


6. Kompetisyon-mas bihira ang bagay, mas matindi ang kompetisyon.
7. Ang pamahalaan ay walang ginawa kundi umangkat nang umangkat ng produkto kahit wala ng
sapat na badyet para dito.

Ang mga sumusunod ang mga DAHILAN ng pagkakaroon ng KAKULANGAN:

1. Mabagal ng Produksiyon
Dahil sa mabagal na produksiyon ng mga produkto, hindi ito sumasapat sa demand ng
nakararami.

2. Hoarding
Ito ay tumutukoy sa pagtatago ng mga produkto ng mga prodyuser upang tumaas ang
presyo sa pamilihan. Dahil sa ginagawang pagtatago ng ilang mga prodyuser na
nagsasabwatan, nagkakaroon ng “artipisyal na kakulangan” sa pamilihan.

3. Panic Buying
Ito ang pagbili ng labis sa pangangailangan dulot ng pangamba sa maaring maging
epekto ng mga kaganapan sa bansa. Dahil sa ginagawang pagbili ng labis sa kaniyang
pangangailangan, ito ay nagdudulot ng consumer hoarding kaya ang pamilihan ay
nagkukulang.

4. Pagkakaroon ng Monopolyo o Pagkontrol ng Isang Tao sa Bahay-kalakal


Ang pagkakaroon ng monopolyo sa mga produkto at serbisyo ay maaring maging dahilan
ng pananamantala ng isang negosyante dahil siya lamang ang nagtitinda sa pamilihan.

19
5. Pagkakaroon ng Kartel
Ang mga monopolista at kartel ang nagsasagawa ng hoarding ng mga produkto upang
hintayin ang pagtaas ng presyo nito para sa ikalalaki ng kanilang kita.

PARAAN UPANG MAPAMAHALAAN ANG KAKAPUSAN

Mahalaga ang pag-aaral sa Ekonomiks upang mapahalagaan nang mahusay ang paggamit ng
limitadong pinagkukunang-yaman o resorses ng bansa. Ito rin ang nagdidikta na gumawa ng
matalinong pagpipili o pagdedesisyon gaya ng pagpapasiya kung anong mga produkto at serbisyo ang
dapat gawin, kailan ito gagawin at kung para kanino ang gagawin.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan na maaring isagawa upang mapamahalaan ang suliranin sa
kakapusan:
Pagpapatupad
Kailangang
nang mga
din ang angkop pamahalaan ng
programa na
at makabagong Pagsasanay mga polisiya na
makapagpapab
teknolohiya para sa mga nagbibigay
uti at
upang manggagawa proteksiyon sa
makapagpapal
mapataas ang mga
akas sa
produksyon. pinagkukunang
organisayon
-yaman.

Sa mga nagmamalasakit sa kapaligiran, ang mga sumusunod ay mga programang isinusulong sa


konserbasyon sa pinagkukunang-yaman.

Pangangampanya
Pagtatanim ng mga upang ipagbawal Pagkordon o
enclosure ng mga 1.Pagbabantay sa
puno sa ang paggamit ng
nakakalbong mga kemikal at iba piling lugar na kalagayan sa mga
malala ang kaso ng nauubos na uri ng
kagubatan at sa pang bagay na
kalunsuran nakalilikha ng ecological mga hayop.
imbalance
polusyon

MATALINONG PAGPILI AT MGA PARAAN UPANG MALABANAN ANG KAKAPUSAN


SA PANG-ARAW-ARAW NA PAMUMUHAY.
Sa buhay ng tao, hindi maiiwasan na kailangang magdesisyon kung ano ba ang mas dapat
bigyang prayoridad sa araw-araw na gawain o kung ano ba ang dapat unahin sa lahat ng mga
pangangailangang dapat tugunan. Bukod doon, hindi lahat ay may sapat na badyet para tugunan ang
mga pangangailangan at kagustuhan. Dahil palaging kapos ang pinagkukunang yaman, kailangan ang
matalinong pagpili. Sa bawat pagpili o pagpapasiya, laging isipin kung ano ang kahihinatnan nito.
Halimbawa: Dahil sa mga gusto mo, maaaring piliin ang bumili ng load para sa iyong cellphone
sa halip na pagkain o vice versa. Isinasakripisyo mo ang iba mo pang gusto lalo na kung hindi sapat
ang iyong badyet.
Ganoon din sa pamahalaan. Halimbawa sa isang malawak na bukirin, ito ba ay papalitan para maging
lupang industriyal o pananatilihin ang pagiging lupang agrikultural nito. Kailangan dito ng matalinong
pagdedesisyon kung ano ba ang mas makabubuti sa bansa at mga taong nasa paligid nito.
Sa ganitong sitwasyon, mayroong tinatawag na opportunity cost at trade-off.
1. Opportunity Cost – Ito ay tumutukoy sa alternatibong isinuko mo sa iyong pagpili. Ito ang pakinabang
na tinalikdan mo sa iyong pagpili.

2. Trade Off – ito ang palitan na may kasamang kompromiso. Ito ay isang sitwasyon na handa kang
magkompromiso sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng isa para sa iba.
20
Halimbawa:
Ang lupang agrikultural, sa halip na patayuan ng bahay, mas pinaunlad pa ng pamahalaan ang
lupa sa pamamagitan ng paglalagay ng irigasyon, pamamahagi ng punla sa mga magsasaka, at
pagbibigay ng libreng seminar.
3. PRODUCTION POSSIBILITY FRONTIER (PPF)
Ito ay kumakatawan sa puntong ang ekonomiya ay nagiging mahusay sa paglikha ng mga
produkto at serbisyo, na ginamitan ng tamang alokasyon sa pinaka mainam na paraan.
Ipinakikita ng PPF ang kakayahan ng isang bansa na gumawa ng matalinong pagpapasya na mas
pakikinabangan ng nakararami.
Halimbawa:
Mas makakabuti ba sa lahat na ang dating lupang agrikultural ay patayuan ng mga pabahay o
lupang residensyal?
Gawain 2: Sa ating paligid at sa pang araw-araw na Gawain, magbigay ng mga halimbawa o
palatandaan ng kakapusan at kakulangan. Magbigay ng tig lima sa bawat kolum.

Palatandaan ng Kakulangan Palatandaan ng Kakapusan

REVISED KNOWLEDGE: Actual answer to the process questions/ focus questions

1. Ano ang pagkakaiba ng kakulangan at kakapusan?

 Kakapusan – isang kondisyon kung saan ang mga pinagkukunang-yaman ay limitado


upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao
 Kakulangan – isang kalagayan na panandalian lamang. Sinasabi na ang kalagayang ito
ay maaaring gawa o likha ng tao. Ito ay nagaganap kung may pansamantalang
kakulangan at madalas na nangyayari sa isang ekonomiya.
2. Bakit nagkakaroon ng kakapusan sa mga pinagkukunang-yaman?
 Nagkakaroon ng kakapusan dahil na rin sa kapabayaan ng mga tao sa kanilang mga
responsibilidad bilang konsyumer. Hindi marunong magtipid at hindi nila alam gamitin sa
wasto ang mga pinagkukunang-yaman na siyang pinagmumulan ng mga sangkap
pamproduksyon.
3. Paano malulutas ang suliranin sa kakapusan at kakulangan?
 Maaaring matatagalan o hindi malulutas ang suliranin ng kakapusan subalit maaari itong
mapigilan sa pamamagitan ng maayos na paggamit ng ating mga pinagkukunang-yaman.
Malaki ang naitutulong ng pagtitipid sapagkat nakapagdudulot ito ng kaginhawahan sa
paggamit ng mga pinagkukunang-yaman.

21
FINAL KNOWLEDGE: Generalization/ Synthesis/ Summary

Ang kakapusan ay tumutukoy sa limitasyon ng produktibong yaman na matugunan ang mga


pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ito ang dahilan upang humanap ng ibat ibang paraan ang tao
upang wasto at lubos na magamit ang produktibong yaman ng ekonomiya. Ang pagiging produktibo,
episyente, at ang wastong paggamit sa produktibong yaman ay ilan sa mga solusyon ng kakapusan.

Ang kakapusan ay ang hindi kasapatan ng mga pinagkukunang-yaman upang tugunan ang
walang kagustuhan. Dahil sa kakapusan ay kailangang pumili mula sa mga posibilidad ng
produksyon. Kailangan ding isaalang-alang ang cost ng paggawa ng isang bagay. Gayundin,
kailangan ang episyenteng alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman.

22
Department of Education
Division of Nueva Vizcaya
Diocese of Bayombong Educational System (DBES)
Saint Louis School, Solano, Nueva Vizcaya

Saint Louis School


Name of School
---o0o---

DBES LEARNING ACTIVITY SHEET/GAWAING PAGKATUTO

Subject: Araling Panlipunan IX (Ekonomiks)


Teacher: _______________________________________

Name of Learner : _________________________________


Grade Level & Section : _______________________________ Inclusive Dates : _______________
Week No.: ____3______ Score : _______________

A. Written Work/s:

Activity 1: Suriin ang mga pahayag at tukuyin kung Tama o Mali ang isinasaad ng mga ito. Isulat ang sagot sa
patlang na nakalaan sa bawat bilang.

__________ 1. Ang kakapusan ay panandalian lamang.


__________ 2. Ang kakapusan ay nararanasan lamang ng mangilan-ilang mahihirap.
__________ 3. Ang ating likas yaman ay walang limitasyon.
__________ 4. Lahat tayo ay nahaahrap sa pagpili at pagdedesisyon.
__________ 5. Episyente na magkaroon ng produksiyon sa ilalim ng PPF.

Activity 2: Sagutin nang buong husay ang tanong:

1. Bakit lahat ng tao ay apektado ng kakapusan?


_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

Mini Task: Selfie!


Gumupit ng larawan na nagpapakita ng kakapusan o kakulangan. Idikit ito sa bakanteng bahagi ng
papel at lagyan ito ng caption kung ano ang naramdaman, ano ang posibleng suliraning kinahaharap ng
nasa larawan at ano ang posibleng aksiyon para dito
Kraytirya 5 3 1
Nilalaman Malikhain, tiyak, detalyado at maayos ang lahat Malikhain, tiyak, detalyado at maayos Maraming mali sa impormasyon
ng impormasyon ang ilan sa impormasyon
Detalye Maliwanag at malinang nang mabuti ang mga Hindi naging maayos ang Maraming mali sa mga detalye
detalye pagkakasunod-sunod ng mga detalye
Paglalahad Kawili-wili at maliwanag ang pagkakalahad May kaayusan ang paglalahad Walang kaayusan; hindi naging
maliwanag ang pagkakalahad

23
WEEK 4: ALOKASYON AT MGA SISTEMANG PANG-EKONOMIYA

Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng


Content Standard Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na
pamumuhay.
Ang mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing
Performance Standard konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na
pangaraw-araw na pamumuhay.
Most Essential Learning
Nasusuri ang ibat-ibang sistemang pang-ekonomiya.
Competencies (MELCs)
Critical Thinking, Creativity, Collaboration, Cross-cultural
21st Century Learning Skills
Understanding, Career Learning, and Communication
Core Values Christian Witnessing, Social Responsibilities, Community Building

REFERENCES: (Please be guided with the given references to help you perform the given activities.
Click the given links and hyperlinks to access the suggested learning resources.)

A. Printed:
• Imperial, C.M., Kayaman (Ekonomiks ) 2017 Edisyon, Rex
Bookstore, Inc.
• Bon, C.B., Ekonomiks sa Makabagong Panahon K12 Series, JO-
ES Publishing House, Inc.
B. Online:
www.rexinteractive.com

4 PAKSA: SISTEMANG PANG-EKONOMIYA/SINAUNANG URI NG SISTEMANG


PANG-EKONOMIYA

INTRODUCTION:
Ang kakapusan sa yaman ay isang napakalaking hamon sa pamumuhay ng tao lalo na at walang
hanggan ang mga kagustuahan niya. Sa pagdaan ng panahon, nabuo at nalinang ang ibat ibang mga
pamamaraan ng lipunan upang paghusayin ang paggamit ng mga kapos na yaman nito.
Upang makabuo ng isang produkto, maraming pagpapasiya at pagpili ang isinasagawa ng tao,
smabahayan, bahay-kalakal, at pamahalaan. Sa kabuuan ay tumutukoy ang mga ito sa kung paanong
ang mga kapos na yaman ng isang lipunan, tulad ng lupa, lakas-paggawa, at capital, ay inilalaan.
Alokasyon ang pagtujkoy sa pamamahagi ng ng mga kapos na yaman upang matugunan ang walang-
hanggang pangangailanagn at kagustuhan ng mga tao. Upang masabing mahusay o efficiernt ang
alokasyon ay nararapat na isaalang-alang ang maraming gamit ng mga kapos na yaman at ang
pinaglalaanan sa mga ito ay kung saan ito makapagbibigay ng lubos na kapakipakinabang para sa
nakararami.

Below are the Learning Targets/ Specific Objectives:

1. Natutukoy ang katuturan , konsepto at ugnayan ng alokasyon sa kakapusan, pangangailangan


at kagustuhan;
2. Nasusuri ang sistemang pang-ekonomiya at ang mga sinaunang uri nito;
3. Naipapaliwanag ang makabagong uri ng sistemang pang-ekonomiya;

24
Exploration of Prior Knowledge

Directions: Punan ang K-W-H-L Chart sa ibaba upang malaman ang iyong dating kaalaman at pag-
unawa sa paksa; Alokasyon at Sistemang Pang-ekonomiya.
What I Want to How I Can Learn
What I Know Find Out More What I Have Learned

Skills I expect to use:

PROCESS QUESTIONS/ FOCUS QUESTIONS:

Makikita ang mga gabay na tanong sa ibaba na dapat ninyong maunawaan habang isinasagawa
ninyo ang mga aktibiti sa paksang ito. Dapat ay masagutan ang mga katanungang ito sa pagtatapos
ng linggong ito.

1. Ano ang kahulugan ng alokasyon?


2. Bakit kailangan ang pagbabaha-bahagi ng mga pinagkukunang yaman?
3. Ano ang mga sistemang pang-ekonomiya?
4. Alin sa mga sistemang pang-ekonomiya ang higit na akma sa ating bansa? Bakit?
SHORT EXERCISES/DRILLS:

PANIMULANG GAWAIN: Pizza ko, hati ko!


Sitwasyon: Mabibigyan ka ng pizzang buo.
1. Ilang hati ang gagawin mo sa pizza? Bakit?
2. Ano ang naging batayan mo sa paghahati ng nasabing pizza?
3. Bakit mahalagang pantay-pantay ang paghati sa pizza depende sa dami ng miyembro ng
pamilya?

Gamitin ang espasyo upang isagawa ang gawain. Mga Sagot sa Tanong:
1 .__________________________________
___________________________________
___________________________________
2 .__________________________________
___________________________________
___________________________________
3 .__________________________________
____________________________________

CONTENT DISCUSSION:

Itinuturing ang pangunahing suliraning pangkabuhayan ang kakapusan. Sa katunayan,


pinagaralan ang Ekonomiks dahil may kakapusan ang karamihan sa mga pinagkukunang-yaman. Sabi
nga ni John Watson Howe, “There isn’t enough to go around’’. Ito ang kasabihang sumasailalim sa
suliranin ng kakapusan. Ito rin ay naglalahad ng katotohanang limitado ang pinagkukunang-yaman
25
kung kayat kailangan gumawa ng tamang desisyon kung paano gagamitin ng mahusay ang mga ito at
upang matugunan ang nagtutunggaliang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Ang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto at serbisyo ay tinatawag
na alokasyon. Isang paraan upang maisaayos at maipamahagi at magamit ang lahat ng pinagkukunang
yaman ng bansa. Ito rin ang paraan upang ang lipunan ay makaagapay sa suliraning dulot ng
kakapusan.

Ano ang Alokasyon?


Ang Alokasyon ay tumutukoy sa mekanismong ginagamit para sa paglalaan, pagtatakda, at
pamamahagi ng salat o limitadong pinagkukunang-yaman upang masagot ang mga suliraning
pangekonomiya ng bansa katulad ng kakapusan.
Sa tulong ng pamilihan ay nakikita kung paano isinasagawa ang alokasyon. Ito ang mekanismo ng
pamamahagi ng mga likas na yaman, yamang-tao at yamang pisikal sa ibat-ibat paggagamitan nito.
Ang pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman ay magagawa sa ibat-ibang pamamaraan:

Ang epektibo, maayos at matalinong paggamit


Ito ay mahalaga upang ang kapakinabangan sa mga ito ay lubusang makamit. Ang
konserbasyon ay kailangang gawin, sapagkat ang mga likas na yaman ay nauubos. Ito ang
matalinong paggamit ng mga likas na yaman para sa susunod na henerasyon.

1. Ang pamumuhunan sa mga pinagkukunang-yaman


Ito ay isinasagawa upang higit na mapaunlad at mapakinabangan ang mga ito.
Ang pamumuhunan ay pagdaragdag ng capital upang maisagawa ang mga gawain.
Bumibili ng mga de kalidad at mataas na uri ng binhi at ibang pananim upang mapataas ang
produksiyon ng bigas. Ang pamumuhunan sa pisikal na yaman ay ginagawa upang maiwasan ang
epekto ng depresasyon. Ang pagbibigay ng edukasyon, pagsasanay at workshop ay ginagawa
upang malinang at mapaunlad ang kanilang kakayahan at kasanayan.

2. Paggamit na makabagong makinarya/teknolohiya


Ang mga makabagong teknolohiya ang siyang nagpapabilis at nagpapadali sa Produksyon. Ito
ay magbubunga ng mataas na produksiyon na magbibigay ng pagkakataon sa mataas na
pagkonsumo sa bansa.

Ang alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman ay dapat bigyang-pansin ng bawat bansa upang


masiguro na ang pangangailangan ng bansa ay matugunan kahit nahaharap sa suliranin ng kakapusan.

SISTEMANG PANG-EKONOMIYA
o Ito ay tumutukoy sa mga mekanismong ginagamit upang maisagawa ang alokasyon. Ito rin ay
kombinasyon ng mga estruktura at institusyon para maisagawa ang mga solusyon sa suliraning
pang-ekonomiya ng bansa.
o Ito ang nagtatakda ng batas at alituntunin ng produksiyon. Ito rin ang tumitiyak kung ano ang
mga karapatan ng nagmaymay-ari ng mga salik ng produksiyon.
o Walang perpektong sistema na angkop sa isang bansa, kaya ito ay maaring baguhin ayon sa
pangangailangan ng ekonomiya.

PAGPILI SA SISTEMANG PANG-EKONOMIYA


Mahalagang malaman kung paano ba pinipili o nabubuo ang sistemang pang-ekonomiya sa isang
bansa. Ito ba ay biglaan na lamang naisip ng mga namumuno o dumadaan sa proseso. Mahalagang
malaman ang sistemang pang-ekonomiya na gagamitin upang matugunan ang mga suliraning
pangekonomiya ng isang bansa.
MGA SALIK SA PAGBUO O PAGPILI NG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA
1. Ang kasaysayang pang-ekonomiya at pangkultura ng isang bansa.
2. Klima at pinagkukunang yaman ng bansa.
3. Pilosopiyang umusbong mula sa kasaysayang pinagmulan.
4. Mga teoryang pinaniniwalaan na nagmula sa nakalipas hanggang sa makabagong usbong na mga
teorya na nagpapaliwanag sa galaw ng iba’t ibang sektor ng ekonomiya.
26
 MGA SINAUNANG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA
BATAYAN TRADISYUNAL PAMILIHAN IPINAG-UTOS ( PINAGHALO
( Traditional ) ( Market ) Command ) ( Mixed )
PAGGAWA *Ayon sa kultura, *Batay sa *Nakbatay sa *Ang pamahalaan
NG kagustuhan ng kautusan
DESISYON
kinagawian, ng at pribadong mga
Tradisyon at mamimili.Kung ano pamahalaan. nagmamay-ari ang
ang mas
gampanin ng Ginagawa ang gumagawa ng
tinatangkilik , ito ang
lipunan at desisyon batay sa desisyon sa
makikita sa
pamilya sentralisadong pamilihan.
pamilihan
pagpaplano ng
pamahalaan.
PAGTATAKD *Barter System *Ang *Ang pamahalaan ang *Ang pagtatakda
A NG
PRESYO napagkasunduang nagtatakda ng presyo ng presyo ay
presyo ng maimili at sa pamilihan. Ang nakabatay sa
nagbibili ang umiiral ginagawang produkto galaw ng
sa pamilihan at serbisyo ay ekonomiya sa
ibinabatay lamang sa sangkot ang
pangunahing pamahalaan.
pangangailangan ng
mga tao.
PAG-AARI NG *Lipunan,bawat *Ito ay pagmamayari *Ang nagmamay-ari * Ang pagmamay-
YAMAN
tao,Pinuno ng ng pribadong tao o ng yaman ay ang ari sa sistemang
tribo indibidwal. pamahalaan ito ay maaring
Tinatawag din itong Makita sa pribado
free enterprise o at at publikong
malayang kalakalan, sector. Ito ay
dahil Malaya lahat hawak din ng
makapasok at pamahalaan.
makalabas ang Maari din
negosyong nais niya magmay-ari ang
dayuhan sa
sistemang ito.
PANGUNA- *Layunin nito na *Layuning makamit * Layuning *Layunin nito na
HING
LAYUNIN
Matugunan ang ang pinakamataas na maipamahagi ng paunlarin ang
pangunahing tubo mula sa nabiling pantay-pantay ang ekonomiya ng
pangangailangan produkto at serbisyo. pangunahing bansa at tumubo
pangangailangan ang pribado at
mula sa pamahalaan. publikong
nagmamay-ari.

MAKABAGONG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA

1. KAPITALISMO
 Noong ika-17 siglo ay binigyang –pansin ang ideya ni Adam Smith, Ama ng makabagong
Ekonomiks at may akda ng “An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations’’
ukol sa paggalaw at paglago ng sistemang pamilihan.
 Sa doktrina ng laissez-faire ni Adam Smith, sinasabing ang pamahalaan ay hindi dapat
makiaalam sa pagpapaunlad at pagpapatakbo ng mga indibidwal sa mga industriya at negosyo.
Isinulat niya na ang hangaring tumubo at kompetisyon ang nagpapasigla sa ekonomiya. Ito ang
umiiral sa sistemang kapitalismo at kilala rin sa tawag na “free enterprise system”

27
 Ang kapitalismo ang pangunahing sistemang pang-ekonomiya sa Europe at United States mula
1800. Ito ay isang sistemang pang-ekonomiya na ang ang pagmamay-ari ng yaman at
produksiyon ay nasa kamay ng mga indibidwal at pribadong sektor.
 Desentralisado ang paggawa ang desisyon sa sistemang ito. Ang mga indibidwal at pribadong
sektor ang gumagawa ng desisyon ukol sa produkto at serbisyong ipamamahagi.

2. KOMUNISMO
 Ang teorya na ito ay unang binalangkas nina Karl Marx (Ama ng Komunismo) at Friedrich
Engels sa mga aklat na “The Communist Manifesto” at “Das Kapital” na itinuturing na bibliya
ng Komunismo.
 Ang komunismo ay isang sistemang pang-ekonomiya kung saan ang estado ang nagmamay-ari
at kumokontrol sa yaman ng bansa at produksiyon.
 Mula sa malawak na pag-aaral sa kasaysayan, naniniwala si Marx na magbubunga ang
tunggalian ng uri (class conflict) ng isang lipunang walang uri (classless society) at pagbibigay
ng kapangyarihang sa mga manggagawa na tinawag niyang proletariat.
 Ang kaisipan ng Komunismo ay lumawak. Ito ay ipinatupad ni Vladimir Llich Lenin, na kilala
sa pangalan na Nikolai Lenin sa Russia noong 1917. Ito ang unang bansang tumangkilik sa
Komunismo. Sa China, ang komunismo ay ipinalaganap noong 1949 sa pamumuno ni Mao
Zedong na kilala rin tawag na Mao Tse-tung.
 Sa kasalukuyan ay walang bansa ang nakarating sa full communism, hindi pa umiiral ang tunay
na komunismo sapagkat ndi pa nakakamit ang classless society.

3. SOSYALISMO
 Isang sistemang pang-ekonomiya ang masasabing pinaghalo dahil sa pag-iral ng command at
market na ekonomiya. Ito ang tinatawag na SOSYALISMO.
 Ito ay sistemang pang-ekonomiya kung saan ang estado ang humahawak at kumontrol sa mga
pangunahing industriya at ang mga mamamayan ay pinapayagan na magmay-ari ng maliit na
negosyo na maaring pakialaman ng estado.
 Ang pagmamay-ari ng yaman sa kolektibong paraan ay ginagawa sa sistemang ito. Hangarin
nito ang pagkakapantay-pantay ng mga tao sa lipunan. Ang estado ang nagdedesisyon kung
anong produkto ang makakabuti sa mga mamamayan. Ang pagkakaroon ng welfare state ay
daan upang ang pangangailangan ng lahat ng tao ay maibigay ng pamahalaan.
 Sa ilalim ng pinaghalong ekonomiya o mixed economy ay binabalanse ang pagkontrol sa
kalayaan ng pamahalaan at mamamayaan.
 May mga bansang unti-unti ng lumilipat mula sa command economy patungo sa mixed economy
at market economy tulad ng Russia at China.

Gawain 2: Panuto: Punan ang Talahanayan.


Basehan Pamilihan Ipinag-uutos Pinaghalo
Paggawa ng Desisyon 1________ Estado 6._______
Pagtatakda ng Presyo Pamilihan 4._______ Plano
Pag-aari ng Yaman 2.________ Kkolektibo 7._______
Pangunahing Layunin 3.________ 5._______ tumutubo

REVISED KNOWLEDGE: Actual answer to the process questions/ focus questions

1. Ano ang kahulugan ng alokasyon?


 Alokasyon ang pagtujkoy sa pamamahagi ng ng mga kapos na yaman upang matugunan
ang walang-hanggang pangangailanagn at kagustuhan ng mga tao.

2. Bakit kailangan ang pagbabaha-bahagi ng mga pinagkukunang yaman?


 Kailangan ang pagbabahabahagi ng mga pinagkukunang yaman upang matugunan ang
problema sa kakapusan.

3. Ano ang mga sistemang pang-ekonomiya?


 Ang mga sistemang pang-ekonomiya ay ang mga sumusunod: KAPITALISMO,
KOMUNISMO, AT SOSYALISMO

4. Alin sa mga sistemang pang-ekonomiya ang higit na akma sa ating bansa? Bakit?
28
 Ang Kapitalismo ang higit na akma sa ating bansa dahil taglay nito ang mga katangian ng
isang sistemang pang-ekonomiya na kumakatawan sa ekonomiya ng ating bansa.

FINAL KNOWLEDGE: Generalization/ Synthesis/ Summary

Ang alokasyon ng mga pinagkukunang yaman ay magkakaroon ng kaganapan sa tulong ng


pamahalaan at mga mamamayan. Ang mga sistemang Pang-ekonomiya ay instrumento lamang
upang maging gabay ng bansa sa pagsagot sa suliranin ng kakapusan.

Sa pamamagitan ng sistemang pang-ekonomiya, inaasahan na ang suliranin sa alokasyon na


kinakatawan ng mga tanong na “Ano ang produkto na dapat likhain? Paano ito lilikhain? At Para
kanino ito lilikhain ay matutugunan.

29
Department of Education
Division of Nueva Vizcaya
Diocese of Bayombong Educational System (DBES)
Saint Louis School, Solano, Nueva Vizcaya

Saint Louis School


Name of School
---o0o---

DBES LEARNING ACTIVITY SHEET/GAWAING PAGKATUTO

Subject: Araling Panlipunan IX (Ekonomiks)


Teacher: ________________________________

Name of Learner : _________________________________


Grade Level & Section : _____________________________Inclusive Dates : _________
Week No.: ____4______ Score : _______________

A. Written Work/s:

Activity 1: Suriin ang mga pahayag at tukuyin kung Tama o Mali ang isinasaad ng mga ito. Isulat
ang sagot sa patlang na nakalaan bawat bilang.

__________1. Ang alokasyon ay tumutukoy sa pag-aksaya sa paggamit ng kalikasan.


__________2. Ang pamahalaan ang namumuno sa isang tradisyonal na sistemang pang-ekonomiya.
__________3. Ang magkahalong ekonomiya o mixed economy ay ang may pinagsama-samang mga
katangian mula sa ibang sistemang pang-ekonomiya.
__________4. Sa sitemang pamilihan ang mamamayan ay malayang nangangalakal.
__________5. Isang pagtugon sa kakapusan ay sa pamamaraan ng alokasyon.

Activity 2:ANALOHIYA: Punan ang patlang upang mabuo ang analohiya.

1.Kontrolado ng pamahalaan: command economy; Balanse ang control ng kalayaan ng pamahalaan at


mamamayan:______________________________________________________
2. Adam Smith: Ama ng Makabagong Ekonomiks; Karl Marx: _________________________
3. Kapitalismo: desentralisado; Komunismo : _________________________________________
4. Command na ekonomiya: estado ; Market na ekonomiya : __________________________
5. Kapitalismo: indibidwal ang may-ari ng yaman; Sosyalismo : ________________________

30
Mini Task: no rubrics

I-BUDGET MO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Gawin ang hinihingi
ng mga ito.
1. Binaha ang barangay at limangdaang pamilya ang nasa evacuation center. Tinatayang aabutin doon
ng tatlong araw ang nasalantang mga pamilya. Bawat pamilya ay may nakalaang P200.00 na tulong.
Anu-anong pagkain para sa tatlong araw ang ibibigay ng mga opisyal ng barangay batay sa pondo.
Bakit ito ang mga bibilhing pagkain?

Pamantayan Katangi-tangi(3) Nalilinang(2) Nagsisimula(1) Isko


r
Nilalaman Komprehensibo,may Wasto ang Hindi wasto ang
kalidad at wasto ang impormasyon subalit impormasyon at may
impormasyon may kakulangan sa kakulangan sa
detalye detalye
Organisasyon Maayos,detalyado at Maayos subalit may Hindi maayos, may
medaling unawain ang kulang sa detalye at kulang sa detalye at
daloy ng mga kaisipan hindi medaling hindi medaling
at impormasyon unawain ang daloy ng unawain ang daloy
kaisipan ng kaisipan
Presentasyon Lubos na nakahihikayat Hindi nakahihikayat Hindi nakahihikayat
at malinaw ang subalit malinaw ang at hindi malinaw ang
paglalahad paglalahad paglalahad

31
WEEK 5: PRODUKSYON
Content Standard Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng
Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na
pamumuhay.
Performance Standard Ang mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing
konsepto ng ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na
pang-araw-araw na pamumuhay.
Most Essential Learning Natatalakay ang mga salik ng produksiyon at ang implikasyon nito sa
Competencies (MELCs) pang-araw-araw na pamumuhay.
st
21 Century Learning Skills Critical Thinking, Communication, Creativity
Core Values Community Building, Academic Excellence, Social Responsibility,
Christian Witnessing

REFERENCES: (Please be guided with the given references to help you perform the given activities.
Click the given links and hyperlinks to access the suggested learning resources.)

A. Printed:
Imperial, C.M., Kayaman (Ekonomiks) 2017 Edisyon, Rex Bookstore, Inc.

B. Online: Kotobee App.;


www.rexintersctive.com

5
PAKSA: PRODUKSYON

INTRODUCTION:

Tulad ng pagkonsumo ay mahalaga rin sa ekonomiya ang produksyon.


Isa sa layunin ng pag-aaral ng ekonomiks ay matukoy kung paano matutugunan ang mga
pangangailanagn at kagustuhan ng mga tao. Noong unang panahon, ang mga tao ay umaasa lamang sa
kung ano ang ibinibigay ng kalikasan. Direkta nilang ginagamit at kinokonsumo ang kanilang
nakukuha rito upang mabuhay. Sa pag-unlad ng kaalaman at teknolohiya ay nakagawa ang mga tao ng
ibat ibang produktong kanilang kailangan. Dahil dito, lumago ang antas ng kanilang pamumuhay at
nakabuo sila ng sibilisasyon, kultura, malalaking siyudad at mga panibagong institusyon.
Masasabing ang kakayahan ng taong makagawa ng ibat ibang produkto ang naging susi ng kanilang
mabilis na pag-unlad kumpara sa iba pang mga nilalang sa mundo. Ang proseso ng paggawa ng ibat
ibang produkto at serbisyo upang matugunan ang mga pangangailanagn at kagustuhan ng tao ay
tinatawag na produksyon.

Below are the Learning Targets/ Specific Objectives:

1. Naibibigay ang kahulugan ng produksiyon


2. Napahahalagahan ang mga salik ng produksiyon at ang mga implikasyon nito sa pangaraw-araw
na pamumuhay ng tao; at
3. Nasusuri ang mga ibat ibang organisasyon ng negosyo.

Exploration of Prior Knowledge

Directions: Punan ang K-W-H-L Chart sa ibaba upang malaman ang iyong dating kaalaman at
pag-unawa sa paksa; PRODUKSIYON

32
What I Want to How I Can Learn
What I Know What I Have Learned
Find Out More

Skills I expect to use:

PROCESS QUESTIONS/ FOCUS QUESTIONS:

Makikita ang mga gabay na tanong sa ibaba na dapat ninyong maunawaan habang isinasagawa
ninyo ang mga aktibiti sa paksang ito. Dapat ay masagutan ang mga katanungang ito sa pagtatapos ng
linggong ito.
1. Ano ang kahulugan ng produksiyon?
2. Bakit laging magkaugnay ang pagkonsumo at produksiyon?
3. Bakit kailangan ang iba’t ibang uri ng samahang pangnegosyo sa ating bansa?

SHORT EXERCISES/DRILLS:

Directions:
PANIMULANG GAWAIN: PICTURE ANALYSIS
Suriin ang larawan at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

1. Anu-ano ang makikita sa mga larawan?


2. Mahalaga ba ang kaganapang ipinapakita sa larawan sa ating ekonomiya? Bakit?

CONTENT DISCUSSION:

Ang produksiyon ay tumutukoy sa paglikha ng mga produkto o serbisyo upang matugunan ang
pangangailangan ng mga tao. Ang paglikha ng mga produkto o serbisyo ay gumagamit ng kombinasyon
ng mga salik ng produksiyon. Ang mga salik ng produksiyon ay kilala sa katagang “inputs” o mga bagay
na ginagamit para makagawa ng mga bagay na tutugon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao. May
apat na kategorya ito; lupa, lakas paggawa, kapital, at kakayahan ng entreprenyur.

PROSESO NG PRODUKSIYON
Ang paglika ng mga produkto at serbisyo ay dumaraan sa ibat-ibang proseso bago ang ang hilaw
na materyales ay maging ganap na produkto. May tatlong antas ng produksiyon sa pagpoproseso ng mga
produktong gagawin.

 PRIMARYA (Primary)
Ito ang unang antas sa produksiyon. Dito sinisimulang pagsama-samahin ang mga hilaw
na materyales na gagamitin sa paggawa ng produkto. Nakapaloob dito ang gawaing sa
sektor ng agrikultura.

33
 INTERMEDYA (Intermediate)
Ito ang pangalawang antas sa pagpoproseso ng mga hilaw na produkto. Sa antas na ito
ang mga nakuhang hilaw na material ay maari nang dumaan sa pagpipino o refining
process upang mas higit ang pakinabang ang makuha.

 TAPOS/GANAP na PRODUKTO (Final)


Ito ang pinakahuling proseso o antas ng produksiyon. Sa antas na ito, ang hilaw na
materyal ay magagawa ng isang tapos na produkto na maari ng ibenta sa pamilihan upang
makonsumo ng mga tao. Ito ang tutugon sa pangunahing pangangailangan at kagustuhan ng tao.

Mayroon ding tinatawag na INPUT at OUTPUT

INPUT PROSESO OUTPUT

SALIK NG PRODUKSYON Ito ang pagsama-sama ng Ito ang produkto at


Lupa, Paggawa, lahat ng salik ng serbisyo na nagawa
Kapital, at produksiyon mula sa hilaw mula sa
Entreprenyur na materyal hanggang sa produksyon
maging ganap na
produkto.

Fixed Input Primarya

Intermedya
Variable Input

Tapos/Ganap

INPUT- Tumutukoy sa mga salik ng produksyon.


OUTPUT- Tumutukoy sa mga produkto at serbisyo na nabuo mula sa pagpoproseso ng lahat
ng mga hilaw na materyal, paggawa, kapital at entrepenyur

Ang INPUT ay may dalawang uri:

• FIXED INPUT- Tumutukoy sa mga salik ng produksyon na hindi nagbabago kaagad-agad


tulad ng lupa, mga imprastraktura, pabrika, at planta kung saan nagaganap ang produksyon.
• VARIABLE INPUT- Tumutukoy sa mga salik ng produksyon na maaring magbago depende
sa pangangailangan sa produksyon tulad ng kuryente, tubig, hilaw na materyales at mga
kinakailangan ng manggagawa.

HALIMBAWA ng Input-Process-Output ng Produksiyon

SALIK NG PRODUKSIYON
Sa pagbuo ng mga produkto at serbisyo, mayroong apat na salik upang gawin ito. Mahalaga
ang bawat isa sapagkat hindi mabubuo ang isang produkto kung wala ang alinman sa mga ito. Ito ang
mga sumusunod: lupa, paggawa, kapital at entreprenyur.

34
A. LUPA
 Ito ang unang salik ng produksiyon. Ito ang hindi napapalitang yaman ng kalikasan na hindi
maaring bawasan at dagdagan.
 Ito ang pinagmumulan ng lahat ng hilaw na material na ginagamit sa produksiyon.
 Ito ay tumutukoy sa lugar na pinagpatatayuan ng mga pagawaan ng produksiyon. Ito ay maaring
lupa, kagubatan, minahan

RENTA/UPA- ito ang kabayaran sa paggamit ng lupa at


ibang likas na yaman na tinatanggap ng Landlord.

B. PAGGAWA
 Ito ang pinakamahalagang salik ng produksyon.
 Mababalewala ang mga hilaw na material kung walang tao na lilinang at bubuo nito.
 Mahalaga na ang mga tao ay may sapat na kakayahan, abilidad at talino upang ang hilaw na
material ay ma-i-proseso niya na magbibigay ng higit na kasiyahan sa mga taong gagamit nito.

 URI NG PAGGAWA

 Pisikal na Lakas paggawa (Blue Collar Job) – Ito ang mga manggagawang mas
gumagamit ng pisikal o lakas upang gawin ang kanilang tungkulin. Hal. Janitor,
construction worker.

 Mental na Lakas paggawa (White Collar Job) – Ito naman ang mga manggagawang
mas gumagamit ng mental o talino upang gawin ang kanilang tungkulin. Hal. guro,
engineer, nurse

Sahod/Suweldo- Ito ang tawag sa bayad sa paggawa.

 MGA URI NG SAHOD

 KOMISYON- Ito ang tawag sa bayad na ibinibigay sa mga ahente. Ito ang kabuuang
bahagdan na nakukuha nila mula sa pagbenta ng mga produkto.
 BONUS- Ito ang ibinibigay sa mga tagapamahala at kawaning tumutulong sa kompanya
na kumita ng malaki.
 TIP- Ito ang ibinibigay sa mga manggagawang nagbibigay ng magandang serbisyo sa
kanilang mga kostumer o mamimili.
 ROYALTY- Ito ang bahagdan ng kita na ibinabayad sa mga manunulat ng aklat,
kompositor at imbentor dahil sa kanilang likha na tinatangkilik ng tao.
 FEE- Ito ang tawag sa bayad sa mga propesyonal na tinatawag na professional fee at sa
mga artista na tinatawag na talent fee.

 KALAGAYAN SA PAGGAWA

 PANSAMANTALA o SEASONAL- Ang mga manggagawa sa kalagayang ito ay hindi


nagtatagal sa kanilang mga trabaho sapagkat sila ay tinatanggap lamang sa trabaho upang
mapunan ang kakulangan sa paggawa.
 KONTRAKWAL- Sa kalagayang ito, ang manggagawa ay may tiyak na panahon o
kontrata ng kaniyang paninilbihan sa kompanya. Pagkatapos ng kaniyang kontrata, maari
lamang siyang magpatuloy kung muling pipirma sa bagong kontrata.

 KASWAL- Sa kalagayang ito, ang isang mangagawa ay matagal nang naninilbihan sa


isang kompanya ngunit hindi pa rin permanente o palagian. Ang kontrata ay tuloy-tuloy
ngunit hindi nakatatanggap ng benepisyo

35
 REGULAR o PERMANENTE- Ang isang manggagawa ay palagian sa kaniyang
trabaho. Nakatatanggap na siya ng ibat-ibang benepisyo mula sa kompanya
 KARAPATAN NG MANGGAGAWA- Bawat manggagawa, permanente man sa trabaho
o hindi, ay may karapatan na dapat na nilang malaman upang makaiwas sa mapang-
abusong may-ari ng kompanya. Sa Kodigo ng Paggawa, napangangalagaan nito ang
manggagawa.

KARAPATAN NG MANGGAGAWA
Bawat manggagawa, permanente man sa trabaho o hindi, ay may karapatan na dapat na nilang
malaman upang makaiwas sa mapang-abusong may-ari ng kompanya. Sa Kodigo ng Paggawa,
napangangalagaan nito ang manggagawa.

PAGKOKOMPYUT SA MGA KARAGDAGANG SAHOD

 Overtime pay – Karapatan ng isang manggagawa na magtrabaho ng walong oras (8) lamang sa
loob ng isang araw. Kapag sumobra sa 8 oras ang kaniyang trabaho, siya ay dapat bayaran ng
overtime pay na hindi dapat bababa sa 25% ng kanyang regular reyt kada oras. Ngunit kapag
holiday o special non-working holiday, ang overtime pay ay katumbas ng 30% ng reyt kada oras.
Halimbawa: Si Zakiro ay minimum wage earner (P 400.00) at nagtatrabaho sa isang
kompanya. Siya ay nag overtime ng tatlong oras sa kaniyang trabaho. Magkano ngayon ang
bayad niya para sa araw na ito?
Overtime Pay: (Additional 25% bawat oras sa orihinal na sahod)
Sahod= P 400. 00/day
Overtime rate(hrs.) =25%(3)

P 400.00/8= P 50.00
(P 50.00 * .25) =12.5 kada oras
50.00+12.50=72.50
72.50*3=217.50
P217.50+P400= P617.50

 Night Differential Pay – Kapag nagsisilbi ang isang manggagawa sa gabi, marapat lamang na
siya ay tumanggap ng differential pay na hindi bababa sa 10% ng kaniyang regular na sahod.

Hal.
Si Marissa ay nai assign sa kaniyang panggabing trabaho. Kumita siya kada araw ng
P 580.00. Magkano ang kaniyang tatanggaping sahod.
Sahod: P580.00/day
Night Differential pay: 10%additional pay

P580.00 (10%)= P58.00 -10% ng kaniyang tatanggaping sahod


P580+P58.00= P638.00 ang kaniyang kabuuang sahod na matatanggap sa araw na
iyon.

 Lingguhang Pamamahinga – Binibigyan din ang isang manggagawa ng 24 oras na pahinga o


isang buong araw na pamamahinga o rest day o tinatawag din na day-off. Kapag siya ay
pinagtrabaho sa araw ng kaniyang pahinga, bibigyan siya ng karagdagang sahod na hindi bababa
sa 30% ng kanyang sahod.
Hal.
Si Antonio ay manggagawa sa isang malaking kompanya ng tsinelas sa Marikina na kung
saan ay may sinasahod siyang P690.00 bawat araw. Ang kaniyang day-off ay Martes subalit siya
ay pinapasok ng kaniyang boss dahil sa dami ng gawa. Magkano ang kaniyang tatanggaping sahod?

Sahod: P 690.00/day
Karagdagang bayad: 30% sa kaniyang tatanggaping sahod

P690.00(30%)= P207.00 karagdagang porsyento


Q 690.00 + P 207.00= P897.00 ang kabuuang sahod sa araw na iyon

36
 Double Pay/ Holiday Pay – Ang isang manggagawa ay makakatanggap ng karagdagang 100%
sa kanyang regular na arawang sahod kung siya ay pinagtrabaho sa panahon ng holiday.
Hal.
Ang Solano ay taunang nagkakaroon ng pista. Sa mga manggagawa na sumasahod ng
P400.00 kada araw ay kinakailangang pumasok dahil sa demand ng kanilang produkto.
Magkano ang kabuuang sahod na kanilang matatanggap kapag sila ay pumasok sa kanilang
trabaho?

P400.00=sahod kada araw


100% na porsyentong karagdagan sa sahod

P400.00(100%)= P400.00
P400.00 + 400.00=800.00 kabuuang sahod na matatanggap ng mga manggagawa

C. KAPITAL

Ang katawagan sa lahat ng mga kalakal at ari-ariang ginagamit sa pagpoprodyus ng iba pang mga
produkto at serbisyo. Ito ay mga bagay na gawa o nilikha ng tao upang makagawa ng panibagong
produkto at serbisyo.
MGA URI NG KAPITAL
FIXED CAPITAL CIRCULATING SPECIALIZED CAPITAL FREE CAPITAL
CAPITAL
Ito ay capital na matibay, Binubuo ng mga hilaw na Ito ay capital na may Ito ay yamang capital na
nakapirmi at hindi nahahati. materyal na mabilis takdang gamit lamang na maaring mabago ang gamit
Halimbawa: Gusali, mapalitan o mabago ang hindi maaring ipagamit sa depende sa
makinarya, pabrika at trak anyo tulad ng paggatong, iba. pangangailangan sa
pondong pambayad ng produksiyon.
sweldo ng manggagawa

Ang Kapital o puhunan ang ikatlong salik ng produksyon. Ang mga hilaw na materyales ay hindi
maiproseso kung hindi gagamitan ng mga kapital. Sapagkat sa tulong kapital mas magiging madali
para sa mangagagawa na maiproseso ang mga hilaw na material para maging ganap na produkto.

PAMUMUHUNAN o INVESTMENT- Ito ay tumutukoy sa paggamit ng salapi para


sa darating na panahon upang mas lumaki pa ang tubo. Ito rin ang pag-buo ng
panibangong mga imprastraktura, pabrika o planta, makinarya at teknolohiya.

DEPRESASYON- Ito ay tumutukoy sa katangian ng isang capital na nasa yugto


ng pagkaluma at pagkasira na nagiging sanhi ng pagbawas ng kapakinabangan
nito.

D. ENTREPRENYUR
1. Isa sa mga mahahalagang salik ng produksiyon, sapagkat siya ang nagpapakilos ng iba
pang mga salik. Sa pamamagitan niya, napagsama-sama niya ang lupa, kapital, at
paggawa upang mula sa hilaw na material, siya ay makagawa ng isang ganap na
produkto.
2. Bilang isang entreprenyur, mahalaga ang bawat pagpapasiya, pagpaplano at pag-iisip na
kanyang gagawin para sa ikauunlad ng negosyo.
3. Tungkulin niyang ibigay sa mga mamimili ang produkto at serbisyo na makapagbibigay
sa kanila ng kasiyahan at satispaksiyon
4. Bilang isang entreprenyur, hindi lang puros talino ang lang dapat samahan ng tiyaga,
pagpupunyagi at diskarte, karisma sa tao at tamang pagpapasiya.
5. Malaking tulong ang entreprenyur sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa dahil sa
pagbibigay ng trabaho sa ibang mga tao at pagbibigay ng malaking pera sa pamahalaan
sa pamamagitan ng buwis.

37
Malikhain

Matiyaga Makatarungan

May
Masipag malawak na
pag-iisip
Katangian
ng Isang
Entreprenyu
r

Positibong
Matalino Pananaw sa
buhay

Handang
Makipag Mahusay
Magdesisyon
sapalaran Malakas
ang Loob

KAHALAGAHAN AT IMPLIKASYON NG PRODUKSIYON

Mahalaga ang produksiyon sa ekonomiya ng bansa sapagkat kung wala nito, walang
makokonsumo o magagamit ang mga tao na produkto at serbisyo sa kanilang mga pang-araw-araw na
pangangailangan. Ang produksiyon at pagkonsumo ay dalawang gawain sa ekonomiya na hindi
mapaghihiwalay sapagkat walang produksiyon kung walang ikokonsumo at kung walang ikokonsumo
walang ipoprodyus na mga produkto at serbisyo.

Gawain 2: Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang angkop na kahon kung saan nabibilang ang mga
sumusunod:
Batayan Lupa Paggawa Kapital Entereprenyur
1. Produktong gamit sa paggawa ng iba
pang produkto
2. Pinakamahalaga sa lahat ng salik
produksiyon
3. Nagbibigay ng trabaho sa ibang tao
4. Dito nanggagaling ang mga hilaw na
materyal sa paggawa ng produkto
5. Tumatanggap ng sahod bilang kabayaran
sa kanyang serbisyo

REVISED KNOWLEDGE: Actual answer to the process questions/ focus questions

 Ano ang kahulugan ng produksiyon?


Ang produksiyon ay tumutukoy sa proseso ng paglikha ng mga produkto at serbisyo.
Layunin nitong makalikha o makagawa ng mga produkto at serbisyong kapakipakinabang
at tutugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.

 Bakit laging magkaugnay ang pagkonsumo at produksiyon?


Ang produksiyon at pagkonsumo ay laging magkaugnay upang makamit ang
pangangailangan ng tao at matamo ang kasiyahan para sa ikauunlad ng ekonomiya.
Magkaugnay ang dalawang ito sapagkat ang produksiyon ay mawawalan ng kabuluhan
kung hindi kumukonsumo ng mga produkto at serbisyo ang mga tao. Kung hindi naman
lilikha ng mga produkto, hindi matutugunan ng tao ang kanyang mga pangangailangan.
Ang pag-unlad ng pagkonsumo ay pag-unlad ng produksiyon. Ang dalawang gawaing ito
ang naglalarawan ng kalagayan ng ekonomiya sa bansa.

38
FINAL KNOWLEDGE: Generalization/ Synthesis/ Summary

Ang mga salik ng produksyon ay binubuo ng apat: Lupa, paggawa, kapital at entreprenyur.
Ang prodyuser ang namamahala sa paggamit ng salik ng produksiyon na lupa, kapital, at lakas
paggawa. Ang prodyuser na nakatakdang magproseso ng mga salik ng produksiyon upang makagawa
ng pinal na produkto at serbisyo. Ang prodyuser ay may sagutin din sa mga yamang pang-ekonomiya.
Inaasahan na susunod sa mga pamantayan at batas ng pamahalaan ang mga prodyuser na kung saan
ang mga salik ng produksiyon ay mapapangalagaan.

Mahalaga ang apat na salik ng produksiyon dahil kung wala ang isang salik ay walang magaganap
na produksiyon.

39
Department of Education
Division of Nueva Vizcaya
Diocese of Bayombong Educational System (DBES)
Saint Louis School, Solano, Nueva Vizcaya

Saint Louis School


Name of School
---o0o---

DBES LEARNING ACTIVITY SHEET/GAWAING PAGKATUTO

Subject: Araling Panlipunan IX (Ekonomiks)


Teacher: _______________________________________

Name of Learner : _________________________________


Grade Level & Section : _________________________________ Inclusive Dates : _______________
Week No.: 5 Score : _______________

Written Work/s:

Activity 1: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Isa ito sa pinakamahalagang salik sa produksiyon na pinanggagalingan ng lakas at talino.


a. Entreprenyur c. Paggawa
b. Lupa d. Puhunan
2. Ang yamang likas, yamang tao, yamang pisikal/capital ay bumubuo ng pinagkukunang-yaman
ng bansa. Ito rin ay tinatawag ng mga ekonomista bilang____.
a.Paglikha ng Kalakal c. Salik sa Paggawa
b.Proseso ng Produksiyon d. Salik ng Produksiyon
3. Ito ang perang natatanggap ng manggagawa bilang kabayaran sa paggawa ng produkto at
serbisyo.
a.Interes c. Tubo
b. Sahod/Sweldo d. Upa/Renta
4. Nag-aalaga ng mga baboy si Jhun upang ipagbili sa takdang panahon. Kumuha siya ng mga
manggagawa na makakatulong sa kaniya sa panahon ng bentahan. Ano ang magiging epekto ng
manggagawa bilang salik ng produksiyon sa negosyo ni Jhun? a. Dadami ang alagang baboy ni
Jhun.
a. Madaragdagan ang puhunan ni Jhun.
b. Mapabilis ang pagbebenta ng mga baboy ni Jhun.
c. Magkakaroon ng kakompentensiya si Jhun sa pag-aalaga ng baboy.
5. Ang mga manggagawa sa kalagayang ito ay hindi nagtatagal sa trabaho sapagkat sila ay
tinanggap lamang sa trabaho upang mapunan ang kakulangan sa paggawa.
a.Kaswal c. Seasonal
b.Kontrakwal d. Regular

Activity 2: Basahin at unawain ang mga sumusunod at isulat sa patlang ang inilalarawan o tinutukoy
_________________1. Kalipunan ng lahat ng mga batas-panlipunan at pang manggagawa sa bansa.
_________________2. Pinagmumulan ng lahat ng hilaw na material na ginagamit sa produksyon.
_________________3. Ang tawag sa dagdag na bayad ng mga manggagawa na pang gabi ang trabaho.
_________________4. Ang ibinibigay sa mga manggagawang nagbibigay ng magandang serbisyo
sa kanilang mga kostumer.
_________________5. Tungkulin niyang ibigay sa mga mamimili ang kalidad ng mga produkto at
serbisyo na nakapagbibigay ng satispaksiyon sa mga mamimili.

40
MINI TASK: Pagtutuos: Isulat ang kumpletong komputasyon.

1. Eid al Adha, walang pasok ngunit si Shaun ay pinapasok ng kaniyang boss sa trabaho. Siya ay
kumikita ng 380 sa isang araw. Magkano ang sasahurin ni Shaun sa araw na ito?

Kraytirya 3 2 1
Kawastuhan Wasto, detalyado at maayos ang lahat ng Detalyado ngunit hindi Maraming mali sa
impormasyon masyadongmaayos ang ilan sa impormasyon
impormasyon
Kalinisan Mahusay at malinis ang pagkakasulat Malinis ang pagkakasulat Marumi at nakikitaan ng
pagmamadali an ginawa

41
WEEK 6: PAGKONSUMO
Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng
Content Standard Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na
pamumuhay.
Ang mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing
Performance Standard konsepto ng ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na
pangaraw-araw na pamumuhay.
Most Essential Learning
Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo.
Competencies (MELCs)
Critical Thinking, Creativity, Collaboration,Ccross-cultural
21st Century Learning Skills
Understanding, Career Learning, and Communication
Christian Witnessing, Social Responsibilities, Community Building,
Core Values
Academic Excellence

REFERENCES: (Please be guided with the given references to help you perform the given activities.
Click the given links and hyperlinks to access the suggested learning resources.)

A. Printed:
a.Imperial, C.M., Kayaman (Ekonomiks) 2017 Edisyon, Rex Bookstore, Inc.
b.Bon, C.B., Ekonomiks sa Makabagong Panahon K12 Series, JO-ES Publishing House, Inc.
B. Online:
- www.rexinteractive.com
- https://www.youtube.com/watch?v=RXG140Tid5U
https://www.youtube.com/ watch?v=mSrHWFZnMDQ

6
PAKSA: PAGKONSUMO

INTRODUCTION:
May mga gawain sa ekonomiya na kailangang bigyan ng pansin upang masiguro ang paglago at
pag-unlad ng kabuhayan ng tao at bansa.

Ang Pilipinas ay tinaguriang “texting capital of the world” dahil sa nakalipas na sampung taon,
ang Pilipinas ang may pinakamaraming texts na naipadala. Ayon sa isang pag-aaral, ang bawat Pilipino
na may cell phone ay nagpapadala ng humigit-kumulang na 195 na test messages kada buwan o hindi
bababa ng 7 texts kada araw. Ito ay isa lamang halimbawa kung paano natutugunan ng tao ang
pangangailangan na makipag-ugnayan sa kanyang kapwa. Maliban sa pangangailangan ng tao na
makipag-ugnayan, ano ano nga ba ang mga nasa likod sa pagkonsumo ng mga tao.

Sa modyul na ito ay tatalakayin ang konsepto ng pagkonsumo at ibat ibang salik na nakaaapekto
rito. Sisiyasatin din ang mga bagay na dapat matamasa, gayundin yung mga dapat gampanan ng mga
konsyumer.

Good luck sa pagkompleto ng mga gawain!

Below are the Learning Targets/ Specific Objectives:

1. Natutukoy ang kahulugan at konsepto ng pagkonsumo


2. Nasusuri ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa pagkonsumo:
3. Naipamamalas ang talino sa pamamagitan ng paggamit ng pamantayan sa pamimili.
42
4. Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan ang mga tungkulin bilang isang
mamimili.

Exploration of Prior Knowledge

Directions: Punan ang K-W-H-L Chart sa ibaba upang malaman ang iyong dating kaalaman at pag-
unawa sa paksa; PAGKONSUMO

What I Want to How I Can Learn


What I Know What I Have Learned
Find Out More

Skills I expect to use:

PROCESS QUESTIONS/ FOCUS QUESTIONS:

Makikita ang mga gabay na tanong sa ibaba na dapat ninyong maunawaan habang isinasagawa ninyo
ang mga aktibiti sa paksang ito. Dapat ay masagutan ang mga katanungang ito sa pagtatapos ng linggong
ito.

1 Ano ang pagkonsumo at mga salik nito?


2 Bakit tayo kumukonsumo ng mga produkto at serbisyo?
3 Ano ang layunin ng bawat konsyumer sa kanyang paggamit ng isang produkto o serbisyo?

SHORT EXERCISES/DRILLS:

PANIMULANG GAWAIN:
• Isipin mong ikaw ay mayroong P 2,000.00 na ibinigay ng iyong ina upang mamalengke
• Ito ay kinakailangan mong maibadyet para sa isang linggong pagkain (5 ang miyembro
ng pamilya)

SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD NA KATANUNGAN:

1. Paano mo ibabadyet ang halagang ibinigay sa iyo?


_________________________________________________________________________

2. Ano ang iyong unang bibilhin? Bakit?


_________________________________________________________________________

3. Magiging madali ba para sa iyo ang gawain na ito o mahirap?


_________________________________________________________________________

CONTENT DISCUSSION:

Ang pagkonsumo ay ang pagbili o paggamit ng mga produkto at serbisyo na tumutugon sa


mga pangangailangan at nagbibigay ng kasiyahan sa tao. Ito ay ang isa sa mga pinakamalaking

43
gawain ng ekonomiya. May mga taong mahilig bumili at mayroon namang pinipigilan ang sarili sa
pagtangkilik ng mga nakikitang produkto sa telebisyon o nababasa sa pahayagan. May mga taong
sobra kung bumili at mayroon din namang kontrolado ang pagbili ayon sa kanilang nakalaang
badyet.
.
KAHULUGAN AT KONSEPTO NG PAGKONSUMO
Ang Pagkonsumo ay ang pagbili, paggamit o pag-ubos ng mga produkto at serbisyo na siyang
nakapagbibigay ng kasiyahan at pangangailangan sa mga mamimili o gumagamit nito.
Ito ay isang mahalagang gawain sa isang ekonomiya ng bansa sapagkat ang pagkonsumo ang nagbibigay
ng katuturan sa produksiyon.

Ang pag-unlad ng produksiyon ay pag-unlad din ng pagkonsumo. Ang dalawang gawaing ito
ang naglalarawan ng kalagayan ng ekonomiya ng bansa.

MGA URI NG PAGKONSUMO

Ang bawat tao ay may iba’t ibang dahilan ng pagbili o paggamit ng mga produkto at serbisyo upang
matamo ang kanilang pangangailangan o kasiyahan.
1. Produktibong Pagkonsumo
Ang produkto ay maituturing na produktibo kapag ang isang
produkto ay ginagamit o kinokonsumo upang makabuo ng iba pang
kapaki pakinabang na produkto.

2. Tuwirang Pagkonsumo
Sa pagkonsumo ng produkto at serbisyo, ito ay tuwiran o daglian
kapag ang taong gumagamit ay nasisiyahan kaagad o natatamo
kaagad ang kaniyang pangangailangan

3. Maaksayang pagkonsumo
Kapag ang pagkonsumo ay sobra mula sa kaniyang
pangangailangan o kagustuhan, ito ay nagiging maaksaya.

4. Mapanganib o Nakapipinsalang pagkonsumo.


Nakapipinsala ang pagkonsumo kapag ito ay maaaring maging
banta sa kalusugan ng tao.

5. Lantad na Pagkonsumo
Ang pagkonsumo ay lantad kung gumagamit lamang ng
mga produktong mamahalin kapag may ibang taong nakaharap o
bumibili ng mga gamit na mahal kahit hindi kaya.

44
BATAS NG PAGKONSUMO

May mga batas na naglalarawan ng pagkonsumo ng tao na siyang nagpapaliwang kung bakit
ang mga tao ay may kani-kaniyang pamamaraan ng pagbili ng mga produkto at serbisyo: Law of Variety
(Batas ng Pagkakaiba-iba); Law of Imitation (Batas ng Imitasyon); Law of Harmony (Batas ng
Pagkakabagay-bagay); Law of Economic Order (Batas na kaayusang Pang-ekonomiko); Law of
Diminishing Utility (Batas ng Lumiliit na Pakinabang). Suriin ang pagpapaliwanag sa ibaba upang mas
maunawaan ang konsepto ng limang (5) batas ng pagkonsumo.

MGA SALIK NG PAGKONSUMO


May mga bagay at pag-uugali na nakaaapekto sa dami at uri ng mga produkto at serbisyo na
kinokonsumo ng tao. Ito ang mga salik na may impluwensiya sa gagawing pagkonsumo ng tao.

1. PRESYO
 Ito ay tumutukoy sa halaga ng mga produkto at serbisyo
 Ito ay isa mga pangunahing salik na nakakaapekto sa pagbili ng mga produkto at serbisyo. Sa
pamamagitan ng pag-alam sa presyo, nababatid ang kakayahang bimili ng isang mamimili.
2. KITA
 Ito ay tumutukoy sa salaping tinatanggap ng manggagawa katumbas ng ginawang produkto at
serbisyo.
 Malaki ang kinalaman ng kita sa pagkonsumo. Ayon sa pagsusuri ng ekonomistang German na
si ERNEST ENGEL, malaking bahagdan ng kita ng tao ang inilalaan sa pagkonsumo ng mga
pangunahing pangangailangan kapag maliit ang kita. Ngunit kung malaki ang kita, lumiliit ang
bahagdan ng kita na kinokonsumo para sa pagkain, sapakat mas nagiging prayoridad ang mga
luho o kagustuhan.
3. OKASYON
 Ito ay tumutukoy sa mahalagang pangyayari sa buhay ng tao. Ito ay bahagi na ng kultura.
 Pagbibigay ng regalo, paghahanda sa ibat-ibang uri ng okasyon ay bahagi na ng gawi ng mga
tao.
45
4. PANAHON
 Dahil sa pabago-bagong panahon, ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao ay nagbabago
na rin.
5. PAGPAPAHALAGA NG TAO
 Ang ugali ng tao ay nakaiimpluwesiya sa kaniyang pagkonsumo. Ang kaniyang pagiging
matipid o gastador ay nakadepende sa kung ano ang kaniyang mas pinahahalagahan.
6. PANLASA
 Ito ay tumutukoy sa mga nais mong makamit batay sa iyong panlasa o kagustuhan.

KULTURA NG MGA
PILIPINO NA
NAKAIIMPLUWEN- PAGPAPALIWANAG AT HALIMBAWA
SIYA SA
PAGKONSUMO
Kaisipang Kolonyal ANg mga paniniwala ng mga Pilipino na mas maganda at dekalidad ang
produkto ng ibang bansa tulad ng Japan at USA.

Pakikisama Bumubili ang mga Pilipino sa mga suki at kakilala. Sa palagay kasi nila ay
hindi sila mamahalan o dadayain ng mga ito.

Rehiyonalismo Ano mang kalakal na may tatak pook , asahan mong kikilalanin iyon, kaya
nga may kesong puti ng Laguna at iba pa.

Hospitalidad Kahit hindi na kayang bilhin ng mga Pilipino ang isang bagay, kung may
bisita ay ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya upang maibili ang mga
para sa bisita.
Utang na Loob “mahirap bayaran ang utang na loob” kaya’t dumaragdag ang mga ito sa
pagkonsumo ng mga Pilipino. Kanilang binibigyang pansin ang mga taong
tumulong s akanila sa panahon ng kagipitan. MAaaring bigyan nila ng
regalo o iba pa.
Pagpapahalaga sa Isang bagay na pinagkakagastahan na ipinangungutang pa ng mga Pilipino
Edukasyon ang Edukasyon . Mahalaga ito sa mga magulang kaya kahit mahal ang mga
gamit ay talaga naming kanilang binibigyang prayoridad.
Kalinisan sa Katawan Natural na malinis sa pangangatawan ang isang tao. Kung kaya’t
dumaragdag ito sa kanyang konsumo. Pagbili ng sabon, alcohol, shampoo at
iba pa.
Pakikipagsapalaran Ang mga Pilipino ay malakas ang loob pagdating sa pakikipagsapalaran.
Mahilig sa salitang bahala na. Dahil dito ay nahihilig silang tumaya ng Loto
sa pag-asang sila ay bigyatg yumaman

7. PAG-AANUNSIYO
Bukod sa mga kultural na impluwensiya sa pagkonsumo, Malaki rin ang nagagawa ng mga anunsiyo
o advertising. Gumagamit ang advertiser ng mga pahayagan, magasin, billboard, radio, telebisyon, at
iba pang media. Ito ay isang pamamaraan na ginagamit sa pang-aakit sa mga konsyumer na bigyang
pansin at bilhin ang mga produkto at serbisyo. Isang halimbawa nito ang imahe sa ibaba.

46
URI NG PAG-AANUNSIYO
URI NG PAG-
KAHULUGAN HALIMBAWA
AANUNSIYO
Sa pag-aanunsiyong ito, gumagamit ng Smart, Talk and Text, Globe,
maraming tao para ipakita sa lahat na Sun Cellular
1. Bandwagon maraming gumagamit ng nasabing produkto.

Sa pag-aanunsiyong ito, gumagamit ng mga Manny Pacquiao – San


kilalang Miguel
personalidad na nanghihikayat sa mga tao na Beer, Magnolia, Alaxan
2. Testimonial
gumamit ng produktong kanilang ginagamit.
John Lloyd Cruz – Biogesic,
Magic Flakes
Hindi na gumagamit ng kahit na anong Pepsi, Pennshoppe, PSBank
pakulo. Ang ipinakikilala na lamang ay ang
3. Brand name tatak ng
produkto

Sa pag-aanunsiyong ito, gumagamit ng Safeguard, Ceelin, Biogenic


kaunting
4. Fear pananakot sa hindi paggamit ng produkto o
serbisyo

Gawain 2: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Papiliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang
Isulat ang titik A sa patlang kung ang unang pahayag ay TAMA
Isulat ang titik B sa patlang kung ang ikalawag pahayag at TAMA
Isulat ang titik C sa patlang kung ang una at ikalawang pahayag ay TAMA
Isulat ang titik D sa patlang kung ang una at ikalawang pahayag ay MALI

____1. a) Ang produksiyon ay tumutukoy sa pagbili ng mga produkto at serbisyo.


b) Ang pagkonsumo ay gawain ng mga mamimili.
____2. a) Ang pagkonsumo ang nagbibigay ng katuturan sa produksiyon.
b) Ang lahat ay kumokonsumo.
____3. a) Nakapipinsala ang pagkonsumo kapag ito ay banta sa kalusugan.
b) Ang pagkonsumo ay maaksaya kapag gumagamit lamang ng mga produktong
mamahalin.
____4. a)Ayon kay Ernst Engel, kapag lumaki ang kita ng tao, mas inuuna niya ang
pangangailangan kaysa kagustuhan.
b) Kung maliit naman ang kanyang kita, mas inuuna niya ang kagustuhan kaysa
pangangailangan.
____5. a) Ang presyo ay halaga ng mga produkto at serbisyo.
b) Ayon sa batas ng pagkakaiba-iba, higit na nagbibigay ng kasiyahan sa tao ang paggamit.
ng iba’t-ibang produkto

REVISED KNOWLEDGE: Actual answer to the process questions/ focus questions

1. Ano ang pagkonsumo at mga salik nito?


 Ang pagkonsumo ay ang paggamit o pagbili ng mga produkto at serbisyo na siyang nagbibigay
kasiyahan at tumutugon sa pangangailangan ng mga mamimili.

Ang mga salik ng pagkonsumo ay ang mga sumusunod:


1. presyo 5. panahon
2. kita 6. Pagpapahalaga ng tao
3. okasyon 7. panlasa
4. kultura 6. Pag-aanunsyo

47
2.Bakit tayo kumukonsumo ng mga produkto at serbisyo? Ano ang layunin ng bawat
konsyumer sa kanyang paggamit ng isang produkto o serbisyo?
 Kumukonsumo ang mga tao ng produkto at serbisyo upang tugunan ang kanilang mga
pangangailangan at kagustuhan. Sa kanyang pagkonsumo ay layunin ng bawat isa na matamo
ang pinakamataas na utility na maaaring maabot sa harap ng kanyang budget constraint.

FINAL KNOWLEDGE: Generalization/ Synthesis/ Summary

Ang pagkonsumo ay isang malaking parte ng buhay ng mamimili sapagkat ito ang kongkretong
pagtugon sa pangangailangan at kagustuhan. Ang bawat mamimili ay may kanya-kanyang dahilan sa
pagpili kung aling produkto o serbisyo ang kanyang tatangkilikin. Ang mga salik na maaaring
makaimpluwensiya sa mamimili ay ang kita, okasyon, presyo, at pagpapahalaga ng tao. May mga
karapatan ang mga mamimili na mabigyang proteksiyon laban sa mga prodyuser. Inaasahan na ang
mga mamimili ay maging mapanuri at matalino sa pamimili.

48
Department of Education
Division of Nueva Vizcaya
Diocese of Bayombong Educational System (DBES)
Saint Louis School, Solano, Nueva Vizcaya

Saint Louis School


Name of School
---o0o---

DBES LEARNING ACTIVITY SHEET/GAWAING PAGKATUTO

Subject: Araling Panlipunan IX (Ekonomiks)


Teacher: ________________________________

Name of Learner : _________________________________


Grade Level & Section : _________________________________ Inclusive Dates : _______________
Week No.: 6 Score : _______________

Written Work/s:
Activity 1:
Uriin ang pagkonsumo na inilalarawan ng mga sumusunod. Isulat ang tamang sagot sa
patlang na nakalaan.

___________________ 1. Ang mekaniko ay nag-a-assemble ng sasakyan kaya siya bumili ng ibat-


ibang spare parts ng sasakyan.
____________________2. Pagkatapos ng praktis para sa field demo, ang mga mag-aaral ay dalidaling
nagtakbuhan sa kantina upang makabili ng maiinom.
____________________3. Maraming pagkain ang natira sa handaan nila Gng. Reyes.
____________________4. Palaging umiinom ng alak si Randy kaya madalas sumasakit ang kaniya
tiyan.
____________________5. Nagugutom ang barkada ng Makulay Boys kaya sila ay kumain ng
karinderya ni Aling Marta.

Activity 2: Tukuyin kung anong batas ang inilalarawan sa mga pahayag. Isulat ang sagot sa patlang.

_________________1. Ang tao ay kumokonsumo ng magkakomplementaryong produkto upang higit


na matamo ang kasiyahan.
_________________2. Mas higit na nasisiyahan ang tao kapag kumunsumo ng iba’t ibang uri ng
produkto.
_________________3. Bago bilhin ni Mario ang isang luho, isinasaalang-alang muna niya ang mga
bagay na mahalaga.
_________________4. Dahil sa iniidolo ng kabataan si Daniel Padilla, marami sa kanila ang bumibili
ng pamporma ng katulad sa kaniya.
_________________5. Laging nagrereklamo ang mga anak ni Inday dahil sa ang laging ulam ay tuyo.

Mini Task

REFLECTION: Bilang mag-aaral, alin sa mga salik ng pagkonsumo ang higit na


nakakaimpluwensiya sa iyo? Ipaliwanag at magbigay ng konkretong sitwasyon sa iyong buhay.
Gumamit ng hiwalay na papel
Kraytirya 3 2 1
Nilalaman Malikhain, tiyak, detalyado at maayos ang lahat Malikhain, tiyak, detalyado at maayos Maraming mali sa impormasyon
ng impormasyon ang ilan sa impormasyon
Detalye Maliwanag at malinang nang mabuti ang mga Hindi naging maayos ang Maraming mali sa mga detalye
detalye pagkakasunod-sunod ng mga detalye
Paglalahad Kawili-wili at maliwanag ang pagkakalahad May kaayusan ang paglalahad Walang kaayusan; hindi naging
maliwanag ang pagkakalahad

49
WEEK 7: MATALINONG MAMIMILI
Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng
Content Standard Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na
pamumuhay.
Ang mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing
Performance Standard konsepto ng ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na
pang-araw-araw na pamumuhay.
Most Essential Learning Naipagtatanggol ang mga karapatan at nagagampanan ang mga
Competencies (MELCs) tungkulin bilang isang mamimili.
Critical Thinking ( Reasoning, Problem Solving, System Thinking )
st
21 Century Learning Skills Creativity ( Idea Design ), Communication, Cross Cultural
Understanding
Excellence, Social Responsibility, Community Building, Christian
Core Values
witnessing

REFERENCES: (Please be guided with the given references to help you perform the given activities.
Click the given links and hyperlinks to access the suggested learning resources.)

A. Printed:
Imperial, C.M., Kayaman (Ekonomiks ) 2017 Edisyon, Rex Bookstore, Inc.

Bon, C.B., Ekonomiks sa Makabagong Panahon K12 Series, JO-ES


Publishing House, Inc.
B. Online:
https://www.youtube.com/watch?v=RXG140Tid5U
https://www.youtube.com/watch?v=mSrHWFZnMDQ

7
PAKSA: MATALINONG MAMIMILI

INTRODUCTION:

Lahat tayo ay itinuturing na konsyumer o mamimili. Ang konsyumer o mamimili ay mga taong
bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
At magtamo ng kasiyahan. Sinusulit ng mga mamimili ang bawat sentimo sa kanilang pagkonsumo,
kaya masusi nilang pinipili ang mga produkto at serbisyo na kanilang bibilhin at gagamitin. Malaki ang
bahaging ginagampanan ng mga mamimili sa ating ekonomiya lalo na sa pag-unlad ng produksiyon.
Ang kanilang pangangailangan ang batayan ng mga prodyuser kung anong uri at gaano karami ang
mga produkto na ipoprodyus. Ang puwersa ng mga mamimili ang dahilan kung bakit pinagbubuti ng
mga prodyuser ang pagpoprodyus ng mga de-kalidad na produkto. Good luck sa araling ito!

Below are the Learning Targets/ Specific Objectives:

1. Natutukoy ang pagpapahalaga sa mga pamantayan sa matalinong pamimili;


2. Naipamamalas ang pagpapahalaga sa pamantayan ng matalinong pamimili.
3. Nasusuri ang mga karapatan at tungkulin ng isang mamimili.

Exploration of Prior Knowledge

Directions: Punan ang K-W-H-L Chart sa ibaba upang malaman ang iyong dating
kaalaman at pag-unawa sa paksa; Matalinong Mamimili

50
What I Want to How I Can Learn
What I Know What I Have Learned
Find Out More

Skills I expect to use:

PROCESS QUESTIONS/ FOCUS QUESTIONS:

Makikita ang mga gabay na tanong sa ibaba na dapat ninyong maunawaan habang isinasagawa ninyo
ang mga aktibiti sa paksang ito. Dapat ay masagutan ang mga katanungang ito sa pagtatapos ng linggong
ito.

1. Kailan masasabing ang mamimili matalino?


2. Anu ano ang mga tungkulin ng isang mamimili?
3. Paano pinoprotektahan ng pamahalaan ang karapatan ng mga mamimili?

SHORT EXERCISES/DRILLS:

Mamimiling Mabusisi!
Panuto: Ang gawaing ito ay isang pagmumulat sa ating lahat na kung saan ay ipamamalas mo ang
iyong matalinong pagdedesisyon sa bawat sitwasyong mailalahad. Ibigay ang inyong mga
payo kung ano ang nararapat gawin at hindi nararapat gawin.

Sitwasyon Payo

Mahal ang mga pangunahing bilihin sa


palengke ngunit nais mong bumili ng
damit. Limitado lamang ang iyong
dalang pera.

May lumapit sa iyong hindi kilalang tao


na kung saan ay binebentahan ka ng isang
gamot na pampaganda ng katawan.
May nakita kang isang sexy at
magandang nagtitinda ng pampaputi,
Nais mong maging katulad niya.
Magaling siyang manghikayat at
masalita.

CONTENT DISCUSSION:

Ang lahat ng tao ay maituturing na konsyumer o mga tagagamit at tumatangkilik ng produkto


at serbisyong ginagawa ng mga nasa produksyon. Sa sitwasyong ito, ang mga mamimili o konsyumer
ay kinakailangang may mga natatanging katangian upang sila ay hindi magkaroon ng suliranin sa
kanilang nakalaang budget.

51
MGA KATANGIAN NG MATALINONG MAMIMILI

Makatuwiran

May alternatibo Mapanuri

Hindi nagpapanic buying Sumusunod sa badyet

Hindi nagpapadala sa anunsiyo Hindi nagpapadaya

1. Makatuwiran – Masusing tinitingnan ang kalidad at presyo ng bawat produkto dahil sa limitado
ang badyet sa pamimili. Iniisip din ang kasiyahan na matatamo sa pagpili at pagbili ng produkto.

2. May alternatibo – ang mamimili ay kailangang marunong humanap ng alternatibong produkto


na makatutugon din sa pangangailangan. Halimbawa, kung ang dating binibili na isda ay kulang ang
suplay sa pamilihan, hahanap ka ng kapalit nito.

3. Hindi nagpapanic-buying – Ang matalinong mamimili ay hindi nababagabag sa artipisyal na


kakulangan ng mga produkto sa pamilihan. Alam niya ang ganitong kalagayan ay pansamantala lamang
na umiiral.

4. Hindi nagpapadala sa anunsiyo – Ang kalidad ng produkto at ang kapakinabangan na matatamo


sa pagbili ng produkto ang isinasaalang-alang at hindi ang pag-aanunsiyo ng produkto, kung saan
kilalang tao ang ginagamit sa pag-eendorso.

5. Mapanuri – Bago bilhin ang isang produkto, matiyagang sinusuri ang lahat ng bahagi ng
produkto at pinag-aaralan ang sangkap, puwesto, timbang at expiration date – ang panahon kung
hanggang kalian puwedeng ikonsumo ang produkto.

6. Sumusunod sa badyet – Bumibili ang mamimili ng ayon sa kanyang kakayahan, kaya gustong-
gusto nila ang pagkakaroon ng mga sale, buy-one-take-one promo, at hanggang maaari ay iniiwasan
ng mamimili ang mangutang upang ipambili ng mga produktong hindi kailangan.

7. Hindi nagpapadaya – Ang matalinong mamimili ay laging alerto, aktibo, mapagmasid, at


handang labanan ang mga maling gawain ng mga negosyante at nagtitinda.

Karapatan at Tungkulin ng isang mamimili

Ang isang mamimili ay may kani-kaniyang karapatan sa lipunang ginagalawan. Subalit hindi
lamang dapat karapatan ang pinaiiral. Ang bawat karapatan ay may kaakibat na tungkulin upang
mapangalagaan din ang karapatan ng mga negosyante.
MAMIMILI – Ito ang tawag sa mga taong bumibili o gumagamit ng mga produkto at serbisyo upang
matugunan ang kanilang mga pangangailangan at kagustuhan na nagbibigay sa kanila ng satispaksyon.

52
KARAPATAN - ay isang kakayahan ng isang tao o mamayan ng isang bansa na magdesisyon at
gumawa ng mga bagay na may kalayaan.
TUNGKULIN - ay ang mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao. Ito rin
ay kilala bilang isang obligasyon ng isang mamamayan.

KARAPATAN NG MGA MAMIMILI

Magkaroon ng pangunahing
Maging ligtas Pumili
pangangailangan

Madinig at mabigyan ng
Tamang impormasyon Representasyon
bayad pinsala

Edukasyon bilang Maayos at malinis na


konsyumer kapaligiran

ANG MGA RESPONSIBILIDAD NG ISANG MAMIMILI


• Maging mulat sa karapatan
• Humingi ng resibo
• Bayaran ang biniling produkto
• Maipagtanggol ang sarili
• Makibahagi sa mga samahang nagtatanggol ng karapatan
• Tangkilikin ang sariling produkto
• Pangalagaan ang pinagkukunang yaman

Mga Batas at Mga Ahensiya ng Pamahalaan para sa Proteksyon ng mga Mamimili
Maaaring paiba-iba ang mga gawi o kilos ng mga mamimili. Ano man ang mga teorya ukol dito,
marapat lamang na bigyan ng proteksyon ng pamahalaan ang mga mamimili. May mga batas para
mapangalagaan ang maliliit o malalaking mamimili. Ang mga ito ay ang sumusunod:

Batas Paliwanag
Artikulo 1546 (Kodigo Sibil May pananagutan ang tagabili sa mga patunay na sasabihin niya o mga
ng Pilipinas) pangakong bibitawan niya hinggil sa isang produkto sa layuning
mahikayat ang isang mamimili.
Artikulo 1547 (Kodigo Sibil Kapag nagbili ng isang produkto, may kasamang garantiya ang pagbibili
ng Pilipinas) na ang nagbili ay siyang nagmamay-ari ng produkto. May garantiya din
na walang nakatagong pinsala o depekto o pananagutan na hindi alam ng
mamimili.
Artikulo 2187 (Kodigo Sibil Ang mga tagagawa at tagaproseso ng mga pagkain, inumin, mga
ng Pilipinas) kagamitang pangkatawan, o katulad na produkto ay mananagot sa
kamatayan o kapinsalaang malilikha ng mga nakalalason o nakasasakit
na sustansyang ginamit doon.
Artikulo 187 (Binagong Pinarurusaan ang sino mang maglalagay ng maling etiketa (labeling) at
Kodigo Penal) pagpapakete (packaging).
Artikulo 188, 189 Pinarurusahan ang sinumang maglalagay ng maling karat ng ginto o pilak
(Binagong Kodigo Penal) o iba pang mamahaling metal.

Batas Republika 3740 Ipinagbabawal ang pag-aanunsiyo o pagdidispley ng mga huwad na


produkto o serbisyo.
Batas sa price tag Inaatasan ang nagtitingi na kabitan ng price tag ang kanilang paninda.

53
Kautusang Pampanguluhan Metriko ang gagamiting sistema ng pagsukat at pagtimbang sa Pilipinas.
Blg. 187
Batas Republika 623 Ipinagbabawal kung walang nakasulat na pahintulot ng tagagawa na
gamitin sa iba pang layunin bukod sa nakarehistro ang mga lalagyan,
bote, dram, bariles o tangke ng isang kalakal.
Batas Republika 1556 Pagpaparehistro ng mga kumpanyang nagbibili ng pagkain ng manok,
baboy at isda.

Batas Republika 3452 Pagtatag ng National Grains Authority upang mamili ng mga palay at
mais mula sa mga magsasaka at ipagbili sa mga mamimili ang mga ito sa
murang halaga.
Batas Republika 4729 Ipinagbabawal ang pagbili ng mga regulated na gamot na walang reseta
ng doktor.

Batas Republika 5921 May pananagutan ang mga nagbibili o nagtitinda ng gamot at lason na
sira ang selyo ng lalagyan.

Batas Republika 3595 Ang nagbibili, tagagawa o umaangkat ng mga galbanisadong yero ay
kailangang markahan ng malinaw ang yero tungkol sa kapal, zinc coating,
tagagawa at tirahan nito.
Batas Republika 1929 Ipinagbabawal ang pagtitinda ng acetic acid sa anumang anyo nito sa mga
groserya at tindahang sari-sari.

AHENSIYA NG PAMAHALAAN NA NAGBIBIGAY PROTEKSYON SA MGA MAMIMILI


Ang mga sumusunod na ahensiya ang makatutulong sa mga mamimili sa lahat ng kanilang mga nais
idulog laban sa madayang negosyante.
1. Kagawaran ng Kalakalan at Industriya/ Department of Trade and Industry (DTI) – ito
ang tumutulong kung ang aberya ay sirain o sobrang mahal ang produkto o palpak na serbisyo
o repair. Kasama na rito ang maling tatak o mapanlinlang na pag-aanunsiyo o advertisement,
peke o palpak na gamit, at palpak na paggamit ng sales o promo.
2. Kagawaran ng Kalusugan/ Department of Health (DOH) – ito ang iyong malalapitan kung
hinaluan, peke o mali ang ibinentang gamot, pagkain, cosmetics, at anumang makasasama sa
kalusugan.
3. Kagawaran ng Pagsasaka / Department of Agriculture (DA) – ito ang iyong malalapitan
kung peke ang mga produktong pansakahan.
4. Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan/ Department of Interior and Local
Government (DILG) – ito ang kagawarang tumitingin at nag-iinspeksyon sa mga madadayang
timbangan sa iba’t ibang pamilihan.
5. Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) – Ito ang ahensiyang tumutulong kung hindi isinasaad sa
papeles ang lahat ng konsdisyon ng pautang ng bangko o sanglaan.
6. Securities and Exchange Commissions (SEC) – ito ang tumutulong sa mga mamimili kung
sabit ang pre-need plan na kanilang kinuha.
7. Kagawaran ng Enerhiya / Department of Energy (DOE)- ito ang kagawarang tumutugon sa
maling paraan ng pagbebenta ng LPG at gasolina.
8. Lokal na Munisipyo – Ang bawat hinaing ay mahalagang dito muna dalhin upang mabigyan
ng solusyon bago dalhin sa kagawaran ng pamahalaan.
9. Mass Media – ang pinakapinupuntahan ng lahat sa iba’t ibang uri ng reklamo upang mabilis
ang solusyon. Ngunit mahalagang dalhin muna ang hinaing sa mga ahensiyang dapat nitong
patunguhan bago ito dalhin sa media.

54
Tanong: Suriin ang mga pahayag kung ito ay nagsasaad ng karapatan o tungkulin ng isang
mamimili. Isulat ang sagot sa kahon na nakalaan.
Pagkaroon ng sapat na insurance sa nabiling produkto
Suriin ang produktong bibilhin
Maging ligtas sa binibiling produkto
Malayang pagpili ng produktong nais at serbisyo sa tamang presyo.
Tangkilikin ang sariling atin

REVISED KNOWLEDGE: Actual answer to the process questions/ focus questions

1. Kailan masasabing ang mamimili matalino?


 Matatawag ko ang aking sarili na matalinong mamimili kung taglay ko ang mga katangian ng
isang matalinong mamimili gaya ng, makatuwiran, may alternatibo, hindi nagpapadala sa
anunsiyo, hindi nagpapanic-buying, hindi nagpapadaya, at sumusunod sa badyet.

2. Anu ano ang mga tungkulin ng isang mamimili?


 Tungkulin ng mga mamimili ay ang mga sumusunod: maging mulat sa karapatan, humingi ng
resibo, bayaran ang biniling produkto, maipagtanggol ang sarili, makibahagi sa mga samahang
nagtatanggol ng karapatan, tangkilikin ang sariling produkto, at pangalagaan ang pinagkukunang
yaman

3. Paano pinoprotektahan ng pamahalaan ang karapatan ng mga mamimili? Ano ano ang
mga batas na nagbibigay proteksiyon sa mga mamimili?
 Ang pamahalaan ay tungkulin niyang protektahan ang mga mamimili. Sa pamamagitan ng
mga batas na nangangalaga sa karaptan ng mga konsyumer o mamimili ay mas nagiging
maayos ang pamilihan.

FINAL KNOWLEDGE: Generalization/ Synthesis/ Summary

Ang pagkonsumo ay isang malaking parte ng buhay ng mamimili sapagkat ito ang
kongkretong pagtugon sa pangangailangan at kagustuhan. Ang bawat mamimili ay may kanya-
kanyang dahilan sa pagpili kung aling produkto o serbisyo ang kanyang tatangkilikin. Ang mga salik
na maaaring makaimpluwensiya sa mamimili ay ang kita, okasyon, pag-aanunsiyo, presyo at
pagpapahalaga ng tao. May mga karapatan ang mga mamimili na mabigyang proteksiyon laban sa
mga prodyuser. Inaasahan naman na gagampanan ng mamimili ang kanyang tungkulin.

55
Department of Education
Division of Nueva Vizcaya
Diocese of Bayombong Educational System (DBES)
Saint Louis School, Solano, Nueva Vizcaya

Saint Louis School


Name of School
---o0o---

DBES LEARNING ACTIVITY SHEET/GAWAING PAGKATUTO

Subject: Araling Panlipunan IX (Ekonomiks)


Teacher: _______________________________

Name of Learner : _________________________________


Grade Level & Section : ______________________________Inclusive Dates : _______________
Week No.: 7 Score : _______________

Written Work/s:

Activity 1. Tukuyin ang inilalarawan ng bawat pahayag. Isulat ang tamang sagot sa patlang na nakalaan.
___________________ 1. Katangian ng konsyumer na pinahahalagahan ang bawat sentimo sa pagbili
ng produkto.
___________________ 2. Tungkulin ng konsyumer upang mapigilan ang panloloko ng mga tindera
___________________ 3. Isa sa sinusuri ng mamimili sa produkto.
___________________ 4. Tungkulin ng mamimili upang ipakita ang puwersa ng kanilang grupo.
___________________ 5. Katangian ng mamimili na binabantayan ang timbangan na gamit ng tindera.

Activity 2: Suriin ang mga pahayag kung ito ay nagsasaad ng karapatan o tungkulin ng isang
mamimili. Isulat ang sagot sa kahon na nakalaan.

Sitwasyon Sagot
Malaman ang lahat ng impormasyon tungkol sa bibilhing produkto
Humingi ng resibo sa tuwing bumibili ng produkto dahil makatutulong ito sa
pamahalaan para makalikom ng buwis para sa panustos sa mga pampublikong
proyekto
Bayaran ang biniling produkto
Pagbabalik sa bayad ng iyong nabiling produkto na depektibo
Maging mulat sa karapatan

Mini Task : Gumawa ng isang poster, slogan, o sanaysay na naghihikayat ng pagiging isang
matalinong mamimili.
Kraytirya 5 4 3
Nilalaman Malikhain, tiyak, detalyado at Malikhain, tiyak, Maraming mali sa
maayos ang lahat ng detalyado at maayos ang impormasyon
impormasyon ilan sa impormasyon
Detalye Maliwanag at malinang nang Hindi naging maayos ang Maraming mali sa mga
mabuti ang mga detalye pagkakasunod-sunod ng detalye
mga detalye

56
Paglalahad Kawili-wili at maliwanag ang May kaayusan ang Walang kaayusan;
pagkakalahad paglalahad hindi naging
maliwanag ang
pagkakalahad

57
WEEK 8: KAGUSTUHAN AT PANGANGAILANGAN

Content Standard Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng


Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na
pamumuhay.
Performance Standard Ang mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing
konsepto ng ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-
araw-araw na pamumuhay.
Most Essential Learning Nasusuri ang mga salik na nakiimpluwensiya sa pangangailangan at
Competencies (MELCs) kagustuhan.
st
21 Century Learning Skills Critical Thinking, Creativity, Collaboration, Cross-cultural
Understanding, Career Learning, and Communication
Core Values Christian Witnessing, Social Responsibilities, Community Building,
Academic Excellence

REFERENCES: (Please be guided with the given references to help you perform the given activities.
Click the given links and hyperlinks to access the suggested learning resources.)

A. Printed:
h. Imperial, C.M., Kayaman (Ekonomiks) 2017 Edisyon, Rex Bookstore, Inc.
i. Bon, C.B., Ekonomiks sa Makabagong Panahon K12 Series, JO-ES Publishing House,
Inc.
B. Online:
www.rexinteractive.com
https://www.youtube.com/watch?v=RXG140Tid5U
https://www.youtube.com/watch?v=mSrHWFZnMDQ

PAKSA: KAGUSTUHAN AT PANGANGAILANGAN

INTRODUCTION:

Araw-araw ay gumagamit tayo ng mga produkto at serbisyo upang tugunan ang ating mga
kagustuhan at pangangailangan. Alam mo ba kung ano ang mga pangangailangan at alin naman ang
kagustuhan?
Sa modyul na ito ay lilinawin ang pagkakaiba ng kagustuhan at pangangailangan, at susuriin ang
kaugnay na mga teorya, kaisipan, at datos. Titignan din kaugnayan nito sa suliranin ng kakapusan.
Ang tao at pamahalaan ay may desisyon na dapat gawin upang maisaayos ang takbo ng
pamumuhay. Kumikilos ang lahat upang matamo ang mga pangangailangan sa buhay. Ang pamahalaan
ay ginagawa ang lahat ng paraan upang maipagkaloob sa mga mamamayan ang kani-kanilang
pangangailangan.

Below are the Learning Targets/ Specific Objectives:

1. Natutukoy ang kahulugan at konsepto ng pangangailangan at kagustuhan;


2. Nasusuri ang baitang ng pangangailangan ni Maslow
3. Naipaliliwanag ang ugnayan ng matalinong pagdedesisyon sa pangangailangan at kagustuhan
ng tao sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay.

58
Exploration of Prior Knowledge

Directions: Punan ang K-W-H-L Chart sa ibaba upang malaman ang iyong dating kaalaman
at pag-unawa sa paksa; KAGUSTUHAN AT PANGANGAILANGAN

What I Want to Find How I Can Learn


What I Know What I Have Learned
Out More

Skills I expect to use:

PROCESS QUESTIONS/ FOCUS QUESTIONS:

Makikita ang mga gabay na tanong sa ibaba na dapat ninyong maunawaan habang isinasagawa ninyo
ang mga aktibiti sa paksang ito. Dapat ay masagutan ang mga katanungang ito sa pagtatapos ng linggong
ito.

1. Ano ang pagkakaiba ng kagustuhan at pangangailangan ng tao?


2. Paano nauugnay ang pangangailangan at kagustuhan sa kakapusan?

SHORT EXERCISES/DRILLS:

PANIMULANG GAWAIN: Wishlist. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon, anu-ano ang bagay
na nais mong makamit? Ilista ang mga ito sa wishlist.

Wishlist

Bakit ito ang iyong nais makamit o makuha sa buhay?


____________________________________________________________________________

Naging madali ba sa iyo ang mag-isip ng mga bagay na nais mong makamit o makuha? Bakit?
____________________________________________________________________________

CONTENT DISCUSSION:

Isa sa mga pangunahing hangarin ng pamahalaan ay tugunan ang pangangailangan ng mga


mamamayan. Ang pangangailangan ay kailangan ng mga tao upang mabuhay. Ang mga pangunahing
pangangailangan ng tao ay bahay, damit, pagkain. Ito ang dahilan kung bakit ang lahat ng tao ay laging
abala sa kanilang mga gawain at hanapbuhay. Ngunit hindi sapat sa tao ang simpleng buhay, pagkain,
damit at bahay, bagkus naghahangad pa rin siya ng mga luho sa buhay upang magkaroon ng kasiyahan.

59
Ang mga luhong ito ay tinatawag na kagustuhan. Ang mga bagay na ito ay hindi kailangan upang
mabuhay ang mga tao.

URI NG PANGANGAILANGAN

Materyal na
pangangailangan Di-materyal na
pangangailangan

Ito ang mga bagay na materyal na


kailangang makamit. Mga bagay na nakatuon sa damdamin o
emosyon na nais makamit upang mabuhay.

Halimbawa: Bahay, pagkain, gamot


Halimbawa: Pagmamahal, kaligayahan, pagtitiwala,
paggalang sa kapwa.

MGA SALIK NA NAKAIIMPLUWESIYA SA PANGANGAILANGAN AT


KAGUSTUHAN

Mataas na Kung malaki ang kita ng isang tao, mas matutugunan niya ang kaniyang pangangailangan
kita at mabibili rin niya ang kaniyang mga kagustuhan. Subalit kung ang tao ay may maliit
lamang na kita, tanging ang pangunahing pangangailangan lamang ang kaniyang
matutugunan.
Edukasyon Sa pamamagitan ng edukasyon, mas nagiging makilatis o maalam ang isang tao.
Naapaektuhan nito ang kaniyang kagustuhan o pangangailangan dahil mas alam niya
ang maayos at hindi maayos kumpara sa hindi nakapag-aral.
Presyo Mas tinatangkilik ng mga tao ang mura ngunit dekalidad na produkto. May pagkakaiba
ito sa pangangailangan. Dahil kahit na tumaas pa ang presyo ng mga bigas, gamot at iba
pa ay patuloy pa ring tatangkilikin ito ng mga tao.
Edad Patuloy na nagbabago ang pangangailangan ng tao sa kaniyang pagtanda. Halimbawa
nito ang pangangailangan ng sanggol ay iba sa matanda.
Okasyon Nagbabago ang pangangailangan ng tao depende sa okasyong pinagdiriwang.
Halimbawa nito, Pasko, Valentine at iba pa .
Panlasa Magkakaiba ang nais ng mga tao. Nais ng iba ay gulay lamang at ang iba naman ay
hindi kumakain ng gulay. Sa pagkakatong ito, nag-iiba ang pangangailangan ng tao
depende sa kung ano ang nais nilang kainin sa araw-araw.
Trabaho o Depende sa araw-araw na kita ng isang tao ang kaniyang nabibili. Isa ito sa may
Hanapbuhay pinakamalaking epekto sa nasabing pangangailangan at kagustuhan. Kung malaki ang
kita, maraming mabibili.

60
BAITANG NG PANGANGAILANGAN NI ABRAHAM HAROLD MASLOW

Si Abraham H. Maslow ay isang kilalang Amerikanong Psychologist na nagpapaliwanag ukol


sa baitang ng pangangailangan. Ayon sa kanya, ang bawat tao ay may kani-kaniyang pangangailangan,
ngunit ang bawat pagtugon ng tao sa kaniyang pangunahing pangangailangan ay nagbibigay sa kanya
ng motibasyong makamit muli ng mas mataas na pangangailangan (higher needs) hanggang sa marating
nito ang katuparan ng lahat ng kaniyang hangarin. Ito ay ipinaliliwanag niya sa kaniyang teorya ng
Herarkiya ng Pangangailangan.

GAWAIN 2: Bakit mahalagang malaman ang pagkakaiba ng kagustuhan at pangangailangan?

REVISED KNOWLEDGE: Actual answer to the process questions/ focus questions

1.Ano ang pagkakaiba ng kagustuhan at pangangailangan ng tao?


 Pangangailangan – ay mga bagay na mayroon tayo upang mabuhay. Ilang halimbawa nito ang
pagkain, damit, at tirahan. Pawang batayang pangangailangan ang mga ito at alin man ang hindi
matugunan nang maayos ay maaaring magdulot ng pagkakasakit na maaaring humantong sa
kamatayan. Samantalang ang kagustuhan ay mga luho lamang at hindi kailangan para mabuhay.
61
2.Paano nauugnay ang pangangailangan at kagustuhan sa kakapusan?
 Ang pagtugon sa pangangailangan at kagustuhan ay nakabatay sa kalagayan ng mga
pinagkukunang yaman. Kung may kakapusan mas binibigyang prayoridad na tugunan ang
pangangailangan kaysa sa kagustuhan.

FINAL KNOWLEDGE: Generalization/ Synthesis/ Summary

Ang lahat ng tao ay may pangangailangan at kagustuhan. Sa pangkalahatan, masasabi na pare


pareho lang ang ninanais ng mga tao at ito ay ang magkaroon ng pagkain, tirahan, at damit. Base sa batayan
ng pangangailangan at kagustuhan ng tao; kita, panlasa, edad, trabaho, edukasyon; masasabi na
magkakahawig ngunit magkakaiba ang mga ito. Ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao ay
nagkakaiba dahil sa mga salik na pagtaas ng kita, urbanisasyon, epekto ng patalastas, at kultura.
Mahalaga na maintindihan ang kaibahan ng pangangailangan sa kagustuhan. Sa pag -aaral ni
Abraham Maslow, isang sikologo, ipinakita sa pamamagitan ng isang herarkiya ang pangangailangan ng
tao kung saan ang pangangailangan ay nag-uumpisa sa pisyolohikal at biyolohikal at nagtatapos sa
pagkakaroon ng sariling kaganapan.

62
Department of Education
Division of Nueva Vizcaya
Diocese of Bayombong Educational System (DBES)
Saint Louis School, Solano, Nueva Vizcaya

Saint Louis School


Name of School
---o0o--

DBES LEARNING ACTIVITY SHEET/GAWAING PAGKATUTO

Subject: Araling Panlipunan IX (Ekonomiks)


Teacher: _______________________________________

Name of Learner : _________________________________


Grade Level & Section : _____________________________Inclusive Dates : _______________
Week No.: 8 Score : _______________

Written Work/s:

Activity 1: Basahing mabuti ang mga pahayag at tukuyin kung anong salik ang
nakaiimpluwensiya sa pangangailangan ng tao. Isulat ang sagot sa patlang na
kalaan bawat bilang.

_____________1. Nagpalit ng brand ng shampoo si Laura dulot ng panunuod niya sa


telebisyon.
_____________2. Nang mapromote si Berto sa trabaho ay nangangahulugan din ng pagtaas
ng kanyang kita kaya nakaka -out of town na ang kanyang pamilya
_____________3. Nakapagtapos si Brenda sa kolehiyo, tumaas ang kanyang pamantayan sa
pagpili ng mga bilihin.
_____________4. Nahirapan si nanay na maghanda ng ulam dahil hindi pare-pareho ng gustong
ulam ang kanyang mga anak.
_____________5.Kung ang mga bata ay mahilig manuod sa Youtube, ang mga matatanda
naman ay mahilig manuod ng palabas sa telebisyon.

Activity 2: Short Answer: Basahin at sagutin ang mga katanungan.


1. Paano nakatutulong ang Hierarchy of needs ni Maslow sa ating pang-araw-araw na pamumuhay?

Mini task

Paggawa ng Tula
Maraming tao ang naghahangad ng pag-unlad buhay sa buhay. Hindi itinuturo ng ekonomiks kung
paano maging mayaman o kumita ng pera sa mabilis na paraan, subalit maari kang maturuan ng
ekonomiks na makabuo ng mga matalinong desisyon upang matupad ang iyong mithiin sa buhay.
Gumawa ng isang tula na ang tema ay patungkol sa matalinong pagdedesisyon sa pagtugon sa
pangangailangan at kagustuhan. Gamitin ang rubric sa ibaba upang magsilbing gabay sa gawain.

63
Kraytirya 3 2 1
Nilalaman Malikhain, tiyak, detalyado at Malikhain, tiyak, detalyado at Maraming mali sa
maayos ang lahat ng maayos ang ilan sa impormasyon
impormasyon impormasyon
Detalye Maliwanag at malinang nang Hindi naging maayos ang Maraming mali sa mga
mabuti ang mga detalye pagkakasunod-sunod ng mga detalye
detalye
Paglalahad Kawili-wili at maliwanag ang May kaayusan ang paglalahad Walang kaayusan; hindi
pagkakalahad naging maliwanag ang
pagkakalahad

64

You might also like