You are on page 1of 4

AP 9: 3rd quarter exams reviewer

MAKROEKONOMIKS - nakatuon sa pag-aaral ng buong ekonomiya, tumutukoy sa kabuuang


pag-ikot ng mga produkto, salapi, at pamumuhunan.

I. Paikot na Daloy ng Ekonomiya


a. Unang Modelo (Simple) – ang palitan ng mga produkto at serbisyo ay isang
pagdaloy lamang na wala munang kapalit na salapi o halaga ng bawat produktong
umiikot.
b. Ikalawang Modelo (Salapi) – mayroong katumbas na salapi o halaga ang bawat
gawain ng pamilihan at ng mga actor.
c. Ikatlong Modelo (Bangko) – maaaring mag-impok ang mga sambahayan sa
pamilihang pananalapi habang ang bahay-kalakal naman ay maaaring mangutang
o mamuhunan sa pamilihan ng pananalapi.
d. Ikaapat na Modelo (Pamahalaan) – ang pamahalaan ay nangongolekta ng buwis
sa sambahayan at bahay-kalakal kung saan ito rin naman ay bumabalik sa
pamamagitan ng pampublikong serbisyo at pasilidad.
e. Ikalimang Modelo (Panlabas na Sektor) – nakatuon sa pagluluwas at pag-aangkat
ng mga produkto at serbisyo

II. Pambansang Kita


a. Gross National Income/Product (GNI/GNP) – sinusukat nito ang kabuuang kita
ngbansa kasama ang kitang mga mamamayan sa ibang bansa, ngunit hindi
kabilang ang kita ng mga dayuhan sa loob ng bansa.
b. Gross Domestic Income/Product (GDI/GDP) – kasama dito ang kinita ng mga
dayuhan na nagtratrabaho at kumikita sa loob ng ating bansa.
c. Mga Pamamaraan sa Pagsukat ng Pambansang Kita
i. Pamamaraang Gastos (Expenditure Approach) – sinusukat ang kabuuang
gastusin ng iba’t ibang sektor na gumagastos sa bansa.
ii. Pamamaraang Kita (Income Approach) – sinusukat ang kabuuang kinikita ng
mga mamamayan at pamahalaan.
iii. Per Capita Income (PCI) – sukatan ng pambansang kita na sumusuri sa
halaga ng kita ng bawat mamamayan batay sa populasyon ng bansa.
III. Implasyon at Kawalan ng Trabaho
a. Implasyon – tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo ng bilihin.
b. Deplasyon – tumutukoy sa patuloy na pagbaba ng pangkalahatang presyo ng bilihin.
c. Hyperinflation – araw-araw tumataas ang presyo ng produkto o serbisyo.
d. Inflation Rate – porsiyento ng pagtaas ng presyo
e. Dahilan ng pagkakaroon ng implasyon
i. Demand-Pull Inflation – pagtaas ng presyo ng produkto o serbisyo dahil
marami ang ang nagdedemand dito.
ii. Cost-Push Inflation – pagtaas ng presyo ng produkto o serbisyo dahil tumaas
ang presyo ng mga salik ng produksiyon.
iii. Structural – nangyayare kapag may hindi pagkakasundong naganap na
dahilan ng pagkawala ng value ng pera.
f. Epekto ng implasyon
i. Magbabawas ang sambahayan sa paggasta
ii. Pagliit ng kita ng mga bahay-kalakal
iii. Pagiimpok, pamumuhunan, antas ng buwis, paggasta ng pamahalaan
iv. Pagkakaroon ng recession at depression
v. Pagliit ng Purchasing Power of Peso o PPP (Halaga at kakayahan ng piso
na makabili ng mga produkto)
vi. Pagtaas ng unemployment rate
g. Pagsukat sa pagbabago ng presyo
i. Consumer Price Index (CPI) – tumutukoy sa pagsukat ng pagbabago sa
average na retail na presyo ng mga produkto o serbisyo.
ii. Basket of Goods and Services – ito ang listahan ng mga madalas na binibili
ng sambahayan.
h. Paraan para malutas ang implasyon
i. Pataasin ang produktibidad.
ii. Gamitin ng wasto ang pinagkukunang yaman.
iii. Gumamit ng teknolohiya na mas episyenteng paraan ng paggawa ng mga
produkto at serbisyo.
IV. Labor Force
a. Binubuo ng mga indibidwal na may edad 15 pataas
b. Hindi kasama dito ang non-economically active population
c. Unemployment – taong walang trabaho
d. Underemployment – may trabaho na pero naghahanap ng isa o dalawa pang
trabaho para matugunan ang nga pangangailangan.
e. Ang pagaabroad ay bunga ng underemployment at unemployment
V. Mga Salapi
a. Gamit ng salapi
i. Medium of exchange – ipinapalit para makuha ang produkto o serbisyo na
kinakailangan
ii. Store of value – pwedeng itago para magamit ulit sa future.
iii. Unit of account – binibigyan ng vlueang pera para malaman kung gaano
karaming bill ang kailangan upang makabili ng isang produkto.
b. Uri ng salapi
i. Commodity money – may value itself (gold, shells, salt)
ii. Fiat money – walang value in itself (Bills and coins)
c. Philippine Peso
i. Galing sa Bangko Sentral ng Pilipinas
ii. Gawa ang ating salapi sa 80% cotton at 20% Philippine abaca
iii. Makikita sa mga bills at coins ang famous filipinos, iconic natural wonders.
Philippine national symbols atbp.
iv. Ang laki nito ay 160mm by 66mm
d. Bangko Sentral ng Pilipinas
i. Logo: may Philippine eagle at 3 star
ii. Ang Philippine eagle ay simnolo ng strength, clearvision, at freedom
iii. Ang 3 star ay rinerepresent ang price stability,stable banking system, safe
and reliable payment system.
VI. Patakarang Pisikal
a. Pamamalakad ng pamahalaan sa paggamit ng pera ng bayan sa kapakinabangan
ng bansa.
b. Layunin
i. Pagpapatatag ng ekonomiya
ii. Paglago sa ekonomiya
c. Instrumento ng patakarang pisikal
i. Paggastos ng pamahalaan – bagay na pinaglalaanan ng badyet upang
mapaunlad at mapatatag ang ekonomiya ng bansa.
ii. Pagbubuwis – pangunahing pinagkukunan ng kita ng pamahalaan at ito ang
sapilitang kontribusyon na iniaatas sa lahat ng mga nagtratrabaho at mga
kompanya.
d. Uri ng patakarang pisikal
i. Ekspansiyonari – isinasagawa sa bust period, at nangyayari kapag ang kita
ng pamahalaan ay mas mababa kumpara sa gastusin ng pamahalaan.
Hinihikayat nito na gumastos ang sambahayan sa pamamagitan ng pagtaas
ng sahod at pagbaba ng buwis
ii. Kontraksiyonari – isinasagawa sa boom period, at nangyayari kapag mas
malaki ang kita ng pamahalaan kumpara sa gastusinng pamahalaan.
Layunin nitong pabagalin ang pag-unlad ng bansa kasi kapag masyadong
mataas ang ekonomiya, magkakaroon ng surplus at masasayang iyon.
VII. Patakarang pananalapi
a. Isang pamamaraan upang ang pamahalaan, sa pamamagitan ng Bangko Sentral,
ay nagkokontrol ng suplay ng salapi, halaga ng pera, o reyt ng interes.
b. Bangko – institusyong tagapamagitan sa mga tao o kompanyang kulang ang
puhunan at sa mga sobra ang puhunan.
c. Uri ng Bangko
i. Bangkong komersiyal – bangkong tumatanggap ng lahat ng uri ng deposito.
ii. Bangkong rural – nagpapautang sa mga magsasaka at industriya sa
lalawigan.
iii. Trust companies – tumatayong personal na kinatawan na nangangalaga sa
pinansiyal na propriyedad sa ngalan ng ibang tao.
iv. Bangko sa pagtitipid – pagpapakilos ng maliliit na impok at ang
pagpapautang sa matagal na termino na mas madali sa bangkong
komersiyal.
1. Savings and Mortgage bank – iniimpok ang salapi para gawing
puhunan at ipautang din
2. Private Development bank – tinutulungan ang mga sektor ng
industriya at agrikultura
3. Stock Savings and Loan Association – naglilikom ng pondo mula sa
mga miyembro nito at nagpapautang din.
v. Espesyal na banko
1. Land Bank of the Philippines – pinansiyal na institusyon ng gobyerno
na nagtataguyod ng countryside development.
2. Development Bank of the Philippines – layunin ang pag-alalay sa
small and medium-scale industries.
3. Al Amanah Islamic Bank of the Philippines – layuning ay tulungan ang
mga nangangailangang Muslim.
vi. Bangko Sentral
d. Pension funds
i. Government Service Insurance System (GSIS) - ahensiya ng pamahalaan
na nagkakaloob ng seguro, pensiyon, pautang, at dibidendo sa mga
miyembro nito na karaniwang mga kawani ng pamahalaan.
ii. Pag-ibig fund – ahensiya ng pamahalaan na tumutulong sa mga kasapi nito
na magkaroon ng sariling bahay.
iii. Social Security System (SSS) - ahensiyang nagkakaloob ng seguro,
pensiyon, at pautang sa pribadong sektor.
e. Layunin ng patakarang pananalapi
i. Easy money policy – layunin nito na mabawasan ang kawalan ng trabaho
kaya dinadagdagan o tinataasan ang suplay ng salapi.
ii. Tight money policy – layunin nito na mabawasan ang implasyon kaya
binababa o binabawasan ang suplay ng salapi sa sirkulasyon.
f. Instrumento sa pagkontrol ng salapi.
i. Reserve requirement – proporsiyon ng deposito ng bangko na ipinag-uutos
ng BSP na itago sa mga vault bilang rerba
ii. Rediscount rate – Interes na ipinapataw ng BSP sa mga bangkong umuutang
sa kanila.
iii. Open market operations – Pagbili o pagbenta ng pamahalaan sa mga
government security gaya ng bonds at iba pa.
g. Paraan ng pamumuhunan
i. Stocks – Puhunang inilalagak ng bawat kasapi sa kompanya bilang bahagi
ng kanilang pamumuhunan.
ii. Bond – Kapirasong papel na naglalaman ng halagang hiniram sa mga
nagpautang, interes na babayaran, at panahon ng pagbabayad.
iii. Foreign Direct Investment – Pangmatagalan na pamumuhunan sapagkat
ang negosyong itinatayo nila ay nasa loob ng bansa.
iv. Foreign Portfolio investment – Kabaligtaran ng foreign direct investment
sapagkat bumibili lamang ang dayuhan ng stocks o bonds sa mga kompanya.

You might also like