You are on page 1of 17

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

9
Araling Panlipunan
Ika-Apat na Markahan Modyul 3
Sektor ng Agrikultura
Araling Panlipunan – Grade 9
Supporrt Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Ikaapat na
Markahan- Modyul 3: Sektor ng Agrikultural Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan
ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim:
Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Connie Ritchel H. Silao, Maryflor S. Pintac, April Joy R. Tizon

Editor: Richard C. Abadies

Tagasuri: Kimberly Cler G. Suarez

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Genie O. Roque


Tagalapat: Allan S. Caballero
Ma. Angelieca S. Epanto
Kimberly Cler G. Suarez
Tagapamahala:
Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI Visminda Q. Valde, EdD
OIC, Schools Division Superintendent OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE Julliet A. Magallanes, EdD


OIC, Assistant Schools Division Superintendent CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE Alma R. Carbonilla, EdD


EPS – LRMDS EPS – Araling Panlipunan
Printed in the Philippines by
Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City Zamboanga Del Norte, 7100
Telefax: (065) 212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.ph
Alamin
MELC: Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat
sa ekonomiya.

Pagkatapos ng pag-aaral sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

● Natutukoy ang kahulugan ng agrikultura, pangingisda at paggugubat,

● Naiisa-isa ang mga bahaging ginagampanan ng Agrikultura, pangingisda at paggugubat sa


ekonomiya, at

● Napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng Agrikultura,


pangingisda at paggugubat sa pag-unlad ng ekonomiya.

Balikan
Panuto: Sa Modyul 2, iyong natutunan ang tungkol sa Pambansang Kaunlaran. Gamit ang
iyong sariling salita, kailan mo masasabing ang isang lugar ay may nagaganap na
KAUNLARAN?

Para sa akin, may nagaganap na kaunlaran sa isang lugar kung

1
Tuklasin
Panuto: Pamilyar pa ba sa iyo ang awiting bayan na pinamagatang “Magtanim ay
Di biro”? Kung gayon ay subukan mo itong kantahin at intindihin ang mensaheng hatid ng awitin.
Pagkatapos ay subukang sagutin ang sumusunod na katanungan.

2
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang mahihinuha mong mensahe mula sa awitin?

2. Bakit kaya tila walang kasaganahan ang nararanasan ng mga magsasaka sa awitin?

3. Ano ang ginagampanan ng pagtatanim sa kanilang pamumuhay?

3
Suriin

ANG SEKTOR AGRIKULTURAL


Ang agrikultura ay nagmula sa salitang Latin na ager cultura noong 6000 B.C. Ito ay
nangangahulugang “kultibasyon ng mga bukirin.” Isa sa mga pinakamahalagang kontribusyon ng
panahong Neolithic ang pagkakadiskubre ng agrikultura. Mula sa nomadikong pamumuhay ng mga
tao noong panahong Paleolithic at Mesolithic kung saan ang mga sinaunang tao ay pawang mga
hunters and gatherers o mga umaasa lamang sa mga ipinagkaloob na biyaya ng kalikasan. Sa tulong
ng agrikultura, ang mga tao noong panahong Neolithic ay nagsimulang manirahan sa isang lugar. Sa
unang pagkakataon, naranasan ng mga tao ang pagkakaroon ng siguradong suplay ng pagkain sa
pamamagitan ng pagkalinga sa mga lupain sa kapaligiran.

Dahil sa agrikultura, nagawa ng mga tao na mag-imbak ng mga butil na maaaring kainin sa
ibang araw. Ito ang nagbibigay sa kanila ng pagkakataon na magkaroon ng oras para sa iba pang mga
gawain, tulad ng mga craft at likhang sining. Ang iba naman ay siyang nangangasiwa sa grupo at nag-
organisa ng kanilang mga komunidad, na siyang unang uri ng pamahalaan o gobyerno.

Ang agrikultura sa kasalukuyan ay hindi lamang isang mahalagang industriya. Ito rin ang
nagpasimula ng mga lipunan at komunidad ng sangkatauhan. Ang pagsasaka ang nagsilbing ugat ng
pagsulong ng daigdig na alam natin sa kasalukuyan.

Ang agrikultura ay isang agham na may direktang kaugnayan sa pagkatas ng mga hilaw na
materyal mula sa likas na yaman. Ito ay binubuo ng pagsasaka, pangingisda at paggugubat. Ang
sektor na ito ay kasing halaga rin ng iba pang sektor pang-ekonomiya ng bansa. Ang mga gawaing
agrikultural ay mayroong mahalagang papel sa pagsulong ng ekonomiya at pag-unlad ng bansa, at
ito ay bahagi na ng patuloy na pag-unlad ng Pilipinas simula pa noong unang panahon.

Nagluluwas ang Pilipinas ng mga produktong agrikultural sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Nagpapapasok ito ng malaking halaga ng dolyar sa Pilipinas. Ang pagkakaroon ng isang masiglang
sektor ng agrikultura ay humihikayat ng mas mataas na produktibidad sa lahat ng may kaugnayan
dito.

Ang masiglang sektor na ito ay nakaeengganyo ng maraming namumuhunan na pumasok sa


sektor na ito na siyang lalong nakapagpapasigla rito at maraming trabaho ang nabuksan para sa mga
mamamayan. Subalit ang mga suliranin na

4
kinakaharap ng sektor tulad ng pagmamay-ari ng lupa, global warming, kawalan ng teknolohiya,
irigasyon at paglisan ng mga manggagawa patungong ibang sektor ng ekonomiya ay nakakaapekto sa
katayuan ng sektor ng agrikultura. Ang pamahalaan ay maraming mga programa at ahensya na
naglalayong pasiglahin ang produksyon ng sektor ng agrikultura. Ang Department of Agriculture ang
pangunahing ahensya na nangangasiwa sa sektor ng agrikultura.

Ang Sektor ng Pagsasaka

Ang pagsasaka bilang isang industriya ay napakahalaga dahil sa ito ang nagkakaloob sa atin ng
pagkain, at maging ng pananamit at tahanan. Bukod dito, higit na kalahati ng mga manggagawa sa
daigdig ay nagtatrabaho sa agrikultura at mga gawaing agrikultural. Kung wala ang pagsasaka bilang
isang industriya, nahihirapan makagawa ng pagkain para sa malalaking populasyon sa daigdig.

Ang Sektor ng Pangingisda

Ang sektor ng pangisdaan ay isang napakahalagang industriya sa ekonomiya. Ito ang


pinagkukunan ng pagkain ng maraming tao, at nagbibigay pa ng hanapbuhay sa maraming Pilipino.
Ang lahat ng proseso at pamamaraan sa produksyon ng isda at produktong isda ay itinuturing na
bahagi industriya ng pangisdaan, kabilang na ang pangingisda, pagpoproseso at pagbebenta ng mga
produktong ito.

Ang isda ang isa sa pinakamalaking pinagkukunan ng protina, isang mahalagang bahagi ng
nutrisyon, at isa rin sa pinaka paboritong pagkain, bukod sa karne at gulay. Dahil dito, sa paglaki ng
populasyon ay lumalaki rin ang pangangailangan sa isda at mga produktong kauri nito.

Ngunit hindi lamang bilang pagkain ginagamit ang isda. Ginagamit din ang mga ito sa iba
pang paraan, tulad ng produksyon ng mga pagkain sa hayop at mga palaisdaan.

Bagama’t ang teknolohiya ay nagbigay sa maraming bansa ng kakayahang mangisda sa mga


karagatan o kaya’y pumasok sa mga teritoryong pandagat ng ibang bansa, higit pa ring madali ang
paunlarin na lamang ang sariling sektor ng pangisdaan ng isang bansa, sa sarili nitong katubigan.

Dahil sa ang Pilipinas ay isang malaking kapuluan, ito ay may malawak na katubigan, na
pumapaligid sa mga isla nito, at sa pagitan ng mga pulo. Nagkaloob ito sa bansa ng mayamang
pinagkukunang-isda at mga kauri nito: tuna, mackerel, sardinas, alimasag, hipon, dilis, oyster, at mga
kauri nito.

5
Ang Sektor ng Paggugubat

Ang paggugubat, ay kinabibilangan hindi lamang ng pamamahala sa mga gubat para sa


kapakanan ng mga tao, kundi ng tamang paggamit ng tubig, konserbasyon ng mga hayop at
halaman, at ang pagtatayo ng mga lugar-pasyalan o recreation areas.

Bilang isang industriya ang mga gubat ay nagkakaloob sa mga tao ng tubig, pagkain, tirahan
at mga lugar-pasyalan, at iba’t ibang uri at dami ng hanapbuhay. Ang mga bansang may kagubatan
ay nagkakaroon ng malaking pakinabang sa mga yamang ito.

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng panahong Neolithic? Bakit?

2. Paano nabago ng pagka diskubre ng agrikultura ang buhay ng tao?

6
Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Punan ang concept map ng mahahalagang konsepto tungkol sa Sektor ng
Agrikultura.

Pamprosesong tanong:

1. Bakit mahalaga ang bahaging ginagampanan ng 7gricu agricultural sap ag- unlad ng
ekonomiya ng bansa?

7
Gawain

Panuto: Pumili lamang ng isa sa limang 8gricu sa ibaba.


A. Maglibot ka sa iyong sariling barangay. Tingnan kung ano ang 8gricul bahagi na
ginagampanan ng 8gricu 8gricultural (pagsasaka, pangingisda, paggugubat) sa buhay ng
iyong kabarangay. Kumuha ng larawan, i-print at isulat sa ibaba ang iyong sariling
caption tungkol sa larawan.

RUBRIK SA PAGMAMARKA:

8
Isaisip
Panuto: Kumpletuhin ang talata upang mabuo ang pinaka-kaisipan ng aralin.

Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong na may kaugnayan sa
pagsasaka, pangingisda at paggugubat. Isulat ang titik na tumutugon sa tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.

1. Nagmula sa salitang Latin na ager cultura noong 6000 B.C. Ano ang
kahulugan nito?

A. kultibasyon ng mga bukirin


B. pangangalaga ng mga pananim
C. pamimitas ng mga prutas
D. pagtatanim

9
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa sector agricultural?

A. Pagsasaka B. pangingisda C. paggugubat D. pagmimina

3. Alin ang HINDI kabilang sa kahalagahan ng sektor ng agrikultura sa ekonomiya?


A. Suplay ng pagkain
B. Nagpapasok ng dolyar
C. Raw materials para sa sektor ng industriya
D. Pagbili ng sakahan ng mga dayuhan

4. Anong pangunahing ahensya ang nangangasiwa sa sektor ng agrikultura?

A. Department of Agrarian Reform


B. Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
C. Department of Agriculture
D. Bureau of Soils and Water Management

5. Ano ang tinutukoy na isang industriya na napakahalaga dahil sa ito ang nagkakaloob sa
atin ng pagkain, at maging ng pananamit at tahanan?

A. Pagsasaka C. Pangingisda
B. Paggugubat D. Paghahayupan

6. Dahil ang Pilipinas ay isang malaking kapuluan, ito ay may malawak na katubigan, na
pumapaligid sa mga isla nito, at sa pagitan ng mga pulo. Ano ang isa sa mahalagang
industriya ang kaugnay nito?

A. Pagsasaka C. Pangingisda
B. Paggugubat D. Paghahayupan

7. Alin ang kinabibilangan hindi lamang ng pamamahala sa mga gubat para sa kapakanan ng
mga tao, kundi ng tamang paggamit ng tubig, konserbasyon ng mga hayop at halaman, at
ang pagtatayo ng mga lugar-pasyalan o recreation areas?

A. Pagsasaka C. Pangingisda
B. Paggugubat D. Paghahayupan

10
8. Bakit itinuturing na isang agham ang agrikultura?

A. dahil ito ay may direktang kaugnayan sa pagkatas ng mga hilaw na materyal mula
sa likas na yaman
B. dahil ito ay binubuo ng pagsasaka, pangingisda at paggugubat
C. dahil ang sektor na ito ay kasing halaga rin ng iba pang sektor
D. dahil ng mga gawaing agrikultural ay mayroong mahalagang papel sa pagsulong ng
ekonomiya at pag-unlad ng bansa

9. Alin ang pinakamahalagang ginagampanan ng sektor agrikultural sa ekonomiya ng


bansa?

A. Ito ang nagpasimula ng mga lipunan at komunidad ng sangkatauhan.


B. Ito ang nagsilbing ugat ng pagsulong ng daigdig na alam natin sa kasalukuyan.
C. Dahil sa agrikultura, nagawa ng mga tao na mag-imbak ng mga butil na maaaring kainin
sa ibang araw.
D. Ang masiglang sektor na ito ay nakaeengganyo ng maraming namumuhunan na
pumasok sa sektor na ito na siyang lalong nakapagpapasigla rito at maraming trabaho
ang nabuksan para sa mga mamamayan.

10. Bilang isang mag-aaral, alin ang HINDI mo kayang gawin upang maipakita ang
pagpapahalaga sa sektor ng agrikultura?

A. Kumuha ng kursong pang-agrikultura upang makatulong sa


pagpapaunlad nito
B. Magpantay ng mga batas upang mapaunlad ang sektor ng agrikultura
C. Magtanim ng mga gulay sa likod bahay upang may mapagkukunan
D. Ugaliing magtapon ng basura sa tamang lalagyan

Karagdagang Gawain
Panuto: Kapanayamin ang isang taong may karanasan sa pangingisda, pagsasaka o
paggugubat. Alamin kung paano ito nakapagbigay ng benepisyo sa kanya sa aspetong pinansyal,
at kung paano siya nagsimula sa ganitong hanapbuhay.

11
Isulat sa ibaba ang ang naging resulta ng iyong panayam.

Susi sa Pagwawasto

12
Sanggunian:

● Araling Panlipunan Sa Makabagong Siglo: Ekonomiks; Salesiana Books by Don Bosco


Press Inc, pahina 84

● Ekonomiks: Mga Konsepto, Aplikasyon at Isyu; Vibal Publishing House, Inc., pahina 303

● Ekonomiks Para sa Umuunlad na Pilipinas; Phoenix Publishing House, INC, pahina 112

● Ekonomiks Para sa Mataas na Paaralan; St. Bernadette Publishing House Corporation,


pahina 228

● Ekonomiks: Para sa madaling Pag-unawa; St. Augustine Publication, INC., pahina 278

● Ekonomiks: Araling Panlipunan, Modyul Para sa Mag-aaral; Kagawaran ng Edukasyon,


pahina 363

13
14

You might also like