You are on page 1of 5

1|Page

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III-CENTRAL LUZON
Division of Tarlac Province
LUZON POLYTECHNIC COLLEGE INC.,
Paniqui, Tarlac

ARALING
PANLIPUNAN 9
IKA-APAT NA MARKAHAN:
WEEK 4

MGA SEKTOR NG EKONOMIYA

NAME:
GRADE LEVEL:
ADDRESS:

PREPARED BY: NOTED:

MARVIN B. PALASIGUE ALBERTO P. GAMBOA, Ed. D.


SUBJECT TEACHER TECHNICAL ADVISER

EKONOMIKS
Page | 1
2|Page

ARALIN Mga Sektor ng Ekonomiya


4
Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

 Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat

SEKTOR AGRIKULTURA
 pangunahing sektor ng ekonomiya, sinusundan ng Sektor ng Industriya at Sektor ng Paglilingkod
 itinuturing na pinakamahalagang sektor ng ekonomiya ng Pilipinas.
 pinagmumulan ng mga hilaw na sangkap na ginagamit sa sektor ng industriya para makagawa ng mga
bagong produkto o serbisyo.

MGA BUMUBUO SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

1.Pagsasaka
 Pagtatanim ng iba't ibang halamang namumunga
 Pangunahing pananim ang palay ,mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at iba't ibang
halamang gulay
 may malaking kontribusyon sa eonomiya ng bansa

2. Paghahayupan
 Pag-aalaga ng iba't ibang hayop
 Pangunahing inaalagaan ang mga kalabaw, baka, kambing, kabayo, baboy, manok, at pato
 Pinagmumulan ng mga karne at iba pang produktong nakukuha sa hayop tulad ng itlog at gatas
 Nakatutulong din sa pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa

3. Pangingisda
 Panghuhuli ng isda sa mga ilog, lawa, o dagat
 Maaari ding pag-aalaga ng mga isda sa mgaanyong tubig
 Isa sa pinakamalalaking nagsusuplay ng isda sa mundo ang Pilipinas
 Ilan pa sa mga produktong nakukuha sa pangingisda ang hipon, sugpo, tahong, talaba, pusit, at mga
halamang dagat na ginagawang gulaman
 Marami sa mga produktong ito ang iniluluwas at ipinagbibili sa iba pang bahagi ng mundo

4. Paggugubat
 pagpuputol ng mga punongkahoy sa kagubatan upang gawing mga kasangkapan o balangkas ng bahay o
gusali
 ang kahoy ay mula sa mga puno ng rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng puno
(almaciga)
 Mga pangunahing produkto ang troso, plywood, at veneer

5.Pagmimina
 Mayaman sa mga yamang mineral ang PIlipinas
 nakakahukay sa Pilipinas ng chromite, tanso, ginto, bakal, lead, mercury, nickel, uranium, at zinc Binubuo
din ng di

Page | 2
3|Page

 nakakukuha rin ng mga yamang mineral na hindi metal tulad ng asbestos, semento, luwad, karbon, graba,
guano, adobe, marmol, aspalto, sulfur, buhangin, natural na gas, at petrolyo
 Ang Pilipinas ay isa sa mga nangunguna sa produksyon ng ginto, chromite, at tanso sa mundo

Mga Suliranin ng Sektor ng Agrikultura


Ang sektor ng agrikultura ay humaharap din sa iba't ibang suliranin. Ang mga ito ay may kani-kaniyang dahilan at
epekto sa ekonomiya ng bansa. Alamin ang mga ito at pag-aralan ang sumusunod na tsart.

Mga Patakarang Pang-ekonomiya para Mapaunlad ang Sektor ng Agrikultura


Ang pamahalaan ay nagpatupad ng iba't ibang patakarang pang-ekonomiya para higit na masuportahan at
mapaunlad ang sektor ng agrikultura

Sa Agrikultura
1. Pagliit ng lupang sakahan
2. Paggamit ng teknolohiya
3. Kakulangan ng mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran
4. Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor
5. Pagbibigay -prayoridad sa sektor ng industriya
6. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal
7. Climate change

Sa pangingisda
1. Mapanirang operasyon ng malalaking  komersiyal na mangingisda
2. Epekto ng polusyon sa pangisdaan
3. Lumalaking populasyon ng bansa
4. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda

Sa Panggugubat
1. Mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman lalong lalo na sa kagubatan

Ano ang epekto ng suliraning ito?


• Kung wala nang sakahan  hindi na masusuplayan ang lahat ng mga pangangailangan ng mamamayan sa lalong
lalo na ang pagkain
• Magiging mahina na din ang pagdala ng mga hilaw na produkto sa loob at labas ng bansa.
• Magiging mahal ang mga bilihin
• Lalong magiging mahirap ang buhay ng mga malillit na mga magsasaka
• Kakulangan sa mga materyales na magagamit ng mga industriya
• Mawawalan ng tirahan ang mga ligaw na hayop sa gubat
• Mauubos na din ang supply ng watershed na nagsusuply ng tubig na ginagamit sa irigasyon
• Nagdudulot ng pagguho ng lupa

Mga Reporma sa lupa


Ang mga batas na nakailalim dito ay tungkol sa regulasyon sa pagmamay-ari ng lupa

Land Reform Act of 1955


Ang batas nato ay ang nag likha ng Land Tenure Administration o LTA, ang administrasyon na ito ay ang
mananagutan para sa pagkuha at pamamahagi ng mga malalaking lupa na nasa higit 200 hectares para sa mga
indibidwal at 600 hectares para sa mga malalaking kompanya

Page | 3
4|Page

Comprehensive Agrarian Reform Program O ang (CARP) ay isang pagsisikap ng pamahalaan na pagkalooban ang
mga walang-lupang magsasaka at manggagawa sa bukid ng pagmamay-ari sa mga lupang sakahan. Isinabatas ito
ni Pangulong Corazon C. Aquino noong Hunyo 10, 1988, at nakatakdang lubusang maisakatuparan pagdating ng
1998. Pagsapit ng taning nito, ipinasa ng Kongreso ang isang batas (Republic Act No. 8532) na naglalagak ng
dagdag na pondo sa programa at awtomatikong inilalaan ang mga nakaw na yamang nabawi ng PCGG
[Presidential Commission on Good Governance] para sa CARP hanggang 2008.

ACCFA (Agricultural Credit Cooperative Financing Administration)


Nabuo pagkapangulo * Mga Programang Pang-ekonomiya ang pang-agrikultura Kooperatiba para sa Bahay
Administration Nilikha magsasaka kooperatiba Marketing Association Magtakda ng isang bagong patakaran sa
buwis na nadagdagan ang mga rate ng tariff upang maprotektahan ang lokal na industriya ng pang-ekonomiyang
laban sa di-makatarungang mga banyagang kumpetisyon Itinatag sa Central Bank ng Pilipinas upang maging
matatag ang pera Philippine Social Mga Programang Itinatag ang Presidential Komite sa Aksyon sa Social
Amelioration Sinubukang makipag-ayos sa mga Huks, lalo na sa mga ka Luis Taruc Programa ipinatupad PACSA
(Komite sa Aksyon Presidente sa Social Amelioration) - ay kapaki-pakinabang para sa pinansiyal hinamon pamilya;
ACCFA (Kooperatiba Credit pang-agrikultura para sa Bahay Administration) - aided magsasaka sa pagbebenta ng
kung ano ang kanilang harvested; Paggawa ng Pamamahala ng Advisory Board - guided sa kanya sa mga usapin
patungkol sa paggawa; Rural Banks ng Pilipinas - nakatulong countrymen sa rural na lugar pamahalaan ang
kanilang pananalapi;

ARRA (National Resettlement and Rehabilitation Administration)


Ay tungkol sa batas na itinatag ng Batas Republika Blg. 821, na mababa lang ang interes, kasali dito ang mga maliliit
na mga magsasaka at ang mga utang ay ay may mababang interes ng  aning na hanggang walong porsyento.

Solusyon sa mga suliranin tungkol sa pagsasaka


 Bawasan ang polusyon lalo na sa mga lugar kung saan may sakahan
 Dagdagan ang subsidy o kaya babaan ang taxes ng mga magsasaka
 Babaan ang mga pumapasok na imported goods sa bansa
 Turuan ang mga magsasaka tungkol sa mga paraan kung paano protektahan ang kanialang mga tanim 
 Taasan ang presyo ng produkto o kaya babaan ang mga taxes ng magsasaka

Solusyon sa mga suliranin tungkol sa pangisngisda


 Bawasan ang polusyon kung possible
 Mas maging maingat ang mga tauhan sa mga cargo ship na naglalaman ng oil
 Protektahan ang mga tirahan ng mga isada sa pamamagitan ng paghuli sa mga mangingisda na
nangingisda ng sobra sobra at sa paghuli sa mga mangingisda na nagamit ng dinamata at iba pang paraan
ng illegal fishing

Solusyon sa mga suliranin tungkol sa paghahayup


 Mag supply ng sapat na gamot sa mga lugar na di nakaktanggap nito
 Taasan ang halaga ng kanilang produkto o babaan ang tax nila
 Turuan ang mga maghahayup ng mga paraang kung paano nila maproprotektahan ang mga alaga nila

PAG ISA-ISAHIN ANG MGA SUMUSUNOD:

MGA BUMUBUO SA SEKTOR NG AGRIKULTURA


1.
Page | 4
5|Page

2.
3.
4.
5.

SULIRANIN SA AGRIKULTURA
1.
2.
3.
4.
5.

SULIRANIN SA PANGINGISDA
1.
2.
3.
4.

Solusyon sa mga suliranin tungkol sa pagsasaka


1.
2.
3.
4.
5.

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ano ang mga suliranin ng sektor ng agrikultura?

2. Ano ang kahalagahan ng sektor ng agrikultura?

Page | 5

You might also like