You are on page 1of 10

9

Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Pag-iimpok at Pamumuhunan
Bilang Isang Salik ng Ekonomiya

1
Aralin
Pag-iimpok at
1 Pamumuhunan

Mahalagang maunawan ang kahulugan at kahalagahan ng pag-iimpok at


pamumuhunan bilang isang salik ng ekonomiya upang magkaroon ng kaalaman
tungkol sa gampanin nito sa pang-araw-araw na buhay ng tao. Ang pag-iimpok at
pamumuhunan ay bahagi ng buhay pang-ekonomiko ng mga tao sapagkat ito ang
ilan sa mga paraan upang makabili at makapagbenta ng mga produkto at serbisyo
na karaniwang kinokonsumo sa pang-araw-araw na pamumuhay. Mapapansin rin
na ang pag-iimpok at pamumuhunan ay nagsisilbing motibasyon ng mga
sambahayan at bahay-kalakal upang matugunan ang kanilang pangangailangan at
kagustuhan. Ang pag-iimpok ay ang pag-iipon ng salapi upang may magamit sa
mga posibleng pangangailangan sa hinaharap. Ang pamumuhunan naman ay
maaaring pera, oras, enerhiya o bagay na iginagastos ng isang tao upang ito ay
magbunga sa nakatakdang panahon sa hinaharap.

2
Suriin

Matapos mong masuri ang maikling tula na iyong binasa ay nagkaroon ka ng


pahapyaw na kaalaman batay sa konsepto at kahalagahan ng pag-iimpok. Ngayon
naman ay mababasa sa bahaging ito kung ano nga ba ang kahalagahan ng Pag-
iimpok at Pamumuhunan bilang isang salik ng ekonomiya na magiging daan sa
mas malalim na kaalaman.

Handa ka na bang matuto sa bagong aralin? Ngayon ay


tutukuyin natin ang kahalagahan ng pag -iimpok at
pamumuhunan bilang isang salik ng ekonomiya.

KAHALAGAHAN NG PAG-IIMPOK AT PAMUMUHUNAN


BILANG ISANG SALIK NG EKONOMIYA

Ang pag-iimpok ay isang sistema na kung saan ang mga hindi


nagamit na pera ng gobyerno ay iniimbak sa
bangko. Ito ay pagtatabi o pag-iipon ng ilang bahagi ng kita
para sa hinaharap. Ang pag-iimpok ay isa sa mahalagang
gawain ng sambahayan na kailangan ng ekonomiya.

Samantala, ang mamumuhunan naman ay maaaring


utangin ang perang ito upang makapaglikha ng maraming
trabaho para sa mga Pilipino. Kung gayon, ang pag -
iimpok at pamumuhunan ay nakatutulong sa pag -unlad ng
isang ekonomiya. May mga gawain ang sambahayan at

bahaykalakal na nagdudulot n g pagkakaroon ng palabas at


paloob na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya.

Ginagastos ng sambahayan ang kanilang mga kita ngunit

3
hindi lahat ng kanilang kita ay kanilang ginagastos dahil
bahagi nito ay itinatabi nila sa mga bangko bilang pag-
iimpok.

Ang pag-iimpok ay pagpapaliban ng paggastos ng


sambahayan para sa kanilang mga pangangailangan sa
kinabukasan. Dahil dito, ang pag-iimpok ay isang palabas
na daloy sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya. Ang
bahay-
kalakal naman ay palaging may layuning palaguin

ang kanilang produksiyon kung kaya’t madalas silang


nangangailangan ng karagdagang puhunan. Sila ay
umuutang sa mga bangko upang mamuhunan at
makabili ng karagdagang salik ng produksiyon. Kung
ganoon, ang pamumuhunan ay papasok na daloy sa
Paikot na Daloy ng Ekonomiya.

Ang pag-iimpok ay tinatawag ring pagtatabi o pag-iipon para may


magamit sa hinaharap. Maaari tayong mag -impok sa bangko o sa
alkansya. Maaari din tayong bumili o magbayad ng mga insurances.
Madalas ganito ang kaisipan ng bawat Pilipino, ang magtago ng
“savings” o ipon sa bangko.

Kadalasan ginagawa ito ng mga wais sapagkat ito ay


lumalago dahil sa interes sa deposito. Kaya naman mas
hinihikayat ng gobyerno na mag-ipon sa bangko
kaysa gumamit ng alkansya. Ang pag-iimpok ay bahagi ng
buhay at upang maging kapaki-pakinabang ang inimpok
salapi,ilagay ito sa mga bangko o institusyong pampinansyal.

Ang pamumuhunan o pagdaragdag ng istak


para sa hinaharap ay kailangan upang palawakin ang
produksiyon. Ang pagbili ng mga makinarya,
paglalaan ng pondo para sa depresasyon ng mga
kapital at paghiram ng salapi ay ilan sa anyo ng
pamumuhunan na ang layunin ay para sa
hinaharap.

Ang pamumuhunan ay nangangailangan ng sapat na

4
salapi. Ang paggasta ay pagbili ng mga kagamitan,
mga salik ng produksiyon at iba pa.

5
Karaniwan sa mga namumuhunan ay gumagamit
ng sariling salapi o puhunan na hiniram sa ibang tao, sa
bangko, o sa ibang institusyon sa pananalapi. Ang perang
hiniram upang gamiting puhunan ay nagmumula sa
inimpok o idineposito sa mga institusyon sa pananalapi
tulad ng bangko o kooperatiba. Ang perang inimpok ng
mga tao sa bangko ay ipinapahiram sa mga negosyante
upang gamitin sa pamumuhunan. Ang pamumuhunan ay
isa ring mahalagang salik sa ating bansa. Mas maraming
negosyo, mas maraming trabaho. Ito ay maaaring
magbunga sa pagkakamit ng kaunlaran.

Ang ilan sa mga halimbawa ng bangko


na matatagpuan sa Pilipinas ay ang mga
sumusunod:

Mga Institusyong Bangko – ito ang mga institusyong


tumatanggap ng salapi mula sa mga tao, korporasyon at
pamahalaan bilang deposito. Sa pamamagitan ng interes o
tubo, ang halagang inilagak ng mga tao bilang deposito ay
lumalago.

6
Uri ng mga Bangko
1. Commercial Banks - ito ang malalaking bangko. Nakapangangalap sila ng
deposito sa higit na maraming tao.

2. Thrift Banks - ang bahagi ng kanilang puhunan at depositong tinanggap ay


ipinauutang nila sa mga maliliit na negosyante bilang pantustos ng mga ito sa
kanilang mga negosyo.

3. Rural Banks- nagpapautang sa mga magsasaka, maliliit na negosyante, at iba


pang mga mamamayan sa kanayunan.

4. Specialized Government Banks- mga bangkong pag-aari ng pamahalaan na


itinatag upang tumugon sa mga tiyak na layunin ng pamahalaan.

a. LBP (Land Bank of the Philippines) – layunin ng LBP ang magkaloob ng pondo
sa mga programang pansakahan.
b. DBP (Development Bank of the Philippines) – layunin ng DBP ang tustusan ang
mga proyektong pangkaunlaran lalo na sa sektor ng agrikultura at industriya.
c. Al-Amanah (Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines) – layunin
nito na tulungan ang mga Pilipinong Muslim na magkaroon ng puhunan at
mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

Mga Institusyong Di -Bangko – tumatangg ap sila ng


kontribusyon mula sa mga kasapi, pinalalago ito at
muling ibinabalik sa mga kasapi pagdating ng
panahon upang ito ay mapakinabangan.

Uri ng mga Di-Bangko


1. Kooperatiba- isang kapisanan na binubuo ng mga kasapi na may
nagkakaisang panlipunan o pangkabuhayang layunin. Ang perang inambag
ng mga kasapi ay kumakatawan sa shares at tumatayong pondo ng
kooperatiba.

2. Pawnshop o Bahay-Sanglaan- nagpapautang sa mga taong madalas


mangailangan ng pera at walang paraan upang makalapit sa mga bangko.
3. Pension Funds

a. GSIS (Government Service Insurance System) – ahensiyang nagbibigay ng life


insurance sa mga kawaning nagtatrabaho sa mga ahensiya ng gobyerno,
lokal na pamahalaan, at mga guro sa mga pampublikng paaralan.
b. SSS (Social Security System) – ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng seguro
sa mga kawani ng pribadong kompanya at sa kanilang pamilya sa oras ng
pangangailangan.
c. Pag-IBIG Fund (Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya at
Gobyerno) – itinatag upang matulungan ang mga kasapi nito sa panahon ng
kanilang pangangailangan lalo na sa pabahay.

7
4. Registered Companies – kompanyang nakarehistro sa Komisyon sa Panagot at
Palitan (Securities and Exchange Commission o SEC) matapos magsumite ng
basic at additional documentary requirements, at magbayad ng filing fee.
5. Pre-Need- kompanya na rehistrdo sa SEC na pinagkalooban ng nararapat na
lisensiya na mangalakal o mag-alok ng mga kontrata ng pre-need.
6. Insurance Companies- rehistradong korporasyon sa SEC at binigyan ng
karapaatan ng Insurance Commission na mangalakal ng negosyo ng seguro sa
Pilipinas.

Ang PDIC o Philippine Deposit Insurance


Corporation ay isang korporasyong pag-aari ng
pamahalaan na itinatag noong Hunyo 1963 sa ilalim ng
Batas Republika Blg. 3591. Ito rin ay malayang
institusyong pampananalapi na nag-uugnay sa
Kagawaran ng Pananalapi ng Pilipinas. Ang PDIC ay
ahensiya ng pamahalaan na naglalayon na mapataas
ang pag-iimpok sa Pilipinas.

Kapag maraming tao ang nag-


impok, maraming bansa ang mahihikayat na
mamuhunan sa Pilipinas dahil saligan ng isang matatag
na bansa ang mataas na antas ng pag-iimpok. Ang

PDIC ay gumagarantiya ng hanggang Php500,000.00 sa

deposito ng bawat depositor. Ang investment

product, fraudulent account , laundered money, at


depositong produkto na nagmula sa hindi ligtas at
unsound

banking practices ay hindi kabilang sa segurong ibinibigay ng


PDIC.

Mga gawi na dapat isaalang-alang ng mga mag-iimpok sa bangko:

1. Kilalanin ang iyong bangko.


2. Alamin ang produkto ng iyong bangko.
3. Alamin ang serbisyo at mga bayarin sa iyong bangko.
4. Ingatan ang iyong bank records at siguruhing up-to-date.
5. Makipagtransaksiyon lamang sa loob ng bangko at sa awtorisadong tauhan.
6. Alamin ang tungkol sa PDIC deposit insurance.

8
7. Maging maingat.

Ang pera o salapi ay ginagamit sa pagbili ng mga


bagay na kinakailangan upang mapunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng mga tao. Ang
pagkonsumo gamit ang salapi ay kinakailangan din ng
matalinong pag-iisip at pagdedesisyon upang
mapakinabangan nang husto at walang nasasayang.

Ang kita ay halagang natatanggap ng tao kapalit ng


produkto o serbisyong kanilang ibinibigay. Maaari

itong itabi o itago bilang savings o ipon. Ang savings


ay
isang paraan ng pagpapaliban ng paggastos. Ang ipon

na ginamit upang kumita ay tinatawag na


investment. Ang economic investment ay paglalagak ng
pera sa negosyo. Maaari ring maglagay ng ipon sa mga
financial
asset katulad ng stocks, bonds, o mutual funds.

Mahalaga ang savings sapagkat ang pera na iyong naipon bilang savings ay
maaaring ilagak sa mga Financial Intermediaries tulad ng mga bangko. Ang
mga bangko at iba pang financial intermediaries ay nagsisilbing
tagapamagitan sa nag -iipon ng pera at sa nais umutang o mag-loan.

Ang umuutang o borrower ay maaaring

gamitin ang nahiram na pera sa pagbili ng asset o


pagmamay -ari na may ekonomikong halaga o
gamitin ito bilang karagdagang puhunan. Ang pera
na iyong inilagak sa mga institusyong ito ay

maaaring kumita ng interes o dibidendo.

Pero kung itatago mo nang matagal na panahon sa


alkansiya ang iyong pera, hindi ito kikita at maaari pang lumiit
ang halaga dahil sa implasyon. Maaari ding magdulot

ito ng kakulangan sa suplay ng salapi sa pamilihan. Mas


makabubuti kung ilalagak ang salapi sa matatag na bangko
upang muling bumalik sa pamilihan ang salaping inimpok.

9
Sadyang napakahalaga ang mag-impok sapagkat kapag tayo ay may
trabaho ay may kita rin tayong matatanggap bilang kabayaran sa ating
serbisyo. Bahagi din ng kita na hindi dapat gastahin ang lahat ng kita at sa
halip ay iipunin na lang ito o ilalagay sa bangko at kung sakali mang may

problemang dumating sa atin o pangangailangan sa hinaharap may

Ang pamumuhunan ay kinakailangan lalong


lalo na sa mga negosyante dahil kung ang isang tao
ay may balak magtayo ng negosyo kinakailangan niya
muna ng puhunan nang sa ganoon ay magsilbi itong
dahilan upang muling pumasok ang nailabas niyang
pera sa paikot nitong daloy.

mapagkukuhanan tayong pera.

10

You might also like