You are on page 1of 8

9

Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Pamamaraan at Kahalagahan ng
Pagsukat ng Pambansang Kita

0
Aralin
Pamamaraan at Kahalagahan ng

11
2 Pagsukat ng Pambansang Kita

Ang kabuuang produksyon ng ekonomiya ay malalaman sa pamamagitan ng


pagkwenta o pagsukat ng pambansang kita. Sa inyong palagay, bakit kailangan
nating masukat ang pambansang kita ng isang bansa? Nakatutulong ba ito sa
pagunlad ng isang bansa? Ano-ano ang mga limitasyon sa pagsukat ng
pambansang kita?
Napakagandang isipin na tayo ay may mga paraan kung paano masukat ang
pambansang kita ng ating bansa. Tayo bilang isang mamamayan ng isang bansa,
kailangan nating alamin o malaman kung mayroon bang pag-angat o pagbagsak
ang ating ekonomiya.

Suriin

Matapos masuri ang mga larawan at nasagot ang mga katanungan ay nagkaroon
ka ng kaunting kaalaman tungkol sa pambansang kita. Mababasa mo sa
bahaging ito kung ano ang Pambansang kita at kahalagahan ng pagsukat nito na
magiging daan sa pagkakaroon ng iyong malawak na kaalaman.

ANG KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT NG PAMBANSANG


KITA

Ayon kay Campbell R. McConnel at Stanley Brue sa kanilang Economics


Principles, Problems, and Policies (1999), ang kahalagahan ng pagsukat ng
pambansang kita ay ang mga sumusunod:

1. Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay nakapagbibigay ng ideya


tungkol sa antas ng produksyon ng ekonomiya sa isang partikular na taon
at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o kababa ang produksyon ng
bansa.
2. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng ilang taon,
masusubaybayan natin ang direksyon na tinatahak ng ating ekonomiya at
malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang
produksiyon ng bansa.
3. Ang nakalap na impormasyon mula sa pambansang kita ang magiging
gabay ng mga nagpaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran
at polisiya na makapagpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan at
makapagpapataas sa economic performance ng bansa.
4. Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng pambansang kita,
hakahaka lamang ang magiging basehan na walang matibay na batayan.
Kung gayon, ang datos ay hindi kapani-paniwala.
5. Sa pamamagitan ng National Income Accounting, maaaring masukat ang
kalusugan ng ekonomiya.

Sa pagsukat sa produksiyon ng isang ekonomiya, hindi maiiwasan na


mailarawan ito gamit ang pambansang kita. Walang malilikom na kita ang
pambansang ekonomiya kung wala itong malilikhang produkto at serbisyo. Sa
pagsukat ng pambansang kita, naisasaalang-alang naman ang dalawang
kahulugan ng pambansang ekonomiya. Ang mga sumusunod ay ginagamit na
panukat ng pambansang kita.

GROSS NATIONAL INCOME/GROSS NATIONAL PRODUCT

Ang Gross National Income (GNI) na dating tinatawag na Gross National Product
ay tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo
na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa.

➢ Sa pagkuwenta ng GNI, hindi na ibinibilang ang halaga ng hilaw na sangkap


sa proseso ng produksiyon upang maiwasan ang duplikasyon sa
pagbibilang. Gayundin ang mga hindi pampamilihang gawain, kung wala
namang kinikitang salapi ang nagsasagawa nito katulad ng pagtatanim ng
gulay sa bakuran.
➢ Ang mga produktong nabuo mula sa impormal na sektor o underground
economy ay hindi rin kabilang sa pagkuwenta ng Gross National Income
dahil ito ay hindi nakarehistro at walang dokumentong mapagkukunan ng
datos ng kanilang gawain
➢ Ang produktong segunda mano ay hindi rin kabilang sa pagkuwenta ng
Gross National Income dahil isinama na ang halaga nito noong ito ay bagong
gawa pa lamang.

GROSS DOMESTIC PRODUCT

Ang Gross Domestic Product (GDP) ay sumusukat sa kabuuang


pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa
loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang bansa.
➢ Lahat ng mga salik ng produksiyong ginamit upang mabuo ang produkto
at serbisyo maging ito ay pagmamay-ari ng mga dayuhan na
matatagpuan sa loob ng bansa ay kasama dito.
➢ Kabilang dito ang produksyon ng mga dayuhan na nasa loob ng
pambansang ekonomiya.

Gross National Income at Gross Domestic Product

• Ang tala sa mga sinusukat na pambansang kita ay National Income


Accounts.
• Ang pamamaraan ng pagsukat ng pambansang kita, tinatawag itong
National Income Accounting.
• Parehong sinusukat sa loob ng isang takdang panahon, maaring quarterly o
taunan.

Tatlong pamamaraan ng National Income Accounting

1. Paraan batay sa Paggasta (Expenditure Approach)

Ang pambansang ekonomiya ay binubuo ng apat na sektor: sambahayan,


bahay-kalakal, pamahalaan, at panlabas na sektor. Ang pinagkakagastusan ng
bawat sektor ay ang sumusunod:
a. Gastusing Personal (C) – nakapaloob dito ang mga gastos ng mamamayan
tulad ng pagkain, damit, paglilibang, serbisyo ng manggugupit ng buhok,
at iba pa. Lahat ng gastusin ng mga mamamayan ay kasama rito.
b. Gastusin ng mga namumuhunan (I) – kabilang ang mga gastos ng mga
bahay-kalakal tulad ng mga gamit sa opisina, hilaw na materyales para sa
produksyon, sahod ng mga manggagawa at iba pa.
c. Gastusin ng Pamahalaan (G) – Kasama rito ang mga gastusin ng
pamahalaan sa pagsasagawa ng mga proyektong panlipunan at iba pang
gastusin nito.
d. Gastusin ng Panlabas na sektor (X-M) – makukuha ito kung ibabawas
ang niluluwas o export sa inaangkat o import.
e. Statistical Discrepancy (SD) – ang anumang kakulangan o kalabisan sa
pagkuwenta na hindi malaman kung saan ibibilang. Ito ay nagaganap
sapagkat may mga transaksiyong hindi sapat ang mapagkukunan ng datos
o impormasyon.
f. Net Factor Income From Abroad (NFIFA) – tinatawag ding Net Primary
Income. Makukuha ito kapag ibinawas ang gastos ng mga mamamayang
nasa ibang bansa sa gastos ng mga dayuhang nasa loob ng bansa.

➢ Sa isang pamamaraan ng gastusin, ang pormula ay :

GNI= C + I + G + ( X - M ) + SD + NFIFA
GNI = GDP + NFIFA

Halimbawa:
C = 130 M piso
I = 30 M piso
G = 24 M piso
X = 25 M piso
M = 10 M piso
SD = 3 M piso
GDP = 222 M piso
NFIFA = 60 M piso
GNI = 282 M piso

➢ Sa paggamit ng pormula ng GNI, kapag pinagsama-sama ang lahat


makukuha ang halagang 282 M.

2. Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya (Industrial Origin/ Value Added


Approach)

Sa paraang ito, kinukwenta ang lahat ng naiaambag ng bawat industriya sa ating


bansa. Ang anumang kontribusyon sa pagbuo at paglikha ng mga produkto at
serbisyo ng bawat sektor ay siyang kumakatawan sa halaga ng produkto at kapag
pinagsama-samang lahat ang halaga ng mga produkto, makukuha ang kabuuang
produksyon sa loob ng bansa o GNI. Ang tinutukoy na sektor ng ekonomiya ay
agrikultura (agriculture), kasama ang pangingisda at paggugubat, industriya
(industriya) at paglilingkod (service).

Halimbawa:

Agrikultura - 60 M piso
Industriya - 80 M piso
Serbisyo - 53 M piso

GDP = 193 M piso


NFIFA = 10 M piso
GNI = 203 M

➢ Sa ganitong paraan, kapag pinagsama- sama ang lahat makukuha ang


halagang 203 M piso.

3. Paraan Batay sa Kita (Income Approach)


Ang bawat salik ng produksyon ay may tinatanggap na kabayaran na nagsisilbing
kita ng bawat salik. Kapag ang mga ito ay pinagsama-sama, nakukuha ang
pambansang kita o national income ng bansa. Ang mga kabilang sa National Income
(NI) ay ang mga sumusunod:

a. Kabayaran o kita ng mga Empleyado at Manggagawa (KEM) - sahod


na ibinabayad sa sambahayan mula sa mga bahay-kalakal at
pamahalaan.
b. Kita ng Entrepreneur at mga Ari-arian (KEA) –Kabayaran na
tinatanggap ng mga tao na hindi matatawag na sahod o sweldo. Ito ay
kita ng isang entreprenyur bilang salik ng produksyon. Dito rin
nabibilang ang mga dibidendo na kabayaran sa ari-arian. Ang kita ng
entrepreneur sa kanyang negosyo ay tinatawag na proprietor’s income.
c. Kita ng Kompanya o Korporasyon (KK) - Ang kita na tinanggap ng
korporasyon at pondo na inilalaan upang palawakin ang negosyo.
d. Kita ng Pamahalaan ( KP )- ito ay lahat ng kita na tinanggap ng
pamahalaan tulad ng buwis, mga kinita ng korporasyon na pag-aari ng
gobyerno at mga interes sa pagpapautang ng pamahalaan.
e. Capital Consumption Allowances ( CCA ) – tinatawag na depresyong
pondo na inilalaan para sa pagbili ng bagong makina o gusali kung ang
mga ito ay unti-unting nasisira at naluluma.
f. Indirect Business Tax ( IBT)- Di tuwirang buwis na ipinapataw sa mga
produkto o serbisyo na nilikha matapos ibawas ang anumang subsidy na
ibinibigay ng pamahalaan.

➢ Sa isang pamamaraan ng kita, ang pormula ay:

NI= KEM + KEA + KK + KP


GNI = NI + IBT + CCA

Halimbawa:
KEM - 150 M piso
KEA - 60 M piso
KK - 15 M piso
KP - 25 M piso

NI = 250 M piso
IBT = 5 M piso
CCA = 12 M piso
GNI = 267 M piso

➢ Sa ganitong paraan, kapag pinagsama- sama ang lahat makukuha ang


halagang 267 M piso.
➢ Ang compensation of employees ay ang sahod ng manggagawa. Ang rent ay
kita mula sa lupa. Ang interes ay mula sa capital. Ang buwis na galing sa
kita ng bahay-kalakal ay ang corporate income tax.

CURRENT/NOMINAL AT REAL/CONSTANT PRICES


Ang GNI ay sinusukat sa pamamagitan ng market value o halaga ng mga
produkto at serbisyo sa pamilihan.Nangangahulugan na ang presyo ang batayan sa
pagsukat ng GNI. Ipinapahayag ang GNI sa dalawang paraan, ito ay ang mga
sumusunod:

• Current o Nominal GNI- ito ay Gross National Income sa kasalukuyang


presyo
- kumakatawan sa kabuuang halaga ng mga natapos na produkto at
serbisyong nagawa sa loob ng isang takdang panahon batay sa
kasalukuyang presyo.
• Real GNI o GNI at constant prices- kumakatawan sa kabuuang halaga ng
mga tapos na produkto at serbisyong ginawa sa loob ng isang takdang
panahon batay sa nakaraan pang presyo o sa pamamagitan ng paggamit ng
batayang taon o base year.

Malalaman naman kung may natamong pag-unlad sa ekonomiya sa


pamamagitan ng Growth Rate. Ano ba ng Growth Rate? Ang Growth rate ay ang
sumusukat kung ilang bahagdan ang naging pag-angat ng ekonomiya kompara sa
nagdaang taon. Gamit ang pormula sa ibaba upang masukat ang growth rate ng
Gross National Income.

Taon Current/Nominal Growth rate Real/Constant Growth rate


GNI ng nominal Prices GNI
GNI
2015 8,634,139 ----- 5,935,675 ----
2016 9,345,619 8.24 % 6,135,019 3.36%
2017 10,455,510 11.88 % 6,394,598 4.23%
2018 11,835,998 13.20% 6,899,136 7.89%

Pormula:

Growth Rate = GNI sa kasalukuyang taon − GNI sa nakaraang taon X 100


GNI sa nakaraang taon

Halimbawa:
2015 Nominal GNI = 8,634,139
2016 Nominal GNI = 9,345,619

Growth Rate = GNI sa kasalukuyang taon − GNI sa nakaraang taon


X 100
GNI sa nakaraang taon
= GNI (2016) - GNI (2015) X 100
GNI (2015)
= 9,345,619 - 8,634,139
X 100
8,634,139

Growth Rate = 8.24%


LIMITASYON SA PAGSUKAT NG PAMBANSANG KITA

Ang GNI ay hindi sapat na batayan ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.Sa


pagtantya ng GNI, hindi naisasamang lahat ang kabuuang halaga ng produkto at
serbisyo sa bansa. May mga produkto o serbisyo na nalilikha na hindi nakukwenta
dahil ang mga ito ay hindi ipinagbabayad ng buwis , mga negosyo na walang record
sa ating pamahalaan o sa ibang ahensya nito. Kabilang dito ay ang mga
sumusunod:

- Hindi Pampamilihang Gawain (hal: pag-aalaga ng anak, paghuhugas ng


pinggan, at pagtatanim sa bakanteng lupa sa loob ng bakuran)
- Impormal na Sektor (hal: transaksyon sa black market, ilegal na droga,
nakaw na sasakyan at kagamitan, ilegal na pasugalan, ata iba pa.)
- Externalities o hindi sinasadyang epekto (hal: gastos ng isang planta ng
koryente upang mabawasan ang perwisyo ng polusyon)
- Kalidad ng buhay

Ang lahat ng limitasyong ito ay masasabing hindi mainam na sukatan ng


kagalingan ng pagkatao ang pambansang kita. Gayunpaman, kahit may limitasyon
ang pagsukat ng pambansang kita, ipinapakita naman nito ang antas ng pagsulong
ng ekonomiya.

Ngayon nalaman at naunawaan


mo na ang pagsukat ng
pambansang kita. Bakit
mahalaga na sukatin natin ang
pambansang kita ng ating
bansa?

You might also like