You are on page 1of 116

MICROECONOMICS- AY NAKATUON SA PAGSUSURI NG

MALILIIT NA BAHAGI NG EKONOMIYA, SINUSURI NITO


ANG KILOS, GAWI AT UGALI NG BAWAT MAMIMILI AT
PRODYUSER
MACROECONOMICS- AY TUMUTUKOY SA PAGAARAL
NG KABUUANG DIMENSYON NG EKONOMIYA.
PINAGTUTUUNAN NG PANSIN ANG GROSS NATIONAL
PRODUCT (GNP)/ GROSS NATIONAL INCOME (GNI)/
GROSS DOMESTIC PRODUCT(GDP), IMPLASYON,
PATAKARANG PISKAL AT PANANALAPI.
Tungkulin ng pamahalaan sa panlabas na sektor sa paikot na daloy ng ekonomiya
Questions to answer
1. ______Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng
pambansang ekonomiya?
A. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
B. Transaksyon ng mga institusyong pampinansyal
C. Kita at gastusin ng pamahalaan
D. Kalakalan sa loob at labas ng bansa
Answer: A
Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
2. ______Ano ang mahalagang papel na ginagampanan
ng pinansiyal na sektor sa paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Nangongolekta ng buwis.
B. Tumatanggap ng impok at nagpapautang ng puhunan.
C. Nagluluwas at nag-aangkat ng mga produkto at
serbisyo.
D. Nangangalaga sa kapakanan ng mga konsyumer at
prodyuser.
Answer: B
Tumatanggap ng impok at nagpapautang ng puhunan
3. Ano ang kaugnayan ng sambahayan sa bahay-kalakal sa
paikot na daloy ng pambansang ekonomiya?
A. Bumibili ang bahay-kalakal ng mga produkto at serbisyo sa
sambahayan.
B. Nagsusuplay ng mga hilaw na materyal ang bahay-kalakal
na kailangan ng sambahayan.
C. Nagmumula sa sambahayan ang mga hilaw na materyales
na ipoproseso ng bahay-kalakal.
D. Nangongolekta ng buwis ang bahay-kalakal para sa mga
serbisyong kailangan ng sambahayan.
Answer: C
Nagmumula sa sambahayan ang mga hilaw na
materyales na ipoproseso ng bahay-kalakal.
4. ____Ano ang bahaging ginagampanan ng sambahayan
at bahay-kalakal sa unang modelo ng paikot na daloy ng
ekonomiya?
A. Namumuhunan ang sambahayan at bahay-kalakal.
B. Nakikipag-ugnayan ang sambahayan sa panlabas na
sektor.
C. Parehong nagbabayad ng buwis ang bahay-kalakal at
sambahayan.
D. Ang sambahayan at bahay-kalakal ang siyang
prodyuser at konsyumer
Answer: D
Ang sambahayan at bahay-kalakal ang siyang prodyuser
at konsyumer
5. ______Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng bahay-
kalakal sa paikot na daloy ng ekonomiya dahil___
A. tagaproseso ito ng mga hilaw na materyal upang maging
yaring produkto.
B. nangongolekta ito ng buwis para sa mga panlipunang
serbisyo.
C. nagbibigay ito ng subsidiya sa sambahayan.
D. pinanggalingan ito ng hilaw na material.
Answer: A
tagaproseso ito ng mga hilaw na materyal upang
maging yaring produkto.
6. Ano ang kaugnayan ng sambahayan sa pamilihang
pinansyal?
A. Nagbabayad ng renta ang sambahayan sa mga bangko.
B. Naglalagak ng salapi ang sambahayan sa bangko bilang
paghahanda sa hinaharap.
C. Kumukonsumo ang sambahayan ng kalakal at serbisyo na
galing sa pamilihang pinansiyal.
D. Nangungutang ang sambahayan ng salapi sa mga
pinansiyal na institusyon bilang dagdag puhunan sa
produksyon.
Answer: B
Naglalagak ng salapi ang sambahayan sa bangko bilang
paghahanda sa hinaharap.
7. Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa
paikot na daloy ng ekonomiya dahil ____
A. naglalaan ito ng pondo para sa mga gawaing politikal.
B. lumilikha ito ng maraming produkto na mapagkakakitaan.
C. tumatanggap ito ng deposito mula sa sambahayan at
bahay-kalakal.
D. nagkakaloob ito ng mga pampublikong paglilingkod mula
sa nalikom na buwis.
Answer: D
nagkakaloob ito ng mga pampublikong paglilingkod
mula sa nalikom na buwis.
8. Maituturing na sarado ang pambansang ekonomiya ng
isang bansa dahil ________
A. nakikilahok ito sa kalakalang panlabas.
B. umaasa sa isa’t isa ang lahat ng sektor ng ekonomiya.
C. may nagaganap na pag-aangkat at pagluluwas sa pagitan ng
mga bansa.
D. walang pakikilahok sa mga produkto at serbisyo sa
kalakalang panlabas.
Answer: D
walang pakikilahok sa mga produkto at serbisyo sa
kalakalang panlabas.
_9. Ano ang mahalagang bahaging ginagampanan ng panlabas
na sektor sa paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Nagkakaroon ng pakikipag-ugnayang politikal ang ating
bansa.
B. Napahahalagahan ang mga kakayahan ng mga Pilipino sa
pagnenegosyo.
C. Nabibigyang oportunidad ang ating mamamayan na
makilahok sa mga gawaing pang-ekonomiya.
D. Natutugunan ang mga kakulangan ng bansa sa mga
produkto at serbisyo dahil sa kalakalang panlabas.
Answer: D
Natutugunan ang mga kakulangan ng bansa sa mga
produkto at serbisyo dahil sa kalakalang panlabas.
_10. Ano ang pangunahing responsibilidad ng sambahayan at
bahay-kalakal sa pamahalaan?
A. Nagkakaloob ng tulong at serbisyo sa pamahalaan.
B. Tumutulong sa pamahalaan sa pamamagitan ng
pagbabayad ng interes.
C. Nakikipagtulungan sa pamahalaan sa pagbebenta ng mga
salik ng produksiyon.
D. Nagbabayad ng buwis sa pamahalaan upang magkaroon ito
ng pondo para sa mga pampublikong paglilingkod.
Answer: D
Nagbabayad ng buwis sa pamahalaan upang
magkaroon ito ng pondo para sa mga pampublikong
paglilingkod.
2 topic
nd
GNP-(gross national product / GNI- (gross
national income)
- ito ay ang kabuuang pampamilihang halaga ng mga
produkto/produksiyon at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan sa
loob at labas ng bansa sa loob ng isang taon.
Final goods- mga produktong tapos na at hindi na kailangang Iproseso
Intermediate goods- mga produktong kailangan pang iproseso.

Nakukuha ang GNP/GNI sa pamamagitan ng :


GNP growth rate= GNP present year- GNP previous year X100
GNP previous year
GDP-gross domestic product
Ito naman ay tumutukoy sa mga produkto at
serbisyo na ginawa sa loob ng bansa sa loob ng
isang taon.
Ibat-ibang paraan sa pagkukuwenta ng
GNP/GNI
1. INDUSTRIAL ORIGIN APPROACH O VALLUE
ADDEDAPPROACH
-Aalamin muna ang datos at value ng GDP.
Hal. Agrikultura+Industriya+Serbiyo=
At E add ang kita ng panlabas na sektor (NPIA) NET PRIMARY
INCOME FROM ABROAD
GDP+NPIA= GNP/GNI
2. FINAL EXPENDITURE APPROACH
-Ang lahat ng sektor ay tumatanggap ng kita na kanilang
ginagastos sa pagbili ng kanilang pangangailangan. Ang mga
gastusing ito ay kailangang malaman upang makuwenta ang
GNP/GNI.

-GASTUSIN NG PERSONAL NA SEKTOR


-GASTUSIN NG GOBYERNO
-GASTUSIN NG KOMPANYA = GNP/GNI
-GASTUSIN NG PANLABAS NA SEKTOR
-NPIA
-STATISTICAL DISCREPANCY
3. FACTOR INCOME APPROACH/Income approach-
Nakukuha sa pamamagitan ng pagsasamasama ng kita ng lahat ng sektor ng
ekonomiya.
KITA NG GOBYERNO
KITA NG ENTREPRENYUR AT ARI-ARIAN
KITA NG MGA EMPLEYADO
KITA NG MGA KORPORASYON/KOMPANYA
Questions to answer:
_11. Alin sa sumusunod ang HINDI ginagamit na paraan ng
pagsukat sa Gross National Income?
A. Expenditure Approach
B. Industrial Origin/Value Added Approach
C. Economic Freedom Approach
D. Income Approach
Answer: c
Economic Freedom Approach
12. Ang Overseas Filipino Workers ay itinuturing na mga
bagong bayani dahil sa kanilang malaking kontribusyon sa
pagpapasok ng dolyar sa ating bansa. Sa aling economic
indicator nabibilang ang kanilang kita?
A. Gross Domestic Product
B. Growth Rate
C. Gross National Income
D. Per Capita Income
Answer: C
Gross National Income
13. Ang sumusunod ay kabilang sa pagsukat ng pambansang
kita MALIBAN sa isa.
A. Ang tinatanggap na kita o sahod mga empleyado o
manggagawa.
B. Ang mga transaksyon mula sa black market o underground
economy.
C. Ang kabuuang kita ng mga korporasyon o kompanya sa
loob ng isang taon.
D. Ang kabuuang gastusin ng pamahalaan, personal,
kompanya at panlabas na sektor.
Answer: B
Ang mga transaksyon mula sa black market o
underground economy.
14. Mahalaga bang masukat ang pambansang kita ng isang
bansa?
A. Oo, dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay
na pamamalakad ng ekonomiya.
B. Oo, dahil magagamit ito upang makabuo ng mga
patakarang magpapaangat sa ekonomiya ng bansa.
C. Hindi, dahil hindi ito nagpapakita ng tunay na repleksyon sa
tunay na kalagayan ng bansa.
D. Hindi, dahil dagdag lamang ito na trabaho at nasasayang
ang mga resources na inilalaan dito.
Answer: B
Oo, dahil magagamit ito upang makabuo ng mga
patakarang magpapaangat sa ekonomiya ng bansa.
__15. Ang mga pamamaraan sa pagsukat ng pambansang kita
ay ang tanging palatandaan ba ng pambansang kaunlaran?
A. Oo, dahil sinusukat nito ang kabuuang produksiyon na
nagawa ng isang bansa.
B. Oo, dahil kung may pagtaas sa antas ng produksiyon,
nangangahulugan ito ng may pagtaas ng kita.
C. Hindi, dahil ang pag-angat ng estado ng buhay ng lahat ng
mamamayan ng bansa, ang tunay na palatandaan ng
pambansang kaunlaran.
D. Hindi, dahil may economic indicators pa ang nagpapakita
ng mga palatandaan ng pambansang kaunlaran na
nagsasaalang-alang sa iba pang mga aspeto sa buhay ng tao.
Answer: C
Hindi, dahil ang pag-angat ng estado ng buhay ng lahat
ng mamamayan ng bansa, ang tunay na palatandaan ng
pambansang kaunlaran.
3 topic
rd
IMPLASYON
Ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng pangkalahatang
presyo sa pamilihan.
Mga uri ng implasyon
1. Demand Pull- ay nagaganap kung mas mataas ang demand
ng mga produkto at serbisyo kaysa sa supply na nasa
pamilihan.
2. Cost push- ang pagtaas ng mga gastusin sa produksiyon
ang sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
3. Structural- ang pagtatakda ng pamahalaan ng mga bagong
Sistema sa pamilihan ay nakapagdudulot din ng implasyon.
Gaya ng pataas ng buwis, at pagpapataas ng sahud ng mga
manggagawa.
Mga dahilan ng implasyon
• Kartel
• Labis na salapi sa sirkulasyon- Naiimpluwensyahan ng
money supply ang produksiyon at ang pangkalahatang
presyo.
• Import dependent at export oriented
• Oil deregulation
• Utang panlabas
• Gastos sa pamproduksiyon
Ang kakulangan ng suplay ng dolyar sa bansa ay magdudulot
din ng implasyon, kapag kulang ang pasok ng dolyar sa bansa
ay tataas ang halaga nito kontra piso, mapipilitan tayong
bumili ng dolyar gamit ang piso, dahil dolyar ang ginagamit sa
international market na pambili ng langis at iba pa.

Kaya dapat pahalagahan ng pamahalaan ang ating mga


OFWs, Tourism Industry at mga BPOs (business process
outsourcing) dahil ang nagpapasok ng dolyar sa ating bansa.
Mga taong nakikinabang kapag may
implasyon
• MGA MANGUNGUTANG
• MGA SPECULATORS
• MGA TAONG HINDI TIYAK ANG KITA
MGA TAONG APEKTADO NG IMPLASYON
• MGA NAG-IIMPOK
• MGA TAONG MAY TIYAK NA KITA
• MGA NAGPAPAUTANG
Purchasing power of peso(PPP)
• Ito ay tumutukoy sa tunay na halaga ng piso sa isang tiyak
na panahon ay ang kakayahan ng piso na makabili ng mga
produkto., maaapektohan ang PPP kapag may implasyon.
Paano alamin ang antas ng implasyon sa bawat
taon.
inflation/Deflation rate: CPI present year – CPI previous year X100
CPI previous year

Ano ang CPI- consumer price index, ang presyo ng mga aytem na
nakapaloob sa market basket of goods, ito ay ginagamit upang
malaman ang cost of living sa isang ekonomiya
CPI= TOTAL PRICE OF BASIC FOODS PRESENT YEAR x100
TOTAL PRICE OF BASIC FOODS PREVIOUS YEAR
Questions to answer:
16. Ang implasyon ay isa sa mga suliraning pang-ekonomiya
na tumutukoy sa ___________
A. pagbaba ng kabuuang demand sa pamilihan.
B. pagbaba ng kabuuang halaga ng piso laban sa dolyar.
C. pagtaas ng pangkalahatang gastusing pamproduksiyon.
D. pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga produkto at
serbisyo sa pamilihan.
Answer: D
pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga produkto at
serbisyo sa pamilihan.
17. Ang pagtaas ng suplay ng salapi sa sirkulasyon ay
nagdudulot ng implasyon dahil _______.
A. bababa ang halaga ng piso na makabili ng produkto at
serbisyo.
B. tataas ang pangkalahatang antas ng produksiyon sa buong
bansa.
C. bababa ang kakayahan ng mga tao na bumili ng produkto
at serbisyo
D. tataas ang kabuuang demand laban sa suplay na
magdudulot ng pagtaas ng presyo.
Answer: D
tataas ang kabuuang demand laban sa suplay na
magdudulot ng pagtaas ng presyo.
18. Ano ang dahilan ng pagtaas ng presyo kung may
Cost-Push Inflation?
A. Tumaas ang gastos sa produksiyon.
B. Tumaas ang kabuuang demand.
C. Bumaba ang halaga ng piso.
D. Bumaba ang suplay.
Answer: A
Tumaas ang gastos sa produksiyon.
19. Ano ang nangyayari sa kabuuang demand kapag
may Demand-Pull Inflation?
A. bumababa
B. tumataas
C. pantay ang dami
D. walang pagbabago
Answer: B
tumataas
20. Bakit nakaaapekto sa ekonomiya ng bansa ang patuloy na
pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo?
A. Nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga
mamamayan at pamahalaan.
B. Hindi nagiging balanse ang pangkalahatang galaw ng mga
produkto at serbisyo sa loob ng bansa.
C. Nahihirapan ang mga tao na bilhin ang kanilang mga
kagustuhan kung kaya’t hindi sila nagiging produktibo.
D. Maraming mamamayan ang hindi nakatutugon sa mga
pangangailangan sa araw-araw at tumaas ang kriminalidad
sa bansa
Answer:D
Maraming mamamayan ang hindi nakatutugon sa mga
pangangailangan sa araw-araw at tumaas ang
kriminalidad sa bansa
21. Bakit nagdudulot ng implasyon ang labis na pagluluwas?
A. Tataas ang pumapasok na dolyar sa bansa kaya tataas ang
presyo
B. Mauubos ang resources para sa pagluluwas kaya
mahahatak pataas ang presyo.
C. Magkakaroon ng kakulangan sa lokal na pamilihan na
dahilan ng pagtaas ng presyo.
D. Maraming hilaw na materyal ang kailangan sa produksiyon
na hahantong sa pagtaas ng presyo.
Answer: C
Magkakaroon ng kakulangan sa lokal na pamilihan na
dahilan ng pagtaas ng presyo.
22. Ano ang bunga o epekto sa presyo ng mga produkto
tuwing may kakulangan ng dolyar sa bansa?
A. Lalakas ang kalalakang panlabas.
B. Tataas ang presyo ng produkto at serbisyo.
C. Magdudulot ito ng pagbaba sa presyo ng produkto.
D. Walang pagbabago sa demand ng mga tao sa kanilang
pagkonsumo
Answer: B
Tataas ang presyo ng produkto at serbisyo.
23. Ano ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis
sa pandaigdigang pamilihan.
A. Madagdagan ang utang panlabas.
B. Mababawasan ang pag-aangkat ng langis.
C. Mag-aangkat ng maraming langis at iimbakin ito.
D. Tataas ang gastos sa produksiyon at mahahatak ang presyo
paitaas.
Answer: D
Tataas ang gastos sa produksiyon at mahahatak ang
presyo paitaas.
24. Mahalagang matugunan ng pamahalaan ang suliranin sa
implasyon upang _________
A. maiwasan ang suliranin sa implasyon.
B. mabawasan ang suplay ng salapi sa sirkulasyon.
C. maisaayos nang mabuti ang pagkonsumo at produksyon.
D. matiyak ang katatagan ng ekonomiya at matamo ang pag-
unlad
Answer: D
matiyak ang katatagan ng ekonomiya at matamo ang
pag-unlad
25. Ano ang dapat gawin ng ating pamahalaan upang malutas
ang implasyon sa bansa?
A. Mag-imprenta ng maraming pera upang dadami ito sa
sirkulasyon.
B. Magpatupad ng maayos na pangongolekta ng buwis,
pagbabadyet, at paggastos.
C. Magsagawa ng mga programa tungkol sa malawakang
paggamit ng pinagkukunang-yaman
D. Manghiram ng pera sa mga dayuhang mayayamang bansa
upang mapalakas ang ekonomiya.
Answer: b
Patakarang Piskal
4th topic
Patakarang Piskal
• Ito ay may kinalaman sa paggastos ng pamahalaan at
pangongolekta ng buwis na nakaiimpluwensiya sa
gawaing pang ekonomiya ng bansa.
1. Paggastos (PDAF)-priority development
assistance fund (Pork Barrel) at
2. pangungulekta ng buwis.
Dalawang uri ng Patakarang Piskal
1. Expansionary Fiscal Policy- mapapabilis ang takbo ng
ekonomiya sa pamamagitan ng pagtaas ng gastusin ng
pamahalaan at pagbawas ng buwis na magreresulta sa
aggregate demand
2. Contractionary or Restrictive fiscal policy- Pagbabawas ng
gastusin ng pamahalaan at pagpapataas ng buwis upang
bumagal ang takbo ng ekonomiya at magbunga ng pagbaba
ng aggregate demand.
Patakarang piskal
Ginagawa ito ng pamahalaan upang maayos na
mapangalagaan ang paglikom at paggasta para sa
balansi ng ekonomiya.
Questions to answer
26. Ipinapatupad ng pamahalaan ang patakarang piskal
upang_______________

A. madagdagan ang gastusin ng pamahalaan.


B. maisaayos ang demand at suplay sa pamilihan.
C. matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan.
D. maayos na mapangangasiwaan ang paglikom ng pondo at
paggasta ng pamahalaan.
Answer: D
maayos na mapangangasiwaan ang paglikom ng
pondo at paggasta ng pamahalaan.
27. Alin sa sumusunod ang maaaring gawin ng pamahalaan
kung ito ay magpapatupad ng expansionary fiscal policy?
A. taasan ang paggasta ng pamahalaan at bawasan ang singil
sa buwis.
B. bawasan ang gastos at dagdagan ang singil ng buwis.
C. bawasan ang manggagawa sa mga bahay-kalakal.
D. taasan ang interes sa pautang.
Answer: A
taasan ang paggasta ng pamahalaan at bawasan ang
singil sa buwis.
28. Alin sa sumusunod ang magiging epekto kung hindi maayos
ang pagpapatupad ng patakarang piskal?
A. Magiging sarado ang ekonomiya ng bansa.
B. Magkakagulo ang ilang sektor ng ekonomiya.
C. Malulugmok sa kahirapan ang mga negosyante
D. Hindi matutugunan ang mga pampublikong serbisyo
Letter D

D. Hindi matutugunan ang mga


pampublikong serbisyo
29. Sa ilalim ng Contractionary or Restrictive Fiscal Policy, alin
sa sumusunod ang maaaring gawin ng pamahalaan upang
pabagalin ang pagsulong ng ekonomiya?
A. Pagmamanipula sa suplay ng pera sa buong bansa.
B. Pagpapataas ng interes sa mga utang ng pribadong sektor.
C. Pagbabawas sa gastusin ng pamahalaan at pagpapataas sa
buwis.
D. Pagsasarado sa buong ekonomiya ng bansa sa pakikipag-
kalakalan.
Answer: Letter C
C. Pagbabawas sa gastusin ng pamahalaan at
pagpapataas sa buwis.
30. Nakatutulong ba ang patakarang piskal sa pagpapanatili ng
katatagan ng pambansang ekonomiya?
A. Oo, dahil itinataguyod nito ang katatagan ng sektor ng
pananalapi.
B. Oo, dahil layunin nitong labanan ang implasyon sa
pamamagitan ng wastong pagbubuwis, tamang paglalaan ng
badyet at paggasta ng pamahalaan.
C. Hindi, dahil layunin lamang nitong kontrolin ang dami ng
salapi sa sirkulasyon
D. Hindi, dahil isinusulong lamang nito ang kasaganaan at
matibay na pamumuhay ng sambayanan.
Answer: Letter B
Oo, dahil layunin nitong labanan ang implasyon sa
pamamagitan ng wastong pagbubuwis, tamang
paglalaan ng badyet at paggasta ng pamahalaan.
31. Alin sa sumusunod ang pangunahing layunin ng
patakarang piskal?
A. Pagmamanipula sa supply ng pera sa sirkulasyon.
B. Pagbabawas sa gastusin at pagtataas ng singil ng
buwis.
C. Pagkontrol ng ekonomiya sa pamamagitan ng tamang
paggasta at pagbubuwis.
D. Pagpapatupad ng mga programa upang umunlad ang
iba’t ibang sektor ng ekonomiya
Answer: Letter C
Pagkontrol ng ekonomiya sa pamamagitan ng tamang
paggasta at pagbubuwis.
32. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang tumutukoy sa mga
dahilan kung bakit kailangang kontrolin ang money supply sa
sirkulasyon?
A. Nagdudulot ng masama sa tao ang pagkakaroon ng labis na
salapi.
B. Mabilis ang transaksiyon kung mababa ang money supply sa
sirkulasyon
C. Naiimpluwensyahan ng money supply ang produksiyon at
ang pangkalahatang presyo.
D. Maganda ang epekto sa ekonomiya ng bansa kung may
sobrang dami ng salapi sa sirkulasyon.
Answer: Letter C
C. Naiimpluwensyahan ng money supply ang
produksiyon at ang pangkalahatang presyo.
PAMAMAHALA NG PANANALAPI SA
EKONOMIYA
5 topic
th
Monetary Policy
Ang pagmamanipula ng pamahalaan sa suplay ng
salapi sa ekonomiya, ang pangunahing tungkulin nito
ay upang kontrolin ang Implasyon.
INSTITUSYON NG PANANALAPI
Bangko- Isang Uri ng institusyon na tumatanggap at
lumilikom ng mga salapi na naiimpok ng mga tao at
negosyante.
BSP- BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS
-Ang mga pangunahing gawain at tungkulin ng Bangko
Sentral ay itaguyod ang kaunlarang pang-ekonomiya at
mapanatili ang panloob at panlabas na katatagan ng
pananalapi.
Mga Gawain ng BSP
1. Clearing house ng mga bangko
2. Pamamahala sa mga banko
3. Tagapamahala sa reserbang dayuhang salapi, Ginto,
at ang pagbabayad sa utang panlabas
4. Chief banker at pinasyal na tagapagpayo ng
pamahalaan
5. Nag-iisyu at nag-iimprenta ng salapi
Question to answer
33. Alin sa sumusunod na hakbang ang dapat gawin ng Bangko
Sentral ng Pilipinas upang pasiglahing muli ang ekonomiya ng
bansa?
A. Pag-iwas sa labis na paggasta ng pamahalaan.
B. Hindi pagpapautang ng mga bangko sa mga mamamayan ng
bansa.
C. Pagbabawas ng suplay ng salapi upang bumalik sa normal
ang sirkulasyon.
D. Pagdadagdag ng suplay ng salapi sa sirkulasyon sa
pamamagitan ng pagbabawas ng buwis
Answer: D
D. Pagdadagdag ng suplay ng salapi sa sirkulasyon
sa pamamagitan ng pagbabawas ng buwis
34. Alin sa mga patakaran ang nararapat ipatupad kung
sobrang sigla ang ekonomiya ng bansa?

A. Patakarang Pananalapi C. Expansionary Fiscal Policy


B. Contractionary Fiscal Policy D. Patakarang Panlabas
Answer:

B. Contractionary Fiscal Policy


35. May positibong epekto ba ang pag-imprenta ng
labis-labis na salapi sa pambansang ekonomiya?
A. Oo, dahil tataas ang pondo ng pamahalaan.
B. Oo, dahil maaaring gamitin pambayad utang ng
bansa.
C. Wala, dahil magdudulot lamang ito ng implasyon.
D. Wala, dahil bababa lamang ang palitan ng piso laban
sa dolyar.
Answer: C
C. Wala, dahil magdudulot lamang ito ng
implasyon.
36. Bakit mahalaga ang mataas na pamumuhunan sa
ekonomiya ng bansa?
A. Nakalilikha ng maraming trabaho.
B. Bababa ang presyo ng mga produkto.
C. Marami ang mahihikayat na pumasok sa negosyo.
D. Dadami ang maaaring ikonsumo ng mga mamimili.
Answer: A

A. Nakalilikha ng maraming trabaho.


37. Ano ang kahalagahan ng tamang pag-iimpok sa
pambansang ekonomiya?
A. Nasisiguro nito na may magamit na salapi sa panahong
kailangan na ito
B. Nakatutulong ito na matustusan ang pangangailangan ng
lahat ng mamamayan.
C. Ginagamit ang mga naimpok na salapi sa pagbabayad ng
utang sa labas ng bansa.
D. Ang salaping naimpok sa bangko ay siyang ginagamit sa
pagpapautang ng salapi sa mga namumuhunan.
Answer: D
D. Ang salaping naimpok sa bangko ay siyang
ginagamit sa pagpapautang ng salapi sa mga
namumuhunan.
38. Mahalagang magtipid, mag-invest at mag-ipon nang
maaga upang ?
A. maging malaya at mayaman
B. matamo ang paglago at katatagang pinansyal
C. matupad ang lahat ng pinansyal na responsibilidad.
D. may mapapahiram na salapi sa mga nangangailangan
Answer: B
B. matamo ang paglago at katatagang pinansyal
39. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang
tamang pag-iimpok ng pera?
A. Ipapautang ko muna sa aking kaklase ang aking pera upang
hindi ko magastos.
B. Magpapatulong ako sa aking nanay na ilagak sa bangko ang
aking ipon na pera.
C. Ilalagay ko sa alkansya ang sobra kong pera at itatago
lamang ito sa bahay nang matagal.
D. Hindi ko gagastusin ang aking pera at manghihingi lamang
ako sa aking mga kaklase ng mga kailangan ko.
Answer: B
B. Magpapatulong ako sa aking nanay na ilagak sa
bangko ang aking ipon na pera.
40. Ano ang pinakamahusay na paraan ang maaring gawin
kung ang iyong pamilya ay nagpaplanong mamuhunan upang
mapalago pa ang negosyo?
A. Siguraduhing maibalik ang perang pinamuhunan kahit ano
man ang mangyari.
B. Maging positibo lamang sa planong pamumuhunan at
hayaan lamang ito na lumago.
C. Magtiwala sa mga nangangakong may malaking balik sa
mga pinamuhunang salapi sa maikling panahon.
D. Maging matalino sa pagpaplano at sa pagdedesisyon upang
maiwasang maging biktima ng anomang uri ng panloloko.
Answer: D
D. Maging matalino sa pagpaplano at sa
pagdedesisyon upang maiwasang maging biktima
ng anomang uri ng panloloko.

You might also like