You are on page 1of 7

DIVISION UNIFIED TEST

3rd QUARTER TEST


ARALING PANLIPINAN 9

Pangalan: ____________________________ Marka: _______________


Taon at Antas: ________________________ Petsa: ________________

Isulat lamang sa patlang ang titik ng tamang sagot.

_____1. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, sinasabi ang bahay kalakal at sambahayan ay iisa, sa
paanong paraan?
A. Bilang isang konsyumer
B. Bilang isang prodyuser
C. Bilang isang pamilihang pinansyal
D. Bilang isang pamilihan ng kalakal at paglilngkod
_____2. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, pang-ilang modelo ng pambansang ekonomiya makikita ang pamilihang
pinansyal?
A. Una B. Pangalawa C. Pangatlo D.Pang-apat
_____3. Isa sa mga aktibidad sa paikot na daloy ng ating pambansang ekonomiya ay ang pag-iimpok
at pamumuhunan. Bakit ang pag-iimpok at pamumuhunan ay HINDI orihinal na mga
gawaing pang-ekonomiya?
A. ito ay nagaganap lamang kung may pagpaplano para sa hinaharap ang naturang sektor
B. pinapahalagahan ang pagbebenta ng kalakal at paglilingkod
C. hindi sya bahagi ng salik ng produksiyon
D. ang paglago ng pambansang ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng produksiyon
_____4. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
B. Transaksiyon ng mga intitusyong pampinansyal
C. Kalakalan sa loob at labas ng bansa
D. Kita at gastusin ng pamahalaan
_____5. Ang bahaging ginagampanan ng aktor na ito sa pambansang ekonomiya ay mangulekta ng buwis sa ibang
sektor upang makahatid ng pampublikong paglilingkod. Anong sektor sa paikot na ekonomiya ang
tinutukoy nito?
A. Sambahayan B. Bahay-kalakal C. Pamahalaan D. Panlabas na sektor
_____6. May iba’t ibang uri ng pamilihan sa pambansang ekonomiya. Anong uri ng pamilihan na kung saan
kabilang dito ang pamilihan para sa kapital na produkto, lupa, at paggawa?
A. Product Market B.Factor Market C.Financial Market D.World Market
_____7. Ang pambansang ekonomiya ay binubuo ng iba’t ibang aktor, bawat isa ay may kontribusiyon sa
ekonomiya. Anong sektor ng ating pambansang ekonomiya ang may tanging kakayahan na lumikha ng
produkto?
A. Sambahayan B. Bahay-kalakal C. Pamilihan D. Pamahalaan
_____8.Ang kaunlaran ng isang bansa lalo na sa aspeto ng ekonomiya ay kaya itong masukat. Paano nasususkat
ang pambansang produkto?
A. Sa pamamagitan ng paghahanapbuhay sa isang bansa
B. sa pamamagitan ng dami ng mga nagtrabaho sa loob ng bansa
C. sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo sa mga negosyante ng pmahalaan
D. sa pamamagitan ng kabuung halaga ng kita ng produksyon ng bansa
_____9.May tatlong paraan sa pagsukat ng Gross National Income ng isang bansa. Alin sa mga sumusunod ang
HINDI ginagamit na paraan ng pagsukat sa Gross National Income?
A. expenditure approach
B. economic freedom approach
C. value added approach
D. income approach
_____10.Si Mr. Hill isang American National, ay nagtrabaho sa kompanya na nasa Pilipinas. Saan dapat isinasama
ang kanyang kita?
A. sa Gross Domestic Product ng America dahil mamayan siya nito.
B. sa Gross National Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita.
C. sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil ditto nagmula ang kanyang kita.
D. sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at America dahil parehong ditto nagmula ang kanyang kita.
_____11. Mahalagang masukat ang pambansang kita ng isang bansa. Ang mga sumusunod ay ang kahalagahan ng
pagsukat nito MALIBAN sa isa, ano ito?
A. upang makapagbigay ng ideya sa isang bansa tungkol sa antas ng produksiyon ng ekonomiya sa isang
particular na panahon
B. upang masubaybayan ang direksiyon na tinatahak ng isang ekonomiya
C. sa pamamagitan ng National income Accounting, maaring masukat ang kalusugan ng ekonomiya
D. upang mapabuti ang pamumuhay ng tao

Para sa bilang 12 at 13 Ibatay ang inyong kasagutan sa mga datos nasa sa ibaba.
.

GROSS NATIONAL INCOME AND GROSS DOMESTIC PRODUCT

a. Household Final Consumption Expenditure P 8, 457, 992


b. Government Final Consumption Expenditure P 2, 132, 451
c. Capital Formation P 1, 192, 926
d. Exports P 3, 254, 460
e. Import P 3, 590, 563
f. Statistical Discrepancy P0
g. Sahod ng mga manggagawa P 10,250, 616
h. Net Operating Surplus P 2, 437, 520
i. Net Primary Income P 2, 043, 834

_____12.Ano ang Gross Domestic Product gamit ang pamaraang expenditure approach?
A. P 11, 447, 266 B. P 24, 135, 402 C. P 26,179, 236 D.P 13, 491, 100
_____13. Ano ang Gross National Income gamit ang pamaraang expenditure approach?
A. P 24, 135, 402 B. P 11, 447, 266 C.P 13, 491, 100 D. P 26, 179, 236
_____14.Alin sa mga sumusunod ang HINDI isinisama sa pagkuwenta ng Gross National income?
A. Ang mga produkto mula sa impormal na sektor
B. Gastos ng mga mamamayan
C. Sahod ng mga manggagawa
D. Gastos ng pamahalaan
_____15. Bagamat kayang sukatin ang pambansang kita ng isang bansa, ngunit may mga gawaing pang-
ekonomiya ay HINDI naibibilang sa pagsukat ng pambansang kita. Alin sa mga sumusunod ang hindi
kabilang?
A. Impormal na sektor
B. Externalities
C. Kalidad ng buhay
D. Net factor income from abroad
_____16.Isa sa mga kaugalian na dapat linangin sa isang mag-aaral ang pag-iipon ng pera. Ano ang NEGATIBONG
EPEKTO sa ekonomiya ang pagtatago ng pera sa alkansya?
A. Dahil hindi ito kikita
B. Maaring magdulot ng kakulangan sa supply ng salapi sa pamilihan
C. Dahil maaring lumiit ang halaga dahil sa implasyon
D. Lahat ng nabanggit
_____17. Sa panahon ngayon mainam ang magtabi ng pera upang maging handa sa panahon ng pinansyal na
krisis. Ang mga sumusunod ay mainam na magtabi ang isang tao ng kanyang inipon na pera MALIBAN
sa isa, alin dito?
A. Bangko B.Mutual funds C. Kooperatiba D. Alkansya
_____18. Kung ang kabuuang kita ni Jonas ay Php25,000.00 at ang kanya namang kabuuang gastusin ay
Php21,000.00, magkano ang maari nyang ilaan para sa pag-iimpok
A. Php1,000.00 B. Php2,000.00 C. Php3,000.00 D. Php4,000.00
_____19. Ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) isang ahensya ng pamahalaan na nagbibigay
proteksyon sa mga depositor sa mga bangko sa pamamagitan ng deposit insurance. Sa magkanong
halaga lamang ang may deposit insurance ang isang depositor sa isang bangko?
A. Php250,000
B. Php300,000
C. Php500,000
D. Php1,000,000
____20. Ang isang manggagawa ng pamahalaan ay kinakailangang magdeklara ng kanyang taunang Statement of
Assets, Liabilities and Net Worth (SALN). Alin sa mga sumusunod ay isang liabilities ng isang
manggagawa?
A. Lupa B. Utang sa bangko C. Bahay D. Appliances at gadget
____21. Lahat ng tao ay may kinukomsumo na produkto o serbisyo, ngunit may mga pagkakataon na mababa ang
pagkonsumo nito. Ano ang EPEKTO ng mababang interes sa pagkonsumo ng tao?
A. mahihikayat ang tao na umutang at tataas ang pagkonsumo
B. mahihikayat ang tao na mag-impok sa bangko dahil sa malaking tubo
C. mahihikayat ang tao na mag-angkat ng produkto sa ibang bansa
D. mahihikayat ang mga tao na magtipid para sa hinaharap
_____22. Karamihan sa mga tao sa kasalukuyan ay nag-iimpok sa bangko upang masiguro na ligtas ang kanilang
salapi ay may tubo ito. Ang mga sumusunod ay dapat tandaan ng isang gustong magdeposito sa isang
bangko, MALIBAN sa isa, ano ito?
A. kilalanin ang iyong bangko
B. alamin ang produkto ng iyong bangko
C. alamin ang serbisyo at mga bayarin sa iyong bangko
D. alamin kung may magandang alok ang bangko tulad ng malaking interes
______23. Ang implasyon ay ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa loob ng isang taon. Ano ang NEGATIBONG
EPEKTO ng implasyon sa ekonomiya?
A. Paghina ng halaga ng salapi sa pamilihan
B. pagdami ng perang nasa sirkulasyon
C. pagbagsak ng suplay ng mga produkto
D. pagluwas ng mga kalakal sa ibang bansa
_____24. Sa papaanong paraan malulutas ang demand pull inflation?
A. pagbibigay pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas ang output ng produksiyon
B. pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya
C. pagpapautang na may mababang interes upang makahikayat ng karagdagang paggasta
D. pagkontrol sa supply ng salapi upang mabasan ang labis na paggasta sa ekonomiya
_____25. Ang implasyon ay isang pangyayari na makapagbabgo ng halaga ng salapi. Nagaganap ito kung
A. huminto ang pamahalaan ng pangungutang sa world bank
B. maliit ang gastos ng pamahalaan kaysa kita mula sa buwis
C. bumaba ang palitan ng piso sa dolyar
D. dagsa ang dolyar na pumasok sa bansa
_____26. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nararapat na gawin kung maliit lamang ang baon na
ibinigay ng iyong magulang?
A. Bilhin ang nararapat at humingi na lamang kapag kulang na ang salapi
B. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga
C. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
D. Bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan
_____27. Ang implasyon ay tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling produkto na
nakapaloob sa basket of goods at isa sa mga dahilan ay pagtaas ng mga gastusing pamproduksyon. Ano
ang tawag sa dahilan ito?
A. Demand-pull B. Cost-push C. Factor of production D. Exchange Rate
_____28. Ang implasyon ay kaakibat na sa ating pang-araw araw na pamumuhay. Ngunit may nakikinabang na mga
mamamayan tuwing may implasyon MALIBAN sa isa, ano ito?
A. Mga umuutuang
B. Mga negosyante
C. Mga taong may tiyak na kita
D. Mga real estate broker

_____29. Bilang isang mamimili, papaano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon?


A. Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan
B. Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan
C. Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang matiyak ang presyo
D. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan
_____30. Alin sa mga sumusunod na buwis ang ipinapataw sa mga negosyante na nagbukas ng negosyo at
gayundin sa iba pang propesyon na inaatasang kumukuha ng lisensya?
A. Business/occupation tax
B. residence tax
C. real estate tax
D. income tax
_____31. Ang buwis ang pangunahing pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan. Alin sa mga sumusunod ang buwis
na ipinapataw sa benta ng ilang kalakal at serbisyo?
A. Real property tax
B. personal income tax
C. inheritance tax
D. value-added tax
_____32. Ang mga proyektong pampubliko ay di-matutugunan kung walang sapat na pananalapi ang pamahalaan.
Sa mga pinagkukunan ng salapi ng pamahalaan, alin ang HINDI kasama?
A. buwis
B. dayuhang pagkakautang
C. pension ng mga retiradong kawani ng pamahalaan
D. taripa mula sa inaangkat na kalakal
_____33. Sa panahong na may nangyayaring implasyon ,ang pamahalaan ay nagpapatupad ng patakarang piskal.
Ang mga sumusunod ay mga polisiya na ipinapatupad sa expansionary fiscal policy maliban sa isa, ano
ito?
A. Pagbaba ng gastusin ng pamahalaan
B. Pagdaragdag ng gastusin ng pamahalaan
C. Pagtaas ng kabuuang demand
D. Pagtaas ng singil ng buwis
_____34. Aling pinagkukunan ng salapi ng pamahalaan ang sapilitang iniaatas sa bawat tao, at mga negosyo para
sa kapakinabangan ng pamahalaan?
A. Pangungutang
B. kita sa buwis
C. kita mula sa pribadong tanggapan at negosyo
D. pagbebenta ng pag-aari ng pamahalaan
_____35. Ang isang pinanggagalingan ng kita ng pamahalaan ay ang buwis sa adwana. Alin sa sumusunod ang
tumutukoy dito?
A. binabayarang selyo sa ibat ibang dokumento
B. binabayarang porsyento ng halaga ng lokal na kalakal
C. porsyentong buwis na binabayaran ng mga may-ari
D. halagang binabayaran kapag namili ng mga bagay na galling sa ibang bansa
Batay sa bilang 36 at 37. Ibatay ang inyung kasagutan sa mga datos na nasa ibaba.

Halimbawa ng Alokasyon ng Pambansang Badyet ayon sa Sektor


Sektor Bilang ng badget
Debt Burden Php 345 B
General Public Services Php 325 B
Social Services Php 657 B
Economic Services Php 465 B
Defence Php 134 B

_____36. Batay sa talahanayan, anong sektor ang may pinakalamaking alokasyon ng pambansang badyet ?
A. Debt Burden B. Social Services C. Defence D. Economic Services

_____37. Alin sektor naman ang may pinakamaliit na bilang ng badyet na natatanggap sa pamahalaan?
A. Defence B. Debt Burden C. Social services D. General Public Services

_____38.Upang maisakatuparan ng pamahalaan ang mga napakaraming programa at proyekto kinakailangan ng


perang gagastusin. Ano ang pangunahing pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan?
A. Kita mula sa pagbebenta ng ari-arian
B. Kita sa kompanyang pag-aari at kontrolado ng pamahalaan
C. Kaloob at tulong mula sa ibang bansa
D. Buwis
____39. Sa mga nangyaring sakuna sa Mindanao tumulong ang mga kalapit na bansa sa mga nasalanta sa
pamamagitan ng pagkakaloob ng pera sa pamahalaan. Ano ang tawag sa pondong ito ng pamahalaaan?
A. pagbubuwis
B. kita ng mga negosyo na kinokontrol ng pamahalaan
C. tulong pinansyal mula sa ibang bansa
D. pagbebenta ng ari-arian ng pamahalaan
_____40.May iba’t ibang uri ng buwis na binabayaran ng isang tao. Ngunit anong halimbawa ng buwis ang
ipinapataw ng pamahalaan upang mabawasan ang kalabisan ng isang gawain o negosyo?
A. Excise Tax B. Sales Tax C. Income Tax D. Taripa
______41. Ayon sa Layunin ng pagbubuwis, anong uri ng buwis ang income tax?
A. Regulatory B. Revenue Generation C. Protection D. Indirect
______42. Ang isang taong nagtatrabaho ay dapat tumanggap ng kabayaran sa serbisyong kanyang
ginagampanan. Paano ginagamit ang salapi dito?
A. paraan ng pakikipagpalitan B. pamantayan ng halaga
B. pamantayan ng ipinagpalibang bayad D. taguan ng halaga
_____43. Kung ang patakarang piskal ay isinasagawa ng pamahalaan, anong sektor naman ang nagpapatupad ng
patakarang pananalapi?
A. Bahay-kalakal B. Bangko Sentral C. World market D. Sambahayan
______44. Aling ahensya ng pamahalaan at nilalagakan ng pondong pangseguridad ang tumatangap ng buwanang
kontribusyon ng mga empleyado sa pribadong sektor at kabilang dito ang mga self-voluntary employed
para sa panlipunang seguro?
A. Central bank B. Social Security System
C. Government Service Insurance System D. Philippine Deposit Insurance Corporation
______45. Ang pera ay mahalaga. Ang isang manggagawa na gustong mag-impok ay maaaring magdeposito sa
bangko upang may magamit kapag nangangailangan. Sa ganitong pagkakataon, ano ang gamit ditto ng
salapi?
A. Medium of exchange B. Deferred payments C. store of value D. as a gift
_____46. Nakukuha ng mamimili ang nais niyang produkto dahil sa presyong napagkasunduan nila ng tindera. Sa
ganitong sitwasyon, ano ang gamit ng salapi?
A. bilang itinagong yaman B. bilang simbolo ng yaman
C. bilang pambayad ng utang D. bilang instrument sa palitan
_____47. Ito’y isang uri ng bangko na nagpapahiram ng impok na pera at ang interes na ipinapataw sa mga
inuutang ng mga miyembro ay naibabalik sa pamamagitan ng pagbibigay ng dibidendo.
A. Universal Banking B. Savings and Mortgage Bank
C. Private Development Bank D. Savings and Loan Association
_____48. May isang tao na gustong bumili ng bigas at ang kanyang ginawa ay ibigay nya ang kanyang salapi at
tinanggap naman ng tindera. Ano ang gamit ang salapi dito?
A. Paraan ng pakikipagpalitan B. pamantayan ng halaga
C. pamantayan ng ipinapalibang bayad D. taguan ng halaga
_____49.Hindi efficient ang pakikipagpalitan sa pamamagitan ng commodity money sa anong kadahilanan?
A. mabilis masira ang ilang produkto B. mabigat dalhin
C. hindi nahahati D. lahat ng nabanggit
______50. Ipinapatupad ang patakarang pananalapi upang masigurong matatag ang ekonomiya ay higit sa lahat
ang pangkalahatang presyo ng mga bilihin. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon na mainam na
ipatupad ang contractionary money policy?
A. Maraming nagsarang negosyo bunga ng pagkalugi
B. Tumanggap ng Christmas bonus ang karamihan sa mga manggagawa
C. Dahil sa digmaan sa North Korea, maraming OFW ang umuwing walang naipon
D. Matamlay ang kalakalan dahil sa pandaidigang krisis
ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS)
Answer Key

1. A
2. C
3. A
4. A
5. C
6. B
7. B
8. D
9. B
10. C
11. D
12. A
13. C
14. A
15. D
16. D
17. D
18. D
19. C
20. B
21. B
22. D
23. A
24. D
25. C
26. B
27. B
28. C
29. D
30. A
31. D
32. C
33. A
34. B
35. D
36. B
37. A
38. D
39. C
40. A
41. B
42. C
43. B
44. B
45. C
46. B
47. D
48. A
49. D
50. B

You might also like