You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Pangasinan Division II

THIRD QUARTERLY EXAM


ARALING PANLIPUNAN 9
S.Y. 2019 -2020
Pangalan: ____________________________________ Petsa:_______________
Pangkat: ____________________________________ iskor _______________

I.Maramihang pagpipili-Bilugan ang titik ng pinakawastong sagot.

1.Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng sambahayan sa paikot na daloy ng ekonomiya?


A.Ito ang pinagmumulan ng commodity market.
B.Dito nagmumula ang mga salik ng produksyon o factor market.
C.Mahalaga ang tao para umikot ang ekonomiya.
D.Ang pagkilos ng sektor na ito ay sadyang kailangan sa ekonomiya.
2.Ito ang nangangasiwa sa pag-iimpok at pamumuhunan sa paikot na daloy ng ekonomiya.
A.sambahayan C.factor market
B.bahay kalakal D.pamilihang pinansyal
3.Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay nagpapakita ng?
A.Kahalagahan ng pag-iimpok.
B.Tungkulin ng bawat sector ng ekonomiya.
C.Gampanin ng sambahayan.
D.Mahalaga ang pagpapadala ng OFW sa ibang bansa.
4.Ang pagpopondo sa pamahalaan ay nagmumula sa:
A.Buwis ng mamamayan
B.Donasyon ng ibang bansa
C.Pautang ng pondo tulad ng WB (World Bank)
D.Padala ng mga OFW
5.Ano ang kahalagahan ng panlabas na sektor sa paikot na daloy?
A.Ipinapakita nito ang katotohanan sa kasabihang “No man is an Island”
B.Kailangan natin ang produkto ng ibang bansa at kailangan din galing dito sa atin.
C.Nagdadala ito ng malaking kita sa ating pamahalaan lalo na sa mga OFW natin.
D.Lahat ng nabanggit.
6.Sa buhay mo ngayon bilang miyembro ng sambahayan paano mo maipapakita ang iyong
pagmamahal sa bayan?
A.Magtapos sa pag-aaral upang maging isang responsableng mamamayan.
B.Magbayad ng tamang buwis pagdating ng panahon.
C.Maging isang OFW.
D.Maghanap na ng trabaho para may kita at makatulong sa pamilya.
7.Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa ekonomiya?
A.Taga-pangasiwa sa mga pampublikong paglilingkod.
B.Ito ang bumubuo ng mga patakarang pangkabuhayan upang may tiyakna mapagkunan
ng ikabubuhay ng bawat pamilya sa lipunan.
C.Tumutugon sa mga lubhang naaapektuhan ng kalamidad.
D.Tagapagkolekta ng buwis.
8.Kung tayo ay umaangkat ng produkto,tayo ay_____.
A.Gumagasta C.Nalulugi
B.Kumikita D.Lahat ng nabanggit.
9.Papaanong ang kaalaman sa pambansang ekonomiya ay nakakatulong sa pamumuhay tungo sa
kaunlaran ng bansa?
A.Nagagamit ito upang makapagplano ng maayos sa sariling buhay ng makatulong na
mapaangat ang ekonomiya ng bansa.
B.Makagawa ng hakbang para makatulong sa pamahalaan.
C.Makakilos ng sang-ayon sa batas.
D.Makaisip ng hakbangin tungkol sa pagpaparami ng pera.

10.Papaano naiiba ang Gross National Income sa Gross Domestic Product?


A. Lahat ng mga tapos na produkto sa loob ng bansa kabilang ang kinita ng mga Pilipino sa ibang
panig ng daigdig.
B. Lahat ng mga tapos na produkto at lahat ng salik ng produksyon na ginamit dito kabilang ang
kinita ng mga dayuhan sa loob ng bansa.
C. Tapos na produkto kabilang ang kinita ng OFW at kinita ng dayuhan sa loob ng bansa.
D. A & B
11. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pagkuwenta ng GNI?
A. Underground Economy C. Nagkukumpuni sa bahay bahay
B. Nagtitinda sa kalsada D. Lahat ng nabanggit
12. Anong paraan ang pagsukat sa pambansang kita?
A. Expenditure Approach, Income approach, Industrial Origin Value Added Approach.
B. Batay sa paggasta
C. Batay sa kita
D. Batay sa pinagmulang Industriya.
13.Masasabi nating positibo ang economic performance ng bansa kung:
A. Maraming nagtatapos sa pag-aaral ngunit walang trabaho.
B. Maraming umaalis bilang OFW.
C. Tumaas ang Income per Capita ng bansa.
D. Tumaas ang Gross Domestic Product ng bansa.
14. Ang pagtaas ng Growth rate ng bansa ay nagpapahiwatig na:
A. May pag-aangat sa ekonomiya ng bansa.
B. Sigurado na ang hanapbuhay ng mga mamamayan.
C. Maganda ang kalidad ng buhay dito.
D. Kasiguraduhan ng malaking sahod sa manggagawa.
15. Anong ugnayan mayroon ang Income per Capita at populasyon?
A. Malaking populasyon ---------- Mataas na Income per Capita
B. Malaking populasyon ---------- Mababang Income per Capita
C. Maliit na populasyon ---------- Mababa na Income per Capita
D. Maliit na populasyon ---------- Mababang Income per Capita
16. Bakit ang Impormal na sector ay isang limitasyon sa pagsukat ng pambansang kita?
A. Kalimitan ang mga ilan dito ay gawaing illegal.
B. Hindi sila gumagamit ng resibo.
C.Maliit lang ang pera dito.
D. Hindi puwede dahil impormal sila.
17.Bakit mahalaga na masukat ang pambansang kita?
A. Magiging gabay ito sa pagplano sa mga patakaran at polisiyo ukol sa ekonomiya.
B. Maipagmamalaki ang nagawa ng gobyerno.
C.Malaman kung nangungurakot ang nasa pamahalaan.
D.Batayan ito sa kalidad ng buhay meron ang mamamayan.
18.Lahat ng mga sumusunod ay maituturing na “habits of a Wise Saver” maliban sa.
A. Nagtatanong at nagsasaliksik tungkol sa katayuang pinansyal ng bangko.
B. Iniingatan ang ATM card, CTD at passbook.
C. Tinatanggap ang magagandang alok o matataas na interes.
D. Inaalam ang sinisingil na bayarin sa bangko.
19.Paano malulutas ang Demand pull inflation?
A. Pagkontrol sa supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta sa ekonomiya.
B. Pagbibigay pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas ang output ng produksiyon.
C. Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya.
D. Pagpapautang na may mababang interes upang makahikayat ng karagdagang paggasta.
20. Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo sa ekonomiya?
A. Resesyon C. Implasyon
B. Depresyon D. Deplasyon
21. Bilang isang mamimili, paano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon?
A. Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang matiyak ang presyo.
B. Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan.
C. Bumili lamang kung may mga sale o bagsak presyo ng mga bilihin sa pamilihan.
D. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan.

22. Ang implasyon ay ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa loob ng isang taon. Ano ang negatibong
epekto ng implasyon sa ekonomiya?
A. Pagbagsak ng suplay ng mga produkto.
B. Paghina ng halaga ng salapi sa pamilihan
C. Pagdami ng perang nasa sirkulasyon
D. Pagluwas ng mga kalakal sa ibang bansa.
23. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pagbabago ng halaga ng salapi?
A. Pagbaba ng palitan ng peso sa dolyar
B. Pagdami ng panindang kinukonsumo
C. Pagpapatupad ng privatization at liberalization
D. Pagsasaayos sa presyo ng mga paninda ng pamahalaan
24. Sa Macroekonomiks ang savings ay tumutukoy sa?
A. Paraan ng pagpapaliban sa paggastos
B. Kitang hindi ginagamit sa pagkonsumo
C. Kitang hindi ginagastos sa pangangailangan
D. Lahat ng nabanggit
25. Sa panahon ng recession ang pamahalaan ay dapat na ______________ maliban sa.
A. Magbawas ng halaga na sinisingil na buwis
B. Bumili ng maraming kalakal at paglilingkod
C. Lumikha ng maraming empleo
D. Itaas ang sinisingil na buwis
26. Ano ang epekto ng mababang interes sa pagkonsumo ng mga tao?
A. Mahihikayat ang tao na umutang at tataas ang pagkonsumo.
B. Mahihikayat ang tao na mag impok sa bangko dahil sa malaking tubo.
C. Mahihikayat ang tao na mag angkat ng produkto sa ibang bansa.
D. Mahihikayat ang tao na magtipid para sa hinaharap.
27. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nararapat na gawin kung maliit lamang ang
baon na ibinigay ng magulang?
A. Bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan.
B. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon.
C. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga.
D. Bilhin ang nararapat na bilhin at humingi na lamang kapag kulang na ang salapi.
28. Upang masukat ang laki ng pagbabago sa presyo, ang mga sumusunod at ginagamit na panukat
maliban sa.
A. CPI C. GNP Deflator
B. PPI D. GNI
29. Ang implasyon ay isang suliraning pangekonomiya, subalit ang mga sumusunod ay nakikinabang
maliban sa
A. Mga negosyante/may ari ng kompanya
B. Mga umuutang
C. Mga negosyanteng may malakas ang loob na mamuhunan
D. Mga mamamayan na mataas ang sahod
30. Ang mga sumusunod ay mga dahilan at bunga ng implasyon maliban sa.
A. Tumataas ang presyo ng mga bilihin dahil sa pagtaas ng salaping nasa sirkulasyon
B. Tumataas ang presyo dahil sa kakulangan ng pumapasok na dolyar
C. Tumataas ang presyo dahil sa monopolista
D. Tumataas ang presyo dahil sa maraming umuutang.
31. Kung ang implasyon ay tumutukoy sa pataas na paggalaw ng presyo ang ___________ naman ay
pagbaba sahalaga ng presyo.
A. Resesyon C. Implasyon
B. Depresyon D. Deplasyon
32. Si Marcela ay umutang kay Juana ng Php. 200.00 na ipinambili niya ng isang kilong isda. Sa
kasalukuyan, kung 5% ang antas ng implasyon sa susunod na buwan, ano ang halaga ng isang
kilo ng isda?
A. Php 200.00 C. Php 210.00
B. Php 250.00 D. Php 195.00
33. Kung ang kabuuang kita ni George ay Php 34,000.00 at ang kanya namang kabuuang gastusin ay
Php 24,500.00, magkano ang maari niyang ilaan para sa pag iimpok?
A. Php 10,000.00 C. Php 9,500.00
B. Php 9,000.00 D. Php 11,000.00
34. Kung si Angie ay may Asset na ang halaga ay Php 380,000.00 subalit may utang siya sa Rural bank
na may kabuuang halaga na Php 180,000.00. Magkano ang net worth ni Angie?
A. Php 560,000.00 C. Php 180,000.00
B. Php 380,000.00 D. Php 200,000.00
35. Malaking porsyento ng pondo ng pamahalaan ay nagmumula sa buwis. Alin sa mga sumusunod na
buwis ang ipinapataw sa mga negosyante na nagbukas ng negosyo at gayundin sa iba pang
propresyon na inaatasang kumuha ng lisensiya?
A. Real State Tax
B. Business/Occupation Tax
C. Income Tax
D. Residence Tax
36. Ang isang pinanggagalingan ng kita ng pamahalaan ay ang buwis sa adwana. Alin sa sumusunod
ang tumutukoy dito?
A. Porsyentong buwis na binabayaran ng mga may-ari ng pabrika.
B. Binabayarang selyo sa iba’t-ibang dokumento.
C. Binabayarang porsyento ng halaga ng local na kalakal.
D. Halagang binabayaran kapag namili ng mga bagay na galing sa ibang bansa.
37. Aling pinagkukunang salapi ng pamahalaan ang sapilitang ipinapataw sa mga may hanapbuhay at
may mga negosyo?
A. Pangungutang
B. Kita sa buwis
C. Pagbebenta ng pag-aari ng pamahalaan
D. Kita mula sa pribadong tanggapan at negosyo
38. Ang mga proyektong pampubliko ay di-matutulungan kung walang sapat na pananalapi ang
pamahalaan. Sa mga pinagkukunan ng salapi ng pamahalaan, alin ang hindi kasama?
A. Buwis
B. Dayuhang pagkakautang
C. Pensyon ng mga retiradong kawani ng pamahalaan
D. Taripa mula sa inaangkat na Kalakal
39. Alin sa mga sumusunod na institusyon ang nilalagakan ng pondong pangseguridad o pang-retiro
ng mga kawani ng pamahalaang lamang?
A. Insurance
B. Social Security System
C. Government Service Insurance System
D. Philippine Deposit Insurance Corporation
40. Ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng perang nasa sirkulasyon ay mahalaga sa ekonomiya.
Napapanatili nito ang presyo ng mga bilihin at kapwa masaya ang mga konsyumer at ang mga
prodyuser. Anong institusyon o ahensya ng pamahalaan ang nangangasiwa sa suplay ng salapi sa
ekonomiya?
A. Bangko Sentral ng Pilipinas
B. Kawanihan ng Rentas Internas
C. Kagawaran ng Pananalapi
D. Tanggapan ng Pambansang Ingat-yaman
41. Ang isang taong nagtratrabaho ay dapat tumanggap ng kabayaraan sa serbisyong kanyang
ginagampanan. Paano ginagamit ang salapi dito?
A. Paraan ng Pakikipagpalitan ( Medium of Exchange)
B. Pamantayan ng halaga
C. Pamantayan ng ipinagpalibang bayad
D. Taguan ng halaga
42. Ang promissory note ay nagsisilbing instrument ng mamimili upang bayaran ang produkto/serbisyo
sa ipinakiusap na petsa. Samakatuwid ano ang gamit ng promissory note dito?
A. Halagang naipon sa bangko
B. Regalo sa isang okasyon
C. Kasangkapan sa pakikipagpalitan ng mga produkto at serbisyo
D. Pamantayan ng ipinagpalibang bayad
43. Makatuwiran na mas taasan ang mga buwis na ipinapataw sa sigarilyo at alak dahil sa ___________.
A. Mas mayaman ang mga consumer dito C. Kaligayahan na idinudulot nito
B. Masamang idinudulot sa kalusugan D. Mataas and presyo ng mga ito

44. Ang pagbabawas ng money supply ay ginagawa sa pamamagitan ng?


A. Inflation B. Tight money C. Expansionary Policy D. Easy money
45. Ang mga tao ay dumulog sa mga bahay-sanglaan sa kadahilanang?
A. Mababa ang interes ng pautang
B. Madali at mabilis ang paraan ng pag-utang
C. Pwedeng isanla ang mga gamit
D. Pwedeng umutang na maaring bayaran sa mahabang panahon
46. Sa panahon ngayon, ano ang mahalagang ginagawa ng mga institusyong pananalapi?
A. Nagpapautang
B. Tumutulong sa nangangailangan
C. Namamagitan sa mga nagpapautang at gumagamit ng salapi
D. May kapangyarihang maglipat ng pondo
47. Bilang isang empleyado, bakit mahalagang maghulog ka sa SSS?
A. Para makapag-ipon C. Para makatulong sa ibang tao
B. Para makautang D. Para makatanggap ng benepisyo
48. Expansionary : easy money policy ; Contractionary: ________________
A. money supply C. tight money policy
B. monetary policy handles D. foreign money policy
49. Sa kasalukuyan, ang malaking bahagi ng pondo ng pamahalaan ay nakadeposito sa bangkong ito
na gumagabay sa mga mangangalakal sa kanilang pangangailangan sa puhunan at tungkulin nito
na tustusan ng pondo ang programang pansakahan ng pamahalaan.
A. Development Bank of the Philippines C. Landbank of the Philippines
B. Bangkong Rural D. GSIS
50. Sa panahon ngayon may mga pinansyal na institusyon na nangangasiwa sa pagiimpok at
pamumuhunan, alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng pinansyal na institusyon?
A. Insurance Company
B. Pawnshop
C. Kooperatiba
D. Wala sa nabanggit

Inihanda nina:
MRS. JOVITA N. GONZALES
MRS. VALENTINA V. PONTALBA
MRS. ROWENA E. SOTELO
MRS. LOUREEN BETH T. OLARTE
MR. JUMAR JAY Q. PARRAS
Paksang-guro

Iwinasto ni:
DANILO T. SIBLAG
Head Teacher III
BENIGNO V. ALDANA NATIONAL HIGH SCHOOL
KEY ANSWER

1. B
2. D
3. B
4. A
5. D
6. A
7. B
8. A
9. A
10. A
11. D
12. A
13. C
14. A
15. B
16. A
17. A
18. C
19. A
20. C
21. D
22. B
23. A
24. D
25. D
26. A
27. D
28. D
29. D
30. D
31. D
32. C
33. C
34. D
35. B
36. D
37. B
38. C
39. C
40. A
41. A
42. C
43. B
44. B
45. B
46. A
47. D
48. C
49. C
50. D

You might also like