You are on page 1of 4

DIMATALING NATIONAL HIGH SCHOOL

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN -9

Pangalan: __________________________________Baitang at Seksyon:_________________Iskor:_______


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na mga tanong. Bilugan ang tamang sagot.
1.

Suriin ang dayagram na nagpapakita sa paikot na daloy ng ekonomiya . Ano ang inilalarawan nito?
A. Kalakalan sa loob at labas ng bansa C. Transaksiyon ng mga institusyong pinansyal
B. Kita at gastusin ng pamahalaan D. Ugnayan ng bawat sector ng ekonomiya
2. Ang sambahayan at bahay kalakal ay iisa. Alin sa mga sumusunod na modelo ng pambansang ekonomiya ito tumutukoy?
A. Ikaapat na modelo C. Ikatlong modelo
B. Ikalawang modelo D. Unang modelo
3. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng unang modelo ng pambansang ekonomiya?
A. Hindi umaasa ang sambahayan sa bahay-kalakal.
B. Inaasahan na ang halaga ng produksiyon ay siya ring halaga ng pagkonsumo ng produkto
C. Isinaalang-alang ng sambahayan at bahay-kalakal ang kanilang mga desisyon sa hinaharap.
D. Magkaiba ang sambahayan at bahay-kalakal.
4. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng ikalawang modelo ng pambansang ekonomiya ito tumutukoy?
A. Ang kita ng pambansang ekonomiya ay maitatakda ng kabuuang gastusin ng sambahayan at bahay-kalakal.
B. Ang sambahayan ang lumikha ng produkto ay siya ring konsyumer
C. Ang sambahayan ay may demand ngunit wala itong kakayahang lumikha ng produkto
D. Sumisingil ng buwis ang pamahalaan upang kumite
5. Ang sambahayan, bahay-kalakal, pamilihang pinansiyal, pamahalaan at panlabas na sector ay may mahahalagang
ginagampanan sa ekonomiya. Ang paikot na daloy ng produkto at serbisyo ay ginagamit upang maipakita ang:
A. Pamilihan ng mga hilaw na sangkap C. Pamilihan ng mga pribadong tao
B. Pamilihan ng mga piling mamimili D. Pamilihan ng mga tapos na produkto o commodity
A. Ang pambansang ekonomiya ay sarado sa ibang bansa
B. Ang pamahlaan ay hindi nakipag-ugnayan sa mga dayuhang ekonomiya
C. Bukas ang bansa sa kalakalang panlabas
D. Nakipagkalakalan ang pamahalaan sa mga piling lugar lamang
6. Bakit mahalaga ang papel ng pamahalaan sa paikot na daloy ng ekonomiya?
A. Ang pamahalaan ang nagpapatupad ng mga batas para sa ekonomiya
B. Ang pamahalaan ang nagsisilbing tagapag-bantay ng mga gawaing pang-ekonomiya
C. Ang pamahalaan ay may malaking bahagi sa regulasyon ng mga gawaing pang-ekonomiya na may kinalaman sa takbo
at daloy ng ekonomiya
D. Ang pamahalaan ay nagsisilbing isa sa mga daluyan ng salapi sa ekonomiya sa pamamagitan ng pangongolekta ng
buwis na naibabalik sa daloy sa pamamagitan ng paggastos nito.
7. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakamahalagang pinagagamitan ng pera?
A. Ginagamit sa pagpapalago ng negosyo
B. Ginagamit upang maubos at kumita pa ng mas maraming pera
C. Ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakailangan upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan.
D. Ginagamit upang matupad ang mga pangarap sa buhay
8. Ang sumusunod ay mga dahilan sa matalinong pag-iisip at pagdedesisyon. Alin dito ang mas angkop?
A. mapakinabangan nang husto at walang nasasayang C. matupad lahat ang mga pinapangarap at inaasam sa buhay
B. mabili lahat ang pangangailangan at kagustuhan buhay D. maging masaya at makuntento sa araw araw na buhay
9. Halimbawang ikaw ay may ipon na limamg libong peso (5,000.00) sa bangko, ano ang pinakamainam mong gawin upang
lumago ito?
A. Ilagay sa mga investment programs ng bangko
B. Manatiling savings account ng bangko upang hindi magastos or mawala ang ipon
C. Gawing puhunan sa uumpisahang negosyo
D. Ipapautang ito upang kumita ng interes
10. Bilang isang mamimili, papaano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon?
A. Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan
B. Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan
C. Bumili lamang sa supermarket upang matiyak ang presyo
D. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan.
11. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng implasyon na kung saan nagkakaroon ng paglaki sa paggasta ang sambahayan,
bahay-kalakal, pamahalaan at panlabas na sector ngunit ang pagtaas na aggregate demand ay hindi katumbas ng paglaki
ng kabuuang produksiyon?
A. Cost-push B. Demand-pull C. Hyperinflation D. Implasyon
12. Alin sa mga sumusunod ang average price index na ginagamit para mapababa ang halaga ng kasalukuyang GNP at
masukat ang totoong GNP?
A. Consumer Price Index C. Price Index
B. GNP Implicit Price Index or GNP Deflator D. Wholesale or Producer Price Index
13. Kailan makikita na positibo ang economic performance ng bansa?
A. Kapag malaking bilang ng lakas paggawa ay walang trabaho
B. Kapag gumagamit ng bagong teknolohiya ang bahay-kalakal.
C. Kapag may pag-angat sa Gross Domestic Product ng bansa
D. Kapag lumaki ang utang panlabas ng bansa
14. Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa ayon sa pagsusuri sa economic performace nito, dapat bang
gumawa ng hakbang ang pamahalaan upang mapataas ito?
A. Oo, dahil magiging kahiyahiya ang bansa sa buong sa daigdig
B. Hindi, dahil ang bansa naman ang haharap sa naturang suliranin
C. Hindi, dahil ang ekonomiya ng bansa ay walang kaugnayan sa ekonomiyang pandaigdigan.
D. Oo, dahil repleksyon ito ng hindi mahusay na pamamalakad ng ekonomiya
15. Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nararapat gawin kung maliit lamang ang baon na ibinigay ng iyong
magulang?
A. Bilhin ang nararapat bilhin at humingi lamang kapag kulang na ang salapi.
B. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga
C. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
D. Bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan.
16. Si Rowena ay isang punong-guro sa pampublikong paaralan. Bilang isang mabuting mamamayan anong buwis ang
babayaran niya?
A. Sales Tax B. Excise Tax C. Withholding Tax D. Value-Added Tax
17. Alin sa mga nabanggit ang hindi kabilang sa pinagkukunang pinansyal?
A. Capital Outlays B. Current Orerating Expenditures C. Expenditures Program D. Net Lending
18. Alin sa mga nabanggit ang nakapagpapasigla sa matamlay na ekonomiya?
A. Maraming maiuuwing kita ng mga nagtatrabaho
B. Mataas na paggastos ng pamahalaan
C. Pagpapababa ng buwis na ipinapataw sa mga mamamayan
D. Pagtaas sa pangkalahatang demand sa pamilihan
19. Upang mapangasiwaan ang paggamit ng pondo bilang pangangalaga sa ekonomiya ng bansa, Ilang paraan ang
ginagamit ng pamahalaan sa ilalim ng patakarang piskal?
A. 2 B. 3 C. 4 D. 5
20. Ang buwis ang pinakamalaking pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan. Kung walang pagbubuwis mahihirapan ang
pamahalaan na ipatupad ang layunin. Alin sa mga layuning nabanggit ang hindi kabilang nito?
A. distribusyon ng kita C. pagsusulong ng pag-unlad ng ekonomiya
B. pagpapatatag ng ekonomiya D. makalikom ng malaking pondo
21. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa paggamit ng pamahalaan sa pagbubuwis at paggasta upang mabago ang
galaw ng ekonomiya?
A. Great Depression B. Full Employment C. Interbensyon ng pamahalaan D. Patakarang Pisikal
22. Kapag ang layunin ng pamahalaan ay mahikayat ang mga negosyante na palakihin pa o magbukas ng bagong negosyo,
anong patakaran ang ipinatutupad?
A. Contractionary Money Policy B. Expansionary Money Policy C. Fiscal Policy D. Money Policy
23. Ang krisis ng pandemyang COVID-19 ay hindi lamang krisis sa kalusugan ang naidulot kundi krisis din sa ekonomiya ng
ating bansa, maraming nagsarang mga negosyo at marami ring nawalan ng trabaho lalo na ang mga nagsiuwiang OFW.
Anong patakarang pananalapi ang nararapat na ipinatupad?
A. Contractionary Money Policy B. Expansionary Money Policy C. Fiscal Policy D. Money Policy
24. Kung ang ipinatutupad na patakaran ng Bangko Sentral ay Expansionary Money Policy, ang maaring mangyari ay ang
__________.
A. Pagbabawas sa sahod ng mga manggagawa upang ang bumababa ang paggasta.
B. Pagpapahina sa paggawa at pagpapalawak sa supply ng salapi o pera.
C. Pagpapalawak sa suplay ng pera nang mas mabilis kaysa karaniwan.
D. Pagpapataas sa iba’t ibang mga interest rate sa pagpapautang.
25. Ano ang maaring hakbang ng Bangko Sental kung kasalukuyang ipinatutupad ang Contractionary Money Policy?
A. Pagbibigay ng oportunidad sa mga taong unemployed upang makahanap ng trabaho
B. Pagpapalawak sa suplay ng pera nang mas mabilis kaysa karaniwan
C. Pagpapataas sa iba’t ibang mga interest rate sa pagpapautang
D. Pagpapataas sa presyo ng mga bilihin
26. Paano ginagamit ang salapi bilang unit of account?
A. Sa pamamagitan ng paggamit ng salapi bilang instrument na tanggap ng nagbibili at mamimili bilang kapalit ng
produkto o serbisyo.
B. Sa pamamagitan ng paggamit sa salapi bilang panukat sa presyo ng isang produkto
C. Sa pamamagitan ng paggasta nito upang hindi maabutan ng pagtataas ng presyo.
D. Sa pamamagitan ng pagtatabi nito upang magamit sa ibang pagkakataon dahil ang halaga nito ay hindi nagbabago
maliban sa epekto ng implasyon
27. Ang dinepositong Php 100,000.00 ni Corazon sa bangko ay nagpapakita ng paglabas ng salapi sa paikot na daloy ng
ekonomiya. Ano ang nararapat gawin upang pumasok muli ang salapi sa paikot na daloy?
A. Ibaba ang interes mula 10% patungong 5% upang madagdagan ang paggastos ng tao
B. Ipautang ng bangko ang dineposito upang magamit na panibagong kapital na negosyo.
C. Magbigay ng insensitibo sa mga depositor upang lumaki ang reserba ng mga bangko
D. Magpataw ng mataas na interes upang makahikayat ng pag-iimpok.
28. Alin sa mga sumusunod na indikasyon na malusog ang ekonomiya ng ibang bansa, at ito ay naghihikayat ng maraming
mamumuhunan sa bansa?
A. Pananalapi B. Pamumuhunan C. Pag-iimpok D. Paggasta
29. Alin sa mga sumusunod ang isang mahalagang salik sa paikot na daloy ng ekonomiya na kung saan bumabalik ditto ang
pera/salapi sa bangko.
A. Pananalapi B. Pamumuhunan C. Pag-iimpok D. Paggasta
30. Si Anna ay isang guro sa pampublikong paaralan, at isa sa mga daan-daang Pilipino na naapektuhan ng bagyong Rolly.
Nasira ang kanilang bahay at kasalukuyang nasa evacuation center. Naisipan niyang umutang ng bahay para may matirhan.
Alin sa mga sumusunod na ahensiya ang dapat na puntahan ni Anna upang makakuha ng housing loan?
A. Government Service Insurance System C. Pag-IBIG Fund
B. Kooperatiba D. Social Security System

You might also like