You are on page 1of 26

9

Araling Panlipunan
Unang Markahan–Modyul 3:
Konsepto at Salik ng Produksyon
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Konsepto at Salik ng Produksyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Arnel O. Rivera


Editor: Name
Tagasuri: Name
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Name of Regional Director
Name of CLMD Chief
Name of Regional EPS In Charge of LRMS
Name of Regional ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) (Sample)

Office Address: ____________________________________________


____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
9
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3:

Konsepto at Salik ng Produksyon


Paunang Salita
Para sa mga guro:

Ang ekonomiks ay mahalagang bahagi ng buhay ng isang mag-aaral. Ang


aplikasyon nito sa tunay na buhay ay makakatulong sa mag-aaral upang
magtagumpay sa makabagong daigdig. Layunin ng serye ng mga modyul na ito na
ipaunawa sa magaaral ang katuturan ng ekonomiks sa kanyang pang-araw-araw
na pamumuhay.

Sinikap ng may-akda na gawing simple ang pagtalakay lalo na sa mga aspektong


teknikal upang higit itong maunawaan ng mag-aaral. Ang ilan sa mga salitang
teknikal ay sadyang hindi isinalin sa Filipino upang mapanatili ang tunay na
kahulugan at maiwasan ang pagkalito ng mga mag-aaral sa kanilang pagtuntong sa
kolehiyo at Senior High School kung saan ang ekonomiks ay itinuturo sa wikang
Ingles.
Para sa Mag-aaral:

Kamusta mga bata


? Mabuhay!

Ako si ...at ako naman


EKO…. si MIYA!

Kami ang makakasama mo sa pag


-aaral ng mga aralin
tungkol sa EKONOMIKS.
Pinagkunan: http://www.neda.gov.ph/wp-content/uploads/2019/10/Eko-Miya-Series.png

Narito ang mga dapat tandaan sa paggamit ng modyul:


• Maging maingat sa paggamit ng modyul.
• Basahin at unawain ang mga direksyon sa bawat pagsubok.
• Maging tapat sa pagsagot at pagwawasto ng mga pagsubok.
• Huwag sulatan ang anumang bahagi ng modyul na ito.
• Tapusin ang naunang aralin bago tumuloy sa susunod na
aralin.

2
Alamin

Aralin3 – Konsepto at Salik ng Produksy


on
Sa pagtatapos ng aralin na ito, inaasahang
matutunan mo ang mahahalagang ideya tungkol sa
produksyon, gaano kahalaga ang produksyon at mga
salik nito sa pang
-araw-araw na pamumuhay.

Pinagkunan:
https://giphy.com/gifs/nerd
-miya-eko-and-igyg
HaGwIpguodh
h2v

Sa araling ito, inaasahang matututuhan ang mga sumusunod:

• Natatalakay ang mga salik ng produksyon at ang implikasyon


nito sa pang- araw- araw na pamumuhay

Tiyak na Layunin:

• Naipaliliwanag ang kahulugan ng produksyon.


• Natatalakay ang papel na ginagampanan ng salik ng produksyon sa
paglikha ng kalakal.

• Natutukoy ang mga iba’t ibang antas ng produksyon.


• Natutukoy ang mga prinsipyo at pamamaraan
ng matalinong pagdedesisyon sa produksyon.
Subukin =Panimulang Pagtataya=

Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto at MALI naman kung hindi
wasto.

1. Maaring mabuo ang isang produkto kung kulang ang salik ng


produksyon.

2. Ang produkto ay nagsisilbing INPUT ng produksyon.

3. Nagiging batayan ng presyo ng kalakal ang halaga ng produksyon.

3
4. Ang produksyon ng kahit na anong kalakal ay dumadaan sa sa iba’t
ibang antas produksyon.

5. Tanda ng paglago ng ekonomiya ang pagtaas ng antas ng produksyon.


Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap. Piliin ang sagot mula sa
kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot.

A. ENTREPRENYUR
B. HALAGA NG PRODUKSYON
C. KAPITAL
D. PRODUKSYON
E. SALIK NG PRODUKSYON

6. Paglikha ng kalakal o serbisyo na tumutugon sa mga pangangailangan at


kagustuhan ng tao.

7. Tumutukoy sa mga sangkap sa paggawa ng isang kalakal.

8. Mga bagay na gawa ng tao na ginagamit sa paglikha ng mga kalakal at


paglilingkod.

9. Tumutukoy sa mga taong namamahala sa ibang salik ng produksyon


upang makalikha ng kalakal o serbisyo.

10.Tumutukoy sa halagang ginagastos upang makalikha ng kalakal.

Bago tumuloy sa sususnod na gawain,


i-
CHECKang iyong sagot gamit ang gabay sa
pagwawasto na makikita sa huling bahagi ng
modyul. Salamat sa iyong at
PAGTITIYAGA
KATAPATAN
.

Aralin
Konsepto at Salik ng
3 Produksyon
 Hindi lahat ng bagay sa kapaligiran ay maaring makatugon sa mga
pangangailangan at kagustuhan ng tao. Minsan kailangan pang idaan sa
proseso upang maging higit na mapakinabangan. Sa ekonomiks, ang
mga pinagkukunang-yaman ay mananatiling walang halaga kung hindi

4
mapapakinabangan. Ang gamit ng isang bagay ang nagtatakda ng
kapakinabangan nito.

Balikan
Sagutin ang CROSSWORD PUZZLE tungkol sa mga konseptong
tinalakay natin sa mga nakaraang aralin.

PAHALANG
2. Ito ay nakabatay sa tradisyon, kultura
at paniniwala ng lipunan.
______________ ECONOMY
3. Ang produksyon ng mga kalakal at
serbisyo ay nagaganap sa malayang
pamilihan. _____________ ECONOMY
6. Ang halagang inilalaan upang tugunan
ang isang pangangailangan o
kagustuhan.
PABABA
1. Pagtatakda ng dami ng pinagkukunang
yaman (halaga) para matugunan ang
mga pangangailangan at kagustuhan
ng tao.
4. Ang ekonomiya ay nasa kontrol at
regulasyon ng pamahalaan.
______________ ECONOMY
5. Hinahayaan ang malayang pagkilos ng
pamilihan subalit maaring
manghimasok ang pamahalaan sa
presyo at kaligtasan ng mamimili.
______________ ECONOMY

5
Mga Tala para sa Guro
Pangunahing Paksa:

• Konsepto at Salik ng Produksyon


MahahalagangTerminolohiya:
• PRODUKSYON
• SALIK NG PRODUKSYON
• ANTAS NG PRODUKSYON
• HALAGA NG PRODUKSYON
• LUPA
• MANGGAGAWA
• KAPITAL
• ENTREPRENYUR
Pangunahing Tanong:

• Ano ang produksyon at m ga salik nito?


• Ano ang iba’t ibang antas ng produksyon?
• Anu-ano ang mga batayan sapagkuha ng halaga ng
produksyon?
3
Tuklasin

Tukuyin kung anu-ano ang mga ginamit na sangkap sa paggawa


ng mga sumusunod na kalakal.

PRODUKTO (Output) SANGKAP (Input)

Pamprosesong Tanong:

• Maaari kayang mabuo ang mga produkto kung kulang ang mga
sangkap nito? Paano ito makakaepekto sa kalidad ng produkto?
• Maliban sa mga sangkap, mayroon pa bang kailangan upang mabuo
ang mga nabanggit na mga produkto?

3
Suriin

Ano ang PRODUKSYON?


 Paglikha ng kalakal o serbisyo na
tumutugon sa mga pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
 Proseso kung saan pinagsasama ang
mga salik ng produksyon (input) upang
mabuo ang isang produkto (output).

Pinagkunan: https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/aralin-6-produksyon-97962193

Pinagkunan: https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/aralin-6-produksyon-97962193

Salik ng Produksyon (LMKE)


 Tumutukoy sa mga sangkap sa paggawa ng isang kalakal. Hindi mabubuo
ang isang kalakal kung wala ang kahit isa sa mga ito.

Pinagkunan: https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/aralin-6-produksyon-97962193

4
SALIK NG PRODUKSYON (Factors of Production)
1. Lupa (Likas Yaman)
• Lahat ng bagay na may pakinabang sa tao na mula sa kalikasan.
• Pinakagamit sa lahat ng uri ng pinagkukunang-yaman.
2. Manggagawa (Lakas Paggawa)
• Tumutukoy sa mga taong nag-uukol ng lakas na pisikal at mental sa
paglikha ng mga kalakal o paglilingkod
• Sila ang gumagamit at nagpapaunlad ng pinagkukunang yaman
upang magkaroon ng kapakinabangan.
Mga Uri ng Lakas-Paggawa
a. White-Collar Job - mga manggagawang may kakayahang
mental. Mas ginagamit ang kakayahang mental kaysa sa lakas
ng katawan sa paggawa. Halimbawa nito ay ang mga doktor,
abogado, inhinyero, at iba pa.
b. Blue-Collar Job - mga manggagawang may kakayahang
pisikal. Mas ginagamit nila ang lakas ng katawan kaysa sa isip
sa paggawa. Halimbawa nito ang mga karpintero, drayber,
magsasaka, at iba pa.
3. Kapital
• Mga bagay na gawa ng tao na ginagamit sa paglikha ng mga kalakal
at paglilingkod.
• Tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto.
Uri ng Kapital ayon sa Pagpapalit Anyo
a. Circulating Capital – kapital na mabilis magpalit-anyo at
mabilis maubos (hal. langis, kuryente, asukal).
b. Fixed Capital – kapital na hindi mabilis magpalit ng anyo at
matagal ang gamit (hal. gusali, makinarya, sasakyan).
4. Entrepreneur
• Tumutukoy sa mga taong namamahala sa ibang salik ng produksyon
(lupa,paggawa at kapital) upang makalikha ng kalakal o serbisyo.
• Tinatawag din sila bilang mga negosyante.
Katangian ng Matagumpay na Entrepreneur:
a. Kakayahan sa pangangasiwa ng negosyo.
b. Matalas na pakiramdam hinggil sa pagbabago sa pamilihan.
c. May lakas ng loob na humarap at makipagsapalaran sa
kahihinatnan ng negosyo.

Para mas lalo


mong maintindihan ang tungkol sa
Salik ng Produksyon,
panuorin ang video sa
Youtubegamit ang link na
https://www.youtube.com/watch?v=rhYp1B8IxO
c

Pinagkunan:
https://www.dreamstime.com/illustration/youtube
-frame.html

5
ANTAS NG PRODUKSYON (Stages of Production)
 Ang produksyon ng kahit na anong kalakal ay dumadaan sa sa iba’t ibang
antas:
▪ Primary stage – pagkalap ng mga hilaw na sangkap (raw materials)
▪ Secondary Stage – pagproproseso ng hilaw na sangkap (refining
process)
▪ Finishing Stage – pagsasa-ayos ng mga tapos na produkto
(packaging, labeling and distribution) para mapakinabangan ng tao.

Pinagkunan: https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/aralin-6-produksyon-97962193

Para mas lalo mo pang maintindihan ang iba’t ibang antas ng produksyon,
panuorin natin ang video
Youtube
sa gamit ang link na
https://www.youtube.com/watch?v=yfM75D0cik
g

Pinagkunan: https://www.dreamstime.com/youtube-logo-monitor-screen-social-media-
networkingamerican-video-sharing-website-flat-icon-design-isolated-over-white-image

6
HALAGA NG PRODUKSYON (Cost of Production)
 Tumutukoy sa halagang ginagastos upang makalikha ng kalakal.
 Ang halaga ng produksyon ang nagiging batayan sa pagtatakda ng presyo ng
isang kalakal.
 Bawat Salik ng Produksyon ay may katumbas na Halaga ng Produksyon.

LUPA MANGGAGAWA KAPITAL ENTREPENYUR

Suriin ang larawan sa


kaliwa.

• Bakit kaya magkakaiba ang


presyo ng bigas sa larawan?
• Ano kaya ang naging batayan
bakit may mga bigas na mas
mahal kung ihahambing sa
iba?

Pinagkunan: https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/aralin-6-produksyon-97962193

Uri ng Halaga ng Produksyon


 Fixed Cost (FC) – mga gastusin na hindi nagbabago kahit mataas o walang
produksyon (hal. fire insurance, interest ng utang, upa sa gusali).
 Variable Cost (VC) – mga gastusin na nagbabago habang tumataas ang
produksyon (hal. kuryente, office supplies, pasahod sa mga manggagawa).
 Total Cost (TC) – kabuuang gastusin ng produksyon. Ito ang nagiging
batayan ng presyo ng kalakal

Formula: TC=FC+VC

Marginal Cost (MC)


 Ito ay tumutukoy sa karagdagang gastos-pamproduksyon sa paglikha ng
dagdag na yunit ng produkto o serbisyo.

7
Kung saan:
TC1 = lumang Total Cost
TC2 = bagong Total Cost
Q1 = lumang Quantity (Dami)
Q2 = bagong Quantity (Dami)

Gamit ang table sa ibaba, pag-aralan kung paano na kukumpyut ang Value
ng Marginal Cost (MC)

Q1 = TC1 =

Q2 = TC2 =

Paano nakuha ang Marginal Cost (MC) na 80?


Gamit ang formula na:

𝑻𝑪𝟐−𝑻𝑪𝟏
𝑴𝑪=
𝑸𝟐−𝑸𝟏

𝟏𝟑𝟎−𝟓𝟎

8
𝑴𝑪=
𝟏−𝟎

𝟖𝟎
𝑴𝑪=
𝟏

𝑴𝑪=𝟖𝟎

Gamit ang table sa ibaba, pag-aralan kung paano na kukumpyut ang Value
ng Marginal Cost (MC)

Q1 = TC1 =

Q2 = TC2 =

Paano nakuha ang Marginal Cost (MC) na 30?

Gamit ang formula na:

𝑻𝑪𝟐−𝑻𝑪𝟏
𝑴𝑪=
𝑸𝟐−𝑸𝟏

9
𝟏𝟔𝟎−𝟏𝟑𝟎
𝑴𝑪=
𝟐−𝟏

𝟑𝟎
𝑴𝑪=
𝟏

𝑴𝑪=𝟑𝟎

Pagyamanin

Kompyutin ang nawawalang datos.

10
Isaisip

• Angproduksyon ay ang paglikha ng mga


kalakalgamit ang pinagsama
-samang salik nito.
• Ang produksyon ay
isangirreversiblena
proseso.
• Ang mataas na halaga ng produksyon ay
magbubunga ng mataas na presyo ng kalakal.
• Tanda ng paglago ng ekonomiya ang pagtaas ng
antas ng produksyon.

PAGNILAYAN

• Sa iyong palagay anong produkto ang


dapat na maging priyoridad ng
produksyon ng ating ekonomiya?
Ipaliwanag kung bakit.

Isagawa
Gumawa ng synthesis ng mga natutunan mong impormasyon tungkol sa
produksyon gamit ang graphic organizer sa ibaba.

Tayahin
=Pangwakas
Salik
Para mas ng
lalo mong na Pagtataya=
Produksyon
maintindihan ating
tungkol sa Produksyon sa ekonomiks
ang aralin
, panuorin
ang video saYoutubegamit ang link na
MARAMIHANG PAGPILI. Isulat ang TITIK ng tamang sagot sa0sagutang papel.
https://www.youtube.com/watch?v=OLx5Z5U_zT
11
Pinagkunan:
https://www.dreamstime.com/illustration/youtub
e-frame.html
PRODUKSYON
1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa konsepto ng “LUPA” sa salik
ng produksyon?

A. Puno B. Makina C. Mineral D. Tubig

Halaga ng
2. Kung ang bayad sa manggagawa ay sahod, ano naman ang bayad sa lupa?
Antas ng
Produksyon
A. Interes B. Upa C. Kita Produksyon
D. Tubo

3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa kapital?

A. Manggagawa C. Gusali

B. Makina D. Kompyuter

4. Alin sa mga salik ang gumagamit sa mga gawaing pisikal at mental sa


produksyon?

A. Lupa C. Kapital B. Manggagawa D. Entreprenyur

5. Ito ang bunga ng pagsasama ng salik ng produksyon?

A. Output C. Input

B. Function D. Return of Investment

Para sa bilang 6-10, basahin ang mga sanaysay sa mga kahon upang
masagot ang mga sumusunod na tanong:

Si Mang Francisco ay kilala bilang may-ari ng pagawaan ng kape sa Amadeo,


Cavite. Ito ay dinarayo ng mga tao mula sa ibang lugar. Sa paglago ng negosyo, naisip
niya na magtayo ng isang coffee shop. Nagsimulang mamili si Mang Francisco

ng mga kagamitan tulad ng silya, mesa at iba pang uri ng muwebles mula sa Trece
Martirez upang masigurong maganda ang kalalabasan ng bagong negosyo.

6. Sinasabi na upang masigurong maganda ang coffee shop ay napiling bumili


ni Mang Francisco ng mga produkto sa Trece Martirez City. Ano ang tawag
sa mga produktong dumaan sa paggawa ng produkto tulad ng silya, mesa
at mga muwebles?

A. Input B. Output C. Process D. Surplus

7. Ano ang maaring maging epekto sa produksiyon ng mga muwebles kung


sakaling magkaroon ng kalamidad sa Cavite?

A. Tataas ang antas ng produksiyon

B. Bababa ang kita ng produksyon

C. Tataas ang kita ng mga mamumuhunan


12
D. Bababa ang antas ng pag-angkat sa produkto

8. Kung patuloy na tututukan ang pagpapalago ng negosyo ng coffee shop, ano


ang mangyayari sa produksyon ng negosyong kapehan ni Mang Francisco?

A. Mababawasan ang bilang ng mga negosyante

B. Bababa ang lokal na kita

C. Unti-unting aalis ang mga negosyante sa Cavite

D. Patuloy na aangat ang produksyon ng kape

Ang Cavite ay kabilang sa mga maunlad na lalawigan sa Pilipinas. Karaniwan


nang nasasaksihan dito ang konstruksiyon ng mga kalsada, kanal, tulay at iba pa.
Patuloy na tumataas ang produksiyon dala ng dumaraming pabrika, nagkakaroon ng

mabilis na paggawa dahil sa mga bagong makinarya at mga kasangkapang


ginagamit sa paglikha ng mga produkto. Nakasisiyang isipin na malayo-layo na rin
ang nararating at progreso ng lalawigan, lalo na ang naitutulong nito sa
manggagawang

Caviteño.

9. Batay sa teksto, anong salik ng produksyon ang maiuugnay dito?

A. Lupa C. Paggawa

B. Kapital D. Enterprenyur

10.Sa patuloy na konstruksyon ng iba’t-ibang istruktura at pagkakaroon ng


mga makabagong makinarya sa paggawa, ano ang maaaring epekto nito sa
mga manggagawa?

A. Mabilis na paggawa at pag-unlad ng mga manggagawa

B. Mababang kita ng mga tao sa lalawigan

C. Mabagal na pagpapatayo ng mga konstruksiyon at pabrika

D. Mababawasan ang bilang ng mga manggagawa

Bago tumuloy sa sususnod na gawain,


i-
CHECKang iyong sagot gamit ang gabay sa
pagwawasto na makikita sa huling
bahagi ng
modyul. Salamat sa iyong
PAGTITIYAGAat
.
KATAPATAN

13
Karagdagang Gawain

NEWS ANALYSIS. Basahin ang balita at sagutan ang mga tanong.

Hataw sa rice production, pararangalan


Posted by Online Balita on Mar 15th, 2013
CABANATUAN CITY – Nakatakdang gawaran ng Department of Agriculture (DA)
ng “Agri-Pinoy Rice Achievers Award” ang mga lalawigan, bayan, at indibidwal na
malaki ang ambag sa pagtamo ng hangarin ng pamahalaan na staple
selfsufficiency. Sinabi ni DA Regional Executive Director Andrew Villacorta na
kabilang ang Nueva Ecija at Bulacan sa sampung top performing provinces sa
buong bansa.
Sila ay makakakuha ng tig-aapat na milyong pisong halaga ng mga
proyekto. Kasama naman sa 48 na nagwagi sa municipal category at
makakatanggap ng tig-isang milyong pisong halaga ng mga proyekto ang
Talavera, Guimba, General Tinio, Llanera, Sta. Rosa, Sto. Domingo, Cuyapo at
Lupao sa Nueva Ecija at maging ang San Rafael sa Bulacan. May kabuuang 87
technicians at opisyal naman sa Gitnang Luzon ang itinanghal na Outstanding
Agricultural Extension Workers (AEW) na maguuwi ng tig-Php20,0000 halaga ng
insentibo. May 350 iba pang AEWs, 10 irrigators’ associations at tatlong small
water impounding system associations sa buong kapuluan ang pagkakalooban
din ng naturang pagkilala sa isang seremonya ngayong araw sa Philippine
International Convention Center.
Nakapagtala ang Gitnang Luzon ng 138 porsyentong rice sufficiency level
noong nakaraang taon kahit pa sinalanta ito ng matinding pag-ulan dulot ng
habagat.
Sinabi ni Villacorta na umabot sa 3,220,607 metriko toneladang palay
mula sa 675,781 ektarya ang naani, na ang average yield ay 4.77 metriko
tonelada kada ektarya. Ang produksiyon noong 2012 ay 23 porsyentong mas
mataas kompara sa 2,616,083 metriko toneladang naitala noong 2011 at ito ay
nakaambag sa 18 porsyento ng pambansang produksyon alinsunod sa “Food
Staple Self-Sufficiency Program.“
Ayon sa Regional Agriculture Chief, ang pagsasanib ng mga programa at
proyekto patungkol sa climate change adaptation ng mga tanggapan ng
Pambansa at lokal na pamahalaan ang dahilan ng agarang pagkabawi mula sa
sakuna at paglago ng produksyon. – Light A. Nolasco

Pinagkunan: http://www.balita.net.ph/2013/03/15/hataw-sa-rice-production-pararangalan/ cited


in https://www.academia.edu/27866237/FOR_DOWNLOAD

Pamprosesong Tanong:

1. Aling mga pangunahing lalawigan at bayan ang nakatanggap ng


parangal na Agri-Pinoy Rice Achievers Award?
2. Paano natamo ng mga bayan at lalawigang ito ang mataas na antas
ng produksiyon sa bigas? Paano kaya makatutulong ang mga salik ng
produksiyon sa pagtaas ng produksiyon ng pagkain sa bansa?
14
3. Ano ang layunin ng “Food Staple Self-Sufficiency Program” ng
pamahalaan?
4. Paano nakatutulong sa atin ang pagkakaroon ng mataas na antas ng
produksiyon ng bigas?

15
Susi sa Pagwawasto

Unang Markahan – Modyul 3:


Konsepto at Salik ng Produksyon

Pagyamanin:

Subukin:
1. MALI
2. MALI 16
3. TAMA
4. TAMA
5. TAMA
7. E
8. C
9. A 200 40
10. B 260 60

340 80

Tayahin:
1. B
2. B
3. A
4. B
5. A
6. B
7. B
8. D
9. C
10. A

Balikan:

Sanggunian
• Activity Sheets Secondary Quarter 1, Vibal Publishing (2020) retrieved from
https://www.vibalgroup.com/learnathome/wpcontent/uploads/2020/05/A
ctivity_Sheets_Secondary_Tabbed.pdf

• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks)


Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House

• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI

17
• Eko and Miya characters used with permission from the National Economic
Development Authority (NEDA) retrieved from
http://2040.neda.gov.ph/ekoand-miya-series

• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral Unang


Edisyon 2015

• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon


(2012), VPHI

• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu,


VPHI

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – (Bureau/Office)

(Office Address)

Telefax:

Email Address:

You might also like