You are on page 1of 52

NG DEE-MHAND

NG DEMAND
ANG BATAS NG DEMAND
DEMAND?
DEMAND
 Ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na
gusto at kayang bilihin ng mamimili sa iba’t ibang
presyo sa isang takdang panahon.
SA PIGPILI O PAGBILI NG PRODUKTO, ANO
NGA BA ANG ISINAALANG-ALANG MO?
LAYUNIN SA PAG TATAPOS NG
ARALIN
• MATALAKAY ANG KONSEPTO NG
MAYKROEKONOMIKS AT KONSEPTO NG DEMAND
• MABIGYAN NG PAGPAPAHALAGA ANG MATALINONG
PAMIMILI
• MAKAPAGTUOS NG DEMAND FUNCTION, DEMAND
SCHEDULE, AT ELASTISIDAD NG DEMAND.
KONSEPTO NG DEMAND
Ang pagkonsumo ay mayroong kaugnayan sa kosepto ng
demand. Ngunit kakaiba sa pagkonsumo, ang demand ay isang
konsepto ng pagkakagusto.
Sa pagkonsumo, hindi kailangan na magustuhan ng mamimili
ang produkto.
Maaaring nagtulak lamang sa pagkonsumo ay ang
pangangailangan para sa isang produkto.
MAYROONG ILANG LIMITASYON ANG
PAGKAKAROON NG DEMAND NG MGA TAO

1. Upang masabing mayroong demand sa isang produkto, dapat


handa ang mga mamimili na magbabayad para rito.
2. Dahil limitado ang salapi ng mga mamimili, ang demand ay
nagiging isang pagpili.
3. Ang demand ay maaaring hypothetical lamang at hindi aktuwal na
pangyayari.
BATAS NG DEMAND
Ang konsepto ng demand ay nakaangkla sa natural na kaisipan ng tao na nagnanais ng
mga produkto na mayroong mababang presyo.
Dahil ang demand ay ay nakatutok sa kaisipan ng mga konsyumer, pinapaburan nito ang
mababang presyo sa madaming produkto.
 “kapag tumataas ang presyo ng isang produkto, bumababa ang demand para rito.
Samantala, kapag bumaba naman ang presyo ng isang produkto, tumataas ang demand
para rito”. Samakatuwid, magkasalungat ang relasyon ng demand at presyo. Ipnapahayag
ito ng batas ng demand.
Laging magkaugnay ang konsepto ng ceteris paribus, o sa Ingles “ all
other things being unchanged or constant” sa kahulugan ng demand.
Ipinagpalagay ng ceteris paribus na hindi nagbabago ang anumang
salik ng demand.
Tulad sa pagpapakahulugan sa demand, ang ceteris paribus ay isa
ring hypothetical na sitwasyon dahil imposibleng hindi magbago ang
mga salik ng demand.
TATLONG PAMAMARAAN SA PAGPAPAKITA NG
KONSEPTO NG DEMAND

Demand schedule
Demand curve
Demand function
DEMAND SCHEDULE
 ay isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya
at gustong bilihin ng mga mamimili sa iba’t
ibang presyo.
DEMAND SCHEDULE PARA SA KENDI
DEMAND CURVE
Ito ay isang grapikong paglalarawan ng
ugnayan ng presyo at quantity demanded.
DEMAND CURVE PARA SA KENDI
DEMAND FUNCTION
Ay ang matematikong pagpapaikita sa ugnayan ng
presyo at quantity demanded.

Maaari itong ipakita sa equation sa ibaba:

Qd= f(P)
Qd= f(P)
Ang Qd o quantity demanded ang tumatayong depedent variable,
at ang presyo (P) naman ang independent variable.
Ibig sabihin, nakabatay ang Qd sa pagbabago ng presyo.
Ang presyo ang nakapagpapabago sa dami ng handa at kayang
bilihin ng mga mamimili.
Isa pang paraan ng pagpapakita ng demand function ay sa equation na:

Qd= a – bP
kung saan:
Qd= quantiy demanded
P= presyo
a= intercept ( ang bilang ng Qd kung ang presyo ay 0)
b= slope = Qd
P
DEMAND FUNCTION MULA SA DEMAND
SCHEDULE PARA SA KENDI

Qd = 60 – 10P
1. P= 1 Qd = ?
2. P= 5 Qd = ?
DEMAND FUNCTION MULA SA DEMAND
SCHEDULE PARA SA KENDI

Qd = 60 – 10P
1. P= 1 Qd = ?
2. P= 5 Qd = ?
Qd = 60 – 10P
1. P= 1 Qd = ?
Qd = 60 – 10P
Qd = 60 – 10(1)
Qd = 60 – 10
Qd = 50 piraso
Qd = 60 – 10P
2. P= 5 Qd = ?
Qd = 60 – 10P
Qd = 60 – 10(5)
Qd = 60 – 50
Qd = 10 piraso
DEMAND READING
Panuto: sabihin kung sang-ayon, kung naniniwala
ka na tama ang pahayag ukol sa konsepto ng
demand at sabihin ang hindi sang-ayon kung
hindi ka naniniwala.
1. Ang demand ay tumutukoy sa dami ng
produkto o serbisyo na gusto at kayang bilihin
ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang
takdang panahon.
2. Ang ugnayan ng presyo at quantity
demanded ay maaaring ipakita gamit ang
demand schedule, demand curve at demand
function.
3. Ayon sa batas ng demand, ang presyo at
quantity demanded ay mayroong tuwirang
relasyon.
4. Ang ceteris paribus assumption ay
ginagamit upang ipagpalagay na ang presyo
lamang ang salik na nakakaapekto sa
pagbabago ng quantity demanded habang ang
salik ay hindi nagbabago o nakaaapekto rito.
5. Ang income effect ay nagpapahayag na
kapag tumaas ang presyo ng isang produkto,
ang mga mamimili ay hahanap ng mas murang
pamalit dito.
2
ND
DAY
ANO ANG KAHULUGAN NG DEMAND?
ANO ANG ISINASAAAD NG BATAS NG
DEMAND?
IBIGAY ANG TATLONG PARAAN NG
PAGPAPAKITA NG KONSEPTO NG DEMAND
Demand function : Qd = 300 – 20P
Qd = 300 – 20P
Qd = 300 – 20 (1)
Qd = 300 – 20
Qd = 280
Qd = 300 – 20P
Qd = 300 – 20 (6)
Qd = 300 – 120
Qd = 180
Qd = 300 – 20P
Qd = 300 – 20 (15)
Qd = 300 – 300
Qd= 0
MGA SALIK NA NAKAKA-APEKTO SA
DEMAND

Sweldo o Kita
Presyo ng kapalit na produkto at kaugnay na produkto
Populasyon at dami ng mamimili
Inaasahang Presyo
Personal na Panlasa
Okasyon
SWELDO O KITA
Ang pagtaas ng sweldo o kita ng mga mamamayan ay nagiging
sanhi ng pagtaas ng kanilang kakayahan na kumonsumo.
Ang mga produkto na naaapektuhan ng pagtaas ng sweldo o kita
ay maaaring mabiolang sa dalawang uri: normal goods at inferiors
goods.
Normal goods- ang demand para sa normal goods
ay tumataas tuwing tumataas ang sweldo o kita ng
mga mamimili.
Inferior goods- ang epekto ng pagtaas ng kita sa
mga produkto ay tinatawag na inferior goods.
PRESYO NG KAPALIT NA PRODUKTO AT
KAUGNAY NA PRODUKTO

Ang mga produkto na maaaring ihalili sa isang


produkto (substitute goods) o mgaproduktong
maaaring ikonsumo kasabay ng isa pang produkto
(complementary goods) ay nakaaaapekto rin sa
pagbabago ng demand.
POPULASYON AT DAMI NG MAMIMILI
 Dumarami ang mga mamimili kung tumataas ang
populasyon, o ang dami ng taong naninirahan sa isang
lugar. Dahil sa pagtaas na ito, ang demand sa mga
produkto ay natural na tataas.
INAASAHANG PRESYO
Ang presyo ng mga produkto ay malaking salik sa dami ng
maaaring maging demand ng mga mamimili.
PERSONAL NA PANLASA
Ang personal na panlasa ay tumutukoy sa pansariling
nais o kagustuhan ng mga mamimili sa isang produkto o
serbisyo, kaya maaari niya itong bilihin nang paulit-ulit
o nang maramihan.
OKASYON
Sa tuwing mayroong okasyon, ang demand ng mga mamimili
ay maaaring tumaas o bumababa sa ilang produkto.
Halimbawa, tumataas ang demand sa mga bulaklak tuwing
araw ng mga puso o tuwing undas.
MATALINONG PAGPAPASYA SA PAGTUGON SA MGA
PAGBABAGO NG MGA SALIK NA NAKAAAAPEKTO SA
DEMAND

1. Kapag may pagtaas sa kita, maging matalino sa paggasta


nito. Matutong pagplanuhan nang mabuti ang paggastos at
unahin ang mahahalagang bagay ana dapat bilihim.
2. Maghanap ng alternatibo o pamalit sa mga produktong may
mataas na presyo. Maraming mapagpipiliang produkto sa
mababang presyo sa iba’t ibang pamilihan.

You might also like