You are on page 1of 3

Department of Education

Region 4-A CALABARZON


Division of San Pablo
San Francisco District
ATISAN INTEGRATED SCHOOL
IKALAWANG MARKAHAN
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN
EKONOMIKS
BAITANG 9
PANGALAN: _______________________________ PUNTOS: ___________
PANGKAT: ________________________________ PETSA: _____________

PANUTO: BASAHIN AT SURIING MABUTI ANG MGA TANONG SA IBABA. ISULAT ANG TITIK NG TAMANG SAGOT SA IYONG
SAGUTANG PAPEL.
_____1. Kung panahon ng tag-ulan, ano ang mangyayari sa demand ng mga produktong kapote at payong?
A. Mananatili B. Bababa C. Tataas D. Iregular
_____2. Nagkakaubusan na ng suplay ng Japanese Siomai kaya tumaas ang demand ng Pork Siomai. Ano ang tawag sa
produktong kwek-kwek?
A. Pamalit B. Komplemetaryo C. Temporaryo D. Maliit
_____3. Tuwang-tuwa si aleng Nena dahil dumami ang nagpapa-load sa kaniya sapagkat halos lahat ng tao sa kanilang barangay
ay may cellphone na. Ano ang tawag sa mga produktong ito?
A. Pamalit B. Komplemetaryo C. Temporaryo D. Maliit
_____4. Bilang isang mag-aaral mahalagang isabubuhay mo ang batas ng demand. Papano mo ito gagawin?
A. Marunong nang mag-ipon para sa gusto mong gadget. C. Gagastos ayon sa pangangailangan.
B. Aalamin ang kalidad ng produkto sa bawat pagbili. D. Aalamin ang presyo ng produkto sa bawat pagbili.
_____5. Sa panahon ngayon ng pandemic, nangangamba ang mga tao na maubusan ng produkto para sa kaligtasang
pangkalusugan. Ano ang mangyayari sa demand ng face mask?
A. Mananatili ang pangangailangan ng face mask. C. Tataas ang pangangailangan ng face mask.
B. Bababa ang pangangailangan ng face mask. D. Regular ang pangangailangan ng face mask.
_____6. Bumaba ang benta ng tindahan ni Cesar simula ng Quarantine. Bakit naapektuhan ang kanyang benta?
A. Dahil marami na ang nagsulputang bagong tindahan C. Dahil bawal na lumabas
B. Dahil marami ang nawalan ng trabaho D. Dahil lumipat ang kanyang mga suki sa ibang tindahan
_____7. Isa sa mga salik ng demand ay ang dami ng mamimili. Kung kayo ay may negosyong pater, ano ang gagawin mo para
dumami ang benta ninyo?
A. Tataasan ko ang presyo ng pater
B. Kumbinsihin ko ang mga kaklase na bumili
C. Mamimigay ako ng libreng sample
D. Iimbetahan ko ang aking mga kaibigan at kaklase sa amingtindahan
_____8. Para makatipid, bumili si Samuel ng tsokolate para sa kanyang nobya kahit sa susunod na linggo pa ang araw ng mga
puso. Bakit nagdesisyon si Samuel na gawin ito?
A. Dahil sa dami ng mamimili C. Dahil sa inaasahang niyang kiita
B. Dahil sa kanyang panlasa D. Dahil sa inaasahang pagtaas ng presyo nito
_____9. Gamit ang Demand Function Equation, Qd = 50 – 2P, Ilan ang Quantity Demanded kung ang presyo ng isang pirasong
mansanas ay 15php?
A.10 C. 20
B. 15 D. 25
Presyo Qd

_____10. Alin sa mga sumusunod na datos ang kukumpleto sa schedule batay sa demand 1.) 38
8 2.)
function na: Qd = 50 – 2P.
3.) 30
A. (1.)6, 2.)34, 3.)10,4.) 26, 5.)14) D. (1.)9, 2.)37, 12 4.)
B. (1.)7, 2.)35, 3.)11,4.) 27, 5.)15) 3.)13, 4.)29, 5.) 22

C. (1.)8, 2.)36, 3.)12,4.) 28, 5.)16) 5.)17)


_____11.Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo sa
isang takdang panahon.
A. Demand B. Ekwilibriyo C. Supply D. Produksyon
_____12. Ito ang pangunahing salik na nakaapekto sa demand at supply.
A. Presyo B. Konsyumer C. Prodyuser D. Nagtitinda
_____13. Salik ng produksyon na tumutukoy sa mga makabagong makinarya o kasangkapan na nagpapabilis sa produksyon ng
partikular na produkto.
A. Halaga ng produksyon C. Bilang ng nagtitinda
B. Teknolohiya D. Presyo
_____14. Inaasahang tataas ang presyo ng bigas sa darating na buwan. Ano ang magiging epekto nito sa supply ng bigas?
A. Bababa ang magiging supply C. Tataas ang magiging supply
B. Mananatili ang dami ng supply D. Aangkat ng supply
_____15. Sinasabing naapektuhan ang dami ng supply sa pagbabago ng presyo ng kaugnay na produkto. Alin sa mga
sumusunod ang halimbawa ng magkaugnay na produkto?
A. Peanut butter- hotdog C. Face mask at alcohol
B. Brown sugar – white sugar D. Asukal – kape
_____16. Ang hoarding ay minsang isinagawa ng mga prodyuser sa mga produktong nakatakdang magkaroon ng
limitadong supply. Paano isinagawa ang hoarding sa pamilihan?
A. Pagtatago ng mga produkto habang mura pa ang mga presyo nito.
B. Paglilimita ng produksyon ng produkto habang mura pa ang presyo ng mga ito sa pamilihan.
C. Maramihang produksyon ng mga produkto para ito ay maibenta sa mas mataas na presyo.
D. Pagpigil na makapasok ang mga produkto sa mga pamilihan.
_____17. Ang ugnayan ng presyo at supply ay maaring maipakita sa supply schedule at supply curve. Paano mo
mailalarawan ang mga ito?
A. Ang supply schedule ay talaan ng ugnayan ng presyo at dami ng supply habang ang supply curve ay grapikong
paglalarawan.
B. Ang supply schedule at talaan ng dami ng supply habang ang supply curve ay grapikong paglalarawan sa presyo.
C. Ang supply schedule ay grapikong ugnayan ng presyo at dami ng supply habang ang supply curve ay talaan ng
presyo at dami ng supply.
D. Ang supply schedule at talaan ng presyo habang ang supply curve ay grapikong paglalarawan ng dami ng
supply.
_____18. Maraming produkto ang tumaas ang supply dulot ng pandemya na COVID-19. Kung ikaw ay isang mamimili,
anong pangunahing pangangailangan ang iyong bibilhin kahit tumaas pa ang presyo nito?
A. Smart phone para madali kong matawagan ang pamilya ko.
B. Kotse dahil nakatutulong ito na makapag-grocery at makapunta kahit saan.
C. Bigas at pang-ulam bilang pantawid-gutom sa panahon ng lockdown.
D. Mamahaling alahas upang may maisangla kung kakailanganin.
______19. Naglipana ngayon sa social media ang pagbebenta ng halos magkaparehong produkto na may ibat-ibang
presyo. Kung ikaw ay isang negosyante, ano ang gagawin mo para maging mabenta ang iyong produkto?
A. Itatakda ang presyo sa bawat item na may mataas na tubo kasama na ang delivery charge.
B. Itatakda ang presyo sa bawat item na may mataas na tubo at hiwalay ang delivery charge.
C. Itatakda ang presyo sa bawat item na may katamtamang tubo at delivery charge rate sa bawat lugar.
D. Itatakda ang presyo sa bawat item na may mababang tubo at pagpipiliin ang mga mamimili kung ito ay pick up
o delivery na may charge na nakadepende sa lugar.
20. May malaking epekto ang pandemya sa supply ng alcohol at face mask sa bansa. Paano maapektuhan ang supply ng
alcohol at face mask sa lokal na pamilihan kung ang materyales nito ay nabibili sa labas ng bansa sa mataas na
halaga?
A. Bababa ang supply dahil mataas ang halaga ng produksyon nito at ipagbibili lamang sa mababang presyo.
B. Tataas ang supply dahil mataas ang halaga ng produksyon nito at ipagbibili sa mataas na presyo.
C. Bababa ang supply dahil mababa ang halaga ng produksyon nito at ipinagbibili sa mababang presyo.
D. Tataas ang supply dahil mababa ang halaga ng produksyon nito at ipinagbili sa mataas na presyo.

You might also like