You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII-Central Visayas
Schools Division of Cebu Province
Consolacion District 2

Araling Panlipunan 9
2nd Quarter MELC 3 Week 5

Pangalan:_________________________________________Baitang/Seksyon:_________________
I.MELC COMPETENCY CODE

Naipapaliwanag ang interaksyon ng demand at suplay


sa kalagayan ng presyo at ng pamilihan.

II. LAYUNIN
A. nakapagtitiyak kung kalian nagkakaroon ng surplus, shortage o
ekwilibriyo sa pamilihan;
B. nakapagkokompyut gamit ang mathematical equations upang mailarawan
ang interaksyon ng demand at supply;
C. nakagagawa ng graph upang mailarawan ang interaksyon ng demand at
supply; at
D. napahahalagahan ang epekto ng pagkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan
III. PAKSA
Interaksiyon ng Demand at Suplay

IV. PAMAMARAAN
A. Babasahin
Ang mga pwersa ng demand ang supply ang dahilan kung bakit may
pagbabago sa mga presyo ng pamilihan. Magkasabay na kumikilos ang mga
pwersang ito upang matiyak ang presyo. Naipaliliwanag ng interkasyon ng
demand at supply ang pamilihan. Isang magandang paraan para maipakita ang
relasyon ng demand at supply ay sa pamamagitan ng pag-plot ng demand at
supply schedule sa graph.

Market Schedule ng Demand at Supply

1
Presyo Quantity Quantity
sa Php Demanded Supplied
10 10 50
8 20 40
6 30 30
4 40 20
2 50 10

Kung pagsasamahin ang demand at supply curve, may punto kung saan ang
mga ito ay nagko-krus o may interseksyon. Ang pangyayaring ito ay nagpapakita
ng ekwilibriyo o equilibrium. Ang ekwilibriyo sa pamilihan o market equilibrium
ay ang punto kung saan ang quantity demanded at quantity supplied ay pantay
o balanse. Ang presyo kung saan naging pantay ang demand at supply ay
tinatawag na presyong ekwilibriyo o equilibrium price. Ito ang pinagkasunduang
presyo ng prodyusers at konsyumers. Ang dami o quantity kung saan naging
pantay ang demand at supply ay tinatawag namang ekwilibriyong dami o
equilibrium quantity. Sa ibinigay na schedule sa itaas, ang equilibrium price ay
Php 6 at ang equilibrium quantity ay 30.

Paano magkompyut ng equilibrium price at equilibrium quantity gamit ang


mathematical equations?
Ang kompyutasyon na nasa sa ibaba ay nagpapakita kung papaano makukuha ang
ekwilibriyong presyo at quantity o dami. Ipagpalagay natin ang mga function na Qd= 60
- 5P at Qs= 5P para sa naibigay na schedule sa itaas. Una munang alamin ang halaga o
presyo (P) gamit ang demand at supply function. Pagkatapos ay ihalili ang value ng P sa
demand at supply function. Ang mga makukuhang sagot ang siyang tumutugon sa
ekwilibriyong dami nito

Anong mangyayari kapag hindi pantay ang demand at supply?


May disekwilibriyo o disequilibrium. May dalawang kondisyon bilang direktang
resulta ng disekwilibriyo: ang shortage at ang surplus. Maaaring makaranas ng
surplus kung mas marami ang quantity supplied kaysa sa quantity demanded.
Ang shortage ay nararanasan naman kung ang dami ng quantity supplied ay
mas mababa kaysa sa quantity demanded.

Ano ang epekto ng surplus at shortage sa presyo?


Ang pagkakaroon ng shortage o surplus ay magreresulta sa pagbabago ng
2
presyo. Maari itong tumaas o bumaba depende sa sitwasyon ng demand at
supply. Ang patuloy na pagbabago ng presyo ay magreresulta sa pagkakaroon
ng ekwilibriyo.
Ang mga sumusunod na batas ng demand at supply na magpapaliwanag ng
presyo sa pamilihan.
1.Kung mas mataas ang demand kaysa sa supply o mababa ang supply kaysa sa
demand, tataas ang presyo ng mga kalakal o produkto. (D>S) = ↑P) o (S<D) = ↑P)

2.Kung mas mababa ang demand kaysa sa supply o mas mataas ang supply
kaysa sa demand, bababa ang presyo ng mga kalakal o produkto. (D<S = ↓P) o
(S>D = ↓P)

3.Kung ang demand at supply ay pantay o may ekwilibriyo, walang pagbabago o


mananatili ang presyo ng mga kalakal.
(D = S = →P)

Makikita sa talahanayan ang nakompyut na Qd at Qs gamit ang functions,


ang sitwasyon ng supply, dami at ang naging epekto ng sitwasyon sa
presyo.

Presyo Quantity Quantity Dami o Epekto sa


Sitwasyon Quantity Presyo
sa Php Demanded Supplied
10 10 50 Surplus 40 Bababa
8 20 40 Surplus 20 Bababa
6 30 30 Ekwilibriyo 0 Mananatili
4 40 20 Shortage 20 Tataas
2 50 10 Shortage 40 Tataas

B.EXERCISES FOR SKILLS/ ANALYSIS USING HOTS FOR CONTENT


SUBJECTS

Gawain 1:KNOWLEDGE ORGANIZER


Buuin ang graphic organizer batay sa isinasaad ng tekstong iyong nabasa.
Upang higit na maunawaan ay sagutin ang mga pamprosesong tanong na
susukat sa antas ng iyong kaalaman at pang-unawa.

Ekwilibriyo

Interaksiyon ng
Demand at Supply

Disekwilibriyo

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang dalawang uri ng disekwilibriyo sa pamilihan?
3
2. Kailan masasabing mayroong ekwilibriyo sa pamilihan?
3. Paano nagkakaroon ng gampanin ang presyo upang magkaroon ng ekwilibriyo
sa pamilihan?

Gawain 2: Buting may Alam!


Suriin mo ang market schedule ng isda sa ibaba. Tukuyin sa ikaapat na kolum
kung ang sitwasyon ay may shortage, surplus o ekwilibriyo. Tukuyin naman ang
dami o quantity ng shortage at surplus sa ikalimang kolum at sa huling kolum
kung tataas, bababa o mananatili ang presyo batay sa sitwasyon. Sagutin din
ang mga tanong na nasa ibaba ng schedule. Gawin ito sa activity notebook at
ipakita ang kompyutasyon.

Quantity Quantity Sitwasyon Epekto sa 1.


Presyo sa (shortage, Dami o presyo Ano
demanded supplied sa
Php surplus, o quantity (tataas, bababa o ang
sa kilos kilos ekwilibriyo) mananatili)
140 200 700
120 400 600
100 500 500
80 600 300
60 800 100
sitwasyon ng pamilihan kung ang presyo ay Php120? _________
Ano ang epekto nito sa presyo? ______________

2. Ano ang sitwasyon ng pamilihan kung ang presyo ay Php60? _________


Ano ang epekto nito sa presyo? ______________

3. May pagbabago ba sa presyong Php100 batay sa sitwasyon ng supply at


demand nito? _____________
Ipaliwanag ang sagot? ____________________________

C. PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel o
notebook.
1. Ang ekwilibriyo sa pamilihan o market equilibrium ay tumutukoy sa sitwasyon
kung saan ang presyo ay __________________.
A.tataas sanhi ng kompetisyon ng mga sellers.
B.nasa antas kung saan walang surplus o shortage.
C.mataas, sapat para sa mga kompanya na magkaroon ng sapat na tubo
D.mababa, sapat upang mabili ng mga konsyumers ang kanilang gusto.
2. Ito ay nararanasan kung ang quantity supplied ay mas marami kaysa sa
quantity demanded.
A. Ekwilibriyo B. Disekwilibriyo C. Shortage D. Surplus
3. Ang kalagayan ng pamilihan na hindi pareho ang quantity demanded at
quantity supplied.
A. Ekwilibriyo B. Disekwilibriyo C. Shortage D. Surplus
4. Ito ay nararanasan kung ang quantity supplied ay mas kaunti kaysa sa
4
quantity demanded.
A. Shortage B. Surplus C. Ekwilibriyo D. Disekwilibriyo
5. Kung may surplus sa pamilihan, ano ang mangyayari sa presyo ng produkto o
serbisyo?
A. Mananatili B. Bababa ang presyo
C. Mawawala ang halaga D. Tataas ang presyo
6. Ito ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer at prodyuser.
A. Ekwilibriyong presyo B. Diskwentong presyo
C. Disekwilibriyong presyo D. Surplus na presyo
7. Ang puntong ekwilibriyo ay bahagi ng graph ______________________
A. kung saan nagsisimula ang demand curve.
B. kung saan nagkakaroon ng shift ng supply curve.
C. kung saan ang demand curve at supply curve ay nag- iintersect.
D. kung saan ang demand curve at supply curve ay magkahilera.
8. Ano ang P sa supply function na Qs = 400P, kung ang nakompyut na
Qs ay 1,200?
A. 3 B. 4 C. 5 D. 10
9. Kung ang P ay Php2 sa demand function na Qd =1000 - 200P, ano ang Qd?
A. 400 B. 500 C. 600 D. 800
10. Ano ang sitwasyon ng pamilihan na itinatakda ng mga function na
Qd = 3000 - 500P at Qs = 500P, kung saan ang P ay Php3?
A. May shortage ng supply B. May ekwilibriyo
C. May surplus ng supply D. May disekwilibriyo
11. May mga pagkakataon na nagiging mahal ang presyo ng mga bilihin. Alin sa
mga sumusunod ang nagpapaliwanag kung bakit mahal ang bulaklak na rosas
sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso?
A. Tumataas ang demand ng mga konsyumer sa rosas dahil sa okasyon
kaya lumilipat ang kurba ng demand sa kanan na nagreresulta sa pagtaas ng
presyo nito.
B.Nagkakasundo ang mga konsyumer at prodyuser na itaas ang presyo
sapagkat pareho naman silang nakikinabang dito.
C.Mandato ng pamahalaan na itaas ang presyo dahil sa kasiyahang
natatamo ng mga konsyumer.
D. Itinatago ng mga prodyuser ang kanilang panindang bulaklak upang
lalong tumaas ang presyo nito.
12.May mga bansa tulad ng Amerika na mataas ang kanilang demand sa ilang
manggagawa tulad ng mga guro. Ano ang inaasahan sa kanilang inaalok na
pasweldo?
A.Mataas B. Mababa C. Katamtaman D. Di malaman
13.Ang panahon ng El Nino o tagtuyot ay nagdudulot ng pagbaba sa dami ng
bigas na mabibili ng mga konsyumers. Ano ang inaasahan mong mangyayari?
A. Ang suplay ng bigas ay tataas B. Ang demand ng bigas ay bababa
C. Ang presyo ng bigas ay tataas D. Ang presyo ng bigas ay bababa
14. Nagkaroon ng Bird Flu outbreak sa Region 10. Nagbabala ang lokal na
pamahalaan ng Lungsod ng Iligan sa panganib na maaring idulot mula sa
pagkain ng karneng manok na kontaminado ng Bird Flu virus. Ano ang
inaasahang mangyayari sa presyo ng mga itinitindang karneng manok sa
nasabing lungsod?
A.Di magbabago ang presyo dahil may ekwilbriyo sa pamilihan.
B.Tataas ang presyo dahil bababa ang demand.
5
C.Bababa ang presyo dahil tataas ang demand.
D.Bababa ang presyo dahil bababa ang demand
15. Nagaganap ang ekwilibriyo sa pamilihan kung pantay ang dami ng quantity
demanded at quantity supplied sa iisang presyo. Ano ang implikasyon ng
kalagayang ito sa pamilihan?
A.Parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat ang dami ng nais
bilhin ng mga konsyumer ay kasindami ng nais ibenta ng mga prodyuser.
B.May labis na quantity supplied sapagkat magtataas ng presyo ang mga
prodyuser na magbibigay ng malaking kita.
C.Parehong nasiyahan ang mga konsyumer at prodyuser sapagkat tumaas
man ang presyo, kaunti lamang ang bibilhin ng mga konsyumer.
D. Hindi masaya ang konsyumer dahil ang quantity demanded ay hindi
napupunan ng labis na quantity supplied.

D. KARAGDAGANG GAWAIN

Alcohol SD Function

Nasa ilalim na ng MGCQ ang Cagayan de Oro City. Nais ni Janzy na malaman
ang sitwasyon ng bentahan ng alcohol (500 mL) sa pamilihan sa loob ng
dalawang buwan. Gamit ang mga function ng supply at demand sa ibaba,
sagutin o ibigay ang mga hinihingi sa mga tanong. Isulat ang mga sagot sa iyong
activity notebook pati na ang solusyon ng kompyutasyon.

Qd = 16,000 – 100P
Qs = 100P

1. Ano ang ekwilibriyong presyo o pinagkasunduang presyo? ___________


2. Ano ang ekwilibriyong dami? ______________
3. a. Kung ang presyo ng alcohol ay Php60, gaano karami ang supply? ____
b. Sa presyong Php60, may shortage o surplus ng supply? ___________
c. Anong mangyayari kalaunan sa presyong Php60 ng alcohol batay sa
sitwasyon ng supply? ___________________
4. a Kung ang presyo ng alcohol ay Php120, gaano karami ang supply?____
b. Sa presyong Php120, may shortage o surplus ng supply? __________
c. Anong mangyayari kalaunan sa presyong Php120 ng alcohol batay sa
sitwasyon ng supply? ___________________

SANGGUNIAN

Bernard R. Balitao et al., Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon, Batayang


Aklat ng Araling Panlipunan, Ikaapat na Taon. Quezon City: Vibal Publishing
House, Inc., 2012.

Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas. Ekonomiks, Araling


Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon, Pasig City: Vibal Group,
Inc.,2015.

Rhodora R. Tolentino. Bagong Kalakaran sa Ekonomiks Para sa Mataas na


6
Paaralan. Quezon City: Saint Bernadette Publications, Inc.,2001.

Tereso S. Tulla, Jr. Unawain Natin ang Ekonomiks sa Diwang Pilipino, Ikalawang
Edisyon. Quezon City: SIBS Publishing House, Inc., 1998

Susi sa Pagwawasto:

1. B
2. D
3. B
4. A
5. B
6. A
7. C
8. A
9. C
10. B
11. A
12. A
7
13. C
14. D
15. A

You might also like