You are on page 1of 6

1

ARALING PANLIPUNAN – 9

WEEK 10

Interaksyon ng Demand at Supply

ATING SURIIN!

Bakit nga ba nagbabago ang presyo ng mga produtkto sa


? pamilihan? Mapapansin na may panahon na mura ang mga
Photo credits: Lenore. Boa
produktong tulad ng mangga, bulakalak at iba pa at may mga
panahon din na ang mga produktong ito ay mahal.

Ang mga pwersa ng demand ang supply ang dahilan kung bakit may
pagbabago sa mga presyo ng pamilihan. Magkasabay na kumikilos
ang mga pwersang ito upang matiyak ang presyo. Naipaliliwanag ng
interkasyon ng demand at supply ang pamilihan. Isang magandang
Photo credits: Lenore. Boa

paraan para maipakita ang relasyon ng demand at supply ay sa pamamagitan


ng pag-plot ng demand at supply schedule sa graph.
.
Pansinin ang schedule at graph sa ibaba

Photo credits: Lenore. Boa

Market Schedule ng Demand at Supply


SC
6

Pesyo
Presyo Quantity Quantity 0 Eq point
sa Php Demanded Supplied
10 10 50
0 1020304050
DC
8 20 40 Quantity
6 30 30
4 40 20
2 50 10

Kung pagsasamahin ang demand at supply curve, may punto kung saan ang
mga ito ay nagko-krus o may interseksyon. Ang pangyayaring ito ay nagpapakita ng
ekwilibriyo o equilibrium. Ang ekwilibriyo sa pamilihan o market equilibrium ay ang
punto kung saan ang quantity demanded at quantity supplied ay pantay o balanse. Ang
presyo kung saan naging pantay ang demand at supply ay tinatawag na presyong
ekwilibriyo o equilibrium price. Ito ang pinagkasunduang presyo ng prodyusers at
konsyumers. Ang dami o quantity kung saan naging pantay ang demand at supply ay
tinatawag namang ekwilibriyong dami o equilibrium quantity. Sa ibinigay na schedule
sa itaas, ang equilibrium price ay Php 6 at ang equilibrium quantity ay 30.

? Paano magkompyut ng equilibrium price at equilibrium quantity


gamit ang mathematical equations?
Photo credits: Lenore. Boa

Ang kompyutasyon na nasa sa ibaba ay nagpapakita kung papaano


makukuha ang ekwilibriyong presyo at quantity o dami. Ipagpalagay natin
ang mga function na Qd= 60 - 5P at Qs= 5P para sa naibigay na schedule
sa itaas. Una munang alamin ang halaga o presyo (P) gamit ang demand at
Photo credits: Lenore. Boa

supply function. Pagkatapos ay ihalili ang value ng P sa demand at supply function.


Ang mga makukuhang sagot ang siyang tumutugon sa ekwilibriyong dami nito.
? Anong mangyayari kapag hindi pantay ang demand at supply?

Photo credits: Lenore. Boa

May disekwilibriyo o disequilibrium. May dalawang kondisyon bilang


direktang resulta ng disekwilibriyo: ang shortage at ang surplus.
Maaaring makaranas ng surplus kung mas marami ang quantity
supplied kaysa sa quantity demanded. Ang shortage ay nararanasan
Photo credits: Lenore. Boa

naman kung ang dami ng quantity supplied ay mas mababa kaysa sa


quantity demanded.
? Ano ang epekto ng surplus at shortage sa presyo?

Photo credits: Lenore. Boa

Ang pagkakaroon ng shortage o surplus ay magreresulta sa pagbabago ng


presyo. Maari itong tumaas o bumaba depende sa sitwasyon ng demand at
supply. Ang patuloy na pagbabago ng presyo ay magreresulta sa
Photo credits: Lenore. Boa
pagkakaroon ng ekwilibriyo.

Pansinin ang mga sumusunod na batas ng demand at


supply na magpapaliwanag ng presyo sa pamilihan.

1. Kung mas mataas ang demand kaysa sa supply o mababa ang supply kaysa sa
demand, tataas ang presyo ng mga kalakal o produkto. (D>S) = ↑P) o (S<D) =
↑P)

2. Kung mas mababa ang demand kaysa sa supply o mas mataas ang supply
kaysa sa demand, bababa ang presyo ng mga kalakal o produkto. (D<S = ↓P)
o (S>D = ↓P)

3. Kung ang demand at supply ay pantay o may ekwilibriyo, walang pagbabago o


mananatili ang presyo ng mga kalakal.
(D = S = →P)
ARALING PANLIPUNAN - 9

Activity Sheet (Week 10)

Student’s Name: _____________________________________ Score:____________

Gawain 1

Basahing mabuti ang bawat tanong at bilugan ang wastong sagot sa mga
pagpipilian.

1. Ang ekwilibriyo sa pamilihan o market equilibrium ay tumutukoy sa sitwasyon kung


saan ang presyo ay __________________.
A. tataas sanhi ng kompetisyon ng mga sellers.
B. nasa antas kung saan walang surplus o shortage.
C. mataas, sapat para sa mga kompanya na magkaroon ng sapat na tubo
D. mababa, sapat upang mabili ng mga konsyumers ang kanilang gusto.
2. Ito ay nararanasan kung ang quantity supplied ay mas marami kaysa sa quantity
demanded.
A. Ekwilibriyo B. Disekwilibriyo C. Shortage D. Surplus

3. Ang kalagayan ng pamilihan na hindi pareho ang quantity demanded at quantity


supplied.
A. Ekwilibriyo B. Disekwilibriyo C. Shortage D. Surplus

4. Ito ay nararanasan kung ang quantity supplied ay mas kaunti kaysa sa quantity
demanded.
A. Shortage B. Surplus C. Ekwilibriyo D. Disekwilibriyo

5. Kung may surplus sa pamilihan, ano ang mangyayari sa presyo ng produkto o


serbisyo?
A. Mananatili B. Bababa ang presyo
C. Mawawala ang halaga D. Tataas ang presyo

6. Ito ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer at prodyuser.


A. Ekwilibriyong presyo B. Diskwentong presyo
C. Disekwilibriyong presyo D. Surplus na presyo
7. Ang puntong ekwilibriyo ay bahagi ng graph ______________________
A. kung saan nagsisimula ang demand curve.
B. kung saan nagkakaroon ng shift ng supply curve.
C. kung saan ang demand curve at supply curve ay nag- iintersect.
D. kung saan ang demand curve at supply curve ay magkahilera.

8. Ano ang P sa supply function na Qs = 400P, kung ang nakompyut na Qs


ay 1,200?
A. 3 B. 4 C. 5 D. 10

9. Kung ang P ay Php2 sa demand function na Qd =1000 - 200P, ano ang Qd?
A. 400 B. 500 C. 600 D. 800
10. Ano ang sitwasyon ng pamilihan na itinatakda ng mga function na Qd =
3000 - 500P at Qs = 500P, kung saan ang P ay Php3?
A. May shortage ng supply B. May ekwilibriyo

C. May surplus ng supply D. May disekwilibriyo

11. May mga pagkakataon na nagiging mahal ang presyo ng mga bilihin. Alin sa mga
sumusunod ang nagpapaliwanag kung bakit mahal ang bulaklak na rosas sa tuwing
sasapit ang Araw ng mga Puso?
A. Tumataas ang demand ng mga konsyumer sa rosas dahil sa okasyon kaya
lumilipat ang kurba ng demand sa kanan na nagreresulta sa pagtaas ng presyo
nito.
B. Nagkakasundo ang mga konsyumer at prodyuser na itaas ang presyo sapagkat
pareho naman silang nakikinabang dito.
C. Mandato ng pamahalaan na itaas ang presyo dahil sa kasiyahang natatamo ng
mga konsyumer.
D. Itinatago ng mga prodyuser ang kanilang panindang bulaklak upang lalong
tumaas ang presyo nito.
12. May mga bansa tulad ng Amerika na mataas ang kanilang demand sa ilang
manggagawa tulad ng mga guro. Ano ang inaasahan sa kanilang inaalok na
pasweldo?
A. Mataas B. Mababa C. Katamtaman D. Di malaman

13. Ang panahon ng El Nino o tagtuyot ay nagdudulot ng pagbaba sa dami ng bigas na


mabibili ng mga konsyumers. Ano ang inaasahan mong mangyayari?
A. Ang suplay ng bigas ay tataas B. Ang demand ng bigas ay bababa

C. Ang presyo ng bigas ay tataas D. Ang presyo ng bigas ay bababa


14. Nagkaroon ng Bird Flu outbreak sa Region 10. Nagbabala ang lokal na pamahalaan
ng Lungsod ng Iligan sa panganib na maaring idulot mula sa pagkain ng karneng
manok na kontaminado ng Bird Flu virus. Ano ang inaasahang mangyayari sa
presyo ng mga itinitindang karneng manok sa nasabing lungsod?
A. Di magbabago ang presyo dahil may ekwilbriyo sa pamilihan.
B. Tataas ang presyo dahil bababa ang demand.
C. Bababa ang presyo dahil tataas ang demand.
D. Bababa ang presyo dahil bababa ang demand
15. Nagaganap ang ekwilibriyo sa pamilihan kung pantay ang dami ng quantity
demanded at quantity supplied sa iisang presyo. Ano ang implikasyon ng
kalagayang ito sa pamilihan?
A. Parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat ang dami ng nais bilhin
ng mga konsyumer ay kasindami ng nais ibenta ng mga prodyuser.
B. May labis na quantity supplied sapagkat magtataas ng presyo ang mga
prodyuser na magbibigay ng malaking kita.
C. Parehong nasiyahan ang mga konsyumer at prodyuser sapagkat tumaas man
ang presyo, kaunti lamang ang bibilhin ng mga konsyumer.
D. Hindi masaya ang konsyumer dahil ang quantity demanded ay hindi napupunan
ng labis na quantity supplied.

You might also like