You are on page 1of 41

9

Modyul sa
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Linggo Blg. 1 – 4
9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Papel ng Lipunan sa Tao
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Ang Papel ng Lipunan sa Tao
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb CESE, DEM

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Paolo I. Carvajal

Editor: Narcie Fe M. Solloso

Tagasuri: Narcie Fe M. Solloso

Tagalapat: Ma. Fatima D. Delfin

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval Pandibisyong


Tagamasid, LRMS

Narcie Fe M. Solloso
Pandibisyong Tagapag-ugnay/Pandistritong Tagamasid

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

2
Alamin

Binuo at isinulat ang modyul na ito na ikaw, aming minamahal na mag-aaral ang
isinasaalang-alang. Sa modyul na ito, inaasahan namin na matutunan mo nang may
kahusayan ang mga prinsipyo ng Lipunan na ating ginagalawan. Ang pagkakasunod-sunod
ng mga aralin sa modyul na ito ay naaayon sa nakatakdang pamantayan ng Kagawaran ng
Edukasyon.

Nilalaman ng modyul na ito ang aralin na:

 Ang Papel ng Lipunan sa Tao

Matapos ang mga aralin na ito, inaasahan na:


1. Natutukoy mo ang elemento ng Lipunan
2. Napangangatwiranan mo na ang lipunan ay tumutulong sa iyong pag-unlad bilang
indibidwal
3. Nakapagtatala ng mga paraan kung paano ka makatutulong sa pagpapaunlad at
pagpapanatili ng kapayapaan sa lipunan.

Subukin

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat aytem/tanong. Isulat ang titik ng
pinakawastong sagot sa nakalaang patlang.

_____1. Lipon ng mga taong may kinabibilangang pangkat na may iisang layunin tungo
sa kabutihang panlahat.
A. Komunidad
B. Lipunan
C. Pamayanan
D. Sibil

_____2. Ang lipunan, pangunahin sa lahat, ay binubuo nang _____


A. Tao
B. Kultura
C. Barangay
D. Pagpapahalaga

_____3. Sa lipunan, mahalagang bumuo nang ugnayan upang _____


A. magtatag ng pamilya
B. magkaroon ng pagkakaisa
C. maging maunlad ang bawat isa
D. makamit ang iisang tunguhin o layunin

_____4. Para kay Cooley at Durkheim, mahalagang gampanan ng bawat kasaping


lipunan ang kanilang mga _____
A. Ugnayan
B. Trabaho
C. Karapatan
D. Tungkulin

3
_____5. Ang layunin ng lipunan ay makamit ang _____
A. Kabutihang Panlahat
B. Pansariling Kabutihan
C. Pampamilyang Kabutihan
D. Kapayapaan at kaunlaran sa mundo

Aralin

1 Ang Papel ng Lipunan sa Tao

“No Man is an Island”


“Man is a Social Being”

Narinig o nabasa mo na ba ang mga katagang iyan? Totoo ba iyan sa sarili mong
konteksto?

Sa simula pa lamang ng ating buhay, ang pakikisalamuha sa kapwa ay kakambal


na ng ating pagkatao. Kasabay ng ating pisikal na paglaki ay ang paglawak rin ng
saklaw ng ating pakikisalamuha. Noong ikaw ay nasa Baitang Walo, pinag-aralan mo
ang tungkol sa pamilya at ang kahalagahan ng pakikipag-kapwa. Ngayong nasa Baitang
Siyam ka na, matututunan mo naman na ikaw, bilang isang sumsibol na indibidwal ay
unti-unti na ring nagiging bahagi ng higit na malaking pamayanan – ang Lipunan.

Halina’t magkasama nating tuklasin ang katuturan at layunin ng lipunan para


sa atin.

Balikan

Suriin ang mga sumusunod na larawan. Pansinin ang iyong sariling reaksiyon ukol
dito. Isulat sa nakalaang patlang ang iyong mga alaala at reaksiyon. Isipin mo na ikaw
ay mismong nasa sitwasyon, nakikinig at nagmamasid.

Maaaring i-click ang mga link na nasa Sanggunian upang matulungan ka sa


iyong pagbabalik-tanaw.

1.

4
2.

3.

4.

5.

Pamprosesong Tanong

1. Nagkaroon ka ba ng koneksyon sa mga larawang iyong nakita? Sa paanong paraan?


2. Nakaapekto ba iyo bilang indibidwal ang mga pangyayaring isinasaad ng mga
larawan? Pangatwiranan.

Tuklasin

Maaaring iba-iba ang ating kulay, lahi at paniniwala. Subalit ang pagkakaiba-ibang ito ang
siyang higit na nagpapayaman sa ating paghubog nang ating pagkatao. Tara at ating
sabayan ang awiting ipinakilala sa atin ng kinikilalang Master Rapper ng Pilipinas, walang
iba kundi ang yumaong FRANCIS MAGALONA…

https://www.youtube.com/watch?v=ClNTn1wtq7E

5
[Verse 1] [Verse 2]

So many faces, so many races Some are great and some are few
Different voices, different choices Others lie, while some tell the truth
And some are mad, while others And some say poems and some do
laugh sing
Some live alone with no better half Another sing through their guitar
Others grieve, while others curse strings
And others mourn behind a big black
hearse Some know it all, while some act
dumb
And some are pure, and some half- Let the bass line strum to the bang of
bred the drum
And some are sober, and some are Some can swim, while some will sink
wasted And some will find their minds and
Some are rich because of fate think
Others walk, while others run
And some are poor with no food on You can't talk peace and have a gun
their plate
Some stand out, while others blend Some are hurt and start to cry
And some are fat and stout, while Don't ask me how don't ask me why
some are thin And some are friends and some are
And some are friends and some are foes
foes Some have some while some have
Some have some, while some have most
most Yeah
Yeah
[Chorus]
[Chorus] 'Cause every color and every hue
Is represented by me and you
Every color and every hue Take a slide in the slope
Is represented by me and you Take a look in the kaleidoscope
Take a slide in the slope Spinnin' round, make it twirl
Take a look in the kaleidoscope In this kaleidoscope world
Spinnin' round, make it twirl
In this kaleidoscope world [Outro]
Yeah Kaleidoscope world
In this, kaleidoscope world

Pamprosesong Tanong

1. Anong bahagi o linya sa awitin ang nagging makahulugan sa iyo? Pangatwiranan.


2. Nakatutulong ba o hindi ang pagkakaroon ng magkakaibang kulay, lahi o pananaw
at paniniwala? Sa paanong paraan ito nakatutulong o hindi nakatutulong? Magbigay
ng konkretong halimbawa.

Suriin

Ang mga larawan na inyong sinariwa at pinagnilayan ay ilan lamang sa mga tunay na
pangayayari sa ating lipunang ginagalawan. Maaaring hindi tayo tuwirang sangkot sa
bawat sitwasyon, subalit aminin man natin o hindi, ang mga ito ay nakaaapekto sa
ating paraan ng pag-iisip, pandama at pagkilos. At dahil nakaapekto ang mga ito sa
6
atin, nagsisilbi rin sila bilang taga-paghubog ng ating pagkatao.
Maraming pakahulugan sa salitang lipunan. Ating isa-isahin ito at pagkatapos,
ay ating suriin ang mga magkakatulad na elemento na mayroon ang bawat isa.
Santo Tomas de Aquino

David Emile Durkheim

“Ang LIPUNAN ay isang buhay na


organismo kung saan nagaganap
ang mga pangyayari at gawain. Ito
ay patuloy na kumikilos at
nagbabago. Binubuo ng lipunan ng
magkakaiba subalit magkakaugnay
na pangkat at institusyon. Ang
maayos na lipunan ay makakamit
kung ang bawat pangkat at
institusyon ay gagampanan nang
maayos ang kanilang tungkulin.”

Charles H. Cooley

“Ang LIPUNAN ay binubuo ng


mga tao na may magkakahawig
na ugnayan at tungkulin.
Nauunawaan at higit na
nakikilala ng tao ang kanyang
sarili sa pamamagitan ng
pakikisalamuha sa iba pang
miyembro ng lipunan.
Makakamit ang kaayusang
panlipunan sa pamamagitan ng
maayos na interaksyon ng mga
mamamayan.”

7
Manuel B. Dy, Jr.

Ano ang iyong napansin sa kanilang depinisyon sa salitang lipunan? May


pagkakahawig ba? O kaya pagkakaiba? Halina at suriin nating mabuti.

Mula sa mga salita nina Aquinas, Cooley at Dy, masasabi nating ang unang
mahalagang elemento ng lipunan ay ang TAO. Ang lipunan ay binubuo ng tao. Ang
taong ito ay nilikha ayon sa wangis na Diyos ay may kakayahang hanapin ang
katotohanan; kumilos upang maglingkod at magmahal nang kanyang kapwa. Dahil din
dito, bukas at malawak ang potensiyal ng bawat tao na panibaguhin ang kaniyang
kasalukuyang kalagayan papunta sa mas higit na mabuti.

Ikalawa, para kay Cooley at Durkheim, ang pagtupad sa tungkulin ng bawat


pangkat at institusyon ay nakatutulong sa pagkakamit ng maayos na lipunan. Katulad
ng isang sasakyan na may iba’t ibang bahagi na may kaniya-kaniyang gampanin, ang
lipunan din ay nangangailangan na ang bawat miyembro nito ay tumutupad sa
kaniyang gampanin at tungkulin. Kung mayroong bahagi ng sasakayan na sira, hindi
ito aandar. Ganun din sa lipunan. Kung may isang miyembrong hindi gumagawa nang
kanyang tungkulin, hindi rin ito makatutulong upang makamit ng bawat tao ang
kanyang minimithi.

Binigyang diin nina Cooley, Dy at Durkheim, ang lubos na kahalagahan ng


UGNAYAN. Bumubuo ang tao ng ugnayan sa kanyang kapwa tao at sa kaniyang
kapaligiran. Maaari nating ilarawan ang ugnayang ito sa two-way traffic. Ibig sabihin,
ang presensiya ng bawat isa ay maaaring magdulot ng kabutihan o kasamaan sa bawat
isa.

Ang tao sa kaniyang kaisahan ay hindi sapat ang kakayahan na makuha ang
lahat ng kanyang kakailanganin upang mapaunlad ang sarili. Batid niya ang
katotohanang kailangan niyang bumuo ng ugnayan, isang mapaglingkod at
mapagmahal na ugnayan sa kapwa-tao upang kolektibong kumilos sa paglinang ng
kani-kanilang potensyal at kakayahan.

Makikita sa mga salita ni Aquinas at Dy na hindi natatapos sa paglinang ng


sariling kakayahan ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa kapwa tao. Mahalaga rin na
gawin ng bawat indibidwal na tao ang tungkulin sa kaniyang kapwa upang sa
pamamagitan nito, magiging kaiga-igaya sa pag-unlad ng nakararami ang lipunang
kanilang gingagalawan. Ang bawat miyembro ng lipunan ay inaasahang kikilos nang
may buong tapang at husay upang magbigay tulong sa lipunan. Sa ganitong paraan,
nakakasiguro tayo na sama-sama nating makakamit ang mga kabutihan upang

8
makapamuhay nang may kaganapan. Kaya naman, maaari nating sabihin na ang
layunin o tunguhin ng anumang lipunan ay ang pagkakamit ng Kabutihang Panlahat.

Ang tao bilang natatanging nilalang, ay kinakailangan ring magmula sa


natatanging institusyon, ang pamilya.

Bukod sa ating pamilya, mayroon pang ibang mga pangkat at institusyon na


tumutulong upang mahubog at malinang ang ating pagkatao. Tatalakayin iyan sa mga
susunod na aralin.

Kamusta ka na? Higit mo bang naunawaan ang kalikasan ng lipunan?


Naunawaan mo na ba ang mahalagang papel na ginagampanan mo sa pagbuo ng
lipunan, gayundin ang papel ng lipunan sa paglinang nang iyong pagkatao

Pagyamanin

Matapos nating maglakbay sa iba’t ibang pananaw tungkol sa lipunan, makabubuo ka


na kaya ng sarili mong depinisyon ng lipunan batay sa mga elementong ating pinag-
usapan? Subukan mong bumuo ng pansariling depinisyon ng lipunan. Isulat ito sa
iyong notebook o kwaderno.
Ipaliwanag ang iyong depinisyon sa loob ng apat na pangungusap.

Isaisip

Maaaring sabihin na ang ugnayan sa lipunan ay isang ugnayang symbiosis, ibig


sabihin, mayroong malapit na ugnayan ang magkakaibang organismo, i.e. tao sa tao,
tao sa institusyon o pangkat; nagtutulungan at may pagpapalitan ng paglilingkod sa
isa’t-isa.

https://www.youtube.com/watch?v=A316hjszL-g

Isagawa

Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagbuo ng matiwasay lipunan?


Maaari mong simulan ito sa iyong sa sariling pamilya at paaralan at pamayanang
kinabibilangan. Sa pamamagitan ng Recipe ng Maunlad at Mapayapang Lipunan,
subukan mong magtala ng mga paraan kung paano ka makatutulong sa pagpapaunlad
at pagpapanatili ng kapayapaan sa lipunan. Gawin ito sa iyong sa iyong notebook o
kwaderno.
9
Panuto: Recipe ng Maunlad at Mapayapang Lipunan

1. Sangkap na kinakailangan para maging maunlad at mapayapa ang lipunan.


2. Mga tiyak na sukat ng bawat sangkap, halimbawa: tasa, kutsara, kutsarira, kilo,
gramo at iba pa.
3. Pamamaraan kung anong gagawin sa mga sangkap.
Halimbawa: Ilagay ang isang kilong KATARUNGAN sa malaking bowl. Ilagay rin ang
isang kilong PAGMAMAHAL. Haluin ito gamit ang KOMUNIKASYON etc.

Tayahin

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat aytem/tanong. Isulat ang titik ng
pinakawastong sagot sa nakalaang patlang.

_____1. Ang layunin ng lipunan ay makamit ang _____


A. Kabutihang Panlahat
B. Pansariling Kabutihan
C. Pampamilyang Kabutihan
D. Kapayapaan at kaunlaran sa mundo

_____2. Sa lipunan, mahalagang bumubuo nang ugnayan upang _____


A. magtatag ng pamilya
B. magkaroon ng pagkakaisa
C. maging maunlad ang bawat isa
D. makamit ang iisang tunguhin o layunin

_____3. Lipon ng mga taong may kinabibilangang pangkat na may iisang layunin tungo sa
kabutihang panlahat.
A. Komunidad
B. Lipunan
C. Pamayanan
D. Sibil

_____4. Ang lipunan, pangunahin sa lahat, ay binubuo ng _____


A. Tao
B. Kultura
C. Barangay
D. Pagpapahalaga

_____5. Para kay Cooley at Durkheim, mahalagang gampanan ng bawat kasaping lipunan ang
kanilang mga _____
A. Ugnayan
B. Trabaho
C. Karapatan
D. Tungkulin

10
9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 2:
Ang Layunin ng Lipunan:
Kabutihang Panlahat

1
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Ang Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb CESE, DEM

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Paolo I. Carvajal

Editor: Narcie Fe M. Solloso

Tagasuri: Narcie Fe M. Solloso

Tagalapat: Ma. Fatima D. Delfin

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Narcie Fe M. Solloso
Pandibisyong Tagapag-ugnay/Pandistritong Tagamasid

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong


ng Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

2
Alamin

Binuo at isinulat modyul na ito na ikaw, aming minamahal na mag-aaral ang


isinasaalang-alang. Sa modyul na ito, inaasahan namin na matutunan mo nang may kahusayan
ang layunin ng lipunan na ating ginagalawan. Ang pagkakasunod-sunod ng mga aralin sa
modyul na ito ay naayon sa nakatakdang pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon. Nilalaman
ng modyul na ito ang aralin na:
 Ang Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
Matapos ang aralin na ito, inaasahan na:
1. Natutukoy mo ang mga elemento ng Kabutihang Panlahat
2. Nakapagsusuri ka nang mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa Kabutihang
Panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan.
3. Napangangatwiranan mo na ang pagsisikap ng bawat tao na makamit at mapanatili
ang Kabutihang Panlahat sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng moral na pagpapahalaga ay mga
puwersang magpapatatag sa lipunan.
4. Naisasagawa mo ang isang proyekto na makatutulong sa isang pamayanan o sektor
sa pangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan.

Subukin

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat aytem/tanong. Isulat ang titik ng pinakawastong
sagot sa nakalaang patlang.

_____1. Kabuuang kondisyon ng buhay panlipunan na nagbibigay sa mga tao, bilang indibidwal
o kasapi ng grupo, na makamit ang kaganapan ng buhay sa pinakamadaling pamamaraan.
A. Kabutihang Panlahat C. Pampamilyang Kabutihan
B. Pansariling Kabutihan D. Kapayapaan at kaunlaran sa mundo

A
_____2. C
_____3. E
_____4. Piliin ang tatlong elemento ng Kabutihang Panlahat
A. Kapayapaan
B. Kaunlaran
C. Paggalang sa Indibidwal na Tao
D. Paggalang sa Ari-arian ng bawat Tao
E. Katarungan o Kapakanang Panlipunan
F. Pagmamahal at Pagtutulungan ng Pamayanan

_____5. Sa pamamagitan nito, napangangalagaan ang dangal ng bawat tao.


A. Aksyon C. Buwis
B. Batas D. Karapatan

_____6. Tawag sa mga taong nakikinabang sa benepisyong dala ng Kabutihang Panlahat subalit
tumatanggi sa pagkilos upang itaguyod ito.
A. Back-rider C. Take-outer
B. Free-rider D. Zoom Master
_____7. Pangunahing tagapagtaguyod ng paggalang sa dangal ng tao
A. Awtoridad C. Frontliners
B. Kooperatiba D. Mamamayan

Panuto: Isulat ang TAMA o MALI kung ito ang ipinahahayag ng pangungusap. Isulat sa
nakalaang patlang ang tamang sagot.

T
_____8. Ang karapatan ng bawat tao ay magkaka-ugnay.
t
_____9. Ang Indibidwalismo ay hadlang sa pagkakamit ng Kabutihang Panlahat.
_____10.
m Ang Pluralismo ay hindi hadlang sa pagkamit ng Kabutihang Panlahat.

3
Aralin
Ang Layunin ng Lipunan:
1 Kabutihang Panlahat

Tila nagulantang ang buong mundo sa pagdating ng Novel Corona Virus 2019. Kahit ang malalaki
at mayayamang bansa ay tinamaan ng pandemyang ito. May mga historyador na nagsasabing
maaaring maging ikalawang Spanish Flu1 ang COVID-19 sa dami ng mga namatay kung hindi ito
mahahanapan nang lunas agad-agad. Isang malaking dagok sa sangkatauhan na namumuhay
sa makabagong panahon kung hindi natin ito malulutas. Subalit sa kabila ng pagsubok na ito ay
may kaakibat ring pag-asa na nakasalalay sa puso, kamay at paa ng bawat isa sa atin. Hindi pa
huli ang lahat. May magagawa pa tayo upang mapabuti ang ating hinaharap. Halina at muli
nating alamin ang mga paraan para mapanibago ang lipunang ating ginagalawan

Balikan

Anong mabuti ang nais mong makamit sa iyong sarili? Isulat sa loob ng mga bilog.

Tuklasin

Anumang pagsubok ay malalagpasan natin kung ang bawat isa ay magbabagong


isip at loob. Walang imposible kung ang bawat isa ay kikilos tungo sa kabutihan ng nakararami.
Tara at ating pakinggan ang mga awitin ng Smokey Mountain, isang kilalang singing group noong
dekada ’90 na binuo ng National Artist for Music, Ryan Cayanyab. Damahin natin ang bawat
salita sa lyrics upang higit nating maunawaan ang ating aralin. I-clink ang link na ito.

https://www.youtube.com/watch?v=ESyyEmhTpQ8

1 https://www.ibtimes.com/spanish-flu-versus-covid-19-which-one-worse-2937813;
https://www.health.com/condition/infectious-diseases/worst-pandemics-in-history

4
Better World
I dream that one day I dream that one day our songs in some way
Our voices will somehow fill the earth Will bring a bright tomorrow
With joy forever Full of love full of hope full of joy
I dream that someday
Our wishes will somehow soon come true
And last forever I see this one day
When all the world will hear us
I dream that one day our songs in some way That someday when all will stand before us
Will bring a bright tomorrow Singing one song together
Full of love Everywhere singing
Full of hope
Full of joy We are gonna love you, people of the world
We are gonna make you a better world
I see this one day We will all respect you, people of the world
When all the world will hear us We are gonna make you a better world
That someday when all will stand before us
Singing one song together We are gonna love you, people of the world
Everywhere singing We are gonna make you a better world
We will all respect you, people of the world
We are gonna love you, people of the world We are gonna make you a better world
We are gonna make you a better world
We will all respect you, people of the world
We are gonna make you a better world We are gonna love you, people of the world
We are gonna make you a better world
We will all respect you, people of the world
I dream that one day We are gonna make you a better world
Our voices will somehow fill the earth
With joy forever
I dream that someday A better world...
Our wishes will somehow soon come true
And last forever

Paraiso
Return to a land called paraiso Refrain 2:
A place where a dying river ends And if empty cans were all I have
No birds dare fly over paraiso What a joy!
No space allows them to endure I never fight to take someone else's coins
The smoke that screens the air and live with fear like the rest of the boys
The grass that's never there
Chorus:
Refrain 1:
And if I could see a single bird Paraiso, help me make a stand
What a joy! Paraiso, take me by the hand
I try to write some words and create Paraiso, make the world understand
A simple song to be heard by the rest of the That if I could see a single bird
world What a joy!
This tired and hungry land could expect
II. Some truth and hope and respect
I live in a land called paraiso From the rest of the world
In a house made of cardboard floors and walls
I learned to be free in paraiso
Free to claim anything I see
Matching rags for my clothes
Plastic bags for the colds

Pamprosesong Tanong
1. Anong mensahe ang ipinahihiwatig ng awitin? Pangatwiranan.
2. Anong uri ng pamayanan o lipunan ang nais mong kalakihan o pamuhayan? Ilarawan at
pangatwiranan.

Suriin

Noong nakaraang aralin, ating pinag-usapan ang mala-symbiotic na ugnayan ng lipunan


at ng tao: Ang lipunan na binubuo nang tao at ang tao na binubuo nang lipunan, wika nga ni
Dr. Manuel B. Dy. Jr.
Pangunahing elemento ng isang lipunan ang tao. Kung walang tao, wala ring masasabing
lipunan. Gayundin naman, ang tao bilang isang nilikhang hindi tapos ay nagtataglay ng
limitasyon sa kanyang sarili. At dito pumapasok ang papel ng lipunan. Sa pamamagitan ng
lipunan at ang iba pang mga institusyon (na iyong tatalakayin sa mga susunod na aralin) ay
pinauunlad nito ang kabuuan ng ating pagkatao. Dalawang dahilan kung bakit likas sa ating
mga tao ang mamuhay sa pamayanan at lipunan ayon kay Jacques Maritain, isang Pilosopong
Pranses:

5
1. “Dahil sa katotohanang hindi tayo
nilikhang perpekto at
likas sa ating magbahagi sa kapwa ng
kaalaman at pagmamahal.”

2. “Dahil sa ating
pangangailangan o kakulangan
mula sa materyal na kalikasan”

The Person and the Common Good, 1966

Bilang pangunahing elemento ng lipunan, ang bawat isa sa atin ay kinakailangang magtakda
at magtalaga nang ating isip at kilos-loob tungo sa mabuti: mabuti hindi lamang sa iilan, kundi para
sa nakakarami. Ito ang tinatawag na Kabutihang Panlahat.
Ang Kabutihang Panlahat ay ang kabuuang kondisyon ng buhay panlipunan na nagbibigay
sa mga tao, bilang indibidwal o kasapi ng grupo, na makamit ang kaganapan ng buhay sa
pinakamadaling pamamaraan.2
Ang ating pagkilos tungo sa Kabutihang Panlahat ay katulad ng ginagawang pagbubungkal
ng mga magsasaka sa lupain bago pa man nila ito taniman. Sinisiguro ng pagbubungkal na ang
lahat ng sangkap (hangin, tubig at nutrients) na kakailanganin ay naroroon upang ang mga binhi ay
lumago ng mabuti.
Kaya naman, anumang pagnanais at pagkilos mo tungo sa mabuti (bilang anak, kapatid,
mag-aaral, kaibigan etc.) ay iyong paraan ng pagbubungkal, isang paghahanda tungo sa kondisyon
na kung saan mapakikinabangan ng nakararami ang mga mabuting iyong inaasam para sa sarili.
Kung ikaw ay isang mag-aaral, nag-aaral ka ng mahusay hindi lamang upang maging matagumpay
ka sa karerang iyong pinili. Higit pa rito, nag-aaral ka ng mahusay upang makapaglingkod rin sa
lipunang iyong kinabibilangan. Hindi mo lamang napabubuti ang iyong sarili sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng sapat na sahod at magandang karera. Higit pa rito, ang pagiging magalang at
mapagmahal sa iyong pamilya, ang pagbabayad mo ng buwis, ang pagiging mabuti mo sa iyong mga
kasamahan at ang pagbabahagi mo ng iyong kaalaman at karanasan sa mga taong nasa ibaba mo,
ay ilan lamang sa maaari mong maging kontribusyon sa pagkakamit ng lipunang nagsasaalang-
alang sa Kabutihang Panlahat. Inilalatag mo ang isang kondisyon upang makamit rin ng iba ang
kaganapan ng kanilang pagkatao. Sa bawat kabutihan na iyong isinasaboy sa lipunan, parami ng
parami ang maaaring mahikayat na gumawa rin nito at unti-unti, nabubuo natin ang kondisyon
upang ang Kabutihang Panlahat ay ating makamit.
Mula sa naunang talakayan, ating makikita na ang pagkakamit ng Kabutihang Panlahat ay
hindi magic; isang pangarap o mithiin na nais makamit na walang ibinibigay na pagsisikap. Subalit
anong mga salik ang kailangan nating tandaan upang ang ating pagkilos tungo sa Kabutihang
Panlahat ay maging wasto?
MGA ELEMENTO NG KABUTIHANG PANLAHAT
Ang Kabutihang Panlahat ay mayroong tatlong mahahalagang elemento: 1. Ang
Paggalang sa Indibidwal na Tao, 2. Ang Panlipunang Kagalingan at Pag-unlad ng Pangkat/Grupo at
3. Kapayapaan.3
Ang Paggalang sa Indibidwal na Tao
Ang paggalang sa bawat tao ay paggalang sa kanyang dangal. Ito ay sapagkat ang bawat tao
ay nilikha ayon sa wangis at larawan ng Diyos, ibig sabihin, nasasalamin sa ating pagkatao ang
Diyos na lumalang sa ating lahat na pantay-pantay sa pamamagitan ng pamumuhay ayon sa
katotohanan at pagpili sa kabutihan. Walang sinumang nagtataguyod nang mapayapa, masagana
at maunlad na lipunan ang hindi gumagalang sa dangal ng bawat tao sa pamamagitan ng pagkilala
sa pantay na karapatan ng bawat isa.
Upang pangalagaan ang dangal na ito, ang bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang
karapatan sa lipunan. Ang mga pangunahing karapatan natin bilang mga Filipino ay makikita sa
1987 Saligang Batas ng Pilipinas, Artikulo III.4 Gayundin naman, bilang miyembro ng United
Nations, tayo rin ay tumatalima sa mga karapatan na nakasaad sa Universal Declaration of Human
Rights.5 Tungkulin ng bawat indibidwal na tao, higit sa lahat, ng mga nasa kapangyarihan o

2 SECOND VATICAN ECUMENICAL COUNCIL, Gaudium et Spes, 26: 1966


3Catechism of the Catholic Church, 1905-1912
4 https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/the-1987-constitution-of-the-republic-of-the-
philippines/the-1987-constitution-of-the-republic-of-the-philippines-article-iii/
5 https://www.un.org/en/universal-declaration-human-rights/

6
awtoridad na palagiang isaalang-alang ang pagtataguyod ng karapatan ng bawat tao sa anumang
polisiya o batas na kanilang binubuo at ipinatutupad.
Sa katotohanan, ang bawat batas na ipinatutupad ng mga nasa kapangyarihan o awtoridad
ay pagsasa-katawan ng mga karapatang pinangangalagaan natin. Ikaw, mayroon ka bang alam na
mga batas o ordinansang ipinatutupad sa inyong lugar? Anong karapatan kaya ang
pinangangalagaan nitong partikular na batas o ordinansa?
Isa sa pinaka-kilalang batas na ipinatutupad ngayong panahon ng pandemya ay ang
Republic Act 11469 o mas kilala sa tawag na Bayanihan to Heal as One Act.6 Sa kabuuan, sinasabi
ng batas na ito na:

Sa bahaging iyan, sinasabi kung bakit kinakailangang ipatupad ang batas. Sa iyong
palagay, anu-anong partikular na karapatan ang nais protektahan ng batas na ito? Makatutulong
kung iyong babalikan ang mga karapatan na nakasaad sa 1987 Saligang Batas ng Pilipinas,
Artikulo III at Universal Declaration of Human Rights.
Ang Panlipunang Kagalingan at Pag-unlad ng Pangkat
Ang pagbibigay halaga sa karapatan ay hindi lamang upang turuan mamuhay na mag-isa
ang tao. Higit pa rito, ang pakikibaka para sa paggalang sa karapatan ay upang makapamuhay ang
bawat tao na naaayon sa kanyang dangal: ang mamuhay sa lipunan ng may paggalang sa
karapatan ng bawat isa.
Upang mangyari ito, kinakailangang seguraduhin ng mga nasa kapangyarihan o awtoridad
na makatwirang mamagitan sa iba’t ibang interes ng tao upang makamit nila ang kaganapan ng
buhay.
Nakakamit ang inaasam na kagalingan at pag-unlad ng mga pangkat sa pamamagitan ng
pagbibigay ng pagkakataon sa bawat miyembro ng lipunan na makatanggap ng de-kalidad na
serbisyong pang-edukasyon, pang-kalusugan, pang-ekonomiya (trabaho, sahod), pang-seguridad
at pang-kultura. Maging ang pagbuo ng sariling pamilya ay kinakailangang bigyang pansin upang
maseguro na maayos na uusbong ang buhay may-asawa at pag-aaruga nang mga anak, na siyang
pundasyon ng matatag na lipunan.
Isang matibay na pruweba nito ay ang Social Amelioration Program na ipinatupad na
pamahalaan ngayong panahon ng pandemya. Target nitong mabigyang tulong ang mga indibidwal
at pamilyang matinding tinamaan ng kahirapan at sakit upang sa kabila ng pandemya ay patuloy
pa rin silang makapamuhay ng may dangal.

Kapayapaan
Ang kapayapaan ay mayroong apat na sangkap: 1. Ang paggalang at pag-iingat ng
karapatang pantao (Promotion and protection of human rights); 2. Ang pagsusulong nang buong pag-
unlad ng tao (Advancing integral human development); 3. Ang pagkilala at pagsuporta sa
pandaigdigang batas at mga samahan (Supporting international law and international organizations);
at 4. Pagbuo ng pagkakaisa sa bawat tao at bansa (Building solidarity between peoples and
nations).7
Ang pagkilos tungo sa kapayapaan ay walang kinikilalang hangganan. Bilang mga
mamamayan ng daigdig, hindi lamang tayo dapat nakikialam sa mga isyu sa ating sariling bansa.
Higit na mabuti kung tayo rin ay magpapahayag nang saloobin sa mga pangyayari sa labas ng
bansa. Ito ay dahil anuman ang nagyayari sa kung saan, mayroon itong epekto saan man tayo
naroroon. Halimbawa na lamang nito ay ang paglaganap ng COVID -19. Nagsimula ang lahat sa

6 https://officialgazette.gov.ph/downloads/2020/03mar/20200324-RA-11469-RRD.pdf
7 https://ploughshares.ca/pl_publications/roman-catholic-perspectives-on-peace/
7
ibang bansa subalit kahit tayo ay naapektuhan ng malaki. Sa ating paghahanap ng lunas, nakiisa
ang ating bansa sa Solidarity Trial8, na kung saan ang mga ginagawang bakuna ay susubuking
mapagaling ang mga kababayan nating may COVID-19.
Ang kapayapaan ay parehong pananaw at misyon. Ito ay pananaw sapagkat ito ang
nagbibigay direksyon sa ating mga pagkilos. Isa rin itong misyon sapagkat kung nagaasam tayo ng
kapayapaan, sisikapin nating kumilos “ayon sa katotohanan, na pinatatatag ng katarungan,
pinalalakas ng pag-ibig at isinasagawa ng may kalayaan.”9 Hindi maaari pangarapin ko ang
kapayapaan ng hindi ako kumikilos ayon sa mga prinsipyong ito.
MGA HADLANG SA PAGKAMIT NG KABUTIHANG PANLAHAT
Sa pagkakamit ng anumang adhikain siguradong mayroon tayong kahaharapin na mga
hadlang. Ang mga hadlang na ito ay maaaring maging motibasyon o balakid upang higit tayong
magpursigi upang makamit ang ating adhikain. Sa pagkakataong ito, ating alamin ang iba’t ibang
balakid sa pagkakamit ng Kabutihang Panlahat.
Sinasabing mayroong apat na balakid sa pagkamit ng Kabutihang Panlahat. Ang mga ito ay
ang mga sumusunod: 1. Pluralismo; 2. Pakikinabang sa benepisyong dala ng Kabutihang Panlahat
samantalang tinatanggihan ang pagsuporta sa pagkakamit nito; 3. Indibidwalismo; at 4. Hindi
pantay na hatian sa mga pasanin.
1. Pluralismo
Magkakaiba ang bawat tao. Kahit sa isang pamilya, maraming pagkakaiba ang bawat
miyembro nito: edad, papel na ginagampanan, paniniwala at pagpapahalaga. Hindi madali sa lahat
ng pagkakataon, para sa isang pamilya na magkasundo sa iisang tunguhin. May mga pagkakataon
na dumaraan sa pagtatalo at hindi pagkakaintindihan ang bawat miyembro dahil na rin sa
pagkakaiba-iba ng personalidad at pagpapahalaga. Yun nga lang, mas madali sa isang pamilya ang
magkasundo dahil na rin sa pagmamahal sa isat-isa at sa dugong nananalantay sa kanila.
Subalit hindi ganito ang sitwasyon sa lipunan. Sa unang aralin, napag-alaman mo na ang
lipunan ay binubuo nang mga tao na bumubuo ng ugnayan sa isa’t isa sapagkat mayroon silang
tunguhin na nais makamit. Dagdag pa rito, maaaring malinaw ang tunguhin sa lahat subalit
magkakaroon pa rin ng pagkakaiba sa paraan ng pagkakamit ng tunguhin. Ito ang ibig sabihin ng
pluralismo. Sinasabing ang prinsipyo ng Kabutihang Panlahat ay salungat sa maka-pluralismong
lipunan na kung saan tayo nabubuhay ngayon10 sapagkat bawat tao ay may kani-kaniyang
pagpapahalaga o pananaw sa iisang reyalidad. Higit pa rito, ang opinyon o pagpapahalaga ng
nakararami ang siyang nangingibabaw samantalang nababalewala ang sa iilan.
Naaalala mo ba ang mga panahong ikaw ay nasa klase at nagkakaroon kayo ng group work?
Palagi ba kayong nagkakasundo sa mga paraan na inyong gagawin upang makamit ang inyong
tunguhin? Hindi ba’t may mga pagkakataon na kayo ay nagtatalo talo? At sa kalaunan ay mayroong
iba na mas pinipili na lang na tumahimik o di kaya ay magparaya sa nais ng nakararami kapalit
ang kanilang sariling paniniwala.
2. Pakikinabang sa benepisyong dala ng Kabutihang Panlahat samantalang tinatanggihan ang
pagsuporta sa pagkakamit nito o ang isyu ng free-riders
“Ang pinakamasarap sa buhay ay ang libre”, wika ng isang pahayagan. Totoong masarap
ang libre. Nalulugod tayo sa tuwing nakukuha natin ang ating mga gusto ng walang kapalit na pera
o anumang pagsisikap mula sa atin.
Sa malawakang pananaw, may mga ganitong sitwasyon rin ang nangyayari sa ating lipunan.
Marami sa atin ang nagnanais ng kapayapaan at katahimikan. Inaasam natin ang tagumpay at
kasiyahan. Minimitihi natin ang katarungan at pagkakapantay-pantay. Lahat tayo ay nagdiriwang
sa mga tagumpay na nasa ating paligid. Subalit ang higit na malaking tanong ay kung handa ba
tayong makiisa, makialam, masaktan, mapagod, magutom at lahat ng mga hindi kaaya-ayang
sitwasyon kapalit ng mga magagandang bagay na ating inaasam? Kung hindi, isa tayo sa mga
tinatawag na free-riders na nakikinabang lamang sa mga benepisyo ng Kabutihang Panlahat subalit
umiiwas tayo sa mga kaakibat na pagkilos upang patuloy na mapakinabangan ito sa hinaharap.
Bilang isang mag-aaral, pinakikinabangan mo ang libreng edukasyon na bigay ng ating
pamahalaan. Oo, ito ay iyong karapatan at tungkulin ng pamahalaan. Sa pamamagitan ng mga
buwis ng mga bawat mamamayang nagtatrabaho kaya ka nakapag-aaral ng libre. Ginagawa ito ng
pamahalaan sapagkat itinuturing ka nila bilang isang investment o kapital ng bansa sa hinaharap.
Ang tanong, nag-aaral ka ba ng mabuti? Ibinibigay mo ba ang buong husay mo sa pag-aaral upang
makuha mo ang sapat na kaalaman at kasanayan na makatutulong sa iyo at sa bansa na
magkaroon ng magandang hinaharap? O sapat na sa iyo ang passing grades?

8 https://cnnphilippines.com/news/2020/5/23/philippines-covid-19-vaccine-clinical-trials.html;
https://cnnphilippines.com/news/2020/5/20/At-least-150-Filipinos-take-part-in-WHO-solidarity-
trial.html
9 https://www.papalencyclicals.net/john23/j23pacem.htm
10 https://www.scu.edu/ethics/ethics-resources/ethical-decision-making/the-common-good/

8
3. Indibidwalismo
“Kung saan ka masaya, suportahan kita.” Isang popular na kasabihan nating mga Filipino.
Ipinapakita lamang nito ang pagiging pangunahin ng indibidwal na kalayaan at karapatan. May
mga pagkakataon na hinahayaan natin ang ating kapwa na gawin ang anumang kaniyang naisin
basta hindi tayo tuwirang naapektuhan nito. “Hayaan mo siya, buhay niya iyan. Huwag tayong
makialam.”
Sa pagsusuri, ang ganitong uri ng prinsipyo ay nakapagpapahirap sa pagkamit ng
Kabutihang Panlahat. Ito ay dahil nasasanay ang mga tao na hindi nagbibigay konsiderasyon para
sa tunay na kabutihan ng nakararami. Halimbawa na lamang ay ang pagsunod sa mga
ipinatutupad ng pamahalaan upang maiwasan at mabawasan ang pagkalat ng pandemya. Sa
kabila ng paulit ulit na paalala ng pamahalaan, marami pa rin ang lumabag sa utos na ito. Mula
sa mga opisyal ng pamahalaan hanggang sa maliit nating kababayan ay may paglabag sa social
distancing protocol na ipinatutupad ng pamahalaan. Sa ganitong sitwasyon, paano natin
epektibong malalabanan ang COVID-19?
Ang isang taong tunay na Malaya ay yaong gumagawa ng tama at mabuti. Hindi na
kailangan ng mga nakasulat na paalala o batas na ipinatutupad sapagkat ang batas ay nasa
kaniyang isip at kilos-loob na. Alam ng taong tunay na malaya na tanging sa pagsasakatuparan
niya ng tama at mabuti, na ang Kabutihang Panlahat ay makakamit.

4. Hindi pantay na hatian sa mga pasanin.


Ang pagpapanatili ng Kabutihang Panlahat ay nangangailangan na mayroong indibdwal o
partikular na pangkat ay magpasan ng higit na mabigat na tungkulin sa pagpapanatili ng
Kabutihang Panlahat kumpara sa iba. 11 Ngayong panahon ng pandemya, higit na malaking papel
ang ginampanan ng mga duktor at nars, pulis at sundalo sa maayos na pagpapatakbo ng bansa.
Dahil sa kakulangan ng pondo at mga kakailanganing gamit upang epektibo nilang magampanan
ang kanilang trabaho, may ilan na sa kanilang hanay ang nakapag-buwis ng buhay na. Ang
pwersahang pagpapapasan ng hindi pantay na bigat upang mapanatili ang Kabutihang Panlahat
ay maaaring sabihin na kawalang katarungan sa parte ng mga frontliners.12

Pagyamanin

Balikan ang depinisyon ng Kabutihang Panlahat mula sa aralin. Piliin ang mahahalagang parirala na
bumubuo sa rito. Pagkatapos, sa iyong notebook o kwaderno, ipaliwanag ang bawat parirala gamit ang
mga larawan na maaari mong kunin sa lumang pahayagan o internet.

4 1

3 2

11 ibid
12 ibid
9
Isaisip

Buuin ang sumusunod na pangungusap ayon sa natutunan sa aralin .

Isagawa

Bumuo ng isang Plano ng Pagkilos na iyong nais isakatuparan upang maipakita mo ang iyong
pakikiisa sa pagkamit ng Kabutihang Panlahat. Gamitin ang pormat sa ibaba. Gawin ito ng may
buong husay at katapatan. Maglagay ng mga larawan ng pagsasakatuparan nito.
Gawain/Proyekto Layunin Petsa ng Mga kakailanganin
/Programa Pagsasakatuparan

Tayahin

Tama o Mali. Isulat ang Tama o Mali sa mga nakalaang patlang kung ito ang ipinahahayag ng
bawat pangungusap. Kung mali, palitan ang mga may salungguhit at palitan nang tamang salita
o parirala.
t
_____1. Ang Kabutihang Panlahat ay nakakamit sa pagmamagitan ng pagtutulungan, pagkakaisa
at pagsasakripisyo.
m
_____2. Ang Kabutihang Panlahat ay isang magic; isang pangarap o mithiin na nais makamit ng
walang ibinibigay na pagsisikap.hindi isang magic
t
_____3. Sinumang minimithi ang Kabutihang Panlahat ay gumagalang din sa dangal ng bawat tao.
_____4. Ang pagkilala at paggalang sa karapatan ng kapwa ay hindi kailangan sa pagbuo ng
lipunang nagsasaalang-alang sa Kabutihang Panlahat.kailangan
t
_____5. Ang kapayapaan ay naayon sa katotohanan, na pinatatatag ng katarungan, pinalalakas
ng pag-ibig at isinasagawa ng may kalayaan.

10
9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3:
Lipunang Politikal
Prinsipyo ng Solidarity at
Prinsipyo ng Subsidiarity

1
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Solidarity at Subsidiarity
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb CESE, DEM

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Paolo I. Carvajal

Editor: Narcie Fe M. Solloso

Tagasuri: Paolo I. Carvajal at Narcie Fe M. Solloso

Tagalapat: Diane Marie B. Lavarias

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Narcie Fe M. Solloso
Pandibisyong Tagapag-ugnay/Pandistritong Tagamasid

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

2
Alamin

Ang aralin sa modyul na ito ay binuo upang gisingin ang iyong kamalayan aming
mahal na mga mag – aaral upang matuklasan at maingat mong suriin ang iyong
gampanin at mahalagang kontribusyon sa Lipunang Politikal upang matagumpay na
makamit ang layunin nito, ang Kabutihang Panlahat. Kaakibat sa tagumpay nito ay ang
pagpapamalas mo ng mahahalagang prinsipyo ng Subsidiarity at Solidarity na
makatutulong sa pagpapa-unlad nang lipunan. Ito ay isinaayos ayon sa itinakdang
pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon. Nilalaman ng modyul na ito ang aralin na:

Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Solidarity

Matapos ang araling ito, inaasahan na:

1. Naipaliliwanag ang:
a. dahilan kung bakit may lipunang pulitikal
b. Prinsipyo ng Subsidiarity
c. Prinsipyo ng Pagkakaisa.

2. Natataya ang pag-iral o kawalan sa pamilya, paaralan, baranggay, pamayanan,


o lipunan/bansa ng:
a. Prinsipyo ng Subsidiarity
b. Prinsipyo ng Pagkakaisa

Subukin

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat aytem/tanong. Isulat ang titik ng
pinakawastong sagot sa nakalaang patlang.

_____1. Siya ang batayan at layunin ng Lipunang Politikal


A. Mamamayan
B. Pamilya
C. Pangulo
D. Tao

_____2. Ang mga piling indibidwal na inatasan upang mamuno sa Lipunang Politikal ay
inaasahan na palaging isasaalang-alang ang ____ ng mga mamamayan
A. Ganap na Pag-unlad
B. Kalusugan at Edukasyon
C. Personal na Kabutihan
D. Trabaho at Seguridad

_____3. Pinakauna sa lahat ng layunin ng Lipunang Politikal


A. Pagbibigay ng libreng edukasyon
B. Pagbibigay pagkakataon upang makapagtrabaho
C. Pag-iwas sa pagtatangi
D. Pagtatanggol sa karapatan

3
_____4-5. Ang tunay na lipunang politikal na naghahangad nang Kabutihang Panlahat ay
yaong tuloy-tuloy na lumilikha nang kapaligiran na kung saan ang bawat mamamayan ay may
pagkakataong tamasahin ang kanilang mga ______ at tupdin ang kanilang mga _____.
A. buhay : pagmamahal
B. karapatan : tungkulin
C. sweldo : trabaho
D. yaman : pananagutan

_____6. Ang prinsipyo ng Solidarity ay tunay ngang maisasakatuparang kung mayroong _____
A. Pagkakampihan
B. Pagkakaunawaan
C. Pagmamahalan
D. Pagtutulungan

_____7-8. Magbigay ng dalawang pagpapahalaga/kabutihang-asal na binibigyang diin ng


prinsipyo ng Solidarity. Kabutihang panlahat at tungkulin

_____9-10 Magbigay ng dalawang pagpapahalaga/kabutihang-asal na binibigyang diin ng


prinsipyo ng Subsidiarity Pagiging natatangi ng tao at karapatan

Aralin Lipunang Politikal


Prinsipyo ng Solidarity at
1 Prinsipyo ng Subsidiarity

“Whatever It takes…”

Naalala mo pa ba ang mga katagang iyan?

Isang napakahalagang linya mula sa pelikulang Avengers: Endgame! Tatlong


salita na naging gabay ng bawat isang superheroes upang ipaglaban ang kabutihan,
kapalit man ng kani-kanilang mga buhay.

Ikaw, nasabi mo na ba ang kaparehas na mga kataga lalo na sa pagkamit mo ng


mabuti sa iyong buhay? Nagkaroon ka na ba ng pagkakataon upang pangunahan ang
pagkilos tungo sa mabuti? Nagdulot ba ng kabutihan para sa iba ang ginawa mong
pagkilos?

Halina’t ipagpatuloy natin ang ating paglalakabay sa pagbuo ng lipunang


masigasig na kumikilos tungo sa pagkakaisa at pagtutulungan!

Balikan

Noong nakaraang aralin, natutunan mo na pangunahing tungkulin ng mga


awtoridad o mga nasa kapangyarihan ay ang pagsasaalang-alang at pagtataguyod ng

4
dignidad at karapatan ng bawat tao sa anumang polisiya o batas na kanilang binubuo
at ipinatutupad upang makapagbigay sila ng pagkakataon upang makamit nila
kaganapan ng buhay.

Ngayong panahon ng pandemya, anu-anong mga polisiya o batas na kanilang


binuo at ipinatupad upang mapangalagaan ang lahat ng mamamayan? Sa ibaba,
sundan at gawin mo ang nasa table.

Polisiya/Batas/Ordinansa Ahensiya na Pangunahing Dahilan ng


Nagpapatupad Pagpapatupad
Hal. Pag-upgrade ng mga Department of Upang maiwasan o
pampublikong sasakyan Transportation, Land mabawasan physical
Transportation Office contact lalong-lalo na sa
pagbabayad ng
pamasahe
1.
2.
3.
4.
5.

Tuklasin

Ang awtoridad o ang kapangyarihan na ibinibigay sa piling indibidwal ay umiiral


para sa partikular na layunin: ang maglingkod at hindi ang paglingkuran. Sa oras na
ang pinaglilingkuran na ay ang piling indibidwal at hindi ang mamamayan, dito na
pumapasok ang suliranin, kaguluhan at pahihiwa-hiwalay. Ang ganitong sitwasyon ng
paghihiwa-hiwalay ay hindi lamang nararansan sa ating bansa. Kahit sa Europa at iba
pang bahagi ng mundo ay patuloy na nararanasan ito.

Halina’t ating pakinggan ang awiting isinulat nang Scorpions sa pagbasak ng


Berlin Wall noong huling bahagi ng dekada 80’.

https://www.youtube.com/watch?v=n4RjJKxsamQ

Wind of Change
(Song by Scorpions) Where the children of tomorrow
dream away (dream away)
In the wind of change
I follow the Moskva
Down to Gorky Park Walking down the street
Listening to the wind of change Distant memories
An August summer night Are buried in the past forever
Soldiers passing by I follow the Moskva
Listening to the wind of change Down to Gorky Park
Listening to the wind of change
The world is closing in
Did you ever think Take me to the magic of the moment
That we could be so close, like On a glory night
brothers Where the children of tomorrow
The future’s in the air share their dreams (share their
I can feel it everywhere dreams)
Blowing with the wind of change With you and me
Take me to the magic of the moment
Take me to the magic of the On a glory night
moment 5
On a glory night
Pamprosesong Tanong:
1. Anong mensahe ang ipinahihiwatig ng awitin? Pangatwiranan.

2. Mayroon bang pagkakatulad ang mga pangyayari sa ating bansa sa kontekstong


panlipunan ng awitin na inyong pinakinggan? Pangatwiranan.

Suriin

Tao: Ang Batayan at Layunin ng Lipunang Politikal

Ang tao ang batayan at layunin ng Lipunang Politikal.1 Bilang tanging nilalang
na mayroong isip (intellect) at kilos-loob (will), ang tao ay mayroong pananagutan sa
lahat ng kaniyang piniling pasya at kakayahan upang makamit ang mga itinakdang
layunin na magbibigay kahulugan sa kaniyang buhay sa pansarili at panlipunang
antas. Subalit ayon na rin sa naunang aralin, dahil sa ating pangangailangan o
kakulangan mula sa materyal na kalikasan kaya kinakailangan nating magbuklod-
buklod upang makamit ang ating mga layunin sa paraang may kaayusan, kabutihan at
naaayon sa pamantayang moral.2 Katulad ng mga Avengers, hindi sapat ang kakayahan
ng isa. Kinakailangan nilang magsama-sama, italaga ang kanilang isip at kilos-loob sa
iisang misyon at isantabi ang kanilang hindi pagkakaintindihan para sa higit na mataas
na layunin.

Subalit bukod sa pagkakaisa nila upang magapi ang kalaban, mahalaga rin ang
ginampanang papel ni Captain America bilang lider o ulo ng grupo. Hindi siya mayaman
katulad ni Iron-Man, o matalino katulad ni Incredible Hulk o kasing lakas katulad ni
Thor. Subalit mayroon siyang integridad. Siya ang itinuturing na moral compass ng
grupo. Sumusunod sa kaniya ang ibang miyembro, hindi dahil sa takot o pwersa kundi
dahil sa mabubuti at ma-prinsipyong kilos niya bilang tao. Higit sa lahat, dahil sa
kaniyang katapatan ng isip at kilos-loob ay napakikilos niya ang grupo upang magapi
ang mga kalaban.

Ito marahil ang diwa ng lipunang politikal: ang pagkakaroon ng mga piling
indibidwal o lider na may integridad sa pamamahala at pamumuno na walang ibang
isinasaalang-alang kundi ang pagkakamit ng ganap na pag-unlad ng bawat miyembro
ng lipunan3 at gayundin naman, ang mga mamamayan na tumutugon sa tawag ng
pakikiisa upang makabuo ng isang kondisyon na kung saan makakamit ng bawat isa
ang kaniyang kaganapan.4

Kauna-unahan sa lahat ng layunin ng Lipunang Politikal ay ang pagkilos tungo


sa pagkilala at paggalang sa dangal ng bawat tao sa pamamagitan pakikibaka at
pagtatanggol sa mga pangunahin at hindi maipagkakait (fundamental and inalieanable)

1 SECOND VATICAN ECUMENICAL COUNCIL, Pastoral Constitution Gaudium et Spes, 25: 1966;
Catechism of the Catholic Church, 1881.
2 John XXIII, Encyclical Letter Mater et Magistra: AAS 53 (1961), 450
3
SECOND VATICAN ECUMENICAL COUNCIL, Pastoral Constitution Gaudium et Spes, 74 AAS 58
(1996), 1095-1097
4
ibid
6
na mga karapatan. 5 Ang mga karapatan na nag-iingat sa buhay, kalayaan,
pagmamay-ari at pagkakamit ng kaligayan6 ay ilan lamang sa kinikilalang pangunahing
karapatan. Gayundin naman, mahalagang maunawaan na ang bawat karapatan ay
mayroong kaakibat na mga tungkulin; dalawang mukha ng iisang katotohanan na
nagsisilbing buod sa pagbuo nang lipunang politikal. Kung sinasabi mong ikaw ay
mayroong karapatang makapag-aral, samakatwid, mayroong ka namang tungkulin na
mag-aral ang mabuti anumang modalities o pamamaraan ng pag-aaral ang maibibigay
ng DepEd. Magsisikap kang mag-aral anumang limitasyon ang maaari mong kaharapin.

Ang tunay na lipunang politikal na naghahangad nang Kabutihang Panlahat ay


yaong tuloy-tuloy na lumilikha nang kapaligiran na kung saan ang bawat mamamayan
ay may pagkakataong tamasahin ang kanilang mga karapatan at tupdin ang kanilang
mga tungkulin.7 Sa pamamagitan ng mga batas at mga polisiya, sinisiguro ng
pamahalaan na ang mga pangunahin at hindi maipagkakait na mga karapatan ay
naiingatan at patuloy na nakakamit nang bawat tao ang kaniyang mga
pangangailangan. Ang pagpapasa nang Republic Act 11469 o mas kilala sa tawag na
Bayanihan to Heal as One Act8 ay sumisiguro na tayo ay maiingatan sa panahon ng
pandemya. Sinisikap nitong bigyan ng ayuda o tulong ang bawat Filipino, lalu’t higit
ang mga mahihirap. Ikaw, paano ka nakikiisa upang maging epektibo ang
pagpapatupad nang batas na ito?

Prinsipyo ng Solidarity

Ito ang prinsipyo ng pagkakaisa. Mayroong pangunahing pagkakapantay-pantay


at kapatiran ang bawat tao dahil na sa parehong pinagmulan at kalikasan.9 Ang
pagsasama-samang ito ay makapangyayari lamang kung ang bawat tao ay magpapakita
ng pagmamahal sa bawat isa na may kaparehas na layunin: ang makamit ang
kaligayahan, ang Summum Bonum,10 o Greatest Good, ang Diyos.11 Una nating
naranasan ang pagmamahalan na ito sa ating pamilya bilang unang paaralan at an
gating magulang, bilang mga unang guro. Noong ikaw ay nasa Baitang Walo (8),
tinalakay ninyo ang aralin sa pagiging orihinal na paaralan ng pagmamahalan nang
pamilya.12 Tanging sa pagmamahal sa kapwa natin makakamit at maisasakatuparan
ang ating mga minimithi.13

Bilang panlipunang nilalang, ang tao ay mayroong pangangailangan na magbigay


at tumanggap nang tulong mula sa kaniyang kapwa. Ito ay sapagkat batid ng bawat isa
an gating mga kakulangan na maaari nating mapunan sa pamamagitan ng kapwa. Ito
ay maliwanag na pagpapakita na ang Likas Batas Moral ay nasa ating pagkatao,

5John XXIII, Encyclical Letter Pacem in Terris: AAS 55 (1963), 273; cf. Catechism of the Catholic
Church, 2237; John Paul II, Message for the 2000 World Day of Peace, 6: AAS 92 (2000), 362; John
Paul II, Address to the Fiftieth General Assembly of the United Nations (5 October 1995), 3

6 https://famguardian.org/Subjects/Politics/ThomasJefferson/jeff0100.htm
7 Compendium of the Social Doctrine of the Church, 399
8 https://officialgazette.gov.ph/downloads/2020/03mar/20200324-RA-11469-RRD.pdf
9 de Torre. Joseph M., The Roots of Society The Metaphysical Ground of Social Ethics. (Manila: Sinag-

Tala Publishers, Inc., 1984) pp. 18-22


10 Agapay, Ramon B., Ethics and the Filipino. 2nd Edition (Mandaluyong: National Bookstore, 2008) p.

51
11 de Torre. Joseph M., The Roots of Society The Metaphysical Ground of Social Ethics. (Manila: Sinag-

Tala Publishers, Inc., 1984) pp. 18-22


12 EsP Modyul para sa Mag-aaral Ikawalong Baitang (2014) p.15
13 de Torre. Joseph M., The Roots of Society The Metaphysical Ground of Social Ethics. (Manila: Sinag-

Tala Publishers, Inc., 1984) pp. 18-22

7
sapagkat ang pagbuo ng ugnayan sa kapwa tao ay isa sa mga pagkiling (inclination) ng
Likas Batas Moral.

Binibigyang diin ng prinsipyo ng Solidarity ang pagkakaroon ng Kabutihang


Panlahat, tungkulin, pagtutulungan at pagkakapantay-pantay.14

Prinsipyo ng Subsidiarity

Ang prinsipyo ng Subsidiarity o karagadagang tulong ay nangangahulugan na


binibigyang pagkakataon at kalayaan ng nakatataas na awtoridad/lupon ang mas
mababang awtoridad/lupon upang bumuo nang mga plano at hakbangin upang
mapabuti ang kanilang kalagayan.15 Ang nasabing plano at hakbang ay hindi
pinanghihimasukan nang nakatataas na awtoridad/lupon hangga’t naaayon sa
pamantayan.

Bilang mga nilalang na may talino (rational creature), ako at ikaw ay mayroong
kakayahang panibaguhin ang kasalukuyang sitwasyon na ating kinapapalooban upang
higit na mapabuti ang ating kalikasan. Mayroon tayong likas na kakayahan, ang ating
isip, upang gamitin natin sa ating tuloy-tuloy na paghubog.

Makikita rin ang prinsipyong Subsidiarity sa ating mga pamilya o sa mga


pamayanang ating kinabibilangan. Noong tayo ay mga sanggol pa, mula sa ating
pagkain, damit hanggang sa pag-aaral ay umaasa tayo sa ating kapamilya. Subalit
ngayon, mayroon na tayong kakayahang kumilos sa ating sarili. Hindi na tayo
sinusubuan sa pagkain; bagkus alam at kaya na nating kumain ng maayos. Hindi na
tayo binibihisan, bagkus marunong na tayong manumit ng naaayon sa okasyon. Unti-
unti na rin tayong binibigyan ng mga tungkulin sa bahay bilang pakikiisa sa pamilya.
Unti-unti, ang ating mga saloobin ay mahalaga na ring mapakinggan at mabigyan ng
konsiderasyon sa mga isyung nakakaaapekto sa pamilya. Lahat ng ito ay mga
konkretong pagpapakita kung paanong ang prinsipyong Subsidiarity ay
nakapangyayari sa pamilya.

Ang prinsipyo ng Subsidiarity ay nagbibigay din naman sa pagiging natatangi ng


tao, karapatan, kahalagahan ng privacy at kalayaan.16

Panoorin ang video para sa karagdagang kaalaman tungkol sa prinsipyo ng


Subsidiarity. I-click ang link na ito.

https://www.youtube.com/watch?v=zs9dzodRdsc&t=81s

“Whatever It takes…” Sa isang piling indibidwal na namumuno, marahil ay


gagawin niya ang lahat upang paglingkuran ang kaniyang nasasakupan. Tama! Subalit
huwag sanang makalimutan na ang pangunahing konsiderasyon ng bawat namumuno
ay ang sama-samang pag-unlad at pagkakamit ng kasiyahan na iginagalang pa rin ang
pagiging natatangi ng bawat isang nilalang.

14
ibid
15
ibid
16
ibid
8
Pagyamanin

Matapos mong maunawaan ang Lipunang Politikal, mga prinsipyo ng Solidarity at


Subsidiarity, handa ka na ba upang isabuhay ito? Upang higit mong mapagyaman subukan
mong gawin ito.

Sa loob ng kahon, pumili ka ng isang larawan mula sa anumang pahayagan o internet


na pinakamalapit na paglalarawan nang konseptong iyong natutuhan. Kasunod nito,
ipaliwanag ang larawan at ang kaugnayan nito sa nasabing konsepto.

1 2 3
Lipunang Politikal Solidarity Subsidiarity

Isaisip

Whatever It Takes?! Oo! Gagawin ang lahat maiparamdam lamang ang pagmamalasakit
at pagmamahal sa kapwa Filipino. Tandaan mo na mayroon tayong likas na kapangyarihan
na ipinagkaloobo ng Diyos sa atin: ang Isip at Kilos-loob. Ibinigay niya ang mga ito upang sa
kabila ng mga balakid ay patuloy pa rin tayong makaisip at makagawa ng paraan, makatulong
lamang sa ating kapwa.

Halina at ating tunghayan ang kwento ng pakikiisa at pagtutulungan nang ating mga
kapwa Filipino. I-click ang link na ito.

https://www.youtube.com/watch?v=iyRtH0nnq-A

Isagawa

Umisip at bumuo nang isang proyektong pampamayanan na maaari mong isakatuparan


kasama ng iyong mga kaibigan o pamilya, sa kabila ng pandemya. Makipag-ugnayan sa mga
opisyal ng inyong barangay upang tulungan ka sa iyong proyekto. Sagutan ang kahon sa ibaba.

9
Pamagat ng Mga Target na Petsa ng Mga gamit na Badyet
Proyekto Layunin Pagsasakatuparan kakailanganin
1.

2.

3.

Tayahin

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat aytem/tanong. Isulat ang titik ng
pinakawastong sagot sa nakalaang patlang.

_____1-2. Pumili sa kahon ng dalawang pagpapahalaga/kabutihang-asal na binibigyang-diin


ng prinsipyo ng Subsidiarity.

_____3-4. Pumili sa kahon ng dalawang pagpapahalaga/kabutihang-asal na binibigyang-diin


ng prinsipyo ng Solidarity.

_____5. Ang prinsipyo ng Solidarity ay tunay ngang maisasakatuparang kung mayroong _____
A. Pagkakampihan C. Pagmamahalan
B. Pagkakaunawaan D. Pagtutulungan

_____6-7. Ang tunay na lipunang politikal na naghahangad nang Kabutihang Panlahat ay


yaong tuloy-tuloy na lumilikha nang kapaligiran na kung saan ang bawat mamamayan ay may
pagkakataong tamasahin ang kanilang mga ______ at tupdin ang kanilang mga _____.
A. buhay : pagmamahal C. sweldo : trabaho
B. karapatan : tungkulin D. yaman : pananagutan

_____8. Pinakauna sa lahat ng layunin ng Lipunang Politikal


A. Pagbibigay ng libreng edukasyon
B. Pagbibigay pagkakataon upang makapagtrabaho
C. Pag-iwas sa pagtatangi
D. Pagtatanggol sa karapatan

_____9. Ang mga piling indibidwal na inatasan upang mamuno sa Lipunang Politikal ay
inaasahan na palaging isasaalang-alang ang ____ ng mga mamamayan
A. Ganap na Pag-unlad
B. Kalusugan at Edukasyon
C. Personal na Kabutihan
D. Trabaho at Seguridad

_____10. Siya ang batayan at layunin ng Lipunang Politikal


A. Mamamayan
B. Pamilya
C. Pangulo
D. Tao

10
9
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 4:
Lipunang Politikal
Prinsipyo ng Solidarity at
Prinsipyo ng Subsidiarity

1
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at
Solidarity
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang- sipi
sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang
sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala/Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb CESE, DEM

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Paolo I. Carvajal

Editor: Narcie Fe M. Solloso

Tagasuri: Paolo I. Carvajal at Narcie Fe M. Solloso

Tagalapat: Diane Marie B. Lavarias

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Narcie Fe M. Solloso
Pandibisyong Tagapag-ugnay/Pandistritong Tagamasid

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

2
Alamin

Ang aralin sa modyul na ito ay binuo upang gisingin ang iyong kamalayan aming
mahal na mga mag – aaral upang matuklasan at maingat mong suriin ang iyong
gampanin at mahalagang kontribusyon sa Lipunang Politikal upang matagumpay na
makamit ang layunin nito, ang Kabutihang Panlahat. Kaakibat sa tagumpay nito ay ang
pagpapamalas mo ng mahahalagang prinsipyo ng Subsidiarity at Solidarity na
makatutulong sa pagpapa-unlad nang lipunan. Ito ay isinaayos ayon sa itinakdang
pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon.

Nilalaman ng modyul na ito ang aralin na:

Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Solidarity

Matapos ang araling ito, inaasahan na:

1. Napatutunayan na:
a. May mga pangangailangan ang tao na hindi niya makakamtan bilang
indibidwal na makakamit niya lamang sa pamahalaan o organisadong pangkat tulad
ng mgapangangailangang pangkabuhayan, pangkultural, at pangkapayapaan.
b. Kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity, mapananatili ang pagkukusa,
kalayaan at pananagutan ng pamayanan o pangkat na nasa mababang antas at
maisasaalang-alang ang dignidad ng bawat kasapi ng pamayanan.
c. Kailangan ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisikap na mapabuti ang
uri ng pamumuhay sa lipunan/bansa, lalo na sa pag-angat ng kahirapan, dahil
nakasalalay ang kaniyang pag-unlad sa pagunlad ng lipunan (Prinsipyo ng Pagkakaisa).

2. Nakapagtataya o nakapaghuhusga kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity at


Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa pamilya, paaralan, pamayanan (baranggay), at
lipunan/bansa.

3
Subukin

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat aytem/tanong. Isulat ang titik ng
pinakawastong sagot sa nakalaang patlang.

B&F
_____1-2. Dalawang dahilan ng pag-iral ng pamahalaan.
ang paglingkuran at pangalagaan ang kaniyang mamamayan.
C
_____3. Sa pamamagitan ng ating _____ inaatasan natin ang mga piling indibidwal
upang pamunuan tayo. pagpayag

_____4. Katawagan sa paraan ng pagtutulungan at pagdadamayan ng mga Filipino.


E

H
_____5. Tawag sa bagong batas na inaprubahan ng Kongreso upang maipagpatuloy ang
sistematikong pagtulong sa mga mamamayan.

A. Bolunterismo B. Paglingkuran C. Pagpayag


D. Pagtulong E. Bayanihan F. Pangalagaan
G. Bayanihan to Heal as One Act H. Bayanihan to Recover as One Act

4
0B Aralin Lipunang Politikal
1B 1 Prinsipyo ng Solidarity at
Prinsipyo ng Subsidiarity
Únited We Stand, Divided We Fall

Aesop

Isang napakagandang kataga na sinimulang gamitin ni Aesop, isang


mananalaysay sa sa Gresya (Greece) noong ika-6 na siglo BCE.

Matagal na panahon na ang lumilipas mula ng unang sambitin ang mga


katagang ito subalit patuloy at palakas ng palakas ang pag-alingawngaw nang mga
salitang ito sa ating mga isip at kalooban lalo na sa mga panahong mayroong
pinagdadaanan ang sangkatauhan.

Sa isang bansa, napakahalaga ng papel na ginagampanan ng pamahalaan upang


mapagkaisa niya ang kaniyang mga nasasakupan at udyukan ang mga ito na makiisa
sa mga programang inilatag para sa kanila ng hindi nakalilimutan ang mga prinsipyo
ng Subsidiarity at Solidarity.
Halina’t ipagpatuloy natin ang ating paglalakabay sa pagbuo ng lipunang
masigasig na kumikilos tungo sa pagkakaisa at pagtutulungan!

Balikan

Ngayong patuloy ang pananalasa ng pandemiya, kinakailangan nating magkaisa at


magtulungan upang mapagaan kung hindi man masugpo ang kahirapang dala nito sa
ating buhay. Sa pagkakataong ito, iyong balikan ang mga pagkilos na ginawa ng ating
pamahalaan, sa pambansa o sa lokal na antas. Gamit ang iyong kwaderno o notebook,
isa-isahin mo ang mga programang ipinatupad nila at iyo rin namang napakinabangan
gaano man ito kaliit.

Gabay na Tanong

1. Anong dimensiyon ng pangangailangan (intelektwal, ekonomikal, emosyonal) mo ang


natugunan ng tulong na iyong tinanggap?

2. Paano mo ginamit ang tulong na natanggap mo upang mapanibago ang iyong


buhay?

3. Paano ka nakiisa sa mga programang ipinatutupad nang pambansa at local na


pamahalaan upang labanan ang pandemiya?

5
Tuklasin

Bilang isang bayan na mayroong malaking populasyon at hindi perpektong sistema ng


pamamahala, mayroong mga pagkakataon ng tunggalian mula sa mga namumuno at
pinamumunuan. Sa ganitong sitwasyon higit na makatutulong ang pagkakaroon ng
bukas, kritikal at aktibong komunikasyon.

Halina’t ating sabayan ang awit na pinamagatang Di Niyo Ba Naririnig ng mga


piling mang-aawit. Mula ito sa Les Miserables na iniangkop nang award-winning
manunulat at kompositor na si Vincent De Jesus noong Septembre 2017.

https://www.youtube.com/watch?v=cUXMipnYpBE

Dudurugin ang dilim


Di n’yo ba naririnig?
Ang araw ay mag-aalab
Tinig ng bayan na galit
At mga pusong nagtimpi
Himig ito ng Pilipinong
Ay magliliyab
Di muli palulupig
Ikaw ba ay dadaing na lang
Dudurugin ang dilim
Kimi’t magmumukmok
Ang araw ay mag-aalab
Habang nagpapakasasa
At mga pusong nagtimpi
Ang mga trapong bulok
Ay magliliyab
Gisingin ang puso
Galitin hanggang pumutok
Ikaw ba’y makikibaka
At hindi maduduwag
Di niyo ba naririnig?
Na gisingin ang mga panatikong bingi’t bulag
Tinig ng bayan na galit
Kasinungalingan labanan hanggang mabuwag
Himig ito ng Pilipinong
Di muli palulupig
Di niyo ba naririnig?
Tinig ng bayan na galit
Dudurugin ang dilim
Himig ito ng Pilipinong
Ang araw ay mag-aalab
Di muli palulupig
At mga pusong nagtimpi
Ay magliliyab!
Magliliyab!

Pamprosesong Tanong:

1. Anong mensahe ang ipinahihiwatig ng awitin? Pangatwiranan.


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________

2. Ipaliwanag ang kontekstong panlipunan ng awitin na inyong pinakinggan.


Napapanahon ba ang awitin? Pangatwiranan.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

6
Suriin

Ang pag-iral ng anumang pamahalaan, lalo’t higit ang pamahalaan ng Pilipinas ay


nagkakaroon lamang ng higit na katuturan at kahalagahan kung ito ay nananatiling
tapat sa dahilan kung bakit siya umiiral: ang paglingkuran at pangalagaan ang
kaniyang mamamayan.1 Makikita sa Saligang Batas ng Pilipinas2 ang mga patakaran
ng pamamahala na siyang gumagabay sa bawat lingkod-bayan sa kanilang paggawa ng
pasya at kilos para sa kanilang nasasakupan. Sa tulong nito, mayroon na silang sapat
na gabay kung anong mga uri ng proyekto o programa ang kanilang bubuuin at
ipatutupad. Sa pamamagitan ng mga ordinansa, o batas ay isinasakilos nila ang mga
nasabing proyekto o programa para sa kapakanan ng kanilang mamamayan.
Kinakailangan nga lang nilang siguraduhing ito ay makakatohanan at maaaring
masunod ng mga mamamayan upang ito ay higit na mapakinabanagan.

Mahirap para sa isang indibidwal na makamit ang kaniyang mga sariling


pangangailangan kung hindi sa isang organisadong paraan. Tanging sa pamamagitan
ng pagkakaroon ng epektibong pamahalaan lamang natin matutugunan ang ating mga
pangangailangan. Sa pamamagitan ng ating pagpayag3 inaatasan natin ang mga piling
indibidwal upang pamunuan tayo, upang masiguro na makakamit natin ang karamihan
sa ating pangangailangan sa pamamagitan ng mga proyekto o programa na kanilang
bubuuin at ipatutupad na naaayon din naman sa ipinaguutos ng saligang batas.

Noong nakaraang Hunyo 2020 ay natapos na ang panahong ibinigay upang


ipatupad at maging epektibo ang Republic Act 11469 o mas kilala sa tawag na
Bayanihan to Heal as One Act na nagbibigay tulong sa lahat ng higit na naapektuhan
ng pandemya. Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pananalasa ng sakit sa ating bansa.
Sa kasalukuyan, mahigit kumulang 106,3304 na kaso ng COVID-19 mayroon ang ating
bansa. Dahil nga pangunahing prayoridad ng ating pamahalaan ang magbigay ng
pansamantala at pang matagalang tulong sa kaniyang mamamayan, kaya naman
ipinasa rin agad ang Republic Act 1564 o ang Bayanihan to Recover as One Act.5

Sa pamamagitan ng batas na ito, inaasahan na higit na mapapalawig ng


pamahalaan ang kaniyang pagtulong sa lahat ng mga nangangailangan. Ayon sa batas,
maglalaan ng humigit kumulang isang-daan apatnapung bilyong
(Php140,000,000,000.00) piso na mapupunta sa mga sumusunod: pambili ng COVID
19 test kits, cash for work, tulong pinansiyal lalo na sa mga nawalan ng trabaho na mga
OFW, tulong pinansiyal din sa mga gurong nawalan ng trabaho, sa larangan ng pelikula,
awdyo-biswal at nasa malikhaing industriya. Gayundin, magbibigay ang pamahalaan
ng tulong sa Land Bank of th Philippines at Development Bank of the Philippines upang
higit na lumaki ang kanilang kapital na siyang ipauutang sa mga micro, small at medium
na mga enterprises (MSME’s). Maglalaan rin ng badyet para sa mga magsasaka at
mangingisda at sa sektor ng transportasyon. Tulong para sa turismo at edukasyon.6

1
The Constitution of the Republic of the Philippines, Article II section 4.
2 Ibid, sections 11-28
3 https://www.enotes.miticom/homework-help/where-power-government-come-from-according-

729728
4 https://www.doh.gov.ph/2019-nCoV, as of August 3, 2020
5 https://www.philstar.com/headlines/2020/06/04/2018580/senate-approves-bayanihan-act-2
6 ibid

7
Dito natin makikita na hindi man perpekto ang ating pamahalaan ay sinisikap
pa rin nilang patuloy na bigyang pansin ang mga interes at pangangailangan ng
kaniyang mamamayan. At dahil hindi sapat ang pondo ng pamahalaan, pumapasok
ngayon ang mahalagang papel ng malalaking kumpaniya na namumuhunan sa bansa.
Tumutulong sila sa iba’t ibang paraan upang labanan ang pandemya. Higit sa lahat,
tayo at ikaw, bilang mamamayan ay mahalagang makiisa rin sa bayanihan na ito.
Gaano man ito kaliit, kapag ito ay ating pagsasama-samahin ay makabubuo rin tayo ng
malaking ambag. Ikaw bilang mag-aaral, ano ang maaari mong maging ambag sa laban
nating itong kontra-COVID 19?

Bukod sa tulong na nagmumula sa pamahalaan, marami pang mga pribadong


indibwal at grupo na kumikilos ng tahimik at may pagkukusa upang mapaginhawa ang
kondisyon ng bawat isa, mula sa mga frontliners hanggang sa mahihirap nating mga
kababayan. Dahil na rin marahil sa kanilang kabutihang-loob at pagkahabag, sila ay
kumilos upang makalikom nang sapat na mga kagamitan na ipantutulong sa iba pang
mga nangangailangan. Walang anumang nagdikta sa kanila upang gawin ito kundi ang
kanilang konsensiya na nag-iimbita sa kanila na gumawa ng mabuti bilang paraan ng
paggalang sa dignidad ng kanilang kapwa tao.

Ngayong panahon ng pandemya hindi na mahalaga kung anong lahi ang


pinagmulan, anong relihiyon ang kinaaaniban, anong wika ang binibigkas, mayaman o
mahirap, Gamitin natin ang panahong ito upang balikan ang ating tunay na sarili:
tayong mga nilalang na sumasalamin sa kabutihan at katalinuhan ng Diyos, tayong
kaniyang mga nilikha na tinatawag na ingatan ang bawat buhay na kaniyang
ipinagkaloob. United We Stand, Divided We Fall!

Pagyamanin

Kung titingnan natin ang sitwasyon, marami mang hindi mabuting nangyari sa atin
bilang indibidwal at bansa dahil sa COVID-19, sa kabilang banda ay makikita tayong
silver lining sa lahat ng nangyayari. At ito ay ang katotohanang hindi salat ang mundo
sa mga taong may mabubuting kalooban, mga taong handing magbuwis ng kanilang
sariling buhay para sa kanilang kapwa. Panurin mo ang video sa Youtube gamit ang
link sa ibaba.
https://www.youtube.com/watch?v=bvwaOVCGWvw

8
Isaisip

Panuto: Sumulat ng isang pagninilay gabay ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa iyong
kwaderno o notebook.7
Anong konsepto at Ano ang aking Anong hakbang ang
kaalaman ang pumukaw pagkaunawa at aking gagawin upang
sa akin? reyalisasyon sa bawat mailapat ang mga pang-
konsepto at kaalamang unawa at reyalisasyong
ito? ito sa aking buhay?

7
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral, p. 33
9
Isagawa

Panuto:

1. Gumawa ng isang konkretong paraan na magpapakita ng kagustuhan mong makiisa


at tumulong sa tahanan at pamayanan sa pamamagitan ng maliit ngunit epektibng
kakayahan na magmumula sa iyo.8

2. Isulat ang mga mumunting kakayahan na maaari mong magawa sa isang metacard.
Idikit ito sa iyong silid upang madaling makita at matandaan. Halimbawa: Simula
ngayon, ay maglalaan ako ng higit na malaking oras upang makatulong sa gawaing
bahay. Tutulong ako sa pagkilos ng aming barangay upang himukin ang mga tao na
manatili sa loob ng kanilang mga bahay.9

Tayahin

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat aytem/tanong. Isulat sa patlang ang
Tama o Mali kung ito ang isinasaad ng pangungusap

_____1. Ang Prinsipyo ng Subsidiarity ay nagtataguyod ng pagkukusa at kalayaan.

_____2. Ang pagiging makasarili minsan ay nakatutulong upang malagpasan ang krisis
na kinakaharap.

_____3. Ang bayanihan ay buhay at patuloy na isinasakilos ng ating mga kababayan


ngayong panahon ng pandemiya.

_____4. Ang Prinsipyo ng Solidarity ay kilala rin sa tawag na pagkakaisa.

_____5. Wala o hindi nakatutulong ang pamahalaan sa pagkakamit ng pangangailangan


ng bawat tao.

8
ibid, p. 34
9
ibid

You might also like