You are on page 1of 11

9

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Pag-aantas ng mga Salita
Alamin

Kamusta ka na? Marami ka na bang natutuhan sa mga araling inihanda para


sa iyo? Alam kong pinagsikapan mong mabuti upang masagot ang mga gawain. Kung
naibigan mo ang mga nakaraang talakayan tiyak na lalo mong magugustuhan ang
bago nating aralin.

Natatandaan mo pa ba kaibigan ang ating tinalakay sa nakaraang aralin? Ito


pagbibigay puna sa tindi ng emosyon o damdamin ng mga hayop. Magaling!
Bininigyang-puna nito ang damdamin o emosyon ng mga hayop na parang tao na
nagsasalita sa kwento.

Handa ka na ba kaibigan sa bagong aralin? Magaling! Ating kilalanin at


aalamin ngayon ang “Pag-aantas ng mga salita ayon sa tindi ng emosyon o damdamin
ng mga tauhan sa isang pabula sa bansang Korea na isinalin ni Vilma C. Ambat.

Inaasahan ko na pagkatapos ng ating paglalakbay naging malawak ang iyong


kaalaman, kaisipan at nalinang ang iyong kakayahang:

 Naiaantas ang mga salita (clining) batay sa tinding emosyon o


damdamin

Subukin

Ngayon kaibigan, bago tayo magpatuloy sa ating gagawin nais ko munang


sukatin ang iyong kakayahan. Handa ka na ba?

Panuto: Basahin at Unawain. Suriin ang damdamin o emosyon ng nagpapahayag sa


linya. Isulat ang titik na tamang sagot sa sagutang papel.

1. ___________Grabe! Nahilo ako sa sobrang dami ng taong dumating at


dumadagsa upang panoorin ang kakaibang pagtatanghal.
a. pagkainis c. pagkagalit
b. nasaktan d. pagkatakot

2. ___________Aray, magdahan-dahan ka naman natapakan ang paa ko! May sugat


pa naman ako.
a. pagkainis c. pagkagalit
b. nasaktan d. pagkatakot

3. ___________ Wow! Napakaganda naman ng kanyang ginawa na dekorasyon sa


bahay.

a. humanga c. kasiyahan
b. pagsang-ayon d. pagtataka

4. ___________Yehey! Sa wakas ikaw ang nanalo ng isang sasakyan.

a. humanga c. kasiyahan
b. pagsang-ayon d. pagkaaliw

5. ___________Ngek, hindi iyan ang pinabibili ko sa iyo na kwentas ah!

a. pagkagalit c. pagkainis
b. nasaktan d. pagkadismaya

6. ___________ Ako’y nagagalak ng lubos na may pagkaing naihanda na sa mesa.

a. pagkagulat c. kasiyahan
b. paghanga d. pagkamangha

7. ___________ Bakit nga kaya may mga taong hindi marunong rumespeto sa iba.

a. pagkadismaya c. pagtataka
b. pagtutol d. pagkabalisa

8. ___________ Masakit isipin at tingnan na maraming mga batang hubad at


palaboy laboy sa kalye.

a. pagkalungkot c. pagkagalit
b. pagkabalisa d. pagkainis

9. ___________ Hindi dapat pinagwalang bahala at pinapabayaan ang mga batang


namamalimos sa kalye.

a. pagkalungkot c. pagkainis
b. pagkagalit d. pagtataka

10.___________ Tama ang naging pasya at desisyon niya sa kanyang sarili na


mahalin niya ang kanyang mga kaaway.

a. pagsalungat c. pagkainis
b. pagkalungkot d. pagsang-ayon
Tuklasin

Halina’t subukan kaibigan. Galingan mo!


Iantas mo ako……

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Suriin at


antasin ang salitang nagsasaad ng ekspresyon ng damdamin o emosyon.

Pangungusap Salitang nagsasaad ng emosyon o


damdamin

 Nabalisa ako nang malaman


3._________________
kong nagkasakit ka.
 Natakot din ako ng bahagya
kung kaya’t dinalaw kita sa
ospital. 2._____________________
 Nagimbal ako sa nangyari sa
iyo kahapon.
1._________________________

Mga Salita
 pagkaalam, paningin, pag-
unawa 3.__________________

2.____________________

1._______________________

 hayuk-hayok, gutom, 3.___________________


kumakalam ang sikmura

2.__________________

1._____________________

Pagyamanin

Kaya pa ba kaibigan? Kayang-kaya yan. Narito pa ang ilang awain na susukat


sa iyong kaalaman. Galingan mo!

Gawain 1

Panuto: Ihanay ang mga salita ayon sa tindi o antas ng damdamin


o emosyon. Isulat ang sagot sa patlang na nakalaan.

1. galit, poot, suklam


___________, __________, __________
2. sakim, ganid, damot
___________, __________, __________

3. pagmamahal, pagsinta, paghanga,


___________, __________, __________

4. sigaw, hiyaw, bulong


___________, __________, __________

5. lumbay, lungkot, pighati


___________, __________, __________

6. mautak, matalino, marunong


__________, _________, _________

7. sakit, hapdi, kirot


__________, _________, _________

8. pagkasaid, pagkawala, pagkaubos


__________, _________, _________

9. nawasak, nasira
__________, _________

10. halakhak, tawa, ngiti

Isaisip

Halina’t matuto kaibigan. Kaalaman mo’y ating dagdagan. Handa ka na ba sa


bagong kaalaman? Magaling! Pagtuunan mo ng pansin ang dapat tandaan. Pag-igihan
mo!

Mahalagang Tandaan:

Ang klino ay pagpapasidhi ng damdamin na nagpapahayag ng saloobin o


emosyon sa paraang papataas ang antas nito. Nagagamit ito sa pamamagitan ng pag-
iiba-iba ng mga salitang may ugnayang sinonimo.
Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin

1. Mga Pangungusap na Padamdam – mga pangungusap na


nagpapahayag ng matinding damdamin. Ginagamitan ito ng bantas na
tandang padamdam (!).

Mga halimbawa:

Galing! Nakakainis! Ang sakit!

Sobra na! Sunog! Aray!

2. Maikling Sambitla – mga salitang iisahin o dadalawahing pantig na


nagpapahayag ng matinding damdamin.

Halimbawa:

Uy! Ngek! Yeheyy!


Wow! Ayy!

3. Mga Pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin ng isang tao-


mga pangungusap na may anyong pasalaysay kaya’t nahihinuhang hindi
gaanong matindi ang damdamin.

Halimbawa:

a. Pagkatuwa
b. Pagtataka
c. Pagkagalit
d. Pagsang-ayon
e. Pagkalungkot
Isagawa

Ikaw ay nagtagumpay sa mga gawain kaibigan. Magaling! Sa puntong ito


lubos mo nang naunawaan ang ating aralin. Ngayon naman subukan mong
sagutin ang nasa ibaba. Galingan mo!

Iantas ang mga sumusunod na salita ayon sa tindi o digri ng nais ipahayag.
Isulat ang salita sa loob ng kahon na pormang hagdan sa tapat ng bilang.

1. naghari, namayagpag, 4
namayani, nangingibabaw
2

4
2. nguyngoy, hagulgol,
3
hikbi, iyak
2

4
3. kinupkop, inaalagaan
tinangkilik, kinalinga
3

1
4

4. hapis, lungkot,
3
pighati, lumbay
2

5. maganda, nakabibighani,
3
kaakit-akit
2

Tayahin

Panuto: Lagyan ng bilang 1 hanggang 3 ang mga sumusunod na mga salita batay
sa sidhi ng damdaming ipinapakahulugan nito. Ang 3 para sa pinakamasidhi, 2
masidhi, at 1 di-masidhi.

1. ____pakamuhi
____pagkasuklam

____pagkagalit

2. ____nasisiyahan

_____natutuwa

_____naliligayahan

3. ____nangangamba

_____kinakabahan

_____natatakot

4. _____suklam

_____yamot

_____inis

5. _____sigaw

_____bulong

_____hiyaw

. Binabati kita!
Matagumpay
Binabati kita! mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito. Kung may hindi
ka pa lubos na naunawaan sa paksa, ay maaari mong balikan ang modyul na ito o di
kaya’y Matagumpay
magtanong samongiyongnaisagawa
guro. ang mga gawain sa araling ito. Kung may hindi
ka pa lubos na naunawaan sa paksa, ay maaari mong balikan ang modyul na ito o di
kaya’y magtanong sa iyong guro.
Tandaan, ang nagtatanong ay nagpapahayag ng pagnanais na matuto. Kung
malinaw na sa iyo ang lahat ay maaari ka nang magpatuloy sa iyong paglalakbay.
Tandaan, ang nagtatanong ay nagpapahayag ng pagnanais na matuto. Kung
malinaw na sa iyo ang lahat ay maaari ka nang magpatuloy sa iyong paglalakbay

You might also like