You are on page 1of 17

9

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Ang Damdamin ng mga Tauhan
Alamin

Maligayang pagdating sa ikatlo na modyul kaibigan! Isang panibagong araw na


naman ng kaalaman at bagong karanasan ng pagkatuto. Binabati kita dahil
maluwalhati mong natapos ang ikalawang modyul, at sa araw na ito tiyak na
masisiyahan ka sa kwentong ating pag-aaralan. Alam kong iba’t ibang uri ng akdang
pamapanitikan na ang iyong napakinggan at nabasa, tama ba? Maaaring naglalaman
ito ng mga katatawanan, kababalaghan, kabayanihan o di kaya ay pag-ibig.
Karamihan ay nag-iiwan ng kasiyahan habang ito ay nagtatanim ng butil ng aral at
kaisipan sa mambabasang tulad mo.
Sa aralin na ito, papasukin natin ang mundo ng mga hayop sa pamamagitan
ng kwentong pabula. Sa pamamagitan din nito, lubos mong mauunawaan ang
nilalaman at damdamin ng tauhang nakapaloob sa akda. Ipinapakita rin sa araling
ito ang pagpapahalaga at dangal ng isang kabataang Pilipino at bilang bahagi ng isang
bansang Asyano. Ito’y naglalaman din ng mga pagsubok na inihanda upang magturo
ng mahahalagang aral at kaisipan na karapadat-dapat tularan ng isang kabataang
tulad mo. Pero huwag kang mag-alala dahil alam kong kayang-kaya mo ito!
Inaasahan kong sa pamamagitan ng araling ito ay maipamamalas mo ang pag-
unawa sa mga piling akdang tradisyunal ng Silangang Asya at masusuri ang
kwentong tungkol sa “Ang hatol ng Kuneho” na isang halimbawa ng pabula ng
bansang Korea. Maaasahan ko ba ang iyong kooperasyon? Magaling!
Pagkatapos ng iyong pagtuklas sa araling na ito, ikaw ay inaasahang:

 Nakahihinuha sa mga damdamin ng mga tauhan batay sa diyalogong


napakinggan.

Bilis! Umpisahan na natin!


Subukin

Magsimula ka rito! Huwag kang mag-alala sa pagsubok na ito, nais lamang ng


gawaing ito na tayain ang dati mo nang kaalaman tungkol sa paksa. Handa ka na ba?
Panuto: Basahin ang diyalogo sa ibaba. Tukuyin ang damdamin ng tauhan
batay sa isinasaad ng diyalogo. Isulat ang titik lamang.

a. pagkatuwa f. pagsisisi
b. pagkagalit g. panghihinayang
c. pag-aalala h. pagtatampo
d. pagkatakot i. paghanga
e. pagmamalasakit j. pagkahiya
Diyalogo 1
Myrna: “Halika na bilisan mo at aalis na tayo!”
Beth: “Hindi na lang ako tutuloy. Mukhang ayaw ninyo naman ako
kasama.”
Diyalogo 2
Ina: “Ang lakas ng ulan at hindi pa nakakauwi ang iyong mga anak.”
Ama: “Oo nga, wla pa naman dalang mga payong ang mga iyon.”
Diyalogo 3
Ate: “Bakit mo pinuno ng sulat ang aking proyekto? Diba sinabi kong huwag
mong pakialaman ito?”
Bunso: “Akala ko kasi ate hindi mo na gagamitin.”
Diyalogo 4
Mario: “Alam mo bang ikaw ang nakakuha ng pinakamataas na marka?”
Allan: “Talaga? Yehey! Nagbunga din ang aking pag-aaral kagabi.”
Diyalogo 5
Ana: “Nagsisimula na yata ang klase, sana hindi ako nagpuyat para nagising
ako ng maaga.”
Maria: “Ako rin para hindi tayo mahuli sa ating klase.”

Naging madali ba sa iyo ng gawain? Aling bahagi ang madali para sa iyo at
aling bahagi naman ang mahirap? Huwag kang mag-alala, panimula pa lamang iyan.
Sinusukat lamang ang taglay mong kaalaman tungkol sa paksa. Tutulungan kitang
maipaunawa sa iyo ang iba’t ibang kasanayang dapat mong matutunan at ang
magagandang ugaling magpapaunlad sa iyong katauhan sa pamamagitan ng mga
gawaing aking inihanda para sa iyo.

Aralin
Pabula ng Korea
1
Napakahusay!!!Alam kong sagutan mo ng maayos ang subukin. Pero kung
hindi naman ay huwag kang mag-alala dahil alam kong sa talakayan natin ay
madaragdagan pa ang iyong kaalaman. Ngayon alam kong sabik na sabik ka ng
lakbayin ang isa na namang nakakaaliw na mundo ng panitikan ng Asya. Ang ating
pag-aaralan ay tungkol sa Pabula ng Korea, Ang Hatol ng Kuneho na isinalin sa
Filipino ni Vilma C. Ambat. Ating aalamin ang mga damdamin ng tauhang
namamayani mula sa mga napakinggang diyalogo sa akda.

Balikan

Handa ka na ba sa bagong aralin? Oppppssss…sandali muna, atin munang balikan


ang iyong naging aralin. Natatandaan mo pa ba ito? Mahusay! Ating tinalakay ang
tungkol sa suprasegmental, ang Tono, Diin at Hinto/Antala.
Naalala mo pa ba kung bakit mahalagang pag-aralan ang mga suprasegmental?
Magaling! May tama ka! Ang ponemang suprasegmental ay mahalaga upang maging
mas malinaw ang ating mensaheng nais iparating at mahalaga din ito sa pagbigkas
lalong-lalo na ng mga Tanka at Haiku ng Japan.
Ngayon, magagawa mo bang makapagbigay ng ilang pangungusap gamit ang mga
suprasegmental at sabihin ang kahulugan o nais nitong ipahiwatig? Napakahusay!
Tama lahat ang iyong kasagutan.

Tuklasin
Handa ka na ba para sa panibagong gawain? Tara na at basahin natin ang
pabula tungkol sa Ang Hatol ng Kuneho na isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat.
Habang ikaw ay naaaliw sa iyong pagbabasa ay huwag mong kaligtaang tuklasin ang
damdamin ng mga tauhan ayon sa kanilang diyalogo sa akda.

Ang Hatol ng Kuneho


Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Noong unang panahon, ng ang mga hayop ay nakapagsasalita pa, may isang
tigreng naghahanap ng pgakain sa gubat. Sa kanyang paglilibot, nahulog siya
sa napakalalim na hukay. Paulit-ulit na sinubukan ng tigre ang makaahon,
subalit siya ay nabigo. Sumigaw siya ng sumigaw upang humingi ng tulong
subalit walang nakarinig sa kanya.

Kinabukasan, muling sumigaw ang tigre upang humingi ng tulong


haggang mapaos. Gutom na gutom at hapong-hapo na ang tigre. Lumupasay
na lamang siya sa lupa. Naisip niya na ito na ang kanyang kamatayan. Walang
ano-ano ay nakarinig siya ng mga yabag. Nabuhayan siya ng loob at agad
tumayo. “Tulong! Tulong!” muli niyang isinigaw.

“Ah! Isang tigre!” sabi ng isang lalaki habang nakadungaw sa hukay.

“Pakiusap! Tulungan mo ako makalabas dito,” pagmamakaawa ng tigre.


“Kung tutulungan mo ako, hindi kita makalilimutan habambuhay.”

Naawa ang lalaki sa tigre subalit naisip niyang baka kainin siya nito.
“Gusto sana kita tulungan subalit nangangamba ako sa maaaring mangyari.
Patawad! Ipagpapatuloy ko na ang aking paglalakbay,” wika ng lalaki at
nagpatuloy sa paglalakad.

“Sandali! Sandali! Huwag mong isipin yan,” pakiusap ng tigre. “Huwag


kang mag-alala, pangako ko hindi kita sasaktan. Nagmamakaawa ako,
tulungan mo ako. Kapag ako ay nakalabas dito tatanawin kong malaking
utang na loob!”

Tila labis ng nakakaawa ang tinig ng tigre kaya bumalik ang lalaki upang
tulungan ito. Nakahanap siya ng torso at dahan-dahang niyang ibinaba sa
hukay. “Gumapang ka rito,” sabi ng lalaki.

Gumapang ang tigre sa torso hanggang makaahon sa hukay. Nakita ng


tigre ang lalaking tumulong sa kanya. Naglaway ang tigre at naglakad paikot
sa lalaki.
“Sandali! Hindi ba nangako ka saakinh na hindi mo ako sasaktan? Ito
baa ng paraan mo ng pagpapasalamat at pagtananaw ng utang na loob?”
sumbat ng lalaki sa tigre.
“Wala na akong pakialam sa pangakong iyan dahil nagugutom ako!
Hindi ako kumain nang ilang araw!” tugon ng tigre.

“Sandali! Sandali!” ang pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang puno ng


pino kung tama bang kainin mo ako.”

“Sige,” ang wika ng tigre. “Pero pagkatapos natin siyang tanungin,


kakainin na kita. Gutom na gutom na ako.”

Ipinaliwanang ng tigre at ng lalaki sa puno ng pino ang nangyari.

“Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?” tanong ng puno ng


pino. “Bakit ang mga dahon at sanga naming ang kinukuha niyo upang
mapainit ang inyong mga tahanan at magluto ang inyong mga pagkain? Mga
taon ang binibilang naming upang lumaki. Kapag kami’y Malaki na pinuputol
niyo. Ginagamit niyo kami sa pagpapatayo sa inyong bahay at pagpapagawa ng
inyong mga kasangkapan. At isa pa, tao rin ang humukay ng butas na iyan.
Utang na loob! Huwag ka nang magdalawang isip, tigre. Sige pawiin mo ang
iyong gutom.”

“O, anong masasabi mo doon?” tanong ng tigre habang nananakam at


nginungusuan ang lalaki.

Sa mga sandaling iyon ay dumaan ang isang baka. “Hintay! Hintay!”


pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang baka sa kanyang hatol.”

“Sa ganang akin, walang duda sa kung ano ang dapat gawin,” wika ng
baka sa tigre. “Dapat masayang kainin! Tingnan mo, mula nang kaming
maisilang naglilingkod na kami sa mga tao. Kaming mga baka ang nagbubuhat
ng mabibigat nilang dalahin. Inaararo namin ang bukid upang makapagtanim
sila. Subalit, ano ang ginagawa nila kapag kami ay tumanda na… pinapatay
kami at ginagawang pagkain! Ginagamit nila ang aming balat sa ano-anong
bagay. Kaya huwag muna akong tanungin tungkol sa pagtanaw ng utang na
loob. Kainin muna ang tao na iyan.”

“Tingnan mo, lahat sila ay sumasang-ayon. Kaya humanda ka na sa


iyong kamatayan!” wika ng tigre habang bumubwelo upang sakmalin ang
lalaki.

Alam ng lalaki na ito na nga ang kanyang katapusan. Nang biglang


dumating ang lumulukso-luksong kuneho.
“Sandali! Tigre! Sandali!” sigaw ng lalaki.

“Ano nanaman!” singhal ng tigre.

“Pakiusap, bigyan mo pa ako ng huling pagkakataon. Tanungin natin


ang kuneho para sa kanyang hatol kung dapat mob a akong kainin.”

“Ah! Walang kwenta! Alalm mon gang sagot niya. Pareho lang sa sagot ng
puno ng pino at ng baka.

“Pakiusap, parang-awa mo na!” pagsusumamo ng lalaki.

“Oh sige! Pero huli na ito. Gutom na gutom na ako!” sagot ng tigre.

Isinalaysay ng tigre at lalaki ang nangyari. Matamang nakinig ang


kuneho. Ipinikit ng kanyang mga mata at pinagalaw ang kanyang mahahabang
tainga. Pagkalipas ng ilang sandali, muli niyang idinilat ang kanyang mga
mata. Malumananay at walang ligoy na nagsalita ang kuneho. “Naiintindihan
ko ang inyong isinalaysay. Subalit kung ako ang magapasya at magbibigay ng
mahusay na hatol dapat tayong magtungo sa hukay. Muli ninyong isasalaysay
saakin ang nangyari. Ituro ninyo sa akin ng daan patungo doon,” wika ng
kuneho.

Itinuro ng tigre at lalaki ang hukay sa kuneho. “Tingnan natin, sabi mo


nahulog ka sa hukay at ikaw naman ay nakatayo dito sa itaas,” wika ng
kuneho a tigre at sa lalaki. “Pumunta kayo sa mga posisyon ninyo noon, upang
mapag-isipan ko pang mabuti ang aking hatol.”

Tumalon agad ang tigre nang hindi nag-iisip. Ang nais lamang niya ay
matapos agad ang usapan nang makain na niya ang tao. “Ah! Ganito ang
kalagayan ninyo noon. Ikaw, tigre ay nahulog sa hukay at hindi makaahon.
Ikaw naman lalaki, narinig moa ng paghingi ng saklolo kaya tinulungan mo
ang tigre. Ngayon maaari na akong magbigay ng hatol. Ang problemang ito ay
nagsimula nang tulungan ang tao ang tigreng makalabas ng hukay,” paliwanag
ng kuneho na tila may ibang kausap. “Sa ibang salita, kung ang tao ay hindi
nagpakita ng kabutihan at iniwan ang tigre sa hukas, walang naging problema.
Kaya naisip ko na magpatuloy ang tao sa kanyang paglalakbay at dapat na
manatili ang tigre sa hukay. Magandang umaga sa inyong dalawa!” wika ng
matalinong kuneho at nagpatuloy sa kanyang paglukso.

Suriin
Binabati kita kaibigan! Natapos mong basahin ang kwento. Kumusta? Alam
kong naibigan mo ang nilalaman ng kwento at marahil ay sabik ka na sa susunod na
mga gawain.
Matapos mong basahin ang kwento, tingnan natin kung naintindihan mo ang
nilalaman at daloy nito. Hand aka na ba? Ayos! Ngayon sagutan mo ang mga
sumusunod na katanungan upang masukat ang iyong pag-unawa sa akda.

Gawain 1: Ugnayang Tanong at Sagot

Mga Gabay na Tanong:


1. Paano mo mailalarawan ang mga sumusunod:
a. kuneho
b. punong Pino
c. tigre
d. baka
e. lalaki

2. Tama baa ng naging hatol ng kuneho sa suliranin ng tigre at ng lalaki?


3. Kung ikaw ang hahatol sa sitwasyon, gagawin mo rin ba ang ginawa ng
kuneho?
4. Magbigay ng isang kasabihang maring mahalaw sa pabulang nabasa.
Ipaliwanag?
5. Sa iyong palagay, kung nakapagsasalitang muli ang mga nilalang sa kalikasan
natin ngayon, ano kaya ang kanilang hatol sa ating mga tao? Bakit?
6. Bilang kabataan nap ag-asa ng bayan, ano ang maimumungkahi mo upang
maiwasan ang pang-aabuso sa mga sumusunod:
a. hayop b. kalikasan

7. Mahihinuha mob a sa pabulang ito ang kultura at kaugalian ng mga taga-


Korea?
8. Bakit mahalagang pag-aralan ang pabula?

Pagyamanin
Pansinin mo ang mga sumusunod na diyalogo habang ito’y iyong
masusing binabasa. Ano sa palagay mo ang naramdaman ng tauhan nang sabihin
ito? Isulat mo ang iyong kasagutan sa inilaan na puwang.

1. “Pakiusap! Tulungan mo akong makalabas dito,” pagmamakaawa ng tigre.


“Kung tutlungan mo ako, hindi kita makalilimutan habambuhay.”
Ano ang nadarama ng tigre sa mga oras na iyon?
_____________________________________________________________________
Kung bibigyang ka ng pagkakataon, ano ang sasabihin mo sa tigre upang
maibsan ang kanyang nararamdaman?
_____________________________________________________________________

2. “Dapat mo siyang kainin! Tingnan mo, mula ng kami ay isilang ay naglilingkod


na kami sa mga tao. Subalit, ano ang ginagawa nila kapag kami tumanda na…
pinapatay kami at ginagawang pagkain!
_____________________________________________________________________

Kung ikaw ang nasa katayuan ng tigre, ano ang sasabihin mo sa lalaki?
_____________________________________________________________________
Kung isa ka sa mga nakasaksi sa pangyayari, ano ang madarama mo para sa
lalaki gayong alam mong totoo ang sinasabi ng tigre? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
____________________________________________________________________

3. “Sa ibang salita, kung ang tao ay hindi nagpakita ng kabutihan at iniwan ang
tigre sa hukay, walang naging problema. Kaya naisip ko na magpatuloy ang tao
sa kaniyang paglalakbay at dapat na manatili ang tigre sa hukay.”
_____________________________________________________________________

Ano sa tingin mo ang pinupunto ng hatol ng kuneho? Ipaliwanag ang iyong


sagot? Maktwiran ba ito? Ipaliwanag.

_____________________________________________________________________

Basahin ang Salawikain

“Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa


paroroonan.”
Ito ay kasabihang maari nating mailapat mula sa kwento. Ito rin ba ng
naiisip mo matapos basahin ang kwento? Magaling! Ngayon naman ay
pagkakataon mong iparating ang iyong sariling damdamin tungkol sa
kasabihang ito. Ipaliwanag mo ang kasabihan mula sa sarili mong
pagkakaunawa sa kwento o maari ring base sa iyong sariling karanasan. Isulat
mo sa inilaang puwang ang iyong kasagutan.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
___________________________________________________

Pamantayan sa Pagmamarka:
Lubhang
Napakalinaw ng Hindi malinaw
malinaw ang
Kriterya Pagkakabuo ang pagkakabuo
pagkakabuo
(10pts) (3pts)
(5pts)

Nilalaman

Organisado

Kalinisan

Gawain I:
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Paano ginampanan ng mga hayop ang kanilang papel bilang tauhan sa
kuwento?

A. Sa pamamgitan ng pagsasalita at pagkikilos na parang mga tao

B. Sa pamamagitan ng pagpapalit - anyo nito ng isang tao

C. Sa paraang sila ang namamahala sa kuwento

D. Sa paraang sila ang sumasaksi sa pagtatahghal ng mga actor

2. Ano ang kadalasang ipinapakita sa pabula?

A. kabayanihan ng mga tauhan


B. pinagmulan ng isang bagay
C. kagandahan ng kapaligiran
D. nagbibigay ng aral
3. Bakit mahalagang pag – aralan ang pabula?

A. dahil ito ay may nakatutuwang nilalaman


B. Ito ay nagbibigay ng aral.
C. Ito ay nakakaaliw basahin.
D. Ito ay naglalahad ng isang opinyon

4. Sa akdang pampanitikang pabula, alin sa sumusunod ang gumaganap na tauhan


sa kuwento?
A. tao
B. hayop
C. insekto
D. karaniwang nilalang
5. Ang mga kaisipang ito ay may kaugnayan sa salitang pabula, alin sa sumusunod
ang hindi kasali sa grupo?
A. kathang – isip
B. nagbibigay – aral
C. walang katotohanan
D. nagsasaad ng katotohanan

6. Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan ng Silangang Asya?

A. Upang makasunod tayo sa agos ng modernisasyon.

B. Upang mapatibay pa ang ating pakikiisa sa mga bansa sa Asya.

C. Upang matuto at mapaunlad ang sarili tulad ng mga kapwa nating

Asyano.

D. Upang lubos na makilala ang kultura at kakayahan ng ating mga

karatig bansa.

7. Ang pabulang pinamagatang “Ang Hatol ng Kuneho ay nagmula sa

sa bansang ________.

A. India
B. Korea
C. Tsina

D. Japan .

8. Ang layunin ng may- akda sa paghahatid ng kanyang kuwento ay ___________.

A. ipabatid kung paano gumaganap ang mga hayop na tauhan


B. ilarawan ang lugar at mga kaugalian
C. isalaysay ang mga pangyayari
D. ipakilala ang mga tauhan

9. Alin sa mga hayop na ito ang may katangiang taksil na inihalintulad sa isang
tao?
A. aso
B. pagong
C. ahas
D. kalabaw
10. Alin sa mga sumusunod na katangian mayroon ang isang aso?
A. matapat
B. tuso
C. mayabang
D. matiyaga

Isaisip

Halina’t matuto kaibigan! Ating basahin at unawain ang mahahalagang


kaalaman tungkol sa kahulugan ng pabula sa Korea.

Ano ang pabula?

Ang pabula ay isa sa mga unang panitikan sa daigdig. Noong ika–5 at


ika–6 na siglo bago si Kristo, may itinuturing nang pabula ang mga taga–
India. Ang karaniwang paksa ng pabula ay tungkol sa buhay na itinuring na
dakilang tao ng mga sinaunang Hindu, si Kasyapa. Lalong nagpatanyag ang
mga ganitong kuwento sa Gresya. Si Aesop ang tinaguriang “Ama ng mga
Sinaunang Pabula” dahil sa nagpabantog niyang aklat, ang Aesop’s Fable.

Ang pabula ay isang maikling kuwentong kathang–Isip lamang.


Karaniwang isnalaysay sa mga kabataan para aliwin gayundin ang magbigay
ng pangaral. Ang mga tauhan ng kuwento ay pawang mga hayop. Mga hayop
na kumakatawan o sumasagisag sa mga katangian o pag–uugali ng tao. Ang
ahas halimbawa ay karaniwan nangangahulugan ng isang taong taksil. Ang
pagong, makupad. Ang kalabaw, matiyaga. Ang palaka, mayabang. Ang unggoy
o matsing, isang tuso. Ang aso, matapat. Marami pang hayop ang may ibang
pagpapakahulugan. Sa mga bagay naman, ang rosas ay kumakatawan sa
babae at sa pag-ibig. Ang bubuyog sa isang mapaglarong manliligaw. Itinuturo
ng pabula ang tama, patas, makatarungan, at makataong ugali at pakikitungo
sa ating kapwa. Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa magagandang aral sa
buhay na ibinigay nito.

Gawain 2:

Tama o Mali
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan, isulat
naman ang salitang MALI kung ang pahayag ay nagsasaad ng walang
katotohanan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

______1. Ang pabula ay kuwento na may mga tauhang ginagampanan ng hayop na


kumikilos, nagsasalita at nag-iisip na parang tao.

______2. Ang tigre ay may katangiang taglay na matalino at may makataong ugali ayon
sa pabulang tinalakay “Ang Hatol ng Kuneho”

______3. Ang unang pangyayari sa pabula ay nagsimula nang naglalakad ang isang
lalaki sa gubat.

_______4. Hinatulan ng kuneho ang suliranin ng tigre at lalaki nang patas at


makatarungang pasiya.

_______5. Masasalamin sa pabula ang kultura ng bansang pinagmulan nito na dapat


ipagmalaki at pahalagahan.

Tayahin

Binabati kita kaibigan sa iyong kagalingan sa pagsunod sa mga panuto sa


lahat ng gawain. Upang lubos mong maunawaan ang ating aralin sagutin mo ito.

Gawain 3:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
iyong sagutang papel.

1. Sa iyong palagay, naging mabisa ba ang ginawang hatol ng kuneho sa suliranin


ng tigre at lalaki? Bakit?
A. Oo mabisa ang hatol ng kuneho, dahil simula noon ay nalutas na ang
problema ng tigre at lalaki.
B. Hindi mabisa ang hatol ng kuneho dahil pinapuntang muli ang tigre sa
hukay samantalang ang tao ay pinanatili sa paglalakbay.
C. Oo mabisa ang hatol ng kuneho dahil hindi siya inaway ng tigre at tao.
D. Hindi mabisa ang hatol ng kuneho dahil patas ang kanyang desisyon.
2. Makatwiran ba ang ginawa ng tigre sa tao, sa halip na tinulungan siya nito?
A. Hindi makatwiran ang ginawa ng tigre dahil hindi siya marunong
tumapad sa kanyang pangako sa tao at walang utang na loob.
B. Makatwiran ang ginawa ng tigre dahil gutom na gutom na siya.
C. Hindi mabuti ang ginawa ng tigre sa tao dahil hindi sila nag – away.
D. Makatwiran ang ginawa ng tigre dahil ipinakita lamang niya sa tao na
na siya’y mabangis.
3. Paano ginampanan ng kuneho ang kanyang papel bilang tauhan sa kuwento?
A. Sa pamamagitan ng pagbibigay- buhay sa kuwento
B. Sa pamamagitan ng pagtulong ng kanyang kapwa tauhan upang malutas
ang suliranin nito
C. Ginampanan ng kuneho ang kanyang papel sa pamamagitan ng
pakikipaglaban sa kapwa tauhan niya.
D. Ginampanan ng kuneho ang kanyang papel sa pamamagitan ng paninira
puri sa kanyang kapwa tauhan.

4. Ginagamit sa mga kuwentong ito ang mga hayop bilang tauhan.


A. maikling kuwento

B. kuwentong bayan

C. pabula

D. pabula

5. Ang pabulang pinamagatang “Ang Hatol ngKuneho” ay nagmula sa

sa bansang ________.

A. Japan

B. India

C. India

D. Korea

6. Ito ay isang maikling kuwentong kathang isip lamang at walang katotohanan.

A. parabula
B. pabula

C. kuwentong

D. Dula

7. Mayaman ang batang binusog ng pabula. Ano ang nais ipahiwatig nito?

A. Matalino ang bata sapagkat nagbabasa ng pabula.

B. mayaman ang bata sa kaalaman tungkol sa hayop.

C. Matalino at may mabuting asal ang batang natuto sa mga pabula.

D. Maraming maibabahagi sa iba ang batang maraming nabasang

kuwento.

8. Ano ang ipinahihiwatig ng hatol nina Pino at Baka na dapat kainin ng tigre ang
tao?

A. Naiinis sina Pino at Baka kaya ito ang kanilang hatol.

B. Malapit ang tao sa kalikasan kaya nais nilang mamatay ang tao.

C. Walang silbi ang tao sa puno at baka kaya wala silang pakialam

kung kainin man ng tigre.

D. Hindi makatotohanan ang kuwento sapagkat walang nagsaalitang

puno at baka sa tunay na buhay.

9. Bakit mahalagang pag-aralan ang pabula?

A.Dahil ang pabula ay sumasalamin sa kultura ng tao sa bansang

Kinabibilangan nito

B. Ito ay bahagi ng ating panitikan kaya mahalagang pag-aralan.

C. Mayaman sa talinghaga ang pabula kaya nagpapalawak ng ating

isipan.

D. Nahuhubog ng pabula ng mabuting pag-uugali ng taong bumabasa nito.

10. Alin sa mga salawikain na ito ang nagpapahiwatig ng mensahe ng


pabulang “Ang Hatol ng Kuneho”?

A. Daig ng maagap ang masipag.

B. Kung may isinuksok, may madurukot.

C. Kung ano ang iyong itinanim, siya mong aanihin.

D. Ang di lumingon ng kaniyang pinanggalingan ay di makakarating

sa paroroonan.

Maligayang bati kaibigan sa iyong tagumpay! Hanga ako sa iyong sipag at tiyaga
na pagganap sa mga gawain. Hangad ko ang iyong kaligayahan sa susunod mong
paglalakbay.

You might also like