You are on page 1of 17

Filipino 9

Ikatlong Markahan – Modyul 5:

Panitikan: Epiko ng India
“Rama at Sita”
Gramatika: Pang-uri
Filipino – Baitang 9
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Panitikang Asyano – Epiko ng India

Isinasaad sa Batas republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa

anomang paraan nang walang pahintulot ng kagawaran.

School Digitized Task Force in Filipino 9

Manunulat:
Angelica J. Santos
Rachel E. Onza
Erika Camille S. Ocampo
Mhelvin A. Abarabar

Tagasuri:
Manilyn M. Conte
Dona P. Tactaquin
Maria U. Cruz
Marissa M. Mamaril, EdD
Maria Sylvia M. Garcia, PhD
9
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Panitikan: Epiko ng India
“Rama at Sita”
Gramatika: Pang-uri
Alamin

Samahan mo akong maglakbay sa Timog Kanlurang Asya, puntahan at alamin

natin ang panitikan ng India. Tulad ng maraming bansa sa mundo, mayaman din ito
sa mga akdang pampanitikan tulad ng epiko. Masasalamin sa kanilang mga naisulat
ang kanilang mga pangarap, mithiin, paniniwala, kultura, at tradisyon. Sa araling ito,
inaasahang maipamamalas mo ang iyong pag-unawa sa epiko mula sa India na may
pamagat na “Rama at Sita” na isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva.

Bahagi ng aralin ang pagtalakay sa mga uri ng paghahambing upang higit mong
maunawaan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bansa sa Asya. Bibigyang-tuon
din kung paano naipakikita sa mga epiko ang kabayanihan ng isang tao. Ang sagot sa
mga tanong na ito ay malalaman mo lamang pagkatapos mong pag-aralan at isagawa
ang lahat ng mga tagubilin ko sa araling ito.

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod na mga

Kasanayan sa Pampagkatuto:

 Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa akda batay sa ilang pangyayaring

napakinggan ( F9PN-IIIg-h-54)
 Nailalarawan ang natatanging kulturang Asyano na masasalamin sa epiko
( F9PB-IIIg-h-54 )
 Nabibigyang-katangian ang isa sa mga itinuturing na bayani ng alinmang bansa sa
kanlurang Asya ( F9PT-IIIg-h-54)
 Nagagamit ang mga angkop na salita sa paglalarawan ng kulturang Asyano at bayani
ng Kanlurang Asya ( F9PS-IIIg-h-56 )

Bago ka magpatuloy sa araling ito ay aalamin muna natin kung ano na ang iyong
alam tungkol sa araling ito. Huwag kang mag-alala dahil ito ay panimulang pagsubok
lamang. Maaari ka ng mag-umpisa!

SUBUKIN
Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.
1. Isang uri ng tulang pasalaysay na naglalarawan ng kabayanihan at katapangan ng
pangunahing tauhan?
a) Elihiya b) Epiko c) Awit d) Tanaga

2. “Sige patayin mo siya! Sabi ni Rama. Ang pahayag ay _________

a) nakikiusap b) nagmamakaawa c) nag-uutos d) nagpapaunawa

1
3. Kaharian kung saan ipinatapon sina Rama, Sita at Lakshamanan?
a) Lanka b) Ayodha c) India d) Sri Lanka

4. Ito ang kaharian ng mga higante at demonyo?

a) Lanka b)Ayodha c) India d)Sri Lanka

5. Anong uri ng teksto ang iyong binasa?

a) Nagsasalaysay b) Naglalarawan c) Naglalahad d) Nangangatwiran

Aralin A. Panitikan: Rama at Sita

Epiko ng India
5 B. Gramatika/Retorika: Pang-uri

Panimula

Mahusay ! Kahanga-hanga ang iyong tatag sa pagsagot ng panimulang gawain. Maaari

mong tignan ang tamang sagot sa pinakahuling pahina ng modyul na ito.

Ngayong araw ay panibagong akda ang ating mapag-aaralan ito ay ang epiko na mula
sa India, ang “Rama at Sita (Isang Kabanata)” na isinalin sa Filipino ni Rene O. Villnueva. Handa
ka na bang pag-aralan ang makulay at mahiwagang mundo ng epiko?

Tara, simulan na natin ang ating talakayan.

Balikan
Gawain 1: Itala Mo
Panuto: Isa-isahin ang mga uri ng pang-abay at magbigay ng pangungusap sa bawat uri.

Uri ng Pang-abay Pangungusap

2
Tuklasin
Magaling at naalala mo pa ang tinalakay natin noong nakaraan.
Alam kong sabik ka na sa ating aralin kaya’t simulan natin sa paunang gawain.

Gawain 2: Hulaan Mo!

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag na may kaugnayan sa larawan at
tukuyin kung sino o ano ang tinutukoy nito.

1. Ako ay isang relihiyosa.

Pag-ibig ko’y ipinadama sa tao.
Nakilala ako sa buong mundo.
Sa taguring The Living Saint ay
nakilala ako nang ako’y buhay pa.
Sino ako? Sagot: _________________

2. Simbolo ito ng pagmamahal.

Gusaling ipinagawa ni Shah Jahan
upang magsilbing libingan ng
kaniyang asawang si Mumtaz Mahal.
Ano ito? Sagot:_________________

3. Kahanga-hanga ang kanilang pilosopiya

tulad ng kagandahan, katotohanan, kabutihan
na kanilang pinahahalagahan. Dito rin nakilala
si Pratibha Patil na kauna-unahang presidente nila.
Anong bansa ito? Sagot: _________________

4. Pinakatanyag na pagbati ng mga Hindu.

Isinasagawa kapag bumabati o namamaalam.
Ang dalawang palad ay pinagdaraop at
nasa ibaba ng mukha.
Mahuhulaan mo ba kung anong salita ito? Sagot: ________________

Napakahusay! Ang lahat ng iyong sagot ay may kinalaman sa India.

Mayaman ang India sa kultura at paniniwala. Pinaniniwalaan ng bansang ito ang kagandahan,
katotohanan, at kabutihan. Naniniwala sila na pinagpapala ng Diyos ang maganda at matalino at
kumikilos nang ayon sa kanilang lipunan. Napakarami rin nilang mga tradisyon. Halos sa loob ng apat
na libong taon ay tila hindi nagbago ang mga kinagisnang tradisyon ng mga Hindu. Ang mga ito ang
pumukaw sa interes ng mga dayuhang manlalakbay.
Isa sa pinahahalagahang panitikan ng India ay epiko. Malimit na nababasa ang mga kultura nila
sa kanilang epiko.

3
Ang epiko o epic sa wikang Ingles ay uri ng panitikan na matatagpuan sa iba’t ibang
pangkat-etniko. Ito ay tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga
tao laban sa mga kaaway na hindi kapani-paniwala dahil sa taglay nitong kababalaghan at hiwaga.
Ang mga pangunahing tauhan dito ay nagtataglay ng mga katangiang nakahihigit sa karaniwang
tao at kadalasang sila ay buhat sa lipi ng mga Diyos o Diyosa.
Alam mo ba na ang epiko ay mula sa salitang Griyego na “Epos” na nangangahulugang
awit? Ang mga ito ay nasa anyo ng berso o talata ngunit ito ay iba-iba at bukod-tangi sa bawat
rehiyon at hindi maikukumpara sa mga kanluraning bansa
Katangian ng Epiko
1. Paggamit ng mga bansag sa pagkilala sa tiyak na tao.
2. Mala-talata na paghahati o dibisyon sa mga serye ng kanta
3. Kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang-araw-araw na buhay at
kalikasan (halaman, hayop, mga bagay sa kalangitan, atbp.)
4. Kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kaniyang mga sagupaan sa mga anting-anting
at ang kaniyang paghahanap sa minamahal o magulang; ito rin ay maaaring tungkol sa
panliligaw o pag-aasawa.

Nalaman na natin ang kahulugan at elemeto ng epiko kaya basahin na natin ang
epiko ng India na pinamagatang “Rama at Sita” na isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva.

Rama At Sita (Isang Kabanata)

Epiko - Hindu (India)
Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva

Sa gubat tumira sina Rama, Sita at Lakshamanan nang ipatapon sila mula sa kaharian ng Ayodha.
Minsan, isang babae ang dumalaw sa kanila. Hindi nila alam, nagpanggap lamang ang babae. Siya ay
si Surpanaka, ang kapatid ni Ravana, na hari ng mga higante at demonyo. “Gusto kitang maging
asawa,” sabi nito kay Rama. “Hindi maaari,” sabi ni Rama. “May asawa na ako.” Narinig ni Sita ang
dalawa kaya lumabas siya. Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni Surpanaka. Sa galit ay bigla siyang naging
higante. Nilundag niya si Sita para patayin. Pero mabilis na nayakap ni Rama ang asawa at agad silang
nakalayo kay Surpanaka, siya namang pagdating ni Lakshamanan.

“Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Binunot ni Lakshamanan ang kaniyang espada at nahagip niya
ang tenga at ilong ng higante. “Sino ang may gawa nito?” sigaw ni Ravana nang makita ang ayos ng
kapatid. Nagsinungaling si Surpanaka kay Ravana para makaganti kay Rama. Sinabi niyang nakakita
siya ng pinakamagandang babae sa gubat at inalok niya itong maging asawa ni Ravana pero tumanggi
ang babae. Nang pilitin daw niya, tinagpas ng isang prinsipe ang kaniyang ilong at tenga. “Tulungan
mo ko, Ravana,” sabi nito. “Bihagin mo si Sita para maging asawa mo.” Naniwala naman si Ravana sa
kuwento ng kapatid. Pumayag siyang ipaghiganti ito.

Ipinatawag ni Ravana si Maritsa. May galing si Maritsa na mabago ang sarili sa kahit anong anyo at
hugis. Nang malaman ni Maritsa na sina Rama at Lakshamanan ang makakalaban, tumanggi itong
tumulong. “Kakampi nila ang mga Diyos,” sabi ni Maritsa.

4
“Kailangan umisip tayo ng paraan kung paanong makukuha si Sita nang hindi masasaktan sina
Rama. “Nakumbinsi naman si Ravana kaya nag-isip sila ng patibong para maagaw nila si Sita.

Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita ng isang gintong usa. Tinawag agad niya
sina Rama at Lakshamanan para hulihin ang usa na puno ng mamahaling bato ang sungay. “Baka
higante rin iyan,” paalala ni Lakshamanan. Dahil mahal na mahal ang asawa, kinuha ni Rama ang
kaniyang pana at busog. “Huwad mong iiwan si Sita kahit na ano ang mangyari,” bilin ni Rama sa
kapatid. Parang narinig ng usa ang sinabi ni Rama. Agad itong tumakbo kaya napasigaw si Sita. “Bilis!
Habulin mo ang gintong usa!”

Matagal na naghintay ang dalawa pero hindi pa rin dumarating si Rama. Pinilit ni Sita si
Lakshamanan na sumunod sa gubat. Hindi, kailangan kitang bantayan,” sabi nito. Ilang oras pa silang
naghintay nang bigla silang nakarinig ng isang malakas na sigaw. Napaiyak si Sita sa takot pero ayaw
pa ring umalis si Lakshamanan kaya nagalit si Sita. “Siguro gusto mong mamatay si Rama para ikaw
ang maging hari,” sabi nito kay Lakshamanan. Nasaktan si Lakshamanan sa bintang ni Sita. Para
patunayang mahal niya ang kapatid, agad siyang sumunod sa gubat. Wala silang kamalay-malay na sa
labas ay naghihintay si Ravana.

Sa gubat, napatay ni Rama ang usa at bigla itong naging si Maritsa. Nagpanggap naman si Ravana
na isang matandang paring Brahmin. Nagsuot ng kulay kahel na roba at humingi siya ng tubig kay Sita.
Hindi nakapagpigil si Ravana. “Bibigyan kita ng limang libong alipin at gagawin kitang reyna ng Lanka,”
sabi ni Ravana. Natakot si Sita at nabitiwan ang hawak na banga!

Itinulak ni Sita si Ravana. Bumalik sa anyong higante si Ravana. Hinablot ni Ravana ang mahabang
buhok ni Sita at isinakay sa karuwaheng hila ng mga kabayong may malalapad na pakpak. Nagsisigaw
at nanlaban si Sita pero wala siyang magawa. Lihim na nagsisi si Sita sa ginawa niya kina Rama at
Lakshamanan. Itinapon niya ang mga bulaklak sa kaniyang buhok. Nagdasal siya na sana ay makita
iyon ni Rama para masundan siya at mailigtas.

Mula sa isang mataas na bundok, narinig ng isang agila ang sigaw ni Sita. Hinabol ng ibon ang
karuwahe ni Ravana. Pinagtataga ni Ravana ang agila at duguan itong bumagsak sa lupa.

Pabalik na sina Rama at Lakshamanan nang makita nila ang naghihingalong agila. “Dinala ni Ravana
ang asawa mo sa Lanka,” sabi nito bago mamatay. Sinunog ng magkapatid ang bangkay ng agila.
Pagkatapos ay naghanda sila upang sundan ang hari ng mga higante sa Lanka. Dinala ni Ravana si Sita
sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo. “Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang
lahat ng kayamanan,”sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita.

Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin ang Lanka. Sa labanang naganap,
maraming kawal na unggoy ang napatay pero mas maraming higante ang bumagsak na pugot ang ulo.
Hinanap ni Rama si Ravana at silang dalawa ang naglaban.

Matagal na naglaban sina Rama at Ravana hanggang sa mapatay ni Rama ang hari ng higante.
Tumakas ang iba pang mga higante nang makita nilang patay ang kanilang pinuno. Umiiyak na
tumakbo si Sita sa asawa. Nagyakap sila nang mahigpit at muling nagsama nang maligaya.

5
SURIIN!
\ Alam kong naunawaan niyo ang epikong inyong binasa kaya kilalanin pa nating
mabuti ang mga tauhan nito.
Rama – asawa ni Sita
Sita – asawa ni Rama
Lakshamanan- kapatid ni Rama
Surpanaka – kapatid ni Ravana
Ravana – hari ng mga higante at demonyo
Maritsa – may kakayahang mabago ang anyo at sarili

Gawain 3: Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong. Isulat sa iyong sagutang papel.
1. Paano nagkakaiba ng mga katangian ang bawat tauhan sa ating epiko?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.
2. Paano pinatunayan nina Rama at Sita ang kanilang pagmamahalan? Makatotohanan
ba ang kanilang ginawa upang patunayan ang kanilang pagmamahalan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.
3. Isa-isahin ang mga pangyayaring nagpakita ng kabayanihan ng mga tauhan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.
4. Ipaliwanag at bigyang patotoo ang pilosopiya ng India na “Pinagpapala ng Diyos ang
maganda, matalino at kumikilos nang naaayon sa lipunan.”
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.
5. Isa-isahin ang mga pangyayaring nagpakita ng kababalaghan sa kuwento?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.
6. Ano ang mga kulturang Asyano ang makikita sa binasa? Ihambing ito sa kultura ng
ating bansa.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.

6
Gawain 4 Paghihinuha
Panuto: Magbigay ng sariling hinuha tungkol sa mga pangyayari sa akda.
1. Hindi paglaban ni Maritsa sa magkapatid na Rama at Lakshamanan.
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.
2. Ipinaglaban ang pagmamahalan nina Rama at Sita.
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.

Binabati kita sa iyong kahusayan na ipinakita lalo na sa mga gawaing aking ibinigay.
Narito ang isa pang gawain na tiyak kong lilinang sa iyong talasalitaan.

Gawain 5 Paglinang ng Talasalitaan

Panuto: Punan ng nawawalang letra ang kahon na walang nakasulat upang mabuo ang
salitang nakasulat nang mariin. Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang mga salita.
1. Bihagin mo si Sita para maging asawa mo.
U o
Pangungusap:_________________________________________________________.
2. Hinablot ni Ravana ang mahabang buhok ni Sita.
i a
Pangungusap:_________________________________________________________.
3. Nagpanggap si Ravana bilang isang matandang paring Brahman.
g k W
Pangungusap: _________________________________________________________.

4. Nakumbinsi ni Maritsa si Ravana kaya umisip sila ng ibang paraan.

n p w L
Pangungusap:_________________________________________________________.
5. Gumawa sila ng patibong para maagaw si Sita.
b g

Pagyamanin
Pagyamanin
Matapos nating talakayin ang epikong Rama at Sita ay palalawakin naman natin ang inyong
kaalamang pangramatika na tiyak na magagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.

Pansinin ang mga pangungusap na ito:

a. Si Anton ay mabait.
b. Si Chantal ay mas mabait kaysa kay Anton.
c. Si Nathalia ang pinakamabait sa tatlo.
Ano ang napansin mo sa mga salitang may salungguhit? Ito ay mga salitang naglalarawan o
ang tinatawag na pang-uri.

7
Alam mo ba ….

Ang pang-uri ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa pangngalan at

panghalip? Mayroon itong taltong kaantasan, ang lantay, pahambing at pasukdol.

1. Lantay
-naglalarawan sa isa o payak na pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
Malakas na alon ang humahampas sa dalampasigan.
(Ang salitang naglalarawan sa pangungusap ay ang malakas sapagkat inilalarawan
nito ang alon kung gaano kalakas na humahampas sa dalampasigan)

2. Paghahambing
-naglalarawan ng dalawang pangngalan o panghalip na inihahambing.

May dalawang uri ang kaantasang pahambing

a) Paghahambing na magkatulad – ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may

patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping ka-, magka-, ga, sing-, kasing-,
magsing-, at mga salitang paris, wangis/kawangis, gaya, tulad, hawig/kahawig, mistula, at
mukha/kamukha.

Halimbawa:

Sa kasalukuyan, magkasinghusay ang kababaihan at kalalakihan sa iba’t ibang

larangan.
(Ang ginamit na salita upang ilarawan ang pantay na katangian ng kalalakihan at
kababaihan ay ang magkasinghusay).

b. Paghahambing na di-magkatulad – nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtanggi,

pagsalungat sa pinatutunayang pangungusap.

May dalawang uri ang hambingang di-magkatulad:

b.1. Pahambing na Palamang
-nagsasaad ng positibong katangian. Gumagamit ng mga lalo, di-hamak, mas,
higit at iba pa.
Halimbawa:
Di-hamak na matiyaga ang mga babae sa gawaing bahay kaysa sa mga lalaki.
(Ang ginamit na pahambing na palamang sa pangungusap ay ang di-hamak.)
b.2.Pahambing na Pasahol
-nagsasaad ng higit na negatibong katangian ang pinaghahambingan. Ginagamit dito
ang mga salitang di-gaano, di-gasino at di-masyado.
Halimbawa:
Ang kababaihan ay di-masyadong mahilig sa maaksiyong pelikula.
(Ang ginamit na pahambing na pasahol sa pangungusap ay ang di-masyado.)

8
3. Pasukdol
- ito ang pinakamataas na digri ng kaantasan ng paglalarawan. Maaari itong magsaad ng
positibo at negatibo. Ginagamitan ito ng mga salitang sobra, ubod, tunay, talaga, saksakan,
pinaka- at iba pa.
Halimbawa:
Ang pananatili sa loob ng tahanan ang pinakamabisang paraan upang maiwasan
ang Covid-19.
(Ang ginamit na salitang nagpapakita ng pasukdol ay ang pinakamabisa.)

Lubos na ninyong naunawaan ang pang-uri maging ang tatlong kaantasan nito.
Kaya’t narito ang gawaing inihanda ko para sa iyo.

Gawain 6: Kaantasan ng Pang-uri

Panuto: Tukuyin ang antas ng pang-uri na ginamit sa pangungusap.
1. Mabilis na tumakbo ang suspek sa makitid na eskinita.
2. Mapalad si Dindo sapagkat siya ang ubod ng bait sa magkakapatid.
3. Magkasinghaba ang inilatag na butil ng palay at mais sa kalsada.
4. Ayon sa DOH, mas dumarami ang natatamaan ng Covid-19 ngayong buwan kumpara
noong nakaraang buwan.
5. Marami ang apektadong negosyo sa Pangasinan lalo na sa kalakhang Maynila dahil
sa Covid-19.

Isaisip

Gawain 7:Kompletuhin Mo
Panuto: Kompletuhin ang pahayag ayon sa iyong pag-unawa.
1. Ang mahalagang kaisipan na tumatak sa aking isipan matapos mapag-aralan ang
modyul ay ____________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.

2. Malagaha ang mga salitang naglalarawan o pang-uri sapagkat __________________

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

9
Isagawa
Gawain 8 Kulturang Asyano, Ilarawan Mo!
Panuto: Gamit ang mga salitang naglalarawan, bumuo ng isang talata na naglalarawan sa
kulturang Asyano. Pagkatapos ay itala ang mga salitang naglalarwan o pang-uring ginamit at
tukuyin ang kaantasan nito.

_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

Mga Pang-uring Ginamit Kaantasan ng Pang-uri

Binabati kita sa kahusayang iyong ipinakita. Batid

kong talagang naunawaan mo ang mga tinalakay natin
ngayong araw. Nawa’y magamit mo ang mga natutunan mo
sa pang-araw-araw na iyong pamumuhay.

10
TAYAHIN
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Sagutan ito sa iyong papel.
1. Isang uri ng tulang pasalaysay na naglalarawan ng kabayanihan at katapangan ng
pangunahing tauhan?
a. Elihiya b) Epiko c) Awit d) Tanaga
2. “Sige patayin mo siya!” Sabi ni Rama. Ang pahayag ay _________
a. nakikiusap b) nagmamakaawa c) nag-uutos d) nagpapaunawa
3. Kaharian kung saan ipinatapon sina Rama, Sita at Lakshamanan?
a. Lanka b) Ayodha c) India d) Sri Lanka
4. Ito ang kaharian ng mga higante at demonyo?
a. Lanka b)Ayodha c) India d)Sri Lanka
5. Anong uri ng teksto ang iyong binasa?
a. Nagsasalaysay b) Naglalarawan c) Naglalahad d) Nangangatwiran
6. Anong damdamin ang namayani nang makita ni Surpanak na niyakad ni Rama si Sita?
a) tuwa b) selos c) galak d) lungkot
7. Kanino humingi ng tulong si Rama para salakayin ang Lanka upang mailigtas si Sita?
a) Pusa b) Unggoy c) Tigre d)Leon
8. Siya ang kapatid ni Rama na masunurin at tapat?
a) Lakshamanan b) Maritsa c) Ravana d) Surpakana
9. Bakit takot na saktan ni Maritsa si Rama?
a) dahil takot siya kay Rama b)dahil mahal niya si Rama
c) dahil kakampi ni Rama ang Diyos d) dahil kaaway niya si Surpanaka
10. “Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan,” sabi ni Ravana
pero hindi niya napasuko si Sita. Ang hindi pagsuko ni Sita kay Ravana ay
nangangahulugang __________.
a) natatakot
b) mahal ang kanyang asawa
c) hindi si Ravana ang kanyang gusto
d) naniniwala siya sa milagro

11
Karagdagang Gawain

Gawain 9: Isalaysay Mo
Panuto: Magsaliksik ng isang epiko mula sa Pangasinan at ilahad sa pamamagitan ng
pagbubuod.

Pamagat ng Epiko

___________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
__________.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

12
SUSI SA PAGWAWASTO
SUBUKIN
1. B
2. C
3. A
4. B
5. B
GAWAIN 1 Iba-iba ang sagot
GAWAIN 2
1. Mother Teresa
2. Taj Mahal
3. India
4. Namaste
GAWAIN 3 Iba-iba ang sagot
GAWAIN 4 Iba-iba ang sagot
GAWAIN 5
1. ikulong
2. hinila
3. nagkunwari
4. napaniwala
5. bihag
GAWAIN 6
1. Lantay
2. Pasukdol
3. Pahambing
4. Pahambing
5. Pasukdol
GAWAIN 7 Iba-iba ang sagot
GAWAIN 8 Iba-iba ang sagot

TAYAHIN
1. B
2. C
3. A
4. B
5. B
6. B
7. B
8. A
9. C
10. B

13
SANGGUNIAN:
Romulo N. Peralta, et al. Panitikang Asyano ( Modyul ng Mag-aaral sa Filipino- Unang Edisyon),
Sunshine Interlinks Publishing House,Inc. 2016, pp. 170 – 189

https;//pinoycollection.com/epiko/

Ailene Baisa-Julian, et al. Pinagyamang Pluma 9, Phoenix Publishing House,Inc. 2014, pahina 383

MELCs 2020-2021 pahina 176

14

You might also like