You are on page 1of 14

Filipino 9

1
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Ikatlong Markahan –Modyul5:“Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere”
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Marites Soriano Gonzales
Editor: Imelda T. Tuańo at Jay-R S. Montecer
Tagasuri: Salve Regina O. Piezas

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD(EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez(Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao(AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD(MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. HerreraEdD(Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. IgnacioPhD(EsP)
Dulce O. Santos PhD(Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. TagulaoEdD(Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 9
Ikaapat na Markahan
Modyul 5 para sa Sariling Pagkatuto
“Kaligirang Pangkasaysayan ng
Noli Me Tangere”

Manunulat: Marites S. Gonzales


Tagasuri: Salve Regina O. Piezas Editor: Imelda T. Tuańo at Jay-R S. Montecer

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 9 ng Modyul 5 para sa
araling “Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere”

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 9 Modyul 5 ukol sa “Kaligirang


Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere”

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN
SA PAGWAWASTOMGA
1. Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon at bisa ng akda sa sarili
INAASAHAN
at nakararami.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Iguhit ang kung Tama ang pangungusap at kung Mali.


_____1. Ang unang bahagi ng Noli Me Tangere ay isinulat sa Madrid
noong 1889.
_____2. Naisip ni Jose Rizal na ang nobelang ito ay mabisang paraan ng
paghihimagsik laban sa mga Kastila.
_____3. Ang Noli Me Tangere ay salitang Latin na ang kahulugan ay
“Huwag mo akong Hawakan”.
_____4. Itinambad ang pagpapaimbabaw sa balatkayong relihiyon na
nagpapahirap at nagmamalupit sa mga Pilipino noon.
_____5. Ang dalawang aklat na naging inspirasyon ni Rizal ay ang
“The Wandering Jew” at ang “Uncle Tom’s Cabin”.

BALIK-ARAL

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Jose Protacio Rizal _______ at Alonzo Realonda ang buong pangalan
ng ating pambansang bayani.
A. Dela Cruz C. Mercado
B. Fuentes D. Tolentino
2. Ginamit ng pamilya ang apelyidong Rizal na nangangahulugang ________
A. magandang buhay C. masaganang ani
B. luntiang kabukiran D. malawak na lupain
3. Ang gulang ni Rizal nang sulatin ang nobelang Noli Me Tangere ay _______
A. 20 C. 24
B .22 D. 26
4. Ipiniit si Rizal sa _________ sa Real Fuerza de Santiago.
A. Bataan C. Laguna
B. Bulakan D. Maynila
5. Ang huling isinulat ni Rizal bago siya binaril sa Bagumbayan ay _________
A. El Filibusterismo C. Mi Ultimo Adios
B. Florante at Laura D. Noli Me Tangere

6
ARALIN

Basahin at unawain ang aralin.


“Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere”

Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa


ilan niyang kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at
yaon ay pagsasama-samahin niya upang maging nobela.Ngunit hindi ito
nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang
pagsulat nang walang katulong.
Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang matalik na kaibigang si Dr. Ferdinand
Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang “Noli”. Ang lahat
ng mga ito ay maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela.
prezi.com> wqewkwitgend> kaligirang pangkasaysayan ng noli me tangere

Ayon kay Rizal “Ang mga salitang Noli Me Tangere, na sinipi sa


Ebanghelyo ni San Lucas (Na dapat ay ebahelyo ni San Lucas ay 20:13-17),
ay nanganagahulugang “huwag mo akong salingin”.
Mas madalas itong tinatawag na Noli; at ang salin sa Ingles nito ay Social
Cancer. Sinulat sa wikang Kastila ang Noli,ang wika ng mga edukado
noong panahong yaon.
Mga dahilan ng pagsulat sa Noli Me Tangere
1. Ang aklat ay naglalaman ng mga bagay na hanggang sa kasalukuyan ay
walang sinumang makapangahas na bumanggit. Ang mga bagay na iyon
ay maselan kaya’t walang makasaling man lang.
2. Itinambad ang pagpapaimbabaw sa balatkayong relihiyon na
nagpapahirap at nagmamalupit sa mga Pilipino noon.
3. Iangat ang tabing upang makita kung ano yaong nasa likod ng mga
madaya at nakasisilaw sa pangako ng pamahalaan.Ipakilala ang kaibahan
ng tunay sa di-tunay na relihiyong kinakalakal ang banal na kasulatan
upang mapagsalapi
4. Sinabi ang kapintasan at pagwawalang-bahala sa mga maralita na
nagpakilala sa karuwagan ng mga mamamayan.
5. Ang nakasaysay dito ay pawang katotohanan at tunay na nangyari noon.

prezi.com>kaligirang pangkasaysayan ng noli me tangere

7
Ayon kay Wenceslao retana, unang sumulat ng talambuhay ni Rizal,
ipinahayag ni Rizal na sinulat nito ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa
Madrid noong mastatapos ang 1884 o nang nagsisimula ang 1885; isangkapat
ay isinulat niya sa Paris, at ang isang kapat sa Alemanya. Ayon sa natatala sa
manuskrito ay natapos ni Rizal ang Noli sa Berlin noong ika-21 ng
Pebero,1887.Ipinalimbag ang nobelang ito sa limbagan ng kapisanang itinatag
ni Ginang Lette sa Berlin kung saan natapos ito noong taon ding iyon-Marso
1887. Dalawang libong (2,000) sipi lamang ang ipinalimbag, at ang ibinayad
niya sa pagpapalimbag ay hiniram niya kay Dr. Maximo Viola, taga-San
Miguel,Bulakan. Ang nasabing halaga ay umabot sa P300 ay binayaran niya
kay Dr. Viola nang dumating ang padalang pera mula sa kanyang mga
magulang.

Baisa,Julian,Ailene G. et al. Pinagyamang Pluma 9 (Aklat 2 Noli Me Tangere), Quezon


City:Phoenix Publishing House,2015

Inilaan ni Vicente Blasco Ibañez, isang bantog na manunulat ang kaniyang


serbisyo bilang tagapayo at tagabasa.
Bumuo ng kontrobersya ang nobelang ito kung kaya’t pagkatapos lamang
ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa Pilipinas, tinanggap ni Gobernador-
Heneral Terrero sa Malacañang at inabisuhang puno ng subersibong ideya
ang Noli.
Pagkatapos ng usapan,napayapa ang liberal ng Gobernador-Heneral
ngunit nabanggit niya na wala na siyang magagawa sa kapangyarihan ng
simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal.

prezi.com> wqewkwitgend> kaligirang pangkasaysayan ng noli me tangere

Inialay ni Dr. Rizal ang Noli Me Tangere sa kanyang Inang-Bayan.Isang


taos-pusong paghahandog kalakip ng kanyang mga tiisin at pagpapakasakit
na dinanas sa Berlin noong tinatapos niya ang nobela.

D. Jamero at M. Glinofria:noli me tangere,batay sa basic education curriculum

8
MGA PAGSASANAY

GAWAIN 1.

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.

A. Pebrero 21,1887 D. 2,000 sipi


B. Marso 1887 E. 300 piso
C. San Lucas 20:13-17 F. Simbahan

_____1. Ang hindi mapipigilan na gumawa ng kilos laban kay Rizal


_____2. Taong natapos malimbag ang aklat
_____3. Natapos ni Rizal ang nobela sa Berlin
_____4. Halagang nautang ni Rizal sa paglilimbag
_____5. Nagawang kopya sa nobela

GAWAIN 2

Panuto: Piliin sa Hanay B ang tamang sagot mula sa Hanay A.

HANAY A HANAY B

____1.Nagpautang ng pera kay Rizal A. Dr. Ferdinand Blumentritt


____2.Pinaghandugan ng Noli B. Maximo Viola
____3.Matalik na kaibigan ni Rizal C. Madrid
____4.Huwag mo akong salingin D. Liberal na Gobernador-Heneral
____5.Terrero E. Inang-bayan
F. San Lucas mula sa Ebanghelyo

9
GAWAIN 3

Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat patlang.

1. Ang unang sumulat ng talambuhay ni Jose Rizal ay si _____________


A. Gobernar-Heneral Terrero C. Maximo Viola
B. Ferdinand Blumentritt D. Wenceslao Retana

2. Ang kanser na panlipunan ay mas kilala sa Ingles sa tawag na__________


A. Bone Cancer C. Liver Cancer
B. Brain Cancer D. Social Cancer

3. Bantog na manunulat na naglaan ng kaniyang serbisyo bilang tagapayo


at tagabasa ni Rizal sa ginawa niyang aklat.
A. Vicente Blasco Ibañez C.Maximo Vola
B. Ferdinand Blumentritt D.Wenceslao Retana

4. Bago isulat ni Rizal ang nobela, binalak niya ________________________


A. Ipasulat sa ilan niyang kababayan na nakababatid sa uri ng
Lipunan sa Pilipinas
B. Ipagawa sa kanyang matalik na kaibigang si Ferdinand Blumentritt
C. Kumuha ng mahusay na tagapagsalin ng nobela
D. Magpaturo sa isang dalubwika sa pagsusulat ng aklat

5. Isa sa naging bunga ng pagsusulat ng nobela ni Rizal ay ________________


A. Naging kapalagayang-loob niya ang mga Kastila
B. Binigyan siya ng parangal bilang natatanging tao
C. Nagkamal siya ng malaking halaga
D. Tumanggap ng abiso na puno ng subersibo ang kanyang aklat

10
PAGLALAHAT
Panuto: Punan sa patlang ang hinihinging sagot upang mailahad ang
sariling pananaw, konglusyon at bisa ng akda sa sarili at
nakararami.

Sariling pananaw

____________________________
____________________________
____________________________
Bisa ng akda sa ______
sarili
Kongklusyon

_____________________________
_____________________________
_____________________________
___

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Isulat mo ang mga natutuhan mo sa araling ito sa


pamamagitan ng pagdurugtong sa sumusunod na pahayag.

Masasabi kong
____________________
____________________
____________________

Napag-alaman Natuklasan kong


kong _________________
__________________ _________________
__________________ _________________
__________________

11
PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Nakasulat sa wikang ___________ang Noli me Tangere.


A. Ingles C. Hapon
B. Italyano D. Latin

2. Ito ay hango kay _____________na nakasulat sa Bibliya.


A. San Andres C. San Mateo
B. San Lucas D. San Pablo

3. Ipinalimbag ang nobela sa Berlin sa limbagan ni _____________


A. Ferdinand Blumentritt C.Wenceslao Retana
B. Ginang Lette D.Maximo Viola

4. Ang kahulugan sa tagalog ng Noli Me Tangere.


A. Huwag mo akong hawakan C.Huwag mo akong takbuhan
B. Huwag mo akong iwanan D.Huwag mo akong salingin

5. Alin ang hindi makatotohanan sa nilalaman ng nobela?


A. Ang laman ng aklat na ito ay maselan at walang sinumang
makapangahas na bumanggit.
B. Itinambad ang pagpapaimbabaw sa balatkayong relihiyon.
C. Sinabi ang kapintasan at pagwawalang-bahala sa mga maralita.
D. Naging makaama ang pagturing ng Kastila sa mga Pilipino

12
SUSI SA PAGWAWASTO

13
Sanggunian

prezi.com> wqewkwitgend> kaligirang pangkasaysayan ng noli me tangere

prezi.com>kaligirang pangkasaysayan ng noli me tangere

Baisa,Julian,Ailene G. et al. Pinagyamang Pluma 9 (Aklat 2 Noli Me Tangere), Quezon


City:Phoenix Publishing House,2015

prezi.com> wqewkwitgend> kaligirang pangkasaysayan ng noli me tangere

D. Jamero at M. Glinofria:noli me tangere,batay sa basic education curriculum

14

You might also like