You are on page 1of 49

Filipino Ikatatlong Markahan-

Modyul 1: Parabula mula sa


Kanlurang Asya

PREPARED BY: TYPE YOUR NAME


Pagkatapos mong isagawa ang modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:

 Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang


parabula ay maaaring maganap sa tunay na buhay sa
kasalukuyan.(F9PB-IIIa-50)

 Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang mga


matatalinghagang pahayag. (F9WG-IIIa-53)

 Naisusulat ang isang anekdota o liham na


nangangaral; isang halimbawa ng elihiya. (F9PU-IIIa-
53)
BALIK-ARAL
PAUNANG GAWAIN
IPASAGOT ANG
BALIKAN NG
ADM MODULES
____1. Sa lahat ng panahon at pagkakataon sinusunod
ng anak nang buong puso ang kagustuhan ng kanyang
mga magulang. ____ 2. Naliwanagan ang anak sa
kanyang nagawa at muling bumalik sa kanyang ama at
tinanggap na siya ay nagkasala. ____ 3. Naging
mahinahon ang kanyang mga magulang nang
makitang pawang lagpak ang nakuha niyang marka.
____ 4. Nakapagtapos siya ng pag-aaral kahit na
naghihikahos sila sa buhay dahil sa kanyang
determinasyon, sipag at tiyaga. ____ 5. Nagalit ang
kanyang Panginoon nang makita siyang tatayo-tayo
lamang at walang ginagawa.
____ 1. Alin sa sumusunod na pangungusap na tama
ang pagkagamit ng salitang oras ayon sa
patalinghagang pagpapakahulugan? A. Oras na para
inumin mo ang iyong gamot. B. Ngayon ang oras ng
kanilang pag-iisang dibdib. C. Mamaya sa ganap na
alas onse ng umaga ay oras na para magluto ng
pananghalian. D. Ang oras ay ginto kaya huwag na
huwag mong sayangin bagkus pahalagahan mo ito.
____ 2. Paano mo masasabi na ang isang pahayag ay
matalinghaga? A. Kung ito ay madaling maunawaan. B.
Kung nakalilito ang isang pahayag. C. Matalinghaga
ang isang pahayag kung literal ang pagpapakahulugan.
D. Matalinghaga ang isang pahayag kung nagtataglay
ito ng iba pang kahulugan.

____ 3. Alin sa sumusunod na pangyayari ang kapareho ng pangyayari sa loob ng kahon? A. Nang
maghirap ang anak bumalik ito sa kanilang tahanan. B. Nang magutom ang anak, ito’y humingi ng
tulong sa kanyang magulang. C. Nang maaksidente ang bunsong anak agad itong lumapit sa kanilang
ama. D. Nang maghirap ang anak naghanap ito ng trabaho at namasukan bilang alila. ____ 4. Paano
mo mapapatunayan na ang mga pangyayaring napapaloob sa isang akda ay posibleng mangyari sa
tunay na buhay? A. Kung ito ay nangyari sa totoong buhay B. Kung ito ay nakita o nasaksihan C.
Kung ito ay narinig D. Lahat ng nabanggit
____ 5. Alin sa sumusunod na pangungusap ang
kinapapalooban ng matalinghagang pahayag? A. Sa
panahon ng pandemiya lakad-pagong ang pagsulong
ng ating ekonomiya. B. Nakatatakot talaga ang Covid
19 sapagkat milyon-milyong tao na ang namamatay. C.
Ugaliing maghugas ng kamay lagi para maiwasan ang
nakamamatay na bayrus. D. Laging magsuot ng
facemask at face shield kung lalabas ng bahay nang
sa gayon hindi mahawaan ng nakamamatay na sakit.
1. Ano ang nais ipahiwatig ng talinghaga? a. Mahalaga
na ipapakita sa gawa hindi puro salita. b. Maging
mabuting halimbawa upang hangaan ng iba. c. Sa
paggawa ng mabuti magiging kilala sa buong mundo.
d. Kung maging mabuting halimbawa sa kapwa,
samantalahin ito. 2. Sumang-ayon ka ba sa mensahe
nito? Bakit? a. Opo dahil dapat tayo ay maging
huwaran sa ibang kabataan. b. Hindi gaano sapagkat
aabusuhin lamang ang ating kabutihan. c. Opo
sapagkat ito’y magagamit para gaganda ang
kinabukasan. d. Hindi dahil kung sa lahat ng panahon
maging mabuting tao, aapakan lang tayo.
KANLURANG ASYA
►Ang Kanlurang
Asya (tinatawag ding "
Gitnang Silangan" dati;
Ingles: Western
Asia, West
Asia, Southwest
Asia, Southwestern
Asia) ay ang timog-
kanlurang bahagi ng 
Asya.
►Ang katawagang Kanlurang
Asya ay kadalasang ginagamit
sa mga kasulatan tungkol sa
arkeolohiya ang huling bahagi
ng prehistory ng rehiyon. Ang
Kanlurang Asya ang rehiyong
pinagtatagpuan ng hangganan
ng tatlong mahahalagang
kontinente sa daigdig—ang 
Africa, Asya, at Europa
Ito ay binubuo ng mga bansang 
Arabo tulad ng Saudi Arabia, 
Lebanon, Jordan, Syria, Iraq, at 
Kuwait. Kasama rin sa rehiyong ito
ang tinatawag naman na Gulf
States ng Yemen, Oman, 
United Arab Emirates, Qatar, at 
Bahrain. Kasama rin sa Kanlurang
Asya ang Iran, Israel, Cyprus, at 
Turkey
Pangunahing pinagkukunan ng langis ang
rehiyong ito. Nanggaling din dito ang
mga pangunahing relihiyon sa daigdig
gaya ng Judaism, Kristiyanismo, at 
Islam. Ang Kanlurang Asya ay
itinuturing na Muslim World at
ikinakategorya bilang Arid Asya o
bahagi ng Asya kung saan
matatagpuan ang malalawak na 
disyerto at tuyong lugar mula Jordan
tungong Arabia hanggang sa Iraq, Iran,
at Afghanistan.
Umaabot hanggang Pakistan
 at bahagi ng dating Gitnang
Asya at Mongolia ang
tinatawag na Arid Asia. Ang
Kanlurang Asya ay bumubuo
sa sangkatlo (1/3) ng Asya,
may sukatna nasa pagitan ng
6.5 at 9.8 milyong milya
kwadrado.
Armenia
Kuwait
Azerbaijan Lebanon
Bahrain Oman
Cyprus Qatar
Gaza Strip Saudi Arabia
Georgia Syria
Iran Turkey
United Arab
Iraq
Emirates
Israel West Bank
Jordan Yemen
Ano ang Parabula?

Ang parabula, talinghaga, o


talinhaga ay isang maikling
kwentong may aral na kadalasan
ay mula sa Bibliya.
Ito ay parable sa wikang Ingles na
nanggaling naman sa salitang Griyego na 
parabole na ang ibig sabihin ay maiksing
sanaysay tungkol sa buhay na nagtuturo
tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal
na magiging gabay ng isang taong
nahaharap sa pangangailangang mamili o
magdesisyon.
Ang parabula ay isang maikling kwento na
umaakay din sa tao sa matuwid na landas ng
buhay.
Magkaiba ang parabula sa pabula. Ang parabula
ay walang tauhang hayop, halaman, bagay, o
puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at
nagsasalita gaya ng tao.

Karamihan sa mga talinghagang mababasa sa


Bibliya ay mga kwentong sinabi ng Panginoong
Hesus na naglalarawan at nagtuturo kung ano
ang katangian ng Kaharian ng Diyos.
Mga Halimbawa ng Parabula sa Bibliya
Ang Mabuting Samaritano
Ang Talinghaga tungkol sa Lingkod na Di
Marunong Magpatawad
Talinghaga tungkol sa Sampung Dalaga
Ang Nawala at Natagpuang Tupa
Ang Alibughang Anak
Ang Mayamang Hangal
Talinghaga tungkol sa mga Damo sa Triguhan
Ang Talinghaga tungkol sa Kasalan
Ang Talinghaga tungkol sa Manghahasik
Ang Nagpaparumi sa Tao
BASAHIN

Ang Talinghaga Tungkol sa May-


ari ng Ubasan
(Mateo 20:1-16 sa Bagong
Tipan)
Mula Panitikang Asyano 9 Peralta , Romulo N. et al
2014 pp.193-194
BASAHIN

Ang Talinghaga ng Alibughang


Anak

Lucas 15:11-32
Ang Talinghaga ng Alibughang Anak
11 
Sinabi niya: May isang lalaking may dalawang anak na
lalaki.
12 
Ang nakakabatang anak ay nagsabi sa kaniyang ama:
Ama, ibigay mo sa akin ang bahagi ng mga ari-arian na
nauukol sa akin. Binahagi ng ama sa kanila ang kaniyang
kabuhayan.
13 
Lumipas ang ilang araw, pagkatipon ng lahat ng sa
kaniya, ang nakakabatang anak na lalaki ay umalis.
Nagtungo siya sa isang malayong lupain at doon nilustay
ang kani­yang ari-arian. Siya ay namuhay ng magulong
pamumuhay. 14 Ngunit nang magugol na niya ang lahat,
nagkaroon ng isang matinding taggutom sa lupaing iyon at
nagsimula siyang mangailangan. 15 Humayo siya at
sumama sa isang mamamayan ng lupaing iyon. At siya ay
sinugo niya sa mga bukirin upang magpakain ng mga
baboy.
16 
Mahigpit niyang hinangad na kumain ng mga bunga ng
punong-kahoy[a] na ipinakakain sa mga baboy sapagkat
walang sinumang nagbigay sa kaniya.
17 
Nang manauli ang kaniyang kaisipan, sinabi niya: Ang
aking ama ay maraming upahang utusan. Sagana sila sa
tinapay samantalang ako ay namamatay dahil sa
gutom. 18 Tatayo ako at pupunta ako sa aking ama. Sasabihin
ko sa kaniya: Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong
paningin. 19 Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo.
Gawin mo akong isa sa iyong mga upahang utusan. 20 Sa
pagtayo niya, pumunta siya sa kaniyang ama, ngunit malayo
pa siya ay nakita na siya ng kaniyang ama at ito ay nahabag
sa kaniya. Ang ama ay tumakbo at niyakap at hinagkan siya.
21 
Sinabi ng anak sa kaniya: Ama, nagkasala ako laban sa
langit at sa iyong paningin. Hindi na ako karapat-dapat na
tawaging anak mo.
22 
Gayunman, sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin: Dalhin
ninyo ang pinakamainam na kasuotan at isuot ninyo sa
kaniya. Magbigay kayo ng singsing para sa kaniyang kamay
at panyapak para sa kaniyang mga paa. 23 Magdala kayo ng
pinatabang guya at katayin ito. Tayo ay kakain at
magsaya. 24 Ito ay sapagkat ang anak kong ito ay namatay
at muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan. Sila ay
nagsimulang magsaya.
25 
At ang nakakatanda niyang anak ay nasa bukid. Nang
siya ay dumarating at malapit na sa bahay, nakarinig siya
ng tugtugin at sayawan. 26 Tinawag niya ang isa sa kaniyang
mga lingkod. Tinanong niya kung ano ang ibig sabihin ng
mga bagay na ito. 27 Sinabi ng lingkod sa kaniya: Dumating
ang kapatid mo. Nagpakatay ng pinatabang guya ang iyong
ama sapagkat ang kapatid mo ay natanggap niyang ligtas
at malusog.
28 
Nagalit siya at ayaw niyang pumasok. Dahil dito lumabas
ang kaniyang ama at namanhik sa kaniya. 29 Sumagot siya
sa kaniyang ama. Sinabi niya: Narito, naglingkod ako sa iyo
ng maraming taon. Kahit minsan ay hindi ako
sumalangsang sa iyong utos. Kahit minsan ay hindi mo ako
binigyan ng maliit na kambing upang makipagsaya akong
kasama ng aking mga kaibigan. 30 Nang dumating itong
anak mo, nagpakatay ka para sa kaniya ng pinatabang
guya. Siya ang nag-aksaya ng iyong kabuhayan kasama ng
mga patutot.
31 
Sinabi ng ama sa kaniya: Anak, lagi kitang kasama at
lahat ng akin ay sa iyo. 32 Ang magsaya at magalak ay
kailangan sapagkat ang kapatid mong ito ay namatay at
muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan
SAGUTIN ANG MGA
SUMUSUNOD NA GAWAIN
SA MODULE
Pagyamanin
1. Nabanggit sa parabula ang ubasan, manggagawa,
upang salaping pilak at ang oras upang maipahayag
ang paghahambing. Sa iyong palagay saan nais
ihambing ni Hesus ang bawat isa? a. Inihalintulad ito
sa mundo, mga may buhay, pera, oras, dahil mahalaga
ang mga ito. b. Inihambing sa sweldo mana, panahon,
mga bata at panahon sapagkat nawawalang ng
panahon ang mga magulang sa kanilang anak. c.
Inihambing ito sa langit, mga tao, kayamanan, banal na
panahon upang magsisilbing gabay ng tao tungo sa
pagiging isang mabuting tao. d. Ito ay inihalintulad sa
pagawaan, mga empleyado, sahod, oras ng pasukan
at labasan sa trabaho dahil ito ay dapat na pagtuonan
sa panahon ng pandemya.
2. Ano ang nais ilarawan ni Hesus sa pagsasalaysay
niya tungkol sa dalawang uri ng manggagawa sa
ubasan? a. Ang pagiging lamang ng isa, sa isa. b.
Hindi pantay ang trato ng amo sa kanila. c. Hindi
pareho ang oras at sahod sa paggawa d. Ang
pagkakaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa kapwa.
3. Kung isa ka sa sa manggagawang maghapong
nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw
ngunit ang tinanggap mong upa o sahod ay kapareho
rin ng manggagawang isang oras lamang nagtrabaho
magrereklamo ka rin ba? a. Opo, dahil konti lang ang
natanggap kong sahod. b. Hindi gaanong
magreklamosapagkat wala akong karapatang
magreklamo. c. Opo, hindi dapat pareho ang sahod
naming sapagkat mas magaling ako sa kanila. d. Hindi,
dahil bago ako nagtrabaho napagkasunduan na namin
ang matatanggap kong sahod.
4. Kung ikaw ang may-ari ng ubasan, pare-pareho rin
ba ang upa na ibibigay mo sa mga manggagawa? a.
Opo kung sa una pa lang iyon na ang napagkasunduan
namin. b. Hindi kung hindi pareho ang oras na iginugol
nila sa paggawa. c. Hindi kung hindi naming
napagkasunduan. d. Opo dahil iyon ang nararapat na
sahod nila. 5. Ano ang ibig ipakahulugan ni Hesus sa
matalinghagang pahayag na, “Ang nahuhuli ay nauuna,
at ang nauuna ay mahuhuli.”? a. Lahat ay may pantay-
pantay na karapatan ayon sa napag-usapan. b.
Kadalasan ang unang umalis ang nahuhuling
dumating. c. Ang unang dumating ay unang umalis. d.
Mahalaga ang oras sa paggawa.
Isaisip
Tayahin
1.) Ang mga manggagawa ay nagtrabaho buong araw at nagtiis sa
nakapapasong init ng araw nang sila’y pinagtrabaho ng may-ari ng
ubasan.

A. Sa kasalukuyan marami ang mga manggagawa na gusto


talagang magbilad sa araw
B. Ang pagiging mabuti ng mga manggagawa sa kasalukuyan ay
ipinapakita sa gawa.
C. Sa ngayon kadalasan sa mga manggagawa ay gustong
magpasikat kaya tiniis ang matinding sikat ng araw.
D. May mga manggagawa sa ngayon ay pinapasok ang kahit
anong trabaho basta marangal para lang maitaguyod ang kanilang
pamilya.
2.) Nagkasundo ang may-ari ng ubasan at ang mga manggagawa
na isang salaping pilak ang kanilang matatanggap bilang sahod sa
kanilang buong maghapong igugugol sa pagtatrabaho.

A. Sa ngayon pinagkasunduan muna ng pinaglilingkuran at


ng naglilingkod kung magkano ang sasahurin niya sa
buong buwan niyang paglilingkod.
B. Sa panahon ngayon ang amo at katulong ay nag-usap nang
natapos na ang isang gawain.
C. Wala ng libre sa panahon ngayon kaya dapat na pabayarin
ang sinumang pinaglilingkuran.
D. Sa kasalukuyang panahon kailanman hindi basta-basta
magtrabaho ang isang tao kung walang sahod na
matatanggap.
3.) Nagreklamo ang mga manggagawa sa may-ari ng ubasan
sapagkat pareho ang natanggap nilang upa sa mga
manggagawang huling dumating o isang oras lang ang iginugol
sa pagtrabaho sa ubasan.

A. May mga tao sa ngayon na kaunti lamang ang kita.


B. Sa kasalukuyan talagang nagrereklamo ang isang
manggagawa kapag naaagrabiyado.
C. Nagrereklamo ang mga empleyado sa ngayon kapag hindi
makatanggap ng pamaskong handog mula sa gobyerno.
D. Sa ngayon talagang magrereklamo ang isang tao kapag
hindi pantay ang sahod na matatanggap niya kung
ihahambing sa kanyang kasamahan kung pareho sila ng
posisyon.
4-5.) Piliin ang angkop na pangungusap na patalinghaga ang pagpapakahulugan ng piling
salita.Itiman ang dalawang bilog na katumabas ng titik ng mga tamang sagot.

A. Sila’y nakakita ng salaping pilak sa daan.


B. B. Matapos ang gawaing pinagawa ni Donya Nita sa dalawang
magkakapatid sila’y binigyan ng isang salaping pilak.
C. Dahil sa kanilang kabayanihan at katapatan sa kanilang tungkulin
bilang alagad ng batas sila’y pinagkalooban ng kanilang hepe ng
salaping pilak.
D. Hindi inaasahan ni PA na makatanggap ng salaping pilak mula sa
embahada ng Amerika nang mailigtas niya ang batang muntik
nang masagasaan ng bus.
Karagdagang
Gawain

You might also like