You are on page 1of 3

Pangalan Seksyon Petsa Iskor

I. Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong/pahayag sa ibaba. Isulat ang titik sa patlang ng may tamang
sagot.

1. Alin sa sumusunod na pangungusap ang kinapalooban ng matalinghagang pahayag?


a. Sa panahon ng pandemya lakad-pagong ang pagsulong ng ating ekonomiya.
b. Nakatatakot talaga ang Covid 19 sapagkat milyon-milyong tao na ang namamatay.
c. Ugaliing maghugas ng kamay lagi para maiwasan ang nakamamatay na bayrus.
d. Laging magsuot ng facemask at face shield kung lalabas ng bahay nang sa gayon hindi mahawaan ng
nakamamatay na sakit.

“Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.”

2. Ano ang ibig ipakahulugan ni Hesus sa matalinghagang pahayag na nasa itaas?


a. Lahat ay may pantay-pantay na karapatan ayon sa napag-usapan.
b. Kadalasan ang unang umalis ang nahuhuling dumating.
c. Ang unang dumating ay unang umalis.
d. Mahalaga ang oras sa paggawa.

Nagkasundo ang may-ari ng ubasan at ang mga manggagawa na isang salaping pilak ang
kanilang matatanggap bilang sahod sa kanilang buong maghapong igugugol sa pagtatrabaho.

3. Ano ang angkop na pangyayari na magpapatunay na ang pangyayari sa akda na nasa itaas ay maaaring
maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan.
a. Sa ngayon pinagkasunduan muna ng pinaglilingkuran at ng naglilingkod kung magkano ang sasahurin niya
sa buong buwan niyang paglilingkod.
b. Sa panahon ngayon ang amo at katulong ay nag-usap nang natapos na ang isang gawain.
c. Wala ng libre sa panahon ngayon kaya dapat na pabayarin ang sinumang pinaglilingkuran.
d. Sa kasalukuyang panahon kailanman hindi basta-basta magtrabaho ang isang tao kung walang sahod na
matatanggap.

Pinaglilingkuran ko po kayo sa loob ng maraming taon, at kalian ma’y hindi ko kayo


sinuway. Ngunit kailanma’y hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang bisirong kambing para
magkatuwaan kami ng aking mga kaibigan. (hango sa parabulang “Ang Alibughang Anak”)

4. Ang pahayag sa itaas ay isa sa mga pangyayari sa akda na pweding mangyayari sa kasalukuyan. Anong ugali
mayroon ang anak sa pahayag?
a. seloso b. mapagmahal c. mapagbiro d. matapat

5. Anong damdamin ang namayani sa pahayag bilang 4?


a. inggit b. pagod c. pagkalito d. paghihinayang

6. Uri ng tula kung saan nabibilang ang elehiya.


a. pandamdamin b. pasalaysay c. tulangdula d. patnigan
Elehiya Para Kay Lola

Lubos na pighati ang nararamdaman


Sa mensahe na iyong ipinadala
Na ako’y iyong lilisanin na
Papunta sa lugar na milyon-milyon ang distansya

Mga ala-alang iyong iniwan


Pait ang dulot tuwing tatakbo sa isipan
Hindi pa rin makapaniwala
Na ikaw ay lumisan na

Ilang araw ang lumipas simula ng iyong paglisan


Ako’y unti unting nakabawi at ang lungkot ay nabawasan
At ang aking natanggap na ikaw ay ala-ala na lang
Lola, mahal na mahal kita
Salamat sa ala-alang walang hanggan.

7. Mula sa tula na nasa itaas, ano ang damdamin na nangingibabaw sa una at pangalawang saknong?
a. pagdadalamhati b. nagpapasalamat c. nagsisisi d. nanghihinayang

8. Bakit may kalungkutan ang tono ng nagsulat?


a. dahil ang kanyang lola ay pumanaw na at hindi siya makapaniwala
b. dahil tanging ala-ala lamang ang ibibigay ng kanyang lola
c. dahil siya ay iiwan ng kanyang lola at pupunta sa malayong lugar
d. dahil hindi siya isasama sa kanyang lola na magbabakasyon

9. Sino ang tinutukoy ng may-akda na nagpapadala ng mensahe at ito’y nagdulot ng labis na kanyang pighati?
a. kuya b. lola c. may-akda d. kapatid

10. Ano ang tema ng tula?


a. nagpapahayag ng panghihinayang dahil hindi na muling makakasama ang mahal sa buhay
b. nagpapahayag ng masidhing damdamin ng isang mahal sa buhay na pumanaw na
c. naglalarawan kung paano siya lilisanin ng kanyang lola
d. nagpapakita sa mga itinuro ng kanyang lola mula noong bata pa siya

II. Panuto: Bumuo ng isang elehiya batay sa sitwasyon na ikaw ay may mahal sa buhay na sumakabilang
buhay. Naatasan kang sumulat ng isang elehiya para sa kanya bilang paggunita sa mga kabutihang nagawa
niya noong siya ay buhay pa. Sundin ang mga sumusunod na pamantayan.

Pamantayan sa Pagsulat Elehiya

Pamantayan Puntos Puntos Puntos


5 4 3
A. Nilalaman Orihinal at akma sa Paksa Di-masyadong akma sa Di-akma ang pagkasulat
paksa
B. Mabisa at angkop ang Gumamit ng mga simbolo Gumamit ng pahiwatig Simpleng salita lamang ang
mga salitang ginamit o pahiwatig lamang ginamit
C. Kalinisan at kaayusan Malinis ang pagkakasulat Di-masyadong malinis ang Malinis ang pagkakasulat
pagkakasulat

You might also like