You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V- Bicol
Division of Camarines Norte
ALAWIHAO NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Alawihao, Daet, Camarines Norte
IKATLONG MARKHANG PAGSUSULIT
FILIPINO 7
T.P. 2017-2018

1. Ano ang sumisimbolo sa mga notasyong ponemik upang matukoy ang paraan ng pagbikas ng isang salita o pahayag?

a. Suprasegmental c. Morpema at Ponema

b. Ponemang suprasegmental d. Pagbabagong Morpoponemiko

2. Aling simbolo ang ginagamit upang mabigyang diin ang mga pantig sa isang salita at malaman kung paano ito
bibigkasin?

a. Tuldok at bar c. Gitling at bar

b. Tuldok at gitling d. Gitling at kuwit

3. Ano ang tumutukoy sa pagbaba at paglakas ng bigkas ng pantig ng salita?

a. Haba c. antala

b. Diin d. Tono

4. “Inilagay ko ang paso sa tabi ng pinto.” Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit sa pangungusap?

a. Isang uri ng lalagyan na pinagtataniman.

b. Taong nagbibigay saya sa maraming bata.

c. Isang bagay na nangangahulugang tapos na o lipas na.

d. Mahapding pakiramdam sa balat sanhi ng pagkakadikit sa mainit na bagay.

5. Paano dapat bigkasin ang salitang buhay kung ang tinutukoy nito ay ang kapalaran ng tao?

a. BU:hay c. BU:HAY
b. bu:HAY d. bu:hay

Panuto: Ayusin ang mga sumusunod na salitang magkakaugnay ayon sa tindi ng kahulugan.
Titik lamang ang isulat. ( mababa patungo sa pinakamataas)

A. kadamutan 3__________________8
B. kasakiman 2_______________________________7
C. kakuriputan 1_____________________________________6

Panuto: Ang mga sumusunod na salita ay halos nagkakalapit ang kahulugan subalit magkakaiba ang tindi ng
nais ipahayag. Pagsunud-sunurin ang mga pahayag gamit ang A-para sa matindi, B- mas matindi at C bilang
pinakamatinding pahayag. Halimabawa: A. Nalulungkot B. Nalulumbay C. Namimighati

9. suklam galit poot

10. ligaya galak lugod

Panuto: Basahin ang akda sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Akda A
Chit Chirit Chit
Chitchiritchit alibangbang
Salaginto salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang

11. Anong uri ng panitikan ang Akda A?


a. Bugtong
b. Palaisipan
c. Awiting panudyo
d. Karunungang bayan

12. Anong dalawang salita mula sa Akda A ang HINDI magkatugma?


a. lansangan-tandang
b. chitchiritchit-salaginto
c. alibangbang-lansangan
d. alibangbang-salagubang

13. Paano mapapatunayan na ang Akda A ay kabilang sa uri ng panitikan na isinagot mo sa bilang 1?
a. Dahil ito ay matalinghaga.
b. Kapupulutan ito ng aral sa buhay.
c. Ginawa ito upang maging mapanukso sa kapwa.
d. Sinusubok nito ang katalinuhan ng lumulutas nito.

14. Ang awiting ito ay karaniwang pumapaksa sa pag-ibig, pamimighati, pangamba, kaligayahan at pag-asa.
a. Awiting panudyo b. tula c. Bulong d. kadena

15. Ito ay binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli na may sukat at tugma.
a. Karunungang bayan b. bugtong c. tula d. awiting panudyo

16. Ito ang nagsilbing libangan ng mga pinuno noong unang panahon.
a. Bugtong b. tula c. karunungang bayan d. kadena

Panuto: Piliin ang letra ng tamang kasagutan. Itiman ang bilog na iyong sagot sa sagutang papel.

Kayo po na nakaupo
Subukan nyo naming tumayo
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko

17. Sino kaya ang tinutukoy ng salitang “nakaupo”?


a. mga taong may kapansanan c. mga taong tamad
b. mga taong may pwesto sa lipunan d. mga taong masisipag

18. Anong damdamin ang namayani sa kumakanta sa koro ng awit?


a. pagkalungkot b. pagmamalaki c. paghihinakit d. panghihinayang

Panuto: Basahin ang teksto sa ibaba at bigyang kahulugan ang tugmang de gulong:

19. God knows Hudas not pay. Ano ang ibig sabihin nito?
a. Maraming taong hindi palasimba.
b. Alam ng Diyos ang lahat ng bagay.
c. May mga sumasakay na masasamang tao.
d. Sa lahat ng may ginawang masama, alam na ito ng Diyos.

20. Aanhin pa ang gasolina, kung jeep ko ay sira na. Paano mo ito ipapaliwanag?
a. Maaari namang bumili ng panibagong sasakyan.
b. Maraming bagay sa mundo na madaling masira at mawala.
c. Ipinagpapakahulugan nito na hindi na mahalaga ang gasolina sa buhay ng tao.
d. Inihalintulad ito sa kasabihang “Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.”

21. Ang di magbayad mula sa kanyang pinanggalingan ay di makabababa sa paroroonan.


a. Lahat ng bagay sa mundo ay may kapalit.
b. Kinakailangan mong magbayad pagkasakay mo ng jeep.
c. Mahihiya kang bumaba ng sasakyan kapag alam mo sa iyong sarili na hindi ka nagbayad.
d. Maraming sumasakay na walang pambayad pero nakakababa pa rin sa kanyang pupuntahan.

Kahit sa patalim kumapit


isang tuka isang kahig
Ang mga kamay na may bahid ng galit
Kasama sa buhay na minana
Isang maling akala na ang taliwas kung minsan ay tama
Ang hari ng Tondo, hari ng Tondo
Baka mabansagan ka na hari ng Tondo
Hari ng Tondo, hari ng Tondo-ohh
Baka mabansagan ka na hari ng Tondo
22. Ipinapahayag ng awit sa saknong na nasa itaas na ________________
a. magsumikap sa buhay
b. magnakaw sa kahit anong paraan
c. pumatay ng kapwa
d. maghari-harian kahit saan

Bilang ng aklat sa Filipino sa Alawihao ElementarySchool

Blg. Ng Aklat sa Filipino sa Alawihao Elementary School


160
150
140
130
120
110
100
90
80
70 Blg. Ng Aklat
60
50
40
30
20
10
0
baitang I baitang II baitang III Baitang IV Baitang V Baitang VI

23. Ilan ang aklat sa Filpino baitang V?

A. 150 B. 125 C. 130 D. 115

24. Ilan lahat ang bilang ng aklat sa Filipino sa Alawihao?

A.655 B. 665 C. 675 D. 645

25. Ilan ang bilang ng aklat sa Fiipino baiting III?

A.70 B. 80 C. 90 D. 60

26. Ilan ang bilang ng aklat sa Filipino baitang I?

A. 55 B. 75 C. 85 D. 65

27. Ilan ang kabuuang bilang ng mga aklat sa Filipino sa baitang II?

A. 70 B. 125 C. 120 D. 130

28. Sobrang excited na si Daniel Padilla na mapanood ng kanilang mga tagahanga ni Kathryn Bernardo ang teleseryeng
La Luna Sangre na inaabangan gabi-gabi ng mga manonood.

a. balitang pampalakasan b. balitang pambansa

c. balitang panlibangan d. balitang lokal

29. Lokal na pamahalaan ng Daet, Camarines Norte, nabahala sa mataas na kaso ng dengue. Ito ay isang uri ng
balitang__________.

a. balitang pampalakasan b. balitang pambansa

c. balitang panlibangan d. balitang local

30. Paano naipahahatid sa publiko ang mga bagay o pangyayaring naganap, nagaganap o magaganap sa ating bansa?

a. sa pamamagitan ng pagfa-facebook c. sa pakikipagkuwentuhan sa kaklase

b. sa pamamagitan ng pananaliksik sa silid – aklatan d. sa pamamagitan ng balita

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at sagutin ang tanong sa bawat bilang.

31. Sa pangungusap na” Kahit nang siya ay nasa America na, hindi pa rin naniniwala si Kris na dapat na niyang lisanin
ang sariling bayan. Alin ang ANAPORA sa pangungusap?
a. siya b. nang
c. na d. niyang
32. Sa pangungusap na” Kahit nang siya ay nasa America na, hindi pa rin naniniwala si Kris na dapat na niyang lisanin
ang sariling bayan. Alin ang KATAPORA sa pangungusap?
a. siya b. nang
c. na d. niyang

33. Ang elementong pinalitan ng panghalip sa unahan ng teksto o pahayag o pahayag sa hulihan bilang pananda sa
pinalitang pangngalang binanggit sa unahan ay ____________________.
a. anapora
b. diapora
c. katapora
d. pandora
34. Dito ang elementong pinalitan ng panghalip ay binabanggit pagkatapos ng panghalip na inihalili o pinalit ay
____________________.
a. anapora
b. diapora
c. katapora
d. pandora

Panuto: Buuin ang talata sa pamamagitan ng paglalagay ng tamang cohesive devices sa bawat patlang. Piliin
ang tamang sagot mula sa ibaba.

Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay(35.)__________


araw mula nang magkasunod-sunod ang pag-ulan. Isang batang lalaki ang gumawa ng tatlong
malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kailanman. Samantalang (36.)
_________ naman ang nakpagpalutang ng nag-iisa niyang bangka sa tubig, ang nag-iisang batang
babae sa grupo.

a. kaniya
b. nilang
c. sila
d. siya

37. Paano nakakatulong ang paggamit ng anaporik at kataporik sa pangungusap?


a. upang malaman ang pagkakasunod-sunod ng mga salita.
b. upang maiwasan ang paulit-ulit na pagbanggit ng pangngalan
c. upang mapalitan ang pangngalan
d. upang magamit ang mga panghalip.

Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang tanong sa bawat bilang.

Inisa –isa ni Caridad ang bawat kataga . Nag-ibayo ang nadarama niya “ Diyos ko…malubha daw ako kaya di ako
nakapirma !E,ni hindi ako nagkakasakit nang malubha!”
Pinatay ko na nga e, Lalong naging malutong ang halakhak ni Salvador. Alam niyang pilit na pinalulubag nito ang
kanyanggalit na nauuwi sa poot.
“Marunongnag nakialam d’yan misis” amin ng abogado.Alam ang sunod sunod na hakbang .Tapos nga, dahil
kunwari ay ari arian na ni Precioso.Ipinagbili naman ka nyora Tentay. Kung hindi nga naman ganoonmpapalabas na nabili
yan ng matanda?
Nangangatal ang buong katawan ni Caridad. Nakamata siya sa titulo, diumanong pagkakabili ni Nyora Tentay
.Tatakng kanyang hinlalaki ang lagda. Ito pa, tama! Nanginginig na sabi ni Caridad.Talaga naming isang tingin mo lamang
sa pagmumukha, malalaman mo ng no read no write.Isang letrang A di mababasaAt iyan naming si Asyongnasa kabilang
buhay na…… nagtiim ang panga ni Caridad.” Wala naman kaming ipinakisamanag masama sa kanya … kahit kay
Tisya… buong pamilyanila!
Ang pinakamahirap lamang sa lakad natin, Misis … no read nowrite nga,pero swerte ang atik! Marami tayong
lalabanan pero basta parehas lang , nagyon palang ,sinasabi ko nang ppanalo tayo.!”
Tumunog ang telepono . Mabilis na tumindig si Caridad. Nasa kusina si Inyang at a;am niyang hindi niyon
mapapansin ang timbre Marahan niyang inangat ang telepono . Hello ?
Magandang gabi …. Maaari po bang makausap ci mrs Angeles ?
“Sino ito ? Napakunot ang noo ni Caridad . Hindi niya nakikilala ang tinig atbantulot din siyang nagpakilala .
Si Ingga pa ito…”
Ingga…Ingga ? Kinakapa ni Caridad ang nasabing pangalan .
Pakisabi po ito an gang maid ni Nora Tentay …yon dinatnan nila sa tindahan !’

38. Saan kaya ang maaaring tagpuan ng akda?


a. sa bahay
b. sa kalsada
c. sa simbahan
d. sa silid aralan
39. Ang tagpo ng pangunahing tauhan na nagpapakita ng kasidhian ay kinakitain ng igting sa _____________________.
a. Pagtawag ni Ingga kina Caridad
b. Pagsasaya ng buong komunidad
c. Galit nina Caridad kay nyora Tentay
40. Sa naging pagwawakas , natukoy natin ang pangunahing tauhan sa pamamagitan ng _________________.
a. May mabagal na takbo ang pangyayari
b. Pagsanga sanga ng suliranin sa akda
c. Paggamit ng salitang nagpapakita ng imahe sa akda
d. Paghadlang na malutas ang balakid na kinakaharap ng pangunahing tauhan

Noong umagang iyon – bago dumating sina Bototoy at Nining – ang nalalabing mga
resibong puti sa librito’y naubos. Muling hinugot ng weytres ang drower sa ilalim ng bintana –
sa sulok kasi niyon ay may nakasalansang mga buong librito. Nang humila siya ng librito,
dalawang empanada ang nasagi ng kaniyang kamay. Nangakabalot pa ng wax paper,
ngunit papanis na – noong nakaraang linggo’y nahulog sa drower at natulak sa loob (na
bunga rin ng kaniyang pagiging burara).

Nakaramdam ng inis ang weytres. Naalala niya ang masasakit na salitang bitiw ng may-
ari ng kainan, at ang paghihinala nitong nangupit siya ng empanada. Nakaramdam din siya
ng itim na galak – galak ng paghihiganti, at galak ng pagwawagi.

Napaisip ang weytres. Hawak-hawak niya ang mga empanada sa kaniyang mga kamay:
parang dalawang shoulder pads ng blusang dapat niyang tubusin sa mananahi mamayang
gabi. Parang dalawang malalaking kwei, mga pulang kahoy na pinahagis sa kaniya sa
templong Tsino, minsang samahan siya ng kaibigan upang magpahula ng magandang
hanapbuhay.

Nang sandaling iyon ay may kumatok sa aluminyum na bintana, at pagsungaw ng weytres


ay may dalawang maliit na batang naroroon, nakatingala sa kaniya, mabibilog at masisigla
ang mga mata, mabibilog din ang mga pisngi, nakangiti, at may mga ngiping kuneho.

“Pabili po ng dalawa’ empanada,” bati ng batang lalaki.

At bilang kaganapan ng itim niyang galak ay kinuha ng weytres ang beinte-unong abot-
abot ng bata, at iyon ay lihim niyang binulsa, iniabot naman niya ang dalawang lumang
empanada.

41. Napagalitan ng may-ari ng kainan ang weytres dahil sa paghihinala nitong nangupit siya ng empanada. Ano ang
naging reaksiyon ng weytres sa ginawa ng may-ari ng kainan.
a. nagalit
b. nalungkot
c. napatalon
d. natuwa
42. Ano ang naging sanhi ng pagkakalaglag ng dalawang empanda sa drower ng weytres?
a. bugnutin
b. burara
c. masipag
d. masunurin
43. Ano ang posibleng mangyari kay Bototoy at Nining sa pagkain nila ng empanadang kanilang binili?
a. lumaki ang tiyan
b. mabusog agad
c. magkalagnat
d. sumakit ang tiyan

44. Bakit patuloy na dumarami ang mga taong nagiging sakim at mapanlinlang?

a. dahil sa inggit at poot sa kapwa c. dahil sa awa sa sarili

b. dahil sa kahirapan d. dahil sa pansariling interes

45. Bilang isang kabataan paano ka makatutulong upang maiwasan ang diskriminasyong nararanasan ng mga kabataang
katulad nina Bototoy at Nining?

a. pagbibigay ng pantay na pagtrato sa kapwa ko

b. pag-alam sa karapatang ng bawat batang babae at lalaki

c. paglaban sa karapatang ng mga kabataan

d. mag-aral ng mabuti

46. Napaka “sarcastic” ng mga sinasabi niya. Ibig sabihin _________________.


a. matalinong pahayag c. nakakalungkot na pahayag
b. nanunuyang pahayag d. nakakatuwang pahayag

47.Ang mga bata ay “malimit” lumabas ng bahay tuwing hapon, na nangangahulugang _____________.
a. madalas c. araw-araw
b. palagi d. hindi madalas

48. Ang “hangad” ko lamang ay ang pag-ibig mo, Joy, na ang kahulugan ay ____________.
a. gusto c. pilit
b. ayaw d. a & b

49. Kapos na sila sa badyet kaya madalas ay walang makain ang kanilang pamilya. Alin ang nagpapahiwatig ng
kakapusan?
A. Badyet B. Madalas C. kulang D. Nakalaan

Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang tanong sa bilang 50

Tumawa nang malakas si Ogor. Nakabibingi siya ,Mariin .Pumulas ang luha sa sulok ng
kanyang mga mata.Nasa ganito siyang kalagayan nang bigla niyang maramdamanang isang.
Ubod lakas na sipasa kanyang pigi. Napasigaw siya umiyak siya. gumulong sa basing semento.
Namimilipit tangan ang sinipang pigi ang buong anyo ng nakaangat niyang mukha larawan ng ga
daigdig na sakit.

50.Paano ipinahihiwatig ang kahulugan na gadaigdig na sakit ay sakit na _________________.


a. bahagya
b. katamtaman
c. naglalaho
d. napakatindi

Inihanda nina:

Bb. Joseth C. Abiog/ Bb. Katlyn Jan N. Evia


Guro sa Filipino

You might also like