You are on page 1of 4

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

Grade 7-Filipino

A. Panuto: Tukuyin at isulat sa sagutang papel ang titik ng kaisipang nais iparating ng awiting bayan.

1. Si Pilemon, Si Pilemon nangisda sa karagatan


Nakakuha, nakakuha ng isdang tambasakan
Ano ang isinasaad ng linyang ito?
a. Naaaliw ang mga tao sa pangingisda
b. Isa sa mga pangunahing kabuhayan sa Bisaya ang pangingisda
c. Mahuhusay sa pagsasaka ang mga tao sa Bisaya
2. Pinagbili, pinagbili sa isang munting palengke
“Ang kanyang pinagbilhan, ang kanyang pinagbilhan, pinambili ng tuba”
Ano ang isinasaad ng mga linyang ito?
a. Ang tauhan ay nagnenegosyo ng tuba
b. Ang tauhan ay mahilig uminom ng tuba
c. Ang tauhan ay nagbibigay ng tuba araw-araw
3. Ang dalaga naman ay biglang umiyak.
Luha ay tumulo sa dibdib pumatak
Ano ang isinasaad ng mga linyang ito?
a. Ang tauhan ay naghihinagpis
b. Ang tauhan ay nagagalak
c. Ang tauhan ay may hinihintay na panauhin
4. Tabi-tabi
Makikiraan lang kami
Kami’y patawarin
Kung kayo’y nasagi naming
Ano ang isinasaad ng mga linyang ito?
a. Pagpapakita ng paggalang o pagrepesto sa mga nadadaanan mong nuno
b. Pagtanaw ng utang na loob
c. Pagkuha sa bagay na hindi naman sa iyo
5. Batang munti, batang munti matulog ka na
Wala rito ang iyong ina
Siya ay bumili ng tinapay
Batang munti, batang munti matulog ka na
Ano ang isinasaad ng mga linyang ito?
a. Ang pag-awit para sa sanggol ay paraan para siya ay maging mahusay na mang-aawit
b. Ang pag-awit para sa sanggol ay paraan para siya ay maging magalang
c. Ang pag-awit para sa sanggol ay paraan para siya ay maging bahagi ng kulturang Bisaya
6. Ay, ang kalisud kay saklap ng iniwanan!
Gabi’t araw, ang mata ay lagging luhaan
Ano ang isinasaad ng mga linyang ito?
a. Masakit ang mabigo sa ngalan ng pag-ibig
b. Ang pagluha ay isa sa mga katangian ng tao
c.
7. Dandansoy, iiwan n akita
Kung sakaling ika’y mangulila
Sa payaw, ikaw tumanaw
Ano ang isinasaad ng mga linyang ito?
a. Pinaglalapit ng iisang awit ang dalawang nagmamahalan
b. Napakahirap sa kalooban ang pagkakahiwalay ng dalawang nagmamahalan
c. Napakalungkot ng kinakaharap na kabiguan sa pag-aaral
8. Ang panyo ko at ang panyo mo
Asawa kita, asawa moa ko
Ano ang isinasaad ng mga linyang ito?
a. Dalawa ang pusong nagmamahalan
b. Magkapatid hanggang kamatayan
c. Magkaagaw habang buhay

Condansoy, inom tuba


Laloy, dili co inom, tuba pait aslom
Condanlom
Ang tuba sa baybay
Patente mo angay
Pono ang malaway
Ang tubang malaway

9. Batang sa awiting bayan sa itaas, ano ang kaisipang nais iparating nito?
a. Gustung-gustong uminom ng tuba ni Condansoy kasama si Condanlom dahil nakakalaway ito.
b. Pinaiinom ni Condanlom ng tuba si Condansoy kaya lang ayaw ni Condansoy dahil ayaw niya sa lasa
at nakalalasing pa ito. Ayaw uminom ni Condansoy ng tuba dahil siya ang pinagbabayad ni
Condanlom
c. Inaanyayahan ni Condanlom si Condansoy na uminom ng tuba kaya lang ayaw ni Condansoy, hindi
lang dahil sa las anito kundi may kumakalam ito at kahit konti lang ang iyong maiinom ito’y
nakalalasing.
10. Ang awiting bayan ay karaniwang iniuugnay sa:
a. Material na kayamanan ng isang bayan
b. Pagdurusang dinanas ng isang bayan
c. Kultura’t kaugalian ng isang bayan

II. Suriing Mabuti kung anong antas ng wika ang mga sumusunod na salita/pahayag. Piliin at isulat ang
titik ng tamang sagot.

11. Erpat a. kolokyal b. balbal c. pormal d. lalawiganin


12. Sira na naman my diet here!
a. kolokyal b. balbal c. pormal d. lalawiganin
13. Lispu a. kolokyal b. balbal c. pormal d. lalawiganin
14. Ang pag-awit ng ibon ay nagpapasaya sa akin.
a. kolokyal b. balbal c. pormal d. lalawiganin
15. Mo kanta kong si Pilemon, Pilemon
a. kolokyal b. balbal c. pormal d. lalawiganin

III. Tukuyin ang konotatibong kahulugan ng mga salitang nakasulat ng mariin. Kaugnay ng nakaugalian
ng mga Pilipino.

16. Ang kulay itim ay karaniwang iniuugnay sa


a. Pagluluksa at kalungkutan c. paghihirap at gutom
b. Pag-ibig at pagkabigo d. giyera at kaguluhan
17. Ang Oyayi ay kaugnay ng
a. bangka, paningwit at isda c. ina, hele at sanggol
b. walis, bunot at basahan d. rosas, gitara at pag-ibig
18. Ang balitaw at kundiman ay karaniwang iniuugnay sa
a. Pangangaso
b. Paggawa ng mga gawaing bahay
c. Pangliligaw o pagsasaad ng pag-ibig
d. Pagiging matampuhin
19. Ang hilig sa pag-awit ng mga Pilipino ay karaniwang iniuugnay sa
a. Pagiging mapamahiin c. pagiging masayahin
b. Pagiging masipag d. pagiging matampuhin
20. Ang awiting bayan ay karaniwang iniuugnay sa
a. Material na kayamanan ng isang bayan
b. Pagdurusang dinanas ng isang bayan
c. Kultura’t kaugalian ng isang bayan
d. Politika sa isang bayan

Ilang salitang Bisaya ang ginamit sa pangungusap bilang pamalit sa katumbas nitong salitang tagalog. Piliin
at salungguhitan ang kahulugan ng mga salitang ito.

21. Dala ang kanyang lambat, si Mang Dante ay sumakay sa kanyang bangka at pumalaot. Siya ay namasol.
Ang namasol ay
a. Lumangoy b. naligo c. nangisda
22. Sinabihan siya ng kaniyang asawang si Aling Selya na magbalon para hindi gutumin. Ang magbalon ay
a. Maghukay ng balon c. magsaing
b. Magbaon
23. Ang mga huli ay guibaligya niya sa mga kapitbahay. Ang guibaligya ay
a. Ipinagbili b. ipinamigay c. ipinadala
24. Nagluto siya ng sinigang. Gusting-gusto niya kasi ang sabaw na may aslom. Ang aslom ay
a. Init b. asim c. pait
25. Ginagawa niya ang lahat dahil sa pamilyang kanyang gihigugma. Ang gihigugma ay
a. Minamahal b. hinihintay c. binabantayan

Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

26. Sa ating bansa ay maraming genre ng akdang pampanitikan. Alin sa mga akdang pampanitikan na
inaawit ng ating mga ninuno noong unang panahon ang lumitaw sa anyong patula na sumasalamin sa
mga kultura at paniniwala ng mga Pilipino?
a. Awiting bayan c. nobela
b. Kuwentong bayan d. tula

Sa Ilonggo Salin sa Tagalog


Tabi tabi Tabi tabi
Maaga lang kami Makikiraan lang kami
Kami patawaron Kami’y patawarin
Kon kamo manalapoy namon Kung kayo
27. Ano ang ibig ipahiwatig nito?
a. Gumagawa ng mga paraan ang mga magulang para sa ikabubuti ng anak
b. Ang mga Pilipino ay likas na magalang ay mapagpaumanhin sa kapwa tao
c. Hindi gumagalang ang mga sinaunang Pilipino sa kapwa tao sapagkat silay mapagmataas
d. Maraming mga bagay ang sadyang hadlang sap ag-unlad ng buhay ng isang tao.
28. Layunin ng tekstong ito na bigyan ng pagkakataon upang makatuklas ang mambabasa ng isang ideya o
kaisipan na makapaghatid sa kaniya ng kalinawan sa paksang pinag-uusapan
a. Prosedyural b. naglalahad c. reperensyal d. eksposisyon
29. Ito ay nag-uugnay ng diwa ng lahat ng sangkap ng pangungusap at talata sa loob ng isang akda upang
mabisa ang pagpapahayag.
a. Katiyakan b. diin c. kaugnayan d. kalinawan
30. Anong bahagi ng paglalahad na kailangan nakatatawag pansin, nakakapukaw ng interest upang tapusin
ng nagbabasa ng akda.
a. Simula b. katawan o gitna c. wakas d. wala sa nabanggit
31. Alin sa mga sumusunod ang HINDI panandang ginagamit sa paglalahad ng problema at solusyon?
a. Ang sagot diyan ay ..
b. Ang problema ay ….
c. Ang halimbawa ay ….
d. Ang suliranin ay ….
32. Tumatalakay ito sa mga kadahilanan ng isang bagay o pangyayari at ang mga epekto
a. Pagsusunod-sunod c. pagkokontrast
b. Sanhi at bunga d. problema at solusyon
33. Nagbibigay ng kahulugan sa mga salitang di-pamilyar na termino o mga salitang bago sa pandinig
a. Pagkokontrast b. sanhi at bunga c. pag-iisa-isa d. depenisyon
34. Teksto na nagbibigay diin sa pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang tao, bagay, kaisipan o
ideya ng isang pangyayari.
a. Depinisyon b. pagkokontrast c. pag-iisa-isa d. sanhi at bunga
35. Ano ang tawag sa element ng tula na tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod?
a. Saknong b. sukat c. tono d. tugma
36. Ang tawag sa magkakaparehong tunog sa bawat taludtod
a. Saknong b. sukat c. tono d. tugma
37. Anong pahayag sat ula ang nagpapakita ng pagtutulad o simili?
Bayang Pilipinas katulad ng mamahaling hiyas
Ang iyong Kalayaan ay ingatan kapag iyong namalas
a. Pilipinas b. katulad c. Kalayaan d. kapag
38. Ito ay ang paggamit ng mga tayutay at simbolismo ng isang tula
a. Taludturan b. talinghaga c. tugmaan d. kariktan
39. Alin sa mga sumusunod ang hindi elemento ng tula?
a. Sukat b. saknong c. tanaga d. talinghaga
40. Alin ang tamang ayos ng tindi ng mga salita?
a. Pagmamahal, paghanga, pagsinta, pagliyag
b. Pagsinta, paghanga, pagliyag, pagmamahal
c. Paghanga, pagsinta, pagliyag, pagmamahal
d. Paghanga, pagsinta, pagmamahal, pagliyag
41. Napoot si Victor sa kaniyang kasintahan matapos hindi paunlakan ang kanyang kahilingan. Anong mas
mataas na antas ng kahulugan ang inihahayag ng salitang may salungguhit?
a. Naasar b. nainis c. nasukatan d. nagalit
42. Ito ang mga salitang palasak na palagiang naririnig araw-araw
a. Klino b. padamdam c. di-pamilyar d. pamilyar
43. Alin sa mga sumusunod ang Hindi damdamin?
a. Kalayaan b. nagimbal c. galit d. masaya
44. Inulit-ulit ni Victor ang salitang kasintahan sa nars. Ano ang maaring maiuugnay sa salitang kasintahan?
a. Kasuyu b. katipan c. galit d. masaya

Salungguhitan ang pang-uri. Isulat sa patlang ang L kung lantay, PH kng pahambing at PS kung pasukdol

_____ 45. Higit na mabagal lumakad ang suso kaysa sa pagong


_____ 46. Si Mang Pandoy ang may pinakakaunting huli ng isda.
_____ 47. Bibo ang mga mag-aaral ng Grade 7-Hope
_____ 48. Mas mahusay magluto si Ate Myla kaysa kay Ate Joy.
_____ 49. Bukas sasakay ako sa higanteng bola.
_____ 50. Di-gaanong sikat ang actor tulad ng kapatid niyang aktres.

Inihanda ni: Iwinasto: Pinagtibay ni:

ANNALYN P. CAPINPIN ANTONIO D. PAGADUAN WILFREDO G. TOMAS


Guro HT-III Principal I

You might also like