You are on page 1of 6

SUMMATIVE TEST #2- FILIPINO 10

Fourth Quarter

Name: __________________________________________ Section: _______________ SCORE: ________

Panuto: Piliin sa loob ng kahon kung sino ang tinutukoy na pangunahing tauhan.Isulat ang letra ng tamang
sagot sa patlang.

A. Don Custodio F. Donya Victorina K. Placido Penitente P. G. Pasta


B. Ben Zayb G. Juanito Pelaez L. Basilio Q. Kabesang Tales
C. Juli H. Simoun M. Tandang Selo
D. Padre Florentino I. Quiroga N. Macaraig
E. Paulita Gomez J. Padre Cammora O. Isagani

_____ 1. Pilipinang umaastang Espanyol, puno ng kolorete sa mukha.


_____ 2. Kilalang Buena Tinta.
_____ 3. Mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral.
_____ 4. Anak ni Kabesang Tales, Katipan ni Basilio.
_____ 5. Isang makata na kasintahan ni Paulita.
_____ 6. Mangangalakal na Intsik.
_____ 7. Manunulat at mamamahayag na nagpapalagay sa sarili na siya lamang ang nag-iisip.
_____ 8. Naghahangad ng pagmamay-ari sa lupa, sumama sa mga tulisan.
_____ 9. Mayamang mag-aaral na naikasal kay Paulita, kinagigiliwan ng mga propesor.
_____ 10. Ama ni Kabesang Tales.
_____ 11. Abogado ng mga Prayle.
_____ 12. Amain ni Isagani.
_____ 13. Mayamang dalaga na pamangkin ni Donya Victorina.
_____ 14. Mayamang mag-aalahas n amula sa Europa.
_____ 15. Nakapag-aral ng medisina, nobyo ni Huli.
II. Panuto: Ayon sa nobela, nagkaroon ng pagbabago sa sarili at maging sa pananaw sa buhay sina Simoun at Basilio
dulot ng mga pagsubok na kanilang hinarap. Ano anong hamon sa iyong sarili, buhay at pamilya ang sa palagay mo ay
nakapagpabago sa iyo? Sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol dito. Gumamit lamang ng limang pangungusap.
(5 puntos)

MAPANGHAMONG KARANASANG NAGPABAGO SA AKIN

SUMMATIVE TEST #2- FILIPINO 9


Fourth Quarter

Name: __________________________________________ Section: _______________ SCORE: ________

Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na tanong o pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat
sa patlang.
_____ 1. Siya ang pangunahing tauhan sa Noli Me Tangere, anak ni Don Rafael Ibarra.
A. Basilio B. Crispin C. Crisostomo D. Elias
_____ 2. Isang dalagang mayumi kung kumilos, kasintahan ni Crisostomo Ibarra.
A. Isabel B. Maria Clara C. Salome D. Donya Victorina
_____ 3. Bukas ang tahanan niya sa lahat, kinikilalang ama ni Maria Clara.
A. Don Rafael Ibarra B. Kapitan Tiyago C. Padre Damaso D. Pilosopo Tasyo
_____ 4. Magaspang kung magsalita, malupit at siyang tunay na ama ni Maria Clara.
A. Don Rafael Ibarra B. Kapitan Tiyago C. Padre Damaso D. Pilosopo Tasyo
_____ 5. Ina ni Maria Clara na maagang nasawi dahil sa panganganak nito.
A. Donya Consolacion B. Donya Victorina C. Pia Alba D. Tiya Isabel
_____ 6. Kumupkop, nag-alaga at nagpalaki kay Maria Clara na pinsan ni Kapitan Tiyago.
A. Donya Consolacion B. Donya Victorina C. Pia Alba D. Tiya Isabel
_____ 7. Karibal ni Crisostomo Ibarra kay Maria Clara na isang mayamang Kastila.
A. Elias B. Linares C. Nol Juan D. Padre Salvi
_____ 8. Inang mapagmahal, naging martir sa asawa at nabaliw sa pagkawala ng mga anak sa piling niya.
A. Donya Consolacion B. Donya Victorina C. Salome D. Sisa
_____ 9. Siya ang panganay na anak ni Sisa at kapatid ni Crispin.
A. Basilio B. Crispin C. Crisostomo D. Elias
_____ 10. Isang bayani, ibinuwis ang buhay para mailigtas si Crisostomo sa kamatayan.
A. Basilio B. Crispin C. Crisostomo D. Elias
II. Tukuyin ang mga tauhan sa nobelang Noli Me Tangere sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga titik na
wala sa ayos.

1. OMOTSOSIRC - ______________________ 4. ABISLIO - _______________________


2. LEBISATIYA - ________________________ 5. ASIS - ___________________________
3. AIRAM CLAAR - _______________________

III. Panuto: Gamitin ang sumusunod na pang-uri sa makabuluhang pangungusap.


1. mabuti
Pagungusap: _________________________________________________________________________________.
2. Kahali-halina
Pagungusap: _________________________________________________________________________________
3. masikap
Pagungusap: _________________________________________________________________________________
4. mahirap
Pagungusap: _________________________________________________________________________________
5. maunlad
Pagungusap: _________________________________________________________________________________

SUMMATIVE TEST #2- FILIPINO 8


Fourth Quarter

Name: __________________________________________ Section: _______________ SCORE: ________


Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na tanong o pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa
patlang.
_____ 1. Sino ang hinahanap ni Florante habang siya ay nakagapos.
A. Aladin B. Flerida C. Floresca D. Laura
_____ 2. “Bakit isinuyo sa iba ang sintang sa aki’y pangako at pinagliluhan ang tapat na puso.” Ano ang ibig sabihin
ng salitang may salungguhit?
A. Pinaubaya B. Pinagkaitan C. Pinagpalit D. Pinagtaksilan
_____ 3. Alin sa sumusunod ang ginagawa ni Laura kapag pupunta sa labanan si Florante.
A. Sinisiyasat ang tibay at kintab ng sasakyan. C. Binibigyan ng sariling espada.
B. Pinahihiyasan ang turbante. D. Ipinaghahanda ng baong kakainin habang nasa daan.
_____ 4. Siya ang pinagseselosan ni Florante at inakalang kasama ng kaniyang kasintahan.
A. Adolfo B. Aladin C. Briseo D. Menandro
_____ 5. Siya ang napadpad sa gubat na may pananamit na Moro.
A. Aladin B. Briseo C. Menalipo D. Sultan Ali-Adab
_____ 6. Saan galing ang gererong bayani ang tikas na dumating sa gubat?
A. Albanya B. Berbanya C. Armenya D. Persya
_____ 7. Ang ama ni Aladin na umagaw sa kaniyang kasintahan.
A. Adolfo B. Briseo C. Menandro D. Sultan Ali-Adab
_____ 8. Ang kasintahan ni Aladin na inagaw ng kaniyang ama.
A. Flerida B. Flora C. Floresca D. Laura
_____ 9. Kaninong panaghoy ang narinig ni Aladin habang nasa gubat.
A. Adolfo B. Flerida C. Florante D. Laura
_____ 10. Ang salamin sa reyno ng bait at mapagkandiling ama ni Florante na namatay.
A. Ali-Adab B. Antenor C. Briseo D. Menandro
_____ 11. Ang sinapit na kamatayan ng ama ni Florante batay sa mga saknong MALIBAN sa isa?
A. Inihagis at hindi inilibing C. Kamay at katawa’y nalayo sa ulo
B. Naghihiwalay na laman at buto D. Ipinakain sa tigre ang mga laman
_____ 12. Ninasa ng ama ni Florante na matabunan siya ng bangkay sa gitna ngpagpapatayan upang hindi siya
mahulog sa may panirang kamay. Sino ang tinutukoy sa nasalungguhitan.
A. Adolfo B. Aladin C. Antenor D. Menandro
_____ 13. “Bangkay na mistula ang kulay na burok, ng kaniyang mukha’y naging puting pulbos.” Ano ang kahulugan
ng nakasalungguhit na matalinghagang ekspresyon.
A. Nagpapakita ng walang kalayaan C. Lumuluha nang labis-labis dahil sa dalamhati
B. Nagsasaad ng labis na kalungkutan. D. Kakikitaan ng labis na takot at sakit sa katawan
_____ 14. Alin ang pangyayari na naganap sa “Alaala ni Laura”?
A. Ang pagliligtas ng isang estranghero
B. Ang pagbabalik-tanaw sa mga alaala ng kabataan ni Florante
C. Ang gutom at pagod na nadarama ni Aladin dahil sa mahabang paglalakbay
D. Ang nadaramang paninibugho ni Florante sa inakalang kasiyahan nina Adolfo at Laura
_____ 15. Aling pangyayari sa ibaba ang mula sa “Ang Pag-ibig Kay Flerida?
A. Ang pagkikita ni Aladin at Flerida
B. Ang labis na sakit at kabiguang dinaranas niya dahil sa kataksilan ni Adolfo.
C. Ang pagluha ni Aladin dahil sa masaklap na sinapit ng kaniyang pag-ibig kay Flerida.
D. Ang paghahanda para sa isang pagganti sa taong naging dahilan ng kabiguan ni Aladin
_____ 16. Sino ang tumulong sa lalaking nakagapos sa gitna ng gubat?
A. Adolfo B. Aladin C. Flerida D. Laura
_____ 17. Bakit labis ang pagdaramdam ni Aladin sa kaniyang ama?
A. Ipinatapon siya sa kagubatan C. Inalisan siya ng karapatan sa palasyo..
B. Inagawan siya ng kasintahan. D. Pinakulong siya nang matagal sa loob ng palasyo.
_____ 18. Bakit labis na nainggit si Aladin kay Florante?
A. Si Florante ay may mapagtangkilik na ama. C. Si Florante ay higit na makisig at may bayaning tikas
B. Si Florante ay may mapagmahal na kasintahan. D. Si Florante ay mas mapalad at may magandang
kapalaran.
_____ 19. Ano ang pinangarap ni Florante para sa kaniyang bayan noon pa man?
A. Nais niyang maging hari sa bayang Albanya.C. Nais niyang manatiling tapat at mapagmahal sa kaniyang bayan.
B. Nais niyang paglingkuran at ipagtanggol ang kaniyang bayan. D. Nais niyang tumira sa kaniyang bayan hanggang
sa kaniyang kamatayan.
_____ 20. Ano ang lalong nagpalungkot kay Florante nang nasa harap na siya ng kahambal-hambal na kamatayan?
A. Mamamatay siyang walang magulang. C. Mamamatay siyang hindi na siya mahal ni Laura.
B. Hindi niya kayang ipagtanggol ang kaniyang sarili. D. Wala man lang tumulong sa kaniyang paghihirap.
SUMMATIVE # 2- FILIPINO 7
FOURTH QUARTER

NAME: _________________________________________________SECTION: _______________ SCORE: _____

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong o pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

_____ 1. Ano ang tawag sa kaharian na tinitirhan ng mga pangunahing tauhan sa Ibong Adarna?
A. Berbanya B. Albanya C. Atenas D. Babilonya
_____ 2. Bakit nagkasakit si Haring Fernando?
A. Siya ay isinumpa C. May lumason sa kaniya
B. Siya ay nanaginip D. May epidemya sa kaharian
_____ 3. Ano ang ibinigay ng Hari kay Don Juan bago siya naglakbay?
A. Bendisyon B. Kabayo C. Pagkain D. Salapi
_____ 4. Saang puno matatagpuan ang Ibong Adarna?
A. Platas B. Platas Piedras C. Piedras Platas D. Pidras Platas
_____ 5. Saang bundok matatagpuan ang mahiwagang ibon?
A. Tabor B. Armenya C. Berbanya D. Arayat
_____ 6. Sino ang tumulong kay Don Juan upang mahuli ang ibon?
A. Diwata B. Don Pedro C. Lobo D. Matanda
_____ 7. Kanino humihingi ng tulong si Don Juan kapag siya ay nasa panganib?
A. Diwata B. Kapatid C. Hari D. Mahal na Birhen
_____ 8. Ano ang mga ginamit ni Don Juan para mahuli ang ibon?
A. Pana at sako C. Kutsilyo at hawla
B. Pagkain ng ibon D. Dayap, kutsilyo, gintong lubid
_____ 9. Ano ang ipinahiwatig ng mga prinsipe nang humarap sila sa panganib para sa ama?
A. Wagas ang pagmamahal nila sa kanilang magulang.
B. Naghahangad sila ng malaking mana mula sa hari.
C. Isang kahihiyan kung hindi sila kikilos para sa ama.
D. Isang kayabangan nila sa angking lakas at kakisigan
_____ 10. Ano ang mensaheng taglay ng pagtulong ni Don Juan sa matanda?
A. Maka-Diyos si Don Juan at mapanalangin
B. Likas siyang matulungin at mapagkawanggawa.
C. Nais ni Don Juan ng gabay sa kaniyang haharaping misyon.
D. Alam niyang may maitutulong ang matanda kaya ginawa niya.
_____ 11. Ano ang nangyayari sa taong napapatakan ng dumi ng Ibong Adarna?
A. Namamatay B. Nagiging bato C. Natutulog D. Naglalaho
_____ 12. Ipinatawag ang lahat ng manggagamot sa Berbanya upang gamutin ang hari ngunit walang
makapagpagaling dito. Hanggang sa isang manggagamot ang dumating. Ano ang naging tugon ng manggagamot?
A. Ang lunas sa karamdaman ng hari ay ang mahiwagang lobo na matatagpuan sa kaharian ng Armenya.
B. Ang sakit ng hari ay hindi na magkakaroon ng kalunasan habambuhay at ito ay lalong lalala.
C. Ang tanging lunas sa sakit ng hari ay ang pitong awit ng Ibong Adarna na matatagpuan sa bundok Tabor.
D. Gagaling lamang ang hari kapag nag-asawa na ang kaniyang tatlong anak.
_____ 13. Bakit hindi nagtagumpay sa kaniyang misyon si Don Diego?
A. Hindi siya nakarating sa kinaroroonan ng Ibong Adarna dahil siya ay napagod na.
B. Nakatulog siya nang mahimbing sa paglalakbay pa lamang papunta sa bundok Tabor.
C. Masama ang binabalak niya sa ibon at ito ay kaniyang itinago sa kaniyang dalawang kapatid.
D. Nagbawas ang ibon at inabot siya ng patak kaya siya ay naging bato at hindi nagtagumpay sa kaniyang misyon.
_____ 14. Alin ang saknong sa akda na nagpapakita ng mga suliraning panlipunan na dapat mabigyang solusyon?
A. Uuwi sa Kaharian C. O, Birheng marilag
Sa Pag-ibig sa magulang Tanggulan ng nasa hirap
May araw ding malalaman Kahabagan di man dapat
Ang nangyaring kataksilan Ang aliping kapuspalad

B. Ang piging nang matapos na D. Ang dalawa ay nagkamay


Ermitanyo ay kumuha Bago sila nagwalay
Ng lamang nasa botelya Matanda sa kabundukan
Lunas na kataka-taka Sa Berbanya si Don Juan
_____ 15. Ano ang kahulugan ng may salungguhit sa saknong?
Kaya kami’y naglakbay
Sa kay amang kagalingan
Ano’t ngayong magtagumpay
Hahangga sa pag-aaway
A. Magsisimula B. Magwawakas C. Mauulit D. Matatamo
_____ 16. Bakit kaya nagtaksil ang dalawang magkapatid sa kanilang bunsong kapatid?
A. Ang bunsong anak ay may ginawa ring masama sa dalawa niyang nakatatandang kapatid kaya sila ay naghiganti.
B. Ang dalawang magkapatid ay binayaran nang malaki kaya sila nagtaksil kay Don Juan.
C. Ang dalawang magkapatid ay wala sa tamang pag-iisip kaya nagawa ang pagtataksil.
D. Ang inggit ang namayani sa dalawang magkapatid kaya nagtaksil ang dalawa sa kanilang bunsong kapatid.
_____ 17. Si Don Juan sa gitna ng kalapastanganan ng kaniyang mga kapatid ay nagpatawad. Hindi siya nagtanim ng
galit sa mga ito. Alin sa sumusunod na pagpapahalagang Pilipino ang masasalamin sa
pangyayari?
A. Pagiging responsible C. Pagmamahal sa kapatid
B. Pagiging matulungin D. Pagmamahal sa magulang
_____ 18. Paano mabibigyang solusyon ang mga suliranin ng magkakapatid sa
tinalakay na akda?
A. Pagbibigyan ang bunso sa lahat ng bagay sapagkat siya ang pinakamahal sa pamilya.
B. Magkaroon ng kampihan ang magkakapatid sa pamilya batay sa mga magkakatulad na opinyon o paniniwala ng
bawat isang miyembro ng pamilya.
C. Magkaroon ng unawaan ang magkakapatid at igalang ang opinion ng bawat isa kahit na ito ay salungat sa kanilang
mga pinaniniwalaan at pinaninindigan.
D. Ang panganay ang dapat laging nasusunod sa lahat ng desisyon sapagkat siya ang unang anak at ang lahat ng
kapatid ay nararapat na sumunod sa kaniya.
_____ 19. Alin ang pangyayari sa tunay na buhay na nagpapakita ng kalutasan sa mga isyung tinalakay sa akda?
A. May kapatid si Lai sa labas ngunit hindi niya ito matanggap dahil anak ito ng kaniyang ama sa ibang babae.
B. Inggit na inggit si Jessa kay Reah sapagkat bukod sa matalino ang kaniyang kapatid ay ito ang paborito ng pamilya.
C. Tatlo ang kapatid ni Marie. Sa tatlo ay si Ariane ang paborito niya sapagkat ito ang bunso at siyang lagi niyang
kasama.
D. Sina Patricia at Tanya ay magkapatid. Dahil sa panganay si Patricia ay natuto siyang maging mapagpakumbaba
para kay Tanya na siyang bunso ng pamilya. Si Tanya naman ay sumusunod sa kaniyang ate
_____ 20. Nais mong mag-sleep over sa bahay ng iyong kaklase nang sa gayon ay matapos na ninyo ang inyong
proyekto na kailangan nang maipasa samakalawa ngunit ayaw kang payagan ng iyong ina sapagkat walang mag-
iintindi sa iyong mga kapatid. Tutuloy ka pa ba sa plano ninyong sleep over?
A. Oo. Iintindihin ko muna ang aking mga kapatid, pakakainin ng hapunan at saka ihahabilin sa kapitbahay hanggang
sa kunin sila ng aking ina pagkadating nito galing trabaho.
B. Hindi. Sasabihin ko na lamang sa kaklase ko na maghati kami sa gawain at sa bahay ko iyon gagawin habang
binabantayan ko ang aking mga kapatid.
C. Oo. Pipilitin ko ang aking ina na payagan ako kahit na alam kong walang mag-aasikaso sa mga kapatid ko.
D. Oo. Hindi ko na iintindihin ang mga kapatid ko dahil malaki na sila.

You might also like