You are on page 1of 2

AP BALITAAN “Isa patay sa Western Visayas

habang 77,800 nasalanta dulot ng bagyong


'Betty'
(SOUND EFFECTS)

JUSTINE: (nagbabalita) Magandang araw po, ako po si [Krisha Garcia], at kami po ngayon ay narito upang magbigay ng
masusing update hinggil sa naging epekto ng Bagyong 'Betty' sa Western Visayas. Kasama natin ang ating field
reporter, si [Athea Garcia], na nasa mismong lugar kung saan nagaganap ang pangunahing pinsala ng bagyo. Ngayon
Athea kumusta naba ang sitwasyon dyan?

(SOUND EFFECTS)

ATHEA: (nasa field) Salamat, [krisha]. Ako nga po si [Athea], at narito ako sa probinsya ng Iloilo, kung saan talaga
namumutiktik ang pinsala dulot ng Bagyong 'Betty.' Ang panahon dito ay malupit pa rin, at patuloy ang pag-ulan at
pagbugso ng hangin.

ATHEA: (naglalakad sa tabi ng mga apektadong lugar) Nakikita natin dito ang mga kagubatan na natumba, mga poste
ng kuryente na nasira, at mga pamilyang naglilikas dahil sa banta ng baha. Patuloy kaming sumusubaybay sa mga oras
na ito para maipabahagi sa inyo ang tunay na kalagayan dito sa ground zero.

ATHEA: (nag-i-interview kay Shannel at Kristine) Kasama natin ngayon sina [Shannel] at [Kristine], na nagbibigay ng
kaunting pananaw hinggil sa isang trahedya na dala ng bagyo. Ano po ang inyong nalalaman?

SHANNEL: (nagku-kuwento) nakarinig po kami ng isang malupit na kuwento ng pagmamalasakit. Isang tao daw po
mula sa aming komunidad ang namatay habang nagbibigay tulong sa kalapit na pamilya. Ang kanyang pagpanaw ay
nagdulot ng lungkot sa aming lahat.

KRISTINE: (nagpapatuloy) Subalit sa gitna po ng kanyang trahedya, naglabas po ito ng pagkakaisa sa aming
komunidad. Nagtulungan kami para mabigyan ng tulong ang pamilya ng nasawing ito, mula sa pagkain hanggang sa
temporary shelter.

ATHEA: (nagpapatuloy) Salamat sa Pagbabahagi ng iyong kwento, [Shannel at Kristine].ang pangyayari na ito ay
nagpapakita na sa kabila ng trahedya, ang bayanihan at pagmamalasakit ng mga tao ay patuloy na bumabangon. Muli
po pinapaalala po namin sa lahat na mag-ingat at maging handa sa mga oras ng kalamidad. Ako po si [Athea Garcia],
nagpapatuloy na magsilbi sa inyong pangangailangan sa balita.

(SOUND EFFECTS)

JUSTINE: (nagbabalita) maraming salamat, [Athea]. Patuloy po tayong magbibigay balita. Ayon sa National Disaster
Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), halos 77,800 indibidwal mula sa Western Visayas ang apektado
ng Bagyong 'Betty.'

JUSTINE: At ngayon, kasama po natin si [Krisha Garcia], na narito mismo sa isang evacuation center kung saan
nagliligtas ang mga residente na kinailangang lumikas mula sa kanilang mga tahanan.

(SOUND EFFECTS)

KRISHA: (nasa evacuation center) Magandang araw po, ako po si [Krisha], at narito ako sa isang evacuation center. Ang
mga tao dito ay nagtutulungan upang magbigay ng kumporta at tulong sa mga nasalanta ng Bagyong 'Betty.'
KRISHA: (nag-i-interview ng isang residente sa evacuation center) Kasama natin ngayon ang dalawang residente dito
sa evacuation center. Paumanhin kuya ngunit, maaari mo bang ibahagi sa amin ang inyong naging karanasan dito sa
evacuation center?

GIAN:(naglalakad sa evacuation center then nag-stop ng tinawag sya ni Krisha) (nagkukuwento) Kami po ni [Hannah]
ay bago lang po dito sa evacuation center, at Malaki po ang naapektohan ng Bagyong 'Betty.' Sa amin, Nawalan po
kami ng bahay at mga ari-arian, at ngayon ay nag-aasam ng tulong upang makabangon muli.

HANNAH: (nagkukuwento) . ngunit kahit po mahirap ang lagay naming dito kami rin po dito ay nagtutulungan. Marami
sa amin ang nag-aambagan ng pagkain at gamit para matulungan ang mga pamilya na naglilikas.

KRISHA: (nagpapatuloy) Tunay nga pong nakakataba ng puso ang bayanihan dito sa evacuation center. Ipinapaalala
namin sa lahat na sa oras ng pangangailangan, tayo ay magkaka-isa. Ang bayanihan ay patuloy na nagpapalakas sa
ating mga puso sa gitna ng kalamidad na ito. Ako po si [Krisha Garcia], nagpapatuloy na maging silbi sa inyong
pangangailangan sa balita.

(SOUND EFFECTS)

ATHEA: (nagbabalita) Ito po ang pinakahuling balita mula sa amin. Patuloy po sana tayong magdarasal at
magtutulungan upang masigurong ligtas ang lahat mula sa mga epekto ng Bagyong 'Betty.' Ito po si [Athea Garcia at
Justine Kurt Garcia], nagbabalita para sa inyong kaalaman at kaligtasan.

END.

(SOUND EFFECTS)

You might also like