You are on page 1of 14

Filipino 8

Modyul 14
Filipino – Ikawalong Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 14 : Florante at Laura

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lizbeth A. Navas, Marilyn V. Alarcon, Anna Marie E. Tianela


Editor: Melinda P. Iquin at Emelita S. Garcia
Tagasuri: Melinda P. Iquin at Emelita S. Garcia
Tagaguhit:
Tagalapat: Merjoan B. Santiago
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Dr. Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/
A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education- NCR, Division of Pasig City


Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Contact No. (632) 8641-8885
E-mail Address: divisionofpasig@gmail.com
Filipino 8
Ikaapat na Markahan

Modyul 14 para sa Sariling Pagkatuto

Florante at Laura: Ang Pagpaparaya ni Aladin


( Saknong 347-372 ); Ang Tagumpay
(Saknong 373- 399 )
Manunulat: Lizbeth A. Navas, Marilyn V. Alarcon at Anna Marie E. Tianela
Tagasuri: Melinda P. Iquin at Emelita S. Garcia
Paunang Salita
Editor: Paul John S. Arellano
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 Modyul 14 para sa araling


Florante at Laura : “Ang Pagpaparaya ni Aladin ( Saknong 347-372 ); “Ang Tagumpay”
(Saknong 373-399 )!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na
makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng
modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 Modyul 14 para sa araling Florante at
Laura: “Ang Pagpaparaya ni Aladin” ( Saknong 347-372 ); “Ang Tagumpay” (Saknong
373-399 )!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na
dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAHAN

Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat matutuhan pagkatapos pag-


aralan ang modyul na ito.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
1. Nasusuri ang mga sitwasyong nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at
motibo ng mga tauhan. (F8PB-IVg-h-37)

MGA INAASAHANG LAYUNIN:


1. Natutukoy ang damdamin ng mga tauhan batay sa mga pangyayari sa Florante
at Laura.
2. Naipahahayag ang pagsang-ayon at pagsalungat ukol sa mga pangyayaring
binasa.
3. Naiuugnay ang motibo ng mga tauhan batay sa mga pangyayari sa akda.
PAUNANG PAGSUBOK

Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng aralin
na ito.
Panuto: Lagyan ng tsek (√ ) kung Tama at ( x ) kung Mali ang isinasaad ng mga
pangyayari sa Florante at Laura.
________1. Napatay ni Laura si Adolfo sa pamamagitan ng isang panang
pinakawalan na bumaon sa dibdib nito.
________2. Pumayag si Sultan Ali-Adab sa kondisyong magpapakasal si
Flerida sa kanya.
________3. Nilason ni Adolfo ang isipan ng mga tao sa pagsasabing may
balak si Duke Briseo na gutumin ang buong mamamayan.
________4. Naunang natanggap ni Florante ang mapanlinlang na sulat ni
Konde Adolfo, gamit ang pangalan ni Haring Linceo na
nagpapabalik sa kanya sa kaharian.
________5. Habang inihahanda ang kasalan ay nagdamit gerero si Flerida at
tumakas mula sa kaharian.

BALIK-ARAL
Bago natin simulan ang susunod na aralin, sukatin muna natin ang iyong
natutuhan at naunawaan sa mga nakaraang pangyayari sa Florante at Laura.
Panuto: Punan ng nawawalang sagot ang bawat patlang upang mabuo ang
diwa ng pangungusap. Hanapin sa kahon ang tamang sagot.

buwan mapugutan ng ulo


Flerida Medialuna
Laura nakagapos

________1. Pagkalipas ng limang _______ sa Krotona ay nagpilit nang


makabalik sa kaharian ng Albanya si Florante.
________2. Labis ang pananabik ni Florante kay ________ kaya’t halos
liparin nila ang daang pabalik.
________3. Subalit, malayo pa’y natanaw na nila ang nakataas na bandilang
________.
________4. Nakakita sila ng pulutong ng mga sundalong Moro na may
dalang babaeng _________.
________5. Si Laura ay nahatulang ___________ dahil hindi niya tinanggap
ang panliligaw ng Emir, na isa sa mga pinunong Moro.
ARALIN
Nasasabik na ba kayong malaman ang bahaging pagwawakas ng
Florante at Laura? Tiyak na maiibigan ninyo ang mga susunod na pangyayari!
Mga Terminolohiya
Houris- ang tawag sa napakagagandang dalagang naninirahan sa paraiso ayon sa
paniniwalang Muslim.
Diana- ang diyosa ng pangangaso. Siya’y laging iniuugnay sa mababangis na hayop at
sinasabing may kakayahang makipag-usap sa mga hayop. Siya ay huwaran ng
kagandahan at sinasamba ng mga sinaunang Romano.
Medialuna – bandila ng mga moro.

Mga Pangunahing Tauhan:


Florante -makisig na binatang anak ni Duke Briseo at Prinsesa
Floresca. Siya ang pangunahing tauhan ng awit. Halal na Heneral
ng hukbo ng Albanya. Magiting na bayani, mandirigma at heneral
ng hukbong magtatanggol sa pagsalakay ng mga Persiyano at
Turko
https://bit.ly/2EwaPIo

Laura -anak ni Haring Linceo at ang natatanging pag-ibig ni


Florante. Tapat ang puso sa pag-ibig ngunit aagawin ng buhong
na si Adolfo.

https://bit.ly/2EwaPIo

Adolfo- anak ng magiting na si Konde Sileno ng


Albanya. Kabaligtaran ng kanyang ama, si Adolfo ay isang taksil at
lihim na may inggit kay Florante mula nang magkasama sila sa
Atenas. Siya ang mahigpit na karibal ni Florante sa pag-aaral at
popularidad sa Atenas. Ang malaking balakid sa pag-iibigan nina
Florante at Laura, at aagaw sa trono ni Haring Linceo ng
Albanya.

Aladin-isang gererong Moro at prinsipe ng Persiya. Anak ni


Sultan Ali-Adab. Mahigpit na kaaway ng bayan at relihiyon ni
Florante, ngunit magiging tagapagligtas ni Florante.

Flerida-isang matapang na babaeng Menandro – ang matapat na


Moro na tatakas sa Persiya para hanapin kaibigan ni Florante.
sa kagubatan ang kasintahang si Aladin. Mabait at laging kasa- kasama
Siya ay magiging tagapagligtas ni Laura. ni Florante sa digmaan.
Itinulad kay Diana at tinaguriang isa sa Houris ng Persya.
Haring Linceo- ama ni Sultan Ali-Adab- ama ni Aladin
Laura na hari ng Albanya. na kaagaw niya sa kasintahang
si Flerida

Masasabi bang dakila ang pag-ibig na nagpaparaya? Patunayan.

Basahing mabuti at unawain ang mga saknong 347- 372.


Ang Pagpaparaya ni Aladin
( Saknong 347- 372 )
347 “ Ang pagkabuhay mo’y yamang natalastas, 357 “ Nang gabing malungkot na kinabukasan,
tantuin mo naman ngayon ang kausap; wakas na tadhanang ako’y pupugutan,
ako ang Aladin sa Pers’yang syudad, sa karsel ay nasok ang isang heneral,
anak ng balitang Sultang Ali-Adab. dala ang patawad na lalong pamatay.
.
348 “ Sa pagbatis niring mapait na luha, 358 “ Tadhanang mahigpit ay malis pagdaka,
ang pagkabuhay ko’y sukat mahalata… huwag mabukasan sa Reyno ng Pers’ya,
Ay , ama ko, bakit?...Ay, Fleridang tuwa! sa munting pagsuway buhay ko ang dusa;
katoto’y bayaang ako’y mapayapa. sinunod ko’t utos ng hari ko’t ama.

349 “ Magsama na kitang sa luha’y maagnas, 359 “ Ngunit sa puso ko’y matamis pang lubha
yamang pinag-isa ng masamang palad; natuloy nakitil ang hiningang aba,
sa gubat na ito’y antayin ang wakas huwag ang may buhay na nagugunita
ng pagkabuhay tang nalipos ng hirap.” iba ang may kandong sa langit ko’t tuwa.

350 “ Hindi na inulit ni Florante naman, 360 “ May anim na ngayong taong walang likat
luha ni Aladi’y pinaibayuhan; na nilibot-libot na kasama’y hirap…
tumahan sa gubat na may limang buwan, napatigil dito’t sila’y may namatyag,
nang isang umaga’y naganyak maglibang. nagsasalitaan sa loob ng gubat.

351 “ Kanilang nilibot ang loob ng gubat, 361 “ Napakinggan nila’y ang ganitong saysay:
kahit bahagya na makakitang landas, “ nang aking matatap na papupugutan
dito sinalita ni Alading hayag ang abang sinta kong nasa bilangguan,
ang kanyang buhay na kahabag-habag. nagdapa sa yapak ng haring sukaban.

352 “ Aniya’y “ Sa madlang gerang pinagda-nan, 362 “ Inihinging tawad ng luha at daing
di ako naghirap ng pakikilaban, ang kanyang anak na mutya ko’t giliw;
para nang bakahin ang pusong matibay ang sagot ay kung di kusa kong tanggapin
ni Fleridang irog na tinatangisan.” ang pagsinta niya’y di patatawarin.

353 “ Kung nakikiumpok sa madlang prinsesa’y 363 “ Anong gagawin ko sa ganitong bagay?
si Diana sa gitna ngmaraming nimpa, ang sinta ko kaya’y bayaang mamatay!
kaya’t kung tawagin sa Reyno ng Pers’ya, napahinuhod na ako’t nang mabuhay
isa sa Houris ng mga propeta.” ang prinsipeng irog na kahambal-hambal!

354 “ Anupa’t pinalad na aking dinaig 364 “ Ang di nabalinong matibay kong dibdib
sa katiyagaan ang pusong matipid; sa suyo ng hari, bala, at paghibik,
at pagkakaisa ng dalawang dibdib, nanlambot na kusa’t humain sa sakit
pagsinta ni Ama’y nabuyong gumiit. at nang mailigtas ang buhay ng ibig.

355 “ Dito na minulan ang pagpapahirap 365 “ Sa tuwa ng hari’y pinawalang agad
sa aki’t ninasang buhay ko’y mautas; ang dahil ng aking luhang pumapatak;
at nang magbiktorya sa Albanyang s’yudad, dapuwat tadhanang umalis sa s’yudad
pagdating sa Pers’ya’y binilanggo agad. at sa ibang lupa’y kusang mawakawak.

356 “ At ang ibinuhat na kasalanan ko, 366 “ Pumanaw sa Pers’ya ang irog ko’t buhay
di pa utos niya’y iniwan ang hukbo; na hindi man kami nagkasalitaan;
at nang nabalitaang reyno’y nabawi mo, tingin kung may luha akong ibubukal
ako’y hinatulang pugutan ng ulo. na maitutumbas sa dusa kong taglay!
367 “ Nang iginagayak sa loob ng reyno 370 “ Salita’y nahinto sa biglang pagdating
yaong pagkakasal na kamatayan ko ng Duke Florante’t Prinsipe Aladin;
aking naakalang magdamit-gerero na pagkakilala sa boses ng giliw,
kusang magtanan sa real palasyo. ang gawi ng puso’y di mapigil-pigil.

368 “ Isang hating-gabing kadilima’y lubha, 371 “ Aling dila kaya ang makasasayod
lihim na naghugos ako sa bintana, ng tuwang kinamtan ng magkasing irog?
walang kinasama kung hindi ang nasa, sa hiya ng sakit sa lupa’y lumubog,
matunton ang sinta kung nasaang lupa. dala ang kanyang napulpol na tunod.

369 “ May ilan nang taon akong naglagalag 372 “ Saang kalangitan napaakyat kaya
na pinapalasyo ang bundok at gubat; ang ating Florante sa tinamong tuwa;
dumating nga rito’t kita’y nailigtas ngayong tumititig sa ligayang mukha
sa masamang nasa niyong taong sukab.” ng kanyang Laurang ninanasa-nasa?

Paano napatunayan sa mga pangyayaring hindi kailanman magtatagumpay


ang kasamaan laban sa kabutihan?
Basahin at unawaing mabuti ang mga saknong 373-399.
Ang Tagumpay
( Saknong 373-399 )
373 “ Anupa nga’t yaong gubat na malungkot, 382 “ Umakyat sa trono ang kondeng malupit
sa apat ay naging Paraiso’t lugod; at pinagbalaan ako nang mahigpit,
makailang hintong kanilang malimot na kung di tumanggap sa haing pag-ibig
na may hininga pang sukat na malagot. dusting kamataya’y aking masasapit.

374 “Sigabo ng tuwa’y nang dumalang-dalang, 383 “ Sa pagnanasa kong siya’y magantihan
dininig ng tatlo ang kay Laurang buhay at sulatan kita sa Etolyang bayan,
nasapit sa reyno mula nang pumanaw pinilit ang pusong huwag ipamalay
ang sintang nanggubat, ganito ang saysay: sa lilo ang aking kaayawa’t suklam.

375 “ Di lubhang nalaon niyong pag-alis mo, 384 “ Limang buwang singkad ang hinihinging
o sintang Florante sa Albanyang Reyno, taning
narinig sa baya’y isang piping gulo ang kaniyang sinta’y bago ko tanggapin;
na umalingawngaw hanggang sa palasyo. ngunit pinasiyang tunay sa panimdim
ang magpatiwakal kung di ka dumating.
376 “ Ngunit di mangyaring mawatas-watasan
ang bakit at hulo ng bulung-bulungan, 385 “ Niyari ang sulat at ibinigay ko
parang isang sakit na di mahulaan sa tapat na lingkod, na dalhin sa iyo,
ng medikong pantas ang dahil at saan. di nag-isang buwa’y siyang pagdating mo
nahulog sa kamay ni Adolfong lilo.
377 “ Di kaginsa-ginsa, palasyo’y nakubkob
ng magulong baya’t baluting soldados; 386 “ Sa takot sa iyo niyong palamara
o araw na lubhang kakila-kilabot! kung ikaw’y magbalik na may hukbong dala
araw na sinumpa ng galit ng Diyos. nang mag-isang muwi ay pinadalhan ka
ng may selyong sulat at sa haring pirma.
378 “ Sigawang malakas niyong baying gulo,
“ Mamatay, mamatay ang Haring Linceo 387 “ Matanto ko ito’y sa malaking lumbay
na nagmunakalang gutumin ang reyno’t gayak na ang puso na magpatiwakal
lagyan ng estangke ang kakani’t trigo!” ay siyang pagdating ni Menandro naman,
kinubkob ng hukbo ang Albanyang bayan.
379 “ Ito’y kay Adolfong kagagawang lahat
at nang magkagulo iyong bayang bulag; 388 “ Sa banta ko’y siyang tantong nakatanggap
sa ngalan ng hari ay isinambulat ng sa iyo’y aking padalang kalatas,
gayong ordeng mula sa dibdib ng sukab. kaya’t nang dumating sa Albanyang s’yudad
lobong nagugutom ang kahalintulad.
380 “ Noon di’y hinugot sa tronong luklukan
ang ama kong hari at pinapugutan, 389 “ Nang walang magawa ang Konde Adolfo
may matuwid bagang makapanlulumay ay kusang tumawag ng kapuwa lilo;
sa sukab na puso’t nagugulong bayan? dumating ang gabi, umalis sa reyno…
at ako’y dinalang gapos sa kabayo.
381 “ Sa araw ring yao’y naputlan ng ulo
ang tapat na loob ng mga konseho; 390 “ Kapagkadating dito ako’y dinadahas
at hindi pumuro ang tabak ng lilo hanggang at ibig ilugso ang puri kong ingat;
may mabait na mahal sa reyno. pana’y isang tunod na kung saan buhat,
pumako sa dibdib ni Adolfong sukab.”
391 Sagot ni Flerida: “nang dito’y sumapit
ay may napakinggang binibining boses, 396 Namatay ang bunying Sultang Ali-Adab,
na pakiramdam ko’y binibigyang sakit, nuwi si Aladin sa Pers’yang s’yudad,
nahambal ang aking mahabaging dibdib. ang Duke Florante sa trono’y naakyat
sa siping ni Laurang minumutyang liyag.
392 “ Nang paghanapin ko’y ikaw ang natalos
pinipilit niyong taong balakyot, 397 Sa pamamahala nitong bagong hari
hindi ko nabata’y bininit sa busog sa kapayapaan ang reyno’y nauli,
ang isang palasong sa lilo’y tumapos. dito nakabangon ang nalulugami
at napasa-tuwa ang nagpipighati.
393 “ Di pa napapatid yaong pangungusap;
si Menandro’y siyang pagdating sa gubat,
dala’y ehersito’t si Adolfo’y hanap,
398 Kaya nga’t nagtaas ang kamay sa langit
nakita’y katoto, laking tuwa’t galak! sa pasasalamat ng bayang tangkilik;
ang hari’t reyna’y walang iniisip
394 “ Yaong ehersitong mula sa Etolya kundi ang magsabog ng awa sa kabig.
ang unang nawika sa gayong ligaya:
Viva si Floranteng hari sa Albanya! 399 Nagsasama silang lubhang mahinusay
Mabuhay, mabuhay ang Prinsesa Laura!” hanggang sa nasapit ang payapang bayan
tigil, aking Musa’t kusa kang lumagay
395 Dinala sa reynong ipinagdiriwang sa yapak ni SELYA’T dalhin yaring Ay! Ay!
sampu ni Aladi’t ni Fleridang hirang,
kapuwa na tumanggap na mangabinyagan
magkakasing sinta’y naraos makasal.
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1

Panuto: Tukuyin ang damdaming naghahari sa mga tauhan batay sa


mga pangyayari. Isulat sa patlang sa unahan ng bilang ang letra ng tamang
sagot.
_______ 1.Naputol ang pagsasalaysay ni Aladin nang maalala na naman ang
kasintahang si Flerida.
A. pagkainis C. pagkatakot
B. pagkalungkot D. pagtataka
________2.Nakaalis si Aladin sa Persiya nang di sila nagkakaunawaan ni Flerida.
A. pag-aalala C. pagkatuwa
B. pagkatakot D. pagwawalang-bahala
________3.Nang makarating si Flerida sa gubat ay may napakinggan siyang
boses na sa pakiramdam niya’y binibigyang-sakit.
A.pagdaramdam C. pagkatakot
B.pagkaawa D. pagmamahal
________4.Pinagbantaan ni Adolfo si Laura na papatayin kapag hindi
pumayag makasal sa kanya.
A. pag-aalinlangan C. pagseselos
B. pagkatakot D. pagsisisi
________5.Ipinagbunyi ng lahat ang pagbabalik nina Florante at Laura sa
Kahariang Albanya.
A. pagdaramdam C. pagkatakot
B. pagkalungkot D. pagkatuwa

Pagsasanay 2

Panuto: Ilagay ang 👍 kung sumasang-ayon at 👎 kung sumasalu-


ngat sa mga sumusunod na pangyayari. Ilagay sa patlang ang tamang sagot.

_________1. Naalala ni Aladin ang kasintahang inagaw ng kanyang kaibigan.


_________2.Pagkabalik ni Aladin mula sa kaharian ng Persiya ay ipinabilanggo siya.
_________3. Bumalik sa kaharian ng Persiya sina Aladin at Flerida nang malamang
buhay pa si Sultan Ali-Adab.
_________4. Si Menandro ang nakatanggap ng liham ni Laura kaya’t dali-dali siyang
sumugod sa Albanya kasama ang kanyang hukbo.
_________5. Isinalaysay ni Flerida ang kalunos-lunos na sinapit ng kanilang
kaharian at pagkamatay ng kanyang ama dahil sa kasamaan ni Adolfo.
Pagsasanay 3
Panuto: Pagtapat-tapatin: Piliin sa Hanay B ang angkop na motibo ng
tauhan batay sa pangyayari sa Hanay A. Isulat sa patlang sa unahan ng
bilang ang tamang sagot.
A B
_______1.Tumanggi si Laura sa nais ni Adolfo A. balak niyang pagsamantalahan
_______2.Nagmakaawa si Flerida kay Sultan si Laura
Ali-Adab B. ibig niyang magpakasal si
Flerida sa kanya
_______ 3.Walang nagawa si Aladin kundi C. nagparaya siya sa kanyang
lisanin ang Persiya ama
_______4.Pumayag si Sultan Ali-Adab na pata- D. nais niyang iligtas ang
warin si Aladin kasintahang si Aladin
_______5..Tumakas si Adolfo na tangay si Laura E. si Florante lamang ang iniibig
niya

PAGLALAHAT
Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari. Isulat ang letrang A-
E sa unahan ng bawat bilang.

________1. Sinabi ni Flerida na nang malaman niyang hinatulang


mapugutan ng ulo si Aladin ay nagmakaawa siya sa sultan.
________2. Masayang ipinagbunyi ng Albanya ang pagbabalik nina
Florante at Laura.
________3. Isinalaysay ni Aladin ang kuwento ng kanyang buhay habang
nakikinig si Florante.
________4. Isinalaysay naman ni Laura ang kasamaang ginawa ni Konde
Adolfo sa kaharian ng Albanya.
________5. Anim na taon nang naninirahan sa kagubatan sina Florante at
Aladin nang marinig ang tinig nina Laura at Flerida habang
nag-uusap.
PAGPAPAHALAGA
Panuto: Ano-anong mabubuti o dakilang bagay ang maaaring magawa ng
tao dahil sa PAG-IBIG batay sa natutuhan sa aralin? Isulat sa mga pusong
nakapaligid sa salitang pag-ibig.

PAG - IBIG

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Kilalanin ang tauhang tinutukoy sa bawat pahayag. Piliin ang ta-
mang sagot sa loob ng bilog.

Flerida Haring Linceo


Florante Menandro
Sultan Ali-Adab

_______1. Ama ni Laura na Hari ng Albanya


_______2. Nahulog sa patibong ni Konde Adolfo
_______3. Kaagaw ni Aladin sa kanyang kasintahan
_______4. Matalik na kaibigan ni Florante na nagligtas sa Albanya
_______5. Kasintahan ni Aladin na nagligtas kay Laura
SUSI SA PAGWAWASTO

Sanggunian
Elektroniko:

https://www.pinterest.ph/pin/650559108646258535/?nic_v2=1a2C67Xpd
https://www.slideshare.net/CHARLEXALUMAIN/florante-at-laura-54115993
https://twitter.com/jnnint1012
https://notes-tips.blogspot.com/2019/05/mga-tauhan-sa-florante-at-laura.html
https://www.pinterest.ph/ktoquero9294/florante-at-laura/

Baisa-Julian, Lontoc, Del Rosario, Dayag, Pinagyamang Pluma 8, Ikalawang


Edisyon, pahina 620-633.
Consulta, Alfredo S., Florante at Laura ni Francisco Baltazar, Binagong Edisyon,
pahina 167-189.
Gonzales-Obrero, Tabirao-Rotia, Bongalon-Jucutan, Eroles, Tudla 8, Binagong
Edisyon, pahina 413-420.
Mga E-Aralin ng Florante at Laura, C&E Publishing Inc.

You might also like