You are on page 1of 18

8

Edukasyon sa

ly
Pagpapakatao

On
m
Ikaapat na Markahan – Modyul 1

ea
Ang Kahalagahan ng Katapatan sa Kapwa

tT
en
m
l op
ve
De
he
yt
db
te
es
aT
ph
Al

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Edukasyon sa Pagpapakatao– Baitang 8
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1 Ang kahalagahan ng Katapatan sa Kapwa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtatakda ng kaukulang bayad.

ly
On
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang

m
makakuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito

ea
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

tT
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

en
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio m
l op
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
ve

Manunulat: Babyline N. Hernaez


De

Editor: Carmelle Dawn L. Vasay


Tagasuri: Jonalyn D. Cadorna
he

Tagaguhit: Babyline N. Hernaez


yt

Management Team
Schools Division Superintendent:
db

Marilyn S. Andales
te

Assistant Schools Division Superintendents:


Fay C. Luarez
es

Anelito A. Bongcawil
aT

Lorenzo M. Dizon
Chief, CID: Mary Ann P. Flores
ph

EPS in LRMDS: Isaiash T. Wagas


Al

EPS in EsP: Jane O. Gurrea

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region VII

Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City


Telefax: (032) 255-6405
E-mail Address: cebu.province@deped.gov.ph

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Alamin
Nakaranas ka na ba ng pagtatalo ng iyong isip at kilos? Iyon bang ayaw naman
talaga ng isip mo ngunit ginawa mo pa rin. Maraming mga pagkakataon sa buhay ng
tao na nangyayari ang ganito at marahil hindi natin makakaila na sa usapin ng
katapatan, ganito rin ang madalas na sitwasyon. Alam natin na dapat lamang na

ly
maging matapat tayo sa ating kapwa.

On
Ang modyul na ito ay binuo upang palawakin ang iyong pag-unawa sa
kahalagahan ng katapatan sa kapwa. Ang pagkakaroon mo ng malawak na kaalaman

m
at sapat na kakayahan ang iyong magiging sandata upang maging kaisa ka sa

ea
pagpapanatili ng buhay at kinang nito

tT
Sa araling ito, ating aalamin kung bakit nga ba mahalaga maging tapat sa
anumang mga gawain o bagay. Ang pagiging matapat ay nakabatay sa moralidad ng

en
isang tao. Ito rin ay mahalaga dahil sa iba’t-ibang mga dahilan. Heto ang mga
halimbawa: Mahalaga ang pagiging tapat sa kahit anong mga bagay at gawain para
tayo’y maging katiwa-tiwala sa ating mga kapwa. Ating tandaan na ang pagiging
m
op
matapat ay siya ring nagbibigay ng respeto sa ating sarili. Ang pagiging matapat din
ay nagdudulot ng mabuting relasyon sa ating kapwa. Ang pagiging matapat ay siya
ring nagpapakita na ika’y maaasahan sa oras ng pangangailangan. Kaya naman, mas
l
ve

malaki ang pagkakataon na ika’y tutulungan din ng iba. Pero, kapag ikaw ay hindi
matapat ikaw ay dahan-dahang nawalan ng respeto at tiwala. Dahil dito, mawawalan
De

ng tiwala at kompyansa ang mga tao sa iyong paligid kahit sa mga maliliit na bagay
lamang.
he

Ating tandaan na ang pagiging matapat ay siya ring nagiging batayan ng


yt

moralidad at etika ng isang tao. Kaya makikita kaagad kung anong uri ng tao ang isang
indibidwal base sa kung siya ba ay matapat o hindi.
db

Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakilala ang:
te

a. Kahalagahan ng katapatan
es

b. Mga paraan ng pagpapakita ng katapatan, at


c. Bunga ng hindi pagmamalas ng katapatan. EsP8PBIIIg-12.1
aT

2. Nasusuri ang mga umiiral na paglabag ng mga kabataan sa


katapatan. EsP8PBIIIg-12.2
ph

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang:


Al

A. Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng katapatan sa kapwa.


B. Naisasagawa ang Truth Log na naglalaman ng iba’t
ibang kwento ng katapatan.
C. Natutukoy ang bawat sitwasyon na nagpapahayag ng katapatan.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Subukin
.
Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem sa bawat bilang at piliin ang pinakaangkop na
sagot. Isulat sa papel ang T kung Tama ang isinasaad ng pangungusap at M kung Mali.

ly
1. Ang pagsasabi ng katotohanan ay isang magandang ugali ng isang indibidwal.

On
2. Madalas ay nakalimutan ang pagsasabi ng angkop na salita sa pakikipag-usap.
3. Ang pagiging tapat ay ipinapakita lamang na salita.

m
4. Ang isang taong mapagkumbaba ay may respeto sa kanyang kapwa.
5. Mas mainam na ipakita ang pagiging tapat sa salita at sa gawa.

ea
6. Si Thea ay magalang na bata kaya nararapat siyang tularan.
7. Mas nais ni Clark na maglaro muna bago mag-aral.

tT
8. Kailangan magpaalam muna bago kumuha ng gamit na hindi sa atin.
9. Ang pagbibigay ng respeto ay ang pagtanggap din nito.

en
10. Gusto ni Ramlee ang gamit ng kanyang kapatid kaya kinuha niya ito ng walang
paalam.
m
op
Panuto: Isulat sa papel ang salitang TAPAT kung ang sitwasyon ay nagpapahiwatig ng
katapatan sa paggawa ng proyekto o takdang aralin at ang salitang HINDI
l
MATAPAT kung ito ay hindi.
ve

_ 1. Masusing gumagawa ng takdang aralin na nag-iisa.


De

_ 2. Ipinapagawa ang proyekto sa nakatatandang kapatid.


he

_ 3. Sumasangguni sa kaibigan o kasapi ng pamilya kung hindi naiintindihan


yt

ang proyekto.
db

_ 4. Nagpatulong sa pag-download ng mga larawan ng mga bayani ng


Pilipinas.
te

_ 5. Nagpatulong sa kaklase sa indibidwal na proyekto.


es
aT
ph
Al

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Modyul
Ang Kahalagahan ng Katapatan sa Kapwa
1

ly
On
Ang pagiging matapat na siguro ang pinakamagandang ugaling nakasanayan

m
ng tao. Tinuturuan ka nito kung paano maging totoo sa mga taong nakapaligid sayo.
Inilalayo ka rin nito sa anumang uri ng kapahamakan. Sabi nga “Ang pagsasama ng

ea
tapat ay pagsasama ng tahimik at maligaya”, mula dito ay nakabubuo tayo ng isang
magandang komunidad at pagkatao. Lubhang napakaganda ng salitang katapatan,

tT
mula dito tayo ay nakalaya sa kahit anong bagay na bumabagabag sa atin. Ito rin ang
dahilan kung bakit pa tayo nagmamahal at kung bakit natin nasasaktan ang isang tao.

en
Paano nga ba maging tapat sa mga taong nakapaligid sa atin? Kung ako ang
tatanungin ay simple lang, maging totoo ka. Halimbawa may amoy ang iyong kaklase m
op
hindi naman yung ipagsisigawan mo sa lahat dapat kausapin mo siya ng kayo lang
dalawa para malaman niya at nagawan niya ng angkop na solusyon. Dapat maging
l
ve

totoo ka rin sa sarili mo hindi lang sa ibang tao. Tandaan na ang pagbabago ay laging
nagsisimula sa iyo. Ang katapatan ay isa sa pinakamahalagang katangian sa buhay
De

dahil nagbibigay ito ng kapayapaan sa isip na kung saan hindi ka nababagabag sa


mga kasinungalingan na sinasabi mo sa ibang tao. Sa pamamagitan ng laging
he

matapat, ang mga tao ay palaging magtitiwala at igalang ang kanilang kapwa. Bukod
dito, ang katapatan ay nagpapalakas ng kalooban ng tao at lumilikha ng mas
yt

makabuluhang koneksyon sa kapwa.


db

Kung nais mong maging isang mas matapat na tao, ang unang hakbang ay
magsimula sa iyong sarili. Ang isa sa mga kadahilanan kung bakit palaging hindi tapat
te

ang mga tao ay dahil sinusubukan nilang maging isang tao na hindi sila. Maging tapat
sa iyong sarili. Hindi ka maaaring maging matapat sa iba kung hindi ka tapat sa iyong
es

sarili. Ang katapatan ay isang regalong hindi pagmamay-ari ng maraming tao.


aT
ph
Al

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Balikan
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na sitwasyon. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
1. Nakita mong binunot ni Clark ang talong na tanim ni Mang Domeng sa kanyang

ly
hardin. Binalaan mo siyang isusumbong sa iyong guro ngunit pinagbantaan ka niya
na ikaw ay susuntukin paglabas ng paaralan. Isumbong mo pa rin ba siya? Bakit?

On
2. Ipinagbilin ng iyong nanay sa iyong kuya na bantayang mabuti ang iyong

m
nakababatang kapatid dahil siya ay namamalengke. Subalit, sinabayan ng alis ng
iyong kuya ang pag-alis ng iyong ina at ikaw ang kaniyang naatasang magbantay ng

ea
iyong bunsong kapatid. Sasabihin mo ba ang totoong ginawa ng iyong kuya sa iyong

tT
ina kahit alam mong magagalit siya? Bakit?
3. Araw ng pagsusulit, hindi nakapag-aral si Liza dahil napili siyang manood ng

en
bagong pelikula. Nakita mong kumopya siya ng mga sagot sa kanyang kwaderno.
Matalik kayong magkaibigan ni Liza. Nais mo siyang isumbong sa inyong guro subalit
nangangamba kang baka siya ay mawala sa honor roll. Isumbong mo pa rin ba siya
m
op
sa iyong guro sa kabila ng pagiging magkaibigan ninyo? Bakit?
l
4. Naiwan ng iyong pinsan ang kanyang bag sa loob ng silid-aralan. Nang ito ay iyong
ve

buksan, nakita mong may laman itong pera. Alam mong ang perang iyon ay gagamitin
De

niyang pambayad sa kanyang matrikula. Ibabalik mo ba ito sa kaniya o itatago mo na


lang? Bakit?
he

5. Sa palaruan ay masayang naglalaro ang mga bata ng habulan. Nakita ni Joshua na


itinulak ni Joseph si John Paul. Kung ikaw si Joshua, isusumbong mo ba si John Paul
yt

sa inyong guro kahit alam mong anak siya ng punongguro? Bakit?


db
te
es
aT
ph
Al

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Tuklasin

I. Panuto:

1. Panoorin o pakinggan ang mga patalastas sa inyong telebisyon o radyo.

ly
2. Maglaan ng tamang oras para sa panonood ng telebisyon o pakikinig sa radyo.

On
3. Maghanda ng mga kakailanganing kagamitan katulad ng telebisyon o radyo,

m
papel, panulat at cartolina.

ea
4. Kailangan ang gabay ng mga magulang o nakatatanda sa panonood ng
telebisyon o pakikinig sa radyo.

tT
5. Sa proseso ng panonood ay tingnan o pakinggan ang sumusunod na panuto:

en
a. Ano ang mga kataga sa patalastas na nagpapakita ng katapatan?

m
b. Ano ang mga kataga sa patalastas na sumubok sa katapatan?
c. Ano ang mga kilos na nasaksihan o napakinggan sa patalastas ang
op
nagpapakita ng katapatan?
d. Ano ang pinakamahalagang mensahe na ipinakita sa patalastas?
l
ve

6. Gumawa ng komprehensibo at malikhaing pagsulat sa ulat matapos


De

mapanood, marinig at masuri ang kabuuan ng patalastas.


7. Isulat ang nagawa ng ulat sa short size bond paper at gawing gabay ang
he

rubrics na nasa ibaba.


yt

Rubrics sa pagsulat ng ulat.


Napakahusay Mahusay Di-gaanong May Malaking
db

Mahusay Kakulangan
4 3 2 1
te

Pagkamalikhain
Kaangkupan sa
es

Paksa
aT

Kalinisan ng
gawa
Pagsulat ng
ph

maayos at
organizado
Al

Kabuuang eskor

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Suriin

Ang mga sumusunod ay mga kahalagahan ng pagiging matapat:

• Kung tapat ka sa isang tao ay susuklian ka rin ng katapatan.

ly
• Madali mong makukuha ang tiwala ng nakararami.

On
• Nagpapakita ng kabutihang asal na maaaring tularan ng iba.
• Ang pagiging matapat ang naging daan upang magkaroon ng matibay na relasyon

m
ang bawat isa.

ea
tT
Mga halimbawa na nagpapakita ng pagiging matapat:

en
1. Matapat ka kung nagsasauli ka ng sukli na sumobra.
2. Matapat ka kung sasabihin mo sa iyong mga magulang ang katotohanan.
m
op
3. Matapang ka kung ikaw ay isa sa namumuno sa pamahalaan at ang lahat ng para
sa mamamayan ay ibinibigay mo sa kanila at hindi mo ito ibinalik.
l
ve

4. Matapang ka kung sasabihin mo sa iyong guro na hindi mo masyadong naiintindihan


ang kaniyang mga naituro kaya bumagsak ka sa pagsusulit.
De

Ilan lamang ang mga ito na nagpapakita ng matapat na pag-uugali. Mas


he

marami pa ang mga karapatan na dapat nating gawin at tularan para sa matiwasay
yt

na pamumuhay.
Upang mahubog ang karangalan, katapatan at integridad, kailangang
db

mamuhay sa katotohanan at panig mo ang iyong sarili sa kung ano ang tama. Mas
magiging madali para sa iyo ang sumunod sa batas ng pamahalaan, ng iyong
te

pananampalataya at ng iyong pamayanan kung iyong maunawaan na ang mga ito ay


es

nariyan para sa proteksyon at para sa kaayusang pansarili (well-being). Ito ay isang


hamon na hindi madaling harapin kung hindi taos puso ang pagnanais na makamit ito.
aT

Ngunit ang pangako nito para sa patuloy na paglago ng iyong pagkatao bilang tao ay
hindi matutumbasan ng anumang yaman o kasikatan. Ikaw, tinatanggap mo ba ang
ph

hamon na ito?
Al

Laging tandaan na ang katotohanan ay hindi nilikha ng tao, nag-iisa lamang ito
at hindi kailanman nagbabago ng panahon o lugar.

Ang pagsisinungaling ay ang pagtatago ng isang bagay na totoo sa isang


taong may karapatan naman dito. Ang sumusunod ay ang iba’t-ibang uri ng
pagsisinungaling.

6
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
A. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao (Prosocial
Lying). Madalas na ginagawa ito para sa isang taong mahalaga sa kaniyang
buhay. Halimbawa, pumunta kayo sa isang pagdiriwang sa kaarawan ng isang
kaklase kasama ang inyong ibang kaibigan. Hindi nakapagpaalam sa kaniyang
mga magulang ang iyong matalik na kaibigan dahil alam niya na hindi naman
siya papayagan. Ngunit dahil napasarap sa pakikipagkuwentuhan hindi na
ninyo namalayan na gumagabi na pala. Alam mo na papagalitan siya ng
kanyang mahigpit na ama. Kung kaya kinausap ka niya upang magsinungaling

ly
sa mga ito at sabihin na ginabi kayo dahil sa paggawa ng proyekto sa inyong
bahay. Ginawa mo ito dahil ayaw mong mapahamak ang iyong kaibigan. Sa

On
maraming pagkakataon, hindi man natin ninanais, hindi natin pabayaan ang
taong mahalaga sa atin kung kaya napipilitan tayong magsinungaling para sa

m
kanya.

ea
B. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi
o maparusahan (Self-enhancement lying). Marahil naoobserbahan mo ang

tT
ilang mga kaklase na nakagawa ng pagkakamali sa paaralan. May mga
pagkakataon na ipinatatawag sa paaralan ang kanilang mga magulang. Ngunit

en
sa halip na sabihin sa mga magulang ay makikiusap sa isang kakilala na
magpanggap na kaanak. Sa ganitong paraan, hindi siya mapapagalitan ng
kanyang mga magulang sa kanyang pagkakasalang nagawa. Dumarami ang
m
op
taong kanyang niloloko upang maisalba ang kanyang sarili sa anumang
kahihinatnan ng kanyang pagkakamali.
l
ve

C. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili na napinsala ng ibang tao


(Selfish lying). May mga taong labis na makasarili. Ang tanging iniisip ay ang
De

pansariling kapakanan at hindi na iniisip kung nakakasakit ng kanyang kapwa.


Halimbawa, may isa kang kaklaseng lalaki na labis ang pagiging pilyo. Kahit sa
he

oras ng klase ay pinaiiral niya ang ugaling ito. Binato niya ang isang kaklase ng
bolang yari sa papel. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, ang tinamaan
yt

nito ay ang kanyang guro na nakatalikod habang nagsusulat sa pisara. Sa


pagtatanong ng guro kung sino ang may kagagawan ay bigla na lamang niyang
db

itinuro ang isang tahimik na kaklase upang siya ang pagalitan ng guro.
Nangyayari ba talaga ito sa silid-aralan?
te

D. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa (Anti-social Lying).


Minsan kapag may galit tayo sa isang tao, lumilikha tayo ng maraming kwento
es

na nakakasira ng kanyang pagkatao. Ikakalat ito sa mga taong nakakakilala sa


aT

kanya na may hangarin na sirain ang pagtingin ng mga ito sa kanya. Sa


paraang ito ay nakakaramdam ng kasiyahan ang taong gumagawa nito. Ito ay
ph

dahil sa kanyang palagay na makakaganti siya sa kanyang kaaway.


Al

Ngunit may pangyayari na nagbubunsod sa tao upang itago ang katotohanan. Ito
ay bunga ng isang seryosong dahilan o obligasyon na kapag nilabag ay mas lalong
magdudulot ng pinsala hindi lamang para sa sarili kundi maging sa ibang tao. Ang
pagtatago ng totoo ay hindi maituturing na kasinungalingan. May apat na
pamamaraan ayon sa aklat ni Vitaliano Gorospe (1974) ng pagtatago ng katotohanan.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
1. Pananahimik (silence). Ito ay nangangahulugang pagtanggi sa pagsagot sa
anumang tanong na maaaring magtulak sa kaniya upang ilabas ang
katotohanan. Sa kabila ng pamimilit ng ilang tao na ang nais ay makialam sa
buhay ng iba ngunit wala namang karapatan sa katotohanan ay mas pinipiling
manahimik na lamang. Ngunit sa mga taong hindi gaanong malawak ang pag-
iisip, sasabihin lamang nila ang kahulugan ng pananahimik ay ang pag-amin
sa katotohanan.
2. Pag-iwas (evasion). Ito ay nangangahulugan ng panliligaw sa sinumang

ly
humihingi ng impormasyon sa pamamagitan ng hindi pagsagot sa kaniyang
mga tanong. Pagtrato sa tanong ng kausap bilang isang biro o kung minsan ay

On
pagpapakita na siya ay nasasaktan. Ang pag-iwas ay nangangailangan ng bilis
at lakas sa pag-iisip.

m
3. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan (equivocation).

ea
Ito ay pagsasabi ng totoo ngunit ang katotohanan ay maaaring mayroong
dalawang kahulugan o interpretasyon. Upang maging lehitimo ang paraang ito,

tT
kailangan na ang parehong kahulugan ay pawang magdadala sa kanila sa
malalim na pag-iisip. Dahil dito, maaaring nakatuon ang kanyang pansin sa

en
isang kahulugan na nanliligaw sa kanya sa katotohanan lalo na kung hindi
naging maingat sa kanyang mga paghuhusga.
4. Pagtitimping Pandiwa (Mental Reservation). Ito ay nangangahulugang
paglalagay ng limitasyon sa tunay na esensya ng impormasyon. Ito ay mag- m
op
aakay sa taong humihingi ng impormasyon na isipin kung ano ang nais na pag
l
iisip ng nagbibigay ng impormasyon. Ito ay nangangahulugang pagsasabi ng
ve

totoo ngunit hindi ang buong katotohanan. Ang isang bahagi ng katotohanan
ay nananatili sa isip ng taong nagbibigay ng impormasyon upang ang bahaging
De

sinabi ay nagdulot ng kalituhan.


he

Mahalagang tandaan na ang ganitong mga pamamaraan sa pagtakbo o pagtatago


ng katotohanan ay hindi ginagamit sa lahat ng pagkakataon o sa kahit na anong
yt

dahilan. Ang hindi mapanagutang paggamit nito ay maituturing na rin na


db

pagsisinungaling na maaaring makasira ng panlipunan kaayusan at ng tiwala ng


kapwa.
te
es
aT
ph
Al

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Pagyamanin
Panuto: Basahin nang mabuti ang sumusunod na aytem at piliin ang pinakaangkop
na sagot. Isulat ang titik ng napiling sagot.

ly
1. Si Jordan ay isa sa kinikilalang mag-aaral na magaling sa pasulat na pagsusulit.
Minsan nahuli siyang may kodigo sa pagsusulit at nalaman ito ng kanyang mga

On
kamag-aral. Ano ang maaaring ibunga nito kay Jordan kaugnay ng pagtingin
sa kaniya na isang magaling na mag-aaral?

m
a. Hindi na siya pagbibigay ng makakuha ng pagsusulit.

ea
b. Mas lalakas ang loob ng iba na mangodigo upang maging magaling na mag-
aaral.

tT
c. Hindi na siya paniniwalaan at mapagkakatiwalaan.
d. Hindi na siya kaibigan ng mga mag-aaral.

en
Para sa bilang 2-5. Tukuyin kung anong uri ng pagsisinungaling ang isinasabuhay ng
mga tao sa sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa m
op
sumusunod na pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot.
l
ve

a. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao


b. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi
De

o maparusahan
c. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa
he

d. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang


tao
yt

2. Pinagkakalat ni Brenda na ampon ang kanyang kaklase kahit na ito ay hindi


db

naman totoo. Naiinggit kasi siya nito dahil maraming tao ang nais na
makipagkaibigan sa kanya.
te

3. Pinatatawag sa paaralan ang magulang ni Nolita dahil sa isang paglabag sa


es

panuntunan sa paaralan. Sa takot na mapapagalitan humanap siya ng ibang


aT

kakilala na magpapanggap na magulang niya.


ph

4. Kilala si Renante sa kaniyang labis na pagiging madaldal sa klase. Madalas na


nahuhuli siya ng kaniyang guro na hindi nakikinig sa klase, sa halip kinakausap
Al

at ginagambala ang kanyang kaklase. Kapag siya ay nahuli ng guro sinasabi


nya na nadadamay lamang siya dahil kinakausap siya ng kaklase.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
5. Pumunta kayo sa kaarawan ng iyong kaibigan. Ang iyong kaibigan ay hindi
nakapagpaalam sa kanyang mga magulang dahil alam niya na hindi siya
papayagan. Dahil napasarap sa pakikipagkuwentuhan, hindi na ninyo
namalayan na gumagabi na pala. Alam mo na pinagalitan siya ng kanyang
mahigpit na ama. Kung kaya kinausap ka niya na magsinungaling kung
sakaling tanungin sa mga ito,sabihin na ginabi kayo dahil sa paggawa ng
proyekto sa inyong bahay. Sumang-ayon ka nito dahil ayaw mong mapahamak
ang iyong kaibigan.

ly
6. Ang sumusunod ay mga dahilan sa pagsasabi ng totoo maliban sa:

On
a. Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa.

m
b. Ang pagsasabi ng totoo lamang ang magtutulak sa iyo upang makaramdam

ea
ng seguridad at kapayapaan ng kalooban.
c. Ang pagsasabi ng totoo ang magsisilbing proteksyon para sa isang tao hindi

tT
upang masisi, maparusahan at masaktan.
d. Hindi mo na kinakailangan lumikha pa ng maraming kasinungalingan para

en
lamang mapanindigan ang iyong nilikhang kuwento.

Para sa bilang 7-10. Tukuyin kung anong pamamaraan ng pagtatago sa katotohanan m


op
ang ipinakikita sa sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula
l
sa sumusunod na pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot.
ve

a. Pag-iwas
De

b. Pananahimik
c. Pagtitimpi ng pandiwa (mental reservation)
he

d. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan


yt

7. Kahit na nasasaktan dahil sa pamimilit ng hindi kilalang tao na sabihin niya ang
db

lugar kung nasaan ang kanyang ama ay hindi pa rin nagsalita si Alvin.

8. Sinabi ni Joy sa kanyang ina na pupunta siya sa bahay ng kanyang kaibigan


te

ngunit hindi niya sinabi na malayo ang tirahan dahil alam niyang hindi siya
es

papayagan ng mga ito.


aT

9. Hindi tuwirang sinagot ni Ramil si Rene nang tanungin siya rito kung may gusto
sya kay Ingrid. Sa halip ay sinagot niya ito na magdadala kay Rene na mag-
ph

isip nang malalim at ang kanyang sagot ay maaaring mayroong dalawang


kahulugan.
Al

10. Iniiba ni Leo ang usapan sa tuwing tatanungin siya sa tunay niyang damdamin
para sa kanyang mga magulang na matagal ng nawala at hindi niya nakasama.

10

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Isaisip
Panuto: Basahin at isulat sa sagutang papel ang ( / ) kung ang sitwasyon ay
nagpapahiwatig ng katapatan at ang ( X ) kung ito ay hindi.

1. Ang pagsasabi ng katotohanan sa lahat ng panahon at ang pagkilos ng wasto

ly
o tama kahit walang nakatingin.

On
2. Pinaubaya ko sa aking kapatid ang paggawa ng pangkatang proyekto namin
upang maayos ang ipapasa namin sa aking guro.

m
ea
3. Hindi muna ako manonood ng T.V. ngayong gabi. Kailangan kong mag-aral
para sa mga pagsusulit.

tT
4. Nalaglag ang pera ng babaeng naglalakad, kaya tinawag ko siya at isinauli

en
ang pera niya.

5. Nagtatrabaho ako sa isang janitorial business. Kung minsan habang naglilinis


ng opisina, nakapulot ako ng barya sa sahig at ibinibigay ko sa empleyado. m
l op
ve

6. Kung may kakayahan ako at gamit, makikipag-usap ako sa kaklase upang


makipagtulungan sa gawain.
De

7. Masusing gumagawa ng takdang aralin na nag-iisa.


he

8. Sa katapusan pa naman ipapasa ang proyekto sa EsP kaya hindi ko na muna


yt

ito gawin. Uunahin kung mag level-up sa laro sa cellphone.


db

9. Sumasangguni sa kaibigan o kasapi ng pamilya kung hindi naiintindihan ang


proyekto.
te
es

10. Nagpatulong sa pag-download ng mga larawan ng bayani ng Pilipinas.


aT
ph
Al

11

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Isagawa
1. Sa pagkakataong ito, gagawa ka naman ng isang Truth Log. Naglalaman ito ng
iba’t ibang kwento ng katapatan.

ly
2. Hatiin mo sa dalawang bahagi ang iyong Truth Log.

On
a. Sa unang bahagi, itala ang iyong sariling kwento ng katapatan sa kapwa sa
bawat araw. Kailangan mong ibahagi ang detalye ng kwento at ang iyong

m
damdamin mula sa iyong naging karanasan.

ea
b. Sa ikalawang bahagi magtala ng karanasan kung saan masasaksihan ang
kawalan ng katapatan ng iba at iyong isalaysay ang iyong naging damdamin

tT
dito. Itala mo rin kung ano ang iyong ginawa matapos na masaksihan ang

en
kawalan ng katapatan ng kapwa.

c. Gawin ang gawaing ito sa loob ng isang linggo. m


op
d. Gumawa ng pagninilay matapos ang isang linggo batay sa ginawang Truth
l
ve

Log.
De

e. Ihanda ang mga kagamitan sa paggawa ng Truth Log katulad ng papel,


short size bond paper at panulat.
he

Katapatan Kawalan ng katapatan


1.
yt
db

2.

3.
te
es

4.
aT

5.
ph
Al

12

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa papel ang
tamang na tumutukoy sa magagandang ugali na nasa

ly
kahon sa bawat sitwasyon na ipinahahayag.

On
m
a. Katapatan b. Pagrespeto c. Maling Kaugalian

ea
tT
_ 1. Si Harold ay palaging nagsasabi ng masamang salita.

en
_ 2. Isinauli ni Rylin ang sobrang sukli ng tindera.
_ 3. Laging nagmamano si Rabbi sa kanyang lolo at lola tuwing sila ay
m
op
nagkikita.
l
_ 4. Mahilig mang-asar ang kapatid ni Lance kaya naman lagi itong napaaway.
ve

_ 5. Inamin ni Jewel na siya ang nakabasag ng baso kahit alam niyang siya
De

ay pagagalitan.
he

_ 6. Ang mga tao sa Baryo Juno ay nagtatrabaho ng marangal.


yt

_ 7. Ayaw sundin ni Linita ang mga payo ng kanyang magulang.


db

_ 8. Laging umalis ng walang paalam si Mark kaya siya ay laging


napapagalitan.
te

_ 9. Hindi iniisip ni Hannah ang maliit na sahod sa pinasukang trabaho


es

dahil iniisip niya ito ay isang marangal na trabaho.


aT

_10. Nag-aaral si Vanesa sa kanyang modyul kahit walang magulang na nagtuturo.


ph
Al

13

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Karagdagang Gawain

Panuto:

ly
1. Sa iyong sagutang papel sumulat ng isang pangyayari sa buhay mo

On
kung saan ikaw ay nagpakita ng katapatan.
2. Anong paraan ng pagpapakita ng katapatan ang ginawa mo at ang

m
naging bunga nito?

ea
3. Gamitin gabay ang rubriks sa ibaba sa iyong pagsulat.

tT
Rubriks sa pagbibigay ng marka :

en
• Nilalaman ............................ 45
• Kalinisan ng gawa ............... 30
m
op
• Kaangkupan sa paksa ......... 25
• KABUUAN ........................100
l
ve
De
he
yt
db
te
es
aT
ph
Al

14

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Susi sa Pagwawasto

ly
On
10. A

m
9. D sa mga mag-aaral.

ea
Ang kasasugan ay nakabatay
8. C Isagawa
7. B

tT
10. /
6. C 5. Hindi matapat
9. /

en
5. A 4. Matapat
8. X 4. D 3.Matapat
2.Hindi matapat
7. /
m
3. B II. 1. Matapat
6. / 2. C
op
M 10.
5. / 1. C T 9.
Pagyamanin T 8.
l
4. /
ve

aaral. M 7.
3. / nakabatay sa mga mag- T 6.
Ang kasagutan ay T 5.
De

2. X Tuklasin T 4.
aaral. M 3.
1. / nakabatay sa mga mag- M 2.
he

Ang kasagutan ay T 1.
Isaisip Balikan Subukin
yt
db
te
es
aT
ph

Mga Tala para sa Guro


Personal na suriin ang sagot ng mag-aaral. Maaaring
Al

magkakaiba ang sagot ng mga estudyante sa mga gawain.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.
Sanggunian

Gorospe, V. (1974). The Filipino search for meaning: Moral philosophy in a Philippine
setting. Quezon City: Jesuit Educational Association Isaacs, D. (2000). Character
building. Portland Oregon: Four Courts Press

ly
On
Institute for Development Education Center for Research and Communication (1989).
Virtue: The value of education. Manila: Sinagtala Publishers Inc.

m
ea
Encyclopedia of Children’s health. Lying. Retrieved from

tT
http://www.healthofchildren.com/L/Lying.html on September 1,2010

en
m
Seven benefits of telling the truth (2010). Retrieved from
http://ekhoz.com/2007/03/22/seven-benefits-of-telling-the-truth/ on September 1,
op
2010
l
ve
De
he
yt
db
te

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


es

Department of Education – Region VII, Division of Cebu Province


aT

Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Cebu City, 6000 Cebu


ph

Telefax: (032) 255 - 6405


Al

Email Address: cebu.province@deped.gov.ph

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Strictly for students use only of the Division of Cebu Province. DO NOT share to other divisions and other teaching or non-teaching personnel. Any violation will be dealt with accordingly. Beta evaluation is still pending.

You might also like