You are on page 1of 28

8

Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Kaugnayan
ng Rebolusyong Pangkaisipan
sa Rebolusyong Amerikano
Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4. Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa
Rebolusyong Amerikano.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyulna ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Ronilo Al K. Firmo PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rona DC. Dionisio
Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag PhD / Salvador B. Lozano
Madonna R. Estacio / Alma G. Pineda
Tagasuri ng Wika: Neil Omar B. Gamos / Madonna R. Estacio
Tagasuri ng ADM Format: Raymart Guinto
Tagasuri ng Paglapat
at Pagguhit: Jeremy Daos / Jay Ahr Sison
Tagaguhit: Neil Omar B. Gamos / Rona DC. Dionisio
Tagalapat: Reynaldo B. Pacleta
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Marie Ann C. Ligsay PhD / Fatima M. Punongbayan
Salvador B. Lozano / Arnelia R. Trajano PhD
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon-Rehiyon III
Office Address: Matalino St., Diosdado Macapagal Government Center
Maimpis, City of San Fernando, Pampanga 2000
Telefax: (045) 402-7003 to 05
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
8

Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Kaugnayan
ng Rebolusyong Pangkaisipan
sa Rebolusyong Amerikano
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kaugnayan ng Rebolusyong Pang-
kaisipan sa Rebolusyong Amerikano!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Kaugnayan ng Rebolusyong Pang-kaisipan sa Rebolusyong
Amerikano!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong


matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
Alamin
matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
Subukin
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
Tuklasin
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


Suriin sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
Pagyamanin unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
Isagawa upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang
Tayahin antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Karagdagang
gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
Gawain
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Pagwawasto gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo para sa iyong pagkatuto at makatulong upang


maunawaan ang mga aralin sa Araling Panlipunan 8.

Sa modyul na ito ay may isang aralin lamang tayo ang Kaugnayan ng


Rebolusyong Kaisipan sa Rebolusyong Amerikano. Tatalakayin at susuriin natin ang
mga dahilan, pangyayari at epekto ng Rebolusyong Amerikano.

Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:

1. naipaliliwanag ang kaugnayan ng Rebolusyong Kaisipan sa Rebolusyong


Amerikano at Pranses,
2. naiisa-isa ang mga dahilan sa pagkakaroon ng Rebolusyong Amerikano at
Rebolusyong Pranses,
3. nailalarawan ang mga pangyayaring naganap sa Rabolusyong Amerikano at
Pranses, at
4. natutukoy ang kinaroroonan ng unang labintatlong estado ng Amerika sa
mapa.

Mga Tala para sa Guro

Sa araling ito, gumamit ng mapa at taluntunin ang


kinaroroonan ng mga kolonya ng Amerika. Gumawa ng
talasalitaan para sa mga salitang hindi pamilyar sa mag-aaral.

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa bawat bilang. Piliin ang letra ng
tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ang mga sumusunod ay mga dahilan sa pagkakaroon ng Rebolusyong


Amerikano, maliban sa isa:
A. Renaissance sa Europe
B. Representasyon sa Parlyamento
C. Rebolusyong Pangkaisipan
D. Pagbagsak ng Ekonomiya ng Britain

2. Isinulat niya ang ‘Declaration of Independence” o “Deklarasyon ng Kalayaan”


ng Amerika.
A. Paul Revere C. George Washington
B. Thomas Jefferson D. James Madison

3. Isang panday na nag-alarma at nagbigay babala sa paparating na mga British


sa Concord.
A. Paul Revere C. George Washington
B. Thomas Jefferson D. James Madison

4. Bakit binuo ng 13 kolonya ang Unang Kongresong Kontinental?


A. Upang magkaroon ng plano laban sa Great Britain
B. Upang magkaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan laban sa Great Britain
C. Upang magbahagi ng impormasyon tungkol sa gawain ng mga British
D. Wala sa mga nabanggit

5. Paano nakaimpluwensiya ang Rebolusyong Kaisipan o Enlightenment bilang


dahilan ng pagsiklab ng Rebolusyong Amerikano?
A. Nabuksan ang kaisipan ng mga Amerikano sa kahalagahan ng kalayaan
at karapatan ng isang tao.
B. Nakatulong upang higit na maging makatwiran o mabigyan ng rason na
magagamit sa pagbuo ng pamahalaang tutulong sa kanya.
C. Nagbigay ng dahilan upang ipaglaban ang kanyang pansariling
pamamahala.
D. Lahat ng nabanggit.

2
6. Ipinatupad na batas ng Great Britain na isa sa mga naging dahilan sa
pagboykot sa produkto ng mga British at pagsulong ng Rebolusyong
Amerikano.
A. Stamp Act C. Townshend Revenue Act
B. Declaratory Act D. Boston Tea Act

7. Batas na nagpapataw ng buwis sa mga kagamitang may salamin, lead, papel


at tsaa?
A. Stamp Act C. Townshend Revenue Act
B. Declaratory Act D. Boston Tea Act

8. Tawag sa mga Amerikanong loyalista at kolonyalista.


A. Continental Army C. Indianong Amerikano
B. Colonies Man D.Sons of Liberty

9. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kalayaan sa isang tao?


A. Ang katumbas ng kalayaan ay ang pagkakaroon ng karapatan.
B. Maging malaya sa pagtupad ng iyong pangarap.
C. Mahalaga ito sa pag-unlad ng lipunan
D. Lahat ng nabanggit

10. Pagsunod-sunurin ang sumusunod na pangyayari sa Rebolusyong


Amerikano.
I. Ang pagkamatay ng limang Amerikano sa Boston Massacre.
II. Seven Years War ng Great Britain at France.
III. Ipinatupad ang Stamp Act
IV. Itinapon ang mga tsaa sa dagat ng mga Amerikano.
A. IV,III,II,I B. II,I,IV,III C. II,III,1,IV D. III,I,II,IV

11. Ang sumusunod ay labanang naipanalo ng Amerikano laban sa Great


Britain, alin ang hindi kabilang?
A. Labanan sa Canada C. Labanan sa Georgia
B. Labanan sa Virginia D. Labanan sa Yorktown

12. Paano naisakatuparan ng mga Amerikano ang pagtigil ng kalakalan sa tsaa


mula sa Great Britain?
A. Itinapon ng mga Amerikano ang mga maramin baul ng tsaa sa dagat.
B. Nagsagawa nang kasunduan ang Amerikano at British.
C. Kinausap ng mga Amerikano si Haring George III.
D. Wala sa nabanggit.

13. Saang labanan, sumuko ang hukbo ni Heneral Cornwallis sa hukbo ng mga
Amerikano, noong Oktubre 19, 1781?
A. Labanan sa Boston C. Labanan sa Yorktown
B. Labanan sa Canada D. Labanan sa Saratogah

3
14. Isa sa mga naging hakbang ng mga Amerikano sa pagkamit ng kalayaan ang
pagtatapon ng mga tsaa sa dagat, ano ito?
A. Stamp Act C. Boston Tea Act
B. Declaratory Act D. Boston Tea Party

15. Sino ang pinuno ng Continental Army sa panahon ng Rebolusyong


Amerikano?
A. Abraham Lincoln C. James Madison
B. George Washington D. Paul Revere

Magaling! Natapos mo ang Subukin.

Paalala kung nasagot mo nang tama lahat sa Subukin, maaari mo nang


lagpasan ang modyul na ito upang tumungo sa susunod na modyul. Kung hindi mo
naman nasagot nang tama lahat, kailangan mong aralin ang modyul na ito.

Ngayon ay maaari ka nang tumungo sa ating aralin! Tara!

4
Aralin Kaugnayan ng Rebolusyong
1 Pang-kaisipan sa
Rebolusyong Amerikano
Sa mga naunang aralin mula sa Renaissance ang iba’t ibang akda sa
panitikan, sining, arkitektura, at pilosopiya ay nakatuon sa sistema ng pag-iisip ng
tao at pagpapahalaga sa sarili, ang magkaroon ng sariling kaunlaran, dangal,
interes, at kasanayan. Sa pamamagitan ng mga ito ay higit na naging bukas ang
isipan ng mga tao, lalo na sa mga akda ng mga humanista na sumasalamin sa pang-
araw-araw na pamumuhay at damdamin ng tao.
Sinundan ng pagdududa sa mga aral, tradisyon, kaalaman at katuruan ng
Simbahang Katoliko sa Europa. Ang pagsisimula at paglunsad ng Repormasyon ay
nagdulot ng pagkakatatag ng iba’t ibang relihiyong Protestante.
Sa patuloy na pag-unlad at pagbabago ng kaalaman naging mapanuri ang
sistema nang kaisipan ng tao, na naging dahilan upang tumuklas ng panibagong
kaalaman at imbensyon tungo sa pagbubukas ng panibagong panahon ang
Rebolusyong Siyentipiko at Rebolusyong Industriyal. Nabago nito ang mga
paniniwala ng tao sa mundo na naka-impluwensiya sa mga kaisipan sa Europa at
Amerika. Mula sa mga ideya at kaisipan ng Rebolusyong Siyentipiko ay nagbigay-
daan sa Rebolusyong Pangkaisipan o Enlightenment.

Balikan

Handa ka na bang matuto? Bago ang lahat ay balikan muna natin ang
nakaraang aralin.

AGHAMIN NATIN!
Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. Isaac Newton B. Galileo Galilei C. Nicolaus Copernicus


D. Johannes Kepler E. Rene Descartes F. Roger Bacon

_____1. Natuklasan niya ang Law of Universal Gravitation.


_____2. Ipinakilala niya ang teorya na umiikot ang mga planeta palibot sa araw.
_____3. Ang kanyang teorya ay tinawag na Teoryang Heliocentric.
_____4. Naimbento niya ang teleskopyo at ginamit sa pag-aaral ng mga planeta
_____5. Nagpahayag na ang pag-iisip at hindi ang pakiramdam ang daan sa pag-
alam ng katotohanan o “Rationalism”.

5
THINKTHO-K-Thinkers-Thought!

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang mga ideya ng mga Pilosopo na nasa Hanay A.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
_____1. John Locke A. Pinakamahalagang ambag niya
ay ang “Classified dictionary of
_____2. Jean Jacques Rousseau
Science, Arts and Trades” o “ The
_____3. Adam Smith Encyclopedia”
B. Ipinakilala niya ang “Social
_____4. Denis Diderot
Contract Theory”, na ang
_____5. Baron de Montesquieu pamahalaan at mamamayan ay
pumapasok sa isang kontrata
C. Para sa kanya ang lahat ng
tao ay may karapatang
magsalita
D. Ayon sa kanya, ang bawat tao
ay isinilang na tabularasa o
may blangkong isipan
E. Binigyan diin niya na ang
pamahalaan dapat ay may
tagapagpaganap,
tagapagbatas at
tagapaghukom
F. Kilala bilang “Ama ng
Modernong Ekonomiks”

Napakahusay! Natukoy mo ang mga ambag ng imbentor sa Agham.


Tumungo na tayo sa ating susunod na gawain.

6
Tuklasin

Mahilig ka ba sa mga bugtong at palaisipan? Kung gayon, bagay ito sa iyo.

Isipin mo ako!
Panuto: Sagutin ang mga palaisipan sa sagutang papel, upang mabuo ang petsa.

Dalawang taon Pinabili ako ni 2=3 Sa loob ng isang


ako ngayon, nanay ng sibuyas araw ay may 24
kalahati ng edad na ₱25.00, bawang 4=4 na oras, ilang oras
ko ang edad ng na ₱20.00, luya na ang mayroon sa
kapatid ko. ₱15.00 at sayote 6= 7 apat na araw?
Ngayon, tatlong na ₱15.00, Bawasan mo ng
taon na ako. Ano magkano ang 8 = 12 10 oras ang apat
ang edad ng natira sa pera ko na araw, ilang
kapatid ko? na ₱100.00? 10 =? oras ang
kabuuan?

_____ _____ / _____ ____ / _____ _____ _____ ______


mm dd yyyy

Magaling nakuha mo ang petsa sa palaisipan! Ang kaganapan sa araw na


ito, ay ating makikita sa ating salapi na ₱ 500 pesos. Tingnan natin!

1. Anong mahalagang pangyayari ang naalala mo na naganap sa Pilipinas sa


petsang ito? ________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Bakit humantong sa ganitong uri ng kaganapan sa Pilipinas? Ipaliwanag.


___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

7
Ang pangyayaring ito sa Pilipinas ay hindi na rin bago sa Amerika, dahil sa
pagkakaroon ng tinatawag nating Rebolusyong Amerikano noong 1775. Ngunit,
bakit nga ba nagkaroon ng Rebolusyong Amerikano?

Ang Amerika ay binubuo ng labintatlong (13) kolonya na pinamumunuan ng


bansang Great Britain. Isa – isahin natin ang mga kolonya:
- Conneticut - Massachusetts - North Carolina - Virginia
- Delaware - New Hampshire - Pennsylvania
- Georgia - New Jersey - Rhode Island
- Maryland - New York - South Carolina

Sa kalagitnaan ng ika-18 siglo, ay nagsimula na nilang kalabanin ang Great


Britain. Alamin natin ang mga dahilan!

Tandaan ang salitang RISEN (Representasyon, Intelektuwal, Stamp Act,


Ekonomiya, at Navigation Acts) para sa mga dahilan:

1. Intelektuwal o Enlightenment. Ito ang pinakamalaking pundasyon at


kontribusyon sa pagkakaroon ng Rebolusyong Amerikano. Bakit?
Ang mga akda, aral at prinsipyong mula sa mga pilosopo ay naging
inspirasyon at nagbigay-daan upang mabuksan ang kanilang kaisipan bilang
Amerikano na may mga karapatan, kalayaan, kaisipang politika at kaisipang
rebolusyon. Isa na dito ay ang pilosopong si John Locke. Ang kaniyang ideya
na “Tabula Rasa”, na ang tao ay nahuhubog batay sa kanyang karanasan.
Pagdating sa pamahalaan, ipinaliwanag ni Locke na ang tao ay may
kakayahang bumuo ng sariling pamahalaan batay sa kanyang
pangangailangan at ikabubuti kung ito ay gagamitan ng pangangatwiran. Ang
mga kaisipang ito ang naging dahilan upang ipaglaban ng mga Amerikano ang
kanilang karapatan at kalayaan.

2. Navigations Acts – nakasaad sa batas na ang kolonya ay maaari


lamang bumili ng mga produkto sa bansang Great Britain.

3. Ekonomiya. Sa loob ng Seven Years’ War (1756-1763) ng Great Britain sa


France, nangailangan ito ng malaking salapi, bilang panustos sa digmaan at
pambayad sa malaking pagkakautang. Dahil sa pangangailangang ito,
hinigpitan ang kalakalan at tinaasan ang mga buwis na ikinagalit ng mga
Amerikano.

4. Stamp Act of 1765. Ipinatupad ang batas na ito upang patawan ng buwis
ang mga legal na dokumento at paglalagay ng mga selyo sa mga produkto ng
British mula sa kanilang kolonya. Ang Stamp Act of 1765 at ang pagbubuwis
ay naging dahilan upang iboykot ang mga produkto ng British ng kolonya, at
mag-ismagel o lihim na pagpuslit ng mga produkto mula sa ibang bansa ang
mga Amerikano.

5. Representasyon sa Parlyamento. Dito sumikat ang kaisipan at katagang “no


taxation without representation” o ‘walang pagbubuwis kung walang
representasyon’. Hiningi ng mga kolonya sa Amerika ang pagkakaroon ng
representasyon sa parlyamento.

8
Tungahayan natin ang mga pangyayaring nagtulak sa pagkamakabayan ng mga
Amerikano.

Stamp Act of 1765


Paglalagay ng selyo sa mga
produkto ng Great Britain na
simbolo sa karagdagang buwis
Declaratory Act
– sa batas na ito binibigyan ng karapatang
lumikha ng batas para sa kolonya ang
Parlamento ng British

Townshend Revenue Act


–sa batas na ito ang produktong
salamin, lead, papel, at tsaa ay
papatawan ng karampatang
buwis.
Boston Massacre (1770)
-Namatay ang limang Amerikano sa
pamamaril ng mga sundalong British.

Tea Act (1770)


– isinasaad na ang 13 kolonya ay
makikipagkalakalan sa East India
Company ng Great Britain.

Boston Tea Party


(December 16, 1773) –Palihim na
nakapasok sa bapor ng British ang mga
kolonistang Amerikano o tinatawag na “Sons
of Liberty” sa pagpapanggap bilang Indiano
o katutubong Amerikano upang makapasok
sa tatlong barko ng Great Britain na nasa
daungan ng Boston at itinapon sa dagat ang
342 kaban ng tsaa.

Dahil sa pangyayaring ito, pinatawan ng


kaparusahan ang mga kolonista at buong
Boston, pinaghigpitan at inalisan ng
karapatang pamunuan ang sarili.

9
Suriin

Ngayon ay naging malinaw sa iyo ang mga saloobin at prinsipyo ng mga


Amerikano upang simulang ipaglaban ang kanilang kalayaan at karapatan.

Bilang panimula ating alamin ang mga mahahalagang pangyayari na naging


hakbang sa paglaya ng Amerika.

First Continental Congress o


Unang Kongresong Kontinental
Setyembre 5, 1774 Isang pagpupulong na nilahukan ng mga kolonya
liban lamang sa Georgia bilang paglaban sa mga
British. Nagkaisa at sama-samang upang maitaguyod
ang kanilang karapatan sa kolonya at matigil ang
pakikipagkalakalan sa Great Britain. Sa kabila nito,
hindi ito nabigyan ng pansin ni Haring George III ng
Great Britain.

Labanan sa Lexington, Massachusetts


Abril 19, 1775 Bago makarating ang mga British sa Concord
upang makuha ang tindahan ng pulbura, mabilis na
ipinaalam ito ng isang panday na si Paul Revere sa mga
Amerikanong tagapagbantay. May namatay sa
Amerikano, subalit natalo naman nila ang mga
sundalong British sa Boston.
Second Continental Congress o
Ikalawang Kongresong Kontinental
Mayo 1775
Dahil sa hindi nabigyang-pansin ng Britain ang
kanilang hiling nagsagawa ng ikalawang pagpupulong
ang mga kolonya. Bumuo ang kolonya ng hukbong
sandatahang lakas na tinawag na Continental Army
at nanalo sa botohan si George Washington bilang
commander-in-chief. Ang pamahalaan ng mga kolonya
ay tinawag na United Colonies of America at
sinimulan na nilang makipaglaban sa mga British.

Declaration of Independence
Hulyo 4, 1776 Ang Second Continental Congress ay inaprubahan
at inalabas ang Declaration of Independence na
isinulat ni Thomas Jefferson. Ang mga kolonya ay
naging malaya at kinilala bilang malayang nasyon sa
ilalim ng pangalang United States of America o
Estados Unidos ng Amerika.

Pagsuko ng Great Britain sa Amerika

10
Tuluyang nagapi ng mga Amerikano ang Great
Britain sa pamumuno ni George Washington. Sumuko
Oktubre 19, 1875 sa Labanan sa Yorktown, ang hukbong ng mga British
sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Cornwallis,
tuluyan ng nakalaya ang Amerika.

Treaty of Paris o Kasunduan sa Paris


Setyembre 3, 1783
Bilang pagtanggap ng Great Britain sa kalayaaan ng
Amerika.

Paggawa ng Konstitusyon
Mayo 14, 1787 Binalangkas ang Konstitusyon sa Philadelphia,
Pennsylvania, kasama ang 12 dating kolonya. Kabilang
sina George Washington, Benjamin Franklin,
Alexander Hamilton at James Madison mga kilala at
prominenteng delegado. Si James Madison ay kilala
bilang “Father of the Constitution” o “Ama ng
Konstitusyon”.

Sa mga pangyayaring ito sa Amerika, tunay na malaki ang impluwensiya at


kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan o Enlightenment, dahil sa pagpupursigi
nito na maisulong ang kanilang kalayaan at karapatan. Ito ay nagpapakita ng
kanilang pagkakaroon ng malawak at bukas na kaisipan; at malalim na
pangangatwiran, na nagbunga ng isang mahalang ebidensiya, ang kalayaan at
konstitusyon ng Amerika.

Gayunpaman, hindi madali ang pinagdaanan ng mga Amerikano sa pagkamit


ng kalayaan, maraming labanan ang kanilang nilagpasan. Tunghayan natin ang
tsart ng ilang tunggalian ng mga Amerikano at British.

Lugar Resulta
-Saratoga at Canada Nanalo ang Amerika at itinigil ng mga
(Oktubre 1777) British ang pag-atake sa Canada.
Nanalo ang British, napasakamay nila
-Daungan sa ang buong Georgia.
Mga Labanan ng Savannah at Georgia
Great Britain at (Disyembre 1778)
Amerika
(pagkatapos ng -King’s Mountain at Nanalo ang Amerika katuwang ang
Deklarasyon ng Cowpens (1781) hukbong Pranses.
Kalayaan)
-Yorktown Nanalo ang Amerika sa pamumuno ni
(Oktubre 19,1781) George Washington at sumuko ang
British sa pamumuno ni Heneral
Cornwallis.

11
Sa kabila ng kalayaan ay may mga labanan pa ring kailangang sagupain at
pagtagumpayan. Ang Rebolusyong Amerikano ay tunay na simbolo ng pag-asa sa
kalayaan at nagbigay inspirasyon sa mga kolonyang napasailalim ng mga
mananakop.

Pagyamanin

Natutuhan mo na ang mga dahilan, pangyayari at kaugnayan ng Rebolusyong


Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano. Mas lawakan pa natin ang iyong
kaalaman at talas ng pagsusuri.

Fishbone Diagram!
A. Panuto: Gamit ang fishbone diagram, piliin ang letra ng tamang sagot,
ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Isulat sa
sagutang papel ang iyong sagot.

Sanhi Bunga/Epekto

______5. ______3. ______1.


Rebolusyong

Amerikano
______4. ______2.

A. Boston Massacre C. Stamp Act E. Tea Act


B. Boston Tea Party D. Townshend Revenue Act

Ha-Map-in Natin!
A. Panuto: Maging pamilyar sa mapa at lugar na tinalakay sa aralin.

1. Gamit ang world map, hanapin ang United


States of America.
2. Tingnan ang mapa sa kahon, pagtuunan ng
pansin ang bahagi na may kulay itim.
Hanapin ito sa mapa mo. Nakita mo ba?
3. Ano ano ang mga estadong nakita mo?
Tingnan din ang kanilang mga hugis para sa
iyong pagsusulit sa ibaba.

12
I-Map Mo!
B. Panuto: Gamit ang mapa, hanapin at tukuyin kung anong estado ang tinutukoy
sa bawat letra. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

E _______1. Connecticut

D _______2. South Carolina


..
_______3. Virginia
C
_______4. New York

B _______5. New Jersey


..
A
..

Join or Die!
C. Panuto: Suriin ang larawan at basahing mabuti ang paglalarawan nito sa
ibaba. Sagutin sa sagutang papel ang gawain sa ibaba.

Inilathala ito ng Pennsylvania Gazette noong Mayo 1754, isang political


cartoon woodcut ang “JOIN or DIE”. Ito ay nilikha ni Benjamin Franklin, isa sa mga
Founding Fathers ng America. Ipinapakahulugan na ang cartoon na ito ay
sumisimbolo sa mga mapa ng kolonya ayon sa pagkakasunod-sunod nito (NCC Staff,
2020). Ginamit na ito sa iba’t ibang lathalain noong panahon ng American
Revolution.

Magbigay ng limang kolonya na makikita sa “JOIN or DIE”, maaari kang


gumamit ng mapa. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. ________________________ 4. ________________________
2. ________________________ 5. ________________________
3. ________________________

13
HIS-TOUR-I-PICS
Halika at puntahan natin ang isang kilalang lugar sa USA gamit ang larawan.
Pagkatapos maglakbay ay sagutan ang gawain sa ibaba. Tara na!

Nakita mo na ba ang larawang ito?


Ito ang Mount Rushmore National 2
. 3
Memorial na matatagpuan sa Black Hills
.
ng South Dakota. Inililok ito ni (5) John
Gutzon de la Mothe Borglum, ang
kaniyang inukit ay sina (1) George 1
Washington; (2) Thomas Jefferson; (3) 4
.
. 5
Theodore Roosevelt at (4) Abraham
.
Lincoln. Kung iyong matatandaan
natalakay sa ating aralin sina George Washington at Thomas Jefferson, naalala mo
ba? Bakit nga ba silang apat ang inukit ni Borglum?

Sa ika - anim na larawan, makikita ang huling


6 manggawa ng Mount Rushmore noong 1941. Ayon kay
. Borglum, si George Washington dahil sa pamumuno ng
Rebolusyonaryong Amerikano upang makamit ang
kalayaan.

Samantala, kaya naman si


Thomas Jefferson, bilang ikatlong pangulo ng Amerika at
siya ring sumulat ng Declaration of Independence. Napili
niya si Theodore Roosevelt dahil sa mahusay na pamumuno
noong panahong bagsak ang ekonomiya ng bansa at kinilala
rin itong “trust buster”. Panghuli, ay si Abraham Lincoln,
pinanatili ang pagkakaisa ng bawat nasyon sa panahon ng
Civil War at winakasan ang pang-aalipin. Ilan lamang ito sa
mga dahilan ni Borglum, kung ikaw ay interesado, maaari kang magsaliksik.

E. Panuto: Tukuyin kung sino ang nasa larawan. Piliin ang letra ng tamang sagot
sa kahon at isulat ang sagot sa sagutang papel.

A. John Gutzon de la Mothe Borglum D. George Washington


B. Thomas Jefferson E. Theodore Roosevelt
C. Abraham Lincoln F. George Bush

1 2. 3. 4. 5.

14
Isaisip

Tiyak na marami kang natutuhan sa Pagyamanin, gayundin sa ating aralin,


kaya naman ating kumpletuhin ang sumusunod na gawain.

ACROSTIC

A. Panuto: Naranasan mo na bang umakyat sa entablado noong elementarya


para mag-acrostic? Madalas na itong ginagamit paggawa ng tula at pagbibigay ng
kahulugan. Gawin ito sa sagutang papel.

Bumuo ng isang talata mula sa mga letra ng “REBOLUSYON”. Ang mga


pangungusap na iyong bubuin ay naglalaman ng iyong mga natutuhan sa aralin.

R-

E- Gamit ang letrang R, E, B, at


O, isulat ang mga naging
B- dahilan ng Rebolusyong
Amerikano.
O-

L-
Gamit ang letrang L, U, at S,
U- ibuod ang ilang pangyayari sa
Rebolusyong Amerikano.
S-

Y-
Gamit ang letrang Y, O, at N,
ipaliwanag ang kaugnayan ng
O-
Rebolusyong Kaisipan sa
Rebolusyong Amerikano.
N-

B. Panuto: Bumuo ng parirala o isang pangungusap upang sagutin ang tanong sa


ibaba. Isulat sa sagutang papel.

Bakit mahalagang maunawaan ang pinag-ugatan ng pagkakaroon ng


Rebolusyong Amerikano? Ipaliwanag.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________

15
Isagawa

Mahusay! Nasagutan mo ang mga gawain sa Isaisip! Nais kong pag-isipan at


pagnilayan mo ito. Muli nating balikan ang ibig sabihin ng rebolusyon.

Ang rebolusyon ay mula sa salitang Latin na revolve na ibig sabihin ay pag-


ikot o pagbalik. Gayunpaman, ang ibig sabihin ng rebolusyon ay nababago sa
pakahulugan ng mga manunulat at mambabasa. Sa mundong ito na halos parang
paulit-ulit na lang ang nangyayari sa araw-araw, maari nating ipakahulugan ang
rebolusyon bilang problema sa buhay.

Nakaranas ka na ba ng iba’t ibang problema? Paano mo ito


napagtagumpayan? Ano ang aral na itinuturo ng Rebolusyong Amerikano sa
pagharap sa mga problema sa buhay? Ipaliwanag.

___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________________

Kahanga - hanga ang iyong naging paliwanag! Tunay na, ito ay makakatulong
sa iba. Nasa huling bahagi na tayo, ang Tayahin, sigurado ako na masasagot mo ang
mga tanong dito. Galingan mo!

Tayahin

Naisakatuparan mo ang mga hinandang gawain! Magaling! Para sa Tayahin,


sagutin mo lamang ang labinlimang katanungan.

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Sagutin ito sa sagutang papel.
1. Paano nakaimpluwensiya ang Rebolusyong Pangkaisipan sa pagtataguyod ng
Rebolusyong Amerikano?
A. Ito ang naging matibay na batayan ng kanilang paniniwala
B. Ang paniniwala ni John Locke na ang tao ay may kakayahang bumuo ng
sariling pamahalaan para sa kalayaan at karapatan.
C. Naging dahilan upang ninais na magkaroon ng kalayaan
D. Lahat ng nabanggit

2. Ano ang naging unang hakbang ng mga Amerikano sa pagkakamit ng


kalayaan na naganap noong ika – 5 ng Setyembre 1774?
A. Boston Tea Party C. Deklarasyon ng Kalayaan
B. Labanan sa Lexington D. First Continental Congress

16
3. Sino ang kinilala bilang “Ama ng Konstitusyon” ng Amerika?
A. Paul Revere C. James Madison
B. Thomas Jefferson D. George Washington

4. Kung si Paul Revere ang nagbabala sa mga tagapagbantay na mga Amerikano


o Continental Army, sino naman ang sumulat ng Deklarasyon ng Kalayaan?
A. Paul Revere C. James Madison
B. Thomas Jefferson D. George Washington

5. Paano lubusang nakalaya ang mga estado ng Amerika mula sa pananakop ng


British na naganap noong ika -3 ng Setyembre 1783?
A. Pagsuko ng mga hukbong ng British sa pamumuno ni Heneral Cornwallis
B. Paggawa ng konstitusyon
C. Pagdeklara ng Kalayaan
D. Kasunduan sa Paris

6. Paano nakatulong ang pagkakabuo ng Continental Congress sa pagsulong ng


Rebolusyon?
A. Mas maraming kolonyang kasapi ay makakatulong sa labanan
B. Upang magkaroon ng isang layunin at plano bilang paghahanda sa
Rebolusyon
C. Dahil sa pangangailangan ng mga sundalo
D. Lahat ng nabanggit

7. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari upang makamit ng Amerika ang


kanilang kalayaan.
I. Kasunduan sa Paris noong 1783
II.First Continental Congress
III. Deklarasyon ng Kalayaan
IV. Second Continental Congress
A. I,II,III,IV B. II,IV,I,III C. II,III,IV,I D. IV,III,II,I

8. Batay sa naging pangyayari at resulta ng American Revolution, tama o mali


ang kanilang naging desisyon sa pagkamit ng kalayaan?
A. Tama, dahil ang tao ay pantay-pantay lamang kaya hindi kailangang
pamunuan ng sinuman ang pagkatao o bansa ng iba.
B. Tama, dahil kung hindi nagkaroon ng kalayaan ang Amerika, walang
magiging pag-asa at inspirasyon ang mga bansang sinakop.
C. Mali, dahil maraming namatay at nagsakripisyo para lamang sa kalayaan
D. Mali, dahil hindi tama na kalabanin ang otoridad o pamahalaan sa kabila
ng mga batas na ipinatupad nito.

9. Naganap sa Ikalawang Kongresong Kontinental ang botohan sa pagiging


commander-in-chief ng Continental Army, sino ang nagwagi sa botohan?
A. Thomas Jefferson C. George Washington
B. George Bush D. James Madison

17
10. Bago naging United States of America ang bansang Amerika, ano ang tinawag
dito noong Second Continental Congress ?
A. United British Colonies of America
B. United Colonies of America
C. United Nations of America
D. United Nation-States of America

11. Bakit kinailangang itapon ng mga Amerikano ang mga tsaa ng Great Britain?
A. Pagpapakita ng kanilang simulain sa pagrerebelde
B. Upang hindi na mabuwisan at maiwasan ang monopolyo sa tsaa
C. Upang ipakita ang kanilang mahigpit na pagtutol
D. Wala sa nabanggit

12. Ang mga sumusunod ay ang mga kolonya ng British sa Amerika maliban sa
isa.
A. Massachusetts, New Hampshire, New York, Rhode Island
B. Connecticut,Pennsylvania,New Jersey, Delaware,Maryland
C. Ohio, Las Vegas, Washington, Mississippi
D. Georgia, South Carolina, North Carolina, Virginia, Maryland

13. Sinong hari ng Great Britain ang namumuno sa panahon ng Rebolusyong


Amerikano?
A. Haring George III C. Haring Philippe II
B. Haring George IV D. Haring Louis XVI

14. Ang pagkamatay ng limang Amerikano dahil sa pamamaril ng mga sundalong


British tinawag itong ___________________.
A. Battle of Yorktown C. British Massacre
B. Boston Massacre D. Battle of Lexington

15. Bakit ang paggawa ng konstitusyon ng Amerika ay ebidensiya ng


Rebolusyong Pangkaisipan?
A. dahil, ito ay isang akdang nailathala at nakilala ng mundo na
naisakatuparan dahil sa pagtanggap ng mga ideya ng Enlightenment
B. dahil, naisulat ito ng nagkakaisang nasyon kung saan naitatag ang
pamahalaang may tagapagpaganap, tagapagbatas at tagahukom.
C. dahil, ito ay patunay na ang mga ideya ng Enlightenment ay buhay,
dynamiko at progresibo.
D. Wala sa pagpipilian

Madali lang di ba? Napagtagumpayan mo ang Tayahin. Mahusay!

18
Karagdagang Gawain

Sa huling bahaging ito, isakatuparan ang mga nakalaang gawain sa ibaba.

Panuto: Kung ihahalintulad mo ang moral lesson o ang aral nang Rebolusyong
Amerikano sa isang bagay, ano ito at bakit? Isulat at iguhit sa kahon ang bagay na
iyong napili at ipaliwanag ang dahilan sa patlang. Gawin ito sa sagutang papel.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Batayan sa pagmamarka

Pamantayan 5 3 1

Binubuo nang Binubuo nang Walang isinulat


Nilalaman lima o higit pang dalawang na pangungusap
pangungusap pangungusap

Nakaguhit,
Pagkamalikhain Nakaguhit at may ngunit walang
Walang naiguhit.
kulay. kulay.

Pagpasa sa
Naipasa eksaktong Naipasa Naipasa
Tamang oras
petsa ng makalipas ang makalipas ang
pagpapasa isang araw dalawang araw

Sa bahaging ito natatapos ang ating aralin. Mamangha at matuto sa susunod


na modyul.

19
20
Subukin Pagyamanin Tayahin
1. A A. Fishbone Diagram 1. A.
2. B 1. C 2. C.
3. A 2. D 3. B.
4. B 3. A 4. C.
5. D 4. E 5. A.
6. A 5. B 6. D.
7. C 7. C.
8. B B. Paghahanap sa mapa. 8. A.
9. A 9. C.
10. C C. Ha-Map-in Natin! 10. D.
11. B 11. B.
12. A 1. E 12. B.
13. C 2. A 13. C.
14. D 3. B 14. B.
15. B 4. D 15. B.
5. C
D. Join or Die
- South Carolina
- North Carolina
- Virginia
- Maryland
- New Jersey
- New York
- New Hampshire
E. HIS-TOUR-I-PIC
1. C
2. B
3. A
4. D
5. E
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

EASE Modyul 13: Rebolusyong Siyentipiko at Industriyal. Accessed June 30, 2020.
https://lrmds.deped.gov.ph/

EASE Modyul 15: Rebolusyong Pampulitika sa Pransiya at Amerika. Accessed June


30, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/

EASE Modyul 16: Ang Pag-unlad ng Nasyonalismo. Accessed June 30, 2020.
https://lrmds.deped.gov.ph/

“HD wallpaper: Mount Rushmore, South Dakota, monument, america, president,


Washington.” Accesed June 30, 2020.
https://www.wallpaperflare.com/mount-rushmore-south-dakota-
monument-america-president-wallpaper-zwcyo

Modyul ng Mag-aaral; Araling Panlipunan: Kasaysayan ng Daigdig, DepEd-Bureau


of Secondary Education Curriculum Department Division

Most Essential Learning Competencies (MELCS) per SUBJECT (SY 2020 – 2021).
Accessed June 30, 2020. https://depedlps.club/most-essential-learning-
competencies-melcs-per-subject-sy-2020-2021/

NCC Staff. “The story behind the Join or Die snake cartoon.” May 9,
2020,https://constitutioncenter.org/blog/the-story-behind-the-join-or-die-
snake-cartoon

Vivar, Teofiista L. EdD, Zemaida M. De Leon, Priscilla H. Rillo, and Nieva J. Discipulo.
Batayang Aklat para sa Ikatlong Taon: Kasaysayan ng Daigdig, SD
Pubications, Inc.,2000

Gregorio F. Zaide and Sonia M. Zaide. World History. 5th ed. All-Nations Publishing
Co., Inc., 2002

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III


Learning Resource Management Section (LRMS)
Diosdado Macapagal Government Center
Maimpis, City of San Fernando, Pampanga 2000
Telefax: (045) 402-7003 to 05
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

You might also like