You are on page 1of 10

Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 1: Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda
ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Lolita D. Espineda
Editor: Pangalan
Tagasuri: Pangalan
Tagaguhit: Pangalan
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan
8
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 6
Unang Yugto ng Imperyalismong
Kanluranin
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Modyul para sa araling
Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula
sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na pinamumunuan ng Nanunuparang
Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa
pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong
Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay makauugnay sa


pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21
siglo lalong-lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and
Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul sa loob


kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan
mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 Modyul ukol sa Ang Unang Yugto ng


Imperyalismong Kanluranin!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos
mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman
sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na dapat
sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang-
halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto ay
naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahan na ang mga mag-aaral ay:
>> Matutukoy ang mga pangunahing salik at motibo ng eksplorasyon ng mga Europeo
>> Malalaman ang mga pangyayari sa Unang Yugto ng Kolonyalismo
>> Makikilala ang mga Europeong nanguna sa eksplorasyon
>> Masusuri ang epekto ng eksplorasyon at Unang Yugto ng Kolonyalismo
sa kasalukuyang panahon

PAUNANG PAGSUBOK

Lagyan ng kung tama ang ipinapahayag na epekto ng Kolonyalismong Kanluranin at X kung


mali.
_____1. Ang paglaganap ng sakit.
_____2. Naging sentro ng kalakalan ang Europa.
_____3. Slave Trade.
_____4. Ang daigdig ay hindi bilog at patag.
_____5. Pagkamatay ng marami dahil sa kakulangan ng nutrisyon.

BALIK-ARAL

Picture Call-Out
Panuto: Kilalanin kung sino ang inilalarawan sa bawat larawan.

1. 2.

Nadiskubre niya sa Isang Trade Outpost ang


kanyang paglalakabay itinatag niya sa rehiyon
ang cape of Good Hope ng New Amsterdam
3. 4.

Ang kaniyang paglalakbay Itinatag niya ang Quebec bilang


ang nagpatunay na unang kolonyang French
maaaring ikutin ang mundo
.

5.

Narating niya ang Calicut India


sa kaniyang paglalakbay

ARALIN

Mga Epekto ng Eksplorasyon.

Nang magsimula ang panahon ng paggalugad noong ika-15 siglo marami itong naging
epekto hindi lamang sa mga bansang Europeo higit lalo sa mga bansang naging kolonya nito. Una,
naging sentro ng kalakalang pandaigdig ang Europa. Dahil sa pagdami ng salapi, lumawak ang
kalakalan at namuhunan ang mga negosyante sa malalaking negosyo. Ikalawa, Umunlad at
naitama rin ang maraming kaalaman tungkol Heograpiya. Halimbawa nito ay nang mapatunayan
ng circumnavigation ni Magellan na lahat ng karagatan sa daigdig ay magkakaugnay at ang ating
planeta ay bilog at hindi patag. Ikatlo,Ang pagtaas ng populasyon ng Europe ay isa rin sa
pangmatagalang epekto ng eksplorasyon. Dahil sa unti-unting pagtaas ng produksiyon ng pagkain
sa pagpasok ng yaman sa Europe ay nabawasan ang bilang ng mga namamatay dahil sa sapat na
nutrisyon. Ikaapat,Ang paglaganap ng sakit. Ang mga barkong Europeo ay nagdala ng mga sakit
gaya ng yellow fever at malaria mula sa Africa tungo sa New World. Malaking bahagdan ng
populasyon ng Amerika ang namatay dahil sa mga sakit at digmaan laban sa mga Europeo.
Ikalima, ang pandarayuhan dahil sa ekplorasyon ay naging sanhi upang mabuo ang mga bagong
nasyon na may iba’t-ibang uri ng lahi at kultura.
Ang Kalakalan ng Alipin (Slave Trade)
Ang pinakamalubhang epekto na marahil ng Eksplorasyon ay ang
Kalakalan ng Alipin. Naging malaking pangangailangan ng mga bansang
Europeo ang mga manggagawa sa kanilang mga plantasyon. Dahil sa
kakulangan ng mga magtatanim sa plantasyon ay naging kalakalan ang
pakikipagpalitan ng mga produkto para sa mga aliping itim na
magtratrabaho sa mga taniman. Ginawang hanapbuhay ng mga Europeo
ang maghanap ng mga alipin sa Aprika maging gumamit man ng puwersa at
pangaabuso sa mga ito.
Napakahirap ng ginagawang paglalakbay ng mga alipin, Tight
Packing ang isinasagawang pagsakay ng mga alipin sa barko. Sa
sistemang ito, binibigyan ang alipin ng espasyo na kasya lamang sa
kanya kung nakahiga siya na parang fetus o gaya ng sanggol sa loob
ng tiyan ng kanyang ina. Sa ganitong sitwasyon marami ang
namatay sa paglalakbay pa lamang. Ang kalakalan ng alipin ay
naging dahilan upang mabawasan ang populasyon sa Africa. Nasira Tight Packing
ang kultura ng Africa dahil sa pamamayani ng impluwensiya at sistemang Kanluranin. Ang mga
ganitong sitwasyon ay naging daan sa mga pag-aalsa ng malaking bilang ng mga aliping itim laban
sa mga puting nangabuso sa kanila.
Pagsapit ng 1807, ipinagbawal na ng mga English ang kalakalan ng alipin. Dahil sa
Rebolusyong Industriyal, ang interes ng mga Europeo sa Africa ay bilang pinagkukunan ng mga
hilaw na materyales na lamang.

Gawain 1: Slogan
Panuto: Gumawa ng Slogan sa epekto ng Eksplorasyon at Kolonyalismong Kanluranin

Gawain 2: Simbolismo
Panuto: Gumuhit ng isang simbolo sa hindi mabuting epekto ng eksplorasyon at Kolonyalismong
Kanluranin. Ipaliwanag sa 3-5 pangungusap bakit ito ang napili momg simbolo.
PAGLALAHAT
Acronym

Panuto: Magbigay ng mga salita sa bawat titik ng salitang KOLONYALISMO na magbubuod at


magpapaliwanag sa kabuuan ng paksa sa Unang Yugto ng Kolonyalismong Kanluranin

Reflective Journal
Panuto: Kumpletuhin ang Open-Ended na pahayag
Ang Kolonyalismo ng mga Kanluranin ay __________________________________________ na
nagbukas sa ____________________________________ ay lubhang mahalaga nating matutunan dahil
___________________________________________________.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Pagsulat ng Sanaysay

Panuto: Ipahayag ang inyong pananaw sa pamamagitan ng pagsulat ng isang sanaysay tungkol
sa hindi mabuting epekto ng Kolonyalismo-ang Slave Trade o Kalakalan ng mga Alipin.
SUSI SA PAGWAWASTO

ng isinulat na sanaysay
ang mensaheng nais iparating Vasco de Gama 5.
2-lubos na naunawaan Samuel de Champlain 4.
ang opinyong ipinahayag Ferdinand Magellan 3.
3-maliwanag at maayos Henry Hudson 2.
Rubrics Bartholomeu Dias 1.

Panapos na Pagsusulit Paunang Pagsusulit

Sanggunian
Aklat
Blando, Rosemarie C; Michael, Mercado M; Mark Alvin M; Cruz, Angelo C; Espiritu, Edna L;
DeJesus, Asher H; Pasco, Rowel, S; Padernal, Yorina, C; Manalo, Kalenna Lorene, Asis S;
2014. KASAYSAYAN NG DAIGDIG: Araling Panlipunan, Modyul Para sa Mag-aaral. Pasig,
City: Department of Education-Bureau of Learning Resources (DepED-BLR)
Mateo, Grace Estela C; Rosia, Tadena, D; dl Jose Mary Dorothy, Balonso Celinia, E; Boncan,
Celestina P; Ponsaran, John N; Ong Jerome, A. 2012. KASAYSAYAN NG
DAIGDIG:Batayang Aklat sa Araling Panlipunan. Quezon,City: Vibal Publishing House Inc.
Soriano, Celia, D; Antonio, Eleanor D; Imperial, Consuelo, M; Samson, Maria Carmelita, B.
2017. KAYAMANAN:Kasaysayan ng Daigdig,Batayang Kaganitang Pampagtuturo.
Quezon,City: Rex Printing Co.

DepEd Project Ease Module Araling Panlipunan, Modyul 14

Mga Larawan

“Tight Packing”n.d.wordpress.com.Accessed September


25,2020.https://kimberlyesc.wordpress.com/2017/04/(Tight Packing)
“African Slavery”n.d.wikipedia.org.Accessed September
25,2020.https://en.wikipedia.org/african slavery

You might also like